noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Feb 09, 2022

Chapter 5

Chapter Five

P

ALINGA-LINGA

siya sa dinaraanan. Kaparangan at mga bundok ang nakikita niya. Iniisip kung saang bahagi ng lupa siya naroroon. Hindi siya makapaniwalang sa ganitong lugar siya ipinadala ng kaibigan. Natitiyak niyang hindi nga siya mahahabol dito ng bayaw.

Huminto ang overloaded jeep sa isang sangang-daan. Nilingon siya ng driver. “`Ayan ang daan patungong Rancho Navarro, Miss,” wika nito.

Nalito siya. “Daan? Gaano pa kalayo mula rito ang rancho?”

“Propriedad ng mga Navarro ang lupaing ito, Miss, mula pa kanina sa dinaanan natin may isang oras na ang nagdaan. At mula rito sa sangang-daan hanggang sa Villa Navarro ay tatlong kilometro,” sagot ng isang pasahero sa nagsisimpatyang tono.

“Tatlong kilometro!” bulalas niya. “A-ano ho ang sasakyan patungo roon?” Sa anyo ng mga pasaherong nakikinig sa kanya ay nahuhulaan na niya ang sagot. At gusto niyang bumulalas ng iyak kung hindi lang siya magmumukhang kahiya-hiya.

Tinulungan siya ng ibang pasahero na ibaba ang maleta niya. At nagkakandahirap siyang dumaan sa pagitan ng mga bayong, basket at kung

ano-ano pang mga prutas at bagahe na nasa gitna ng jeep.

Hindi siya ipinanganak na mayaman pero buong buhay niya ay namuhay siyang tulad sa isang mayaman. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay natutuhan niyang sumakay ng bus at jeep na tulad nito.

Itinabi niya ang maleta sa daan at naupo roon. Sinabi na sa kanya ng kaibigan kung gaano kalayo ang rancho. Pero ni sa panaginip ay hindi niya akalaing ganito kalayo at ka-remote. Ang poste ng kuryente ay nakita niyang natapos sa mismong boundary ng bayan. Ano ang ginagamit sa rancho?

Higit sa lahat, paano siya makakarating doon? Dapat ba niyang pagsisihang mula sa Houston ay napapayag siya ng kaibigang magtungo rito? Mabilis din niyang sinalungat ang sarili. Tamang umuwi siya dito sa Pilipinas at dito sa kung saang bahagi man ito ng lupa. Sa mga sandaling ito ay alam niyang nasa Pilipinas na rin si Marvin upang sundan at hanapin siya. At dito sa islang ito ay natitiyak niyang isa sa isang milyon ang tsansang

makita siya ni Marvin.

Tumayo siya at dinampot ang maleta at nagpasimulang maglakad. Binaybay ang malapad na daan papasok sa rancho. Tiningnan ang oras sa relo sa braso, alas-otso y media ng umaga. Kung papalarin siya ay makakarating siya marahil doon mamayang gabi. Hindi niya malaman kung matatawa o maiiyak sa iniisip. Lalakarin niya ang tatlong kilometro!

She’s dead by the time na naroon siya. At tama ang mga kaibigan niya, hindi na nga siya makikita pa ni Marvin. And she started laughing hysterically sa iniisip. Nag-echo sa buong paligid ang tinig niya na agad ding nagpahinto sa pagtawa niya. She was amazed! Nakarinig siyang talaga ng echo ng sariling tinig!

Umiiling na nagpatuloy siya sa paglakad. Kung narito siya sa dahilang nagbabakasyon, she would have appreciated the beauty of the place. Isang ravine ang dinadaanan niya makalipas ang beinte minutos na lakad. At natatanaw niya ang malawak

at asul na karagatan.

Parang asukal na puti ang buhangin sa baybayin. Matataas ang puno ng niyog sa tabi nito. Oh, how she would like to go surfing and snorkeling.

Sanda-sandali ay humihinto siya at nagpapahinga. Mabuti na lang at natatakpan ng malalaking puno ang init ng araw. Kung hindi ay baka kanina pa siya bumigay. Patuloy siya sa paglalakad at nakakaramdam na talaga siya ng matinding hapo. Magagawa niya sigurong balewalain ang layo ng nilalakad kung hindi dahil sa maleta niyang bitbit. Gaano man kaliit ito ay mabigat din.

Bigla siyang napatayo sa inuupuang patay na puno nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. May mga taong dumarating! Dalawang lalaki ang patungo sa kinaroroonan niya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa sama-samang pagod, galak at kaba. Baka mapanganib ang mga taong ito.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagsino ang mga dumarating. Hindi niya kilala ang isa pero namumukhaan niya ang malaking lalaking nasa unahan. Huminto ilang dipa mula sa kanya ang mga nakakabayo.

“Ikaw!” hindi makapaniwalang bulalas niya. At lalong nanlaki ang mga mata niya nang itaas ni Alvaro ang hawak na riple at itutok sa kanya. “A-anong...!” Sindak na nawalan ng kulay ang mukha.

Pumutok ang riple kasabay ng pagpikit niya. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting nagmulat ng mga mata nang maramdamang nakatayo pa rin siya.

She’s still alive. Tinakot lang ba siya ng walang modong lalaking ito? Galit na tiningala niya ito at talagang pagsasalitaan subalit ang mga mata ng dalawang nasa ibabaw ng kabayo ay wala sa kanya kundi sa may likurang tagiliran. Nalilitong lumingon siya. Nakulong sa lalamunan niya ang hininga sa nakita.

Ahas! Isang malaking ahas ang binaril nito! And she has always been scared of snake, maliit man o malaki, patay man o buhay. At sa pinagsama-samang takot, pagkabigla, at matinding pagod ay umikot ang paningin niya at bumagsak siya sa lupa.

“Dammit!” galit na usal ni Alvaro at mabilis na bumaba ng stallion.

“SINO ang babaeng iyan, Alvaro?” Si Erlinda Navarro Gascon.

Umiling ang binata. “Hindi ko kilala, Lola. But I’ve met her last night sa hotel na tinuluyan ko.”

Tumaas ang mga kilay ng matandang babae. “Alvaro?”

Amused na nilingon ng binata ang abuela. “Nagsasabi ako ng totoo, Erlinda Gascon. Siya ang babaeng sinabi ko sa inyo na dahilan kaya ako

nagkasugat,” patuloy nito. Hindi na sana nito ipapaalam sa abuela ang nangyari sa kanya subalit hindi sinasadyang nahawakan siya ng matanda sa balikat nang dumating siya kaninang umaga. Bukod sa nadama nito ang mga gasa ay napangiwi pa siya.

“And what is she doing here?” nagtatakang tanong nito.

Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. “Hintayin nating mahimasmasan at nang malaman natin. Nakita siya ng teleskopyo ko habang hinahanap namin ni Mang Kardo ang tatlong nawawalang mga baka.” At hindi niya mapaniwalaang magkikita silang muli ng babaeng ito sa mismong loob ng rancho.

Noong una nitong makita ang babae sa teleskopyo ay hindi nito mapaniwalaang siya iyon. Pero hindi nito maipagkakamali sa iba ang mukhang nasa harap.

Buong magdamag ay okupado ng babae ang isip nito. Her sensual lips, her body, her face, her eyes... that he was aching hard. Gusto nitong bumalik sa itaas ng hotel and make some wild and passionate love to her.

But he checked himself. Kailan pa ito naging ganoon na tila teenager sa unang sexual experience? Dala lang marahil iyon ng epekto ng sugat niya, illogical na rason niya sa sarili.

Ang estranghera ay unti-unting pinagbabalikan

ng malay.

“I-ikaw?” Her voice hoarse.

Ngumisi si Alvaro. “Paborito mong salita iyan, Miss Wala kang Pakialam...”

“Saan... ako naroroon? Bakit ka narito?” Dumako ang mga mata niya sa matandang babaeng katabi ng lalaki.

“Narito ka sa

r

ancho Navarro, hija. Hinimatay ka,” pormal na sagot ni Erlinda. Ang mga mata ay mapanuri. Lalo na kapag babae ang nagpupunta sa rancho. Mula pa nang magbinata ang mga apo nito ay hindi na birong mga babae ang paroon at parito sa rancho at sa mansiyon sa Maynila.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nasa Villa Navarro siya! Mabilis siyang bumangon at naupo sa gilid ng lounge.

“Nandito ako sa

r

ancho Navarro? Sa mismong villa?” Inikot nito ang paningin sa paligid. “Oh, thank God!” She gave a sigh of relief.

Nagsalubong ang mga kilay ni Erlinda na napasulyap sa apo na ganoon din ang mukha. “Sa Rancho Navarro ba ang talagang tungo mo?” Si Alvaro.

Mabilis siyang tumango. “Oho. Ako po si Kristine Cuevo. Hinahanap ko po si Alvaro Navarro.”

Napatuwid ang likod ni Alvaro sa narinig.

“Bakit mo hinahanap si Alvaro, hija?” patuloy ni Erlinda sa mailap na tono at sinulyapan ang apo na ipinagkurus ang mga braso sa dibdib.

“Kayo po ba si Mrs. Erlinda Gascon?” Wala sa loob na napaoo at napatango si Erlinda. Si Kristine ay may dinukot sa bulsa ng maong. “May sulat po

ako dito galing kay Jenny at Lance...”

“Sa mga apo ko?” gulat na wika ni Erlinda. Ang mga apo niya ay nasa Texas.

“Opo. Para po sa inyo ni Alvaro ang sulat na ito.”

i

niabot niya ang sulat sa matandang babae. Mabilis na binuksan ng matandang babae ang sobre, akmang babasahin nang magbago ang isip. “Hindi ko suot ang salamin ko, hijo,” wika nito sa apo.

Nagsasalubong ang mga kilay na muling tinitigan ni Kristine si Alvaro. May bahagya nang pagdududa ang bumukal sa dibdib sa kung sino ang lalaking ito. Inabot ng binata ang sulat mula sa mga kapatid at binasa. Pagkatapos ng ilang sandali ay binalingan ng tingin si Kristine.

“Nanggaling ka pa ng Houston?” Naguguluhang tumango si Kristine. “When did you arrive?”

“K-Kahapon ng umaga,” aniya, clearing her throat. The man’s closeness really intimidate her. “I travelled straight here from NAIA.”

“Magpapahanda ako ng tanghalian, Alvaro. Mag-usap kayo,” ani Erlinda na lumabas. Narinig pa niya ang bulalas ni Kristine.

“Alvaro! Ikaw si Alvaro Navarro?” Bagaman may hinala na siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mabigla.

“Didn’t I come up to your expectations?” amuse na tanong ng binata.

Napapikit si Kristine sa pinagsamang iritasyon at pagkamangha. Iritasyon dahil hindi sana siya nahirapang bumiyahe kung antimano ay inalam niya ang pangalan ng lalaking ito. Pagkamangha dahil

hindi niya mapaniwalaang kapatid ito ni Lance. Magkaibang-magkaiba ang dalawang lalaki. Why, the two brothers are like the sun and the moon.

Alvaro is probably a little bit taller. And also bigger. Lance is sunny-tempered at madaling tumawa. While this man is hot-tempered at nakakairita. Tila laging nanunuya. Both are outrageously handsome. While Lance is the matinee idol type si Alvaro ay medyo rough.

Kanino nga ba niya inihahalintulad ang magkapatid? Kay Alec and William Baldwin ba?

Tumikhim si Alvaro na nagpaputol ng assessment niya. “Mula pa sa hotel mo ako tinititigan nang ganyan. Hindi pa ba matapos-tapos ang assessment mo sa akin?”

Namula siya. “You’re... so different from Lance...”

“Of course. Para kaming araw at gabi kahit sa mga bagay na gusto namin,” sang-ayon ng binata. Itinaas ang hawak na sulat. “Sabi rito sa sulat ni Jenny ay ipaliliwanag mo ang sirkumstansiya mo

kung bakit ka narito...”

“Oh, yes...”

s

inabayan niya iyon ng buntong-hininga. Mapipilitan ba siyang sabihin sa lalaking ito ang totoong dahilan kung bakit biglang-bigla mula Texas ay narito siya sa isang isla sa Quezon Province?

“Are you married?” Muling tinuon ng tingin ni Alvaro ang singsing niya.

Tumango si Kristine. “Was married.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. “Was?”

“My—my husband died more than six months ago,” she whispered. Nagkaroon ng lambong ang mga mata. Hindi niya gustong alalahanin ang kamatayan ni Roy. Nagdadala iyon ng pait sa dibdib niya.

Nag-alis ng bara ng lalamunan si Alvaro. Lumakad patungo sa may bintana at namulsa. “Nakikiramay ako.”

h

indi nito maintindihan kung bakit tila may bigat na naalis sa dibdib. “Ilang taon ka na and how long have you been married?”

“I’m twenty and we’ve been married for two years hanggang sa mamatay siya.”

t

wo years,

bulong niya sa sarili. Roy married her nang malaman nitong hindi na magtatagal ang buhay. Para sa kanya kaya ginawa ni Roy iyon.

“You haven’t been out of your pacifier nang mag-asawa ka,” he mocked softly at muling hinagod ng tingin si Kristine. “Bakit ka naririto?”

“G-gusto kong makalimutan ang... ang sakit ng dulot ng pagkamatay ng asawa ko.” Umiwas siya ng tingin pagkasabi niyon.

“After six months?” Tumaas ang mga kilay ni Alvaro doon. “Why do I have these feelings na iba ang totoong dahilan kaysa sa sinasabi mo?”

Naningkit ang mga mata ni Kristine. “Sinabi ko na ang mga bagay na dapat mong malaman. I am here dahil pinagmagandahang-loob ako ng mga kapatid mong magbakasyon dito pansamantala. Hindi ako masamang tao ang I am not definitely interested with you.”

Muling nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Bakit mo nasabi ang huling sinabi mo?”

“Oh. your sister warned me na baka pag-isipan

mo ako na isa doon sa mga babaeng nagnanais na i-trap ka sa marriage. O kabilang doon sa mga babaeng lagi nang naghahabol sa iyo. Well, relax, Mr. Navarro, you’re safe from me. I won’t be affected by your charm nor will I trap you into marriage. I’ve been there once, never again.”

Pumuno sa silid na iyon ang malakas na tawa ni Alvaro. Naiiritang pinanonood ni Kristine ang lalaki. The man is handsome as the devil. Guwapo rin si Lance pero mas type niya si Alvaro. Type? Hindi ba at sinabi lang niyang hindi siya maapektuhan sa charm nito?

“I’ll murder that little brat,” nakatawa pa ring sinabi ng binata. “Anyway, how are they?”

Bumuntong-hininga si Kristine. “Jenny is fine. While your brother Lance ay nagsisimula nang makilala bilang international playboy.”

Tumaas ang isang kilay ng binata. Nagpatuloy si Kristine. “Ang current girl niya ngayon ay isang Greek national. Isang international model.”

“Noong isang buwan ay isang Venezuelan naman ang nabalitaan naming girlfriend ni Lance.”

n

apapailing ang binata.

“At kinukunsinti ni Franco at ikaw ang lalaking iyon, Alvaro,” pagalit na wika ni Erlinda na sumungaw sa pinto. “Lance has become a jet-setter!”

Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. He loved his younger brother and he couldn’t find fault sa jet-setting nito. Isa pa, ito ang gusto niyang buhay, dito sa rancho. At iyon ang gusto ni Lance. Ang

tanging setback lang ay siya ang gusto ni Franco na mamahala sa buong FN International. At bahala na si Lance sa negosasyon sa ibang bansa.

“Nakahanda na ang mesa.”

s

i Erlinda na nagpatiuna sa paglabas.

Tumayo si Kristine. Lumapit sa kanya si Alvaro at may ibinulong. “How long have you known my brother?”

“Sa duration ng marriage life ko. Dito kami ikinasal ni Roy sa Pilipinas but went abroad after a week. Actually, si Jenny ang una kong nakilala, classmate kami sa dalawang subjects. Bakit?”

“Gusto ko lang ipaalam sa iyong magkaiba kami ni Lance ng taste sa babae,” nakangising bulong uli ng binata.

“Meaning?”

“Lance has a penchant for dark women. While I like my women mestiza. And I’m glad you’re not dark.”

Hindi nakuhang sagutin ni Kristine iyon dahil lumingon si Erlinda upang tiyaking kasunod na sila.