noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Feb 09, 2022
Prev Next

Chapter 10

Chapter Ten

“K

RISTINE,

darling!” salubong ni Marvin na nakalahad ang mga kamay upang yakapin si Kristine.

Napahawak siya sa braso ni Alvaro at nahinto sa pagpasok.

“Hanggang diyan ka na lang, Mr. Cuevo,” babala ni Alvaro na nagpahinto sa paglapit ni Marvin.

“Ano ang ibig sabihin nito, Mr. Navarro?”

“Alvaro, maaari bang ipaubaya mo na kay Mr. Cuevo ang asawa niya?” Si Franco na ang

pagtitimpi sa anak ay gusto nang humulagpos.

“Sinabi ni Kristine ang sirkumstansiya ng pagpapakasal niya sa iyo, Mr. Cuevo,” patuloy ni Alvaro na hindi pinansin ang ama. Si Bea ay hinagod ng tingin ang nahihintakutang mukha ni Kristine.

“But of course, walang dahilan para itago iyon. She is my wife and supposedly still on our honeymoon. Kristine, darling, let’s go home. Ano ba ang nangyayari sa iyo..?”

“Hindi ako sasama sa iyo, Marvin.”

p

ilit niyang pinatatag ang tinig.

Napasinghap si Bea. Si Franco ay nagmura. Hindi nito maintindihan na napaugnay ang anak sa ganitong walang kuwentang mga bagay. At lalong hindi nito maintindihan ang interest na ipinakikita ni Alvaro sa babae. All right, she’s pretty and sexy, pero hindi birong magagandang babae ang nahuhumaling kay Alvaro. At ang isang ito ay may asawa!

“I know you’re still upset, Kristine, darling. Let’s go home and let me take care of you,” samo nito at pagkatapos ay nilingon ang mag-asawa. “Salamat sa inyo, Mr. Navarro. We wish to be transported back to Manila now, if you don’t mind.”

Bago pa nakakilos si Franco ay muling nagsalita si Alvaro. “Hindi ko alam kung paano mo nagawang palabasing kasal kayo ni Kristine, Mr. Cuevo. Pero ito ang tinitiyak ko sa iyo, get yourself a good lawyer dahil titiyakin kong alamin ang buong sirkumstansiya!”

“You’re crazy!” nanlaki ang mga matang wika ni Marvin. “Kristine is my wife. You cannot prove otherwise...”

“I can and I will, Mr. Cuevo. Hindi siya naging asawa ninuman sa literal na paraan maliban sa legal niyang kasal kay Roy.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Marvin. Gayundin sina Franco at Bea na nagkatinginan.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Si Marvin na tiningala si Alvaro. Alvaro is inches taller.

“Kristine was a virgin when I took her!”

“Oh, Alvaro...” nanlumong wika ni Kristine and

she was blushing. Hindi makapaniwalang sasabihin ng binata ang ganoong uri ng intimacy sa harap ng mga magulang. Bukod pa roon, iyon ang pinakaiiwas-iwasan niyang malaman ni Marvin para kay Roy. Nanlalambot na napaupo siya sa pinakamalapit na silya.

Si Franco at Bea ay pare-parehong nag-angat ng mukha at pinaglipat-lipat ang tingin sa anak at kay Kristine.

“Hindi totoo iyan!” protesta ni Marvin. “She was married to my brother for two years!”

“A marriage for convenience. It was never consummated. At kahit na siguro hindi totoong pagtinging-kapatid mayroon si Roy kay Kristine, he still wouldn’t be able to consummate his marriage with her. Maysakit na si Roy noong mga panahong iyon,” patuloy ni Alvaro.

Binalingan ni Marvin si Kristine. “You, bitch! Pinagkaisahan ninyo akong dalawa ni Roy!” Akma nitong lalapitan si Kristine na biglang napasiksik sa silya.

“Touch her and you’re dead, Mr. Cuevo!”

Nahinto sa paghakbang si Marvin and went still as death.

APAT na araw na mula nang mangyari iyon. Si Marvin ay bumalik sa Texas. Inamin nitong fake

ang kasal and her signature was forged. Natakot ito sa maaaring gawin ng mga Navarro. Kristine was really sorry for him at nangako siyang isa sa mga araw na ito ay ibabahagi niya kay Marvin ang mga naiwan ni Roy. He was entitled to that considering na pare-pareho silang hindi mga anak ng mga Cuevo.

At muli siyang bumalik sa bahay nila ni Roy sa Quezon City. She missed the ranch pero sa nakalipas na apat na araw ay nakadalaw na ng isang beses si Alvaro sa kanya. And they have made love countless of times sa minsanang pagdalaw na iyon.

“LANCE!” bulalas ni Nick nang bumukas ang pinto at sumungaw si Lance kasunod si Alvaro.

Nagkamay nang mahigpit ang dalawa na halos magyakap. “How are you, brother?” nakatawang bati ni Lance. “Tinalo mo pa ang Papa sa ayos mo, ah.” Si Alvaro ay naupo sa visitor’s chair at itinaas ang mga binti sa kabilang silya giving them a lazy smile.

“When did you arrive? How’s Jenny?”

“My plane touched down two hours ago. And my little brat of a sister is fine. Graduating na siya next sem.”

n

aupo si Lance sa gilid ng mesa.

“Bakit ka biglang narito sa Pilipinas, ha, Lance? Balita ko’y jet-setter ka na ngayon. Sino ba ang latest mo ngayon?” nakatawang tanong ni Nick.

Nagkibit ng mga balikat si Lance at pilyong

tumawa. “Not your type so don’t be envious,” biro nito. “At may dala akong proposal sa Papa tungkol sa branch na gustong itayo sa Texas kaya ako narito, Nick.”

P

agkatapos ay tinitigan ang kapatid. “Hindi ba dapat na si Alvaro ang dapat nating kumustahin?”

Nag-angat ng kilay si Nick. “Mayroon ba akong hindi alam?”

“C’mon, Lance.”

s

i Alvaro na naka-plaster na ang ngiti sa mga labi.

“You mean, hindi mo alam?” nagtatakang baling uli nito kay Nick. Pagkatapos kay Alvaro. “How’s that virgin widow na ipinadala namin ni Jenny sa iyo, big brother?”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Nick at tinitigan si Alvaro. “A virgin widow? That’s interesting. May inililihim sa akin ang kaibigan ko.”

“Oh, yes,” patuloy ni Lance na nakatawa. “She was a widow and heaven knows still a virgin after two years of marriage. At gusto ni Kristine na mawala na ang virginity para nga naman hindi sagabal at walang maraming question kung bakit wala pa siyang sexual experience gayong nagkaasawa na at nabiyuda. And when Jenny send her over to Alvaro, well...” nakangising baling nito kay Alvaro na biglang nawala ang ngiti at tumiim ang anyo. “... knowing my brother who has a penchant for mestiza...”

“Well... welll...”

s

i Nick na nagsalubong ang mga kilay sa pag-iba ng ekspresyon ni Alvaro.

“And I even offered myself to bed her. Ang sagot

sa akin, hindi niya ako type,” at sinabayan nito ng tawa ng malakas. Tawang nahinto sa marahas na pagtayo ni Alvaro at lumabas ng silid nang walang paalam.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. “Did I say something wrong?” Inilahad ni Lance ang mga kamay.

Tumikhim si Nick. “Beats me. Pero nakapagtatakang hindi sinasabi ni Alvaro ang tungkol sa babaeng ito, Lance. We always tell each other about our women... unless...”

“Unless seryoso si Alvaro sa babae?” dugtong ni Lance na agad ding umiling. “Hindi si Alvaro ang nagseseryoso ng babae, Nick.”

“Look who’s talking,” at bumunghalit ng tawa si Nick.

NAGULAT pa si Kristine sa biglang pagdating ni Alvaro sa bahay niya. “Alvaro? Akala ko ba mamayang gabi ka pa pupunta rito?”

Sinipa nito ng boots ang pinto na malakas na sumara. “You have a very expensive way of losing your virginity, Kristine,” galit na bungad ng binata. “From Houston, Texas to Alta Tierra. Bakit wala bang available na lalaki sa Texas?”

“Ano ba ang pinagsasasabi mo?” naguguluhang

tanong niya.

“Bakit ako ang napili mong lalaki para maiwala ang virginity mo?” mapanganib nitong tanong sa pagtatagis ng mga bagang. Ilang sandali muna ang nagdaan bago naunawaan ni Kristine ang gustong sabihin ng binata.

“Bakit ka nagagalit, Alvaro?’’

“Bakit? Ano sa palagay mo ang dapat kong madama? Ibando ko sa buong mundo na ako ang napili mong

pagbigyan ng virginity mo!” Halos sumigaw na ito.

“Hindi ko alam kung bakit mo nasabi iyan.”

b

anayad siyang umiling. “Hindi kita pinili. Hindi ko pinlano ang nangyari sa atin...”

“Sinungaling!” asik nito. “Did my brother tell you how I perform in bed kaya napagpasiyahan mong umalis ng Texas patungong Alta Tierra?”

“Ano’ng...?” Nalilito na siya.

“Well, my brother is as good as I am. Why didn’t you take his offer?” patuloy ni Alvaro sa panunuya.

Naningkit ang mga mata niya. Napukaw ang galit. “`Ayan ang sagot sa tanong mo! Kung gusto ko lang iwala ang virginity ko ay hindi kailangang

magpakahirap ako sa pagtungo sa rancho, Alvaro! Any man would have served the purpose!”

“You used me, damn you!”

“Kung iyon ang gusto mong gamiting salita bahala ka!” pagalit niyang sinabi. “Pero hindi mo ba ako ginamit din? Wala ba ako sa kama mo nang gabing iyon beneath you and filled with... with your flesh?”

Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Alvaro sa sinabi niya. Gusto nitong saktan si Kristine sa mga sandaling iyon dahil sa kabila ng galit nito ay hindi nito maiwasang mag-init sa pagpapaalala sa kanya sa unang pagtatalik na iyon. At kahit na walang kapantay ang mga sumunod nilang pagtatalik, he would always treasure that night when she gave herself to him for the first time.

“And you enjoyed using me, Alvaro, hindi ba? Kahit dito sa bahay ko. Hindi naging hadlang ang milya-milyang layo sa pagitan nating dalawa to satisfy your lust with me. And of course, sa isang tulad mo na walang balak magpakasal sa isang babae, kumbiniente ako para sa iyo dahil sa katayuan ko bilang biyuda!” Nagagalit na siya nang tuloy-tuloy at wala nang pakialam sa sinasabi. Damn this man for accusing her of using him!

Bagsak ng pintuan ang sumunod na namalayan ni Kristine. She was too angry to cry kahit na alam niyang iyon na ang huling pagkikita nila ni Alvaro.

“I’M LEAVING,” wika ng binata sa ama dalawang

linggo makalipas ang pagtatalo nila ni Kristine.

“Leaving where?” Nagsasalubong ang mga kilay ni Franco sa pagkakatitig sa anak.

“Houston. Nandito pa si Lance. Baka may gusto kang ipagbilin sa akin.”

Hindi kumibo si Franco na isinandal ang sarili sa swivel chair at hinagod ng tingin ang anak sa mahabang sandali. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi.

“Tama ba akong isipin na sa wakas ay napagpasiyahan mo rin na kailangan mo ng babae sa buhay mo?”

“I have always a need for a woman in my life, Franco Navarro.”

“I mean as a wife...”

Huminga nang malalim ang binata. “If she will have me.”

“Oh, she will. You’re a Navarro, son. She will have you. Go ahead, you have my blessing to chase her in Houston.”

“Thank you, Pa,” at tumalikod na ito.

Si Franco ay nakangiting umiiling. Dinampot ang telepono at dumayal. Ilang sandali pa ay may nag-angat sa kabilang linya. “I hate to say this, darling, because you’re still young and sexy and…”

“Ano ba ang sinasabi mo?”

s

i Bea na napapailing sa kabilang linya. “Don’t tell me na sa oras na ito ng tanghali ay sex ang naiisip mo? Shame on you, Franco Navarro!”

“Dirty minded woman,” tukso nito sa asawa.

“You’re forty-three and by next year kung hindi magkakabisala, you will be a grandmother, darling!”

“Oh!”

“ALLOW me to call that dumb brother of mine, Kristine.”

s

i Jenny na hinahagod ang likod ng kaibigan habang nagduduwal.

“P-please... l’ll never forgive you kung gagawin mo.”

i

nabot nito ang face towel at pinunasan ang mukha.

“Wala akong balak magkaroon ng pamangkin na bastardo!”

“May palagay akong wala kang mapagpipilian sa bagay na iyan,” matabang niyang sinabi. “I have been through a loveless marriage once, Jen. Loveless, in a sense na Roy and I did not share this romantic kind of love. At ayokong obligahin si Alvaro na pakasalan ako dahil lamang nagdadalang-tao ako.” Humakbang siya palabas ng banyo.

Itinaas ni Jenny ang dalawang kamay. “Goodness’ sake, Kristine, ano ang sasabihin mo sa pamangkin ko kung sino ang ama niya?” Ni hindi namalayan ng dalawang babae ang pagbukas ng pinto sa family room. Ang unipormadong katulong

na naroon ay tahimik na lumabas nang senyasan ni Alvaro.

“I can always tell my child na si Roy ang ama niya tutal biyuda naman ako, `di ba?” balewalang sagot niya. Sinikap na itago ang pait sa tinig. Gustong mag-alsa-boses ni Jenny sa narinig pero naunahan siya ni Alvaro doon.

“At ipaaangkin mo sa iba ang anak ko!” Tila kulog ang tinig nito na nag-echo sa paligid. “Why, you’re even worst that I thought!”

“Alvaro!” parehong sabay na sinambit ng dalawang babae. Si Jenny ang unang nakabawi sa pagkabigla at ngumiti.

“Why, big brother, you could never have arrived at a better time...”

l

umapit ang dalaga at masuyong hinalikan sa pisngi si Alvaro. “I’ve been here for more than a year,

i

almost forgot just how gorgeous you are.”

k

inindatan nito si Kristine at lumakad patungo sa pinto.

“I’ll deal with you later, brat...” banta ni Alvaro sa kapatid.

Kinabahan si Jenny at nahinto sa paghakbang. Kilala niya ang tonong iyon ng kapatid. Mas mahigpit si Alvaro kaysa kay Franco pagdating sa kanya. “T-tungkol saan?”

“May sinabi sa akin si Lance na nakikipag-date ka sa isang rock star.”

t

umiim ang mukha nito. “Now, go. Mamaya tayo mag-usap.” Mabilis na lumabas ang dalaga na hindi maalis ang kaba. Sana ay maging maganda ang resulta ng pag-uusap ng dalawa upang hindi gaanong magalit ang kapatid.

Mahabang katahimikan ang namagitan bago nagsalita si Kristine. “Bakit ka narito?”

Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. “Tulad ng sinabi mo, balewala sa akin ang milya-milyang layo just to satisfy my lust for your body...” he said softly.

Naningkit ang mga mata niya na tinitigan nang masama si Alvaro. Kasabay rin niyon ang pagnanais na takbuhin at yakapin ito. Fifteen days na siya mula nang dumating dito and she missed him so much. Pero pinigil niya ang sarili.

“Well, excuse me, this widow isn’t available...”

“You will be.”

n

agbabadya ng pangako ang tinig nito. Pagkatapos ay hinagod ng tingin si Kristine. “You’re pregnant with my child...”

Nagkibit siya ng mga balikat. “I indulged myself in casual sex so ito ang napala ko.”

“Damn you, Kristine.”

“What do you want, Alvaro?”

“Ikaw. Marry me.”

Muntik nang maubo si Kristine sa narinig. Sinisikap pigilin ang pag-alpas ng galak sa dibdib. “Hindi kita ita-trap sa pag-aasawa dahil nagdadalang-tao ako, Alvaro.”

“I have every intentions of asking you to marry me kaya lumipad ako patungo rito. Hindi ko alam

na nagdadalang-tao ka until minutes ago kaya hindi iyon ang dahilan kaya gusto kitang pakasalan. That is a big bonus.”

“Ano ang dahilan mo?” She held her breath.

“Oh, marami. Halimbawa, we haven’t even made love yet on horseback. It made me rock hard habang ini-imagine ko na gagawin natin iyon. Your legs around my hips and my flesh deep inside you and you need not move because me and the horse will glide us. Don’t you think it would be the most incredible ride of our lives, babe?”

Napahugot ng paghinga si Kristine. Nanayo ang mga balahibo sa katawan at nanulay ang init hanggang sa tiyan niya. Drat this man, arousing her just by talking carnally!

“Pangalawa, I’m losing weight dahil hindi ako makakain at makatulog sa kaiisip sa iyo. Pangatlo, I wanted your face next to my pillow every morning of my life. Pang-apat...”

“Get straight to the point, Alvaro! Ano ang gusto mong sabihin?”

“I love you, wild rose.”

She smiled. “I’m delighted to know it, Alvaro Navarro. What took you so long to say that?”

“Because I’m dumb.” Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig na nito si Kristine.

“That’s just fine with me. I have this penchant for dumb men, anyway.” She tiptoed and planted a soft kiss on his lips. “I love you. Alvaro.”

“Wild rose. Beautiful and exotic—and mine,”

he said huskily at tinakpan ng mga labi ang mga labi ni Kristine.

WAKAS

Dear Reader,

Sana po ay nagustuhan ninyo ang unang handog ng

Kristine Series Volume II, Book 10 and 11.

Abangan din po ninyo sa susunod na mga labas ng

Kristine

ang buhay at pag-ibig ng mga

Navarro Men

at ang kaisa-isa nilang kapatid na babae. Ganoon din ang buhay at pag-ibig ni Nick Gascon.

Masalimuot ang mga pangyayari sa pagtatagpo ng mga tauhan ng mga Fortalejo at ng mga Navarro. Sana’y huwag ninyong kaligtaang subaybayan.

For the first time in my writing career, I incorporated murder, suspense, and romance sa huling dalawang kabanata ng serye ng pamilya Fortalejo.

At base sa mga sulat ninyo sa akin, hindi ako nabigo sa una kong pagsubok na bigyan kayo ng higit na magandang mga novela ng pag-ibig.

Gusto ko pong iparating sa inyo na habang nasa harap ako ng computer sa gabi ay taglay ko kayo sa aking isip. Every time I created a novel. I would like it very much for you to laugh with me a little, cry with me a little, and fall in love with me a little. And it flatters me to know na buhay na buhay sa inyo ang mga character ko. That is exactly my goal.

I would like to quote a line from

Chet Solis

letter:

consider you my friend through your books... `coz what you feel in writing it, I feel in reading it so it seems to me that when I read your books, we’re just one.

So you see, I am committed. Every novel that I write is a commitment... to you.

MARTHA CECILIA

Mga nobelang sinulat ni MARTHA

CECilia

• Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala

• Akin Ka Noon. Ngayon at Kailanman

• Nang Gabing Maging Akin Ka

• Roses are Red, Violets are Blue

• Aagawin Kita Sa Kanya

• With this Ring...

• Only You

• Sweetheart 1

• Sweetheart 2 (Lavander Lace)

• Leia, My Love

• Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Kita

• Ikaw, Ikaw. Ang Iniibig Ko

• Be Still My Heart

• Mga Latay ng Pag-ibig

• Be My Love, Katherine

• For the Love of Alyssa

• Forbidden Love

• You’re Mine, Only Mine

• Midnight Phantom (Classics)

• Dominic (My Love. My Hero)

Kung nais ninyong magkaroon ng sipi sa mga

nobelang nakasaad, ito’y inyong mabibili sa alinmang bookstores at department stores nationwide, o kaya ay tumawag sa telephone nos. 367-6222 at 414-6188.

To our Dear

r

eaders,

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa

k

ristine

SERIES

Vol. I.

Labis po kaming naliligayahan sa inyong mga papuri sa ipinadadala ninyong mga liham at tawag sa tcle-pono.

Sa mga nais bumili, narito ang kompletong listahan ng

k

ristine

SERIES

,

Vol. I.

01 The Devil’s Kiss

02 AngSisiw at ang Agila

03 Dahil Ikaw

04 Jewel, Black Diamond

05 Ang Lalake sa Larawan

06 Kapirasong Papel

07 Isabella

08 Villa Kristine

09 Amoré (Beloved Stranger)

Mabibili po ninyoang mga ito sa Precious Pages Store, National Book Store, Adonis Trading, Worldwide Plaza (Hongkong) at sa iba pang mga bookstore outlets nationwide!

Precious Pages Corporation