Chapter 2
2
“
Y
ou’re resigning?” Tumango lang kay Winry ang kanyang longtime cashier. Hawak niya ngayon ang resignation letter nito. “Bakit biglang-bigla naman yata, Lea? May problema ka ba sa trabaho mo rito?”
“Wala naman, Ma’am. Medyo naghahanap na lang siguro ako ng bagong environment.”
“So, you’re bored here?”
“Ahm… parang gano’n na nga, Ma’am. Ilang taon na rin naman akong nagtatrabaho. Ngayong tapos na ako sa obligasyon ko sa mga kapatid ko, gusto ko namang bigyan ng atensyon ang sarili ko. Lahat na ng miyembro ng pamilya ko ay may magandang trabaho na at maayos na buhay. Kinalimutan ko muna ang love life at social life ko para matulungan ang pamilya namin. Ang sabi nila, ako naman daw ang bibigyan nila ng love life.” Tumawa pa ito. “Sa totoo lang, Ma’am, matagal ko na rin naman talagang gustong magka-boyfriend. Nagsasawa na akong maging single. Isa pa, hindi na rin naman ako bumabata kaya dapat lang naman na maghanap na ako ng makakasama sa buhay, hindi ba?”
Nagpaparinig pa yata ang luka-lukang ito.
Pero ang mga sinabi ni Lea ang lalong nakapagtulak kay Winry sa desisyong tuluyan nang bigyan ng pansin ang kanyang love life. Tinanggap na niya ang resignation nito.
“Ayaw mo ring mamatay nang virgin, ano?”
“Ayaw, Ma’am. Gusto ko ring makatikim ng biyaya ng Diyos sa kababaihan bago ako mamaalam sa mundo,” natatawa nitong sagot. “Ma’am, hindi sa nakikialam ako sa inyo, ha? Pero sa tingin ko, dapat na rin ninyong pag-isipan ang status ninyo ngayon. Mahirap mamatay na mag-isa.”
The image of her aunt dying alone and lonely at her house popped in Winry’s mind. Sumunod niyang nakita ang sarili sa posisyon nito. Natakot siya. Pinirmahan na niya ang clearance ni Lea. Sa likod ng papel ay isinulat niya ang kanyang cellphone at telephone number.
“Ipamahagi mo ang numero ko sa lahat ng lalaking matino at available na kilala mo. Bibigyan kita ng bonus pagkuha mo ng huling suweldo mo.”
“Yes, Ma’am!” Abot-tenga na ang ngiti nito. “Thank you, Ma’am.”
“Good luck on your new life.”
“Kayo rin, Ma’am.”
Masyado yatang natuwa sa kanya si Lea kaya hindi na muna ito umalis nang araw na iyon. She still spent her whole day behind the counter. Si Winry naman ay nag-umpisa nang maghanap ng manpower agencies kung saan makakakuha siya ng agarang kapalit ng kanyang cashier, nang sumulpot sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon sa coffee shop kagabi.
Napasulyap siya sa coffee shop na nasa kabilang kalsada lang ng restuarant na pag-aari niya. Nasa pinaka-sulok siya ng restaurant nakapuwesto kaya malaya niyang mapagmasdan ang naturang establishment dahil glass wall naman ang haligi ng harapan ng restaurant niya. Idagdag pang may mga nakatanim na halaman sa labas kaya hindi siya mahahalata ng kung sino man na pinag-iinteresan ang mga tao sa kabilang establishment.
“Naroon kaya siya ngayon?” mahinang sambit ni Winry. “I wonder if he has a girlfriend…”
Yeah, she was that curious. Ewan din niya. Basta lang. There was just something about that guy that she could not seem to get out of her system.
Must be that smile.
“At parang kaibigan din niya ang mga tauhan sa coffee shop na iyon imbes na empleyado ang turing niya.” Lihim siyang napangiti. “Very nice.”
Sayang lang at hindi na niya uli nakita ang lalaki. Ilang madaling-araw na rin kasi siyang nagbalik sa naturang coffee shop pero ni minsan ay hindi niya ito nakita.
Oo, ganon katindi ang naging dating sa kanya ng lalaking iyon.
Makikita ko pa kaya siya? Magkikita pa kaya uli kami?
“Uy, naghihintay na naman sa kanyang iniirog si Ma’am.”
“Malala na ito.”
“Ma’am, sabihin na kasi ninyo sa amin kung sino ang lalaking iyon at nang ma-kidnap na namin para sa inyo. Ngayon lang kayo nagkaganyan kaya dapat lang na samantalahin na ang pagkakataon.”
Nginitian lang ni Winry ang mga tauhan. Wala pang masyadong customer dahil katatapos lang ng lunchtime, kaya maluwag pa ang mga oras ng mga ito.
“Huwag na at baka mausog pa,” sagot niya.
“Ma’am, gusto ninyo ng blind dates? May kuya akong guwapo at matalino.”
“Sige.”
“Ma’am, ako may uncle na nasa Saudi. Uuwi siya sa susunod na buwan at nagpapahanap din siya ng makaka-date.”
“Marami ba siyang Saudi gold?” biro niya. “Sige, ibigay mo rin sa kanya ang numero ko. O, sino pa’ng may uncle at kapatid o pinsan o hardinero diyan na mabait, guwapo at matino?
p
akibahagi na lang ang contact number ko. Siguraduhin lang ninyo na walang sayad ang mga iyan dahil kung hindi, sisante kayong lahat.”
Nagtawanan lang ang mga ito. Tumanaw si Winry sa labas. Pero sa totoo lang, ang lalaking iyon na nakita niya ilang araw ang nakakalipas ang talagang gusto sana niyang makita uli. Siya na mismo ang magyayaya rito na lumabas kung kinakailangan.
Hindi niya gawain ang magyaya sa isang lalaki. But, there’s always a first time for everything. Isa pa, tingin niya ay okay naman ang lalaking iyon. Kung hindi, eh, di sasapakin na lang niya, `tapos move on sa susunod na lalaking makakapasa sa standard niya. Sana lang marami-rami pa ang natitira na para pagpilian niya.
Choosy ba? Hey, I’m a woman of substance. Of course I have the right to be maarte.
Right?
“Right,” sagot niya sa sariling tanong.
TINAMAAN na naman si Winry ng pagkabagot nang araw na iyon kaya matapos magbukas ng restaurant ay nag-ikot-ikot siya sa pinakamalapit na mall. Tumitingin-tingin din siya ng mga bagong gimik ng mga restaurant doon pati na rin ang mga interior designs na magagamit niya sa sariling restaurant. Next time na lang siya magpu-food test. Gawain na niya iyon kapag nakakakita siya ng mga restaurant. Ganoon siguro talaga ang mga gaya niyang restaurateur, mainit ang mga mata sa mga kalabang restaurant.
O kaya naman, sa sobrang boredom siguro ay kung ano-anong ideya na lang ang naiisip niya. Nagpapauso ng mga bagay-bagay. Nakita niya ang booth ng Wow! Philippines ng Tourism Department. Kinuha niya ang brochures na ibinigay sa kanya ng tauhan doon. She looked at it. Palawan. Siguro bakasyon lang ang kailangan niya para mawala ang mga pinag-iisip niya tungkol sa mga lalaki. Ilang taon na rin siyang hindi nakakapagbakasyon nang bongga dahil sa pagtutok sa pagpapalago ng kanyang negosyo. Maybe she could take that vacation next month. Aayusin lang niya ang mga dapat ayusin sa kanyang restaurant, saka siya maglalakwatsa.
Napadaan si Winry sa isang appliance center kung saan naglalakihan ang mga telebisyon sa display window.
And then maybe I should get one of these plasma TVs.
O kaya naman ay ang shampoo na kasalukuyang kino-commercial nang mga sandaling iyon sa mga naka-display na
tv
. Napakaganda ng buhok ng modelo. Sa isang tila rancho ang location kung saan kinuhaan ang naturang patalastas kaya naman napakaganda ng background image. The female model was riding a horse and her silky, long black hair was shining in the rays of the sun. Meanwhile, handsome men on the side of the track looked at her in admiration.
Inihit ng ubo si Winry sa iniinom na fruit shake nang mag-pan ang camera sa hilera ng mga lalaki. Napadikit pa siya sa salaming dingding upang lalong makita ang nag-iisang lalaki sa commercial na nakakuha ng kanyang atensyon. Sandali lang ang commercial ngunit sigurado siyang iyon ang lalaki na nakita niya sa coffee shop ilang madaling-araw na ang nakakalipas!
“Buy Stallion Shampoo and Conditioner and get a chance to win cash prices and a date with one of these gorgeous men.”
Nagulat pa si Winry nang marinig ang tilian ng mga babae sa kanyang tabi. Lima ang gaya niya ay nakatanga lang din sa naka-display na mga telebisyon nang mga sandaling iyon.
“Oh, my God! Gusto kong manalo!”
“Gusto ko ng isa sa mga
papables
na iyan!”
“Halika na, Maricon! Pakyawin na natin ang Stallion Shampoo sa grocery!”
“Ate Mhelai! Hintayin mo ako!”
Sukat sa narinig ay tila may kung anong sumundot din kay Winry nang makitang nag-uunahang tumakbo ang mga babae patungo sa direksyon ng supermarket ng naturang mall. Pasimple siyang sumunod sa mga ito. Ngunit nang makita na may iba pang kababaihan ang tila nag-uunahan na sa pagpasok sa entrance ng supermarket, bumilis na ang mga lakad ni Winry.
Hah! Dala ko ang credit card ko. Ewan ko lang kung hindi pa ako nito magkaroon ng chance sa guwapong mama na iyon.
Inilista na rin niya sa isip ang lahat ng grocery stores na puwede niyang puntahan para makabili ng Stallion Shampoo and Conditioner na iyon.
“Fighting!”
TAMANG-TAMA lang
ang
pagtatapos ng usapan ni Neiji sa kanyang kliyente sa telepono nang pumasok siya sa Stallion Lounge. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya. Dalawang beses na kasi siyang nasabak sa dressage arena laban sa iba pang miyembro ng Stallion Riding Club, ang exclusive riding club na kinabibilangan niya. Dressage was an equestrian sport that usually involved riders making their horses do intricate movements to win. Wala gaanong racing competition sa dressage.
b
agkus, mas ipinapakita rito ang pagiging masunurin ng mga kabayo sa kanilang mga rider. Ito rin ang paraan upang makita kung anong kabayo ang may pinakamagandang porma sa arena. At siya ang nanalo roon. Ngayon.
His co-members were competitive and they almost always wanted to beat each other. At iyon ang pinakagusto ni Neiji sa riding club na iyon. Hindi sila nagsasawang ipakita sa isa’t isa kung sino ang pinakamagaling. Pero ang lahat ng iyon, friendly competition lang. After that, makikita na silang mga miyembro na nagkakatipon-tipon sa mga restaurant at cafés na naroon sa loob ng club para mag-unwind.
May umakbay sa kanya bago pa man siya makalapit sa bar counter upang um-order ng maiinom. Ang kambal na sina Jigger at Trigger Samaniego.
“Sino ba ang nagsabi sa iyo na maglabas ka ng announcement sa telebisyon na kasama kami sa promotion ng shampoo commercial mo?”
“Neiji, my boy, pumayag na nga kaming um-extra sa commercial na iyon, pati ba naman sa mga promos, eh, idadamay mo pa kami?”
Hinarap niya ang dalawa. “Kaya ko nga kayo kakausapin ngayon. Ipapatawag ko lang ang iba—”
“Nandito na silang lahat.” Inginuso ng isa sa kambal ang direksyon ng malawak at maaliwalas na dining area ng Stallion Lounge.
And true enough, lahat ng miyembro ng Stallion Riding Club na nag-volunteer na sumali sa shampoo commercial na ginawa ng kumpanya niya noong nakaraang buwan ay naroon. Kasindilim ng kanilang riding uniform ang ekspresyon ng mga ito. Napabuntunghininga na lang si Neiji.
Madugong paliwanagan ito.
“Huwag n’yo nga akong tingnan nang ganyan,” reklamo niya paglapit. “Baka isipin ng mga tao rito, dinaya ko kayong lahat sa dressage.”
Inilapag ni Zell ang broadsheet sa ibabaw ng mesa. Naroon ang larawan ng fiancée ni Jubei na si Temarrie na siyang modelo ng shampoo product. Pati na rin ang larawan ng ilang miyembro ng Stallion Riding Club na nag-volunteer na lumabas para sa naturang commercial.
“Kung alam ko lang na magpapalabas ka ng larawan namin, Neiji,” wika ni Zell, “I could have given you a much better picture of me. Hindi ganito. Ang pangit na nga ng kuha ng anggulo ng mukha ko, ang liit pa. Paano maaalala ng masa ang iboboto nilang susunod na lider ng bansang ito kung ganito lang kaliit ang picture ko rito?”
Napailing na lang si Eneru bago bumaling sa kanya. “Neiji, bakit naman hindi mo sinabi sa amin na may balak ka pala na magpalabas ng ganitong gimik para sa promotion ng bagong produkto ng kumpanya mo? Okay lang naman sana iyon kung alam namin. Kaso, sa telebisyon pa namin nalaman. Actually, ako kay Jhun ko lang nalaman dahil bigla na lang niya akong binatukan pagkatapos naming makita `yong commercial.”
“I was about to tell you,” sagot ni Neiji. “Ang problema, hindi ako makakuha ng magandang tiyempo. Naging masyado pa akong abala sa pag-aayos ng mga bagong products ng kumpanya ko kaya medyo nawala na rin sa isip ko. Ngayon ko na nga lang uli iyon naalala.”
“Neiji Villaraza,” singit ni Reid, Stallion Riding Club’s owner. “I want to see my horse kick you out of my club.”
“Bakit ba kailangan pa ng ganyang klase ng gimik, ha, Neiji?” tanong ni Eneru. “Pasaway ka. Bigyan mo kami ngayon ng talent fee.”
At hindi siya papayag. Dahil siguradong off-the-roof ang hihingin na talent fee ng mga ito para lang makaganti sa pagkaasar sa kanya. “Guys, listen. Gusto ko lang naman na mabigyan ng kaunting kasiyahan ang mga customers ng Stallion Shampoo and Conditioner dahil sa mainit nilang pagtanggap sa bagong produkto ng Mobliz Limited.”
“And you came up with… us,” pahayag ni Jubei.
“Well, according sa researchers ko, nakadagdag ang appearance ninyo sa commercial para mas mapansin iyon ng publiko.” Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang mga ito. Pero may isa pang alas si Neiji. “Okay. Para sa ikapapanatag ng kalooban ninyo, ten percent ng profit ng Stallion Shampoo and Conditioner ay mapupunta sa charity institution ng Stallion boy na mabubunot para sa dating promo. How’s that?”
Nagkatinginan ang mga Stallion boys sa isa’t isa, halatang pinag-iisipan ang kanyang sinabi. Pero para kay Neiji, panalo na siya sa argumento. Because no matter how much the Stallion boys wanted to project an untouchable image, inside, they were all just plain nice. Hindi tatanggi ang mga ito sa pagkakataon na makagawa ng kabutihan sa kapwa sa kahit na pinakamaliit na paraan.
“Okay. I’m in,” wika ni Gino. “It’s just a date, anyway.”
Isa-isa nang nagkibit-balikat ang mga miyembro, tanda ng pagsang-ayon.
“Neiji, I still think you’re a moron,” wika ni Reid, “for coming up with this idea without consulting us first.”
“Sorry. I just didn’t have enough time. Sa susunod—”
“Wala nang susunod.” Tumayo na si Reid mula sa kinauupuan. “I’m in. Kaya ihanda mo ang milyones mo dahil UNICEF ang gusto kong bigyan ng donasyon.”
“It’s a world organization, Reid. Pang-local lang tayo.”
“Nagrereklamo ka ba?”
“Hindi. Maganda ngang adhikain iyan. Let’s go global.”
That’s a good idea. I’ll market Stallion Shampoo and Conditioner all over the world next year.
“Anyway, naka-draw na ng winner kanina ang mga taga-DTI para sa nanalo sa promo. Ngayon, ang magiging ka-date na lang niya ang problema.” Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasamahan. “Nakapili na ako ng isa sa inyo. Unless, of course, may magbo-volunteer.”
“Bakit ikaw ang nagdesisyon kung sino ang magiging ka-date ng winner?” reklamo ng half Japanese na si Hiro. “Hindi ba dapat ay pag-usapan natin ito nang sabay-sabay?”
“Oo nga,” sang-ayon ng half Korean na si Shin. “Draw lots tayo. Para fair.”
“Okay. Madali lang naman akong kausap.”
“Hey. We’re the Stallion boys,” singit ni Daboi. “Kaya bakit hindi na lang natin idaan sa horse race ang pagpili sa makaka-date ng nanalo sa raffle promo? I’m pretty sure, lahat ay magpa-participate nang buong puso.”
“I agree,” wika ng isa sa kambal na nagtaas pa ng kamay. “Boring ang
j
ack en
p
oy.”
Nagtaas din ng kamay ang kakambal nito. “I second the motion, dancers.”
“Wait. Ite-televise ba ang mangyayaring date?” tanong ni Zell.
“Kung papayag si Daboi na ipalabas iyon sa cable channels niya.”
“Sure,” sagot ni Daboi.
“Nang libre.”
“What?!”
“It’s for a cause,” katwiran ni Neiji. Halata na napilitan na rin si Daboi sa wakas. “Good. Thank you. Iniisip ko rin na ilabas ang mga larawan ng dating promo sa mga diyaryo at magazines—”
“Then, I volunteer,” wika ni Zell. “Kailangan ko ng media exposure as much as I can para sa plano kong pagtakbo sa darating na eleksyon sa probinsya namin. Iboto n’yo ako, ha?”
“Ikaw ba ang makakalaban ko sa Sta. Barbara?” seryosong tanong ni Rozen Aldeguer, ang kasalukuyang mayor ng Sta. Barbara sa Laguna.
“Huwag kang mag-alala, Rozen, iyong-iyo lang ang pinakamamahal mong bayan. Sa ibang lugar ang balak ko—”
“Exempted ka, Renzell.” Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Paz Dominique, Neiji’s cousin, was standing right behind Zell’s chair. “Hindi puwedeng makipag-date ang fiancé ko.”
Lahat sila ay napalingon sa nag-iisang babaeng naglakas ng loob na sumali sa kanilang usapan. Naturally, kapag ganitong may importante silang pinag-uusapan ng mga miyembro ng club, walang sino man na hindi naka-riding uniform ang maaaring makisali sa kanilang usapan. Alam iyon ng lahat ng miyembro at guests na tumutuntong sa Stallion Riding Club.
Ano na naman kaya ang pumasok sa kukote ng babaeng ito?
Neiji’s cousin was known for her iron-clad stubborness. Palibhasa ay nag-iisang anak ng governor ng Davao at nagmula sa angkan ng mga politikong may matataas na posisyon sa bansa, malayo sa bokabularyo ni Paz Dominique ang salitang ‘privacy.’
Pero hindi rin maiwasan ni Neiji ang maintriga sa huli nitong sinabi. “You’re engaged to Zell?”
“Oo. Kaya nga hindi na siya puwedeng isali sa dating promo na iyan. Hindi ako pumapayag.”
“And… who are you?” baling ni Zell kay Paz Dominique.
Muling natahimik ang kanilang grupo. Napakamot ng ulo na lang si Neiji.
Here goes Princess Dominique again.
“You don’t know me. But I know you, and your parents know me. Sapat na iyon para ma-engage tayo.” Ngumiti pa nang pagkatamis-tamis ang dalaga. “Dapat pala ay nagpakita na ako sa iyo noong unang beses akong dumating dito. Para hindi ka nabigla nang ganito. Sorry about this. Pero gusto kasi kitang sorpresahin sana kaya…surprise!”
Walang reaksyon mula kay Zell. At inaasahan na ni Neiji na hindi papansinin ng lalaki ang pinsan niya dahil hindi ugali ni Zell ang makipag-usap sa mga taong walang kinalaman sa mga negosyo nito. Pero laking gulat ng lahat nang ngumiti pa ang binata kay Paz Dominique.
“You’re Gov. Ismael Moreno’s daughter? I see. Can I buy you a drink? I think marami tayong mapag-uusapang magandang bagay.”
Tahimik pa rin silang lahat habang pinagmamasdan ang dalawa na naglakad palayo sa kanilang grupo.
“Itong si Zell talaga. Lahat na lang ng mapapakinabangan para sa ambisyon niyang makapasok sa pulitika, biglang nagiging ka-close.”
“Huwag si Paz Dominique ang alalahanin mo, Jigger,” wika ni Trigger sa kakambal. “Si Zell ang dapat na mag-ingat. Mas oportunista ang babaeng iyan kaysa sa ating lahat dito.”
“Lagot si Renzell Zapanta,” sambit ni Neiji nang tumunog ang cellphone niya. Saglit niya iyong sinagot bago muling binalingan ang mga kasamahan. “Pumunta na tayo sa race track. Kailangan nang mamili kung sino ang magkakaroon ng ka-date bukas. I still have a meeting in an hour.”
“You’re joining the race, Neiji,” utos ni Reid.
“Oo na, oo na.” Pinadalhan niya ng mensahe ang kanyang sekretarya na i-set na bukas ang meeting niya sa mga Russian investor. Kailangan na nilang maplantsa ang mga detalye sa bagong business ventures niya.
“Teka, kasali pa ba kaming mga may keychains na?” tanong ni Jubei. “Baka ma-outside-de-kulambo ako ni Misis kapag may naka-date ako.”
“Baka mabatukan uli ako ni Jhun ko,” singit ni Eneru.
Kaya sa huli, naging opisyal na tagapamagitan na lang ang mga may kasintahan na. Kasama na si Zell, kahit mahiwaga ang status ng love life nito with Paz Dominique.
NGINGISI-NGISI lang si Neiji habang papalapit sa grupo nila sina Trigger at Yuan sakay ng kani-kanilang kabayo. Trigger Samaniego lost.
“Congratulations, Trigger,” bati niya. “How does it feel to be dating someone tomorrow night?”
“Okay lang. I’ve been without a date for a week so this will be fine. May picture ka ba ng babaeng nanalo sa raffle?”
“Nope. All I have is her address.”
“Ah, question,” singit ni Brad. “Don’t you think it’s a bit unfair to the raffle winner if she gets to date the one she possibly did ‘not’ pick out from the guys in that commercial?
Agad sumang-ayon si Trigger na sinegundahan ng kakambal nito. Pero hindi nagpatalo ang mga nanalo na sa competition.
“You should have voiced that out before we had that little competition.”
“Oo nga,” segunda ni Kai. “Masasayang lang ang pawis ko. Bawat gramo pa naman n’on ay mahalaga.”
“I still think it would be unfair to the poor lady,” patuloy ni Brad.
“I still think you’re right,” sang-ayon ni Trigger.
“Reid, what do you think?” baling ni Jigger sa pinaka-‘lider’ nila. “Don’t you think Brad’s right?”
“I don’t want to think,” sagot ni Reid. “Tapos na ang competition na sinang-ayunan ng lahat. Kung sino ang natalo, siya ang makikipag-date sa raffle winner.”
Nakahinga nang maluwag si Neiji. “Yes! Thank you, Reid.”
“I hear a ‘but.’”
Lahat ay napatingin sa nakangiting si Trigger. Pagkatapos ay kay Reid. Na mukhang may sasabihin pa nga.
Oh, boy.
“But,” pagdidiin ni Reid. “Brad was right. If the raffle winner doesn’t like the one who turned out to be her date, then let her decide who she wants to date. Kaya lahat kayo, be here tomorrow night.”
“I can’t,” kontra ni Neiji. “I have an important meeting tomorrow, Reid.”
“Mas importante pa kaysa sa promotion ng bagong produkto ng kumpanya mo?”
Hindi na nakaimik pa si Neiji. Nilingon niya si Trigger Samaniego at napailing na lang. “You’re Jigger.”
“I think you’re right.”
There goes the Sameniego twins’ favorite game again.
“May napili ka na bang charity institution?”
“You sound so sure na hindi ako tatanggihang maka-date ng babaeng nanalo sa raffle promo.”
“May tumanggi na ba sa isang Jigger Samaniego?”
Jigger smiled. “It’s UNICEF, then.”
Damn.