Chapter 5
5
I
nilipat ni
Winry ang pahina ng lifestyle section ng broadsheet na binabasa niya. Sagada at Siargao ang naka-feature ngayon doon na mga vacation and tourist spots ng bansa.
“Ma’am, try n’yo sa Baguio,” suhestiyon ng isa sa mga tauhan niya sa restaurant. “Binalita sa
tv
kagabi na magkaka-snow daw doon ngayon. Artificial nga lang. Inarkila ng city government ng Baguio ang equipment na nagpo-produce ng snow sa Korea para daw sa paghahanda sa Pasko. Pero ngayon ang dry run nila.”
“Ano ang gagawin ko sa snow na peke? Gusto ko ng totoo.”
“Sa Mt. Pulag sa Mt. Province, Ma’am,” suhestiyon ng isa pa niyang tauhan. “Nag-i-snow sa tuktok ng bundok na iyon kasi umaabot ng negative four degrees ang temperature doon minsan.”
“Ayokong mamundok.” Napakamot na lang sa ulo ang mga tauhan ni Winry. Marahil ay naguguluhan dahil kanina pa nagsa-suggest ng mga tourist destinations ang mga ito pero tinatanggihan naman niya.
Ang totoo, hindi rin alam ni Winry ang dahilan. Kanina pa nga siya nabubuwisit dahil ang listahan niya ng mga pupuntahan ay puro lang bura ng ball pen niya. Hindi siya makapili ng lugar. Parang hindi siya mapakali na hindi maintindihan. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
Nasagot lang ang katanungang iyon nang may maupo sa kabilang table na kaharap niya. Neiji looked as dashing as ever in his chic gray business suit. Pero saglit lang niyang hinangaan ang guwapong nilalang dahil nagbalik sa alaala niya ang mga nangyari sa kanila kahapon pag-alis niya ng Stallion Riding Club.
Ibinalik na niya sa binabasa ang atensyon. “Naka-reserve na ang table na iyan.”
“I know. Ako ang nagpa-reserve nito.”
Binalingan ni Winry ang mga tauhan, na agad nagpulasan palayo. Halatang takot na maipit sa tensyong namamagitan sa kanila ng lalaki sa kabilang mesa. Na ngayon ay nasa table na niya dahil inilipat na ni Neiji ang upuan nito sa puwesto niya.
“I’m sorry about yesterday morning, Winry. Nabigla lang ako. Hindi kasi ako sanay na naiiba ang ayos ng mga gamit sa bahay ko. I want everything as is because that’s how my life works. Kapag may naiba, hindi ko nakikita ang mga bagay hinahanap ko.”
Inilipat lang ni Winry ang pahina ng binabasa nang hindi pinapansin ang lalaki.
“I overreacted, I know. That’s why I’m—“ Sinagot nito sandali ang nag-ingay na cellphone. “As I was saying, I’m really so—” Muling nag-ingay ang telepono at sinagot naman nito agad iyon, saka muling nagpatuloy. “Inayos ko lang ang naging problema ko sa mga kliyente ko kahapon kaya ngayon lang ako nakapunta sa iyo—”
Tumunog na naman ang cellphone. When he answered his phone, Winry stood up and went to the bar counter to help prepare the drinks the customers ordered. Nakadikit pa rin sa tenga ni Neiji ang cellphone nang tumayo ito at sumunod sa kanya sa counter.
“I’ll have my secretary set up a meeting. Thank you, Mr. Salvador. Have a nice day.” Ibinulsa nito ang cellphone nang humarap sa kanya. “We’re still talking. Bakit ka umalis?”
“Wala akong kausap.” Tumingin siya sa barista. “May nakikita ka bang kausap ko?”
“Eh… w-wala ho, Ma’am.”
Imbes na sumagot ay may dinukot lang si Neiji sa bulsa ng pantalon. Another cellphone. Winry just rolled her eyes. Asawa na yata nito ang cellphone. Pero nagulat siya nang makilala ang cellphone na inilapag nito sa ibabaw ng bar counter. It was hers!
“Naiwan mo yata iyan sa pagmamadali mo kahapon.” Itinulak nito iyon sa harap niya.
“b
y the way, I look good in those pictures.”
“What?” Binuksan niya ang cellphone at agad na bumulaga ang mga larawan ng natutulog na binata. “Paanong—”
Sa pagkagulat ay nasagi niya ang baso ng iniinom niyang four seasons at tumapon sa direksyon ni Neiji. Puti ang suot na polo ng binata kaya kitang-kita ang pagguhit ng pulang kulay ng inumin sa polo. Oh, no!
Mabilis din namang kumilos ang mga tauhan ni Winry at pinunasan ng mga tissue ang nabasang damit.
“I get it,” wika ni Neiji nang pigilan ang mga tauhan ng restaurant sa pag-aasikaso rito. “I’ll take my leave now.”
Gustong pigilan ni Winry ang binata dahil halata ang pagkadismaya nito sa kinahinatnan ng suot nito. But her pride kept her mouth shut. Tiningnan lang niya si
Neiji
nang hindi na nagsasalita pa hanggang sa tuluyan itong makalabas ng restaurant.
“Ma’am, bakit naman ninyo ginano’n `yong mama? Kawawa naman.”
“Pero sa lahat ng nakakaawa, siya ang pinakaguwapo, Ma’am.”
“Sana pala niyaya na lang natin siya sa restroom para magpalit ng damit.”
“Ma’am, boyfriend mo ba iyon? Para kasing may lover’s quarrel kayo, eh.”
Pinandilatan ni Winry ang nagsalitang tauhan. “Hindi tayo showbiz. Restaurant tayo kaya magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo imbes na pagtuunan n’yo ng pansin ang love life kong zero balance pa rin.”
Nagtawanan lang ang mga empleyado nang magkanya-kanya na nga ng balik sa kani-kanilang mga puwesto. Si Winry naman ay napalingon sa katapat na coffee shop nang makitang doon dumiretso si Neiji. Agad din niyang nakilala ang isa sa Samaniego twins na nasa labas ng coffee shop at humarang kay Neiji. Napakunot-noo siya. Ano ang ginagawa ng mga taong iyon sa kanilang lugar?
Eh, teka nga. Bakit ba niya pinag-aaksayahan ng panahon ang mga taong iyon? Wala na siyang kinalaman sa Stallion Riding Club o sa kahit na sinong miyembro niyon. Tapos na ang maganda niyang panaginip. Oras na para harapin ang realidad kung saan ang
p
rince
c
harming niya ay hindi naman prinsipe kundi isang dakilang kokak.
She picked up her cellphone when it rang. Ilang sandali rin siyang napatitig lang doon nang maalala ang mga larawan ng natutulog na si Neiji. Sino kaya ang kumuha niyon? Siya ba? Pero tulog din siya noon… Doon lang nabigyang-pansin ni Winry ang pangalan ng tumatawag. It was her Lola Ines.
“Hello, `La. Bakit kayo napatawag? May problema ba?”
“
Wala naman. Nami-miss ka lang daw ng lolo mo kaya gusto ka niyang makausap.”
Napangiti si Winry nang ipasa marahil ng kanyang lola sa lolo niya ang cellphone dahil boses na nito ang sumunod na narinig sa kabilang linya.
“Hello, apo. Kailan mo ba kami rito bibisitahin, ha? Aba’y noong isang buwan ka pa namin hinihintay dahil sabi mo, eh, may mga tatapusin ka lang na trabaho. Pero hanggang ngayon, hindi mo pa kami nadadalaw. Nagtatampo na ang lola mo. Tatanggalan ka na raw niya ng mana.”
“Si Lola talaga,” natatawa niyang sambit. “Sige, `Lo. I’ll be there tomorrow.”
“
Tomorrow? Talaga?”
“
Oho. Magpapa-book na ako ngayon ng flight. Miss ko na rin kayo ni Lola.”
Nagpa-book na nga agad ng flight si Winry matapos makipag-usap sa kanyang mga lolo at lola. Inutusan na rin niya ang manager ng restaurant na ito na muna ang mag-asikaso ng lahat habang nasa Palawan siya. She could not wait to see her grandparents. May mapagsusumbungan na siya ng mga naranasan niyang sama ng loob kagabi.
MASAMA ang
tingin ni Neiji kay Trigger. Katapat lang ng coffee shop ang restaurant ni Winry at dito siya nakarating para magpalit ng damit na nabuhusan ng dalaga ng inumin.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. “Aren’t you supposed to be working on your processing plant now?”
“Kay Jigger gawain iyon. And anyway, napadaan lang ako rito dahil nagpapabili si Mama ng paborito niyang kape. Ito kasi ang tambayan nila ng mga kaibigan niya noon at medyo nagse-senti raw siya ngayon kaya gusto niya ng kape mula rito. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?” Pinagmasdan nito ang marka ng inuming tumapon sa polo niya na tila pinipigil ang mapangiti. “Pauso mo?”
“Yes,” asar na sagot ni Neiji. Kiniskis niya ng tissue paper ang mantsa sa damit. “That woman! I can’t believe she still hates me even after I came all the way here to apologize.”
“Dapat sinegundahan mo ng mga bulaklak para hindi na siya tuluyang nagalit,” wika ni Cedric. Ito ang nagdala ng order ni Trigger at ito rin ang isa sa dalawang nagmamay-ari ng coffee shop. Kaklase ni Neiji noong high school ang nakatatandang kapatid ni Cedric na si Tanner. Hindi nga lang niya alam kung paanong naging magkakilala ang magkapatid at ang Samaniego twins. “Flowers always works with women.”
“Not that one.” Inginuso pa ni Neiji ang restaurant ni Winry.
“Sino ang tinutukoy mo? Si Winry? Mabait naman iyon, ah. Not to mention she’s also very pretty.”
Kunot-noo niya itong binalingan. “Do you know her?”
“Everyone here knows her, Neiji,” sagot ni Trigger. “Siya ang paboritong crush ng mga tauhan nina Cedric.”
“Yeah,” segunda ni Cedric, saka muling pinagmasdan ang katapat na establishment. “Lovely woman. Kaya lang hindi siya aware na may nag-e-exist na mundo sa labas ng restaurant niya. Sayang.”
“Ano naman ang sayang do’n? Marami lang siyang inaasikaso sa kanyang negosyo kaya wala siyang panahon sa ibang bagay. And I don’t think there’s anything wrong with it.”
“Yeah.”
t
umango-tango pa si Cedric nang hindi inaalis ang paningin sa kabilang establishment. “I can only agree.”
“Cedric,” Trigger said, calling out to his friend, “she’s off-limits.”
“Ha?”
“Winry. She’s off-limits.”
Si Neiji man ay napatingin kay Trigger. Ano ang ibig sabihin nitong off-limits na si Winry? Dinampot lang ni Trigger ang take-out order nito.
“Nagseselos na itong co-member ko sa Stallion Riding Club kaya hindi kita masusuportahan sa pakikibaka mo ngayon, Cedric,” wika ni Trigger. Kinuha na nito kay Cedric ang order na kape. “Maghanap ka na lang ng ibang Winry Acosta.”
“Nililigawan mo si Winry?” tanong ni Cedric kay Neiji.
“I’m not jealous,” asar na sagot ni Neiji. “Why would I be jealous?”
“I see,” wika ni Cedric. “Pasensiya na. Hindi ko alam, eh.”
“I am not courting her,” giit ni Neiji.
“But they dated last night,” singit ni Trigger.
“You went out on a date? Paano mong nagawa iyon? Ang suwerte mo naman. Minsan ka lang maligaw dito sa lugar namin, naka-date mo na agad si Winry. Ang balita ko kasi, wala ni isang tinatanguang date ang isang iyon. Kaya nga hindi ko siya mayayang lumabas. Pero kung nag-date na kayo at hindi mo naman pala siya nililigawan—”
“That’s really none of my business.” Tumayo na si Neiji. Ngunit hindi pa man siya nakakatatlong hakbang palayo kina Trigger nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi nga lang niya iyon nasagot agad nang marinig ang usapan nina Cedric at Trigger.
“I’ll ask Winry out tomorrow. Tutal naman, sabi ng kaibigan mo, hindi siya nanliligaw.”
“Kunsabagay. Pero bakit bukas mo pa siya yayayain lumabas? Ngayon na. Baka mamaya may mauna pa sa iyo. She seems very special kung ang workaholic member ng Stallion Riding Club mismo ay nahila niya palayo sa trabaho kahit sandali lang.”
Hindi na nakatiis si Neiji at muling nilingon ang mga ito. “She doesn’t distract me from my business—” Napindot niya ang nag-iingay na cellphone.
End call
button nga lang. “Damn it!”
“You were saying…?” nangingiting tanong ni Trigger.
“I hate it when you do that.”
Mabuti na lang at tumawag uli ang kanyang caller. He immediately took the call as he made his way back to the men’s room, leaving the two men with grins on their faces.
“Mr. Sebastian. Yes, Sir. Thank you. Yes, I’d be happy to come and visit the place.”
Mabuti na lang at kahit paano ay naisalba niya ang pinakaimportante niyang acquisition so far. Ilang buwan na rin naman kasi niyang ‘nililigawan’ ang may-ari ng lupaing iyon sa Palawan. And he was not going to let anyone distract him, not even that woman.
Napakunot-noo na naman si Neiji nang makita ang mantsa sa kanyang polo pagpasok sa comfort room ng Café Helenas. He took another piece of tissue paper and moistened it before dabbing it on the stain on his shirt. Lalo lang nagkalat ang pulang mantsa. Ibinato na lang niya sa basurahan ang basang tissue at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Parang nang-aasar pa ang isip niya nang maalala ang mga sinabi ni Cedric sa labas kanina.
“
I’ll ask Winry out tomorrow.
”
Sinipa niya ang basurahan bago nagmartsa palabas.