noveltoon logo noveltoon
Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Feb 05, 2022

Chapter 8

Eight

“H

INDI

mo siya dapat pinagsalitaan nang gano’n, Vash.”

“I don’t want to talk about her.”

Naramdaman ni Presea na hindi na muling bumalik ang sigla ni Vash mula nang umalis sila ng suite na iyon. Kasalukuyan na silang naglalakad sa hallway patungong utility room.

“Siguro mas mainam na hindi na muna natin ipaalam sa iba ang relasyon natin,” patuloy niya.

“Huwag mong intindihin ang mga sinabi niya, Presea. Wala namang kuwenta ang mga iyon.”

“Meron, Vash.” Habang patuloy na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng babaeng iyon kanina, lalong lumilinaw ang sitwasyon nila. “H-hindi tayo bagay sa isa’t isa.”

“Presea—”

“Vash…?”

Hindi na nito naituloy ang ano mang sasabihin pa sana dahil isang babae na ang nakita nilang nakasilip sa katapat nilang suite. Magulo ang buhok nito at namumungay ang mga mata. May hawak din ang babae na isang bote ng alak.

“Sasha?”

Napalingon si Presea kay Vash. Kilala nito ang babaeng iyon? Pero bago pa niya matanong ay mabilis nang dinaluhan ni Vash ang babae nang mapalugmok ito sa kinatatayuan. Alam niyang hindi siya dapat nakakaramdam ng ano mang pagseselos dahil tumutulong lang naman ito. Pero nang pangkuin ni Vash ang babae at hindi man lang siya nilingon, hindi na niya napigilang makaramdam ng selos. It was obvious from the tone of the woman that they had a past.

Wala na sanang balak si Presea na magtagal doon dahil sa nararamdaman. But her heart just wouldn’t let her walk away. May kung anong tila pumipigil sa kanyang umalis at iwan ang lalaking minamahal sa piling ng ibang babae. Kaya sa ikalawang pagkakataon mula nang tanggapin ang pag-ibig ni Vash, muli niyang sinunod ang utos ng kanyang puso.

Sinundan niya ang dalawa sa silid. Tamang-tama namang kalalapag lang ni Vash ng babae sa kama.

“Okay lang ba siya?” tanong niya.

“She was just drunk,” sagot naman ni Vash nang hindi pa rin siya binabalingan. “Can you call for medical help, Presea?”

Tahimik lang siyang sumunod. Habang hinihintay na dumating ang tinawagang tulong ay pinagmamasdan lang niya ang ginagawang pag-aasikaso ng boyfriend sa babae. Vash was very gentle when he dabbed a damp cloth to her face. Unti-unting nahimasmasan ang babae.

“Vash…” Nag-umpisa itong humikbi.

“Sshh. It’s okay, Sasha.”

“Ang daya-daya mo. I broke up with my boyfriend for you. Dahil akala ko, mahal mo rin ako. Pero naaawa ka lang pala sa akin.” Nagpatuloy ito sa pag-iyak. “Huwag kang maawa sa akin, Vash. I don’t need your pity. I want your love, Vash. Please love me, too.”

“Sasha, tahan na. Makakasama sa `yo `yan.”

“I came here for you. Pero lagi mo na lang akong iniiwasan. Hindi ka naman dating ganyan. Kailangan bang magka-boyfriend uli ako na mananakit sa akin para lang pag-ukulan mo uli ako ng pansin? Because I could do it for you, Vash.”

“Sasha, huwag mong sabihin `yan. Ang mabuti pa, magpahinga ka na. You’ll feel better after you have some rest. Darating na rin ang medical help para sa `yo.”

“Vash…”

“Sshh.”

Ilang sandali pa ay dumating na ang medical team ng ospital para sa mga ganoong pagkakataon. Agad inasikaso ng mga ito ang babae. All the while, hindi umaalis sa tabi nito si Vash. He kept on holding her hand until the doctor declared she was safe. Nang sa wakas ay mapag-isa na sila, nilapitan siya ni Vash.

“I’m sorry, Presea. Pero mukhang kailangan muna nating ikansela ang dinner date natin. I need to contact Sasha’s boyfriend or her family to inform them of her condition.”

Tiningnan niya ang babae. Nakakaawa nga itong pagmasdan.

Pero hindi ba’t sinabi naman na ng doktor na okay na siya? Bakit kailangan mo pang manatili sa tabi niya, Vash? She’ll be fine without you.

Pero isang simpleng tango lang ang isinagot niya.

“Thanks,” sabi nito.

“Para saan?”

“Dahil naiintindihan mo ako.” He gave her a quick kiss on the cheek. “Sa tingin ko, hindi mo na kailangang linisan ang kuwarto ni Sasha. Matatapos ang shift mo nang mas maaga kaya makakapagpahinga ka na rin agad.”

“Sasamahan mo siya… dito?”

“I have to. She needs my help.” Pagkatapos ay hinapit siya ni Vash sa baywang at binigyan ng malalim na halik sa mga labi. “Wala kang dapat pagselosan, Presea. Dahil ang tanging maibibigay ko lang sa kanya ay tulong. My heart will always be yours.”

Naniwala naman siya. Pero may munting pag-aalinlangan na pilit umuukilkil sa kanyang isipan habang pabalik na siya sa utility room tulak ang cart.

“Don’t fall in love with his kindness

.” Iyon ang mga salitang binitiwan noon ng big boss niya nang minsan silang makitang magkasama ni Vash. At hindi ba’t sinabi rin niya sa sarili noon na madali lang iyon? Hindi pala talaga dapat nagsasalita nang tapos ang isang tao. Dahil ngayon, heto siya at hindi na mapigilan ang puso na mahalin nang tuluyan ang napakabait na binata.

“My heart will always be yours

.” Presea bit her lower lip. Panghahawakan na lang niya ang mga salitang iyon. Pero hanggang kailan naman kaya? Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang masangga siya ng kung sino.

“Oh, sorry,” wika ng matangkad na lalaki. “Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin. Okay ka lang?”

Hinagod niya ang brasong nasaktan. “Okay lang ako, Sir.”

“Naku, pasensiya ka na talaga.” Napatitig ito sa kanya. “You know, you look familiar. Magkakilala ba tayo?”

“Ngayon ko lang ho kayo nakita, Sir.”

“No… Alam ko nakita na kita— I knew it!” Hinugot nito ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon. He opened it in front of her and showed her… her picture. “Here. Hindi ba’t ikaw ito?”

“Paano ho—”

“Vash sent it to us. Sabi niya, ‘this is my girl.’ Presea Nolledo, right?”

Napatango na lang siya habang pinagmamasdan ang nakangiti niyang larawan. Hindi siya nakatingin sa larawang iyon kaya siguradong snapshot lang iyon. Si Vash ba ang kumuha niyon? At ipinadala pa sa mga kaibigan nito?

“Gagawin ko sanang wallpaper sa cell phone ko ang picture mo kaya lang nagalit si Vash nang malaman niya.” Tumawa pa ito nang ibalik ang cell phone sa bulsa ng pantalon nito. “By the way, my name’s Rextor. You can call me Rex.”

Rextor Lagdameo. Isa na namang billionaire boy ang kaharap niya ngayon. Pinagmasdan lang ni Presea ang nakalahad nitong kamay.

“M-marumi kasi ang kamay k—” But he had grabbed hers anyway.

“Tama si Vash. Masyado ka ngang mahiyain.”

“K-kaya ka ba nagpunta dito ay para kay Vash? Naroon siya sa silid ng dati niyang girlfriend.” Hayun na naman ang pakiramdam niya na parang may kung anong pumipiga sa kanyang puso.

“Ex-girlfriend? Talaga?” Rex scratched the corner of his almost perfect jaw, thinking. “Anyway, hindi si Vash ang ipinunta ko dito. My friend Ken is throwing a birhday party. Kaya lang, hindi ko mahanap ang Fabella Hall dito. Saan ba iyon?”

“Nasa twentieth floor, Sir. Paglabas mo ng elevator, may hall doon at sa dulo niyon ang Fabella Hall.”

“Ang mabuti pa, samahan mo na lang ako. Mahina kasi ang sense of direction ko. Late na ako kaya siguradong alam na ni Ken na naligaw na naman ako. Pagtatawanan na naman ako n’on. Siyempre, hindi ako papayag. Marami pa namang

chickababes

doon.” Hinawakan na siya nito sa braso. “Kaya halika na.”

“Pero, Sir, hindi pa ho ako tapos sa trabaho ko.”

“Well, tapos na ngayon.” May nakita itong kasamahan niyang lalaki at tinawag iyon. “Ikaw na ang bahala sa cart ni Presea, ha?”

Nakita niyang inabutan pa ni Rex ang kasamahan niya ng buong isang libo. Masaya namang lumarga ang utility man, tulak ang kanyang cart.

“Sandali.” Binawi niya ang braso na hawak nito. “Hindi pa rin ako puwedeng sumama. M-may iba pa akong gagawin.”

“Nagdadahilan ka lang. At saka, huwag kang mag-alala. Vash would love to see you there. Come on.”

“Hindi pa rin puwede.”

He gave out an exaggerated sigh. “Now, what?”

“Hindi naman sa kawalan ng galang sa inyo, Sir. Pero sa tingin ko, hindi ako bagay sa pagtitipon na iyon.”

“Dahil naka-work uniform ka? So what? Everyone knows about your work. Wala kang dapat ikahiya.”

“Alam ng lahat ang tungkol sa akin? Sinong lahat?”

“Ako, `yong kapatid ko, si Ken… ah, si Silvanus…” Ilang segundo pang nag-isip si Rex. Mayamaya pa ay parang nawalan na ito ng pasensiya. “Basta, alam naming lahat. Ano, sasama ka ba sa akin? Kapag naligaw uli ako, kasalanan mo iyon.”

“Pero ang suot ko—”

“Okay lang `yan. They’ll be too drunk to notice it anyway.”

Wala nang nagawa si Presea nang halos kaladkarin na siya ni Rex patungong elevator. At lalong lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pag-ilaw sa itaas na bahagi ng elevator na nag-i-indicate ng palapag na kinaroroonan nila.

“By the way, I’m glad Vash has finally found someone to love. And I’m glad it’s you.”

Napayuko na lang siya. Masaya siya na marinig mula mismo sa isang gaya ni Vash ang mga salitang iyon. “Thanks.”

“I can see na hindi ka pa gaanong sanay sa relasyon ninyo ni Vash. Don’t worry, masasanay ka rin. Mabait si Vash, in fact, sobrang bait nga niya na gusto ko na siyang batukan minsan dahil ginagago na siya ng ibang nagsasamantala sa kabaitan niya.”

“Hindi naman masyado.”

“Kung ikaw nga, napansin iyon.” Bahagya pa siyang sinalya ni Rex dahilan para lingunin niya ito. “Take care of him. It’s high time na siya naman ang alagaan.”

Tumango lang si Presea. Her confidence slowly faded when they finally reached the venue of the party. Karamihan kasi sa nakita niya ay mga babaeng mukhang alta sosyedad. Everyone wore their best dress. Mas mukhang matino pa nga sa kanya ang mga waitress at waiters na nagsisilbi roon nang mga sandaling iyon. Hindi rin nakatulong na dumating siya kasama ni Rex dahil ngayon ay nasa kanila na ang atensiyon ng lahat. At mapang-uring humagod ang mata ng mga ito mula sa wala sa ayos niyang buhok, unipormeng suot hanggang sa kanyang lumang sneakers. Parang gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Hindi talaga siya nababagay sa mga ganitong lugar.

“Don’t let them intimidate you,” bulong ni Rex. “Tandaan mo, ikaw ang pinili ni Vash over this bunch of women. Uy, Ken, saan ang wine area?”

Isa pang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanila. Kilala niya ito since mahilig manood ng mga showbiz balita ang kanyang kapatid na si Lucy. Kenshin Arboleda, actor extraordinaire and a billionaire boy himself.

“Naligaw ka na naman, ano?” sabi ni Ken. “Sabi na sa `yo, magdala ka lagi ng mapa.” Siya naman ang binalingan nito. “Presea Nolledo. Nice to finally meet you. I’m sure kilala mo na ako kaya hindi na ako magpapakilala. Nasaan na nga pala si Vash? I invited him here tonight. Pero ang sabi niya, may date nga daw kayo. Sabihin mo sa kanya, dito na lang kayo mag-date. Walang panggulong reporters dito. Bukas pa ako magbibigay ng party para sa kanila.”

“H-ha? Eh…” Totoo nga ang sinabi ni Rex. Kilala siya ng mga taong madalas makasalamuha ni Vash. Ngayon ay halo-halo na ang nararamdaman niya. Masaya siya at hindi siya inilihim ng boyfriend. Pero kinakabahan din at nanliliit at the same time dahil ang kaharap ngayon ay hindi talaga niya kauri ng estado sa buhay. “S-susunduin ko na lang siya—”

“You don’t have to. He’s already here. Pare, akala ko talagang sasadyain mong hindi magpakita dito ngayon. Mabuti na lang pala at naligaw si Rex at nakita niya itong girlfriend mo.”

Isang braso ang masuyong lumapat sa kanyang mga balikat at agad niyang naamoy ang pamilyar na bangong iyon. Nasa tabi na nga niya si Vash.

“Okay ka lang?” bungad nito sa kanya. May pag-aalala sa mga mata nito na parang nararamdaman ang pagkailang niya sa lugar na iyon.

“Ano bang tanong `yan? Of course she’s fine,” sabi ng celebrant. “Come on and join the party.”

“Ken, next time na lang siguro. Katatapos lang kasi ng shift ni Presea kaya medyo hindi pa siya nagpapahinga—”

“No, it’s okay, Vash. W-we could stay.”

“I told you. Siyanga pala, Vash. Kakausapin kita sandali in regards with our business deal with Silvanus.”

“Nandito siya?”

“Kanina pa. Pero nandoon sila ng fianc

é

e niya sa salon. Let’s go. Istorbohin na muna natin sila.”

“Cool!” sambit ni Rex. “But I prefer to be with these babes.” Nilapitan na nito ang grupo ng kababaihang kanina pa sila pinagmamasdan.

“Presea, you could come with us.”

“Ah, hindi. Dito na lang siguro ako.” Tiningnan niya ang nakakunot-noong boyfriend. “I’ll be fine. Mukhang importante ang pag-uusapan ninyo, eh. Hihintayin na lang kita dito.”

Ilang sandali pang tila nag-alinlangan si Vash. Pero sa huli ay sumama na rin ito sa kasosyo.

“Where did you find her?” narinig pa niyang tanong ni Ken.

Hindi na narinig ni Presea ang sagot ni Vash dahil nalunod ng malakas na tugtog ang boses nito. Ano kaya ang naging sagot ni Vash? Hindi naging maganda sa pandinig niya ang tanong na iyon ng aktor. Pero hindi niya hinayaang sirain niyon ang kanyang katatagan.

“We heard na ikaw ang girlfriend ni Vash.”

Apat na naggagandahang babae ang nasa harap ngayon ni Presea. Halata sa mata ng mga ito ang malamig na pakikitungo sa kanya.

“Ano ba ang nakita niya sa `yo, eh, mas maganda naman ako?”

“You look ordinary naman. In fact, more than ordinary. Plain and poor.”

“Oh, come on, girls. Alam naman natin na ang mga tipo niya ang talagang nilalapitan ni Vash. We once acted like her before.”

Nagtawanan lang ang mga ito.

Alam ni Presea na kailangan na niyang lumayo dahil wala namang saysay ang mga pinagsasasabi ng mga ito. Pero naalala niya ang sinabi kay Vash bago sila nagkahiwalay kanina. Doon lang siya at hihintayin ang pagbabalik nito.

“You mean to say,” patuloy ng naunang nagsalita. “Siya ang piniling maging girlfriend ni Vash dahil mukha talaga siyang kawawa?”

“I’s obvious enough, isn’t it? Alam n’yo naman ang taong iyon, in love sa mga underdog.”

“Hampaslupa, you mean.”

“Yeah.”

Muling nagtawanan ang mga babae.

Nanatili lang na tahimik si Presea.

Napalitan ng tilian ang tawanan ng mga ito nang isa pang babae ang bumangga sa grupo ng mga ito. Tumapon sa mga babae ang laman ng dalawang basong dala ng isa pang babae.

“You stupid, stupid woman!”

“Look what you’ve done to my dress!”

“Drunk bitch!”

Kung hindi pa niya naalalayan agad ang babaeng bagong dating ay baka sumubsob na ito sa naka-display na estatwa roon.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Presea nang sa wakas ay iwan na sila ng mga babae.

“Serves them right,” sabi nito. Agad niyang naamoy ang alak dito. “Ang ingay kasi nila, eh. Istorbo sila sa pagsesenti ko. Teka, puwede mo ba akong ikuha pa ng whiskey? Hindi pa kasi umiikot ang paningin ko. Kailangan ko ng mas matapang na alak para siguradong maging manhid na ang pakiramdam ko.”

“Pero lasing ka na. Tama na siguro ang nainom mo.”

“Hindi pa ako lasing. Nakita mo naman, deretso pa akong magsalita. Kailangan ko pa ng kaunting tapang galing sa alak bago ko harapin si Rath.”

“Rath?” Itinuro nito ang lalaking nasa gitna ng atensiyon ng mga babae roon. “Ah, si Rex.”

“Who’s Rex?” Nag-umpisa itong humikbi nang hapitin ng lalaki sa baywang ang pinakamalapit na babae. “I love him, you know. I’ve always loved him the moment I saw him. But he turned me down and now I want to die.”

“Siguro hindi siya worth it.”

“Everything is worth it when it comes to the only man you love.” Impit nang umiiyak ngayon ang babae. “Ano pa ba ang kulang sa akin? Sabihin mo nga, ano ba ang ayaw niya sa akin? Pangit ba ako? I know my boobs aren’t as big as theirs but I can do something about it.”

“Ha? Eh… hindi ko alam, eh. Pero sa tingin ko, kung talagang gusto ka ng lalaking iyon, wala siyang pakialam sa kung ano ang hitsura mo.”

Lalong lumakas ang impit na pag-iyak ng babae nang halikan ni Rex ang isa pang babae sa tabi nito. Nang maglakad palabas ng silid na iyon ang babae ay ipinasya niyang samahan na lang ito at baka kung ano pa ang mangyari dito.

“Hindi ako papayag na mapunta sa iba si Rath nang hindi man lang niya ako nakikilala nang husto.”

Kung ano-ano pang pagbabanta ang sinabi ng babae pero wala siyang sineryoso sa mga iyon. Alam kasi niyang dala lang iyon ng espiritu ng alak.

“Presea.”

Ang big boss nilang si Denniz Serrano ang nalingunan niya.

“Good evening, Sir.”

“Good evening.” He was looking curiously at the woman. “Faye? Ikaw ba `yan?”

“Hi, Denniz.”

Napabuntong-hininga na lang ang lalaki. May kung sino itong sinenyasan at ilang sandali pa ay may dalawa nang hotel attendants na lumapit sa kanila.

“Pakidala si Miss Salcedo sa room fourteen-o-five.” Nakangiti siya nitong binalingan. “Kinakapatid ko si Faye. Palagay ko, sinundan na naman niya dito ang kanyang iniirog. `Buti nakapasok siya sa party ni Ken. Kunsabagay, lahat naman ng babae welcome doon.”

Pinagmasdan lang ni Presea ang babae habang maingat itong akay ng mga attendant.

“Kumusta na nga pala kayo ni Vash?” Nagtataka niyang tiningnan si Denniz. His gray eyes were shining with mischievous glint. “He told me.”

“I… I’m sorry, Sir. Alam ko na mali ang makipagrelasyon sa mga guest—”

“Vash is not a guest in our hotel. And anyway, kahit naman guest pa siya dito at nagkaroon kayo ng relasyon, hindi naman na sakop ng management ang mga puso ninyo.”

“Sir?”

“Yes?”

“Sinabi ninyo noon na hindi ako dapat ma-in love kay Vash dahil sa kabaitan niya.”

“And you didn’t, did you?”

Madali lang sagutin iyon dahil sigurado siya sa nararamdaman. “No, Sir.”

“Good. Stay that way. Siyanga pala, natanggap ko na ang resum

é

mo. And I think qualified ka nga na ma-promote as assistant events manager. Congratulations, Miss Nolledo. You deserve it.”

Pero bakit parang hindi niya maramdaman ang kasiyahang dapat ay nararamdaman ngayon? Naisip niya si Vash. Ito kaya ang nagpadala ng resum

é

niya sa opisina ng kanilang big boss? Hindi niya mapigilang may mamuong galit sa kanyang dibdib.

“Presea, nandito ka lang pala.” Boses iyon ni Vash. He wrapped his arms around her when he approached her from behind and kissed her cheek. “Akala ko umalis ka nang hindi nagpapaalam.”

Wala na sa harap niya si Denniz kaya puwede na siyang magsalita ng kahit na ano sa binata. “Vash, sana sa susunod, tanungin mo muna ako kung kailangan ko ng tulong mo.”

“What?”

“Narinig mo ako. Excuse me, mauuna na ako sa `yo.”

“Presea!”

Pero hindi na na niya nilingon ang lalaki. Mas mabuting umalis na siya sa harap nito hangga’t wala pang nararamdamang ano mang sakit ang kanyang puso.