noveltoon logo noveltoon
Wild Rose (Kristine Series 8)

Chapter 2

Ch. 2 / 10 Feb 09, 2022

Chapter 2

Chapter Two

A

NG

kasalukuyan

.

“Matanda ako, Alvaro.”

s

i Franco na hinarap ang anak na nakaupo sa lounge at nakataas ang mga binti sa center table. “Hindi magtatagal at ikaw ang hahalili sa puwesto ko rito sa kompanya. Dapat ngayon pa lang ay simulan mo nang hasain ang sarili mo sa pamamalakad ng FN International!”

“Iyan ba ang dahilan kung bakit ipinatawag mo ako rito?”

Por dios

, Alvaro, wala akong makitang interest mula sa iyo sa kompanyang ito!” Ipinukpok nang bahagya ni Franco ang kamao sa ibabaw ng executive desk nito.

“Dalawang lalaki ang anak mo,” hindi natigatig na sagot ng binata.

“Ikaw ang unang inaasahan kong magkakaroon ng malasakit sa kompanya. I groomed you for this job, Alvaro. I trained you to run it, sent you to the best schools to teach what you have to know to

keep the company going. Higit kanino man ay alam mo iyan,” puno ng emosyong pahayag ni Franco na sa gulang na singkuwenta y dos ay makisig at matikas pa rin. Not a single unwanted fats sa katawan. At kung pagtatabi-tabihin ito at ang mga anak ay para lamang magkakapatid.

Matabang na ngumiti ang binata. Totoo ang sinasabi ng ama. Bagaman pareho sila ni Lawrence o Lance na nagsipagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa ay sa kanya umaasa ang ama bilang kahalili nito sa pamamahala ng kompanya.

“Besides, hindi ba at nagtatrabaho naman ang kapatid mo sa branch natin sa Texas?” patuloy ni Franco bagaman hindi gaanong kumbinsido sa sinabi. Why, his youngest son is jet-setting. Cruising the

c

arribean kasama ng mga milyonaryo sa ibang bansa. Hindi nga nagkukulang sa pagre-report sa kanya si Lance pero hindi panatag ang loob niya sa bunsong lalaki. Masyadong happy-go-lucky si Lance bukod sa pagiging playboy.

Oh, well, si Alvaro man ay matatawag na womanizer pero hindi tulad ni Lance, si Alvaro ay mapalad nang tumagal ng isang linggo ang girlfriend. And he’ll give anything tumigil lang ang mga anak na lalaki sa ganitong gawi. Though he couldn’t blame his boys. Alvaro and Lance are devasta

tingly handsome. And girls have been chasing the boys since they went out of their crib.

“Hindi pa panahon para gawin ko ang sinasabi ninyo, Papa,” aniya makalipas ang ilang sandali. “You’re still very young and strong and at the prime of your life. Isa pa, I don’t really want to clash with Nick.”

a

ng tinutukoy nito ay ang panganay na anak ni Jerome na siyang humalili sa ama bilang bise-presidente ng production. Bata lamang ito sa kanya nang isang taon. Twenty-four while Lance is twenty-three.

“Ayokong ulitin sa aming dalawa ang buhay ninyo ng Tito Jerome. Kung ito lang ay walang problema. I know how to deal with him as you have done. Pero hindi ang Tita Monica. I really hate to hurt her, you know. She has always been our friend at para na ring kapamilya. At gusto kong isiping mas loyal siya sa atin kaysa sa asawa niya.”

Tumalikod si Franco at itinuon ang paningin sa salaming bintana na ang makikita ay ang canning factory sa ibaba. Pinagmamasdan nito ang pagtakbo ng mga linya ng paggawa ng lata.

Ang body lines na siyang gumagawa ng katawan at ang mga end lines na siyang humuhulma sa top and bottom ng mga lata. Subalit wala sa mga ito ang isip niya kundi nasa sinabi ng anak. Sandaling pumasok sa isip ang pangyayari maraming taon na ang nakalipas.

Hindi sinasadya ang pagkikita nina Monica at Jerome sa kompanya isang linggo makapanganak si Bea. Since then ay hindi na tumigil si Jerome hangga’t hindi nabihag ang puso ng dalaga. Gusto niyang paniwalaang talagang mahal ni Jerome si Monica pero nakabaon na sa isip niya na walang mahal si Jerome kundi ang sarili. And he didn’t want Monica to get hurt. She was young. Kasing-edad lang ni Bea noon.

At sa kabiglaanan ng lahat, isang buwang mahigit makalipas ang pagkikilalang iyon ay nagpakasal ang dalawa. Nang ilang panahong mamalagi sa Sto. Cristo si Jerome upang pag-aralan at suyurin ang asyendang pag-aari ng mga Montaño ay nabuo ang hinala niya. Pinakasalan ni Jerome si Monica sa pag-asam na ang asyenda ng mga Montaño ay mapapasakanila balang-araw at maaaring itapat sa Rancho Navarro. Subalit hindi niya gustong isatinig iyon. Hindi niya gustong masaktan si Monica.

Sa pamamagitan ni Bea ay nalaman niya ang pag-aaway ng mag-asawa nang mamatay ang mga

magulang nina Monica at Luis. Minana ni Luis ang kalahati ng asyenda subalit hindi minana ni Monica ang kalahati. Nakalagay sa testamento ng mga magulang ni Monica na ang kalahati ng asyenda ay mamanahin ng panganay na anak nito sa takdang panahon. Kung bakit nangyari iyon ay hindi nagpaliwanag si Monica. Sa ngayon ay solong pag-aari ni Nick ang asyenda Montaño ayon sa testamento ng mga lolo at lola nito.

“Ikaw ang anak ko, Alvaro. Ikaw ang papalit sa puwesto ko.

h

indi si Nick, although I swear to the gods he is more than qualified. Hindi ko alam kung paanong ang isang tulad ni Jerome ay nagkaanak ng tulad ni Nick,” wika nito makalipas ang mahabang sandali pero ang paningin ay nanatili sa labas ng bintanang salamin. “Hindi na nakaahon si Jerome sa pakikipagkompetensiya sa akin. At isiping halos magkapareho lang ang yaman naming dalawa.”

Matabang na natawa si Alvaro. “Nakahihigit ka kaysa sa kanya, Papa, ayaw mo lang aminin. You have a loving wife and throughout the years ay walang nabago sa pagtitinginan ninyo ng Mama.

Ang Tita Monica ay pormal at submissive pero walang pag-ibig ang mga mata para kay Jerome...”

Marahas na nilingon ni Franco ang anak. “Paano mong napuna iyon?”

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “I just do. Isa pa, you have me and Lance at isang magandang anak na babae.”

n

asa tinig nito ang tenderness nang banggitin ang bunsong kapatid. “While he only had Nick na mas pa ang pag-aaway ng mag-ama kaysa sa ipinagkasundo. At sa puntong iyan ay na kay Nick ang simpatya ko sa pagkakaroon ng amang tulad ng Tito Jerome. Higit sa lahat, mataba at sakitin siya while you’re trim and handsome as ever. And women still after you. Why, Lance and I would feel insecure with you sa harap ng babae.”

t

umawa ito sa huling sinabi. Nakitawa na rin si Franco sa sinasabi ng anak.

Love shone in his eyes habang sinulyapan si Alvaro. God blessed him and Bea for having two gorgeous sons bagaman araw at gabi ang kaibahan sa isa’t isa. And of course, the love of their lives, ang kanyang bunso, si Jenny. People called her spoiled brat but the men and her mother adored her.

“Why don’t you let him win once in a while, `Pa,” suhestiyon ni Alvaro sa ama.

Nawala ang ngiti sa mga mata ni Franco. “Siya lamang ang nakikipagkompetensiya sa akin, Alvaro. Isa pa, hindi ang makaungos sa akin ang gusto ni Jerome.

h

e wanted to destroy me at iyon lamang ang makapagpapatahimik sa kanya.”

“He’s sick!” napapailing na usal ng binata. “And I really have this soft spot for Nick, Papa. Nagiging bitter ang isang iyon sa kagagawan ng ama. We used to be friends when we were kids. Pero nitong magsilaki kami’y parang may pader na nakapagitan sa aming pareho.”

“Matalino si Nick. I have to give him credit for that. Pero sinisira ni Jerome ang anak niya.” Bumuntong-hininga uli si Franco at tinitigan si Alvaro. “Lumalayo tayo sa pinag-uusapan natin, Alvaro...”

Tumayo ang binata at inunat ang sarili. “Tinitiyak kong isa sa mga araw na ito, Papa, ay gagampanan ko ang tungkulin ko sa opisinang ito pero hindi pa ngayon. You’re still here. Hindi ko gustong magpailalim sa iyo, Franco Navarro. Gusto ko ng freehand kung palalakarin ko ang kompanya.”

b

agaman may ngiti sa mga labi nang sabihin ng binata iyon ay naroon ang pagdiriin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Franco. “Damn

you, Alvaro. Pinamahalaan ko na ang kompanyang ito hindi ka pa man ipinapanganak. How will you learn kung wala ang supervision ko?!”

Ngumisi si Alvaro. “You are underestimating your own son, Navarro.”

“You conceited son of a...”

h

indi natapos ni Franco ang sasabihin nang bumukas ang pinto at sumungaw si Bea.

“Hi, guys,” nakangiting pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa dalawang lalaki.

“Hello, gorgeous,” salubong ni Alvaro sa ina at hinagkan sa pisngi. “I’m glad you’re here. Dederetso na ako ngayon sa Alta Tierra.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Bea. “Kararating mo lang kagabi, hijo.”

Ngumisi ang binata. “Tapos na ang conference ko sa Papa.”

n

ilingon nito ang ama na tumiim ang mukha

.

“Ano itong nababalitaan kong may nakakita sa iyong nag-check-in sa Manila Penn kasama ng isang socialite who won last month’s Miss Manila?” patuloy ni Bea na nangulubot ang noo.

“Tsismis lang iyon, darling. Alam naman ninyo ang mga reporters. Magkaibigan lang kami ni Janet.”

Tumaas ang isang kilay ni Bea sa sinabi ng anak. “Nagiging showbiz ka, Alvaro. Napaka-cliché na iyang sinasabi mo. Bakit hindi ka magkaroon ng seryosong relasyon at mag-asawa, hijo?”

“You want me to get married, darling?” natatawang sagot ng binata sa ina na pinalaki ang mga mata sa dramatikong paraan. “Women are my delight but I’m sure as hell couldn’t live

with

them...”

“And yet you couldn’t live

without

a woman,” sarkastikong dugtong ni Bea. And her son had the grace to smile devilishly.

“At tandaan mo, Alvaro.”

s

i Franco sa seryosong tinig. “Tiyakin mong matinong babae ang pagbibigyan mo ng pangalan mo at hindi kung sino-sino na lang na pinagpasa-pasahan ng ibang lalaki!”

Nawala ang ngiti ni Franco sa sinabi ng ama. “Kung saka-sakali, Papa, ako ang makikisama sa magiging kakasamahin ko. Buhay ko iyon at ako ang magdedesisyon. But in as much as hindi ko iniisip ang pag-aasawa ay wala tayong pag-uusapan.”

“Defy me, Alvaro, and you will be sorry,” banta ni Franco. “I tolerated both you and Lawrence sa endless love affairs ninyo. Maliban lamang sa dalawang bagay, a whore and an amoral woman! Wala akong pakialam kung anak siya ng kaminero basta malinis na babae ang pagbibigyan mo ng pangalan ko!”

Hindi sinagot ni Alvaro iyon na nagtiim ng mga bagang. Alam nito ang ibig sabihin ng ama sa

‘you will be sorry.’

Ipagkakait sa kanya ni Franco Navarro ang rancho. Lumabas ng pinto at ibinagsak ito pasara. Huminga nang malalim si Bea.

“I really hate it when you clash with your son, darling,” wika ni Bea na lumakad patungo sa asawa.

“And so help me God. My children are like their mother. And I cannot decide whether it is a blessing or a curse,” napapailing na sagot ni Franco sa pabirong paraan. Sinikap alisin ang tensiyon sa dibdib.

Lumabi si Bea. “Maybe. But we stood by you, Navarro, through thick and thin and I know it in my

heart that you love us all.”

Hindi sinagot ni Franco iyon at sa halip ay hinawakan sa baywang ang asawa at itinaas sa mesa. Kissed her lips carnally. “You’re forty-three but you still make me hard and ache, sweetheart,” wika nito and pressed his thighs to her stomach.

“At nag-aalala ako na baka dumating ang panahong ibaling mo sa iba ang pag-ibig mo, Franco.”

i

kinawit niya ang mga kamay sa leeg ng asawa.

Natawa si Franco. “After all these years ay may ganyan kang kaisipan? Never, Beatriz Navarro, never...”

m

asuyo nitong tinitigan ang asawa. At forty-three, with three grown-up children, walang nabago kay Bea. Still small and slim. Prettier than ever. And they still make love everywhere, anywhere, anytime, just like the old days.

“Huwag mong sabihin sa aking hindi ka nagkaroon ng affair sa iba, Franco, sa panahong nagsasama tayo dahil hindi ako maniniwala. Saan sa palagay mo minana ng mga anak mo ang mga kalokohan nila?”

Tumikhim ang lalaki. Umiwas ang mga mata. “Well... hrmp... alam mo naman ang mga lalaki, darling...”

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko...”

s

inikap nitong kumawala sa asawa subalit mahigpit siyang niyakap ni Franco at siniil ng halik hanggang sa tumigil sa pagpalag si Bea. Akma siyang ihihiga ng asawa sa executive desk nang isang warning

knock ang nagpahiwalay sa kanila.

“Sir...”

“Yes, Dolly?”

“Nasa labas si Mr. Chan. Shall I send him in...?”

a

mused na pinaglipat-lipat ng matandang sekretarya ang mga mata sa dalawa. Wala na siyang makikitang couple na tulad ng mag-asawang Navarro. And she envied them for that. Si Bea ay inaayos ang sarili at bahagyang nailang.

“Hrmp... of course.”

s

inulyapan nito ang asawa na bumaba mula sa mesa. Desire still shone in his eyes. “I’ll see you later, darling...”

n

ahihiyang tumango si Bea at sinundan ang sekretarya sa paglabas.

BAGO bumaba ng building si Alvaro ay dumaan ito sa silid ni bise-presidente.

“Hi, Nick...”

Mula sa ginagawa ay nag-angat ng ulo ang binata. “Alvaro...”

“Pare, you’ve been working like a dog. Wala ka nang good time, ah,” aniya na naupo sa gilid ng mesa. “You worked here as the vice president at pagkatapos ay ikaw pa rin ang namamahala sa chain of hotel and resorts ninyo.”

“Maraming responsibilidad ang ibinibigay ng

management sa akin,” wika ng binata na isinandal ang sarili sa swivel chair.

“Pare, baka kinakalawang na ang mga binti ng mga thoroughbred mo sa asyenda. Go home this weekend and let’s race horses, go fishing, and hunting,” anyaya ni Alvaro na nilaro-laro ng daliri ang pencil holder.

Tumiim ang mukha ng binata. He really missed those things. “Hindi ikaw ang binibigyan ng tambak na responsibilidad at trabaho ni Franco Navarro kaya madali para sa iyong sabihin iyan.”

Sandaling hindi kumibo si Alvaro sa sarcasm na nasa tinig ng kaibigan. Tumayo mula sa pagkakaupo.

“I know my father, Nick,” banayad nitong sinabi. “A hard driver but not a slave worker. Huwag mong isisi sa Papa ang push-over ng Tito Jerome sa iyo.”

p

agkasabi niyo’y humakbang ang binata patungo sa pinto. “See you...”

“Alvaro...”

l

umingon ang binata. “I’m sorry...”

Ngumiti si Alvaro. “Get up, boy. There’s no use proving yourself to your old man. Kahit ano ang gawin mo, he will never be satisfied. Don’t grow old like him…”

Tumiim ang mga bagang ni Nick. Bahagyang tumango. “Baka nasa Sto. Cristo ako next weekend. Say hello to Lola Erlinda.”

Nang lumapat ang pinto ay isinandal ni Nick ang sarili sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. He wanted to hate Alvaro and Lance. He envied their freedom. Kahit kailan ay hindi nito nagagawa

iyon kay Jerome. Pero bakit kasusuklaman niya ang ibang mga tao nang dahil lang sa iba ang ama niya sa ama ng mga ito?

At bakit pinahihintulutan niya ang sariling manatili sa trabahong ito gayong ang panahon lang niya sa pamamahala ng family business at ang asyenda Montaño ay kulang na ang oras niya?

Huminga siya nang malalim. Alam niya ang sagot doon. Dahil kay Jerome. Gusto ni Jerome na manatili siya sa puwestong iniwan nito nang magkasakit. Hindi pa rin niya maintindihan ang ama sa pakikipagkompetensiya sa mga Navarro na kung tutuusin ay hindi naman kailangan. Kung pera ang pag-uusapan, they are rich. Hindi lang basta mayaman kundi napakayamang tulad din ng mga Navarro. Pero heto siya at nasa ilalim ng pamumuno ni Navarro. Hindi ba nakikita ni Jerome iyon?

“Pag-aari natin ang FN International, Nick,” naalala niyang wika ni Jerome. “Kung paanong pag-aari ng mga Navarro ang kalahati nito. And I’ll be damned if I will give it up. Sooner or later ay

magre-resign si Navarro at natitiyak kong ikaw ang papalit bilang Presidente dahil naroon ka na binatilyo ka pa lang. Hindi si Alvaro. And once you will get there, titiyakin kong mababawi ko ang kompanyang ipinamana ng Papa sa kanya!”

“Pero bakit ganoon na lang ang intensiyon ninyong makuha ang kompanya sa Tito Franco, Papa? Higit kaysa sa atin ay karapatan iyon ng mga Navarro. At bakit kailangang nasa isang tabi ang iba pang negosyo ng pamilya gayong kung tutuusin ay kailangan din ng mga iyon ang atensiyon natin?”

“Shut up! Gawin mo ang gusto ko. One false move at mapapasaatin muli ang kompanyang itinayo ng Papa munting bata pa lang ako!”

At ginagawa niya ang lahat ng ito para sa ama, to please him. Pero tama si Alvaro, kahit na ano ang gawin niya ay balewala kay Jerome. Laging kulang pa rin. He was obsessed with anything na hawak ng mga Navarro. At kung hindi dahil sa ina ay hindi niya pahihintulutan ang sariling sunod-sunuran sa ama. Ang mga pagkukulang ni Jerome ay nako-compensate ni Monica.

“Don’t grow old like him.”

Tumiim ang mga

bagang niya sa iniwang salita ni Alvaro. He is only twenty-four pero pakiramdam niya ay kuwarenta na siya. Hindi bale ba sana kung sa lahat ng mga ginagawa niya ay nasiyahan o napuri man lamang siya ni Jerome.

All his life ay wala siyang natatandaang may ginawa siyang tama para dito. He graduated with highest honors sa ibang bansa pero balewala iyon sa ama. Maliban kay Monica ay napupuri ni Franco ang mga ginagawa niya. Binibigyang considerations ang mga idea niya. Giving him credit with his brilliant ideas. But never Jerome.