noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 4

Four

“S

IGURO mas mainam na magpalit ka na muna ng damit, Presea,” sambit ni Vash habang naglalakad sila sa pasilyo ng ospital. “You could get sick, you know.”

“Alam ko,” wika ni Presea. “Pero huwag kang mag-alala. Madalas na ako ang nagbabantay kay Nanay sa ospital kaya lagi akong may extra na damit dito.” Ibinalot na lang niya nang husto ang sarili sa init na hatid ng coat na ibinigay nito kanina nang nasa sasakyan pa sila. “Teka, hindi ba’t sinabi mo na nasa ospital din na ito ang kaibigan mo na may-ari ng bag na iyan?” Itinuro pa niya ang bitbit nitong pulang clutch bag.

“Oo.”

“Puntahan mo na siya. Baka nga hinahanap na niya iyan.”

“I doubt that,” nakangiti pang wika ni Vash. “Sa tingin ko, abala pa si Hevn sa pakikipag-deal kay Silvanus. Ayoko na muna silang istorbohin.”

“Pero bakit—”

“Sasamahan na lang muna kita hanggang sa ward ng nanay mo. Saan ba iyon?”

Hevn.

It sounded like a name of a very beautiful woman. Silvanus.

Bagay sila ni Hevn,

wika ni Presea sa isip. Kung sino man ang mga iyon. In the meantime, mas masaya siya ngayong pinili ni Vash na sa kanya sumama imbes na hanapin ang may-ari ng bag.

Pagpasok nila sa kuwarto ng ina ay naabutan ni Presea na nagkakaasaran na naman ang dalawang nakababatang kapatid. Ngingiti-ngiti lang ang kanilang ina habang pinapanood ang mga ito.

“Ginugulo na naman ninyo si Nanay.” Pinandilatan niya ang mga kapatid nang masaya siyang salubungin ng mga ito. “Sinabi ko na sa inyong huwag kayong mag-iingay dito at hindi makakapagpahinga si Nanay nang husto. Ang kukulit n’yo talaga.”

“Si Serg ang may kasalanan, Ate. Tinutukso kasi niya ako dahil sa tagiyawat ko.”

“Eh, pangit ka naman talaga, `no.”

“Sergio!” saway ni Presea nang lapitan ang ina. “Nuknukan ka talaga sa tigas ng ulo. Bawasan ko kaya ang allowance mo?”

“Ate, naman. Tatahimik na ako.”

“Dapat lang, `no?” sabi naman ng labindalawang taong si Lucy. “Kapag nagkapigsa ka, lagot ka sa akin.”

“Tama na iyan,” sabi ng kanilang ina. “Nakakahiya sa bisita ng ate ninyo.”

“Ay, may guwapo!” sambit ni Lucy.

Doon lang naalala ni Presea na may kasama nga pala siya. Nalingunan niya si Vash na nangingiti lang malapit sa pinto.

“Ah, siyanga pala, `Nay. Si Sir Vash ho—”

“Vash na lang, Presea. Magkaibigan naman tayo, hindi ba?”

“Vash?” singit ng sampung taong gulang na si Serg. “Kakaiba naman ang pangalan mo.”

“Serg, tumahimik ka diyan.”

Pero parang bale-wala lang iyon kay Vash nang balingan ang kanyang kapatid. “Pinagsamang pangalan kasi iyon ng mga magulang ko. My dad’s Valentin and my mom’s Sharon. Kaya Vash ang pangalan ko.”

“Ang cute mo naman, Kuya!” parang kinikilig na sambit ni Lucy. “May asawa ka na ba?”

Gusto sanang kurutin ni Presea ang kapatid. Pero pinigil niya ang sarili. Gusto rin naman kasi niyang malaman kung ano ang current status nito. And his answer to her sister’s questions was music to her ears.

“Wala pa,” sagot naman nito.

“Girlfriend?”

“Wala pa rin.”

“Ay! Kung gano’n, puwede mo na akong ligawan! Iyon, eh, kung hindi mo pa nililigawan ang ate ko. Pihikan kasi ako pagdating sa mga lalaki. Gusto ko, ako lang ang nakikita nila— Aray!”

Doon na nakatikim ng kurot si Lucy mula sa kanya. “Ikaw din, tumahimik ka na,” sabi niya, saka binalingan si Vash. “Pasensiya ka na. Maiingay talaga ang dalawang ito.”

“Okay lang. Nakakatuwa nga sila.” Sinulyapan nito ang kanyang ina. “Kumusta na ho ang lagay ninyo?”

“Mabuti naman, salamat. Sinabihan ko na nga itong si Presea na hindi ko na kailangang magpa-confine pa dahil simpleng galos at bukol lang naman ang natamo ko doon sa kapabayaan ko.”

“Doktor ang nagrekomenda na dumito muna kayo for observation, `Nay. Kaya alam kong hindi lang simpleng bukol at galos ang nangyari sa inyo.”

“Hmm. Oo na, oo na. Teka, bakit parang basang-basa ka yata? Ano’ng nangyari sa iyo?”

“Naabutan ho kasi siya ng ulan kanina.” Si Vash na ang sumagot. “Kaya inalok ko na siyang ihatid dito.”

“Ay, alam mo, Kuya, parang nakita na kita,” singit ni Lucy. “Hindi ko lang matandaan kung saan…”

“Lahat naman ng lalaking guwapo nakita mo na,” kontra naman ni Serg. “Ganyan lagi ang sinasabi mo, Ate Lucy.”

“Alam mo, Sergio, kung ikaw nga naman kasi ang laging nakikita ng mga mata ko, natural lang na maghanap ako ng guwapo.”

Natawa na lang si Vash. Napailing naman si Presea at ang kanyang ina. Matagal na niyang tinanggap na kahit kailan ay walang sino man ang makakapigil sa palitan ng argumento ng dalawang kutong lupang ito. Natutuwa naman siya sa ipinapakita ni Vash na tila nag-e-enjoy pa sa ingay ng kanyang mga kapatid.

Naputol lang ang eksenang iyon nang pumasok ang doktor ng kanilang ina kasama ang isang nurse na napansin niyang napatanga nang makita si Vash.

“Good evening, Mrs. Nolledo. Maayos na ba ang pakiramdam ninyo ngayon?”

“Mas magiging maayos ang lagay ko kung makakalabas na ako ng ospital,

d

oktor.”

“Huwag na ho kayong mag-alala.” Kinuha nito ang clipboard na iniabot ng nurse na wala pa ring imik habang pasulyap-sulyap sa direksiyon ni Vash. “Maganda na ang response ninyo sa mga gamot na ibinibigay namin…”

Nakita ni Presea na parang hindi pangkaraniwan ang ipinapakitang katahimikan ngayon ni Vash. Wala na rin ang sigla sa mga mata nito habang pinapakinggan ang sinasabi ng doktor. Hanggang sa magtama ang kanilang paningin at doon lang ito ngumiti. And then he slightly bowed his head, telling her he was excusing himself, and then he went out.

“Bukas ay puwede na kayong makalabas, Mrs. Nolledo,” patuloy ng doktor. “Basta huwag lang kayong masyadong magkikikilos muna. Sa ngayon ay sapat na pahinga ang kailangan ninyo para tuluyan na kayong gumaling.” Siya naman ang binalingan nito. “Every two weeks, kailangan niyang madala rito para lang masubaybayan natin nang maayos ang kanyang progress.”

“Yes, Doc.”

Tumango-tango lang ito, saka binalingan ang nurse. “Miss Arnaldo, what’s wrong with you?”

“Eh… wala naman ho, Doc.”

“Nakilala mo rin siya, ano?” Lahat sila ay napalingon sa direksiyon ni Lucy.

“Siya ba iyon?” excited na kumpirma ng nurse sa kung anong bagay na hindi nila maintindihan. “Siya talaga iyon? Si Vash Illustre?”

“Kilala mo si Vash?” tanong ni Presea.

“Everybody knows him!”

“Ate, sinabi ko sa `yo kanina na parang kilala ko si Kuya Vash, hindi ba?” May dinampot na magazine si Lucy at binuksan iyon sa pahina kung saan naroon ang larawan ng binata, in full page. “Kasi isa siya sa billionaire boys!”

“Oh, The Billionaire Boys Club,” sambit na rin ng doktor. “May nabanggit din kanina ang isa pang nurse dito na may nakita rin siyang isa pang miyembro ng BBC na nandito rin sa ospital. Hmm, rich people are getting out of their cages, I suppose.”

Nang makaalis na ang doktor at ang kadaldalan ni Lucy na nurse, saka lang sinipat ni Presea nang husto ang larawan ni Vash sa magazine. It was really him, with his angelic face and charmingly amiable smile. And according to the article about him, he was indeed a billionaire. He owned one of the biggest and largest wine-producing lands in Spain, a real estate giant here and in France, who rivaled a former billionaire boy Yeoji Buenzalido in music and movie productions.

“Nakakagulat, ano, Ate?” untag ni Lucy na nakitingin na rin sa magazine. “Biruin mo, ang guwapong bilyonaryong iyon, inihatid ka pa rito? Wow, ang galing!”

“Ate,” excited na singit ni Serg. “Kidnap-in na lang natin ang Vash na iyon pagbalik niya rito.”

Tig-isang dagok ang inabot nito sa kanila ni Lucy.

“Tama na iyan,” sa wakas ay wika ng kanilang ina, saka nakangiting bumaling sa kanya. “Presea, ang mabuti pa, hanapin mo na ang bisita mong iyon. Mukhang takot siya sa doktor base na rin sa nakita kong reaksiyon niya kanina pagpasok dito ni Dr. Ignacio.”

“Oo nga, Ate,” dugtong ni Lucy. “Kunin mo na uli si Kuya Vash bago pa may ibang makasungkit sa kanya diyan sa labas. Heartthrob pa naman iyon.”

“Saka maraming pera,” singit pa rin ni Serg.

“Kapatid ba talaga kita?” tanong niya. “Magbibihis lang ako sandali.”

NAGLALAKAD si Presea sa pasilyo ng ospital kung saan naroon ang mga pribadong silid nang mamataan niya ang eksenang iyon. Isang babae at lalaki ang kasalukuyang nasa isang marubdob na halikan. Kung nasa ibang pagkakataon lang siguro, baka na-offend na siya. Pero ngayon, habang pinapanood ang dalawa, parang hindi niya maatim na sirain ang magandang pagkakataon na iyon. It looked cute and every inch romantic.

May eksaheradong tumikhim sa kanyang likuran. It was Vash.

“Ikaw, ha? Ano’ng sinisilip mo diyan?” Imbes na magulat ay parang natuwa pa ito sa nakita nang ma-realize ang kanyang tinitingnan. “So, I was right. Talaga ngang abala pa si Hevn kay Silvanus. Or rather, abala pa si Silvanus kay Hevn.”

“Kilala mo sila?”

“Yeah. That’s Silvanus. Siya ang nagbigay sa akin ng pinakamalakas na suntok sa mukha na natanggap ko.”

“Sinuntok ka niya?!”

“It’s okay. Gano’n talaga ang mga nagseselos. And that’s Hevn, by the way,” turo nito sa babaeng kasama ni Silvanus. “Siya ang dahilan kung bakit ako nasuntok ng lalaking iyon.”

“Bakit parang natutuwa ka pa sa nangyari?”

“I just thought Silvanus deserved a great woman like Hevn.”

Hinarap na niya ito. “Dati mo siyang girlfriend?”

“Sino? Si Silvanus?” He chuckled and steered her away from the couple. “If you’re talking about Hevn, no, she’s never been my girlfriend. Pero kung naging girlfriend ko nga siya, hindi ko na siguro siya pinakawalan pa.”

Gusto na niyang kagatin si Vash sa kamay nang marinig ang sinabi nito. “Kung gano’n, bakit hindi mo siya niligawan?”

“It’s obvious enough, isn’t it? She’s already in love with Silvanus.”

`Kuuu!

At talagang may balak nga ang kumag na ito na ligawan ang babaeng iyon kung sakaling wala pang ibang lalaki sa buhay niyon.

“O, nawalan ka na ng imik diyan,” sabi nito. “Kumusta na nga pala ang nanay mo? Makakalabas na daw ba siya ng ospital?”

Pinagalitan ni Presea ang sarili.

Sino ka ba naman kasing babae ka para magalit nang ganyan kay Vash? Bakit? Nililigawan ka ba niya? Hindi naman, ah.

“Oo, puwede na siyang makauwi bukas.”

“That’s good, then. Ano nga pala ang naging sakit ng nanay mo?”

“Wala naman. Nadulas lang siya sa banyo at tumama ang ulo niya sa semento. Talagang ipina-confine ko siya dito para masiguro ang lagay niya. Ulo kasi ang naging tama niya.”

“Oo nga, mabuti na ang sigurado. Siyanga pala, nai-settle na ba ninyo ang bill n’yo rito sa ospital?”

“Bukas pa. Bakit?”

“I just thought you might want some financial help.”

Hindi alam ni Presea kung matatawa ba o matutuwa. “Vash, you just met me.”

“So?”

“Tutulungan mo na ako sa mga bayarin ko kahit hindi mo pa ako lubos na kilala?”

“Kailangan bang matagal na tayong magkakilala para magkaroon ako ng karapatang tulungan ka?”

“Huwag mo akong isipin. Ang sarili mo ang isipin mo. Paano kung abusuhin ko ang kabutihan mo?”

“Okay lang. Hindi mo naman kayang ubusin ang kayamanan ko nang mag-isa.”

“Pinagbabalakan ka nang kidnap-in ng kapatid kong lalaki. And he’s only ten years old—”

He chuckled. “Talaga?”

“Hindi nakakatawa iyon, Vash. Maraming sira-ulo ngayon sa mundo. Hindi ka dapat agad nagtitiwala.”

“Parehong-pareho kayo ng sinasabi ni Bart. But I don’t mind helping those who needs it. Kung aabusuhin nila ako, konsiyensiya na lang nila ang makikipag-deal sa kanila. As for me, hindi ako titigil sa pagtulong nang dahil sa pag-aalalang baka may manloko sa akin. Dahil kung iyon lagi ang isasaisip ko, paano pa ako makakatulong nang maayos niyan? `Di ba?”

Sa kabila ng tila pagiging naive nito sa mga kasamaan ng tao, parang lalo pang tumaas ang respeto niya sa lalaki. The face of an angel and with the personality to match. Totoo ba talaga si Vash? She playfully poked his arm.

“O, bakit?”

“Wala. Tine-testing ko lang kung talagang totoo ka. Kasi parang imposibleng may nabubuhay pang gaya mo sa mundo.”

“I’m for real.” Huminto sila at hinarang siya ni Vash. Pagkatapos ay hinawakan pa nito ang kanyang kamay at idinampi iyon sa napakaamo nitong mukha. “See?”

Nagulat si Presea sa ginawa ni Vash. Napatitig na lang tuloy siya rito. Akala niya ay bibitiwan na ng lalaki ang kanyang kamay nang mapansin ang sitwasyon nila. But he held on to her hand as he looked back at her. At hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya pero natagpuan na lang niya ang sariling marahang hinahaplos ang guwapo at napakaamong mukhang iyon.

“Yeah,” sambit niya. “You are real.”

Ang boses niyang iyon ang tila nakapagpapukaw sa pareho nilang inaantok na utak. Tumikhim siya, saka binawi ang kamay. Hinayaan naman siya ni Vash.

“Sorry,” sabi nito. “That was uncalled for.”

“Ahm, okay lang.” Nginitian na ni Presea ang lalaki para lang mawala ang tensiyong namamagitan sa kanila ngayon. “Out of bounds din ang ginawi ko. Pasensiya na.”

“Don’t. You’re always welcome anytime you want to touch my face.”

“I’m not gonna touch your face,” mulagat niyang sabi.

“Too bad.” He started walking towards the exit hall. “I like the feel of your hand on my cheek. See you later, Presea.”

“A-alis ka na?”

“Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko.” Nakangiti pa siya nitong nilingon. “Para kapag naisipan mong abusuhin ako, hindi agad ako maba-bankrupt.”

Natawa na lang si Presea. Pero hindi pa rin naglalaho ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. “Sira ka talaga,” sabi niya. “Ingat.”

“I will. Thanks.”

“Yeah,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Vash na maglaho sa kanyang paningin. “I’ll see you later, Vash Illustre.”

And she just couldn’t wait to touch that angelic face of his once again. Ipinatong niya sa dibdib ang isang kamay. Ang lakas pa rin ng tibok ng kanyang puso. Lalo na tuwing maaalala ang pakiramdam na hawak nito ang kanyang kamay kanina. She had never felt so much secure in her entire life at that moment.

Hmm, ano kaya ang pakiramdam ng yakap ni Vash?