noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Feb 09, 2022

Chapter 3

Chapter Three

U

MAASAM

na mga mata ang nakasunod kay Alvaro mula sa mga waitress nang pumasok siya sa bar/restaurant. Ang pinakamalaking bar/restaurant sa bayan ng Sto. Cristo. Sa standard ng maliit na bayang iyon ay malaki na ang ganoong uri ng bar at restaurant.

Tuloy-tuloy ang binata sa counter at naupo sa

bar stool.

“Hi, Pabs, beer nga.”

“Galing ka bang Maynila niyan?” tanong ni Pablo, ang bartender habang kumukuha ng malamig na beer at mug. Tumango si Alvaro at bahagya nang luminga-linga sa paligid.

“Ang tagal mong hindi nadaan rito, ha, Alvaro?” patuloy ni Pablo. Inilapag sa harap ng binata ang ice cold beer kasama ang beer mug.

Nagkibit ng mga balikat ang binata at dahan-dahang isinalin sa mug ang laman ng bote. Isang waitress ang lumapit sa counter at may hininging order kay Pablo pero ang mga mata ay mapungay na nakatitig kay Alvaro.

“Hi,” wika ng babae na inilapit nang husto ang sarili sa binata at idinikit ang braso rito. Nalanghap ni Alvaro ang mumurahing pabango. “Libre ako mamaya,” patuloy nito.

“Tatandaan ko iyan,” sagot ng binata na bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi. Nasisiyahang dinampot ng waitress ang dalawang boteng ibinigay ni Pablo at lumakad na patungo sa customers.

“Si Anette ang pinakabago namin dito at pinakamaganda,” wika ni Pablo na sinabayan ng

malisyosong ngiti. “Mabili iyan.”

Bahagyang nilingon ni Alvaro ang babae sa maimbay nitong paglakad. Maliban sa pagtaas ng isang sulok ng mga labi ay hindi kumibo ang binata. Dinala sa mga labi ang mug at pinangalahati bago muling inilapag. May naalala sa sinabi ni Pablo.

“Don’t you ever again bed a whore, Alvaro, Lawrence,’’ parang kulog ang tinig ni Franco Navarro sa dalawang anak na lalaki. “If you do that I’ll castrate you two!”

Iyon ang pinakamasidhing bilin ni Franco sa mga anak na lalaki. At nang panahong sabihin iyon ay galit na galit ito. Nagkataon lamang na idinamay na si Lance dahil naroon ang kapatid. Alvaro was fourteen and Lawrence was twelve.

Natuklasan ng ama na mula sa club ng mga Gascon ay naglabas sina Alvaro at Nick ng mga babae who were just too willing na sumama sa dalawang teenagers. Both boys were already tall and outrageously good-looking sa kabila ng murang mga edad. Nick was a year younger than Alvaro at napagkasunduan ng dalawang lalaki na gawin

sa gabing iyon ang kauna-unahan nilang sexual experience.

Sa condo unit ni Jerome sa Roxas Boulevard dinala ng dalawang binatilyo ang mga babae. Nakuha ni Nick ang susi mula sa guwardiya.

Iyon ang pinaka-awkward na pangyayari sa buhay niya. His first release came immediately even before he completed the act sa pagtatawa ng babae. He wanted to murder the woman right there and then, pero nangibabaw ang humour at nakitawa na rin ang binatilyo.

“Show me how,” aniya rito.

“Slowly... not there... not so fast... oh yes... faster now...”

Iyon ang natatandaan niyang sinasabi ng first-class call girl ng club. At sa gabing iyon, he became a man. Patiently tried to learn everything to please a woman.

Hindi dapat nalaman ni Franco iyon kung hindi nag-alala si Bea na hatinggabi na ay hindi pa umuuwi ang anak na nang tumawag kay Monica ay kapareho rin nitong nag-alala dahil wala pa si Nick.

Nang umuwi si Alvaro ay hindi birong sermon ang inabot sa ama at sa loob ng isang linggo ay kalahati ng allowance niya ang nawala. While Nick got the beatings from Jerome. Naging dahilan iyon upang tumakas si Nick patungong Sto. Cristo at

nanatili roon ng isang linggo.

A month after that ay ipinadala ni Franco si Alvaro sa America upang doon mag-aral. Ganoon din ang ginawa ni Jerome kay Nick na ang intensiyon ay upang hindi madehado ang anak sa matinding kasiyahan ng dalawang binatilyo. At bagaman hindi na muling nakipagtalik sa bayarang babae ang dalawang binatilyo ay hindi natapos doon ang mga kapilyuhan. Ilang mga kaeskuwelang puti ang idine-date ng mga ito and even had their sexual plays in the front seat and back seat of a car.

“Papatulan mo ba?” Si Pablo na nagpahinto sa alaala ni Alvaro.

“Stupid question,” usal ng binata na muling itinaas sa bibig ang beer mug.

“Uh… uh...”

s

i Pablo na ang mga mata ay nasa pintuan. “Tingnan mo...” sinundan ni Alvaro ang tinutuon ng mga mata ng bartender.

Isang babae ang kapapasok lang at palinga-linga at naghahanap ng bakanteng upuan. Kung hindi sa mga kurbada ng katawan ay mapagkakamalan mong lalaki sa malayo sa iksi ng buhok. Naka-tight fitting jeans at hindi man sabihin ay alam ni Alvaro na original na ikinataas ng mga kilay niya.

Hindi taga-Sto. Cristo ang babae. Sa may sulok na mesa ito naupo habang sinusundan ng isang waitress. Ibinalik ni Alvaro ang tingin sa inuming nasa harap.

“Ano’ng problema?” matter-of-factly niyang tanong.

“Malaki,” sagot ni Pablo. “Tingnan mo ang mga mata ng mga lalaki at nakatuon lahat sa kanya. Kung hindi mo napansin ay maganda ang babae, sexy at bata pa. Ups...!” patuloy nito na nanlaki ang mga mata.

Naiiritang lumingong muli si Alvaro. Isa sa dalawang lalaking nakaupo sa may di-kalayuan sa mesa ng babae ay iniharap ang silya rito at kinakausap ang babae.

“Mga bagong bodyguard ni Mayor ang dalawang iyon, Alvaro, at mga lasing na. Kanina pang alas-singko y media ang mga iyan dito.”

He can smell trouble at once pero wala siya sa mood. Pagod siya. Hindi biro ang haba ng oras na biyahe mula Maynila hanggang Gumaca. Pagkatapos ay isang oras mahigit sa barge patungong Sto. Cristo.

At kung hindi lang halos alas-siyete na ay tutuloy na siya ng rancho pero isang oras at kalahati rin ang biyahe pauwi. At basag ang dalawang headlights ng Path Finder niya. Nabasag pagkarga sa barge at tinamaan ng kadenang bakal. Gusto niyang murahin ang tripulante dangan nga lang at alam niyang hindi naman sinasadya. May mga daan na matarik pauwi sa rancho at maaaring madisgrasya siya kung wala siyang ilaw. Minabuti niyang bukas na ng madaling-araw umalis ng Sto.

Cristo.

Ang ikalawang dahilan, hindi niya gugustuhing makabangga ang mga tauhan ni Mayor Domingo. Nililigawan niya ang anak nito, si Angie.

Isang malakas na tawanan ang muling nakapagpalingon sa kanya sa mesa ng babae. Naibigay na ng waitress ang order nitong pagkain at ang isang lalaki ay naupo nang talaga sa mesa nito. Tinitigan niya nang husto ang mukha ng babae.

Damn her, she’s pretty. Oh, no. Not the stunning beauty pero lalo namang hindi rin mukhang probinsiyana. Iyon ang dahilan kung bakit nakuha nito ang atensiyon ng mga lasing. At ang mukha ng babae ay hindi man lamang kinakitaan ng takot o pangingilag. Sa halip ay iritasyon ang naroon.

“Hindi tagarito, Alvaro.”

s

i Pablo uli. “Alam mo namang walang tagarito ang papasok sa restaurant na ito na mas kilala sa pagiging bar.”

“Wala akong pakialam, Pablo!” Narito siya para uminom nang kaunti nang makatulog sa nag-iisang hotel sa bayang ito. Kung natutuhan ng babaeng pumasok sa ganitong uri ng lugar ay kaya nitong pangatawanan ang sarili sa mga lasing na iyon.

“Ano ba!” Narinig niya ang hindi kalakasang tinig ng babae. Pagkatapos ay ang malakas na

halakhak ng lasing at ng kasama.

Nagtagis ang mga bagang ni Alvaro. Wala siyang pakialam, totoo iyon. Pero pumasok sa isip ang malimit sabihin ni Bea sa kanilang magkapatid.

“Treat every woman chivalrously, Alvaro, Lance. Kahit na siya pa ang pinakamababang uri ng babaeng nakilala ninyo. Treat her with respect and dignity as you would have other men treat me and little Jenny.”

Damn woman! bulong ng binata na kinukulit ng konsensiya. Inikot niya ang bar stool at humarap. Sa puntong iyon ay nakahawak na sa braso ng babae ang isang kamay ng lasing.

“Ingat ka, Alvaro,” pahabol ni Pablo nang tumayo ang binata at lumakad patungo sa kinaroroonan ng babae. “Lasing na ang mga iyan.”

Biglang natahimik ang usapan at bulong-bulungan sa loob ng bar nang makitang lumalakad patungo sa kinaroroonan ng tatlo si Alvaro. Ang tanging maririnig ay ang tunog ng jukebox. Six feet and one inch tall. Big and all muscles. Parang adobe ang katawan. At ang ilan sa mga customers doon na nakakakilala sa binata ay nagsilayo sa

maaaring abutan ng rambol kung saka-sakali.

“Bakit ba ang suplada mo, ha?” patuloy ng lalaking nasa mesa ng babae. “Gusto ka lang naman naming maka-table, ah.”

“Customer din ako rito at hindi waitress,” pangangatwiran ng babae sa kalmanteng tinig bagaman naroon ang galit.

“Mapapahiya ka yata,

p

areng Diego,” kantiyaw ng kasama nitong bumunghalit ng tawa. Tawang nahinto nang may kamay na humila sa upuang nasa tagiliran nito at itaas doon ang isang naka-leather boots na paa.

“`Pag pumapalag ang babae, hindi atin, Diego,” mahinahong wika ni Alvaro. Sabay na lumingon ang babae at ang tinawag na Diego.

“Hoy, wala kang pakialam dito, ha!” singhal ni Diego. “Baka hindi mo ako nakikilala?”

“Sure, kilala kita. At may pakialam ako dahil ayaw sa iyo ng babae.”

s

inulyapan ni Alvaro ang babae at nginitian. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae sa ngiting iyon. Ang uri ng ngiting magpapawala sa matitinong kaisipan ng maraming babae. “Hi.” Sinabayan ni Alvaro iyon ng kindat.

Tuluyang nanlaki ang mga mata ng babae. Hindi sa kindat kundi dahil tumayo ang kasama ni Diego mula sa likuran ni Alvaro.

“Sa likod mo!” babala nito.

Naiiwas ni Alvaro ang likod sa unday ng

b

atangas subalit hindi ang balikat niya.

“Aw, shit!” Napangiwi siya sa matinding hapdi sa pagkakadaplis na iyon ng patalim sa balikat niya.

Karaniwan na ay maingat siya roon. Nasa sulok ng mga mata niya ang kasama ni Diego at nag-aantabay sa gagawin nito. Lamang ay nakuha ng babae ang pansin niya nang husto.

Damned woman!

Habang hawak ng isang kamay ang balikat na hindi niya matiyak kung inaagusan ng dugo ay umikot ang binata at isang todong flying kick ang ibinigay sa lalaki. Tumama ang boots niya sa mukha nito at bumalandra sa mga silya ang lalaki bago bumagsak sa baldosang duguan ang ilong.

Bahagya na rin niyang naiwasan ang kamao ni Diego. Sa mesa tumama ang lalaki nang maiwasan ni Alvaro ang suntok. Muli itong nag-akmang tatayo upang muling sugurin ang binata nang pumagitna ang babae.

“Tumigil kayo..!”

“Damn!” usal ni Alvaro sa ginawa ng babae. “Huwag kang pumagitna at masasak...!” Hindi natapos ng binata ang babala dahil isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ng babae mula kay Diego. Sumadsad ito sa mga silya at napaupo roon, dumugo ang mga labi.

“You son of a bitch! You don’t deserve a fair fight!” hiyaw ni Alvaro kay Diego sa nagngangalit na mga bagang.

Ang lalaking nananakit ng babae ay walang karapatan sa isang malinis at patas na laban. Muling tumaas ang kanang binti ng binata at sa pagitan ng dalawang binti ni Diego ay malakas na tumama ang boots niya.

Nanlaki ang mga mata ni Diego na pinangapusan ng hininga. Pagkatapos ay sinapo ang harapan at unti-unting naupos paluhod sa baldosa sa matinding sakit.

Nilapitan ng binata ang babae na dinadama ng mga daliri ang mga labi. “Nasaktan ka ba?” Inaasahang makikita sa mukha ng babae ang paghanga sa ginawa nito o di kaya ay pasasalamat.

Subalit alinman sa mga iyon ay hindi narehistro sa magandang mukha ng babae. Galit sa halip ang naroon.

“Hindi ba malaking kalokohan iyang tanong na iyan gayong heto at dumudugo ang mga labi ko!” asik nito. Umikot ang mga mata ni Alvaro.

“Ungrateful wench!” bulong ng binata. Muling niyuko ang babae. “At ako pa ang sinisi mo sa nangyari sa iyo? Nagkaroon ka sana ng kaunting sentido kumon na huwag pumagitna sa nag-aaway!”

“At sino ang sisisihin ko?” patayong tanong ng babae na hindi nagbabago ang tono. “Iyang lasing na iyan?” Naningkit ang mga matang nilingon nito si Diego na namimilipit pa rin sa sakit at nagmumura patungkol kay Alvaro. “I could have handled him without getting hurt. You two are the classic example of male chauvinist pigs! Isang gustong mamuwerhisyo ng babae at isang ipagtatanggol ka kunwari mapatunayan lang na superyor ang pagkalalaki.”

“Whoa, baby!” Hindi makapaniwalang itinaas ni Alvaro ang dalawang kamay sa ere. “I couldn’t

believe this! Muntik nang sa likod ko tumama ang patalim ng kasama niyan sa pagtulong ko na huwag kang mabastos at `eto pa ang mapapala ko!” Sa pagkabanggit sa patalim ay muling noon lang naramdaman ng binata na kumikirot ang balikat nito.

Bago pa may maisagot ang babae ay isang tinig ang narinig nila. “Ano ang ibig sabihin nito?”

Humarap si Alvaro. “Hepe...

m

ayor...”

“Hanggang ngayon ba naman, Alvaro?” Ang hepe na umiiling. Sa pagkakatanda nito ay hindi birong gulo ang kinasasangkutan lagi ng magkapatid na Navarro kasama si Nick Montaño noong mga binatilyo pa ang mga ito. “Ikaw ba ang pasimuno ng gulong ito?”

“Ano ang ginawa mo sa mga bodyguard ko, Navarro?”

a

ng mayor sa awtorisadong tinig na sinulyapan ang dalawang lalaki.

“Tingnan ninyo ang ginawa ng lalaking iyan sa akin,

m

ayor!” tila batang hiyaw ni Diego na ikinataas ng isang sulok ng mga labi ni Alvaro sa

amusement.

“Ipinagtanggol ko lamang ang babaeng ito mula sa pangmomolestiya ng mga tauhan mo,

m

ayor.”

n

ilingon ni Alvaro ang katabi subalit wala na roon ang babae.

“Sinong babae, Navarro? Lasing ka ba?” Ang hepe sa sarkastikong paraan.

Nagsasalubong ang mga kilay na inikot ni Alvaro ng tingin ang loob ng bar. Nawala ang babae. Napatingala siya sa kisame sa iritasyon.

“Itanong ninyo, hepe, sa mga taong iyan kung ano ang nangyari. At wala kang karapatang gamitan ako ng ganyang tono,” angil niya.

Napatikhim ang hepe na muling umiling at niyuko ang nakatihaya sa baldosa at sinipa para bumangon. Si Alvaro ay tuloy-tuloy na lumabas. Nasa pinto na siya nang marinig ang tinig ni Mayor.

“Mag-uusap tayo, Alvaro...”

Hindi pinansin ng binata iyon at tuloy-tuloy sa labas. Alam niya kung ano ang pag-uusapan. Hindi ilang beses ipinahihiwatig ni Mayor Domingo

ang tungkol sa kanila ni Angie. Ang pagnanais nitong maging seryoso sa anak nito at pakasalan na.

Women! Tulad nga ng biruan nila ng ina, hindi niya kayang

mamuhay sa

piling ng isang babae. At lalong hindi niya kayang

mabuhay

kung

walang babae. Oh, well, he loved women. Even if most of the time they irritated him. He loved their giggles and flirtations. The way they used tears as an ultimate weapon. And most of all, he loved

that thing

between their legs because therein lies the difference between man and woman.

Malapit lang ang hotel sa bar na pinanggalingan at nilakad lamang niya iyon. Kumirot muli ang balikat niya at pumasok sa isip ang babae.

Nagtagis ang mga bagang ng binata. Ang

walang utang-na-loob!

Basta na lang nawala. Hindi na nga nagpasalamat ay nagalit pa. At siya na nga ang nasugatan ay siya pa ang nasisi.