noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 2

Ch. 2 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 2

Two

P

ARANG lumulutang pa rin ang mga paa ni Presea pagpasok sa utility room. Hanggang ngayon ay inaalala pa rin niya ang guwapong lalaki sa eighteenth floor na tumulong sa kanya. Sa buong panahon ng pagtatrabaho sa hotel na iyon ay ngayon lang niya naranasang may isang guest na nagkusang loob na tulungan siya. Elite was a five-star hotel. Karamihan sa mga guest niyon ay foreigners at pinakamayayamang tao sa bansa. Kaya normal na sa kanya na ni hindi man lang tapunan ng tingin ng mga tao roon. Much more ang tulungan kahit nakikita na ng mga itong hina-harass na siya ng ibang guest. But that guy was different.

Pakiramdam kanina ni Presea, kung sakaling hindi siya binitiwan ng foreigner na iyon ay sinuntok na iyon ng lalaki. Napangiti pa siya nang maalala ang ginawa nitong pagdampi ng tuwalya sa kanyang pisngi.

Sumandal siya sa tambak na mga bedsheet at kumot habang inaalala ang guwapo at nakangiting mukha ng lalaking iyon. She could think of him all day.

“Ang guwapo nilang lahat!”

“Hindi. Mas guwapo itong si—”

“Ah, basta. Loyal pa rin ako kay Yeoji Buenzalido.”

“May asawa na `yon, `no? Wala ka nang pag-asa sa kanya.”

“Sige, mamimili na lang din uli ako sa mga bagong miyembro ng BBC.”

“`Oy, Presea. Halika dito. Ang daming guwapo dito. Bilis!”

Nilingon niya ang apat na kasamahang kasalukuyang pinagkakaguluhan ang isang magazine. “Salamat na lang, Ana.” Tumingala siya sa kisame, saka muling ngumiti. “Kontento na ako sa guwapong nakita ko sa eighteenth floor.”

“Naku, kailan ba may naligaw na karapat-dapat pangarapin dito sa Elite? Mga guwapo at mayayaman nga ang guests dito, suplado naman at matapobre. Kaya kung ako sa `yo, itong billionaire boys na lang ang pangarapin mo.”

“Billionaire boys? Ang tinutukoy mo ba ay ang Billionaire Boys Club?”

“Yup!”

“Pero hindi ba’t nakapag-asawa na silang lahat?” Nagkibit lang si Presea ng mga balikat. “Kunsabagay, kahit siguro isang dosena ang mga anak nila, hindi pa rin sila mawawalan ng tagahanga.”

“Sira!” Nilapitan na siya ni Mildred. “Hay naku, ikaw kasi, eh. Hindi ka nagbabasa ng balita. May bago nang miyembro ang BBC, `no? At kasingguwapo silang lahat ng mga dating miyembro, kung hindi man mas guwapo!”

Iniladlad pa ni Tina ang pahina ng magazine kung saan naroon ang full-page picture ng isang lalaki. Guwapo nga ito gaya ng sinasabi ng mga kasamahan. Pero mas guwapo iyong nasa eighteenth floor.

“Nakikita mo ba ang mga handog na ito ng Diyos sa sangkababaihan?”

May hitsura nga ang sinasabi ng mga ito. Pero walang dating sa kanya. Para sa kanya, hindi puwedeng makontento ang isang babae sa isang guwapong lalaki.

The guy must have character. Iyon ang titimo sa kanyang isipan. Gaya na lang ng lalaki sa eighteenth floor.

Lumapit si Presea sa telepono at naupo sa tabi niyon. “Salamat na lang sa offer. Sa tingin ko, mas gusto ko pa rin `yong lalaking nakikita ko nang personal, nakakausap at naaabot. Ang billionaire boys na iyan, eh, para lang sa mayayaman. Eh, mahirap lang naman ako.”

Umugong ang buntong-hininga ng panghihinayang sa mga kasamahan. Ilang sandali pa ay lulugo-lugo na rin ang mga ito na nag-ayos at nagligpit ng mga gamit nila sa utility room.

“Ikaw talaga, Presea, panira ka sa pantasya namin.”

“Sinasabi ko lang naman ang totoo.”

“Oo na, oo na. Pero sana, kahit minsan ay matuto ka namang mangarap. Hindi naman bawal iyon. Hayaan mong makapag-enjoy naman ang isip mo sa mga bagay na hindi natin makukuha unles manalo tayo sa Lotto ng isang daang milyong piso.”

“Nangangarap din naman ako. `Yon nga lang, sa gabi lang.” Bakit kaya ayaw pang tumunog ng telepono?

“O, Presea,” untag ni Mildred. “Ano’ng tinutunganga mo diyan sa telepono? May hinihintay kang tawag?”

“Oo.”

“Kanino? Sa ospital?”

“Hindi. Sa supervisor natin.”

Nagtataka siyang binalingan ng mga kasamahan.

n

gayon lang kasi nagkaroon ng tao na naghihintay sa tawag ng maldito nilang bisor. Samantalang tuwing tatawag iyon ay para mang-harass lang ng mga taga-housekeeping department.

“Mukhang nalilipasan ka na ng gutom. Ang sabi ni Lita, hindi ka pa raw kumakain nang mag-break ka kanina.”

“Medyo. Kinailangan kasi ng maglilinis sa eighteenth floor.”

At kung hindi dahil sa kabaitan ni Presea, baka hindi na niya nakilala pa ang lalaking iyon. Kaya okay lang na hindi siya nakakain. Dahil ngiti pa lang ng lalaki, sapat na para mawala ang pagod at gutom niya.

“Presea, kumain ka na,” wika ni Sara. “Binabaril na lang sa Luneta ang mga martir ngayon. Kami na ang bahala sa mga rooms.”

She gave the phone a longing look before leaving it alone. Ano mang oras kasi ay maaaring mag-check out na ng hotel ang lalaking iyon. At kahit man lang sa huling pagkakataon ay makita sana niya itong muli at malaman ang pangalan nito.

Mukhang tinupad naman ng kalangitan ang dalangin ni Presea dahil tumunog na ang telepono. Mabilis niya iyong sinagot.

“Hello, housekeeping. This is Presea.”

“Presea, I need you on the eighteenth floor, room—”

“Yes, Sir.”

MABIGAT ang loob ni Presea nang tumapat na sa kuwartong ipinalilinis ng supervisor. Akala niya kanina ay kuwarto ng lalaking nakilala ang assignment niya pero hindi naman pala kundi ang katabi niyong kuwarto. Before entering her designated room, tinapunan na muna niya ng tingin ang saradong suite ng lalaki. Makikita pa kaya niya uli ito?

“Kung bakit naman kasi umaasa pa ako,” sambit niya nang buksan ang kuwartong lilinisan. “Makapagtrabaho na nga lang.”

Iniwan ni Presea sa labas ng kuwarto ang utility cart at hinayaang nakabukas ang pinto. Standard operating procedure na nila iyon sa housekeeping para malaman ng ibang guest na may naglilinis nga sa partikular na kuwartong iyon. She was busy changing the bedsheets when she heard a light knocking on the door. Agad naglaho ang lahat ng hinanakit niya sa mundo nang muling masilayan ang guwapong mukhang iyon.

“Excuse me,” nakangiti nitong wika. “Can I borrow a spare towel? Nahulog kasi sa bathtub `yong towel ko so…”

“Yes, Sir.” Hindi mapigilan ni Presea na mapangiti habang naglalakad palapit sa lalaki. “Ilan ho ang kailangan ninyo?”

“Just one.”

Bahagya pa itong nagbigay-daan sa kanya dahil nasa utility cart ang lahat ng kanyang gamit pati na rin ang mga pamalit na bagong tuwalya, bedsheets, at kung ano-ano pa.

“Heto ho.”

“Thanks.” Kinuha ng lalaki ang tuwalya, saka inilibot ang tingin sa kabuuan ng magulong kuwarto. “Ikaw lang ang maglilinis ng buong room? Malaki ito, ah.”

“Ito ho ang trabaho ko, eh.”

“Ikaw din ba ang maglilinis ng suite ko? Nakakahiya naman sa `yo. I’m the guy here…”

“Okay lang, Sir. Kaya ko ho iyon.”

“Sige, huwag kang mag-alala. Para hindi ka gaanong mahirapan, magliligpit ako bago mag-check out mamaya.”

“Aalis na kayo, Sir?”

“I have an early flight for Spain tonight.” Sinulyapan nito ang relong pambisig. “In fact, I should be getting ready now. Sige, maiwan na kita. Nakakaistorbo na ako sa pagtatrabaho mo dito. Pasensiya na.”

“Hindi naman ho.”

Ang totoo, mas napasaya mo nga ako.

“Ingat ho kayo sa biyahe.”

“Thanks.”

Pero imbes na bumalik na sa kuwarto nito ay nanatili pa ang lalaki sa kinatatayuan habang tila pinagmamasdan nang husto ang kanyang mukha. Hinayaan naman niya itong pagmasdan lang siya. At least, nagkaroon din siya ng pagkakataong ma-memorize ang malaanghel na mukhang iyon.

“What’s your name again?” mayamaya ay tanong nito.

“Presea, Sir.”

“Presea,” sambit nito. “Nice name. I’m Vash.” He held out his hand.

Pero hindi niya iyon agad tinanggap. Instead, she just stared at it.

“Presea?” untag nito. “May problema ba?”

“Ha?” Muli na naman niyang napagmasdan ang malaanghel na mukhang iyon. “W-wala naman ho. Eh, hindi ko ho kayo makakamayan, Sir. Marumi ho ang kamay ko, eh.”

Pero imbes na hayaan siya ay si Vash pa mismo ang nakipag-shake-hands sa kanya. Agad niyang naramdaman ang init na hatid ng napakalambot nitong kamay. Halatang ni minsan ay hindi nasayaran ng mabigat na trabaho ang mga kamay nito. Kasinlambot iyon ng bulak at napakasarap ng amoy na parang nang-eengganyong yakapin ito. Kung hindi nga lang siya mapapagalitan ng management at posibleng mapatalsik sa trabaho, baka nga niyakap na niya ang lalaki.

“There,” sabi ni Vash. “See? Hindi naman matut

unaw ang kamay mo kung sakaling marumi `yan.”

Binawi na ni Presea ang kamay dahil unti-unti nang nagiging iba ang pakiramdam niya sa init na hatid ng pagkakasalikop ng kanilang mga kamay.

“Eh… kayo lang naman ho ang inaalala ko. Baka marumihan ang kamay ninyo, Sir. Sayang, ang lambot pa naman.”

“Kamay lang ang mga `yan, Presea.” Isinampay na ni Vash ang tuwalya sa balikat. “So, anyway, hahayaan na kitang magtrabaho. Pagkatapos mo dito, pakisunod na lang ang suite ko, ha?”

Tumango na lang siya. Wala nang masabi, lalo na nang ngitian na naman siya ni Vash. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na sa kanyang paningin nang pumasok na sa katabing suite.

“What a nice guy,” sambit na lang ni Presea. “Lord, salamat at gumagawa pa Kayo ng mga lalaking gaya ni Vash.”

Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho na magaan na ang mga galaw. In fact, mas naging mabilis ang paglilinis niya ng kuwartong iyon kaysa sa normal.

Nang sa wakas ay naroon na siya sa tapat ng kuwarto ni Vash, inayos muna niya ang sarili. Siniguro niyang hindi siya mukhang haggard at hindi rin amoy-pawis. Dyahe kasi kung haharap siya sa anghel na iyon na mukhang gusgusin.

Dalawang beses pa siyang kumatok muna bago narinig ang boses ng lalaki.

“Come in. It’s open.”

Pumasok naman si Presea. Pero tamang-tamang pagtapak niya sa kuwarto ay siya namang paglabas ni Vash sa bathroom na unang makikita bago ang pinaka-bedroom. Kinusot-kusot pa nito ang basang buhok habang isang tuwalya lang ang nakatapis sa kahubdan nito. Napasinghap siya at umurong palabas.

“Presea?” Napahinto siya. “Saan ka pupunta? Nandito ang bedroom.”

“Eh… ano, kasi, Sir…”

Dahan-dahan siyang bumaling sa lalaki. Parang nanuyo ang lalamunan niya nang tuluyang mapagmasdan ang tila iniukit ng eskultor nitong katawan.

“Oh, sorry about this.” Saglit na nagtungo si Vash sa pinaka-bedroom. Pagbalik ay dala na nito ang naka-hanger pang gray business suit. He smiled shyly. “Sa bathroom na lang ako magbibihis. Sorry uli. Akala ko kasi mamaya ka pa matatapos sa kabilang room. Kaya hindi na ako gaanong nakapaglinis pa.”

Hindi na magawang ma-offend ni Presea. Anyway, kasalanan din naman niya iyon dahil masyado niyang binilisan ang paglilinis sa kabilang kuwarto.

“Sige na, Sir. Ako na ho ang bahala rito.”

“Okay.”

He went back to the bathroom. May kung anong kalokohang pilit na sumisiksik sa isipan niya nang mga sandaling iyon. Napakasuwerte siguro ng babaeng nakakita na nang buo sa katawan ni Vash. Kung sino man iyon, nakakainggit ito. Or rather, ang mga ito. With Vash’s angelic looks, gentle attitude, and seemingly wealthy background, siguradong hindi ito nawawalan ng babae sa tabi nito. Pero mabuti na lang at walang kasamang babae si Vash sa Elite

h

otel. Kahit paano kasi, walang istorbo sa kanyang mga pangarap.

Wala naman halos ginawa si Presea sa kuwartong iyon kundi ang magtapon ng kapiranggot na basura sa basurahan. She was tucking in a new bedsheet when Vash finally came out of the bathroom, fully-clothed, and still as dashingly handsome as ever.

“Sorry again for the mess,” sabi nito habang inaayos ang necktie.

“Kayo nga ang dapat kong bayaran ngayon, Sir, dahil wala na halos akong nilinis dito sa suite ninyo.”

“Ah. Kahapon lang kasi ako dito nag-check in. Natulog lang naman ako maghapon and then had a late dinner with an old friend.”

Old friend? As in old? Babae o lalaki?

Gustong pagalitan ni Presea ang sarili.

Ano naman ang pakialam mo do’n, Presea?

Hindi mo na problema kung nakipag-dinner date man siya sa isang sanggol.

Vash walked over to the nightstand and picked up his suitcase and small luggage bag. Aalis na ba talaga ito? Makikita pa kaya niya itong muli? She wanted to say good-bye to him, pero sino ba naman siya para umasal na parang matagal na nitong kakilala?

“S-Sir, ingat ho kayo sa biyahe.”

“Salamat. Ikaw din.”

Ngumiti lang siya. “Dito lang naman ho ako sa Pilipinas.”

“Mag-iingat ka pa rin. Lalo na sa mga lokong lalaki. Maganda ka pa naman.”

Ibinaba na lang ni Presea sa carpeted floor ang tingin. Marami na ang nagsasabing maganda nga siya. Pero sa lalaki lang na ito niya naramdaman na totoo nga iyon.

“It’s nice meeting you, Presea.”

“Kayo rin ho, Sir.”

May kinuha si Vash sa breast pocket ng suot nitong amerikana. Isang libong piso iyon na buo.

“Naku, Sir, huwag na ho. Wala naman akong gaanong inayos dito sa room ninyo.”

“Gano’n ba? Ikaw ang bahala.”

Saglit pa siya nitong muling pinagmasdang maigi gaya ng ginawa kanina sa kabilang room bago siya iniwan. It was like he was trying to memorize her face or something. Kung totoo iyon, mabuti na lang pala at nagpulbo siya kanina bago tuluyang nagtungo sa kuwarto nito.

Mayamaya ay tumango lang si Vash. “Okay, I’ll… I’ll see you next time, I guess.”

“Yes, Sir.”

Sana nga,

dalangin ni Presea. She still wanted to see the only man who ever made her feel so pretty and significant, kahit chambermaid lang siya.

Tumalikod na si Vash.

“Ah, Sir?”

Agad naman itong bumaling uli sa kanya. “Yes?”

“`Yong kuwelyo ho ng coat ninyo, gusot.”

Kinapa nito ang tinutukoy niya. Nang hindi pa rin iyon naayos ay siya na ang lumapit.

“Tulungan ko na ho kayo, Sir.”

“Ha? Yeah, that would be great.”

Dahil matangkad si Vash, kinailangan pa niyang tumingkayad para maabot ang collar ng amerikana nito. Pero hindi pa rin niya iyon maayos kaya inilapat na niya sa malapad nitong balikat ang isang kamay para makakuha ng balanse.

“Hindi mo ba maabot?” tanong nito.

And without waiting for her reply, Vash slightly squatted. At dahil nasa mga balikat na nga ng lalaki nakasalalay ang kanyang balanse, ang biglaan nitong pagbabago ng posisyon ay lalong nakapagpawala ng balanse niya. Napasubsob si Presea sa likuran nito. Agad naman siyang dinaluhan ni Vash. Pero iyon ay pagkatapos pa niyang marinig ang mahina nitong pagtawa.

“Okay ka lang?” tanong ni Vash. His strong arms were now around her to support her balance. Naramdaman na naman niya ang kakaibang damdamin na iyon sa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya mabilis din siyang lumayo.

“Okay lang ako, Sir.” Hinipo ni Presea ang kanyang ilong. Habang ang isang kamay niya ay inabot na ang kuwelyo ng amerikana nito. “`Yan, maayos na ho. Pogi na uli kayo.”

“Talaga?” He then playfully brushed his finger on her nose. “Thanks, cute. I have to go.”

“Yes, Sir.”

“Huwag ka na uling tutulong sa mga lalaking magulo ang kuwelyo ng damit, ha?”

“Ho?”

Hindi na sumagot pa si Vash. He waved her good-bye and walked out the door. Pero bago tuluyang lumabas ang lalaki ay nakita pa niyang may inilapag itong maliit na bagay sa table na malapit sa pinto. Nang inspeksiyunin iyon pagkatapos maglinis, nalaman niya na iyon ang tip na ibinibigay ni Vash kanina.

Napangiti na lang si Presea nang damputin iyon. Saka hinipo rin ang ilong niyang dinampian ng daliri nito kanina. Puro pawis na pala iyon.

“Cute,” sambit din niya paglabas ng kuwartong iyon.

Kung hindi na sila magkikita pa ni Vash, at least, may maganda siyang alaala nang araw na iyon. Na minsan sa buhay niya, may isang prinsipe na nagpagaan kahit paano sa kanyang boring na pagtatrabaho.

And his name was Vash.