“K UMUSTA na sina Tita Sylvia?” Nakatayo sa may front porch si Xeena habang kausap sa telepono ang pinsan.
“Okay naman. Siyanga pala, habang nandito pa kami ni Silva, tiningnan na muna niya ang kalagayan ng Villa La Rossi. He was really a genius businessman. You should see how your employees worship him.”
“Yeah? I can’t wait to see them all.” She brushed away the tears that fell from her eyes. “Pakisabi sa kanila, huwag silang masyadong masanay na wala ako.”
“Bakit? Babalik ka na agad dito?”
“Masyado na ngang matagal akong nawala diyan. Baka hindi na ako makilala ng mga tauhan ko kung mananatili pa ako dito nang ilang araw. Nakapag-book na ako ng flight for Italy. Maybe I’ll be there for a day or two.”
“Pero, Xeena, I thought you were enjoying your stay there? Iyon ang sinabi mo sa akin no’ng huli tayong nagkausap, ah.”
“Well, bigla ko na lang kasing na-miss ang Italy.”
“Don’t give me that crap. Alam nating pareho na wala ka namang pakialam kung magunaw man ang buong Italya ngayon.”
“That’s not true. I do care about Italy. Spaghetti, fetuccini. See?”
Hindi natawa si Hevn. Kunsabagay, siya nga ay naiiyak pa ngayon. At matatagalan pa rin siguro bago niya magawa uling tumawa. This pain in her heart would take long to get used to.
“Xeena, did something happen?”
“No.”
“Don’t lie to me.”
“I never lied to you.”
“You just did. Ano’ng nangyari? Si Vincent ba? Ano na naman ang ginawa ng timawang iyon sa `yo?”
Hindi na napigilan ni Xeena na mapahikbi. Hevn had always been a sister to her. Ipagtatanggol siya nito kahit na ano ang mangyari. Lalo na kay Vincent na kahit kailan ay hindi nito nagustuhan.
“I fell in love with that timawa.”
“What?!” Narinig niyang may boses ng lalaki na nakikigulo sa background. “Silva, tumahimik ka muna. I’m talking to my cousin… Bahala ka. Tawagan mo siya kung gusto mo. Anyway, hello, Xeena, are you still there?”
“Yeah.”
“If you’re in love with him, bakit parang naiiyak ka? Sinaktan ka na naman ba niya?”
“Oo.” Hevn suddenly blurted out some Italian expletive words she hadn’t even mastered. “I wanna go home, Hevn.”
“Okay, okay. Private plane ni Silva ang sinakyan namin papunta dito. Ipasusundo ka na lang namin diyan— What? What do you mean walang piloto ang eroplano mo? LBM— Hello, Xeena? Pasensiya na. Tutal naman may nakuha ka nang plane ticket, siguro sa airport ka na lang namin hihintayin. May LBM daw kasi ngayon ang piloto ni Silva. You’ll be okay there?”
“Oo. Salamat.”
Matapos makausap ang pinsan ay tinanaw ni Xeena ang kabuuan ng malawak na lupaing naging bahagi na ng buhay niya sa maiksing panahong inilagi roon. Hindi na siya bumalik pa sa kanyang silid matapos nilang magkabanggaan na naman ni Vincent sa study room nito. Mapait siyang napangiti. Iyon na siguro ang huling pagkakataon na magbabangayan sila. Mami-miss niya iyon.
Mami-miss niya si Vincent.
Nagpakawala si Xeena ng malalim na hininga. Aalis na siya ilang oras mula ngayon. Dapat ay makasanayan na niyang wala nang magsusungit pa sa kanya at wala na ring antipatikong lalaking laging nagpapainit ng kanyang ulo.
“Miss Xeena, nakahanda na ang sasakyan.”
“Salamat, Manang Josie.” Itinuro niya ang nakahanda nang backpack. Ang pinakamaagang flight ang kinuha niya kaya hindi na rin talaga siya natulog pa. “Pakidala na lang ho iyon sa kotse.”
“Hindi mo na ba hihintaying magising si Sir Vincent?”
“Hindi na ho. Nagkausap na kami kagabi. Alam na niya ang pag-alis ko ngayon. Kapag hinanap niya ako, sabihin ninyong bumalik na ako sa hotel na tinutuluyan ko sa Maynila. Doon ko na lang `kamo hihintayin ang pinsan ko.”
“Kung nagkausap na pala kayo kagabi, bakit kailangan ko pang sabihin iyan sa kanya?”
Imbes na sumagot ay nginitian na lang niya si Manang Josie. Her smile must have reflected how she felt that morning for the old woman didn’t smile back at her. Gayunman, hindi na rin ito nagsalita pa.
Nagpaalam at nagpasalamat na muna si Xeena sa mga katulong na nag-asikaso sa kanyang pamamalagi roon. At bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan, tiningnan na muna niya ang malapalasyong mansiyon. Dumako ang mga mata niya sa bintana kung saan alam niyang silid ni Vincent. And her heart jumped when she saw him by the window gazing down at her. May kausap ito sa cell phone. Napakalayo ni Vincent para makita niya nang husto ang guwapo nitong mukha. Sinisiguro ba nitong makakaalis nga talaga siya?
Xeena tried to smile at him but he just moved out of the window. Napalitan tuloy ng luha ang kanyang mga ngiti. Mabilis naman niya iyong tinuyo ng mga palad nang harapin ang mayordomang naiiyak na rin.
“Pagsabihan n’yo ho ang masungit ninyong among iyon na huwag na siyang matutulog sa study room. Hindi komportable ang sofa doon.”
As her car sped away, napapadalas na rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ni Xeena. Tanggap naman niyang nabigo siya. But it didn’t mean she was mad at Vincent. It wasn’t his fault that he was still in love with his ex. Kung tutuusin, pareho sila. Na minsan lang magmahal pero totoo at panghabang-buhay. Pero huli na para magsisisi. Nasabi na niya ang hindi dapat. Nasaktan niya ito at kasabay niyon ay nasaktan din niya ang sarili. Siya ang may kasalanan ng lahat.
Napansin ni Xeena ang paghinto ng sasakyan. Nagtataka niyang binalingan ang driver. “Bakit ho tayo tumigil?”
“Si Sir Vincent ho kasi.”
“Si Vincent?”
“Kanina pa siguro niya tayo sinusundan. Ngayon ko lang napansin.”
May itinuro ang driver sa likuran ng sasakyan. At di-kalayuan nga ay naroon ang humahabol sa kanila, sakay ng itim na itim na kabayo.
“Baka ho sinisiguro lang niyang makakalabas tayo nang maayos ng St. Claire’s. Umalis na ho tayo.”
“Pero, Miss—”
“Sige na ho.”
Nag-aalinlangan man ay sumunod na rin sa kanya ang driver.
Huwag mo siyang lilingunin, utos ni Xeena sa sarili. She willed herself not to look back. Kung hindi ay hindi na siya makakaalis pa. Kung hindi ay ipipilit lang niya ang sarili sa binata. Kung hindi ay paulit-ulit lang siyang masasaktan. Ewan niya kung mabagal lang ang takbo ng sasakyan nila o talagang bihasa lang mangabayo si Vincent kaya ngayon ay hayun at nakaagapay na ito sa kanilang sasakyan.
“Ideretso n’yo lang, Mang Gener.”
Sumunod naman ang driver kahit parang nalilito na. Pero naunahan sila ni Vincent at humarang sa dinaraanan nila. Napilitan na talagang huminto ang kanilang sasakyan. Vincent looked like a dashing young prince when he swiftly dismounted the magnificent horse. Ang puting long-sleeved polo na mukhang bara-bara lang isinuot dahil hindi pa nakasara ang ilang butones ay lalo pang nakadagdag sa karisma nito. Kahit ang pagsasalubong ng mga kilay ni Vincent habang palapit sa sasakyan ay tila naging asset na nito imbes na kapintasan.
“Lumabas ka diyan,” matigas nitong utos. “Mag-uusap tayo.”
“Male-late na ako sa flight ko, Vincent.”
“Hindi ka male-late dahil wala ka nang flight na hahabulin. Kinansela ko na ang plane ticket mo.”
“What?! You can’t do that!”
“I already did. Now, get out of the car.”
“After you cancelled my flight?” Ikinandado pa ni Xeena ang pinto. Pero laking pagtataka niya nang mabuksan pa rin iyon ng binata. “Paanong—”
“I know the things I own. Mang Gener, pakiasikaso na lang muna si Windstruck.”
Sumunod naman ang driver. Ngayon ay lalong wala na siyang pag-asang makaalis agad sa lugar na iyon. Sa inis ay sa kabilang pinto siya lumabas, saka ito hinarap.
“Ano pa ang kailangan mo? Aalis na ako. Hindi ka pa ba masaya?”
“Bakit ka aalis? At bakit wala kang sinasabi sa akin? Kung hindi pa ako tinawagan ni Silvanus kanina, hindi ko pa malalaman ang plano mong pagbalik sa Italy.”
Kung ganoon, si Silva ang kausap nito kanina. “I’m not one of the things you own, Vincent. Aalis ako kung kailan ko gusto.”
“Bakit nga?”
“Because I’m in love with you, you idiot!” she blurted out. “Aalis ako para hindi ko na makita ang galit mo dahil sa mga sinabi ko kagabi. Alam kong masakit ang mga sinabi ko pero wala akong balak na bawiin ang mga iyon. Thea can’t love you back, Vincent. But I can! And yet you’ve still chosen her. Ang tanga mo talaga! Nakakainis ka na!”
Tumalikod si Xeena sa kotse at sumandal sa katawan niyon. Hindi na niya pinigilan ang sariling umiyak. She was a woman after all. She had all the rights to cry. Tinakpan na lang niya ng mga kamay ang mukha para hindi siya gaanong magmukhang kawawa sa harap ng lalaki.
“Who says I want you to go?” parang nang-aakusa pang tanong ni Vincent.
“Shut up! I don’t want to talk to you!”
“Xeena, I don’t want you to go.”
“Ewan ko sa `yo.”
Hindi pa rin niya tinitingnan ang lalaki dahil hindi pa rin niya kayang makita na pinagtatawanan siya nito at kinaaawaan. Kung puwede nga nitong pagsabayin ang dalawang iyon.
“Xeena, listen to me.”
“No.”
“All right. You want to know how stubborn I can be?” Pinuwersa ni Vincent na alisin ang mga kamay niyang itinatakip sa kanyang mukha. Pumikit naman siya. “Kapag hindi ka tumingin sa akin, hahalikan na kita.”
Pero hindi pa man naimumulat ni Xeena ang mga mata, naramdaman na niya ang init ng mga labi ni Vincent na lumapat sa kanyang mga labi. She was once again transported at the top of the world. At dahil mahal naman talaga niya ang lalaki, agad ding sumuko ang kanyang puso. She flung her arms around his neck as his arms wrapped around her body and she responded to his fervent kisses.
“Don’t leave me again,” he said as he cupped her face with both his hands. “Dahil oras na malaman kong umalis ka uli nang walang paalam sa akin, itatali na kita sa tabi ko.”
“Vincent…”
“Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko nang makita kita kanina sa labas ng bintana ko? I almost went crazy! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong makausap ka.”
“Akala ko kasi… pagkatapos ng mga nangyari kagabi…”
“Bakit, ano ba’ng nangyari kagabi? Wala naman, ah.”
“Vincent, I insulted Thea’s memory.”
“Yes, you did.”
Napayuko siya. “I’m sorry. Pero hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. You can’t stay in love with her.”
“Sino ba ang nagsabing mahal ko pa rin si Thea?”
“Pero ang sabi mo kagabi—”
“Nagalit lang ako dahil hindi ka naman talaga dapat nagsalita nang gano’n. I mean, she’s already dead. And last night when you found me with her picture, I was just saying good-bye to her. Well, sort of.” Tinuyo ni Vincent ang mga luha sa kanyang pisngi sa pamamagitan ng mga daliri nito. “Matagal ko nang alam na kasama ni Thea sa pagkamatay niya ang pag-ibig ko. Pero hindi ang puso ko. Hindi lang ako nagkakaroon ng steady girlfriend dahil wala naman talaga akong nararamdamang pagmamahal sa mga nagiging karelasyon ko.
“I may be arrogant but I’m one of those people who have a conservative and romantic view on love and relationship. Kaya lang, hindi ko rin iyon mapatunayan nang husto dahil sa tagal na ng panahong lumipas na hindi ako nagkakaroon ng girlfriend. I even went to a psychiatrist to make sure. Pero ang kailangan ko lang pala ay ikaw. When I first saw you on that muddy part of my land and you cursed me on my face, I knew I had found what I was looking for.”
“Gano’n? Kaya mo ba ako basta na lang pinabayaan doon?”
“Of course not. Kaya nga pinapunta ko doon ang mga tauhan ko. To make sure you’ll get off safely.”
“Is that your way of saying I’m the answer to your prayers?”
“You have to excuse me. Hindi kasi ako sanay na nagpapakita ng emosyon sa kahit na anong pagkakataon. I had a tough life. Bata pa lang kasi ako ay wala na akong inisip kundi ang makaahon sa hirap. Kinalimutan kong maglaro at magpakasaya dahil sa tingin ko, hindi ako magtatagumpay kung hindi ko seseryosuhin ang buhay. Nagbago lang ako nang makilala ko si Thea. But even with her, I’m still having problems showing my feelings. Pagkatapos maaga pa siyang namatay.”
“So, when I found you, you were a hopeless case?”
“You could say that.”
“Kung gano’n, bakit ka pa rin nagprisintang alagaan ako kung gano’ng bato na pala ang pakiramdam mo?”
“I’m not sure. Nang makita kasi kitang parang laging hinahamon ang buhay, I just had this instinct to protect you.”
“Sinasabi mo lang `yan dahil hindi mo nagawang iligtas noon si Thea.”
“Siguro nga. Pero nang first-hand kong ma-experience kung gaano katigas ang ulo mo, alam kong hindi na dapat kita pakialaman. But I just couldn’t stay away. I wanted to protect you, to take care of you. I wanted you to need me. Kaya tuwing sasabihin mong kaya mo, gumagawa ako ng paraan na kailanganin mo ang tulong ko. Kaya lang matigas ka talaga. And I guess, that’s what makes me want you more. Of course, that’s besides the fact that you’re the only woman who kissed me and then forgot about it. Completely.”
“So, I did kiss you, huh.”
“Hindi ko alam kung iko-consider ko ba iyon na masama o mabuti. Kahapon ng umaga, nang sabihin mong mahal mo ako, hindi ako naniwala. Sinadya ko kasing puntahan ka nang gano’ng oras para maranasan ko kung paano maging lalaki sa buhay mo kahit sa sandaling panahon lang. Alam ko kasing kapag bagong gising ka, hindi kaaway ang tingin mo sa akin at hindi galit ang nararamdaman mo.”
“Kaya pala nang sabihin kong mahal kita, wala ka man lang reaksiyon. Dahil akala mo, nananaginip pa rin ako nang mga oras na iyon.”
“You always look at me like I’m the only man in your life. But only when you’re just semi-awake.”
“Oo, sakit ko na nga iyon. Pero kahapon ng umaga, gising na gising ako n’on, ano? Dahil hindi nga ako nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi. Doon ko kasi tinanggap sa sarili ko na mahal kita.”
“So, you mean—”
“Yes. Are you?”
“Yes.”
“Alam mo ba ang itinatanong ko?”
“Hindi. Pero kung ano man iyon, yes lang ako. Nakita mo naman, kahit ano’ng sabihin mo, sinusunod ko no’ng una pa man. At wala pang sino man ang nakapagpasunod sa akin kahit hindi naman nila ako inuutusan.”
Now it was her turn to cup his handsome face with her hands. “Akala ko hindi ko na makikita ang mukhang ito kahit kailan.”
“Huwag ka nang umalis. Dito ka na lang. You may not need me, but I need you. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng buhay ang St. Claire’s, Xeena. Please say you’ll stay.”
“Paano pa ako makakaalis, eh, kinansel mo na ang plane ticket ko?”
Agad rumehistro ang pag-aalala sa mga mata ni Vincent. Who said he didn’t know how to show his emotions? “May balak ka pa ring umalis?”
“Papayagan mo ba ako?”
“Hindi. I would destroy all the planes in the country just to make sure you won’t be able to leave again.”
“You’ll do that?”
“Maybe. Pero ayoko namang ma-bankrupt ang mga airlines company dito sa Pilipinas. Ran Fontanilla was one of them. Hindi man niya madudurog ang business empire ko, but with his friends—”
Wala nang pakialam si Xeena sa mga sinasabi ni Vincent at siniil na niya ito ng halik sa mga labi. Tama na ang malaman niyang gagawin nga nito ang lahat dahil mahal siya nito. Sapat na iyon para makontento ang kanyang puso.
Billionaire boy Vincent Noblejas had found his match. And I have found mine.
Wakas