noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 7

Seven

H

ALOS

malula si Presea pagpasok sa malapalasyong bahay ni Vash. Sa living room pa lang, parang kalahati na ng barangay nila ang laki niyon. Ang mga paintings, mukhang antigo lahat. Pati na rin ang mga gamit. The grand chandelier was like a set of precious crystals hanging from the ceiling. Parang natatakot na tuloy siyang gumalaw mula sa kinatatayuan. Pakiramdam kasi niya, oras na magkamali siya ng galaw ay masisira ang lahat ng iyon.

“O, ano’ng ginagawa mo diyan?” tanong ni Vash. “Halika na. Doon tayo sa recreation room.”

“Baka mabasag ang sahig ninyo…”

“Purong marmol ang sahig namin. Kahit gamitan mo `yan ng maso, I don’t think you would be able to smash it easily. At kung inaalala mo naman ang mga gamit dito, don’t worry. You have my permission to smash it.”

“Ha?”

“My mom owns all these. Hindi ko na inalis ang mga `yan dahil hindi ko naman alam kung ano ang ipapalit sa kanila. Isa pa, I’m hardly even home so it’s okay if they stay in or not. I won’t notice the difference anyway. So…” He stood behind her and placed his hands on her hips and genlty pushed her forward. “Let’s go. Marami pa tayong gagawin.”

Hindi alam ni Presea kung ang boses ni Vash na malapit sa kanyang tainga o ang mga kamay na kampanteng nakahawak sa baywang niya ang nakapagpagising sa kanyang diwa. She walked aimlessly, feeling every nerve ending in her body focusing on the warmth on her waist and the hot breath near her neck.

“You know,” sa wakas ay nagawa na rin niyang magsalita. “I can walk.”

“Hmm.”

She was not used to having people, especially male ones, to be that near to her. Pero bakit kaya sa lalaking ito, parang gustong-gusto pa niyang laging nakadikit? Biased nga siguro talaga ang mga tao kapag mga gusto na nila ang usapan.

Huminto sila sa tapat ng saradong pinto. Vash pushed it open and revealed open boxes and plastic bags of different toys. Sa kabilang panig naman ng napakaluwag na silid na iyon ay naroon ang ilan pang karton ng mga pagkain. Ilan pang mga karton ang nakita niyang kinalalagyan ng mga damit ng bata.

“I want you to help me with these,” wika nito, saka dinampot ang isang maliit na bola. “Itong mga damit at laruan lang naman ang iaayos natin nang kaunti.”

“Saan mo gagamitin ang mga ito?” Pumasok na rin si Presea sa silid. “Napakarami nito, Vash.”

Tumawa ito. “Sa tingin mo ba, magkakasya pa sa akin ang mga damit na ito? Nah. I adopted an orphanage and these things are for them. Sa tingin ko nga, mukhang kulang pa ito.” Inilibot nito ang tingin sa mga nakakalat doon. “Ano sa palagay mo? Dadagdagan pa natin? Yeah, I think we still need more of these and these…”

Nanatili lang siya sa kinatatayuan. Pero ngayon, ang kanyang buong atensiyon ay nasa nag-iisang lalaking nakatayo sa gitna ng kaguluhang iyon. Her admiration for him rose several notches. No wonder he had a reputation as the charming philanthropist. Dahil ang puso nito ay kasinlaki ng tahanan nito. Or, something like that. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napakaraming babaeng nahuhumaling kay Vash. Because that was just what he was. Someone you would love to love.

Someone she would love to love.

“Señorito, kailangan n’yo ho ba ng tulong?”

Apat na unipormadong katulong ang nakatayo ngayon sa labas ng pinto ng silid na iyon.

“Ah, hindi na. Okay na `yong ginawa ninyong pagbili ng mga ito kahapon. Sige, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo. O kaya naman, magpahinga na kayo.”

Tahimik lang na nag-alisan ang mga katulong.

Tiningnan ni Presea si Vash na nagkibit lang ng mga balikat. “Kaya pala sinabi mong nami-miss mo ang kaingayan ng mga kapatid ko,” sabi niya. “Hindi ka ba nila makausap nang maayos? O minamaltrato mo sila kaya gano’n ang pakikitungo nila sa `yo?”

“I never hurt anyone. Pero siguro nasanay na lang sila noon sa mga magulang ko. Istrikto kasi ang mga iyon. I’ve been trying to tell them not to treat me like some breakable crystal. I’m a guy, for Pete’s sake. But I guess bad habit really was hard to break.” Dinampot nito ang ilang paper bag at ibinigay sa kanya. “Magsimula na tayo. Marami-rami rin kasi ang mga ito.”

Ilang sandali pa ay pareho na silang abala sa pagso-sort out ng mga damit at laruan sa bawat paper bag. They were sitting back-to-back so she could feel his hard back against hers and it felt so good just knowing he was there with her, in the middle of this mess.

“Vash?”

“Yes?”

“This is nice.”

“Really? Hindi ka nabo-bore o napapagod man lang?”

“No. Pero ang ibig kong sabihin, ang pag-a-adopt mo ng isang orphanage.”

“Five, actually. My parents already had one when they were still alive. Sumasama-sama na ako noon sa kanila. Kaya siguro nagkaroon na rin ako ng espesyal na pagtingin sa mga batang nasa ampunan.” Saglit itong natahimik. “Or maybe because I’m an orphan myself.”

“At least nakilala mo ang parents mo.”

“No, I didn’t.”

Kinalimutan ni Presea ang itinutupi na damit at nilingon ito. “What?”

“Ulila na akong lubos at kinukupkop ng isang orphanage nang ampunin ako ng mga kinikilala kong magulang. I was eight when they took me in.”

“Vash…”

“It’s okay. Matagal ko nang tinanggap ang katotohanang iyon.” He held up a toy chopper and playfully spinned its plastic blades. “Hindi ako naniwala sa mga sinabi sa akin ng mga nasa bahay-ampunan na patay na ang mga magulang ko. Kaya nang makatapos ako ng pag-aaral sa London, bumalik ako dito at hinanap ko ang biological parents ko. I wanted to know why they left me alone. Pero hindi ko na sila naabutan pang buhay. Namatay sila nang iligtas nila ako sa nasusunog naming bahay. Ibinuwis nila ang buhay nila para mailigtas ako, and I was busy hating them. Matagal bago ko napatawad ang sarili ko. Kaya nang mahimasmasan ako, nangako akong gagawin ko ang lahat para alagaan at maipakita nang husto sa mga umampon sa akin ang pagmamahal at pasasalamat ko sa kanila. At para na rin pag-alaala sa pagbubuwis ng mga totoo kong magulang para lang mabuhay ako.

“I helped my adopted father run our business, hanggang sa lumago iyon nang lumago. Nang kaya ko nang hawakan iyon nang mag-isa, I let them roam the world as long they wanted. Noong nabubuhay pa sila, madalas ko silang makitang tumutulong sa kahit na sinong taong lumalapit sa kanila. They may be strict sometimes but they did have a soft spot for the needy.”

“Kaya pala naging hobby mo na ang tumulong sa kahit na sino.”

“I was just trying to give back what my adopted parents had given me. Isa pa, kaya ko namang tumulong kaya bakit ko iyon ipagkakait?”

“Masuwerte ang mga taong nakakakilala sa `yo. Dapat nga hindi lang sa Billionaire Boys Club nasulat ang pangalan mo.”

Tumawa lang ito. “

Philippine Stats

was exaggerating. I’m not that rich.”

“Siguro. Pero para sa akin, ikaw na ang pinakamayamang tao sa mundo. And you don’t need the money to prove that.”

“Talaga?”

“You have a pure heart. Sa tingin ko, mas precious pa iyon kaysa sa ginto, at wala iyong kapantay.”

“Nakakatuwa ka namang magsalita. Baka maniwala na ako niyan.”

“Totoo iyon.” Kinutkot ni Presea ang nakaburda sa damit na hawak. “I never really believed that you were that nice, Vash. Pero ngayon, naniniwala na ako. At masaya ako na nakilala kita.”

“Ako rin.”

She turned to him, enough to catch him staring at her with that mysterious glow in his eyes. Oh, such a handsome angelic face. Hindi niya inalis ang mga mata sa lalaki. Gusto niyang makabisado sa isip ang mukhang iyon. Para sa gabi, gaya ng mga nagdaang gabi mula nang araw na makilala si Vash, ay makasama niya ito sa kanyang mga panaginip.

And sometimes, one had to act to make that dream come true. And so she did. Hinalikan niya ito sa gilid ng mga labi. Ngayon, puwede na siyang kunin ni Lord.

“Para saan iyon?” nakangiting tanong ni Vash.

“Wala lang.”

“Gano’n ba?” Humarap ito sa kanya, saka masuyong dumampi sa pisngi niya ang halik nito.

Nagulat si Presea kaya hindi agad nakapag-react. “P-para saan iyon?”

“Wala lang din.”

Pagkatapos ay hinaplos ni Vash ang kanyang pisngi, saka siya hinalikan sa mga labi. Isa iyong napakalambing na halik. Hindi niya alam kung may deskripsiyon bang ganoon sa mga bagay na tulad niyon dahil iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya ng isang lalaki sa mga labi. Basta siya, iyon ang pakiramdam. Para siyang ipinaghehele, and at the same time, pinapakaba at pinapa-excite nang husto.

As Presea continued to taste the touch of his warm but firm lips against hers, her mind continued going haywire. Pero bago pa man niya tuluyang maipaliwanag ang nararamdaman ay tinapos na ni Vash ang halik. Hindi naman ito agad lumayo, sa halip ay nanatiling masuyong humahaplos ang kamay nito sa kanyang pisngi habang magkadikit ang kanilang mga noo. Their breaths were mingling, creating such warm feelings around them.

“So…” Siya na ang naunang bumasag sa katahimikan. “Para saan naman ang halik na iyon?”

“Gusto lang kitang halikan uli.”

“Abuso ka, ha?”

He chuckled. “Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Kaya lang, baka umabuso rin ako.”

“Basta sa akin ka lang aabuso, walang problema.”

They just kissed. Must they react like this? Normal ba na mag-usap ang dalawang kakatapos lang maghalikan gaya ng itinatakbo ng usapan nila ngayon? Pero maganda ang pakiramdam ni Presea at parang ganoon din si Vash. Kung mag-uusap sila ng seryosong bagay, with regards to what just happened, baka masira lang ang magandang mood na iyon. Siguradong magkakailangan na sila. Kaya kahit siguro kumain sila ng apoy ngayon o humiga sa pako, basta hindi mawawala ang magandang pakiramdam na iyon, okay lang.

“Presea.”

“Hmm?”

“I’d like to be your boyfriend. For real. Would you take me?”

Shock

was the right word to describe her reaction when she heard those words from him. Pero malinaw ang nagkakaisang sagot ng kanyang puso at isipan.

Yes!

“Yes.”

Ni hindi na tinanong ni Presea kung bakit siya nito nagustuhan. When their lips met once again, she knew why. She was in love with him and she wouldn’t ask anything when it came to loving this wonderful man.

Vash was smiling and kissing her at the same time. Hindi niya alam kung posible iyon pero heto at nagagawa nga ni Vash. Gaya ng akala niya noon na imposibleng magkagusto ito sa kanya pero heto at nasa mga bisig siya ngayon ng lalaki at ninanamnam ang tamis ng bawat halik nito.

Dreams really did come true.

“HI.”

Napaangat ng tingin si Presea mula sa utility cart kung saan kinukuha niya ang mga supply na kailangan sa kuwartong kasalukuyang nililinis. Parang bulang naglaho ang pagod na nararamdaman niya nang makita ang guwapong mukhang iyon.

“Hi,” ganting bati niya kay Vash. Pasimple pa niyang inayos ang buhok. “Pasensiya na. Puro pawis pa ako ngayon.”

Pakiramdam niya ay siya na ang pinakapangit na tao sa mundo. He looked so handsome in his crisp white shirt and black denim while she was in her old uniform, sweating.

“You still look beautiful to me.” Lumapit si Vash at idinampi rin ang malambot na palad sa kanyang pisngi. “Mukhang pagod na pagod ka na. Ang mabuti pa, magpahinga ka na muna.”

“Hindi puwede, eh. Kailangan ko pang tapusin ang mga assigned rooms sa akin.”

Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang magkaintindihan ang kanilang mga damdamin. At sa loob ng panahong iyon, naramdaman ni Presea kung paano magmahal at mag-alaga si Vash. Iyon na yata ang pinakamasasayang araw sa kanyang buhay. Nag-offer pa si Vash ng ibang mas maayos na trabaho pero tinanggihan niya. Katwiran ni Presea, ayaw niyang isipin nitong kaya lang siya pumayag na maging girlfriend nito ay para makaahon sila sa kahirapan. Hindi naman nagpumilit pa ang lalaki.

But it didn’t mean he wouldn’t try again. And it made her feel so much good about herself.

“You could, at least, take a break.”

“Oo. Pero mamaya pa. May isa pa akong kuwartong kailangang malinis ngayon.” Inayos na niya ang mga gamit sa cart, saka isinara ang katatapos lang linising silid. “Isang room na lang.”

“Let me.”

“Huwag na. Marurumihan ka lang.”

“Sanay akong marumihan.” Si Vash na ang nagtulak ng utility cart patungo sa susunod na silid.

“Salamat. Ano nga pala ang ginagawa mo dito ngayon? Nag-check in ka ba?”

“Nope. Sinadya talaga kita dito para yayaing mag-dinner pagkatapos ng shift mo. At siyempre, para na rin makita ka dahil nami-miss na kita.”

Presea’s heart melted. “Bolero ka talaga kahit kailan.”

“Bakit ikaw, hindi mo ba ako nami-miss?”

Nginitian lang niya si Vash. Totoo ngang sa kanya na ang puso ng lalaking ito. “Hindi ka ba nahihiya na baka may makakita sa `yo na nakikipag-usap sa isang gaya ko?”

“Ano naman ang dapat kong ikahiya? Marangal at maayos kang kumikita sa sarili mong paraan. And I’m proud to let the world know that I have you as my girlfriend.”

“Pero hindi ba, isa ka sa billionaire boys—”

“It was just a title. Huwag mong intindihin iyon.” He wrapped his arms around her and kissed her forehead. “Walang pakialam ang ibang tao sa akin dahil hindi naman nila nararamdaman ang nararamdaman ko tuwing nakikita at nakakasama kita.”

Oh, how she loved this man! “Tama na nga `yan. Baka lumaki na nang husto ang ulo ko sa mga pambobola mo.”

“Hindi nga kita binobola.”

“Oo na. Pero puwede bang bitiwan mo na ako para makapagtrabaho na ako? Kapag nakita ako ng supervisor ko, siguradong ire-report ako n’on sa management.”

“They can’t fire you.”

“They can. Masamang mahuli kaming mga empleyado sa ganitong sitwasyon with a guest.”

“I’m not a guest in your hotel.”

Talagang walang balak si Vash na pakawalan agad siya nang mga sandaling iyon. How nice.

“Okay. Pero kailangan ko na talagang magtrabaho, Vash. Magkita na lang tayo pagkatapos ng shift ko.”

“Or better yet, tutulungan na lang kita para mas mapabilis ang trabaho mo.”

“Ano? Hindi puwede—”

“Denniz and I are friends. And he would always tell me how he felt when he fell in love with his wife Sofia.” Itinulak na ni Vash ang cart. “Maiintindihan niya ako. So, where’s your next room?”

May-katigasan din pala ang ulo nito kaya sa huli ay wala nang nagawa si Presea kundi hayaan ito. Tutal naman, marami pa siyang oras na libre dahil tatlong rooms ang hindi na muna nagpalinis at tatawag na lang daw sa housekeeping department kapag nagbago na ang mga isip. Pero nang mag-umpisa silang magtrabaho sa suite na iyon, ang inakala niyang pabigat na si Vash ay mas naging kapaki-pakinabang pa pala.

“Here, catch.”

Sa isang iglap, ang mga bedsheet, bed cover, at blankets na madali nitong natanggal at naitupi ay bumalot lahat sa kanya. Narinig pa niya si Vash na tumawa habang nakikipagbuno siya sa mga nakatakip sa kanya. Pero ilang sandali lang ay ito na rin mismo ang tumulong na maalis ang mga nakabalumbon sa katawan niya.

Nakatikim tuloy si Vash ng tampal sa malapad nitong dibdib nang tuluyan na siyang makawala sa mga iyon. As usual, tumawa lang uli si Vash, saka siya mahigpit na niyakap.

“You look lovely,” sambit pa nito.

“Sa lahat naman ng maganda, ako ang pinakakawawa.”

“Hindi mo kailangang maawa sa sarili mo. Dahil nandito ako para lagi kang ipagtanggol.”

At sino ba siya para tanggihan iyon? “Kailangan na talaga nating matapos ang gawain dito bago dumating ang guest dito.”

“Bakit? Naglilinis lang naman tayo, ah.”

“Mas mabuti kasing maabutan ng guest na malinis itong kuwarto niya imbes na tayong dalawa ang madatnan niya na dito pa naglalambingan.”

“Kaiinggitan niya tayo, gano’n?”

With billionaire boy Vash Illustre as her boyfriend? Of course, kaiinggitan siya ng lahat ng babae. It was not every day that a man like him would take notice of a woman like her. Pinagmasdan niya ang binata habang dinadampot nito ang mga nagkalat na tissue at kung ilan pang papel sa side table.

“Vash?”

“Yes?”

“Why me?”

Nilingon siya nito. “What?”

“Why did you choose me?”

“Bakit biglang-bigla mo naman yatang naitanong iyan? Hindi tuloy ako nakapaghanda ng magandang sagot.”

“Vash.”

He grinned and stood right in front of her, where she could openly see the emotion in his eyes. “Why the sudden question? May problema ba?”

Pero bago siya makasagot ay bumukas na ang pinto at pumasok doon ang guest siguro na umookupa sa silid na iyon. Nakakunot ang noo nito na parang handang magwala ano mang oras dahil sa naabutang eksena. Pero agad ding naglaho ang iritasyon sa mukha ng babae nang mapadako ang tingin nito kay Vash.

“Vash?” parang hindi nito makapaniwalang tanong. “Vash Illustre of the Billionaire Boys Club? Is that really you?”

“I guess.”

“Oh, my gosh!” Bahagya pa siyang isinalya ng babae nang lumapit kay Vash. “I can’t believe this! Ang isa sa mga billionaire boys, nasa kuwarto ko!”

“Well, may tinapos—”

“I love you!”

“Oh, really?” Tumikhim pa ito. “Well, ah, thank you. By the way, alam mo na bang may girlfriend na ako?”

Pinandilatan ni Presea si Vash nang bumaling ito sa kanya. Hindi iyon ang tamang oras at lugar para ipaalam ang relasyon nila.

“In fact,” patuloy nito, “kasama ko siya ngayon.”

Lalong nagulantang ang babae. “Y-y-you mean…” Itinuro nito ang sarili. “A-a-ako? Ako ang… girlfriend m—”

“And she’s right over here.” Bigla siyang hinila ni Vash sa braso at iniharap sa babaeng tila hindi na mahihimasmasan pa. “Lady, this is my girlfriend. Presea Nolledo.”

“What?” Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa mapang-uring mga mata nito ang kanyang uniform. “Pero

muchacha

lang siya dito. Paano ka magkakagusto sa isang katulad niya?”

“Hindi siya

muchacha

lang.” Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Vash. Naging possessive na rin ang pagkakahawak sa kanya. “She has a decent job.”

“P-pero—”

“And please don’t insult my girlfriend in front of me again.” Hindi iyon isang pakiusap kundi isang babala. “Thank you. Good day.”