noveltoon logo noveltoon
Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Nov 28, 2025

X EENA had been struggling with her crutches in the semi-darkened living room through the kitchen when the lights went on. Impit pa siyang napahiyaw dahil sa gulat.

“Hindi ka pa dapat naglalakad.” Nilingon niya ang nagsalita. Vincent was standing near the grand staircase, his hand still on the switch. “May maliit na bell malapit sa kama mo na konektado sa maid’s quarter.”

“Well, hindi ko iyon alam. At wala rin naman akong balak na gisingin pa ang mga katulong para lang ikuha ako ng tubig. Kaya ko nang mag-isa iyon. So, if you’ll excuse me, I have a water to fetch.”

Pero agad ding napahinto si Xeena. Hindi kasi niya alam kung saan pupunta sa malawak na sala. Paglingon niya kay Vincent para magtanong sana ay nilagpasan na siya nito.

“Follow me.” Mabilis na nagliwanag ang kitchen pagpasok doon ng binata at agad itong nagsalin ng tubig sa baso. “Kumusta na ang paa mo?”

Inabot lang niya ang baso rito at inisang-lagok iyon. “Salamat.”

Pabalik na si Xeena sa kanyang silid nang magsalita si Vincent. “Sabi ni Millie, kaunti lang ang nakain mo kanina. Gusto mong kumain uli?”

“Ala-una na ng madaling-araw.”

“So, gusto mo bang kumain uli?”

“Hindi na. Salamat na lang.”

“Xeena.”

“Yes?”

“Kagigising mo lang ba?”

“Kanina pa. Bakit?”

Hindi agad nakasagot si Vincent. Parang pinag-isipan pa ang susunod na sasabihin. “Wala naman. Sige, bumalik ka na sa kuwarto mo. Kaya mo ba?”

“Oo.”

And then she left him. Pero nakakailang hakbang pa lang si Xeena palayo ay bumigay na ang kanyang puso. Mabilis niyang tinanggap na hindi na niya kaya pang makipagtigasan dito. But as she turned around to go back to him, she came face to face with Vincent himself.

“Oh, my— Vincent, naman!” sabi niya, sabay sapo sa dibdib. “Huwag mo nga akong gugulatin nang ganyan! Papatayin mo ako sa nerbiyos, eh.”

“Nakita kitang nahihirapang maglakad kaya sinundan na kita. Maybe I should just carry you back to your room.”

“I can walk. Hindi ko lang matiis itong mga saklay ko. Masakit na ang kilikili ko.”

“You can’t walk.”

“Fine. Yes, I can’t walk. Pero ayoko pang bumalik na muna sa kuwarto. Dito na muna siguro ako sa kitchen.”

“Ano’ng gagawin mo dito?”

“Maghihintay ng multong lalabas.”

“Walang multo dito.”

“Pustahan?”

“Why don’t we have a truce instead? Gabi naman at tayo lang ang tao dito sa kusina. Walang makakaalam na hindi tayo nagbabangayan. So, how about it?”

Mabilis na sumang-ayon si Xeena tutal naman, siya rin lang ang nakakaalam na may iba na siyang nararamdaman sa lalaki. Dahil pagkatapos ng pag-amin sa sarili ng pagseselos sa dati nitong girlfriend na namayapa na, nagpasya siyang hayaan na lang ang puso sa kahihinatnan ng mga kabaliwan niyon.

Inalalayan siya ni Vincent na makaupo sa harap ng dining table, saka nito inokupa ang isang silya sa kanan niya. Ngayong pareho na silang nakaupo ay saka lang niya napansin ang buhok nitong maayos pa ring tumatakip nang bahagya sa guwapo nitong mukha.

“Hindi ka pa natutulog?” tanong niya.

“Nagbabasa ako sa study room. Katabi lang niyon ang kuwarto mo kaya narinig ko ang paglabas mo.”

“Wala ka nang inisip kundi negosyo. Talagang isinasapuso mo ang pagiging billionaire boy, ha?”

“Not really. Wala lang talaga akong ibang magawa kaya naging pastime ko na kumbaga ang pagpapatakbo ng negosyo.”

“Nice pastime.”

“You could say that.”

“You must be a very boring person.”

“Am I?” Walang insecurity sa boses ni Vincent. Just a mere curiosity. And he asked with that look that seemed to challenge her. For a moment. And then the next thing it was like he was seducing her with that look.

Nagpa-seduce naman siya. “No, Vincent. I don’t think you are. Sa dami ng mga naranasan ko mula nang makilala kita, masasabi kong hindi ka boring na tao. Masungit at antipatiko, puwede pa.”

“Masungit at antipatiko?”

“Oo. Huwag mo nang itanggi.”

“So, you really hate me.”

“Noon.”

“Ngayon?”

“Hindi na siguro.”

“Really? Puwedeng malaman kung bakit?”

“No.”

“Why not?”

“Lalaki ang ulo mo.”

“Sinabi mo ring masungit ako at antipatiko. Hindi na ako masasaktan kung sakaling akusahan mo akong arogante.”

Kapag nagsalita si Vincent na parang may himig ng pagbibiro, mas nagiging kaaya-aya ito sa kanyang paningin. At sa malamlam na liwanag na nagmumula sa hallogen lights sa apat na sulok ng kusina, parang kahit kailan ay hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukhang iyon.

“Well?” untag nito.

“Iba na lang ang pag-usapan natin.”

“Gusto kong pag-usapan ang sarili ko.”

Hindi na alam ni Xeena kung matatawa o mapapakunot ang noo. “Hindi ka pa ba nagsasawang mapuri ng mga babae mo?”

“Babae ko?”

“Your fans. Admirers. Girlfriends.”

“That’s too much. Wala akong ganyang karaming tagahanga.”

“You’re a billionaire boy, Vincent. Kahit sinong babae, willing na purihin ka tumayo ka lang sa harap nila.”

“Tayo lang ang nandito ngayon.”

“I don’t want to talk about you.” Dahil nangangamba siyang may mahalata ito sa kanya.

“Okay. Let’s just talk about you then. I heard you’re based in Italy.”

“Since I graduated from high school. And thank you for not pushing the subject.”

“You’re welcome.” Tumango-tango pa ito. His expression became more relaxed than the last time she had seen him. “Matagal ka na rin palang wala dito sa Pilipinas. No wonder hinanap mo ang mga street foods.”

“Oo nga, eh. Ilang araw palang akong nakiki-reconnect sa kulturang kinagisnan ko at na-miss ko talaga iyon nang husto.”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit parang sa loob ng maraming taon mong paninirahan sa Italy, wala ka pa ring Italian accent?”

“Maybe. At wala rin naman kasi akong interes sa kultura nila. Naiintindihan ko naman sila dahil sa tagal na rin ng paninirahan ko doon. Para sa akin, sapat na iyon. I don’t have to learn their way of living as well. Mas gusto ko pa ring maging Pinoy.”

“That’s nice. So, what brought you back here? Vacation?”

“No. Silvanus.” Napangiti na lang si Xeena nang maalala ang lalaki. Ang tadhana nga naman kapag nagbiro, nakakatawa na nakakaasar. “I had a major crush on him the first time I saw his picture on the magazine that Dunkey gave me. Kahit kailan, hindi ako nakaramdam ng gano’ng interes sa lalaki sa tanang buhay ko. Kaya sinabi ko kay Hevn na susundan ko siya dito sa Pilipinas. Ang nangyari naman, na-in love sila sa isa’t isa.”

“And you’re stuck here with me. Hindi ka ba nagselos?”

“Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. Nakilala na kasi kit— I mean, inabot na kasi ako ng sangkaterbang disgrasya. Nakita mo naman, kung hindi ospital, ikaw ang kasama— I mean… puwedeng pahingi ng kape?”

Hindi agad tumayo si Vincent, sa halip ay tiningnan muna siya na para bang may gusto pa itong itanong. Pero hindi na nagsalita pa at inasikaso na lang ang pagtitimpla ng kanyang kape.

Itinukod naman ni Xeena ang siko sa ibabaw ng mesa at pinagmasdan na magtrabaho ang lalaki. Look at that butt. Kahit sa kabila ng suot na pajama ay hindi pa rin niyon naitago ang isa sa pinakamagandang asset na siguro nito. Muli tuloy niyang naalala ang katawan ni Vincent nang maghubad ito sa harap niya noong unang beses silang nagkita. It was one hell of a hot body. Puwedeng-puwedeng maging modelo ng mga fitness equipment. At kung sa kaguwapuhan naman, siguradong matatapatan nito si Kenshin Arboleda na itinanghal na pinakamagandang mukha sa Philippine cinema.

“Tikman mo kung gusto mo ang timpla ko.”

She did. Nasamid pa nga siya nang malasahan iyon. “Vincent, ano `to? Asukal na hinaluan ng kape? Sobrang tamis!”

Mabilis na inilayo ni Xeena ang kape at dinampian ang natapong likido sa harap niya. Pagkatapos ay si Vincent naman ang tumikim sa kape. Hindi man ito nasamid na gaya niya ay halos hindi naman maipinta ang mukha.

“I really suck at this,” sambit nito. “Ikukuha na lang uli kita sa percolator. At ikaw na ang bahalang magtimpla.”

“Mabuti pa nga.” Hinayaan na lang niya ang lalaki na iligpit ang nagamit na tasa sa lababo. “Hindi ka talaga sanay magtrabaho, ano?”

“Nah. Dito lang ako sa pagtitimpla ng kape walang silbi.”

“Kahit pala bilyonaryo, may flaw pa rin.” At hindi ito nahihiyang aminin iyon. Which was nice. Matapos ibigay sa kanya ang panibagong tasa ng kape ay kumuha naman si Vincent ng isang canned beer sa refrigerator para sa sarili. They were silent for a while as she sipped her coffee.

Pero hindi pa rin inilalayo ni Xeena ang mga mata sa lalaki. He was really so good to look at. At totoo ang sinabi noon ni Dunkey na dapat daw ay sa malayo na lang pagmasdan si Vincent Noblejas. Dahil sa oras na makita mo ang lalaki sa malapitan, wala ka nang ligtas sa karisma nito sa kabila ng kasungitan at pagiging antipatiko.

“Vincent, can I ask you something?”

“What?”

“Bakit hindi pa kita nakikitang ngumiti?”

“I just don’t have any reason to smile.”

“Kahit minsan?”

Napahinto ito sa paglagok sa inumin. “Well, there’s one…”

Lumingon sa kanya si Vincent at biglang nagrigodon ang dibdib niya nang unti-unting sumilay ang pinakaaasam niyang ngiti sa mga labi nito. Napatanga na lang si Xeena. It was like she was seeing her heart floating away from her and running towards Vincent himself. Oh. My. God. She was in love with him!

“Nakita mo na akong ngumiti, Xeena. Hindi mo lang maalala.”

“H-ha?”

“Kaya ipapaalala ko na lang sa `yo.” Inilapag ni Vincent sa mesa ang hawak na canned beer, saka siya hinarap. The smile didn’t leave his eyes. “I smiled the last time you kissed me.”

“I did not—” Dumulas sa kamay niya ang tasa. Mabuti na lang at hindi natapon ang mainit na kape sa kanya.

“I told you hindi mo na iyon naaalala.”

“H-hindi `yan t-totoo. Pinagtitripan mo lang ako—”

“Calm down, Xeena. Hindi mo pa nga nauubos ang kape mo, ninenerbiyos ka na.”

“I did not kiss you!”

Sinenyasan siya nitong maupong muli nang tumayo siya. “There’s no need to panic. Drink your coffee. It’s good for the nerves.”

“Babalik na lang ako sa kuwarto ko.”

“Wala pa tayong nakikitang multo.”

“Hindi ako naniniwala sa multo.”

“Kung gano’n, bakit ka nakipagpustahan sa akin?”

Nag-isip si Xeena ng puwedeng ipangatwiran. Pero sa estado ng emosyon niya ngayon ay hindi makapag-function nang maayos ang kanyang utak. Kung ganoon, totoo nga ang lahat ng ‘panaginip’ niyang iyon. Sinulyapan niya si Vincent. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala sa paglagok ng inumin. But she had seen the curve on the corner of his lips as he took a swig of his beer.

“I did not kiss you!”

“Okay.”

Hindi na nakayanan ni Xeena ang kahihiyan kaya minabuti nang bumalik na nga sa kanyang silid. Inabot niya ang mga saklay na nakasandal sa likuran ng kanyang kinauupuan. Pero naunahan siya ni Vincent.

“Tulungan na kita.”

“No. Ibigay mo na lang sa akin ang saklay ko. Kaya ko nang mag-isa.” Hindi na rin kasi siya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon oras na hawakan siya ng lalaki. Well, she would probably die of embarrassment. How could she kiss him without even knowing it!

“Xeena—”

“I said I’m fine.”

Nang hindi ito kumilos ay siya na mismo ang umabot sa mga saklay. Pero binitiwan lang iyon ni Vincent at hinayaang bumagsak sa marmol na sahig ng kusina.

“Kung kaya mo na talaga, kunin mo.”

Pero hindi pa man nakakayukod si Xeena para damputin ang saklay ay pinigilan na siya ni Vincent sa braso. Napapiksi siya. Mabilis din naman siya nitong pinakawalan. Pero ang init na hatid ng saglit na pagkakadikit ng kamay nito sa kanyang braso ay parang gumapang na hanggang sa puso niya. Her heart just kept on beating faster.

“Xeena, minsan, kailangan mo ring tanggapin na may mga bagay kang hindi kayang gawin. Ask my help.”

“Sasabihin mo `yan pagkatapos mong itapon ang saklay ko sa sahig? Baliw ka ba?”

Imbes na sumagot ay dinampot na lang muli ni Vincent ang saklay at ibinigay sa kanya. “Sorry.”

“Vincent, naman!”

“What?”

Magsungit ka na lang sana habang-buhay para mas alam ko kung paano makikipag-deal sa `yo. Hindi ganyang pabago-bago ka ng topak. Ang masama pa, lalo kong nagugustuhan ang mga pabago-bago mong topak. Nakakainis ka!

“Wala,” iyon na lang ang tanging nasabi niya, saka kinuha na ang saklay. “Good night.”

“`Night.”

Wala nang imik pa si Xeena nang lagpasan ito habang paunti-unting naglalakad palabas ng kusina. Nagtaka pa siya nang paisa-isang bumukas ang mga ilaw habang naglalakbay siya sa malawak na sala. Nilingon niya ang pinanggalingan. Vincent was leaning against the door frame of the kitchen holding something in his hand. Itinapat nito iyon sa kanya at isa na namang ilaw ang bumukas na nagbigay liwanag sa dinaraanan niya. Remote control ng mga ilaw sa buong bahay ang hawak nito.

“I just thought you might need a little help,” sabi nito.

Tumango lang si Xeena. Kung magsasalita pa kasi siya ay baka kung ano pa ang masabi niya sa harap nito. I’m in love with you, jerk! Yeah, something like that.

“Kung na-offend kita,” patuloy nito, “pasensiya na.”

Impit siyang napahikbi. “Vincent!”

“Alam ko naman kung kailan ako nagkakamali.”

“Huwag kang mag-apologize.”

“Why?”

“Hindi bagay sa `yo.” Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling matawa sa itinatakbo ng diskusyon nila. Sigurado kasi siyang kasabay niyon ay ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ganoon ba ang ma-in love? Nakakaiyak na nakakatawa? Kaya pala maraming nababaliw sa pag-ibig. She really couldn’t believe this. She was looking for that certain ‘spark’ when she met the man she knew she would fall in love with. Pero iba ang nangyari sa kanya. Naramdaman niya ang spark na iyon nang makita si Silvanus. Pero kay Vincent nahulog ang damdamin niya na sa unang pagkikita ay halos isumpa na sa lahat ng santong alam niya.

Kung sakali kayang naramdaman din ni Xeena ang ‘spark’ na iyon na hinahanap niya sa isang lalaki, gaya rin kaya ng kay Silvanus ang mangyayari? She looked at the man she had fallen in love with. Hindi niya alam kung pareho nga ang kalalabasan niyon. In any case, masaya na rin siya at si Vincent ang minahal. Dahil kung sakaling wala naman itong ano mang nararamdaman sa kanya, tatanggapin niya iyon nang maluwag. Kunsabagay, iyon naman ang pangako niya sa sarili, hindi ba? Na hindi na baleng siya lang ang magmamahal. Ang importante, masaya siyang sa wakas ay naranasan na kung paano ang magmahal. And with Vincent, she would accept everything. Every smile, every feeling, and every heartache.

“I’ll see you in the morning, Vincent.”

“Okay.”

“And I’ll try to remember that kiss you told me.”

Bumalik si Xeena sa kanyang silid na siguradong wala na sa kanya ang sariling puso. She just left it with the man who sent her to her room with his great smile.