Chapter 4
Chapter Four
B
AHAGYANG
tinanguan ni Alvaro ang lalaki sa counter at pumanhik nang tuloy-tuloy sa okupadong silid sa itaas. Hindi iyon ang lalaking dinatnan niya kanina bago siya nagtungo sa bar.
He hated the place. Marumi at luma na at hindi maganda ang mga facilidad. Pero ano ba ang inaasahan niya sa kaisa-isang hotel sa bayan ng Sto. Cristo? Hindi niya madesisyunan kung maigi pang matulog na lang sa airconditioned pickup kaysa sa hotel na ito. Pero gusto niyang ilatag ang katawan at kung sa pickup siya matutulog ay tinalo pa niya ang nagbiyahe sa gabing iyon.
He moved swiftly and quietly, na unusual para sa isang malaking taong tulad niya. Sinusian niya ang pinto ng silid. Bumukas iyon. A faint scent
met him. Tila pamilyar pero hindi niya agad maisip. Kinakapa niya ang ilaw nang may maramdaman siyang kakaiba. May tumaas at bago pa niya naiiwas ang sarili ay tumama sa mismong balikat niyang may sugat ang isang silyang kahoy.
Napaungol ang binata sa matinding sakit. Nawalan ng panimbang bagaman sinikap na huwag bumagsak sa sahig. Inihanda ang sarili sa anumang panganib nang bumukas ang ilaw.
“Ikaw!” parehong usal ng dalawa sa pagkamangha.
“And damn you!” hiyaw ni Alvaro na lumakad patungo sa kama at ibinagsak ang sarili habang sapo ng kanang kamay ang kaliwang balikat.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ng babae na ibinaba ang hawak na silya. Nakapamaywang na nilapitan ang binata na nakapikit at nagsasalubong ang mga kilay.
“I should be the one asking that question,” pagalit na sagot ni Alvaro na nagmulat ng mga mata. “Inabangan mo ba ako rito sa silid ko para patayin?” sarkastikong dugtong nito.
“Silid mo?”
“Silid ko!”
Naningkit ang mga mata ng babae. “Luma na iyang taktikang ginagamit mo. Mister, kung sino ka man. Kung hindi mo mamasamain ay lumabas ka na bago ko tawagin ang manager sa hotel na ito.”
Hindi agad nagsalita si Alvaro. Sinikap nitong ipunin lahat sa dibdib ang kontrol sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito. At sa pilit at kalmanteng tinig ay nagsalita: “Woman, this is my room. Itanong mo sa ibaba kung paanong nangyari at ibinigay sa iyo ang silid na ito.” Matinding iritasyon ang nararamdaman ni Alvaro. Idagdag pa ang sugat na lalo pang nasaktan sa hampas ng silya. At heto ang babae at nakikipagtalo ng silid niya ito.
“Bakit hindi ikaw ang bumaba at ikaw ang magtanong?!” pagalit ding sagot ng babae. “Ano ang malay ko kung sadya mo akong sinundan dito...”
“Shit!” usal ni Alvaro. Masakit at umaantak ang sugat nito at wala itong balak makipag-usap. Nararamdaman na niyang namamanhid ang balikat.
“You don’t really have to act as if you’re in pain,” patuloy ng babae na bahagyang nalito sa nakikitang hitsura ng binata. “Hindi naman malakas ang pagkakahampas ko ng silya sa iyo.”
m
ay bahagyang guilt sa tinig niya na humalo sa galit. “Kasalanan mo dahil basta ka na lang pumapasok sa silid ng may silid. Walang bolt ang silid na ito at kailangan kong protektahan ang sarili ko sa... sa mga... tulad mo...”
Alvaro moaned and cursed silently. The woman is intolerable. Kasalanan ba talagang pumatay ng
tao? O ng babae for that matter?
“Please... ayokong makipag-usap. Gusto ko na lang magpahinga, okay?” patuloy nito pero hindi nagmulat ng mga mata. “Bahala kang magreklamo sa ibaba and I doubt kung pakikinggan ka. Kilala ako ng mga iyon.”
Nalimutan sandali ng babae ang tungkol sa silid na pinagtatalunan nila. Nalilitong tinitigan ang binatang nakapikit, as if in real pain. Nang biglang maisip na inundayan nga pala ito ng patalim kanina niyong isang lasing. Ang alam niya ay nadaplisan lamang ito?
Mabilis siyang naupo sa gilid ng kama at inalis ang kamay ni Alvaro sa balikat nito at bahagyang itinagilid.
“What the hell are you doing?!” pagalit na tanong ng binata. “Hindi ba puwedeng iwan mo akong mag-isa?!”
“M-may—sugat ka!” hindi makapaniwalang bulalas ng babae.
“Thanks to you!”
Hindi pinansin ng babae ang sarcasm sa tinig ng binata. Itinaas ang napunit nitong
t
-shirt sa likod. Nasilip niya ang may tatlong pulgadang sugat na marahil ay nakayod ng patalim. Hindi niya
madesisyunan kung malalim o hindi. At kaya hindi niya napuna ang dugo dahil navy blue ang sport shirt ng lalaki.
“Kailangang magamot ang sugat mo.”
“Oh, no, don’t worry. I deserved it,” patuyang sagot ni Alvaro.”
“I... I am sorry...” marahang usal ng babae. “Hindi ko... alam.”
Nagmulat ng mga mata si Alvaro at tinitigan ang babae. “You’re sorry! That’s interesting...”
“Please, there’s no need to be sarcastic. Humihingi na akong pauman...”
“Walang anuman,” agap ng binata na patuloy sa pagtuya. “Kung ginagawa mo iyan para itaboy ako dito sa silid ko, then you’re wrong, Miss Whoever! There’s no way in hell I’m getting out of this room so forget it!”
She gritted her teeth sa sarcasm at galit sa tinig nito. Sinisikap kontrolin ang inis. “I really am sorry at... at... salamat sa ginawa mo kanina sa restaurant,” she said in her most sincerest tone.
Bahagyang nabawasan ang galit ni Alvaro sa tono niya. Itinaas ang kamay sa mga labi ng babae bago pa ito nakakilos. At sa nagsasalubong na mga kilay ay dinama ang lower lip niya.
“A little bit swollen at may natuyong dugo...”
She tried to hold her breath sa warmth na nanulay sa katawan niya. It wasn’t a caress. Certainly not. One of those things kung saan nag-aalala ang isang tao para sa kapwa tao. Tulad ng nararamdaman niya sa sugat nito.
Tumikhim ang babae at tumayo. “Baka... maimpeksiyon ang sugat mo kung hindi gagamutin. Bababa ako at itatanong ko sa tao roon kung may gamot sila sa sugat...”
s
he tried to steady her voice. Isang simpleng hawak sa mga labi niya mula sa isang estranghero at nara-rattle na siya. Hindi lang iyon, paanong sinasalakay ang lahat ng senses niya sa masculine scent ng lalaki?
Estranghero, yes. Pero tingnan mo ang estrangherong iyan, doesn’t he look like William Baldwin?
Sa ibaba ay nilapitan ng babae ang naroong boy sa likod ng counter. “Excuse me...” sinabayan niya iyon ng tikhim nang titigan siya nito mula ulo hanggang paa. “May alcohol ba kayo rito at saka gamot sa sugat? Betadine kaya?”
“Sino ang may sugat, Miss?” nagtatakang tanong ng lalaki.
“Ang—ang kasama ko?” kaila niya. Kung bakit hindi niya alam. “Mayroon ba?”
Dudang tinitigan siyang muli ng lalaki. Pagkatapos ay umiling. “Wala n’on dito, Miss. Sa botica tiyak mayroon. Bukas pa iyon dahil maaga pa naman.”
Huminga siya nang malalim. “Malayo ba dito iyon?”
“Diyan lang sa may kanto. Kung bibilisan mo ay aabutan mo pang bukas iyon.”
Mabilis siyang lumabas ng hotel at binaybay ang itinuro ng lalaki. Tatlong kahoy na ang nakasara nang dumating siya sa bintana ng maliit na botica. Mabilis niyang binili ang sa inaakalang mga kailangan. Pagkatapos ay mabilis ding bumalik ng hotel at tuloy-tuloy na pumanhik sa ikalawang palapag.
Iyon pa rin ang posisyon ni Alvaro nang datnan niya. Nakapikit pa rin ito. Pilit na nagmulat lamang ng mga mata nang maramdamang naupo siya sa gilid ng kama.
“Oh, it’s you. Akala ko ay umalis ka na...”
m
ay banayad na sarcasm sa tinig nito bagaman naroon ang relief. Kung bakit hindi nito matiyak.
“You can’t expect me to desert a dying man,” pabiro niyang sagot. “Nagpunta pa ako sa botica. Please, alisin mo ang
t-
shirt mo para malinis ko ang sugat mo...”
“Sure...” walang anumang wika ng binata. Bumangon at itinaas ang sport shirt pagkatapos ay muling napangiwi dahil nabanat ang sugat. Nakita ng babae ang pagngiwi ni Alvaro.
“Masakit ba talaga?” she asked in a gentle tone.
“Dumb question.”
Ngumiti siya at napatitig nang wala sa oras si Alvaro sa mga labi ng dalaga sa ngiting iyon. She has a very kissable lips.
At inaawat nito ang sariling huwag ikulong ang babae sa mga bisig at hagkan hanggang sa pareho silang pangapusan ng hininga.
“Now we’re even. Tinanong mo rin sa akin iyan
kanina,” wika ng babae na nagbaba ng tingin. Biglang nadama ang tensiyon sa pagitan nila ng estranghero.
Iniwas ng tingin ng binata ang mga mata sa mga labi niya. Tuluyang hinubad ang sport shirt at inihagis sa silya sa di-kalayuan. Napasinghap si Kristine nang makita ang sugat.
“Hindi biro ang sugat mo!”
Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. “It won’t kill me.”
“But the infections would! Ni hindi natin alam kung saan ginamit ang patalim na iyon.”
“Ayokong hulaan.”
“Kailangang malinis at magamot iyan.”
“Be my guest,” nakangising sagot ng binata na tinitigan ang dalaga mula sa tagiliran. Tuluyang naglaho ang inis para dito. “Ano ang pangalan mo?”
“Wala kang pakialam!” banayad na asik ng babae na inaalis ang seal ng alcohol. Hindi komo inaasikaso niya ang sugat nito ay may karapatan na itong makipagkilala sa kanya.
“Nice name. Galing sa ama o sa ina mo?” patuloy ni Alvaro.
“Cute,” ismid ng babae.
“You’re wearing Opium,” banayad na komento ng binata sa mamahaling pabango ng babae.
“Hindi ako magtataka kung sa perfumery section ng Rustan’s ka nagtatrabaho,” she commented stupidly. It would be a big laugh kung ang hunk na
lalaking ito ay ganoon nga ang trabaho.
Hindi sumagot si Alvaro at matiim na tinitigan ang babae. Mestiza at tila masusugatan ang makinis na balat with so much as a touch. Mahahaba ang mga pilikmatang tumatakip sa mga matang nakatitig sa sugat nito. Natatandaan nito ang mga matang iyon kanina sa bar when she was angry and a while ago when she attacked him. Mga matang kasinlamig ng Arctic region.
He wonder what those eyes would look when being made love to? Maglalabas kaya ng mga apoy iyon? Hinagod nito ang kabuuan ng mukha ng dalaga. She isn’t really what you will call beautiful but certainly she’s pretty... and very sexy.
He wasn’t referring to her delicious body when he said sexy. It was her face. May kung anong bagay sa mukha ng babae that would make a man crazy and make him think of sex.
Sex! Kung mayroon mang dapat isipin ngayon ay kahuli-hulihan ang sex. May sugat siya at tama ang babaeng ito. Baka infection ang abutin niya nang dahil lang sa maliit na sugat na sanhi ng patalim that only God knows kung saan ginamit.
Gusto niyang ibaling sa iba ang atensiyon in spite of the ache in his loins. Pero paano nito gagawin iyon gayong ang babae mismo ay hindi inaalis ang mga mata sa pagtitig sa kanyang katawan as if she’s longing to touch him. Oh, well, he’d love that kahit na ba masakit ang sugat niya.
“Don’t stare at my body as if I’m some kind of a botanical specimen.”
h
indi itinago ng binata ang amusement sa tinig.
Biglang nag-angat ng ulo ang dalaga na huminto sa pagbubukas ng alcohol. “A-ako...?” She stammered. Napahiya sa pagkahuling iyon sa pagtitig niya sa matipunong katawan ng lalaki. Why, he’s big. Very masculine na sa isang iglap na sandali ay inisip niya kung paano ang makulong sa mga bisig nito.
“Sino pa ba, eh, tayong dalawa lang ang narito?”
“Of course... I mean...”
Ngumisi si Alvaro. “Talaga bang nakakawala sa sarili ang hubad kong katawan?”
Umirap ang babae. Irap na magpapalanta ng isang dosenang sariwang rosas kung doon itinuon.
“Hold your breath, Mister. Tingnan natin kung gaano kaganda at katibay itong katawang ito...”
a
t bago pa nahulaan ni Alvaro ang mangyayari ay binuhusan ng dalaga ng alcohol ang sugat niya,
with a vengeance.
Nag-echo sa silid na iyon ang malakas na pagmumura ni Alvaro sa amusement ng babae.
“Oh, hell... oh...!” sigaw ng binata na ang mga sinasabi ay unprintable.
“I admire your fluency in cursing, Mister...” natatawang wika niya.
“Tigilan mo iyan or else I’ll kill you—Agh!”
“Ikaw ang pinakamalaking baby na nakita ko.”
“Ano ang ginagawa mo?!”
“Pinapatay ang mga mikrobyo.”
“Anak ng... ako ang pinapatay mo! Hipan mo, hipan mo!”
“The germs will spread out...”
“Who cares about the germs, dammit! Hipan mo or I’ll squeeze your neck!”
She smiled at banayad na hinipan ang sugat. Whoever this stranger hindi siya naniniwalang sasaktan siya nito physically. Ang instinct niya ang nagsasabing hindi ang uri nito ang nananakit ng
babae. Nakita niya ang galit sa mga mata nito kaninang tinamaan siya ng kamay ng lasing.
Natahimik si Alvaro nang maramdaman ang lamig sa pag-ihip na iyon ng dalaga na sumama sa menthol ng alcohol.
“Ano ang nakakatawa?!” asik nito nang makita ang ngiti sa mga labi ng babae.
“Ikaw.”
h
indi niya mapigil ang pagngiti. Inabot ang bulak at pinunasan ang mga natuyong dugo sa paligid ng sugat. “Hindi ka natakot sa mga lasing na iyon at sa patalim pero heto at alcohol lang ay tinalo mo pa ang munting bata.” Pagkatapos ay inabot ang
b
etadine at binuksan at akmang ibubuhos nang hawakan ni Alvaro ang kamay niya.
“Hold it... hold it! Ano na naman iyan?!”
“Betadine. Panlinis lang ang alcohol at gamot ito sa sugat para madaling matuyo. Hindi ito mahapdi.”
“Tiyakin mo.”
m
ay banta sa tinig ng binata na tumitig sa kanya. Ang kamay ay nakahawak pa rin sa pulso ng babae. Nagsalubong ang mga tingin nila. It was like completing an electric circuit.
Sandaling namagitan ang walang hanggang katahimikan. Ang estranghera ang unang nagbaba ng tingin at marahang hinila ang kamay. Walang kibong ipinagpatuloy ang ginagawa. Nagpatuloy ang nakabibinging katahimikan. Nang mai-bandage ng babae ang sugat ay tumayo siya.
“Okay na,” she said huskily. Umiiwas na makasalubong ang mga mata ni Alvaro. “Puwede ka nang lumabas ng silid ko,” pormal niyang sinabi.
“Silid mo!”
“Silid ko!”
Napailing ang binata. “We sound like a broken record. Now, let me make it clear, bago ako nagpunta sa bar na iyon ay okupado...”
“Huwag na tayong maglokohan, Mister,” agap niya sa sinasabi nito. “Maaaring mga lasing ang mga lalaking iyon at masama ang motibo ng paglapit nila sa akin. Pero ganoon ka rin. Higit nga lang na desimulado and more polish ang pamamaraan mo.”
“Iniisip mong sinundan kita dito at... at...”
s
andaling nautal ang binata sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito. Nahati ang pansin nito
sa pagitan ng sinasabi ng babae at sa singsing na nasa daliri niya na napansin ni Alvaro.
The woman is married! Wedding ring ang suot nito. No woman in her right mind ang magsusuot ng wedding ring kung wala namang asawa. Kaya pala malakas ang loob na pumasok sa ganoong uri ng restaurant!
“Hindi ko lang iniisip,” agap ng babae. “Iyon ang binalak mong gawin. Nakatulong sa iyo ang sugat mo but you can’t fool me, Mister Whoever.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. Ibinalik ang pansin sa sinasabi ng babae. Bigla ay nakadama ito ng matinding disappointment.
“Of course, hindi mo ako kilala, pero sasabihin ko sa iyo ngayon, Miss Whoever. Hindi ako gumagamit ng ganitong mga pamamaraan just to bed a woman!”
“Really?” Tumaas ang mga kilay ng babae. “At ano’ng pamamaraan ang ginagamit mo?” tuya niya.
Tumaas ang sulok ng bibig ni Alvaro. “Darling, in my case, karaniwan na ay mga babae ang gumagawa ng paraan para makapiling ako sa kama, kung hindi mo ikagagalit.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae pero pilit na nag-compose. “Aren’t we being conceited here?”
“Iyon ang totoo. At kung gusto ko ng babae ay hindi ko kailangang magpakabayani. They are available for my taking.”
“Oh!”
“Yes, oh. And don’t be a hyprocrite. Nakita ko kung paano mo ako tinitigan kanina. What did you fantasize? Me, deep inside you? Why, baby, you’ll
probably have the most exciting ride of your life!” Naiinis si Alvaro kaya kung ano na lang ang sinasabi. Hindi gustong amining nakadagdag sa inis nito ang nakitang wedding ring.
“You... you...!”
“But rest assured,” agap ni Alvaro sa nagbabantang histerya ng babae. “My morals do not allow me to bed and pursue married women!” Bago pa nakasagot ang babae ay galit na tumayo si Alvaro. Hinablot ang sport shirt sa silya at walang kibong lumabas ng silid kasabay ng pagbagsak ng pinto.
Ang babae ay nanatiling nakatitig sa pinto, in shock sa outburst ng lalaki. Sa pakiramdam niya ay namumula pa ang mukha niya sa sinabi nito, which was partly true.
And married women. Iyon ang narinig niyang sinabi ng lalaki. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nasa kamay. Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Yes. She was married. Was
married.
Pagkatapos ay pumasok sa isip ang pinagtatalunan nila. Baka naman totoo ang sinasabi ng lalaki. Maaaring nagkamali ang boy sa ibaba. Hindi imposible iyon. Kung sa malalaking hotel ay nangyayari iyon sa ganito pa kayang lugar.
Gusto niyang habulin ito dahil nag-aalala siya sa sugat nito pero pinigil niya ang sarili. Lalaki iyon at kaya niyon ang sarili. Isa pa, she’ll be damned kung hahabulin niya ang lalaki sa galit nito.
Si Alvaro ay napag-alaman sa ibaba na nagkamali ang boy sa pagbibigay ng isa pang susi ng kuwarto sa babae. At wala nang iba pang bakanteng silid sa maliit na hotel na iyon maliban sa isang silid na ang laki ay kalahati ng silid na iniwan. Ang kama ay isang pang-isahang teheras na sa palagay ng binata ay magigiba kapag siya ang mahihiga. Walang electric fan at mukhang mabaho. Panahon ng paghahakot ng copra at may mangilan-ngilang negosyanteng
i
ntsik na naroon upang bumili ng copra kaya marahil puno ang mumurahing hotel.
Minabuti ni Alvaro na sa mismong pickup na lang matulog. At least, mabubuksan pa niya ang aircon.