Chapter 6
Chapter Six
P
AGKATAPOS
nilang kumain ay sinamahan siya ni Erlinda sa isa sa mga silid sa itaas.
“I hope you will like this room, Kristine. Nakatanaw ito sa dagat.”
“Thank you, Mrs. Gascon. Napakaganda ng silid na ito.”
Antique ang four-poster bed at may kurtinang nakapaligid sa itaas na tila para sa isang prinsesa sa isang Arabian movie. Malalaking kahoy na narra ang dingding in natural varnish. Ang malalaking aparador at tokador ay kulay-itim at may mga ukit ang mga kahoy. French windows ang mga bintana.
Ang buong villa ay yari sa pulang bricks at adobe. Ang tanging kahoy ay ang mga balustre sa malaking hagdan at ang panelling ng mga silid sa itaas. Malaki at marangya ang villa para sa ganitong lugar. She wouldn’t have been surprised kung nasa ibang bansa sila tulad ng Scotland kung saan common ang mga ganitong uri ng bahay sa isang ilang na lugar. Pero nasa Pilipinas siya at sa isang remote place somewhere in the province of Quezon. One of its islands.
Humakbang siya patungo sa bintana at
binuksan ito. Humampas sa mukha niya ang hanging-dagat. She inhaled it softly. Nagtatakang nilingon niya ang matandang babae na nakatayo lang sa gitna ng silid at nakamasid sa kanya.
“Nakapaligid sa villa ang dagat pero bakit nasa ibaba yata ang dagat? At ano po iyong tila lagaslas ng tubig na naririnig ko?”
Bahagyang ngumiti ang matanda. “Ito ang pinakamataas na bahagi ng isla. Thirty meters from this house, diyan sa natatanaw mo ay isang cliff na may hindi kalakihang waterfalls na bumabagsak sa isang lawa patungong dagat.”
“Oh, my!” bulalas niya. “Nang sabihin sa akin ni Jenny na maganda ang lugar na ito ay hindi ako gaanong naniwala.”
“My grandchildren loved this place, Kristine.”
m
ay pagmamalaki sa tinig ng matandang babae. “Lalo na si Alvaro. Lance and Jenny can live in another place at okay lang. Pero hindi ang panganay kong apo. Para kay Alvaro, this is his home. There’s no place on earth that would lure him to leave this place. `Pag inalis mo sa islang ito si Alvaro ay para mong inalis ang isda sa tubig.”
“I can’t blame him,” she whispered softly. Ibinalik ang tingin sa labas ng French window. “Maaari ko bang makita ang cliff mamayang
hapon?” Naroon ang wistfulness sa tinig niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti nang totoo si Erlinda. “Kung gusto mo, hija.”
Lumingon ang dalaga. “Thank you, Mrs. Gascon. Salamat din sa pagtanggap ninyo sa akin dito.”
“You’re welcome, Kristine. At lola na lang ang itawag mo sa akin. Iyon ang tawag ng halos lahat ng mga tagarito sa akin. Masyadong pormal ang Mrs. Gascon.”
ALAS-
kuwatro
na ng hapon nang bumaba si Kristine. Hindi niya namalayang nakatulog siya nang iwan siya ni Erlinda sa silid. Pinagsamang pagod at jet lag. Hindi niya nakita sa ibaba si Erlinda o kahit si Alvaro. Ang naroon ay mga katulong. Minabuti niyang tunguhin na ang likod ng villa.
Humigit-kumulang sa pitong minuto ay naroon na siya sa edge ng matarik na cliff. Nakita niya ang isang maliit na waterfalls na bumabagsak patungo sa dagat sa ibaba. At hindi niya madesisyunan kung dagat nga ba o ilog dahil ang
binabagsakan ng talon ay isang pabilog na lawa na may munting daan patungo sa karagatan.
“Oh, you’re breathtaking!” wala sa loob na bulalas niya.
“Are you referring to me or to this place?”
Gulat siyang lumingon. Si Alvaro. Nasa ibabaw ng malaki at magilas na stallion na kasing-itim ng gabi ang kulay. Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya. At kung sasagutin niya ang tanong nito ay natitiyak niyang hindi siya agad makakapagdesisyon.
The man himself is like one of those mythical gods. Breathtakingly handsome. His skin dark as sin. Marahil ay sa pananatili sa arawan sa loob ng rancho. His white cotton shirt was wet with sweat at bukas ang mga butones up to his navel. Ang matipunong dibdib nito ay kumikislap sa pawis at tila binudburan ng mumunting balahibo pababa hanggang... oh! Biglang nag-init ang mukha niya sa kasukdulan ng pagtitig niya rito.
She inhaled sharply. Inalis ang mga mata roon at inilipat sa mukha ng binata. Which is another mistake dahil mas maraming dapat suriin doon. Dark eyes and a perfect straight nose. May mga balbas na nakapaligid sa mukha nito na marahil ay tumubo sa buong magdamag. He was really a handsome man. Parang nililok.
“Hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. The way you gazed at me as if you wanted to devour my body, alam ko na ang sagot,” wika nito na tumaas ang sulok ng bibig. His eyes teasing. “You admire my body.”
Pinamulahan ng mukha si Kristine. “You’re... conceited...”
b
ahagya siyang nautal pero hindi ikinaila niyon ang iritasyon sa tinig niya.
“C’mon, Kristine, be honest once in a while,” patuloy ng binata sa panunukso. Inihilig ang mga braso sa batok ng kabayo. “Mula pa sa hotel ay hindi na matapos-tapos ang pagtitig mo sa katawan at mukha ko.”
“How did you get here? Bakit hindi kita
namalayan?” paangil niyang tanong upang maiba ang usapan.
“Nakita kitang papunta rito kaya inunahan na kita. I used the shortcut.”
l
umingon ito at itinuro ang dinaanan. “Hindi mo kabisado ang lugar baka ka magkabisala. Ang iba sa mga bato ay mabuway.” Hindi nakaila kay Kristine ang concern sa tinig nito at nawala ang inis niya.
Muling niyang nilingon ang ibaba. “Breathtakingly beautiful but scary,” patuloy niya na sinikap sipatin ang ibaba ng cliff. Pagkatapos ay lumingon kay Alvaro na seryoso ang mukhang nakatingin lang sa kanya. “This is paradise, Alvaro.”
“I’m glad you like my home, Kristine.”
n
arinig niya ang emphasis sa pagtukoy nito ng
‘my home’
ganoon din ang warmth sa tinig ng binata. “Kahit pa sabihing malayo ito sa kabihasnan. Alam mo bang ito ang pinakamataas na bahagi ng isla?”
“I—guess so and I couldn’t blame you for loving this place,” she said breathlessly. Iginala ang paningin sa kanang bahagi ng villa kung saan matatanaw ang malawak na kaparangan. Ang mga
damo ay tila berdeng carpet na inilatag sa lupa. Natatanaw niya ang mga nanginginaing laksa-laksang baka. Ang mga ranchero ay nasa paligid. “This is one of God’s masterpieces!” Muli niyang ibinalik ang tingin sa karagatan at itinukod ang mga braso sa bato.
“Mag-iingat ka!” babala ni Alvaro.
“Don’t worry, wala akong phobia sa height,” sagot niya at niyuko ang kailaliman ng cliff. Sa ibaba ay bumabagsak ang talon sa malalaking bato. Itinaas niya ang paningin sa malawak at asul na karagatan. “Pacific Ocean?” Tumango ang binata na bumaba mula sa kabayo at lumapit sa kanya.
“This is heaven, Alvaro,” she said in a sincere tone. Nasa mga mata ang kasiyahan sa lugar.
“Alam mo ba ang ibig sabihin ng Alta Tierra?”
“Alta is high and tierra is land...” alanganing sagot ni Kristine. Nakikita niya ang kislap sa mga mata ng binata.
“Highland, that’s right,” he said softly. “And there’s no place on earth like my home, Kristine. Lulubog marahil ang ibang mga isla sa paligid pero hindi ang Alta Tierra. This is so high you could think you have reached heaven and God.”
Hindi makakilos sa kinatatayuan niya si Kristine sa intensidad ng tinig ni Alvaro. She was stunned. Alvaro was in love. He was in love with this place called Alta Tierra. Na para bang ang Alta Tierra ay
isang babae.
“Ang buong rancho ay mga munting burol at mga bundok subalit sagana sa sariwang damo ang mga baka. My father suggested na magkaroon dito ng food processing plant pero hindi ako pumayag. Masisira ang kapayapaan ng lupain ng Alta Tierra. Magkaroon ng maraming mga tao bilang trabahador.
“At natitiyak kong magpapagawa ang Papa ng pantalan. Para sa akin ay tama na ang FN International kung saan doon ipina-process ang meat products.”
n
gumiti ang binata sa kanya. “Hindi mo ba iniisip na hinahadlangan ko ang pag-unlad ng Alta Tierra?”
Mabilis siyang umiling. “Of course not. Tama na ang Maynila sa maraming buildings and factories and skyscrapers and modern technologies and all that...”
“I’m glad you agree with me.”
m
uling ngumiti ang binata at tinanaw ang dagat. “Alam mo ba na may mga panahong makakakita ka ng sea lions sa dagat na iyan?” Inginuso nito ang malalim na dagat saibaba.
“You’re pulling my leg, Alvaro! Wala pa akong nakikitang sea lion!”
“Hindi ako nagbibiro. One of these days ipakikita ko sa iyo.” Pagkatapos ay naupo sa bato ang binata. “The white beaches are fantastic at malimit kaming maligong magkakapatid doon noong mga bata pa kami. Sometimes with Nick.”
k
umislap ang mga mata ni Alvaro sa alaala ng kabataan.
“Sino si Nick?”
“A very close friend. Kababata. He is almost like a brother to us. May asyenda siya sa Sto. Cristo.” Muling itinuon nito ang mga mata sa mukha ni Kristine. Gazing at her face a little longer as if memorizing every line. Umiwas siya ng tingin. “At hindi lang ang dagat ang mayaman sa Alta Tierra,
Wild Rose.
We have here the valleys and the hills na puno ng wildlife.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Kristine. “A-ano ang tawag mo sa akin?”
“Wild rose.”
“W-why?”
“You looked like a rose. Soft like its petals, vulnerable at times. Pero naroon ang tinik. Your eyes sparked fire when angry tulad noong unang makita
kita sa bar. Ni hindi ka natakot sa mga lasing. You balked at me. Then you softened nang makita mo ang sugat ko. At kanina nang tanungin kita ng totoong dahilan kung bakit ka narito ay nakita ko ang takot sa likod ng mga mata mo sa kabila ng inis na ipinakikita mo.”
Napahugot ng marahang paghinga si Kristin. “B-bakit wild?”
“Dahil tulad ng mga bulaklak na ligaw sa parang ay bigla ka na lang dumating sa Alta Tierra.”
n
gumiti muli si Alvaro sa kanya at napalunok siya.
Sandaling nanatiling tahimik si Kristine. Sa loob ng ilang sandali ay dalawang bagay ang ipinaliwanag sa kanya ni Alvaro. First was his description of his home. The mythical sea lion that he was talking about na hindi naman niya kilala kung ano talaga iyon. At ang mga bundok at gubat. Pangalawa ay siya, ang description ng binata sa kanya na tila siya ay isang bulaklak sa kaparangan ng Alta Tierra. Na para bang bahagi siya ng wilderness ng Alta Tierra.
She was amazed by her own thoughts. Ibinalik niya ang tingin dito. “Your home is paradise, Alvaro. At nagagalak akong narito ako... kahit pansamantala.”
n
agtataka siya kung bakit may nararamdaman siyang sakit sa dibdib sa huling sinabi.
Si Alvaro ay pumormal. Tumayo. “Tayo nang
umuwi.”