noveltoon logo noveltoon
Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Nov 28, 2025

“G OOD morning.”

Agad na napangiti si Xeena nang makita kung sino ang bisita nang umagang iyon. Vincent carried a tray of food for her. And what a great day to start her morning. Kanina pa siya gising dahil hindi rin naman gaanong nakatulog sa kakaisip pa rin dito. Oo, ganoon na nga kalala ang sitwasyon niya when it came to billionaire boy Vincent Noblejas.

Inilagay nito sa ibabaw ng side table ang tray, saka naupo sa gilid ng kanyang kama. “Nakatulog ka ba nang maayos?”

“Medyo.”

“May problema ba?”

“Wala naman.” Hindi na niya ipinagkait pa sa sariling muling mapagmasdan ang mukhang iyon. “I miss you.”

He rewarded her with that great smile of his. “We just talked last night.”

“Kagabi pa `yon. Iba ngayon.” Hinaplos niya ang pisngi ni Vincent na kakikitaan na ng papatubong facial hair. “You still look good even with this. Kailan ka kaya papangit?”

“Hindi mangyayari `yon.”

“`Yabang mo.”

“Matagal na.” Nawala ang ngiti nito pero nangingislap naman ang mga mata habang mataman siyang pinagmamasdan na parang minememorya ang kanyang mukha. “I miss you, too.”

“Talaga?”

“Sana lagi ka na lang ganito.”

“Alin? `Yong laging nawawala sa sarili?” biro niya, sabay tawa. “Don’t worry, hindi na iyan maaalis sa akin. Inborn na kasi akong sira-ulo.”

Imbes na makitawa sa joke niya ay marahan lang na hinaplos ni Vincent ang kanyang pisngi. Pakiramdam ni Xeena ay parang hinaplos din nito ang kanyang puso. Napabuntong-hininga na lang siya.

“Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa `yo, Vincent.”

“Walang ano man.”

“Wala pa nga akong sinasabi.”

“Okay lang `yon. Hindi mo kailangang magpasalamat. Ang totoo, ako pa nga dapat ang magpasalamat sa `yo.”

“Dahil ginulo ko ang katahimikan dito sa lupain mo?”

“Oo.” Natawa ang lalaki nang hilahin niya ang buhok nito. “In a good way naman ang naging panggugulo mo.”

“`Yan, linawin mo. So… para saan nga pala iyang paghaplos-haplos mo sa mukha ko?”

“I like touching your face. And I love watching the glow in your eyes when you’re angry.”

“Angry? Hindi naman ako galit ngayon, ah.”

“I said ‘when you’re angry.’”

“Ah.” Naramdaman ni Xeena na marahan ding humaplos ang daliri nito sa kanyang mga labi. “Sa ginagawa mong iyan, Vincent, iisipin kong gusto mo akong halikan.”

“Good guess.”

“Bakit?”

Bahagya pang napakunot ang noo nito. “Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang tanging nagtanong sa akin kung bakit gusto kitang halikan.”

“Hindi ba dapat? Pasensiya na. Ngayon lang ako nakakaranas ng ganito…”

Nawala na si Xeena sa dapat na sasabihin nang makitang unti-unting bumababa ang mukha ni Vincent sa kanya. And she could only close her eyes as she felt his hot breath and tasted his warm soft lips on hers. Pakiramdam niya ay lumulutang siya nang wala sa sariling ikinapit sa leeg ni Vincent ang kanyang mga braso. This was what she had been dreaming all her life. This was why she wouldn’t jump into a relationship just for the sake of having a relationship. This was why she ignored all accusations about her gender preference. Dahil gusto niyang maramdaman nang buong-buo ang lahat sa oras na umibig siya nang totoo. At wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon. Ngayon ay parang natupad na ang lahat ng kanyang mga pangarap. With her prince in her arms, a love in her heart, and a kiss that brought her to the top of the world.

“I love you, Vincent.”

He didn’t say anything. It was okay with her. She also didn’t want any words to disrupt them as she tasted his sweet kisses. So when their blissful kiss finally ended, they were both panting. At wala siyang magawa kundi ang matawa na lang.

“What?” nangingiti na ring tanong ni Vincent.

“Wala naman.”

“Kulang pa ba?” There was a mischievous glint in his eyes.

“Puwede?”

He did kiss her again. “Satisfied?”

Umiling si Xeena. Pinisil naman nito ang kanyang ilong. “Abuso ka na, ale.”

“What can I do? You’re my first kiss.”

“Are you kidding me?”

“No. Hopeless romantic ako, eh. Gusto ko, ang lalaking mahal ko ang hahalikan ko.”

“But you’re living in Italy. Italian men are notorious for loving just any woman.”

“Oo, kaya nga ilang beses na akong nakulong for physical injury. Pinagsusuntok ko kasi ang mga lalaking nagtangkang humalik sa akin.”

He laughed and kissed the tip of her nose. “Ibang klase ka talagang babae. `Buti hindi mo ako sinuntok.”

“Didn’t you hear me? Sabi ko, ang lalaking mahal ko lang ang papayagan kong halikan ako.”

Ngumiti lang si Vincent at wala nang iba pang sinabi. Parang gusto niyang magtaka. Wala man lang ba itong masasabi sa mga ipinagtapat niya? O wala man lang ba itong sasabihin sa kanya? Xeena, the guy just kissed you. Isn’t that enough to say he also feels something for you? Tinanguan niya ang sariling konsiyensiya. Tatanggapin niya ang lahat kay Vincent.

“You should eat your breakfast,” sabi nito. “At ako’y kailangan na ring umalis.”

“Aalis ka?”

“Lantis just called. I may not like his cousin Ken but their business empire does something for my own business. Sasaglit ako sa Maynila para kausapin sila.”

Hindi na nagreklamo si Xeena. Bakit pa nga naman siya magrereklamo kung meron na siyang marubdob na halik mula rito?

“Pagbalik ko, mag-uusap tayo.”

“T-tungkol saan?”

“Saka ko na sasabihin. Kung inaantok ka pa, matulog ka na lang uli.”

“Mabuti pa nga. Wala naman pala akong guwapong makikita kahit maglakad-lakad ako sa buong bahay.”

Vincent smiled and gave her a lingering kiss on the mouth before he left. Naiwan siyang hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi. Dumapa pa siya sa kama at isinaklob ang unan sa kanyang ulo.

He kissed me! He really did kiss me! tili ni Xeena sa isip. I’m just so in love with that man!

Hindi rin naman niya natupad ang sinabi kay Vincent na mananatili lang siya sa kanyang silid buong araw. Masyado siyang excited sa magiging pagkikita nila mamaya ni Vincent kaya hindi siya mapakali.

Naglakad-lakad si Xeena sa labas ng bahay at hindi na ininda pa ang pananakit ng kilikili dala ng mga saklay. Pagdating ng gabi ay nangulit pa siya sa mga katulong na hayaan siyang makigulo sa pagluluto ng mga ito.

Dahil buong araw na kung ano-ano ang mga pinaggagagawa, hindi na kataka-takang wala pang alas-siyete ng gabi ay hinihila na si Xeena ng antok. But she wanted to be the first to greet Vincent when he came home so she forced herself to stay awake. But eventually, her body just gave in.

NAPABALIKWAS si Xeena nang makita kung anong oras na. Ala-una ng madaling-araw.

“Vincent!”

Paglabas niya ng silid ay tamang-tama namang nakasalubong niya si Manang Josie. “O, nagising ka?”

“Manang, dumating na ho ba si Vincent?”

“Oo. Siya nga ang nagdala sa iyo sa silid mo nang makatulog ka sa sala. Hindi ka na ipinagising ni Sir Vincent pagkatapos niyang malaman ang mga ginawa mo buong araw dito sa mansiyon.”

“Pero—”

“Naroon siya sa study room niya.” Marahan siya nitong tinapik sa balikat. “Magandang gabi, hija.”

Kakaiba ang ngiting ibinigay ni Manang Josie sa kanya bago tuluyang nagtungo sa servant’s quarters. Siya naman ay tila nabuhayan ng loob. Gising pa si Vincent kung naroon pa rin ito sa study room. She could still talk to him. She could still see him before she went to bed again.

Still on her crutches, she walked towards the study room and knocked.

“Vincent?” Walang sumasagot. “Puwedeng mag-usap tayo sandali?” Nang wala pa ring sumasagot ay pinihit na niya ang seradura. Bukas iyon. Maingat siyang pumasok. “Vincent?”

Agad namang nakita ni Xeena ang lalaki. Nakaupo ito sa isang couch at tulog na tulog habang napapalibutan ng mga nagtataasang shelves ng mga libro. So this was his life. Business, business meetings, business reports, business magazines, business conferences.

“Sa lahat naman ng mga boring na negosyante,” nakangiti niyang sambit habang pinagmamasdan ang payapa nitong pagtulog, “ikaw ang pinakainteresante.”

Nilapitan pa niya si Vincent para matitigan nang husto ang guwapong mukhang iyon na hinding-hindi na mawawala pa sa kanyang isipan. The stubble on his face was still visible. Hindi na siguro ito nakapag-shave nang umagang iyon. But it didn’t even mess up his impeccable good looks. In fact, nakadagdag pa nga iyon sa karakter ng mukha nito. Matangos ang ilong ni Vincent, malalantik din ang mga pilik, at napakaganda ng hugis ng mga labi, a rare feature for a man who had a tough reputation.

Hinaplos ni Xeena ang buhok ni Vincent na bahagyang tumatabing sa mukha nito. He was sleeping like an angel. Muntik na siyang matawa. May palagay siyang hindi matatanggap ng macho image nito kapag narinig na ikinukumpara niya ang pagtulog nito sa isang anghel.

Vincent shifted on the couch. Doon niya napansin ang parang tela na sumabit sa kamay nito. Maingat niya iyong inalis para hindi maistorbo ang pagtulog nito. Pero nagulat siya dahil hindi pala iyon tela kundi isang damit. At iyon ang damit na isinuot niya nang mabasa ang sariling damit dahil sa binuhusan siya nito ng tubig para mapakalma. Thea’s dress.

And as if that wasn’t enough, napansin din ni Xeena ang nakataob na picture frame sa kaharap nitong mesita. Alam niyang hindi na iyon dapat pakialaman pa pero wala rin siyang nagawa dahil masyado siyang pakialamera. Her heart sank when she saw who was in the picture. Naroon ang nakatawang si Vincent, kayakap ang isang magandang babae na siguradong siya ring nagmamay-ari ng hawak niyang damit ngayon.

“Xeena?” Nagising na si Vincent. “What are you doing here? You’re supposed to be in bed.”

Mabuti na lang at isang lampshade lang ang nakabukas ngayon. Kahit paano, maitatago niya ang sakit na nararamdaman. Alam kasi niya kung gaano ka-transparent ang kanyang mukha kapag nasasaktan.

“P-pasensiya ka na kung nagising kita. Sige, b-babalik na lang ako sa kuwarto ko.”

Nanatili ito sa kinauupuan at mataman siyang pinagmasdan. “May problema ba, Xeena?”

Umiling lang siya, saka iniabot ang larawan at damit. Ilang sandali muna ang lumipas bago iyon kinuha sa kanya ni Vincent. Hindi muna siya umalis dahil umaasa ang puso niyang kahit paano ay may sabihin ito. Pero bigo siya.

“Was that… her?” halos pabulong na niyang tanong. Tumango si Vincent. “She’s beautiful.”

“Yes.”

Napalunok siya. Lumabas ka na, Xeena. Kung hindi, lalo ka lang masasaktan. But she stayed. And kept on talking about that woman in his life, probably ‘the’ only woman in his life. “Nabanggit lang sa akin ng mga kasambahay mo. I’m sorry.” Muli, tumango lang ito. “Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng financial status mo sa buhay ay single ka pa rin.” Hindi ito umimik. “Do you still love her?”

Tinitigan ni Vincent ang picture. “I’ve always loved her.”

Mabuti na lang at nakasaklay si Xeena. Kung hindi, baka bumagsak na siya sa sahig. Dahil sa sinabi ni Vincent, daig pa niya ang sinuntok. Well, sana nga nasuntok na lang siya. At least iyon, tulog agad siya. Hindi katulad ngayon, kailangan pa niyang manatili roon dahil ayaw nang sumunod sa kanya ng mga paa. Or rather, mga saklay. She had to endure the heartaches right in front of her. Pero hindi ba’t iyon naman ang sinabi niya sa sarili? Na kakayaning tanggapin ang lahat ng kabiguan dahil mahal niya si Vincent? Kaya siguro naroon pa rin siya sa harap nito. Wala na kasing silbi ang isip niya. Her heart was now commanding her.

“Matagal na siyang namayapa, Vincent. Move on.”

“I am moving on.” His voice was dangerously calm. “What is this, Xeena?”

Pero manhid na rin ng pagdaramdam ang kanyang puso kaya hindi ito inurungan. “No, Vincent. You haven’t moved on. Ikaw na rin ang nagsabi, mahal mo pa rin si Thea hanggang ngayon. She’s been dead for years. You’re not. Huwag kang magluksa habang-buhay.”

“Don’t you talk about her like that.” Tumayo na rin ito. “Igalang mo ang alaala ni Thea.”

“Ikaw ang hindi gumagalang sa alaala niya. You’re loving her when you’re supposed to just keep her memories in your heart. Wake up, Vincent. She couldn’t love you back.”

Xeena almost winced when she saw anger in his eyes. Wala na ang kislap niyon na nakita niya kaninang umaga lang. At iyon ay dahil lang sa isang babaeng matagal na dapat nitong kinalimutan.

“Go back to your room, Xeena. And please, next time, have some respect for the dead. You’re still in my house.”

Now, heart, can we just go? Limping, she turned and walked towards the door. Tears were streaming down her eyes.

“Next time, Vincent,” sabi niya nang hawakan ang seradura. “When you kiss a woman, make sure she wouldn’t know what you really felt about her after that.”

Because she might be a tough woman, but her heart was just as fragile as the others who had fallen in love.