“N OW, WHERE are we…” Sinulyapan ni Xeena ang mapa ng probinsiya ng Quezon habang patuloy na nagmamaneho. “Galing na akong Sta. Barbara, Malibago, Maubang, at San Cristobal. Kung gano’n, nandito na ako sa bayan ng Aurora. Pero nasaan na ang St. Claire’s?”
Umarkila siya ng kotse para hindi mahirapan sa gagawing paghahanap kay Silvanus. Marunong siyang magmaneho pero walang local driver’s license dahil high school pa lang siya mula nang umalis ng bansa. Pero alam niya ang patakaran sa Pilipinas. Kung may pera ka, puwede mong makuha ang kahit ano. Kaya ngayon, heto siya at naglalakbay sa lugar na isang beses pa lang napupuntahan.
“Mabuti na lang at naimbento ang mapa,” bulong pa ni Xeena nang sa wakas ay makarating sa isang baryo. Huminto siya nang may makasalubong na matandang babae. “Magandang araw ho. Puwede ho bang magtanong?”
“Ano ba iyon, ineng?”
“Alam n’yo ho ba itong St. Claire’s Estate?”
“Ah, naroon lamang iyon sa bandang dulo. Ang problema, masyadong maraming daanan papunta roon kaya mag-iingat ka at baka maligaw ka.”
“Salamat ho.”
“May pupuntahan ka bang kamag-anak doon, ineng? Mahigpit kasing ipinagbabawal ang pagpunta roon nang walang pahintulot mula sa may-ari ng St. Claire’s. Lalo na kung wala kang kakilalang tagaroon.”
“Pero hindi ba’t pag-aari ng lokal na pamahalaan ang park na iyon? Bakit may nagbabawal na?”
“Matagal nang nabili ng isang mayamang negosyante ang St. Claire’s, ineng. Bawal nang pumunta roon nang hindi ipinapaalam sa bagong may-ari. Kaya kung ako sa iyo, mabuting ipaalam mo na muna sa taong kakilala mo roon ang pagdating mo para maiwasan mo ang aberya.”
“Sige ho. Salamat ho sa tulong.”
Hindi mapigilan ni Xeena ang mapangiti nang magpatuloy na sa pagmamaneho. Kung pag-aari na ni Silvanus ang buong lupain ng St. Claire’s, ligtas siya sa kahihiyan kung sakaling mapahiya sa gagawin.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa sementadong kalsada na puro matataas na talahib at mga puno ang makikita sa kabila ng mga kahoy na bakod. Ilang liko na ang ginawa niya pero iyon at iyon pa rin ang eksenang nakikita.
Inihinto ni Xeena ang sasakyan at nilingon ang pinanggalingan. Doon lang niya na-realize na hindi lang iisang direksiyon ang dinaanan. Kaya pala parang paikot-ikot lang ang ginagawa niya dahil sala-salabit ang kalsadang iyon. Parang sinadya na idisenyo nang ganoon ang lugar para takutin ang mga magtatangkang pumasok sa pribadong lugar na iyon at hindi na makakabalik pa. Nice strategy. Kaya pala sinabi ng matanda kanina na magpasundo na lang siya sa sino mang kakilala niya mula sa St. Claire’s.
Xeena picked up her cell phone and called her cousin. Walang sumasagot sa kabilang linya. Nasa biyahe na rin siguro ito patungong Sun View Park. She turned it off and leaned back on her seat to rest for a while. Mahaba-haba na rin naman kasi ang ibiniyahe niya.
At ewan naman niya kung bakit biglang pumasok sa kanyang isip ang reaksiyon ni Hevn nang magkausap sila sa Italy para planuhin ang balak niyang pagsunod kay Silvanus. Ngayon lang niya napag-isip-isip na tumutol ito nang husto sa kanyang plano. Hevn looked like she was afraid of something. Or was trying to forget something. Come to think of it, noon lang nag-react nang ganoon ang pinsan pagdating sa lalaki. But nevertheless, Hevn still came back to the country with her without even saying good-bye to her Italian boyfriend. Hindi ba’t unusual iyon para sa magkasintahan?
And then there was the issue of Silvanus. Tuwing pinag-uusapan nila ang binata, parang hindi mapakali si Hevn. Tutol ito sa mga ginagawa niya ngayon pero hindi rin naman tumatanggi sa kanyang mga kahilingan. She knew Hevn. Kahit kailan ay hindi ito maaaring pasunurin sa mga bagay na ayaw na gawin. Kung ganoon, gusto rin nitong bumalik sa Pilipinas?
“Gusto rin kaya niya si Silvanus?” Well, guwapo at mabait ang binata at una naman nitong nakilala si Hevn sa Italy. Kung siya ngang napakapihikan pagdating sa lalaki ay nahumaling kay Silvanus, ang pinsan pa kaya na ang weakness ay ang mababait at guwapong lalaki? Napabuntong-hininga na lang siya. “Sorry, Hevn. Hindi ko kasi napansin, eh.”
Masyado yata siyang nagpadalos-dalos sa naging desisyon. Now that she thought of it, na-fascinate lang siya kay Silvanus dahil ito ang unang lalaking nakakuha ng atensiyon niya sa loob ng maraming taon. The mere fact that it was okay with her if her cousin was falling for that man, it was enough evidence that she wasn’t really into Silvanus. Nakakainis lang isipin na kung kailan nasa lugar siya ng kawalan ay saka pa niya iyon naisip.
Xeena sighed and decided to just go home. Wala sa hinagap niyang makipag-agawan ng lalaki sa paboritong pinsan. And anyway, nauna naman talaga si Hevn kay Silvanus.
But how in the world would she ever find her way back?
Xeena got out of the car and inspected the whole place. Pero kahit saan tumingin ay mga puno at damo lang ang nakikita niya. Sumampa siya sa bakod para malaman kung saan puwedeng makalusot palabas.
Dahil tahimik na tahimik ang paligid ay nagulantang siya nang marinig ang malalakas na yabag. Dahilan para dumulas siya sa kinatutuntungan at bumagsak sa kabilang panig ng bakod. Mabuti na lang at basa ang lupa na kinabagsakan niya dala siguro ng pag-ulan kaya hindi siya gaanong nasaktan.
Teka, putik? She looked at her muddy hands, dress… “Oh, yuck!”
Ilang sandali pa ay lumitaw na mula sa matataas na damo ang isang itim na itim na kabayo. Isang lalaki ang nakita ni Xeena na nakasakay roon. It was like a classic romantic scene from a movie where a knight in shining armor appeared to save a princess in distress. Ang pagkakaiba lang sa lalaking ito, he didn’t look like he was happy to see a princess in distress at the moment.
“Pribadong lugar itong pinasok mo,” sabi nito sa maawtoridad na boses. “Umalis ka na.”
“Umalis?” Napakagaspang naman ng ugali ng isang ito.
“I don’t want any intruder in my property.”
Dahil sanay sa mga lalaking Italyanong sinasamba ang lahat ng babae, nainsulto si Xeena sa ipinakita nitong pagtrato sa kanya ngayon. To think na hindi naman ito si Silvanus na siyang may-ari ng lugar na iyon. Although he kinda looked familiar.
Nanatili siyang hindi kumikilos. “Paano kung ayokong umalis?”
“Again, I don’t want any intruder in my property.”
“Damn you,” pang-aasar pa rin niya.
The fierceness in his eyes almost made her wince. Hindi na magtataka si Xeena kung bigla na lang bumunot ng baril ang lalaki at paputukan siya. Pero nanatili lang ito sa kabayo.
“You know the way out, lady.”
And then she just watched him gallop away. He was such a sight to see. Pero hindi iyon nakabawas sa ngitngit na nararamdaman niya.
“Hindi man lang nag-alok ng tulong ang damuho,” bulong ni Xeena, saka sinubukang tumayo.
But she felt a searing pain on her left ankle at once. Hindi na niya pinansin na ang kinalulugmukan ngayon ay putikan dahil sa sakit na nararamdaman. Ilang minuto rin siyang halos muntik nang mawalan ng ulirat sa sakit. Luminga-linga siya sa paligid pero sa palagay niya, imposibleng may makakita sa kanya sa lugar na iyon. If she could just get herself back to the car. Ang problema, sa kaunting pagkilos lang ay namimilipit na siya sa sakit.
Pinilit ni Xeena na gumalaw nang kahit paano ay humupa ang sakit sa kanyang paa. Malapit nang lumubog ang araw at lalong magiging imposible sa kanya ang makahanap ng tulong.
Sinubukan niyang muling umakyat sa bakod pabalik sa sasakyan pero hindi naman niya mailipat ang bigat sa paang walang pinsala. Kaya namaybay na lang siya sa bakod para maghanap ng madadaanan palabas.
Pero hindi pa man gaanong nakakalayo ay itinigil na ni Xeena ang paghahanap. She just couldn’t take the pain anymore. Tatawagan na lang siguro niya ang pinsan para makapagpadala ito ng tulong sa kanya roon. Pero naiwan naman niya sa sasakyan ang cell phone. She looked back to the spot where she fell. Malapit lang iyon pero hindi na talaga niya kayang maglakad.
Sa kawalan ng pag-asa, pinilit ni Xeena na magpakatatag. But with the pain in her ankle now getting worse and there was not even a single person in sight to help her, the annoyance she felt for the man who was the reason for her pathetic situation worsened.
“Mahulog ka sana sa kabayo mo, hayup ka,” dalangin niya nang maramdaman ang pagpatak ng mainit na likido sa kanyang pisngi. She brushed it away harshly. “Damn you! I can’t believe God still create people like you.”
Iyon ang unang pagkakataon sa buhay ni Xeena na naramdaman niyang hindi niya alam ang gagawin. Nabuhayan lang siya ng loob nang marinig ang isa pang ingay na iyon. Nagbalik ba ang lalaki? But instead of the handsome man on his horse, tatlong lalaki ang nakita niya na agad namang lumapit sa kanya.
“Miss, ano’ng ginagawa mo dito? Bawal mag-trespass dito.”
“Wala naman talaga akong balak na magtagal dito,” sagot niya. “Nahulog lang ako doon sa bakod kaya nandito pa ako hanggang ngayon. Puwede bang pakitulungan akong makabalik sa kotse ko?”
Napansin na siguro ng mga lalaki ang kalagayan niya kaya nagbago ng ekspresyon ang mukha ng mga ito.
“Ano’ng nangyari sa `yo, Miss?”
“Kaunting aksidente lang. I just needed to go back to my car and— Aahh!”
Napahiyaw na si Xeena nang tangkain niyang tumayo at muling maramdaman ang sakit sa binti. Agad naman siyang dinaluhan ng mga lalaki.
“Ang mabuti pa, dalhin ka na muna namin sa bahay ng amo namin, Miss.”
“Oo nga. Mukhang hindi maganda ang lagay ng paa mo. Namamaga na, o.”
“Mabuti na lang pala at pinapunta kami dito ng amo namin. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa `yo. Pinapakawalan pa naman sa gabi ang mga alagang Dobermann para magbantay sa buong farm.”
Hindi makapaniwala si Xeena. Malalapa pa siya ng mga aso kung sakaling hindi siya nakita ng mga taong ito. At ang herodes na lalaking iyon ang magiging mitsa ng buhay niya. Maingat siyang inalalayan ng mga lalaki para maisakay sa pickup truck na sinakyan ng mga ito.
“Pakidala na lang ako sa pinakamalapit na ospital dito,” sabi ni Xeena. Wala siyang balak na magtagal sa lugar na iyon, lalo na at may posibilidad na makita pa niya ang lalaking iyon. Baka kasi kung ano pa ang magawa niya kapag nagkita sila.
“Doon ka na lang namin sa mansiyon dadalhin, Miss.”
“May permiso na kami sa amo namin,” sabi ng isa sa dalawang lalaki na pumuwesto sa likuran ng sasakyan. “Ingatan mo lang na huwag masagi iyang binti mo, Miss. Baka kasi lumalala ang pinsala mo. Tayo na, Bert.”
“Paano ang kotse ko?”
“May nautusan na kami na dalhin iyon sa mansiyon.”
Kahit paano ay napanatag na si Xeena. She was safe now.
Akala niya noong una ay puro talahib at mga puno lang ang makikita sa St. Claire’s hindi gaya noon na may mga halamang namumulaklak sa paligid. Pero ang St. Claire’s na nakikita niya ngayon nang sa wakas ay makalabas sa madamong bahagi ng lugar ay halos makapagpanganga sa kanya. There was the wild flowers she was looking for and they were everywhere. Ang mga puno ay maayos ding nakakalat sa paligid habang sa malalawak na clearings di-kalayuan ay naroon ang maraming hayop na may kanya-kanyang grazing grounds. Baka, kabayo, kambing, at kahit mga tupa. But the one thing that really caught her attention was the great white palacious mansion that stood magnificently in the middle of all this greenery.
“What is this place?” sambit na lang ni Xeena habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Akala niya ay sa ibang bansa lang siya makakakita ng mga ganoong eksena.
“Ito ang St. Claire’s Estate,” buong pagmamalaking wika ng katabi niyang driver. “Lahat ng nakikita mo mula rito ay pagmamay-ari ni Sir Vincent.”
“Vincent?”
Huminto ang sasakyan nila sa harap ng mansiyon. Agad niyang napansin ang malaking swimming pool sa kanang bahagi ng mansiyon at ang helipad sa tabi niyon. Malapit sa hagdan papasok ng bahay ay ang itim na kabayong nakita niyang sinasakyan ng lalaki kanina. Kung ganoon…
“Sino ho ang may-ari niyan?” tukoy ni Xeena sa hayop. Isusumbong niya ang damuhong iyon kay Silvanus.
“Si Windstruck? Champion horse iyan ng amo namin.”
“Ni Silvanus?”
“Silvanus? Sino iyon?”
“Ang may-ari nitong buong farm,” sagot niya. Hindi ba kilala ng mga ito ang amo?
“Hindi Silvanus ang pangalan ng amo namin. Vincent Noblejas ang buong pangalan ni Sir Vincent.”
“Vincent Noblejas? The billionaire boy?”
“Yes?”
Napalingon si Xeena sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Hindi siya makapaniwala. Ang walanghiyang lalaking nagpalayas sa kanya imbes na tulungan, hayun at nakatayo na ngayon sa entrada ng mansiyon nito na parang isang hari. And no wonder he looked familiar. Because she had seen him before on the magazine Dunkey had given her. Isa nga ito sa billionaire boys ng bansa.
Vincent was wearing a black turtleneck long-sleeved cotton shirt and a matching black pants. Mukhang nakaligo na dahil mamasa-masa pa ang buhok. Kung ganoon ay nagpapakasasa ito sa paliligo sa shower samantalang siya ay halos mamatay na nang iwan nito kanina na balot ng putik at basang-basa sa ulan.
“Sir Vincent, nakita namin siya malapit doon sa kalsada. Masama ang lagay niya kaya dinala na namin dito.”
Tinitigan siya ni Vincent. Tinitigan din niya ito. Gusto niyang ipaalam kung gaano siya nasusuklam sa lalaki. I almost died out there, you creep! Pero ni hindi man lang kakikitaan si Vincent ng kaunting pagkaawa at pagsisisi sa pag-iwan sa kanya kanina.
“Dalhin n’yo na siya sa loob,” utos nito, saka basta na lang tumalikod.
“Hindi na kailangan,” sabi ni Xeena. Wala nang dahilan para manatili pa roon dahil wala naman doon ang hinahanap niya. “Hihintayin ko na lang ang kotse ko. Babalik na lang ako ng Maynila.”
Muli siyang binalingan ni Vincent. “My men says you’re hurt.”
“Oo. Pero ayokong magkaroon ng utang-na-loob sa `yo.”
“Hindi kita tinutulungan kaya sa mga tauhan ko ikaw magpasalamat.”
Hinarap ni Xeena ang mga tauhan nitong nagtatakang nakamasid na lang sa kanila ngayon. “Salamat,” sabi niya sa mga ito. “Matatagalan pa ba bago dumating ang kotse ko?”
“Pero, Miss, hindi mo kakayaning magbiyahe pabalik ng Maynila.” Itinuro nito ang namamaga niyang paa. “Kailangang maagapan iyan kung hindi, baka lumala lang.”
“Kaya ko pang magmaneho at sa Maynila na lang ako magpapagamot.”
“You can’t walk and you can’t drive,” singit na naman ni Vincent. “Get her inside the house.”
“I said I don’t need—”
“Okay.”
Dumating na ang sasakyan ni Xeena at sa panggigilalas niya ay sumenyas ang buwisit na lalaki. Huminto ang kotse limampung metro ang layo sa kinatatayuan niya.
“You can go now,” sabi ni Vincent. “Good day.”
With her condition, paano siya makakapaglakad pa patungo sa kotse? “You bastard!”
Tinalikuran lang siya ni Vincent. Naghanap siya ng kahoy, ng bato, o ng kahit na anong puwedeng ibato sa ulo ng buwisit na lalaki.
“Miss, ang mabuti pa, sundin mo na lang ang amo namin.”
“At bakit ko siya susundin? Hindi niya ako utusan dito!”
“Pero kailangan mo ng tulong. Kaya ayaw ka niyang paalisin.”
Nagmatigas si Xeena. Kahit kailan ay hinding-hindi siya hihingi ng tulong sa walanghiyang lalaking iyon.
“Puwede bang pakihatid na lang ako sa pinakamalapit na ospital dito?” sabi niya sa tatlong lalaki na nagkatinginan na lang sa isa’t isa. “O kahit sa clinic na lang.”
“Pero… nakatawag na ng doktor si Sir Vicent, Miss.”
She looked back at the man who was now sitting on a couch placed near the front porch. Kampante nitong hawak ang ilang piraso ng papel pero ang mga mata ay nakamasid sa kanya. Parang hinahamon siya ni Vincent na suwayin ang utos nito.
Walang puwedeng magpasunod kay Xeena Marie Salvacion. Binalingan niya ang direksiyon ng sasakyan. Hindi nga niya puwedeng lakarin patungo roon, pero puwede niyang gamitin ang isang paa.
“Miss—naku!”
Mabilis siyang inalalayan ng mga tumulong sa kanya kanina. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na siya umasa sa mga ito.
“I’m fine. Kaya ko na `to.”
“P-pero, Miss—”
“I said I’m— Aaahhh!”
Napahiyaw na lang si Xeena nang maramdaman ang pag-angat ng katawan niya sa lupa. Then she realized, someone had grabbed her and lifted her onto his shoulder. His shoulder?
“Bakit ba napakatigas ng ulo ninyong mga babae?”
It was Vincent. Paano ito nakarating nang ganoon kadali sa kanya? Binayo niya ng suntok ang likod ng kasumpa-sumpang lalaki nang maalalang nagdikit na ang mga katawan nila. Hindi niya iyon matanggap.
“Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!”
“Quiet.” Nakapasok na sila sa engrandeng sala ng mansiyon pero patuloy pa rin si Vincent sa paglakad. “Ayoko ng maingay.”
She screamed at the top of her lungs.