noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

Chapter 10

10

H

indi na alam ni Winry kung ilang minuto na silang naghahalikan ni Neiji. Basta ang alam lang niya, kuntento siya ngayon. His hot kisses were like a soft breeze to her wounded heart. Nakalimutan na nga yata niya kung ano na ang pinagtalunan nila.

That’s how much she was willing to give up. Handa niyang kalimutan ang lahat ng hinanakit niya sa mundo, basta nasa mga bisig lamang siya ni Neiji. Basta nararamdaman lang niya ang mga halik nito.

“Winry—” Neiji tried to speak but he kissed her again, as if he was unwilling to let go of her lips, unwilling to end those sweet kisses. “I lied when I told you I never wanted to kiss you.”

Lalo pang lumalalim ang mga halik ni Neiji na tila ba nais patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi nito. Na tila ba nais nitong burahin sa alaala niya ang kasinungalingang minsan na nitong sinabi sa kanya.

Okay, done. Nakalimutan na niya iyon.

They were both panting when their lips finally parted. But he did not let her go and continued to rain tiny kisses on her face. Hinahaplos din nito ang kanyang buhok at pisngi.

“Ever since I saw you that early morning at Café Helenas wearing only your pajamas, hindi ka na nawala sa isip ko, Winry. Kapag nagkakaroon ng pagkakataon ang isip ko na magpahinga sa kaliwa’t kanan kong negosyo, ikaw lagi ang naalala ko. I never got tired of thinking about you. I never got tired of remembering your scent.” Dinampian nito ng halik ang kanyang buhok. “No woman has ever caught my interest the way you did. Doon sa Café Helenas, sa Stallion Riding Club, dito sa restaurant. Kahit saan ako lumingon, gusto kong ikaw lagi ang nakikita ko. Akala ko noong una ay interesado lang ako sa iyo dahil… dahil… teka, pa-kiss muna uli.” And then he kissed her again.

“Tell me this isn’t just a big joke, Neiji.”

“Do you see me laughing?”

Oo nga naman. “So… may iba ka pa bang sasabihin?”

“Can I just kiss you instead?”

“No.” Napangiti na lang si Winry nang eksaheradong nagpakita ng lungkot si Neiji. “May kailangan ka pang linawin bago ka makahalik uli, mister.”

“I know, I know.” Malakas itong nagpakawala ng hininga. Ngunit hindi na siya binitawan ng binata. “Ilang beses na pala kitang nasaktan nang hindi sinasadya. Pero sa kabila n’on, minahal mo pa rin ako. I’m really sorry about it. I was such a jerk.”

“Yes, you were.”

“Aray,” natatawa nitong sambit. “I deserved that. Sa dami ng sama ng loob na ibinigay ko sa iyo.”

“So? What’s the meaning of all these…”

“Kisses?”

“Drama,” pagtatama ni Winry.

“Can I kiss you again first?”

“Neiji.”

“Okay. I love you. I’ve been in love with you since… I guess since that early morning when we first met. Dahil mula nang araw na iyon ay hindi na kita nakalimutan. Tatlong beses pa akong nagpabalik-balik sa Café Helenas, hoping to see you again. Pero hindi ka na bumalik.”

“Pero bumalik din ako roon. Ilang beses din.”

“Bakit hindi kita nakita?”

“Anong oras ka ba nagpupunta?”

“The same time we first met. Very early in the morning.”

“Kaya naman pala. Tulog na ako n’on. Bumabalik-balik ako tuwing pagkatapos kong maisara itong restaurant, with the excuse na bibili lang ako ng kape bago umuwi.”

“No wonder hindi tayo magtagpo.”

“Siguro hindi pa iyon ang tamang panahon para magkita tayo.”

“Siguro rin, binaliw muna ako ng tadhana para kapag nagkita na uli tayo, wala na akong kawala sa nararamdaman ko sa iyo. Which was why, nang makita kitang kasama ni Jigger no’ng gabi ng supposed to be ay date ninyo sa Stallion Riding Club, gusto kong paliparan ng cellphone ang isa sa kambal na iyon.”

“Don’t tell me, nagselos ka?”

“Just for a few minutes. Then nang ipasa ka sa akin ni Jigger, pinatawad ko na siya agad.”

“Hindi halatang natuwa ka na makasama ako. Sinigaw-sigawan mo nga ako noon dahil pinakialaman ko ang kuwarto mo, hindi ba?”

“Sorry na.” He gently touched her head as if trying to console her wounded soul. But the look of love in his eyes as he continued to gaze at her, did wonders to her flip-flopping heart. “Nalilito pa kasi ako noon kaya medyo tagilid pa ang takbo ng utak ko. It was the first time I ever felt that way and it scared the hell out of me. Nawalan na ako ng kontrol sa sarili kong emosyon, at hindi ko iyon matanggap. I mean, the only thing na makakapagpaalog sa mundo ko ay mga biglaang malalaking problema sa mga negosyo ko. Which I normally take charge of and solve within a few days. `Yong nangyari sa akin dahil sa iyo… every time na nararamdaman ko ang mga kakaibang damdaming hindi ko maintindihan at maipaliwanag, nawawala ako sa sarili ko. And it only grew worse everyday. So I backed out. Ginawa kong excuse ang pagkakalinis mo sa kwarto ko para lumayo sa iyo dahil kailangan ko na uling kontrolin ang emosyon ko. Nang magkahiwalay tayo ng landas sa SRC, akala ko babalik na uli sa dati ang lahat. That I’ll have my organized life back. Pero nagkamali ako. The moment we met, my life was destined to change. Kaya hinanap kita. Nang magkita naman tayo sa restaurant, mali pa rin ang diskarte ko. Nagalit ka. Nainis naman ako dahil nagalit ka. Hindi na kita dapat lalapitan pa kaya lang narinig ko si Cedric na nagbabalak na ligawan ka. And I hated the idea of you having another man beside you. Ayoko. Naiirita ako.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, pagkatapos ng huling deal ko sa isa kong kliyente, saka kita pagtutuunan ng pansin. Pero hindi rin ako nakatiis. Nakipag-unahan ako sa mga bidder na mabili ang hacienda ng lolo mo.”

“Alam mong lolo ko ang may-ari ng lupaing iyon sa Palawan?”

“Of course. Sila ang una kong sinuyo. At ipinakita ko talaga sa kanila ang magandang side ko para bumoto sila sa akin. I don’t really care whether I get the land of not, as long as I get to spend more time with you, so you’ll get to know the good side of me. So you’ll fall in love with me.”

“Gano’n? Eh, bakit nang magtapat ako sa iyo doon sa hacienda namin, wala ka namang ginawa? You just let me go.”

“You were nowhere to be found. Sinundan kita pero hindi kita makita. Saan ka ba kasi nagpupupunta noon?”

Napangisi na lang si Winry. Oo nga naman. Nagpaikot-ikot siya noon sa kanilang bayan at hindi sinasagot kahit isang tawag mula sa binata o sa kanyang mga lolo at lola. “Sorry. Akala ko kasi wala na talaga tayong pag-asa kaya nagpalipas ako ng sama ng loob kakaikot sa kung saan-saan.”

Napabuntunghininga na lang si Neiji. He pulled her even closer in his embrace, and lovingly kissed the tip of her nose. “I’ll forgive you because I love you.”

Lumobo nang husto ang puso ni Winry sa narinig. She leaned against his broad chest, and listened to the fast beating of his heart. “Ang lakas ng tibok ng puso mo, Neiji.”

“That’s what you always do to me. You make my heart beat crazily even when you didn’t do anything. You just make me fall in love with you every single freakin’ second. Ipinakulam mo ba ako?”

“Hindi. Pero isinumbong kita kay Lord. Sabi ko, if I can’t make you love me, then why didn’t He make you fall in love with me?”

“Binigyan mo pa talaga ng choice si Lord, ha?”

“Sigurista lang ako.”

“And I love you even more for that, Winry.” He planted a light kiss on her head. “Thank you for choosing me.”

“I didn’t choose you.”

“I didn’t choose you, either.”

Napangiti na lang si Winry habang patuloy na dinadama ang malakas na tibok ng puso ng binata.

They did not choose each other.

But she was more than happy that they still ended up with one another.

“I’ll make you happy in any way I can, Winry. Yayakapin kita kung kailangan mo ng kayakap. Sasamahan kita hanggang sa pagtanda mo. Ako ang mag-aalala sa iyo. You’ll never be lonely again, because I’ll always be here for you… just don’t make me go away.”

“Katangahan na kung gagawin ko iyon.”

“I’m glad to hear that. Pa-kiss ulit.”

“I’m glad to oblige.” She smiled and looked at him as she accepted his kiss.

Wakas