noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Feb 09, 2022

Chapter 9

Chapter Nine

N

ANG

magising siya kinabukasan ay nag-iisa

na lang siya sa silid. Hindi siya agad bumangon at ibinalik sa isip ang nagdaang gabi. Dinama ng palad ang unan ni Alvaro. She smiled. Somewhere in the night, nang damputin niya ang tasa ng kape ay malamig na iyon. Still, ininom pa rin niya sa pagtawa ni Alvaro.

He made love to her endlessly through the night. Ang tanging ipinagpasalamat niya ay walang itinanong ang binata. And she was glad. Hindi niya gustong magpaliwanag. She will be gone soon. Kung anuman ang mangyayari at totoo ang sinasabi ni Marvin sa kanya, at least nakahanda siya. Hindi mapagtatawanan ni Marvin si Roy. At hindi iisipin ni Marvin na ibang lalaki ang nakialam sa katawan niya.

Marahan siyang bumangon. Kinuha ang tuwalya sa sahig at itinapis at lumabas ng silid patungo sa sariling silid niya. Naligo at nagbihis ng denims at

t

-shirt. Pagkatapos ay binuksan ang bintana sa silid at natambad sa kanya ang mainit na sikat ng araw. Tila hindi nagdaan ang isang

malakas na ulan kagabi. Paalis na siya sa bintana nang may mapansin sa kanang bahagi ng Villa.

A cessna! Ano ang ginagawa ng isang maliit na eroplano sa tagiliran ng villa?!

Lumabas siya ng silid upang bumaba. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makarinig siya ng mga tinig. Ang isa ay kay Alvaro. Hindi niya kilala ang nagsasaiita sa galit na tono.

“Well, I’m sorry, pero hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi ng lalaking iyan!” galit na wika ni Alvaro.

“Damn you, have you ran out of women at pati may asawang tao ay gusto mong patulan!” sigaw ni Franco sa anak sa nagpupuyos na dibdib.

“Franco, please, napag-uusapan naman nang maayos ito.”

s

i Bea na nag-aalala. Kung galit ang asawa ay lalo niyang nakikita ang galit sa mukha ng panganay na anak. At hindi niya gustong magtagpo ang mag-ama na parehong mainit ng ulo. Kilala niya si Alvaro. Kapag palagay ng anak na tama ito, walang makapipigil sa gustong sabihin at gawin. Sinulyapan ang isang lalaking nakatiim ang mga bagang na nakaupo sa dulo ng sala.

“Walang asawa si Kristine, Papa. She was a widow,” mariing sagot ni Alvaro sa nagngangalit na mga bagang. Kung nakamamatay ang tinging

ipinukol niya sa bisitang kasama ng ama ay namatay na ito.

“She was my brother’s widow, Mr. Navarro,” ang sagot ng lalaki.

Napasinghap si Kristine. Kilala niya ang tinig na iyon. Si Marvin! Ano ang ginagawa ni Marvin dito? Paano siyang nasundan ng bayaw dito? Walang ingay na muli siyang pumanhik. Pumasok sa isa sa mga guest rooms. May daan doon patungo sa library sa ibaba at mula roon ay makalalabas siya nang hindi namamalayan ng kahit na sino.

“Iyan ang pagkakaalam ko, Mr. Cuevo,” sagot ni Alvaro. “Isinulat iyan ng mga kapatid ko. And she’s been widowed for more than six months now.”

“But Kristine married me one month after my brother died. Then we went back to Houston for our honeymoon. And we were

still

on our honeymoon nang sabihin niyang bumalik na kami ng Pilipinas. I was tied up then kaya pinauna ko siya.”

n

apapikit si Marvin.

Nang lapitan nito ang kaibigan ni Kristine na si Jennifer Navarro ay inamin nitong nagbabakasyon sa rancho nila sa Pilipinas si Kristine pero hindi gustong sabihin kung saan. At least, he was able to track down the Navarro family. Hindi mahirap dahil kilala ang mga ito. At hindi siya makapaniwalang nagkaroon ng mga ganitong kaibigan ang hipag. They’re living above average pero sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay

talagang nakatagpo ito ng mga totoong milyonaryo. The so-called rich and famous.

“Bakit ka niya pakakasalan kung kamamatay lang ng asawa niya, Mister Cuevo?”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marvin. “Mahabang istorya, Mr. Navarro...”

“You have my whole day,” sarkastikong sagot ng binata.

“Dammit, Alvaro!” hiyaw ni Franco. “Bakit kailangang malaman mo kung paano nagkapangasawahan si Mr. Cuevo at ang bisita mo? Tawagin mo ang asawa niya at nang makauwi na sila.”

“Please, hindi ba tayo puwedeng mag-usap tulad ng mga sibilisadong tao?!” Si Bea.

“Try telling that to your son, Mrs. Navarro,” sagot ni Marvin. “Hindi ko maintindihan kung bakit pinahihirapan mo ako, Mr. Navarro, na makausap ang sarili kong asawa. Mapapatunayan niya sa iyong mag-asawa kami.”

“Sinabi ni Kristine ang tungkol kay Roy pero hindi ang tungkol sa iyo, Mr. Cuevo. Minsan man ay hindi niya binanggit ang pangalan mo.”

Nagbuntong-hininga si Marvin. Trying to be patient. “I am really sorry about this Mr. Navarro. Pero hindi pa talaga naka-recover ang asawa ko

sa nangyari kay Roy. She loved him so much that when he died she was devastated.”

Matalim na humugot ng paghinga si Alvaro. Parang patalim na humihiwa sa kanya ang sinabi ni Marvin. Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamatigas siyang ipakausap dito si Kristine. He had wanted her ever since that night sa hotel sa Sto. Cristo.

And he got her last night just as he got the biggest surprise of his life. His wild rose, this little pretty widow is a virgin. Oh, no, not anymore. He took care of that pretty well.

And he’ll be damned kung papayagan niyang tangayin ng kung sinong herodes na ito na nagpapanggap na asawa si Kristine.

“One of the reasons why I married her dahil sa tendency niyang basta na lang nawawala mula nang mamatay ang kapatid ko,” patuloy ni Marvin. “I need to protect her just as my brother did. You see, she had been with the family since she was a child and Roy adored her from the very beginning,”

wika nito sa mapait na tinig.

Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan nito at nilinga ang mag-asawa. “And I’m only glad na dito nagpunta ang asawa ko, Mrs. Navarro. Baka kung ano ang nangyari sa kanya kung sa iba siya nagpunta. She’s very pretty and she attracted men like bees to honey.”

m

ay halong banayad na sarcasm ang tinig ni Marvin na alam ng lahat ng patungkol kay Alvaro.

Nagtiim ang mga bagang ng binata. Damned this lying SOB! Hindi siya naniniwala alinman sa sinasabi nito maliban sa naging biyuda ni Roy si Kristine.

“Please, maaari ko na bang makita at makausap ang asawa ko?”

Hinawakan ni Bea sa braso ang anak. “Darling, why don’t you tell us where she is nang matapos na ang usapang ito?”

Isang banayad na tango ang isinagot ng binata na humakbang patungo sa hagdan. Gusto niyang makausap muna si Kristine at hingan ng paliwanag.

He took his time going up. Torn between anger, jealousy and possessiveness. Ang tanging nakapagpigil ng kontrol ay ang katotohanang siya ang unang lalaking umangkin dito.

MALAYO na si Kristine sa villa sakay ng kabayong sinakyan niya kahapon. Sa pagkakataong iyon ay banayad niyang napatakbo ang kabayo sa kabila

ng matinding kaba na baka siya maihulog. Wala siyang dinala maliban sa pera, VISA cards at passport niya.

Lumingon siya sa pinanggalingan. Maliit na lang sa paningin niya ang malaking bahay sa ibabaw ng bundok at napahikbi siya. Hindi niya gustong umalis. Gusto niyang manatili sa piling ni Alvaro sa mahaba-haba pang panahon. She loves him at kung hindi dumating si Marvin ay hindi pa niya gugustuhing umalis.

Definitely, Alvaro wouldn’t want to marry her kahit na nga ba ito ang unang lalaking umangkin sa kanya. Niliwanag na sa kanya ni Jenny na hindi si Alvaro ang uri ng lalaking patatali sa kasal. At sinabi rin mismo ni Alvaro iyon.

But she was a widow. At sasamantalahin niya ang panahong makapiling si Alvaro. Napangiwi siya roon. Ginagamit niya ang katayuan niya para bigyang lisensiya ang pakikipagtalik. Nasaan na ang moralidad at values niya?

Sa loob ng panahon mula nang mamatay si Roy ay hindi birong lalaki ang nagtangkang maangkin siya. Ang iba ay malinis ang hangarin. At kung pinayagan niya ang suhestiyon ni Marvin na manatili sa apartment nila ni Roy sa Houston ay

malamang na naangkin na siya nito. Hindi dahil sa gusto niyang paangkin, Roy would not hesitate to rape her. Sasabihing may lisensiya ito bilang asawa. Napahikbi siyang muli roon. Hindi alam kung ano talaga ang nangyari.

“Ho!” Banayad niyang hinila ang renda ng kabayo. Nasa harap siya ng dalawang magkasanga at magkasinlaking daan. Parehong may mga bakas ng gulong ng sasakyan ang nagpuputik pang lupa dahil sa malakas na ulan ng sinundang gabi.

Alin doon ang palabas ng rancho?

Nasa ganoon siyang kalituhan nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. Kinabahan siyang bigla. Nasundan ba siya kaagad ni Alvaro? Mula sa bukana ng isang sangang-daan na pinag-iisipan niya ay lumitaw ang binata at ang malaking stallion.

“Alvaro...”

h

indi halos lumabas sa bibig niya iyon. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito na hindi man lamang nagmenor sa pagpapatakbo ng kabayo.

Pagtapat sa kanya ay matipunong bisig ang humawak sa baywang niya. Napasigaw siya sa matinding takot nang sa isang iglap ay tumaas siya sa ere at bumagsak sa harap ng binata. Halos bumaon ang mga daliri niya sa mahigpit na paghawak sa mga balikat nito habang patuloy sa pagtakbo nang mabilis ang kabayo. Hindi niya malaman kung paano ipupuwesto ang sarili sa harap ng binata.

“Stop this horse, Alvaro!” hiyaw niya pero hindi pinakinggan ng binata iyon. “Damn you, sino ikaw sa palagay mo, si Marlboro man!” Subalit nilunod ng hangin ang sigaw niya. Ang buhok niya’y

tumabon sa kanyang mukha at bibig at hindi niya maalis dahil mahigpit siyang nakahawak sa mga balikat nito. Alam niyang mahigpit na nakahawak ang isang kamay ni Alvaro sa baywang niya but she was scared na mahulog kung bibitaw.

“Huwag mo akong ibalik kay Marvin, Alvaro, please! I’d rather die!” malakas niyang sigaw na sa pakiramdam niya’y nag-echo na sa buong paligid.

“I won’t, babe, I won’t...” he said in a barest whisper.

Iyon lang and hopelessly she stopped shouting at inihilig ang ulo sa dibdib nito. Closed her eyes at nilunod ang sarili sa exciting male scent ng binata. And to hell with everything else as long na hindi siya ibabalik nito sa villa at harapin si Marvin.

Mula sa mga balikat ng binata ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito. Opened a few buttons and played with the hair on his chest. He stiffened and it encouraged her to grazed her tongue tentatively on his nipple. He groaned at naramdaman niyang bumagal ang kabayo.

“Damn you, Kristine, don’t do that or you will be made love to right here on horseback,” banta ng binata in a husky voice.

She could feel the growing muscles. Tumingala siya and smiled provocatively. “I’m still sore but I won’t mind. Some kind of an experience and that

is what you would really call a rough ride...”

“Wild rose, pagbibigyan ko iyang kalokohan mo isa sa mga araw na ito pero hindi ngayon,” he promised in a strained voice. “We need to talk.”

Makalipas ang ilang segundo pa ay huminto ang kabayo. Ibinaba siyang una ni Alvaro at saka ito sumunod. Inikot ni Kristine ang mga mata, sa harap nila’y isang log house.

“Nasaan tayo?”

“In my cabin,” sagot ng binata na itinali ang kabayo sa isang puno. “Dito kami natutulog nina Lance at Nick pag nagka-camping kami at nangingisda. Sa likod niyan ay ilog...”

h

inawakan nito sa braso si Kristine at inakay patungo sa cabin. Itinulak ang pinto na yari sa mga puno ng kahoy na hinati sa gitna. Lumangitngit ang pinto.

Ang naroon ay katre at dalawang silyang yari sa pinong kawayan at mesang kahoy na rough ang pagkagawa. Marahas siyang iniupo ng binata sa katre. Lumakad patungo sa bintana at binuksan ito. Pumasok ang hangin sa loob. Pagkatapos ay binalikan si Kristine.

“Now, start talking. Sino si Marvin? Asawa mo ba siya?” asik ni Alvaro.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “H-hindi ko alam, Alvaro...”

“Hindi mo alam!” sigaw ng binata. She winced.

“Umpisahan mo sa umpisa, Kristine....” he urged in a dangerous tone.

Tumayo siya at lumakad patungo sa bintana. Wala siyang natatanaw na ilog dahil sa kapal ng mga puno at kung ano-anong damo pero naririnig niya ang marahang lagaslas na agos ng tubig. Kung hindi lang sa galit sa tinig ni Alvaro ay gusto niya itong yayaing bumaba sa ilog.

“Hindi totoong magkapatid sina Roy at Marvin, Alvaro. Kaming tatlo were both adopted by our parents. I was six years old nang ampunin ng mag-asawang Cuevo. They were missionaries mula sa isang religious sect. Hindi sila mga Pilipino. Ang Papa ay Mexican. Ang Mama ay isang

a

merican at taga-Texas. Marvin was ten and Roy was fifteen. Pinalaki kaming parang totoong magkapatid ng mag-asawa and Roy adored and loved me like a real sister.”

“I was on my early teen when Marvin showed some signs na hindi lang kapatid ang pagtinging iniuukol niya sa akin. Iba siya kaysa kay Roy at nahirapan talaga ang mga magulang naming pakitunguhan siya. A little rough and troubled. Nang mamatay ang mag-asawang Cuevo ay sa amin pinamana ang mga ari-arian nila. Only, hindi sa pantay-pantay na paraan.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Roy got the lion’s share, sabi nga. I didn’t really mind. He deserved it dahil pinamahalaan niya nang husto at maayos ang negosyong ipinagkatiwala ng Papa at Mama sa kanya. Pero hindi si Marvin. Kung tutuusin ay wala naman talaga kaming minana ni Marvin kundi isang maliit na pension buwan-buwan. Although enough para hindi kami magutom.

“Isang araw ay kinausap ako ni Roy. Ipinagtapat niya sa akin ang tungkol sa muscular disease na matagal na niyang dinaramdam. At na hindi magtatagal ay mamatay siya...”

n

abasag ang tinig niya sa bahaging iyon. “Iyon ang kauna-unahang pagkakataong umiyak ako nang husto. I really loved him, you know. He was more than just a brother. Ang mga magulang namin ay lagi sa missionary work at si Roy na ang nagsilbing mga magulang at kapatid at kaibigan ko, all rolled into one. He protected me from Marvin’s advances sa maraming pagkakataon. Hindi matanggap ng isip kong mamamatay siya.”

“So he suggested marriage,” wika ni Alvaro na

kahit paano ay nagkaroon ng paghanga sa taong hindi na nito makikilala pa.

“Yes. Alam ni Roy na kapag namatay siya ay kay Marvin mauuwi ang lahat ng mga minana niya mula sa mga Cuevo, iyon ang nakalagay sa testamento nila. Malibang nag-asawa si Roy na kung saan sa asawa siyempre mapupunta ang maiiwan niya.”

“Paanong nangyaring sinasabi ni Marvin na asawa ka niya?” Muli ang galit sa ilalim ng tinig nito.

“Hindi ko alam, Alvaro. Roy died in Texas pero dito siya inilibing sa Pilipinas dahil iyon ang gusto niya. Makalipas ang ilang buwan ay ipinakita sa akin ni Marvin ang marriage contract naming dalawa. That I agreed to marry him in one of those early days na namimighati ako sa kamatayan ni Roy and signed the documents...”

“Paanong nangyari iyon?” naguguluhang tanong ng binata.

Umiling siya. “Hindi ko alam. I was in total misery at ang tanging kasama ko ay isang matapat na katulong. I remembered signing some papers pero hindi naman siguro marriage contract iyon. Tungkol iyon sa negosyo ni Roy. Nasa papeles ang signature ko. I’m sure it was my signature. Oh, Alvaro, hindi ako pakakasal kay Marvin kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa buong lupa!” pahikbi niyang sinabi.

Humakbang ang binata palapit at dinala siya sa dibdib nito. “Hush... naniniwala ako.”

“Umalis ako patungong Texas nang hindi nagsasabi sa kanya. A week later ay sumunod siya sa apartment namin ni Roy at sinabi niyang bilang asawa ko ay may karapatan na rin siya sa lahat ng mga ari-arian namin ni Roy.”

p

inahid ng

kamay niya ang luha sa mga mata. “That was the time na umalis ako ng apartment and asked your sister for help. And you know the rest.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. Hinagkan sa buhok si Kristine. “Let’s go home. I want you to face him.”

Marahas siyang umiling. “Hindi! Hayaan mo na lang akong umalis, Alvaro, kaysa ibalik mo ako sa kanya.”

“Trust me, Kristine. Trust me.”

Naguguluhang tumingala siya rito. And she’ll be damned but she did trust him.