noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 9

9

A

bala sa

pag-iimbentaryo si Winry nang may maglapag ng isang bungkos ng red roses sa kanyang mesa.

“Red roses for the beautiful lady.”

Nakatitig lang siya sa mga bulaklak. At iisang tao lang ang naaalala niya. Isang taong pilit niyang kinakalimutan pero salamat sa istorbong ito, back to square one na naman siya. She turned to the man in front of her. Hindi niya ito kilala.

“I’m Cedric Avecilla.” Iminuwestra pa nito ang coffee shop sa tapat ng restaurant ni Winry. “Kapitbahay mo.”

“Ikaw pala ang may-ari ng Café Helenas.”

“Medyo. Hati kami ng kuya ko, actually. Mind if I sit down?”

“Not at all.” Mabuti na ang mapagsabihan ito ngayon pa lang at nang hindi na siya ulit istorbuhin pa. “What can I do for you, Mr. Avecilla?”

“Cedric na lang. O kaya naman, Cid for short, kung gusto mo.”

“Okay, Cedric. Or Cid. What can I do for you?”

Tiningnan nito ang mga resibo sa ibabaw ng table. “Naiistorbo ba kita?”

Nagkibit-balikat lang si Winry, saka inayos ang mga resibo. “Not really. Patapos na rin naman ako, so it’s okay.”

“I see. Mabuti kung gano’n.” Eksaherado pa itong tumikhim. “Magkakaroon kasi ng anniversary celebration ang real estate company na hawak ng Kuya Denver ko. Ako ang nautusan niyang maghanap ng magke-cater para okasyong iyon. And I was thinking na ang services ng restaurant mo ang kunin namin.”

“Cater? But we don’t do catering services…” she said, although she was thinking of venturing into the catering business.

“Ganon ba? Well, don’t you want to try it? May tiwala na ako sa quality ng food na ino-offer ninyo at highly recommended ka rin sa akin ng kaibigan ko.”

“Kaibigan?”

“You dated him once. Neiji Villaraza?”

Muntik pang masamid si Winry nang marinig ang pangalan ng binata. “Ah… we… we didn’t date. Nagkaroon lang ng kaunting pagkakamali kaya kami ang…” Saglit siyang tumikhim at kinuha ang kanyang organizer. “All right, I’ll take your offer. Kailan ang date ng anniversary at ilan ang mga taong dadalo?”

“May meeting ako within an hour. How about if we get together this afternoon so we could talk about the details nang walang istorbo?”

“Okay lang. I’ll let my chef prepare some dishes that we could offer.”

“That would be great.” Cid offered his hand to her. “Thanks, Winry. I’ll see you this afternoon.”

“See you.” Tinanggap na niya ang kamay nito, nang mapatingin siya sa mga bulaklak sa table. “

b

y the way, thanks for the flowers. Kahit hindi mo na kailangang magdala nito para lang kausapin ako.”

“Hindi sa akin galing iyan.”

“Hindi sa iyo?”

“That’s from your secret admirer. Ipinaabot lang sa akin.” Nakangisi ang lalaki nang kumindat sa kanya at nagtungo na sa bar counter. “Hi, Angel. O, hayan, dinalaw na kita. Siguro naman matutuwa ka na sa akin ngayon.” Itinaas ng assistant niya ang cellphone nito sa mukha ni Cedric. “

Hu u? Txt bak.

Oh, come on, Angel dear. I know you miss me…”

Secret admirer?

Tinitigan ni Winry ang mga rosas sa mesa. Sino naman kaya ang sira-ulong nagpadala niyon? May secret admirer pang nalalaman. Binalikan na lang niya ang ginagawang pag-i-inventory. Ngunit paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa mga bulaklak. She really could not stop thinking of Neiji. Ewan din niya kung bakit, samantalang ang pangit nga ng itsura ng mga rosas na ibinigay nito sa kanya noon. She sighed and picked up the flowers. Tinawag din niya ang isa sa mga waiter.

“Pakitapon ito sa basurahan.”

“Ma’am?”

“Ayokong may nakikitang bulaklak. May naaalala akong hindi ko dapat inaalala.”

“Itatapon ko rin ba ang mga bulaklak na nasa counter, Ma’am?”

“Hindi. Iyan lang.”

Tuluyan nang na-distract si Winry sa ginagawa nang sundan ng tingin ang kanyang waiter bitbit ang mga bulaklak na itatapon. Okupado na naman ni Neiji ang kanyang isipan. Kaya minabuti niyang dalawin na lang ang chef sa kusina na abalang-abala sa pagkanta habang naghihiwa ng kung ano-anong gulay.

I did it, my waaayyy…

“Mang Jose, baka may bigla na lang bumaril sa inyo dahil sa kantang iyan.”

“Ay, Ma’am, nandiyan pala kayo.” Hinubad nito ang suot na toque, a chef’s hat, at inilapat sa dibdib nito. Mahilig talaga sa mga dramatic gestures ang pinaka-head chef ni Winry. “Mabuti naman, Ma’am, at may nakita rin akong maganda. Nakakasawa na kasing tingnan ang mga gulay at karne rito.”

“Mang Jose, naman,” reklamo ni Rose, ang assistant nito. Na tinawanan lang din nila.

“Oo nga pala, Mang Jose. Puwede ba kayong magluto ng mga sample dishes na ipapatikim ko sa kliyente natin?”

“Kliyente?”

“Magke-cater tayo sa isang event. Sa tingin n’yo, kaya ninyo iyon? Okay lang naman na kumuha tayo ng isa pang chef para may makatulong kayo.”

“Kaya ko iyon, Ma’am. Hindi nga ba at matagal ko na kayong ibinubuyo na tumanggap na ng catering services para mas makilala ang restaurant natin? At wala kayong magiging problema sa pagkain. Ako’ng bahala. Sisiw lang iyan.”

“Thank you, Mang Jose. Maaasahan ka talaga kahit kailan. Sige, paki-prepare na lang ang mga special dishes na sa tingin ninyo ay magugustuhan ng kliyente natin.”

“Para saang okasyon ba, Ma’am?”

“Anniversary daw ng real estate business.”

“Sige, Ma’am. Ako na ang bahala. Tamang-tama, may bagong putahe akong natuklasan. Kung gusto ninyo, kayo muna ang unang tumikim, Ma’am.”

“Okay. Nasaan na?”

Napansin ni Winry ang eksaheradong pagkaway ng isa sa mga waitress sa labas ng kitchen. Nilapitan niya ito. “Ano ba iyon, Marie?”

“May naghahanap sa inyo, Ma’am,” excited nitong bulong. “Ang guwapo! Super!”

Hindi na siya nagtaka sa reaksyon ni Marie. Lahat naman kasi ng makita nitong guwapo ay ganoon ito ka-excited kapag ibinabalita sa kanila roon.

“Marie, may ginagawa pa ako rito. Sila na lang ang yayain mo—”

“Hinahanap kayo, Ma’am.”

“Bakit daw?”

“Hindi ko rin alam, Ma’am. Basta gusto raw kayong makausap, eh.”

“Sige, pakisabi pakihintay na lang ako sandali—”

“Ngayon na, Ma’am. Mukhang naiinip na siya, eh. Napapakunot-noo na rin kasi siya. Hindi nga lang nababawasan ang kaguwapuhan—”

“Ma’am Winry, handa na ang special dish,” tawag ni Mang Jose. “Mas okay `tong tikman, Ma’am, kung bagong luto.”

Nilingon niya ang chef. May-pagka-sensitive ito pagdating sa pagkain na iniluluto kaya inuna na niya ito.

“Sabihin mo maghintay lang siya sandali,” aniya kay Marie na agad kumaripas ng lakad palabas ng kitchen. Tinikman niya ang pagkain. “As usual, masarap pa rin. Ano’ng tawag dito?”

“Winry’s Heart. Grilled salmon iyan, with my special secret seasonings, onions, red bell pepper and tomato cream sauce on top.”

“Winry’s Heart?”

“Yes, for you, Ma’am. Napansin ko ho kasi nitong mga nakaraang araw na medyo matamlay ka at gusto kong mapasaya ka naman kahit sa pamamagitan lang nitong aking obra maestra.”

“That’s really nice, Mang Jose.” Na-touch talaga siya sa sinabi nito. She hugged the good old man. “Thanks. And by the way, this is really delicious.”

“Salamat, Ma’am. Kaya huwag ka na sanang malungkot, Ma’am. Gaya ng Winry’s Heart na iyan na bagong tuklas ko lang, magkakaroon ka rin ng bagong tuklas na pag-ibig sa mga darating na araw.”

Natawa na lang si Winry. “Wala namang kinalaman sa puso ang kalungkutan ko. Tinatamad lang talaga ako kumilos o mag-react dahil masyadong mainit ang panahon.”

He gave her an understanding smile. “I’m not just a chef, my dear child. Isa rin akong magaling na observer, lalo pa at ang involved ay ang pinakamamahal naming amo rito sa Winry’s Corner.” Nabaling ang atensyon nito sa kung sino man sa likuran niya. “O, nandito na ang secret admirer mo, Ma’am.”

“Secret admirer—”

Pakiramdam ni Winry ay sinipa siya ng kabayo sa dibdib nang makita kung sino ang tinutukoy ng kanyang head chef. Neiji was standing at the kitchen’s entrance, holding the flowers she disposed of a moment ago.

“You just don’t get rid of me the way you got rid of these flowers, Winry.” Lumapit si Neiji.

Napaurong naman siya palayo.

His sudden appearance rocked her system. Mula nang huling araw silang nagkita sa hacienda ay pinilit na niya ang sariling masanay na hindi na makikita pang muli si Neiji. Pinagtitiyagaan na nga lang niya ang mga larawan nito sa kanyang cellphone kapag nami-miss na talaga niya ito. Pero hindi siya nakapaghanda sa posibilidad na puwede pa pala silang magkitang muli. Kaya ngayon ay heto siya, hindi alam ang gagawin.

“Why did you throw these flowers away? Pinaghirapan kong piliin isa-isa ang mga ito…”

“H-hindi ko naman kasi alam na galing pala sa iyo ang mga iyan.”

“I put a note in here.” Kinuha nito ang maliit na puting sobre na hindi napansin ni Winry kanina. “Hindi mo rin ito binasa?”

Oh, dear Lord! I’ve missed you! Bakit ganyan ka kung umasta, Neiji? Hindi mo ako kliyente!

“Hindi.”

“Bakit? Hindi ka ba na-curious kung sino ang nagpadala sa iyo nito?”

“Wala akong panahong mag-aksaya ng oras sa mga secret admirer.”

“Secret admirer? I specifically told Cedric to tell you that those flowers came from me. Ibibigay niya ito sa iyo kapag nakita ka niya dahil may importante lang akong pinuntahan sandali—”

Tinapik ni Winry ang mga bulaklak. “Then balikan mo na ang mga importante mong kliyente at baka mabulilyaso pa ang mga business transaction mo. I don’t need those flowers, anyway. Marami akong mabibili niyan doon sa kanto—”

“I don’t have any clients now.”

Bagsak ang mga balikat niya. Kung ganoon, kaya lang siya naalala ni Neiji ay dahil wala itong kliyente. “Hindi ka na dapat nagpunta pa rito, Neiji. I’m doing fine now. Bakit kailangan mo pang magpakita uli?”

“Winry—”

“I was trying my best to forget you, all right? Tanggap ko naman na hindi mo na talaga ako mapapansin dahil mas mahalaga sa iyo ang mga negosyo mo.”

“Sino’ng may sabi?” kunot-noo nitong tanong. “And why were you trying to forget me?”

“Neiji…” Napabuntunghininga na lang si Winry. Ito na nga siguro ang tamang panahon para sabihin niya kay Neiji ang nararamdaman. Para hindi na lang siya ang nakakaalam. Nahihirapan na siyang isekreto iyon kaya bahala na nga ito kung ano ang gagawin sa mga maririnig sa kanya. “I’m in love with you, okay? Noon pa. Noong unang beses kitang makita roon sa Café Helenas, nakuha mo na ang puso ko kahit mga kliyente mo ang pinagtutuunan mo ng pansin. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon sa akin samantalang ni minsan ay hindi nga ako nagkaroon ng interes sa lalaki, may gusto man sa akin o wala. Inisip ko rin noon na dahil lang iyon sa sobrang eager ko na ma-in love kaya nang makita kita at kausapin mo ako, ikaw na ang nakita ng puso ko…

“Pero hindi naman gano’n ang nangyari, eh. Na-realize ko lang iyon nang magkasama tayo sa hacienda. I fell in love with you the moment I saw you because you’re the one I’ve been waiting for my whole life, Neiji. Because my heart won’t just settle for anyone, unless it was you. But you had your own life. At hindi ako kasama roon. Tanggap ko naman iyon, eh. Kaya nga pinilit ko na lang na kalimutan ka. Charge everything to experience, and just treasure all those memories that we had. Kaya puwedeng bang alang-alang man lang sa mga munti nating pinagsamahan, huwag mo na akong pahirapan pa? Leave me alone if you don’t want me, Neiji. Because…I really want to fall in love again. I want to have my own family in the future. Pero hindi ko magagawa iyon kung laging tumitibok ang puso ko sa tuwing nakikita kita. At hindi iyon puwede. I’m not getting any younger and I really don’t want to end up like my aunt who died alone and lonely. I want to have someone, Neiji. `Yong hindi ako iiwan dahil lang sa isang tawag ng kliyente. So, please, kung wala ka na rin namang maio-offer sa akin, just… go.”

Namalayan na lang ni Winry ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga pisngi. Umiiyak na pala siya, sa harap pa ng lalaking ito. Nagtapat na nga siya ng nararamdaman, naiyak pa siya. Nakakahiya. Ilang sandali ring nanatili sa harap niya si Neiji, tahimik at tila ba pinag-iisipan nang husto ang mga sinabi niya para maintindihan.

And then she saw him bring his arm down to his side, flowers still in his hand. Ilang sandali pa, nakita naman niya itong kumilos. Palayo. Napakagat-labi siya.

Kaya mo iyan, Winry. You can still find your second love somewhere out there… beneath the pale moonlight… Kumanta daw ba?

Okay na iyan, kaysa naman mabaliw siya nang wala sa oras.

“Did you say… you loved me?” Neiji was standing by the kitchen door now, total confusion written all over his handsome face. “And why the heck am I walking away from you…”

“Dahil kailangan mo nang balikan ang mga kliyente mo.” Pinapalis na ni Winry ang kanyang mga luha, na tila wala pa ring balak na huminto sa pagpatak. “I need to go to the bathroom.”

“Okay, stop right there.” Tuluyan nang bumaling sa kanya si Neiji, puno na ng determinasyon ang guwapong mukha. At tila malinaw na rin ang gusto nitong patunguhan sa buhay. “First of all, hindi ganon kaimportante ang mga kliyente ko para itapon ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. And second, you were never a distraction to me. Ang mga kliyente ko pa nga ang istorbo sa pakikipaglapit ko sa iyo.”

“Oh, really?” Sumandal si Winry sa kitchen counter upang kumuha ng suporta. She was really getting tired of these confrontations.

He heaved a deep sigh and watched her intently without saying anything. Ngayon lang napansin ni Winry ang tila pagod sa mukha ng binata. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong nang lumapit ito sa kanya, malapit na malapit.

“I heard you say you loved me,” ulit nito.

“Congratulations. Naintindihan mo na rin sa wakas.”

“So, you do love me.”

“Yes. Do you have a problem with that?”

“No. It’s just that I… happen to have something more to offer.” His nothing meant sweeping her into his arms and kissing her deeply on her lips.