noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Feb 09, 2022

Chapter 7

Chapter Seven

T

ULOG

pa ang lahat ng tao sa villa ay gising na si Kristine. Ito ang ikatlong araw niya sa rancho. Kahapon ay ginugol niya ang kalahating araw sa pag-iikot sa buong rancho kasama si Alvaro. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakakita siya ng hindi-mabilang na mga baka. Maliban doon ay ipinakita rin sa kanya ng binata ang orchard ng iba’t ibang mga prutas.

Sa ibaba ay nasalubong niya si Aning, ang isa sa mga katulong.

“Magandang umaga po. Gusto ba ninyong ipagtimpla ko kayo ng kape?” Sinulyapan nito ang tuwalyang hawak niya.

Umiling siya. “Mamaya na lang, Aning. Ituro mo sa akin ang daan patungo sa beach.”

“Madali lang po, Miss Kristine. Baybayin po ninyo ang daan sa likod ng bahay pakanan. Pababa po iyon ay may makikita kayong hagdanang lupa patungo sa aplaya.” Pagkatapos magpasalamat sa katulong ay lumabas na ng

bahay si Kristine. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng pang-umagang hangin. Kailangan niyang tumakbo kung hindi niya gustong ginawin. Alas-sais pa lang.

Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ay natanaw na niya ang hagdanang lupa na sinasabi ni Aning. Marahil ay may sampung baitang. By the time na nasa baybayin siya ay basa na ang jogging shirt niya sa pawis. Mabilis siyang naghubad ng pang-itaas at gayundin ang jogging pants. Nasa katawan na niya ang bathing suit.

Inilapag niya ang mga iyon sa buhangin kasama ng tuwalya at tumakbo sa dagat. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa linaw ng tubig. Natatanaw niya ang buhangin sa ilalim. Sana ay nakapagdala siya ng snorkel. Matagal din siya sa tubig nang pag-ahon niya ay natanawan niya si Alvaro na nakaupo sa tabi ng mga gamit niya. Mabilis siyang umahon kasabay ng mabilis na pagtibok ng dibdib.

“Hi.”

“Good morning. Para sa isang city girl, you’re an early riser, Wild Rose,” nakangiting bati nito na buong paghangang sinuyod ng tingin ang kabuuan niya.

“Pakiramdam ko ba ay isa akong

i

ndian princess diyan sa tawag mo sa akin.” Inabot niya ang

tuwalya at pinunasan ang basang katawan. Biglang na-self conscious sa mga titig ng binata.

“Hindi ka mapagkakamalang

i

ndian. Mukha ka ngang hindi Pilipina. Maputi ka and if you dye your hair mas mukha ka pang

a

merican. But you looked like a princess, anyway.”

Nangiti siya sa obvious na compliment. “Ano iyan?” Itinuro niya ang thermos sa tabi ni Alvaro.

“I brought you some coffee.”

i

nabot nito ang maliit na thermos at nagsalin sa mug at iniabot sa kanya.

“Oh, thank you...”

i

nabot niya ang mug at walang atubiling dinala sa bibig. She needed that coffee right now.

“How long will you stay?” walang abog na tanong ni Alvaro na nagpahinto sa pag-inom niya ng kape.

“D-depende...”

“Saan?”

“Sa itatagal ng hospitality ninyo ng Lola Erlinda.”

“You can even stay here forever if you want to.”

Oh, I want to.

Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Sooner or later ay kailangang hanapan niya ng solusyon ang problema. Walang mangyayari sa pagtatago niya. Katunayan ay hindi naman niya sinabi kay Jenny ang totoong dahilan sa pagnanais niyang iwasan ang bayaw niya. She gave Jenny a stupid reason kung bakit gusto niyang umalis at iwasan si Marvin. Pumasok sa isip ang huling seryosong pakikipag-usap niya kay Jennifer Navarro.

“Goodness, problema nga iyan,” simpatya ni Jenny sa kanya.

“Ayokong magkaroon ng mantsa ang pangalan ni Roy, Jen, kahit wala na siya. I owe him a lot, almost my life. More than anybody else, hindi si Marvin ang gusto kong makaalam noon. He will gloat...”

Napailing si Jenny. “A widowed virgin. And how are you going to remedy that thing?”

“Ewan ko,” naguguluhang sagot niya. “Walang maniniwalang hindi na-consummate ang marriage namin ni Roy sa loob ng dalawang taon. At hindi ko naman maaaring sabihing hindi ako nagkaasawa dahil hindi totoo iyon considering my legal

status. At lalo namang hindi ko puwedeng ipagkaloob ang sarili ko sa isang lalaki kung hindi niya ako pakakasalan.

“Ang kaso, lahat halos ng nanliligaw sa akin ngayon ay kilala si Roy kung hindi man mga kaibigan.”

a

t isa na rito ang bayaw na si Marvin na gagalawin ang langit at lupa mapapayag lang siya sa gusto nito hindi dahil may pag-ibig sa kanya ang bayaw kundi sa personal at sakim na dahilan.

Si Lance na amused na nakikinig ay hinagod ng tingin si Kristine. Pagkatapos ay nagsalita. “Masagwa namang sabihing get yourself laid, `di ba?”

“Lawrence!” hiyaw ni Jenny na naiiskandalo sa sinasabi ng kapatid.

“It’s okay, Jenny. More or less ay iyon naman talaga ang talagang problema. Saan ka naman nakarinig ng babaeng namomroblema dahil virgin pa siya gayong nagkaasawa na ng dalawang taon?” she sighed wearily.

“I wish I could give a solution to your problem, Kris.”

s

i Lance uli na dinampot ang sigarilyo at sinindihan. “Like let’s pretend we’re lovers and make love...”

“Baka ang ibig mong sabihin, eh, let’s do some wild sex.”

m

ay bahagyang sarcasm sa tinig niya.

Niyakap ang malaking rug doll ni Betty Boop at hinagod ng tingin si Lance. “You’re not bad for a pillow friend but you’re not my type, Lawrence Navarro,” seryoso niyang wika pero naroon ang biro sa likod ng tinig niya.

“Agh! You’ve wounded my ego, lady.”

d

inakma nito ang sariling dibdib sa dramatikong paraan. Wala pang babaeng nagsabing hindi ito type pero natitiyak nito sa sariling hindi nasasaktan sa sinasabi ni Kristine. She’s like a sister.

Nagbuntong-hininga siya. “I wish I could go some place na hindi maaabot ni Marvin. He’s been pestering me for quite sometime now.”

i

niwas niya ang tingin sa dalawa upang huwag makita nito ang takot sa mga mata niya. It is enough for them to know the least of her problems. Hindi kailangang problemahin ang magkapatid sa kasukdulan ng problema niya.

Ipinitik ni Jenny ang dalawang daliri. “I know such place!”

Si Lance ay ngumiti nang lihim. Nahuhulaan ang tinutukoy ng kapatid. Then Alvaro would have the biggest surprise of his life. Hinagod nito ng tingin si Kristine. The typical mestiza, hmm, maliban sa mukha ng dalaga na hindi man ito aware ay provocatively sexy. Maybe something good will come out... maybe.

“You’re miles away.”

s

i Alvaro na tumikhim at nagpabalik sa isip ni Kristine sa kasalukuyan.

“I’m sorry...” aniya and inhaled softly.

“Do you miss him?” patuloy ng binata na inakalang ang namatay niyang asawa ang iniisip. His eyes intent on her.

“Miss whom?”

“Ang asawa mo.”

“Oh.”

i

tinuon niya ang paningin sa dagat. “Of course. Roy was such a kind man, Alvaro.”

“Did you love him?”

“O-of course.”

b

ahagya siyang nautal sa tanong.

“Mahigit anim na buwan na mula nang mamatay ang asawa mo. Surely, naka-recover ka na kahit paano sa pagkawala niya. Ano ang talagang dahilan kung bakit ka narito sa Alta Tierra, Wild Rose?”

Hindi makuhang salubungin ni Kristine ang titig ng binata. Gusto niyang magsinungaling pero natitiyak niyang makikita nito iyon. This man would see through any little lie.

Huminga siya nang malalim. “Kung hindi mo gustong maniwala ay nasa sa iyo iyon, Alvaro.”

h

inaluan niya ng bahagyang iritasyon ang tinig.

Tumayo si Alvaro at ipinasok ang mga kamay sa tig-isang bulsa ng maong at tinunghayan siya. “Alam mo bang napakadali kong malalaman ang tungkol sa iyo?”

Alam niya iyon. Pero bago magawa ng binata

iyon, it would take days dahil maliban sa radio ay walang komunikasyon sa isla. Kahit sa bayan ay walang telephone line.

“Why are you so concerned about me, Alvaro? Hindi ba sapat na kilala ako ng mga kapatid mo at hindi ako masamang tao?”

“Hindi ko pinagdududahan kung masamang tao ka o hindi. Nagtataka lang ako.”

“Kalimutan mo na iyang pagtataka mo. Anyway, hindi naman ako magtatagal dito. I might leave anyday from now. Pansamantala, why don’t you let me enjoy this vacation?”

“How do you intend to do that?”

“Gawin mo ang dati mong ginagawa sa araw-araw, Alvaro. Ako ang bahala sa sarili ko. I promise you I won’t be a nuisance. I’ll stay out of your way.”

“Really?” Ngumisi ang binata sa patuyang paraan. “You are underestimating yourself, my dear...”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Do you really think I will fail to notice you whenever you’re around?”

Nagyuko siya ng ulo at itinuon ang pansin sa kape. “Hindi kita naiintindihan...”

“Or you refused to understand and pretend you don’t notice this spark between us...” his voice husky.

“Uh... uh... lover boy.”

i

tinaas niya ang dalawang kamay. Pilit pinaging kaswal ang tinig. “What spark are you talking about? Hindi ako available, Alvaro. Have your lust somewhere else.”

Ngumisi ang binata sa sagot niya. “Tingnan natin.”

Nag-angat ng paningin si Kristine kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata. “Nagbabanta ka ba?”

Lumapad ang ngisi ng binata. “That’s a promise, Wild Rose.”

h

umakbang ang binata palapit sa kanya. Mabilis siyang tumayo at tumakbo sa dagat.

“Coward...” sigaw ni Alvaro kasabay ng pagtawa.

Hindi pinansin ni Kristine iyon na lumusong sa tubig. Alvaro is another complication na hindi niya kailangan sa buhay niya ngayon. Kung alam lang niyang ganito ang magiging epekto sa kanya ng kapatid ni Lance ay hindi na sana siya pumayag na dito magtago. Why, Lance can tell her anything na hindi siya tinatablan pero hindi si Alvaro. His presence alone ay nagpapagiba na lahat ng composure niya bilang prim and proper widow.

NASA hagdan siya nang makita niyang may kausap si Alvaro. Hindi niya gustong makinig pero huli na para bumalik sa itaas.

“Sinabi sa iyo ng daddy na gusto ka niyang

makausap, Alvaro,” malambing na wika ni Angie sa binata. Nakaupo ito sa dulo ng sofa habang sa kabilang dulo ay naroon ang binata. She looked dignified enough except for the exposure of shapely legs nang magde-kuwatro ito. At sadyang inihahantad.

Gustong maaliw ni Alvaro. Sa loob ng panahong pagkakilala nito kay Angie ay sinikap na ng dalagang ipakita at ipadama sa kanya na ito iyong

no touch

type. But the woman is subtly provoking him by showing a little of her anatomy tulad na lang ngayon. And he’d die first kaysa kagatin ang pain nito.

In fact, pinagsisisihan niyang nabiro-biro nito si Angie. Mas mapanganib pa ang babaeng ito kaysa sa mga salabay sa dagat. She and her father ay naghihintay lang na madulas si Alvaro at natitiyak ng binatang sa altar siya dadamputin.

“Marami akong trabaho dito sa rancho, Angie. Alam ng daddy mo iyon,” katwiran nito. Pilit hindi ipinahahalata ang amusement sa mukha. “Bakit ba ang layo-layo mo?”

“May reputasyon ka, Alvaro, alam mo iyon,” she pouted her lips provocatively.

“Oh, yeah?” Tumaas ang kilay ng binata. “Ano’ng reputasyon iyon, Angie?” Marahang umusog ang binata at pinaglandas ang daliri sa nakalantad na hita ng dalaga pataas. Napasinghap si Angie pero pinalis ang kamay ng binata.

“You’re naughty, Alvaro. Nice girls like me shouldn’t get too close with you...”

“You’re not really so nice dahil pinalis mo ang kamay ko. Beautiful things are made for touching and you’ve got delicious legs, Angie.” Sinikap ng binatang kontrolin ang tawang nakatago sa dibdib. “But anyway, what’s a nice girl like you visiting a man with a reputation of ravishing nice girls?”

“May chaperon ako, Alvaro.”

b

ahagyang itinaas nito ang mukha for emphasis. “Ang driver ng daddy. Kaya ako nagpunta rito dahil ilang linggo ka nang hindi dumadaan sa bahay. You know I like you at kahit na ano pa ang sabihin ng daddy tungkol sa iyo ay hindi ako nakikinig. Pero alam kong kaya mong palambutin ang puso ng daddy...”

b

ahagyang yumuko ang dalaga trying to appear demure.

“And how am I gonna do that?”

“Hingin mo sa kanya ang mga kamay ko, Alvaro. Then you would have license to date with me, to touch my legs.”

s

he cross and uncross her legs sa matinding amusement ni Kristine na nanonood nang lihim. “We can go anywhere you like as long na maitakda mo sa daddy ang engagement

natin....” wika ng dalaga na tumitig sa binata sa mapupungay na mga mata.

Sunod-sunod na napaubo si Alvaro.

“Oh, well... hrmp... let me think about that, Angie,” wika ng binata na tumayo at nagpalakad-lakad sa harap ng dalaga. “Ipapaalam ko sa iyo kung kailan ako handa sa mga bagay na iyan, okay, honey?” Yumuko at hinawakan sa braso ang babae at itinayo. “Now be a real nice girl and go home at baka hinahanap ka na ng daddy mo.” Inakay nito palabas ng bahay ang dalaga at inihatid hanggang sa owner-jeep. “Bye, honey...”

“Will I see you soon?” pahabol ng dalaga na inilawit ang leeg dahil tumatakbo na ang sasakyan. There’s a secret longing on her face.

“Very soon.” Kumaway ang binata at lumakad pabalik sa loob ng bahay. Nahinto sa paghakbang nang makitang nakasandal sa poste ng portico si Kristine na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakatawa.

“She’s a very nice girl,” tukso niya.

“Don’t be misled. She’s a selfish conniving

bitch,” wika ng binata na nakatiim ang mga bagang. “I know the type at kakutsaba niya ang daddy niya.”

“Really? Iyon ba ang paraan niya para ma-trap ka sa marriage? Pretending to be untouchable?” Her eyes danced in silent laughter.

“Damn you, Kristine, huwag mo akong pagtawanan!”

“I certainly am not laughing,

s

ir,” painosenteng wika niya. “Tsk… tsk… poor girl, itinaboy mo na para bang may sakit siyang nakakahawa...”

s

he couldn’t suppress the soft laughter na nahinto nang makitang matiim na nakatitig sa mukha niya ang binata.

“Aren’t you pretending to be untouchable, too?” wika nito sa marahan subalit may galit na tinig. And he was inching closer na napaatras si Kristine subalit poste na ang nasa likod niya.

“T-then... avoid me also like a plague, Alvaro... I might trap you into marriage...” nauutal niyang sinabi. Kinakabahan dahil wala na siyang mauurungan pa. His closeness is threatening her sanity.

“Forget about marriage. I won’t be trapped into that. But I don’t want to avoid you, Wild Rose. Mula

noong unang makita kita sa bar, I want you like hell...”

“Because I’m a widow? Hot and wanting. Ano nga ba iyong sinasabi nila tungkol sa mga biyuda? Sex-starved widow?”

“Aren’t you?” His lips inch away from her lips. His sweet breath and a mixture of excitingly male essence are assaulting her senses. His right hand clutching her waist na para bang makakawala siya.

Napalunok siya. She could feel the animal warmth of him. Ang kailangan lang niyang gawin ay move a fraction at magdidikit na ang mga labi nila. Oh, how she wished to do just that and taste this dangerous man! Pero alam niyang hindi lang

taste

ang

mangyayari kapag ginawa niya iyon. And so she must get out of his spell right this very moment.

Tumikhim siya at iniwas ang mukha subalit hinawakan ni Alvaro ang baba niya at handang bumaba ang mga labi sa kanya. Umiba ng atake si Kristine.

“All right, I know what you want,” she said in a firm and sarcastic tone. At sana ay hindi mapansin ni Alvaro ang panginginig ng tinig niya. “Kiss me and get it over with.”

Nahinto sa pagbaba ang mukha ni Alvaro and momentarily paralyzed.

“I think I’ll pass your offer, Miss Wild Rose,” naniningkit ang mga matang sinabi. “At huwag kang magtago diyan sa kunwaring prim-and-proper-widow attitude mo. And if and when I did kiss you I don’t want you to treat it like some casual thing...”

p

agkasabi niyon ay humakbang papasok sa loob ng bahay ang binata.

“Look who’s talking about casual thing,” pagalit na habol ni Kristine. “Ano ang gusto mong itawag sa gagawin mo sana at sa mga panunudyo mo?”

Dammit if I know!