noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 3

Three

V

ASH was sitting comfortably inside his limousine when he noticed that it was starting to rain hard. Pinagmasdan lang niya ang pagpatak ng ulan sa bintana ng sasakyan. Tatlong araw rin siyang nanatili sa France para sa kanyang mga negosyo at pagkatapos ay sunod naman niyang dinalaw ang vineyard at winery sa Spain. Kaya mahigit isang linggo rin siyang nasa iba’t ibang bansa. And it was always good to be back in his own country. Kahit gaano pa kaganda ang buhay sa labas ng Pilipinas, mas gusto pa rin niyang manatili sa lupaing kinagisnan.

Napangiti si Vash nang hawakan ang nasuntok ni Silva, isa sa mga itinuturing na pinakamagaling na negosyanteng nakilala niya. They had a little scene a while ago at the parking lot of a certain mall. Nagselos ito matapos nilang i-set ng isa pa nilang colleague. Nagkunwari silang type ang babaeng pinopormahan ni Silva at dahil nga doon ay nasuntok siya.

“Welcome back, Vash,” bati niya sa sarili.

Napansin ni Vash ang mga taong naggigitgitan sa pagsakay sa mga jeep. In doing so, nababasa na tuloy ang mga ito. Wala nang pakialam pa ang mga tao kung babae, lalaki, bata, o matanda pa ang nakakagitgitan.

“Magkakasakitan na sila niyan,” sabi niya.

“Sanay na ang mga iyan, Sir,” wika ng driver slash bodyguard niyang si Bart. “Kapag ganitong tag-ulan talaga, Sir, ganyan ang mga tao.”

“Nasaan na ba ang ibang mga sasakyan? Kung kailan kailangan sila, saka pa nawawala. Nakakaawa naman tuloy ang mga commuters.”

“Palagay ko, Sir, naipit na naman ang mga iyon sa traffic. Alam n’yo naman ang Maynila kapag tag-ulan, laging lubog sa baha.”

Napapakunot na lang ang noo ni Vash tuwing makakakita ng jeep na tila dinudumog ng mga tao para lang makasakay.

“Bart, kumuha tayo ng ilang pasahero.”

“Sir?”

“Kawawa naman sila. Maluwag naman itong loob ng limo. We could take at least ten people here. Kaunting tiis nga lang sila.”

“Yes, Sir.”

Inihinto ng driver ang sasakyan nila sa waiting shed kung saan naghihintay pa ang ilang mga tao na makasakay. He lowered down his window.

“Sumakay na kayo dito!” sigaw ni Vash para marinig sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. “Libre!”

But the people just stared at him like he was some sort of a lunatic. Pero hindi siya sumuko. Only after a few minutes, nang wala pa ring pumapatok sa alok niya, umalis na ang kanyang sasakyan.

“Sir, may mga nag-aabang pa ho sa banda roon.”

“Sige.”

Pero gaya rin ng naunang reaksiyon ng mga tao ang naging reaksiyon ng mga sumunod na waiting shed na pinuntahan nila.

“Bart, ano sa tingin mo ang problema bakit ayaw nilang sumakay sa kotse natin?”

“Sir, hindi ho kasi naniniwala ang mga tao dito na may isang magpapasakay sa gaya nilang basang-basa na sa ulan sa isang napakaganda at eleganteng limousine.”

“I do.”

“Hindi ho nila alam iyan, eh.”

“Kung gano’n, ano kaya ang puwede nating gawin para maniwala sila?” Nakita ni Vash na ngumiti lang sa rearview mirror ang driver. “I guess that means nothing.” He sighed. “I only wanted to help.”

Hindi na sumagot pa si Bart.

Nanatili na lang si Vash sa kinauupuan para hindi na makita pa ang mga taong nahihirapan pero ayaw namang kunin ang tulong niya. Minsan talaga, magulo rin ang mga tao. Hanggang sa makita niya ang isang babaeng naglalakad-takbo sa gitna ng ulan at kumakaway sa kanila.

“Bart, ihinto mo.” Pagtigil ng sasakyan ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan. “Miss, sumakay ka na dito!”

Huminto ang babae. Akala niya ay hindi na naman siya papansin pero nang tila may makita ito nang lumingon sa pinanggalingan ay mabilis nang sumampa sa kanyang kotse. The woman was soaking wet but he didn’t care.

“Thank you,” she said breathlessly.

Napangiti si Vash. “You’re very much welcome. Saan ka nakatira? Doon ka na namin ihahatid.”

Parang natigilan ang babae nang mapalingon sa kanya.

Lumayo siya nang kaunti, saka ngumiti. “Huwag kang matakot, Miss. Hindi kami masamang tao. Ihahatid ka talaga namin sa inyo.”

Akala niya ay hindi na ito magsasalita pa. Pero ilang sandali pa ay tumango na lang din ito.

“P-pakibaba na lang ho ako sa Cubao.”

Natigilan si Vash. He remembered that voice. Hindi lang niya sigurado kung saan iyon narinig. At kung kailan. Now it was his turn to stare.

“NAMAN!” sambit ni Presea nang paglabas ng hotel ay bumuhos ang malakas na ulan. “Bakit ngayon pa?”

Kung kailan naman tinamad siyang magbitbit ng payong kaninang umaga, saka pa umulan. Minsan talaga, nagpapatawa ang tadhana na hindi naman talaga nakakatawa. Maghihintay na lang sana muna siya na humina kahit paano ang ulan sa lobby ng hotel nang mamataang patungo sa kanya ang nakangising si Ernesto Macabunyi. Estong for short, ang pinakamakulit na yatang tao na ipinanganak sa mundo. Ang malas pa, siya pa ang natipuhan nitong ligawan. Ilang beses na niyang binasted ang lalaki pero talaga yatang hindi ito marunong umintindi ng salitang ‘basted’ kahit isalin pa niya iyon sa iba’t ibang lengguwahe.

“Presea, aking mahal,” bati ni Estong na inayos pa ang suot na violet vest na uniporme nito bilang valet ng hotel na iyon. “Kumusta? Uuwi ka na? Ihahatid na kita.”

“Salamat na lang, Estong. Pero hindi ba’t oras pa ng trabaho mo?”

Kaya kung puwede lang, lumayas ka na sa harap ko.

“Para sa iyo, aking Presea, pahihintuin ko kahit ang oras ko sa trabaho para lang maialay ko sa iyo nang buong-buo ang aking oras at panahon.”

Iyon pa ang isa sa hindi niya ma-take sa lalaking ito na aakalain mong laging sinasapian ng espiritu ng isang makatang matagal nang namayapa. Kaya pati mga sinasabi, bulok na.

“Huwag na, Estong. Kaya ko nang umuwing mag-isa.”

“Umuulan—”

“Alam ko. Kaya nga nagmamadali na akong makaalis. So, if you’ll excuse me…”

“Sandali lamang, aking Presea. Ihahatid na kita. Hindi ko hahayaang mabasa ang iyong napakagandang mga paa.”

“Estong—”

Itinaas nito ang isang susi. “Kukunin ko lamang ang sasakyan. Hintayin mo ako rito.”

“Sasakyan? Hindi mo puwedeng gamitin ang sasakyan ng mga guest dito.”

“Oo nga. Pero kung walang makakaalam, okay lang.”

“Alam ko.” Humalukipkip pa siya.

“Masyadong kang mabait para magsumbong, aking Presea. Dito ka lang, ha? Hintayin mo ang iyong prinsipe.” Kinindatan pa siya nito. “Ako iyon.”

Pagtalikod ni Estong para ipuslit ang isa sa mga sasakyan ng guest sa hotel ay parang gusto niyang kilabutan. Sa pagkakaalam niya, twenty-six pa lang ang makulit na manliligaw. Pero kung umasta ito at magsalita, daig pa ang isang DOM. Mabait naman si Estong kung sa mabait, kaya lang ay hindi talaga niya ma-take ang mga panliligaw nito. Lalo na ngayong mas iniisip pa niya ang kalagayan ng kanyang pamilya kaysa makipagrelasyon.

Nang mawala sa paningin ni Presea si Estong ay nagmamadali na siyang nagpunta sa sakayan di-kalayuan doon. Pero dahil hilera ng mga hotel ang kinaroroonan ng Elite Hotel, wala tuloy siyang masilungan kahit paano. Kaya basang-basa na siya nang makarating sa waiting shed. Kapag may dumaang jeep, desidido na siyang makipagbalyahan sa iba pang pasaherong naghihintay ng masasakyan.

Pero dalawang jeep na ang dumaan, hindi pa rin siya nakakasakay. Doon niya napansin ang isang kotse na kalalabas lang ng street na patungo sa pinapasukan niyang hotel.

Si Estong!

Naman! Nagmamadaling naglakad si Presea palayo sa lugar na iyon. Nasilaw siya sa ilaw ng makakasalubong na sasakyan. Inakala niyang jeep iyon kaya pinara na. Nang huminto iyon sa kanyang tabi ay saka lang niya nalaman na isa pala iyong limousine.

“Miss, sumakay ka na dito!” sigaw ng lalaking nagbukas ng pinto.

She hesitated for a moment but when she saw the same car she noticed a while ago stopping at the waiting shed where she came from, she got in the car immediately. Wala siyang balak na sumabay kay Estong.

“Thank you,” sambit niya.

“You’re very much welcome. Saan ka nakatira? Doon ka na namin ihahatid.”

Natigilan si Presea. Kilala niya ang baritonong boses na iyon. Nang balingan ang lalaking nagbukas ng pinto kanina, daig pa niya ang nalugmok sa malamig at napakaruming tubig-baha. Ito ang lalaking nakilala niya sa hotel noong isang linggo!

Si Vash!

Alanganin itong umurong palayo sa kanya. “Huwag kang matakot, Miss. Hindi kami masamang tao. Ihahatid ka talaga namin sa inyo.”

Sa kabila ng nararamdamang lamig, hindi napigilan ni Presea na lihim na mapangiti. Si Vash ang kahuli-hulihang taong iisipin niyang gagawa ng masama. Pero bahagya rin siyang nakaramdam ng panghihinayang. Halatang hindi na siya nito naaalala. Pero sino ba naman siya para magreklamo? Chambermaid lang siya sa isa sa mga hotel na minsan nitong napuntahan. Paano nga naman siya nito maalala?

Tumango lang si Presea. “P-pakibaba na lang ho ako sa Cubao.”

In any case, masaya na rin siya at muling nakita ang lalaki. At ngayon nga ay nasa sasakyan pa siya nito. Napansin niyang natigilan si Vash. Pagkatapos ay tinitigan siya.

Ibinaling ni Presea sa labas ng bintana ang mukha. Niyakap niya ang sarili at hinayaan na lang na bumagsak sa kanyang mukha ang basang buhok para hindi na siya nito makilala pa. Para siyang basang-sisiw nang mga sandaling iyon at ayaw niyang ngayon pa siya nito makilala. Kung sakali.

“Bart, patayin mo nga ang aircon,” utos ni Vash sa driver. Hinubad nito ang coat at ibinalot sa kanya. “Here, para hindi ka lamigin.”

Agad siyang nakaramdam ng kakaibang init. Parang mga bisig ni Vash ang bumalot sa kanya imbes na ang coat lang nito. Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Hindi pa man ay nagdedeliryo na siya.

“S-salamat.” Nakita ni Presea na basang-basa na ang carpet ng sasakyan. “Naku, nabasa na ho ang carpet ninyo. Pasensiya na. Pakibaba na lang ho ako diyan sa susunod na terminal ng jeep.”

“It’s just a rug. Huwag kang mag-alala diyan. Ihahatid ka namin hanggang sa inyo.”

“Pero—”

“Ikaw lang ang kaisa-isang tumanggap ng tulong ko.” Bahagyang itinuro ni Vash ang mga nadaanang tao na naghihintay ng masasakyan. “Kanina pa ako nag-o-offer na isakay sila para makauwi sila agad. Ayaw nga lang nila. Ikaw lang ang pasahero namin kaya ihahatid ka namin kahit saan ka pa umuuwi.”

Such chivalry.

“Hindi pa ho ako uuwi,” sabi niya. “Ang totoo, sa ospital ho ang punta ko.”

“Ospital?”

“Naka-confine kasi ang nanay ko. Ako kasi ang mababantay sa kanya ngayon.”

“I see. Saang ospital ba `yon?”

“Naku, huwag na ho. Masyado ko na kayong naaabala.”

“Hindi ka nakakaabala. Ang totoo, papunta na nga rin ako sa isang ospital ngayon.” Itinuro ni Vash ang isang pulang clutch bag sa tabi nito. “Ihahatid ko kasi ang bag na iyan sa isa kong kaibigan. Hindi yata niya napansin na naiwan niya iyan kaninang pag-alis niya.”

That friend of his must be a woman. Girlfriend kaya nito iyon?

Ah, Presea. Basang-sisiw na nga ang drama mo ngayon, nagagawa mo pang mag-isip ng kung ano-ano. Pakialam mo naman kung girlfriend niya iyon o hindi?

May kinuha si Vash na bote sa isang bahagi ng malawak na loob ng sasakyang iyon. Alak pala iyon dahil nagsalin ito sa isang baso at ibinigay iyon sa kanya.

“Drink this. Para mainitan ang katawan mo kahit paano.” She took it. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Napatango lang si Presea nang gumuhit ang init na hatid ng alak na iyon sa kanyang lalamunan. “Salamat uli,” sabi niya, saka muling sumimsim ng alak. “Habit mo na bang magpasakay ng kahit na sino sa sasakyan mo?”

Kung hindi siya matandaan ni Vash, might as well put take advantage of it. Ibig sabihin kasi, hindi siya chambermaid ngayon at hindi ito guest sa hotel na pinapasukan niya. Simpleng mga tao lang sila na nagkataong pinagtagpo ng tadhana ngayong tag-ulan.

“Hindi naman. Nakita ko kasi na stranded sila. Malaki naman itong sasakyan ko at wala rin naman akong importanteng lakad ngayong gabi. Kaya lang, walang gustong sumakay. Ikaw, napilitan pa.”

Kung ibang tao siguro ang makakarinig sa sinabi ni Vash, baka pagtawanan ito dahil hindi normal na malungkot ang isang tao na tinanggihan ang tulong na ibinigay. On her part though, normal na iyon sa kanya. Vash was the nicest person she had known.

“Mukhang mas mayaman ka kaysa karaniwang mayayaman,” sabi niya. “Hindi ka ba natatakot na ma-kidnap?”

“Inside my own car?”

“Siguro tama ka. Pero hindi ka pa rin malayong ma-holdap.”

“Tumatanggap ba ng credit cards ang mga holdapers?”

Marahan na lang na napailing si Presea. Such a charmingly naive guy.

Muling kumilos si Vash at napansin na lang niya na hinahawi na nito ang mga nakalugay niyang basang buhok habang hawak ang isang puting tela. Ilang sandali pa ay pinapatuyo na nito roon ang kanyang buhok. Napansin din niya na tuwing hahawiin ni Vash ang kanyang buhok ay tila sinusuri nito ang kanyang mukha. His thumb brushed against her cheek and her mind quickly was taken somewhere else.

Kakaiba talaga ang hatid nitong mga damdamin sa kanya. Hindi tama na hayaan niya si Vash na asikasuhin siya nang ganoon dahil nagugustuhan na niya ang mga ginagawa nito. But she just couldn’t get herself to stop him. Mula nang magkasakit ang kanyang ina, siya na ang nag-alaga sa kanilang pamilya. Kaya ang maranasang muli na siya naman ang inaalagaan, tatanggapin niya iyon nang buong puso. Kahit sa maiksing panahon lang, maramdaman man lang iyon.

“Hindi maganda na mabilis kang magtiwala sa mga taong hindi mo kilala,” sabi niya. “Maraming masasamang tao ngayon.”

“Bart will take care of them. And anyway, hindi ka naman mukhang masamang tao.”

“Sinong Bart?”

“My driver. And bodyguard.” Iminuwestra pa ni Vash ang nasa harap ng manibela na bahagya pang itinaas ang kamay bilang pagbati. Pagkatapos ay inilahad naman nito ang kamay sa kanya. “Siyanga pala, I’m Vash.”

“Alam ko.”

“Alam mo?”

Sinabi ni Presea ang naging una nilang pagkikita sa pinapasukan niyang hotel. Then he lifted her wet hair that covered her face. Saka sumilay ang isang ngiting ilang gabi rin niyang binabalik-balikan sa kanyang alaala.

“Sabi na nga ba,” sabi nito. “No wonder you sounded familiar. Dahil narinig ko na minsan ang boses mo.”

“N-natatandaan mo pa ako?”

“Of course. Ikaw ang kauna-unahang babaeng tiningnan ako nang deretso sa mga mata, without waiting for me to admire you.” Tumango-tango pa ito. “Presea, right?”

Hindi na niya napigilang sagutin ang ngiti nito. He remembered her! “Nice to see you again, Sir.”

“Yeah, same here.”