“S INO’NG tinawagan mo?” tanong ni Xeena kay Hevn. Gaya ng gusto niya, sa ospital nga siya idineretso ng pinsan at ni Silvanus matapos siyang masagip sa mga kuko ni Vincent.
“Si Claudio.” Ibinalik na nito ang cell phone sa bag. “Okay ka na?”
“Oo. Ngayon mo lang naalalang tawagan ang boyfriend mo pagkatapos ng halos tatlong araw natin dito?”
“Xeena, sa dami ng mga nangyari sa atin mula nang dumating tayo dito, natural lang na hindi ko agad maalala si Claudio.”
“Sigurado ka?”
“Ano bang klaseng tanong `yan?”
Oo nga. Bakit ba kailangan pa niyang magtanong, eh, alam naman na niya ang kasagutan? Mula nang umalis sila sa St. Claire’s ay napansin na niyang parang kakaiba na ang ipinapakita ng pinsan. At malakas din ang kutob niyang si Silvanus ang dahilan ng lahat ng iyon. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang nag-umpisa iyon noon pa mang nasa Italy sila.
“Hindi mo pa nasasabi sa akin kung paano mo nakuha ang pinsala mong iyan. Ano ba talaga ang nangyari sa `yo?”
“That Vincent guy was really the most disgraceful person on earth!” Ikinuwento ni Xeena ang mga nangyari mula sa kung paano niya natamo ang pinsalang iyon. “Imbes na tulungan niya ako, basta na lang siyang lumayas.”
“Alam ba niya ang nangyari sa iyo?”
“Even if he did, he won’t even care. Hindi na ako magtataka kung nakita nga niyang may iniinda ako pero hindi lang niya pinansin.”
“That is so rude.”
“I know.”
“Bakit parang natutuwa ka pa yata diyan?”
Napansin na rin pala ni Hevn ang pilit na ngiting itinatago niya. “Dahil kahit paano, nakaganti naman ako sa kanya. Did you see his face when I slapped him?”
“Yeah, he just smiled at it.”
“No, Hevn. Nainsulto siya nang husto.”
“No, Xeena. He really just smiled at it. I saw him.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Basta, I know he was insulted. You know why? Dahil sa maiksing panahong pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng iba’t ibang ekspresyon ng walanghiyang lalaking iyon.”
Tumingala pa si Xeena sa kisame habang binabalikan sa kanyang alaala ang pakiramdam nang sampalin niya ang lalaki. She knew her strength kaya alam niyang hindi iyon malakas na sampal. Although masaya pa rin siya na kahit paano, nagmukha siyang mas malakas kaysa rito kahit sa maiksing panahon lang.
“Dapat pala nagdala ako ng camera,” patuloy niya. “Para nakunan ko ang eksena nang sampalin ko ang billionaire boy na si Vincent Noblejas. Nabasa mo na ba ang profile niya sa Philippine Stats , Hevn? Oh, my goodness. Sa lahat ng billionaire profiles na naroon, ang mga nakasulat tungkol kay Vincent Noblejas na yata ang pinakamalayo sa katotohanan. ‘Vincent’s charmingly subtle way of talking would make you feel he was just like any ordinary Don Juan. ’ Yuck! Hevn, can you believe they actually thought Vincent was a charming saint? A charming snake, more like it. Dapat pala ako na lang ang nagsulat ng tungkol sa kanya. I would have titled it, ‘The Arrogant Beast’… Hmm, mabango pa ngang pakinggan iyon. Maybe I should just title it, ‘The Beast.’ Bahala siyang makipag-agawan ng title do’n sa Disney character.”
Nilingon ni Xeena ang pinsan. Parang nililipad na naman ang isip nito. Hay naku, ang mga in love nga naman, oo. Pero masaya na rin siya sa nangyayari dito. Noong una pa man kasi, hindi na niya feel ang boyfriend nitong Italyano. Claudio was nice and handsome all right. But her cousin never acted the way she was acting now after she met billionaire boy Silvanus Arellano. Mabuti naman kung ganoon. Hindi man niya kapatid si Hevn, ito na ang naging sister figure niya since nag-iisa lang siyang anak ng kanyang mga magulang. At talagang gusto niyang sumaya na si Hevn sa lalaking mamahalin nito.
Napahikab na lang si Xeena. Umeepekto na ang gamot na ibinigay ng doktor kanina. “Let’s talk about my agenda against Vincent Noblejas later, okay? Matutulog muna ako.”
“Mabuti pa nga.” Hinalikan na siya nito sa pisngi. “Magpahinga ka na.”
PINAGMASDAN ni Xeena ang pinsan na nakatanaw lang sa labas ng bintana ng kanilang hotel. Isang araw lang siyang nanatili sa ospital matapos siguruhin sa doktor na tumingin sa kanya na hindi na muna niya igagalaw ang paang napinsala.
“Makakabisado mo na ang bawat kulay ng Maynila niyan, Hevn.” Her cousin just gave her a weak smile. “You should go out. Huwag kang magburo dito. Sayang ang beauty mo.”
“I’m not in the mood. Dito na lang ako.”
“May nangyaring hindi maganda sa inyo kahapon ni Silva, ano? Pagbalik mo sa kuwarto ko kahapon, namumula ang mga mata mo. Mabuti na lang at nakaalis na si Claudio. Kung hindi, lagot ang Silvanus na iyon.”
Dumating kasi kahapon ang boyfriend ni Hevn galing Italy at malakas ang kutob niyang nagkita ito at si Silvanus. Hindi naman siya nagkamali ng hinala. Umamin si Hevn na nagkagulo kahapon dahil nag-propose ng kasal ang boyfriend nito at hindi ito nakapag-react agad sa pagkabigla. Iyon ang eksenang naabutan ni Silvanus na ikinagalit nito at siyang dahilan ng kalungkutan ngayon ng pinsan.
“Ni hindi ka man lang niya pinakinggan sa mga paliwanag mo?”
“Nasaktan ko siya, Xeena.”
“At ikaw, hindi ka ba niya nasaktan sa mga ipinakita niyang kakitiran ng utak? Hindi lang siya ang may karapatang masaktan sa mga nangyari, Hevn.”
“Tama lang sa akin ang masakan nang ganito. Marami na rin akong nasagasaan nang dahil sa pagmamahal kong iyon. Pati ikaw. Kahit hindi ka nagsasalita, alam kong nasaktan kita kahit paano nang aminin kong may nararamdaman nga ako kay Silva.”
“Oh, forget about me. I wasn’t hurt. I never did. Noong una pa lang kasi, tanggap ko na sa sarili ko ang posibilidad na wala naman talagang mararamdaman sa akin si Silvanus. Kahit noong nasa Italy pa lang tayo, alam ko na iyon.”
“What? Then why did you still insist on following him here?”
“Hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko kay Silvanus. And I told you, ayokong nag-iisip ako ng napakaraming ‘what ifs.’ I want everything clear.”
Maaaring hindi maganda ang kinalabasan ng pagbabalik nila sa bansa dahil nadisgrasya siya at nakahanap ng kaaway. Pero at least, natagpuan naman ng pinsan niya ang lalaking minahal nito nang totoo. At wala siyang balak na hayaang pumalpak din ang kapalaran nito sa bansang iyon.
“Puwede bang ikaw na lang ang makipagkita ngayon kay Dunkey, Hevn? Para makalabas ka na rin kahit paano.”
“Dunkey? `Yong writer ng Billionaire Boys Club?”
“Oo. Sabi ko kasi, makikipagkita ako sa kanya ngayong araw para sana personal na makapagpasalamat sa tulong niya. Kahit puro malas ang inabot ko. Since hindi pa ako puwedeng tumayo nang matagal, ikaw na lang ang magpaumanhin para sa akin.”
“Sige, saan ba kayo magkikita?”
Nang sa wakas ay makaalis ang pinsan, dinampot ni Xeena ang remote control ng telebisyon. Sila na naman ng cable channel ang magkaulayaw buong maghapon ngayon. Nang mapansin ang nakatiklop na damit sa mesitang katabi ng kama, naalala na naman tuloy niya ang herodes na pinanggalingan ng naturang damit. Sa inis ay hinablot niya ang damit at itinapon sa ilalim ng kama.
“Iyan, diyan ka.” She felt a little better. “Paano kaya nagka-girlfriend ang antipatikong iyon? Siguro pipi at bingi ang babaeng pumatol doon. O kaya naman, manhid. O di kaya, robot. O kaya—”
May narinig siyang kumatok sa pinto ng suite nila. That’s weird. Dala naman ni Hevn ang susi para iwanan sa front desk. Para hindi na siya tumayo pa para pagbuksan ito pagbalik mamaya. Kinuha niya ang saklay na nakatambay sa gilid ng kama. Pahirapan pa ang pagpunta sa pinto dahil hindi naman siya sanay na gumamit ng saklay.
“Sino ba ang—” Napatunganga si Xeena sa nakitang istorbo sa pananahimik niya. “Ikaw?!”
“May I come in?”
“No!” Pinigilan ng dalawang lalaking tila mga bodyguard ni Vincent ang pinto na pabalabag niyang isinara. “Do you mind?”
“Not at all,” sabi nito, saka pumasok sa loob ng suite.
“Hey! Hindi kita pinapapasok sa kuwarto namin—” Nilingon niya ang sumarang pinto. Salamat sa mga alalay ng lalaki. “Excuse me. Wala kang karapatang pumasok sa kuwarto ng may kuwarto, lalo na at hindi ka invited. Now, get out or I’ll call the management.”
“Hindi na kailangan. Nasa harap mo na siya ngayon.”
“What?”
“I am the management. I own this hotel. Well, I partly own this. May thirty percent share ako sa Elite Hotels ni Denniz.”
“Sino?”
“Never mind.”
“Excuse me?!” Hambalusin kaya niya ito ng saklay? “I want you out of my room, Vincent. Now.”
Imbes na sumunod ay dinampot lang nito ang remote control, saka pinatay ang telebisyon. In his dark business suit, kahit sino ay hindi maaaring kuwestiyunin ang sinabi ni Vincent kanina na pag-aari nga nito ang hotel na iyon. He partly owns, pagtatama ni Xeena sa isip. He looked very dignified and he had this aura of commanding power in him. Not to mention that he was also as handsome as hell. If there was such a thing.
Binalingan na siya ng lalaki. “Kumusta na ang paa mo?”
“Ano ba sa palagay mo?”
“Does it still hurt?”
“Ihampas ko kaya sa `yo itong saklay ko?”
“Lalo mo lang palalalain ang kalagayan mo. Kailangan bang ipa-surgery iyan?” tukoy nito sa kanyang paa.
“No. Ang kailangan ko, mawala ka sa paningin ko. Dahil tuwing nakikita kita, lagi na lang akong minamalas.”
“Hindi ka lang marunong mag-ingat—”
“At ako pa ngayon ang may kasalanan—”
“Hindi ka dapat agad umalis sa St. Claire’s. Magaling ang doktor na ipinatawag ko para sa `yo—”
“I didn’t need it—”
“Look what happened to you—”
“Don’t interrupt when I’m talking!”
“Then I expect you to do the same with me.”
Ang lakas ng loob ng hudyong ito na mag-demand sa kanya! Sa sarili niyang silid! Ngayon lang niya na-realize kung ano ang nararanasan ng mga taong nakakapatay dahil sa galit. Pero naisip din niya, bakit kaya buhay pa rin hanggang ngayon ang Vincent Noblejas na ito?
Nagbilang si Xeena hanggang sampu. Hindi niya dapat aksayahin ang kalayaan nang dahil lang sa pagpatay sa walang kuwentang lalaking ito. Kinalma niya ang sarili.
“Kung ang ipinunta mo lang dito ay para alamin kung buhay pa ako, well, nakita mo naman na humihinga pa ako. Ngayon, puwede ka na bang umalis? Dahil talagang iniistorbo mo na ako.”
Hands on his trouser pockets, hinarap na siya ni Vincent nang tuluyan. “I need the dress that I lent you.”
“Fine.” Itinuro niya ang kama. “Nasa ilalim.”
Kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay ay ang pagdilim ng ekspresyon ng guwapo nitong mukha. “Ilalim ng kama?”
“Oo.”
“Itinapon mo iyon sa ilalim ng kama mo?”
“Of course not,” kaila ni Xeena. Pero hindi niya itinago sa boses ang pagiging guilty. “Nahulog siguro at hindi na namin napansin.”
“You did it on purpose.”
“Yeah, so?”
“How dare you—”
“How dare you.” Dear Lord, huwag Ninyo akong hayaang maging kriminal. “Papasok ka sa kuwarto ng may kuwarto at aaktong parang ikaw lang ang may karapatang mag-demand sa mundo. Well, you know what? I don’t care if you own this hotel. I don’t even care if you own this freaking world. Pero kapag nasa teritoryo kita, matuto kang gumalang.”
Halatang hindi sanay si Vincent na pinagsasabihan kaya hindi ito nakapagsalita agad. Sinamantala naman niya ang pagkakataon para magkaroon ng upperhand sa sitwasyon nila ngayon.
“I know you’re a billionaire boy, Vincent Noblejas. But you don’t scare me.” Limping, she went to the side of her bed. “Itong damit lang naman ang ipinagpuputok ng butse mo, hindi ba? Sige, ibibigay ko na sa iyo at pagkatapos, lumayas ka na sa harap ko. Please lang.”
Isinalya ni Xeena ang mga saklay. Pero bago pa man siya makadukwang para kunin ang damit sa ilalim ng kama ay pinigilan na siya nito sa braso.
“Ako na.”
“Sinabi ko bang tulungan mo ako?”
Pero hindi pa rin nito binitiwan ang braso niya. “You’re going to hurt yourself again.”
“And since when did you care?”
“Just now.”
Nakipagtagisan si Xeena ng titig kay Vincent. Hindi siya naniniwala na ang pagiging mabait sa isang tao ay dala ng pagiging magandang lalaki o babae ng taong iyon. Pero ngayon, habang patuloy itong pinagmamasdan, parang gustong magbago ng paniniwala niya. Sa liit ng distansiya ng kanyang mukha sa mukha nito, doon lang niya napatunayan nang husto kung gaano kaguwapo ang bilyonaryong si Vincent Noblejas. Because if he was already handsome enough from afar, just wait till you see him with your face only inches away from his. Ano na nga ang sinabi noon ni Dunkey tungkol dito?
“Kapag nakita mo siya, mas mabuting tingnan mo na lang at pangarapin sa malayo. You’ll be safer that way.”
Yeah, safer from his utterly magnetic charm.
“Hindi pa magaling ang paa mo,” wika nito sa mahina pero matatag na boses. “Oras na magkamali ka ng galaw, siguradong sa ospital na naman ang bagsak mo.”
Vincent’s charmingly subtle way of talking would make you feel he was just like any ordinary Don Juan ...
Parang gusto na rin niyang maniwala sa pahayag na iyon ng magazine tungkol dito.
“Ako na.”
Wala na si Vincent sa paningin ni Xeena pero parang naka-plaster pa rin sa kanyang isip ang alaala ng mukhang iyon. Did she miss something? Bakit parang bigla-bigla yatang nagbago ang pananaw niya sa lalaking isinumpa na sa unang beses pa lang nilang pagkikita? Nagbago ba agad siya ng isip dahil lang sa na-realize na guwapo nga talaga ito? Ganoon na ba siya kababaw?
Hindi iyon matanggap ni Xeena kaya mabilis siyang dumukwang para kunin ang damit sa ilalim ng kama. Nawala na sa isip niyang si Vincent na ang gumawa niyon kaya ang nangyari ay nagkasalisi sila. He bumped into her and she lost her balance. Naagapan naman siya ng lalaki pero ang nangyari, nahila naman niya ito pabagsak sa kama. Nakubabawan siya ni Vincent, with both his arms braced on each side of her to prevent him from literally crashing into her. But that didn’t prevent her from looking once again at the most handsome guy she had ever seen.
And yes, he was even more handsome than Silvanus himself.
“Hobby mo na ba talaga ang ipahamak ang sarili mo?” tanong nito.
“W-what?”
“I told you to stay put.”
“I… ah…” May palagay si Xeena na hindi talaga gagana nang maayos ang utak niya hangga’t hindi inaalis ang mga mata sa mukhang iyon. “Puwedeng lumayo ka muna sa akin?”
“Bakit?”
“Anong bakit?” Sinubukan niyang tumayo dahil hindi na nagugustuhan ang reaksiyong iyon sa lalaki. Nag-umpisa na siyang magwala. “Get off me!”
“Stop it—”
“Get off me!” Pinagbabayo na niya si Vincent at ibinuhos ang lahat ng lakas para makawala sa lalaki.
“Xeena, you’re going to hurt yourself again if you— All right, just calm down.”
Mabilis na kumilos si Xeena palayo nang sa wakas ay makawala sa lalaki. Kumakabog na ang dibdib niya sa hindi malamang kadahilanan. She knew she was tough but she just didn’t know how to handle him when he was that close to her. Siguro dapat ay hindi na siya maglalalapit kay Vincent. Ngayon pa lang, kakalimutan na niya ang paghihiganting pinaplano laban dito. Babalik na lang siya sa Italy kung saan tahimik ang buhay niya.
“Saan ka pupunta?”
“Wala kang pakialam!” singhal ni Xeena, saka paika-ikang naglakad patungo sa banyo. “Kapag sumunod ka, ipadadampot na talaga kita sa mga pulis.”
“All right. Huwag mong babasain ang paa mo. Namamaga pa `yan.”
“Shut up, Vincent! You’re not my doctor.”
“Hindi na kailangan ng doktor para lang sabihing delikado `yang ginagawa mo. You shouldn’t walk without your crutches, Xeena.”
“I said shut—”
Huli na para malaman ni Xeena na tama ang lalaki. Pagtapak na pagtapak sa basang tiled floor ng banyo ay agad dumulas ang kanyang paa. Napahawak naman siya sa doorknob pero naitapak na rin niya ang may pinsalang paa sa sahig. Napahiyaw siya sa sakit. Mabilis siyang nilapitan ni Vincent at walang sere-seremonyang binuhat.
“Anselmo! Tony! Ihanda ninyo ang kotse!”