noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 9

Nine

“P

RESEA,

what is this? What’s going on?”

Nagpatuloy lang si Presea sa paglalakad hanggang sa makarating sa elevator. Ilang beses niyang pinindot ang buton niyon pero hindi pa rin iyon bumubukas kaya ipinasya niyang dumaan na lang sa hagdan. Sinundan pa rin siya ni Vash.

“Presea!”

“Pabayaan mo na ako, Vash.”

“Pabayaan? Ano’ng ibig mong sabihin?”

Naririnig niya ang pagbalagbag ng bawat pinto na pasukan nila sa bawat palapag na daanan nila.

“Presea.” Nahawakan na siya ni Vash sa braso kaya nahinto siya sa paglayo. “Ano ba ang nangyayari sa `yo? Sabihin mo sa akin. Makikinig naman ako.”

The look of confusion in his eyes made her heart reach out to him. Pero kailangan niyang pigilan ang nararamdaman para na rin sa kanilang dalawa. “M-maghiwalay na tayo, Vash.”

“What?”

Ibinaling na lang ni Presea sa ibang direksiyon ang tingin para hindi na makita pa ang emosyon sa mga mata ng lalaki. Dahil hindi niya magagawang gawin ang dapat gawin kung pagmamasdan niya ang mga matang iyon. Mga matang kahit nang mga sandaling iyon, nakikita pa rin niya ang pagmamahal sa kanya.

“Why?”

“Bitiwan mo na lang ako, Vash.”

“Not until we clear this up. Tell me, Presea. Why are you breaking up with me? May sinabi ba sa `yo ang mga babae sa party ni Ken? Nilait ka ba nila? What did they tell you?”

“Kung ano man ang mga sinabi nila, wala iyong kinalaman sa… sa paghihiwalay natin.”

“Kung gano’n, bakit hindi ka makatingin sa akin nang deretso?” Mahina itong napamura. “Ito ang dahilan kung bakit wala akong balak na dalhin ka sa party na iyon. Ayokong makipag-associate ka sa mga taong matataas ang tingin sa mga sarili nila.”

“Kung sakaling hindi nga ako nagkaroon ng pagkakataong makausap sila, Vash, sa tingin mo ba, hanggang kailan mo ako maitatago sa katotohanan? Minsan kitang pinangarap na makasama. At ngayong nangyari na iyon, kailangan ko nang gumising sa panaginip kong iyon. Magkaiba tayo ng mundo.” Tinapik niya ang suot na uniporme. “Ito ang mundo ko, Vash. And you belong with them.”

“I don’t care about them, damn it!”

“I do.” Nagawa na rin sa wakas ni Presea na

salubungin ang mga mata nito. “You don’t love me, Vash.”

“What?”

“Huwag mong ipagkamali ang awa sa pagmamahal. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng naitulong mo sa akin. Maayos na ako. Hindi ko na kailangan ng tulong mo.”

“You are not a charity case to me!”

Ang malaanghel nitong mukha, nahahaluan na ng matinding galit. Galit para sa kanya. Ayaw niyang magalit si Vash pero kung iyon lang ang paraan para lumayo ito sa kanya, tatanggapin na rin niya. Pinagtatawanan na ito ng mga tao nang dahil sa kanya. At masyadong mahalaga sa kanya si Vash para hayaan ang ilan na laitin ito sa pagkakamali nito nang piliin siyang maging girlfriend. He was one of the rightful heirs to the Billionaire Boys Club. Nobody owned them. Tutal naman, napagbigyan na siya ng pagkakataon na makasama si Vash kahit sa maiksing panahon lang at naging masaya naman siya. Ngayon ay kailangan na niyang ibalik ang lalaki sa dapat talaga nitong kalagyan.

“I’m sorry, Vash.”

“I’m not going to let you go until you tell me you don’t love me anymore.”

“I don’t love you anymore.”

“I don’t believe you.”

“I have to go.” Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Vash sa kanyang braso kaya nakawala na siya.

“Presea.” Huminto siya pero nanatiling hindi lumilingon. Wala na ang galit at pagmamatigas sa boses nito. “Napag-usapan na natin ito. Akala ko ba wala ka nang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa atin?”

“Akala ko rin.”

“Kaya ko silang patahimikin lahat.” He was silently asking her to stay. “I can do that, you know.”

“I don’t want you to do anything for me anymore.”

“I’m not doing it for you. I’m doing it for myself.” Napabuntong-hininga ito. “I don’t want to lose you. Don’t go… please.”

Hindi na napigilan ni Presea ang sarili. Nilapitan niya si Vash at mahigpit na niyakap, saka hinalikan sa mga labi. Kahit sa huling pagkakataon man lang, maramdaman niya ang mga labi nito, ang mga brasong maingat na humahapit sa kanyang katawan, at ang pagmamahal nitong hindi niya kayang pantayan. That moment when they were parting ways, he held her hand until he couldn’t touch her anymore. When she left him, she knew she had left her heart with him. And she had every intention of having it back. Pero sa pagbabalik niya, sisiguruhin niyang karapat-dapat na siya sa pag-ibig ni Vash.

When she reached the elevator, isang lalaki ang nakasabay niya. Hindi na niya napansin ang hitsura nito dahil nakatingin na lang siya sa stainless steel floor ng elevator.

Tama ang ginagawa mo, Presea. Wala ka pang karapatang angkinin ang isang gaya ni Vash Illustre. You don’t deserve him. Not at this moment.

Iyon ang patuloy niyang pinaiikot sa kanyang isipan. She bit her lower lip and tried to suppress the tears in her eyes. Hindi pa man kasi siya nakakalayo nang tuluyan ay nawawala na ang manhid na nararamdaman niya at pilit na pinanatili para makayanan ang paghihiwalay nila.

Bakit kasi kailangang may mahirap at mayaman pa sa mundo? Bakit hindi na lang pantay-pantay ang lahat ng tao para naman wala nang gaya nila ni Vash na kailangang maghiwalay dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay? Bakit may Billionaire Boys Club pang lumitaw sa mundong iyon? Lalo tuloy naging malawak ang pagitan nila ni Vash.

Napansin ni Presea ang isang puting tela sa harap niya. The guy from the elevator was holding it up to her without looking at her.

“Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak,” sabi nito. “At lalong ayokong may makasabay na babaeng umiiyak sa elevator.”

Kinuha naman niya iyon kahit nawi-weird-an dito. Pag-angat ng kanyang mukha ay doon lang niya napansin na nakabukas pa rin ang pinto ng elevator. Pinipigilan ng isang kamay ng lalaki ang pagsara niyon. Kung ganoon…

Pakiramdam ni Presea ay lumukso na palabas ng dibdib niya ang kanyang puso at patungo iyon sa kinatatayuan ng binatang nagmamay-ari niyon. Vash was standing a few feet away from them. Kung magagawa lang niyang ihakbang ang mga paa.

“Illustre, are you coming in or not?” tanong ng lalaking kasama niya. Nang hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig lang sa kanya ay siya naman ang binalingan ng lalaki. “Step off the elevator.”

“Ha?”

“I’m getting tired of watching you two. I don’t mean to be rude but I’m late for my business meeting.”

“Kung gano’n, b-bakit hindi mo pa hayaang sumara ang elevator?” Hindi na niya ito in-address pa as ‘sir.’ Siguro kung balak niyang balikan si Vash balang-araw, dapat na siyang matutong ipantay ang sarili sa mga kauri nito.

“Because I can see that you don’t want to go and he doesn’t want you to go.” He sighed lazily. “And because Illustre is a billionaire boy like I am. Ayokong makita ang isa sa miyembro namin na umaakto na parang sira-ulo nang dahil lang sa babae.”

“Hindi sira-ulo si Vash!”

“Fine. Ikaw na lang.”

Napamaang na lang si Presea sa lalaki. Napakaelegante ng hitsura nito at refined ang bawat kilos. Walang sino man ang mag-aakalang ganoon kagaspang ang ugali nito. Sayang, balak pa naman sana niya itong igalang.

“Step off the elevator, please.” Nang hindi pa siya kumilos sa sobrang pagkagulat ay ang lalaki na mismo ang marahang gumiya sa kanya palabas. “Thank me later.”

Doon lang tuluyang sumara ang elevator. Ngayon ay kaharap na naman ni Presea si Vash. Pero hindi ito kumikilos palapit sa kanya. Siya man ay nanatili lang sa kinatatayuan. They were just a few feet away from each other in that deserted hallway. Pero pakiramdam niya, parang milya-milya ang layo na nakapagitan sa kanila.

“Pasensiya ka na kay Vincent. Gano’n lang talaga ang ugali n’on,” mayamaya ay wika ni Vash. The gentle warmth in his voice was gone. “You could still use the other elevator.”

Tumango lang si Presea.

Pero tama ang Vincent na iyon!

sigaw ng kanyang isip.

Don’t want to go!

Ang gulo ng mga tao sa mundo. Aayaw-ayaw, iyon pala ay gusto rin.

Bumuntong-hininga lang si Vash. “Hindi na dapat kita sinundan dito.”

“At hindi kita dapat sinasaktan nang ganito.”

Hands in his trouser pockets, he leaned against the wall. “Then why did you?” tanong nito nang hindi man lang lumilingon sa kanya.

“I-iniisip ko lang naman ang… ang kapakanan mo. Ayokong masira ka nang dahil lang sa akin.”

“Sa dami na ng pinagdaan ko sa buhay, wala nang ano man o sino man ang makakasira sa akin.”

Bumaling sa kanya si Vash. Even the warmth in his eyes was gone. Napalitan iyon ng blangkong ekspresyon. What did she do to him? Nasaan na ang guwapong anghel na tuwing dadako sa kanya ang mga mata ay nararamdaman niya ang halaga sa mundo? Nasaktan nga niya si Vash nang husto. Gusto na niyang sabunutan ang sarili, sampalin, sakalin. Hindi, mas dapat na magbigti na lang siya. Paano niya nagawang saktan ang lalaking minahal nang lubos?

“I’m sorry.” Iyon lang ang tanging nasabi ni Presea bago tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “I’m sorry.” Itinakip na rin niya ang mga kamay sa mukha para kahit paano ay maitago ang pagluha. Wala siyang karapatang umiyak sa harap ni Vash. Dahil siya naman ang nanakit.

Ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang pagbalot sa kanya ng mainit at masuyong mga bisig na iyon. And then she heard that soothing voice once again.

“Sshh.” It was Vash’s gentle voice near her ear. “That’s enough.”

Pero lalo lang siyang napahagulhol. Pagkatapos ng mga ginawa niya, heto itong muli sa kanyang tabi.

“Tama ang Vincent na iyon,” sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. “Tanga ako. Ang tanga-tanga ko!”

“Ako rin naman. I almost let you slip off my hands. Kailangan ko nga yatang magpasalamat kay Vincent mamaya.”