noveltoon logo noveltoon
Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Nov 28, 2025

N AGISING si Xeena na parang lumulutang ang pakiramdam at napakagaan ng kanyang ulo. Ngayon lang siya nakaranas ng ganoong klaseng pakiramdam. Kaya siguro hindi na nakapagtatakang hindi siya nag-react nang makita ang isang hindi inaasahang tao sa kanyang silid.

“Hey… kilala kita, ah.” She tried focusing her eyes on the man standing beside her. “Vincent.”

Napangiti siya sa hindi malamang kadahilanan. Nanatili lang itong nakatayo sa tabi niya.

“Ano’ng ginagawa mo diyan?” She really liked how serious his handsome face tonight. Tinapik niya ang gilid ng kama. “Maupo ka dito.”

“How’s your foot?”

“I have no idea. Pero maganda ang pakiramdam ko ngayon. Para akong lumilipad.” Muli niyang tinapik ang kama. “Sit here, Vincent.”

“You need to rest.”

“Lagi na lang akong nagpapahinga. Masakit na nga ang likod ko sa kakahiga dito, eh.” Pinagmasdan ni Xeena nang maigi ang lalaki. “Gusto kitang makita sa malapitan. Just to make sure na kasingguwapo ka pa rin gaya ng nasa malayo ka.”

Lumapit naman si Vincent pero hindi naupo sa tabi niya. Sa halip ay kunot-noo siyang tila ininspeksiyon.

She gave him her broadest smile. “Hello.”

“Tatawagin ko lang ang doktor mo.”

“Bakit?”

“You don’t look good.”

“Okay.” Xeena started to hum as she looked out the window. “Bakit kaya madilim sa gabi, ano? O maliwanag sa araw?”

“What?”

“Did you notice how it really gets dark outside when the sun sets in?” Muli siyang napangiti nang maupo si Vincent sa kanyang tabi. “Hey… I miss you, ha?”

“Hindi ako umalis.”

“Bakit?”

“Dahil masama ang tingin mo sa bintana.”

“Nag-aalala kang baka tumalon ako sa bintana?”

“Hindi.”

“How sweet.” Sininghot-singhot pa ni Xeena ang suot nitong amerikana. “Hindi ka lang guwapo. Mabango ka pa. Lalaking-lalaki ang amoy.”

“Xeena.”

Naupo na siya kaya nagawa nang makita nang mas malapit ang mukha ni Vincent. Hindi niya mapigilang mapangiti. Maganda talaga ang lighting sa silid na iyon. Parang may special effects dahil sa tila maulap-ulap na epekto niyon sa lalaki. Hindi ito nakakasawang pagmasdan.

“You really are handsome, Vincent. Plus, you do have a great body. Hindi mo dapat iyan itinatago. You are so good for my surrounding. Para tayong nasa langit. `Ayan, may ulap-ulap pa.”

“Dala lang `yan ng gamot. It will fade.”

“But I don’t want it to fade. I like this feeling.” Inilapit pa talaga ni Xeena nang husto ang mukha sa lalaki. “Alam mo ba kung gaano ka kaguwapo, Vincent?”

“Yes.”

“Hmm.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahang inilayo. “Magpahinga ka na, Xeena.”

“Mamaya na.” Tiningnan niya ang paligid bago ito muling binalingan. “Pamilyar sa akin ang lugar na ito.”

“Nasa ospital ka.” Napabuntong-hininga na lang si Vincent.

“You look worried.” Idinampi niya ang mga daliri sa noo nito para alisin ang pagkakakunot niyon. “Ano’ng nangyari?”

“Hindi ako dapat…” Hinawakan nito ang kamay niya. “Aalis na ako para makapagpahinga ka na uli.”

“Dito ka muna.”

“You wouldn’t want to see me here when the effect of that drug wears out on you.” Inilayo uli siya nito. “Xeena.”

“Vincent.” Inilapit niyang muli ang mukha rito. This time, hindi na lumayo o kumilos ang lalaki para ilayo siya. “When I first saw you on that horse, I thought you were the most handsome man I’ve ever seen.”

“And then?”

She just loved to hear his voice. “I was right. You are the most handsome man I’ve ever met.”

“How about Silvanus?”

“Who?”

“Hindi ba’t si Silvanus ang dahilan ng pagbabalik ninyo dito ng pinsan mo galing Italy?”

“Paano mo nalaman `yan?”

“I’m a billionaire boy, Xeena. I know everything.”

Imbes na sumagot ay hinayaan na lang niya ang sariling pagmasdan lang ang pagbabago sa guwapong mukha ni Vincent. When he became serious like that, she couldn’t help but admire him even more. Mas nadaragdagan kasi ang karakter ng hitsura nito. Mas nagiging intimidating. Mas kahuma-humaling para sa kanya. Idinampi niya ang palad sa pisngi ni Vincent para siguruhing totoo nga ito. He was silent for a moment as he gazed down at her as well. Napangiti na lang uli siya.

He was real.

Pagkatapos ay hinawakan ni Vincent ang kamay niya at marahan iyong inilayo sa pisngi nito. Hindi na siya nagprotesta. Napatunayan na niya ang dapat na patunayan. Isa pa, inaantok na uli siya.

“You really need to rest now, Xeena.”

“Okay.” And then, she just gave him a quick but firm kiss on the lips. “Balik ka, ha?”

Halatang nagulat si Vincent. Gayunman, agad din sigurong nakabawi dahil sa ikalawang pagkakataon ay ito naman ang lumapit sa kanya at ginawaran ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Hindi na siya nagprotesta. She closed her eyes and felt the gentle warmth his lips was giving her. It was like nothing could go wrong just as long as he kept on kissing her like that. So, when the kiss ended, wala na siyang dahilan para magreklamo.

“Sleep tight, Xeena,” nakangiti nitong wika.

NAPABALIKWAS si Xeena. Hinahabol niya ang paghinga at kahit air-conditioned ang silid na kinaroroonan ay may butil pa rin ng pawis na namumuo sa kanyang noo.

A dream , sabi niya sa isip habang sapo ang kumakabog na dibdib. It was all just a dream.

Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid. Wala si Hevn. Siya lang ang nandoon. Nag-iisa. Walang Vincent Noblejas. Impit siyang natawa sa sarili. What was she thinking? Of course, hindi totoo ang lahat ng iyon. Imposible namang may mangyari na hindi niya alam.

Ako pa!

Idinampi ni Xeena ang mga daliri sa kanyang mga labi. She could feel a tingling sensation on her lips. Did that kiss really happen? Ewan. Hindi pa naman kasi siya nahahalikan sa mga labi kahit kailan kaya saan niya ikukumpara iyon?

But it seemed so real…

Hay naku, `ne. Gutom lang `yan.

Xeena picked up an apple from the basket full of fruits on the table near her bed. Pero may kung anong pilit na umuukilkil sa isip niya. Kung hindi iyon totoo, bakit parang masyado iyong nakatatak sa isip niya? Dreams were supposed to fade as time went by, right? Pero kabaliktaran ang nangyayari sa kanya.

“Ang walang pusong si Vincent Noblejas?” sabi niya sa sarili, saka kumagat sa mansanas. “Nah. Imposible. Ikamamatay n’on ang magpakabait sa kahit na kanino.”

Pero… si Vincent ang nagdala sa kanya sa ospital na iyon nang madulas siya sa banyo ng tinutuluyan nilang hotel ng pinsan. Iyon ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya. Sinabi rin nitong pagkatapos malaman ni Vincent na maayos na ang lagay niya ay umalis na ito.

“Siniguro lang na hindi siya ang mapagbibintangan kung sakaling matuluyan ako,” patuloy ni Xeena. At malinaw sa kanyang isip ang mga nangyari bago ang ikalawa niyang aksidente.

She had seen him in a very different of way. She had felt something as she gazed into those lovely eyes of his. And then that kiss … Totoo bang hindi iyon nangyari?

“Xeena, you’re getting out of your mind.”

Parang lumundag ang puso niya nang bumukas pinto ng silid. Si Vincent ba iyon? Pero nakangiting mukha ng pinsan ang bumungad sa kanya, kasunod ang fiancé na nitong si Silvanus. Only a few hours ago, nagawa na ring magkaayos ng dalawa kaya opisyal nang magkasintahan ang mga ito ngayon.

“O, bakit ganyan ang hitsura mo?” tanong ni Hevn. “Parang nanghihinayang ka pa na ako ang nakita mo.”

“Sino pa ba naman ang hahanapin ko para makita?”

Nakakalokong ngiti lang ang isinagot ni Hevn nang ayusin nito ang mga pinamiling pagkain sa ibabaw ng night table.

“Kumusta na nga pala ang pakiramdam mo, Xeena?” bati ni Silva.

“Matatagalan pa siguro bago ako makalakad nang maayos. I swear, hindi ko na talaga tatangkain pang suwayin ang payo ng mga doktor ko.”

“Mabuti naman at natuto ka na,” wika ng pinsan niya. “Ang tigas naman kasi ng ulo mo minsan. Hayan tuloy, pilay ka ngayon. Paano ka niyan makakasama sa amin pabalik ng Italy?”

“Namin?”

Buong pagmamahal nitong sinulyapan ang boyfriend. “Pormal nang mamamanhikan si Silva sa mga magulang ko.”

“So, we could get married as soon as possible.”

“Kailan ba ang alis ninyo?”

“Bukas na.”

“What?!”

“Ayoko nang maghintay pa nang matagal, Xeena,” sagot ni Silva. “Baka mamaya kasi, maumpog si Hevn at biglang magbago ang isip.”

“Oo nga.”

Parang nagkaroon na naman ng sariling mundo ang dalawa. Napailing na lang siya, saka muling kumagat sa mansanas.

“Sige, bahala na nga kayo.”

“Huwag kang mag-alala, Xeena. Kahit wala kami, may mag-aalaga pa rin sa iyo.”

“Ayoko ng nurse. You know how independent-minded I am, Hevn.”

“Hindi siya nurse.”

“Kamag-anak natin?”

“Wala na tayong kamag-anak dito sa Pilipinas.”

Nagdududa niyang tiningnan ang dalawa. “Don’t tell me ipapasok ninyo ako sa home for the aged?”

“Sira! Hindi ka tatanggapin doon. Sa mental puwede pa.” Tumawa lang si Hevn nang simangutan niya ito. “Kidding aside, Xeena. Alam naming magugustuhan mo siya dahil mabait naman siya.”

“I hate it when you talk like that, Hevn.”

“Fine, fine.” Nakakalokong ngumisi naman ito ngayon. “Si Vincent.”

The mere mention of his name almost made her jump. Pero umakto siyang parang bale-wala lang kaya ibinaling na lang niya ang atensiyon sa pagkain ng mansanas.

“Sinong Vincent?” painosente pa niyang tanong.

“Vincent Noblejas,” singit ni Silva na gaya ng girlfriend nito ay abot-tainga na rin ang ngiti. “The billionaire boy.”

“Ah.”

“Nagprisinta siyang alagaan ka habang wala kami.”

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Xeena.

“Nag-usap na kami kanina,” patuloy ni Silva. “Actually, nagkasalubong lang kami sa labas. Galing siya rito. Dinalaw ka yata pero ang sabi niya, tulog ka pa nga raw.”

“Siya nga ang may dala ng mga prutas na iyan.”

Tuluyan na siyang inihit ng ubo.

“READY to go?”

Hindi nilingon ni Xeena ang nagsalita. Kunsabagay, hindi na niya kailangang manghula pa kung sino ang nagmamay-ari ng demanding na boses na iyon.

“I’m not going with you,” sabi niya.

“You don’t have any choice.” Vincent appeared in front of her wearing a simple baby blue shirt and faded denim. Casual and yet utterly handsome. “Wala nang mag-aasikaso pa sa iyo mula ngayon. Nakalipad na patungong Italy ang pinsan mo at si Silvanus kaninang umaga.”

“I do have a choice, Vincent. And I choose not to go with you.” Inabot ni Xeena ang saklay. Pero nagulat siya nang ilayo nito iyon sa kanya. Pinandilatan niya ang lalaki. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“I was just making sure that you won’t have any choice.”

“Vincent, alam mo, wala akong panahong makipagbiruan sa `yo ngayon, eh. Kaya kung puwede lang, ibigay mo na sa akin iyang saklay at humayo ka na sa kung saang lupalop ka man ng mundo pupunta.”

Inilahad ni Xeena ang kamay para kunin ang saklay. Pero imbes na ibigay iyon, sariling kamay nito ang iniabot sa kanya. Napapiksi siya nang maramdaman ang init na hatid ng pagkakadikit ng kanilang mga palad. At nang tangkain niyang bawiin ang kamay ay humigpit lang lalo ang hawak nito sa kanya. Memories of her yesterday’s ‘dream’ flooded her mind and it jolted something inside her.

“Ano ba!”

“Okay.” Sa wakas ay binitawan na rin siya ni Vincent. Pero hindi pala roon nagtatapos ang usapang iyon. “Tony, Anselmo.”

Bumukas ang pinto at pumasok ang malalaking bulto ng dalawang unipormadong lalaki. a ng mga iyon din ang nakita niyang kasama ni Vincent sa hotel suite nila ng pinsan.

“A-ano’ng ginagawa nila dito?” tanong niya.

“Papipiliin lang kita. Bubuhatin ka nila, bubuhatin kita, o sasama ka nang maayos.”

“What?”

“I don’t need to repeat myself, Xeena. Alam kong naiintindihan mo ang sinabi ko.”

Hindi siya nakaimik. Naiintindihan nga niya ang gustong ipahiwatig ni Vincent. Na kahit ano ang mangyari, ito pa rin ang masusunod. Dahil sa maiksing panahon ng pagkakakilala niya sa lalaki, ito ang tipo ng taong walang ibang pinakikinggan kundi ang kagustuhan nito. Although ang isang bahagi ng isip niya ay bumoto agad na hayaan si Vincent na buhatin siya. Agad niyang pinagalitan ang sarili.

Kaaway mo ang impaktong iyan!

Xeena gave him a defiant look. Wala naman talaga siyang balak na sumuko. Matagal na siyang nabubuhay nang mag-isa at hindi hinahayaan ang sino man na pakialaman siya. Kaya kung iniisip ni Vincent na basta na lang siya yuyuko, nagkakamali ito.

“Sige, gusto mong maabala, ikaw ang bahala.” Kinuha niya ang bag na kinalalagyan ng mga gamit niyang inihanda na ni Hevn bago ito umalis. Ibinigay niya iyon kay Vincent. “Ingatan mong mabuti `yan. Ayokong magagasgasan ng kahit katiting ang bag ko dahil vintage `yan.”

“Walang vintage na backpack.”

“Marunong ka pa sa akin? Akin na nga lang ang mga saklay ko at nang matapos na ito.”

Imbes na sumunod ay inihagis lang ni Vincent ang bag niya sa mga bodyguard nito. “Iuna na ninyo iyan sa kotse. Dalhin n’yo na rin ang mga saklay ni Xeena.”

“Yes, Boss.”

And they were gone in an instant. “Bakit mo ipinadala ang saklay ko sa kanila? Ano na ngayon ang gagamitin ko?”

“Nag-request ako ng wheelchair sa ospital para hindi ka na mahirapang maglakad palabas.” Sinulyapan nito ang relong pambisig. “Hintayin lang natin sandali.”

Of course, Xeena was taken aback by his consideration. Vincent was still trying to control everything about her and she still didn’t like it. Pero sa munting gesture nito ngayon, na talagang inalala ang kanyang kalagayan, pansamantala ay tila nakalimutan niya ang dahilan ng pag-iinit ng kanyang ulo sa lalaki. Hindi na naman tuloy niya napigilan ang sariling pagmasdan si Vincent. Guwapo talaga ang kumag. Kahit laging seryoso ang mukha. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nang minsan siyang nawala sa sarili ay nahalikan niya ito. Napasinghap siya.

Oh, my God! Bakit naging gano’n kalinaw na ngayon ang dapat panaginip lang? It was supposed to have faded already!

“Something wrong?” Narinig siguro ni Vincent ang pagsinghap niya.

“Wala!”

“Sumasakit na naman ba ang paa mo?”

“Wala nga sabi, eh!”

“Iba na ang tanong ko.”

“Antipatiko ka talaga, ano, Vincent?”

“Look who’s talking.”

At bago pa humaba na naman ang pagtatalong iyon ay dumating na sa wakas ang hinihintay nila. Dalawang nurse ang naghatid ng wheelchair.

“Bakit kayo ang nagdala niyan dito?” tanong ni Vincent. “Nasaan ang mga hospital attendants na dapat gumagawa nito?”

“Ahm… o-okay lang iyon, Mr. Noblejas,” sagot ng isa sa mga nurse na parang nagningning pa ang mga mata. “Hindi naman kami naabala.”

Nakita pa ni Xeena ang isa sa mga nurse na pilit itinatago sa likuran ang isang magazine. Kung ganoon ay nakilala rin ng mga ito ang isang miyembro ng Billionaire Boys Club na naligaw sa ospital na iyon. Hindi na rin siya magtataka kung magpa-autograph ang mga ito.

“You can go back to your work now,” wika ni Vincent, saka inilapit sa kinauupuan niyang kama ang wheelchair. “At sa susunod, huwag ninyong gawin ang trabahong hindi sa inyo.”

“O-oo.”

“Sige, m-magandang araw na lang sa inyo, Mr. Noblejas.”

Tumango lang si Vincent. Wala nang imik ang dalawang nurse nang lumabas ang mga ito. Xeena didn’t know why but somehow she felt a bit… relieved, knowing that he didn’t even entertain those women. Pero agad din naman siyang nakonsiyensiya. Ang sama mo, Xeena. Nagagaya ka na sa ugali ng lalaking iyan.

“Bakit mo naman sila pinagsalitaan nang gano’n? Napahiya tuloy sila.”

“They still have work to do,” sagot nito habang inaayos ang wheelchair. “At kaya ko nang asikasuhin kang mag-isa. Hindi ko na kailangan ng tulong.”

“That’s not what I’m talking about— Hey!”

Napakapit nang wala sa oras ang mga braso niya sa leeg ni Vincent nang buhatin siya nito mula sa kama at maingat na inilipat sa wheelchair. That was when she had an unexpected chance to once again watch his face that close. And his fresh masculine scent just made her feel even better. Kaya nang humiwalay sa kanya ang lalaki para itulak ang wheelchair ay parang gusto niyang magprotesta bigla.

I must really be out of my mind.

“Halika na nga!” asar niyang wika. “Bilisan mo.”

Nakakatakot na ang nagiging reaksiyon niya kay Vincent. Dapat nang patayin ang ano mang damdaming namumuo sa kanya kung hindi ay siguradong malilintikan siya.

Fortunately for her, she knew just the right thing to do.