Chapter 10
Ten
“L
ET’S
start over,” wika ni Vash habang hinahaplos ang buhok ni Presea. “But let’s clear things up first.”
“Oo.” Ilang beses pang suminghot-singhot si Presea bago inayos ang sarili. Pero hindi na siya lumayo pa. Ayaw na niyang mawala pa sa kanyang paningin ang lalaki. “Hindi mo ako dapat niyakap. Nabasa tuloy ang polo mo.”
“Hindi ko rin naman iyon magagawa kahit pigilan ko pa ang sarili ko.” He brushed the tears on her cheek with his thumb. “Nawala na ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko nang makita kitang umiyak. Ayokong makikita kang umiiyak, Presea.”
Nagbabanta na namang pumatak ang bagong batch ng luha sa kanyang mga mata. “Magalit ka naman sa akin, Vash. Pangako, hindi ako magrereklamo. Alam ko naman kasi na may kasalanan ako. Maiintindihan kita.”
“Again, kahit gustuhin ko mang gawin iyon, hindi ko pa rin kaya. I love you so much I don’t know how to hate you.”
Isang patak ng luha ang nakaalpas sa kanyang mga mata. “Bakit? B-bakit ako…? I don’t think I deserve you.”
“So, iiwan mo uli ako, gano’n?”
Mabilis na umiling si Presea. “Ayoko na. Kanina habang nagpapaalam ako sa `yo, pakiramdam ko hindi ako makahinga. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kaya lang, sa tingin ko kasi, hindi talaga tayo bagay.”
“Kung patuloy mong iisipin ang estado natin sa buhay, hindi lang ako ang sasaktan mo kundi pati na rin ang sarili mo. Presea, nang unang beses kitang makita dito sa hotel, kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na hindi kita puwedeng mahalin.”
“Sinasabi mo lang `yan dahil ikaw ang nasa itaas. Pero sa mga katulad ko—”
“Para sa mga katulad mo, mas mabuting hinahayaan ang puso ang pumantay sa estado ng taong mamahalin ninyo. At bakit ba iniintindi mo ang kayamanan ko? Hindi ba mo ba naisip na kapag nagpakasal na tayo, mapapasaiyo rin naman ang lahat ng iyon? Yayaman ka rin naman.”
“I don’t want your money.”
“Then don’t think about it.” Vash heaved a deep sigh and wrapped his arms around her, keeping her close. “Tinanong mo ako kung bakit ikaw ang napili kong mahalin. Well, I don’t know. Maybe because you’re the only one who had looked at me and had seen right through me. Behind this face.”
“Handsome angelic face.”
Sa unang pagkakataon, nasilayang muli ni Presea ang ngiting iyon na laging nakakapagpakilig sa kanyang puso.
“Thank you,” sabi nito. “Yes, you saw not just this handsome angelic face. You also saw my heart. Karamihan sa mga babaeng nakakasalamuha ko, o sa mga taong nakakasalamuha ko, in-assume na agad nila na isa akong mabuting tao kahit hindi pa naman nila nakikita ang mga ginagawa ko. They didn’t give me a chance to be me. Pero ikaw, hinayaan mo akong tulungan ka, and at the same time, nakita ko rin ang appreciation mo sa mga ginawa ko nang hindi na nag-e-expect pa ng kung ano pa mang ibang bagay.”
“At nasanay ka na tinutulungan ako.”
“I want to help you. Dahil iyon lang ang nakikita kong pagkakataon para makalapit ako sa `yo. Hindi ka na kasi nawala pa sa isipan ko mula nang titigan kita at hindi ka man lang nag-iwas ng tingin. Sinalubong mo pa ang mga mata ko kaya nasiguro kong hindi ka basta ordinaryong babae lang. Nang makilala ko ang pamilya mo, doon ko napatunayang tama ako. So, don’t you ever think for a second na minahal kita dahil naaawa lang ako sa `yo.”
Nagulat siya sa narinig. “Paano mo—”
“My friends would always tell me not to get too nice with women. Even my driver reminds me I should stop helping women too much. Kaya lang, hindi ko naman puwedeng piliin ang mga taong tutulungan ko. Ang problema lang, tama sila. Madalas akong malagay sa alanganin dahil sa kabaitan kong ito. Ewan ko ba. Masyado kasi talagang malambot ang puso ko sa mga babaeng problemado.”
Kaya pala siya nilapitan noon ni Vash dahil nakita siguro nito na hina-harass na siya ng isa sa mga hotel guest nang madaanan sila. He touched her face.
“Of course it started that way with you,” sabi nito na tila nahulaan ang kanyang iniisip. “Pero iba ka. Dahil sa `yo, gusto kong tulungan ka kahit wala ka namang problema. O kahit hindi mo naman talaga kailangan. I was just drawn to you and I couldn’t resist coming to you. That makes you different from the rest of those women.”
He made her different from the rest of those women. Sayang, ngayon lang niya nalaman.
“Sabi nila, I should never fall with your kindness. Pero wala rin naman akong nagawa. Minahal ko ang kabaitan mo. Pati na rin ang lalaking nagtataglay niyon. Nang maramdaman ko ang kamay mo sa unang pagkakataon, naramdaman ko na iyon. Hindi ko nga lang maipaliwanag n’ong una.”
“Yes, about that little handshake. I was haunted by it when I went to Spain.” He brushed the strands of hair off her forehead. “And this beautiful face. Kaya bumalik ako agad dito. And then I saw you on that rainy night. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpasalamat na ikaw ang tanging naging pasahero namin ng driver ko nang gabing iyon. Doon ko naisipang mag-stay na lang sa hotel na ito kahit may bahay namang naghihintay sa akin.”
“A-ako ang dahilan?”
“Kung bakit ako nagpapakalat-kalat dito? Wala nang iba pa. I was hoping na makita kita kahit hindi na makausap pa. Okay na sa akin iyon. Kaya nang hilingin mo sa aking magpanggap na boyfriend mo para itaboy ang makulit mong manliligaw, I was more than glad that you asked me. Nagkaroon na naman kasi ako ng pagkakataong makasama ka.”
And all the while, inakala ni Presea na siya lang ang nakakaramdam ng kakaibang damdaming iyon. Ikinulong niya sa mga kamay ang guwapong mukhang iyon at pinagmasdan si Vash nang mabuti.
“Kung alam ko lang, Vash…”
“Alam mo, Presea. You were just afraid to accept me.”
“Akala ko kasi, kinaaawaan mo lang ako.”
Marahan itong umiling. “Walang sino man sa mga babaeng tinulungan ko ang inalok kong maging girlfriend ko. Walang sino man sa kanila ang nakaalam ng pribado kong buhay.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. She couldn’t take her eyes off his lips which were slowly descending towards hers. “At walang sino man sa kanila ang hinalikan ko nang ganito.”
His kiss tasted like the sweetest fruit that she had ever known. Maybe even sweeter than it. Nang unang beses niyang matikman ang mga labi ni Vash, halos makalimutan niya ang pangalan. This time, mukhang tuluyan na nga niyang nakalimutan ang sariling pangalan at ang lugar na kinaroroonan nila. Ang tanging malinaw na nakarehistro lang sa kanyang isipan ay ang bawat pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi, ang bawat paghaplos ng mga kamay nito sa kanyang likuran, ang bawat tibok ng puso nito. Their kiss became intense. Sinagot niya ang bawat halik ni Vash. Wala na siyang pakialam kung maubusan man ng hininga. Having her in his arms wasn’t a bad way to die. Pero wala pa siyang balak mamatay. Ngayon pang hindi naman pala panaginip ang lahat ng nangyari sa kanila. Na may happy ending din ang kanilang love story.
Vash broke their kiss. “Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?” tanong nito na habol pa ang paghinga. His eyes were shining with the love he felt for her. His love. For her. Of course!
“Mukhang kailangan ko pa ng kaunting persuation, Vash,” tukso niya.
“No problem.”
His smile faded from her vision as she closed her eyes and tasted his lips once more.
“I love you, Vash Illustre,” she said in a breathless whisper. “Handa na akong upakan ang lahat ng babaeng lalapit sa `yo.”
Natawa lang ito. “Hindi bagay sa `yo. But I like the thought.”
“Hindi ako nagbibiro.”
“Glad to hear that.”
“Vash?”
“Yes?”
“Thank you for choosing me.”
“I didn’t choose you. I loved you.”
Ikinawit ni Presea ang mga braso sa leeg ni Vash habang nararamdaman naman niyang humigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang baywang. Parang wala na itong balak na pakawalan pa siya, which was quite fine. More than fine, actually.
Naitanong niya noon sa sarili kung ano ang pakiramdam na yakap ni Vash. Sino ang mag-aakalang hindi lang yakap nito ang mararamdaman niya? Dahil kakabit niyon ang pag-ibig ni Vash na hindi niya kayang pantayan. Kunsabagay, hindi naman talaga makakaya ng sino man na sukatin ang pag-ibig. Para sa mga taong nagmamahal kasi, hindi na importante kung gaano karami ang kayamanan sa mundo. The love of the person they loved was more than the riches of this world.
“I love you,” sabi niya.
“I love you more.”
“Hindi kita paiiyakin kahit kailan, Vash.”
“As far as I know, ikaw ang iyakin dito. But do go on with your promises. I want to hear them all.”
“Paniniwalaan mo ba lahat?”
“You’ve brightened up my lonely life. Of course, paniniwalaan ko ang lahat ng sasabihin mo.”
Hindi lahat ng sasabihin niya ay tama o matutupad. Pero gagawin niya ang lahat para masigurong hinding-hindi ito masasaktan sa kanyang piling.
“Ako na ang pinakamayamang tao sa mundo ngayon. Kahit wala kang kayamanan, Vash, alam kong ako pa rin ang magiging pinakamayaman sa lahat. Hah! Mamatay sila sa inggit!”
“In that case, will you be a part of my life forever?”
“Ha?”
“Will you marry me?”
Nanlalaki ang mga mata ni Presea habang nakatitig sa lalaki. Tama ba ang narinig niya?
“Well?” untag nito.
“H-hindi ka ba nagbibiro? Baka naman nabibigla ka lang—”
“Ayaw mo—”
“Yes!” tili niya. “I will marry you!” Isang beses pa siyang tumili.
Ginaya ni Vash ang pagtili niya, saka tumawa at muli siyang hinalikan sa mga labi. Bumukas ang elevator sa tabi nila. Napilitan tuloy silang putulin ang halikan nila. Pero nanatiling nakayakap sa kanya si Vash at ganoon din siya rito habang hinihintay na makaalis ang seryosong si Rex.
“Get a room,” sabi nito paglabas ng elevator.
“We will,” sagot ni Vash. “By the way, Rath, invited ka sa wedding namin ni Presea.”
“Sure,” simpleng sagot nito. “And by the way, did you notice my brother around here?”
“Sa Lost and Found mo hanapin ang isang iyon.”
“Galing na ako doon. Mukhang wala pang nakakadampot sa kanya. Kapag nakita mo siya, pakisabi na may lumapit na sa akin at sinabing siya ang ama ng dinadala nila.”
“Rath?” tanong niya sa boyfriend nang makalayo ang lalaki. “Hindi ba’t Rex ang pangalan niya?”
“No, that’s Rex’s grumpy twin brother Rath.”
“Oh.”
“Don’t mind them. Hobby na talaga nila ang mag-asaran. Now, where were we…”
“Vash!”
Ngayon lang nakita ni Presea na kumunot nang ganoon ang noo ng boyfriend. Lalo na nang lingunin nito ang tumawag dito.
“Kenshin,” he acknowledged. “Alam mo bang iniistorbo mo kami ng fianc
é
e ko?”
“The hell I care! What are you doing here? Sabi mo kanina, sandali ka lang. Ilang minuto na kaming naghihintay doon ni Silvanus sa salon. Umalis na nga lang ang isang iyon nang wala man lang tayong napag-uusapan. May date pa raw sila ng fianc
é
e niya. Malilintikan ako nito kay Lantis. Damn it! I hate being a businessman!”
“Akala ko ba okay ka na sa bago mong propesyon ngayon?”
“Well… Oh, hey, nakita n’yo ba si Rex? Gago talaga iyon. Pinagtripan na naman niya si Rath.”
“Iniwan na naman niya sa mga babaeng iyon ang kakambal niya, without telling those women that he had a twin.” Tumango-tango pa si Vash sa konklusyon. “Poor Rath.”
“Anong ‘poor Rath’? ‘Poor babes’ `kamo. And speaking of babes, I have to go back. Baka sinesermunan na ni Rath ang mga pobreng babaeng bisita ko.” Nginitian siya ni Kenshin. “Congrats sa inyo, Presea. Kung may kaunti kang kasamaang nalalaman, pakiimpluwensiyahan na lang itong si Vash. And, oh, when you see Rex, tell him there are ten women here claiming he was the father of their child. Sige.”
Sabay na lang silang natawa ni Vash nang makaalis ito.
“Ganyan ba talaga kayong mga billionaire boys? Parang mga kulang-kulang?”
“Minsan.”
“Kunsabagay, kahit mawala ka pa sa sarili mo, ikaw pa rin ang mamahalin ko.”
“Same here.” Then he kissed her on the lips.
Yeah,
sabi ni Presea sa isip.
Same here.
Wakas