noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 7

7

A

no ba ang

nangyari sa inyong dalawa at pareho pa kayong parang nabukulan?”

Tinapunan ng matalim na tingin ni Winry si Neiji sa kabilang dulo ng sofa. Gaya niya, may cold compress din na nakapatong sa noo nito.

“Napasobra lang ho ang lambingan namin kanina sa labas,” wika ni Neiji na hindi inaalis ang tingin kay Winry. “Ito kasing apo ninyo, masyadong… sensitive.”

Batuhin kaya niya ito ng tsinelas?

“Gano’n ba? Kaya pala ang sabi sa akin ng mahal kong asawa kanina ay nakita niya kayong naroon sa may gate,” natatawa na naiiling na wika ng kanyang lola. “Kayo talagang mga kabataan, oo.”

“Neiji, hijo, ang apo kasi naming iyan ay masyado talagang matigas ang ulo. Hindi iyan basta-basta napapasuko sa unang pagsubok lang na makuha ang loob niya…”

Hindi na nasundan ni Winry ang sinasabi ng kanyang lolo. Abala kasi siya sa pagkutkot ng kinikimkim na inis dahil sa mga huling sinabi kanina ni Neiji. He said he would never kiss a woman like her. So what, payat? As if naman naghihintay siyang mahalikan nga nito. And, as if panghihinayangan niya buong buhay na hindi niya natikman ang halik nito.

Duuuh!

“Bigyan mo siya ng bulaklak, hijo. My granddaughter loves flowers.” Nakita ni Winry na palihim na ibinigay ng lola niya ang isang bungkos ng rosas sa kanyang lolo. “Ah, tamang-tama. Heto, hijo. Hindi ba’t pinitas mo ang mga ito kanina sa likod-bahay? Para ito kay Winry, hindi ba? Hayan, ibigay mo na sa kanya ngayon.”

Kinuha naman iyon ni Neiji at walang kiyemeng basta na lang inialay sa kanya. Humampas tuloy ang ilang piraso ng bulaklak sa ilong at nguso ni Winry.

Anak ng—

“Lagyan mo naman ng lambing, hijo.”

Inalog lang ng damuho ang mga bulaklak sa harap niya na tila ba isang tambourine ang hawak imbes na mga sensitibong rosas. Ilang piraso ng mga dahon at petals ang nagkalaglagan sa sahig. Dalawang tangkay naman ang naputol.

How romantic.

“Itanim mo muna iyan,” wika niya. “Kapag nabuhay at namunga ng santol, saka ko iyan tatanggapin.”

Iniangat ni Neiji ang cold compress sa noo. “Matatagalan pa bago mangyari iyon kaya tanggapin mo na ito. Pinaghirapan ko iyang pitasin sa bakuran ninyo. Magkaroon ka naman ng awa sa katawan.”

Inangat din ni Winry ang sariling cold compress. “Bakit kaya hindi sarili mo ang pakiusapan mo?”

“Ano ba ang ginawa ko sa iyo? Okay, I was trying to kiss you. So what? Masama ba iyon?”

So… he was really trying to kiss her?!

“I would never kiss a woman like you.”

“Ewan ko sa iyo!”

“Ang mabuti pa, iwan na muna namin kayong dalawa rito. Para mas makapag-usap kayo nang maayos.”

Hinayaan lang ni Winry na umalis ang dalawang matanda. Ayaw din naman niyang makita ng mga ito kapag sinakal niya ang buwisit na Neiji Villaraza na ito.

“What is wrong with you?” tanong ng binata nang mapag-isa sila. “Noong pinakiusapan kitang hayaan ang lolo mo na ibigay na lang sa akin ang bid sa lupa, hindi ka pumayag. Gusto mong ligawan kita. Nang ligawan naman kita, nagagalit ka. Ang gulo mo talaga. Puwede bang pakipaliwanag kung ano ba talaga ang gusto mo sa akin?”

“Wala akong gusto sa iyo!”

“At hindi naman iyan ang tanong ko.” Sumandal ito sa sofa at ipinatong uli ang cold compress sa noo. May kung anong nagbago na rito.

Winry could see a hint of a smile slowly forming on his lips.

“Okay, so wala kang gusto sa akin. Pero bakit ayaw mo akong malayo sa iyo?”

“Anong—”

“Come on, Winry. Malalaki na tayo. Hindi na natin kailangan pa ng kung ano-anong kuwento at drama para lang ipaalam sa iba ang nararamdaman natin. Kung gusto mo ako, sabihin mo na lang sa akin—”

Pinaulanan ni Winry ng mga nadampot na rosas si Neiji sa sobrang yamot. Na nadadagdagan lang dahil tila balewala naman sa binata ang pagwawala niya.

“Wala sabi akong gusto sa iyo!”

“Oh, yeah? Convince me.”

“Okay!”

Sinugod niya si Neiji upang sakalin at suntukin. Pero nauwi lang iyon sa wala nang mabilis nitong mahawakan ang kanyang mga braso at mahila siya pabalik sa sofa. Ngayon ay nakubabawan na siya nito. Naalarma nang husto ang sistema ni Winry sa sitwasyon nila kaya nagwala na siya para lang makaalpas. Pero lalo lang ibinuhos ni Neiji ang bigat nito para mapigilan siya.

“Hoy, Neiji. Pakawalan mo ako—”

Tinakpan nito ng isang kamay ang kanyang bibig. “Sandali lang, Winry. Sa tingin ko, kailangan na talaga nating mag-usap nang masinsinan bago pa man natin magilitan ang isa’t isa. Calm down for a while. This won’t take long.”

She tried speaking with his hand still muffling her words. Still, he kept her trapped beneath him.

“I said, calm down, Winry. Or we’ll stay this way the whole day. Believe me, wala akong pakialam kung ano man ang magiging tingin sa atin ng mga makakakita sa atin ngayon.” Nanlaki ang mga mata ni Winry. “That’s right. You heard me. Kaya kung ako sa iyo, tumahimik ka lang muna riyan sandali at pag-usapan natin itong gulo natin. Sa lahat kasi ng ayoko, `yong magulo. Nasisiraan ako ng bait kapag gano’n.”

Si Winry man ay masisiraan na rin ng bait kapag hindi pa siya nakakawala. Magkakaroon na kasi siya ng heart attack ano mang oras sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. She never knew her heart could beat this fast just because of some guy. Kahit sa mga horror movie na napapanood niya, hindi pa siya natakot nang ganito.

She was not afraid of the things he could do to her, but of the things he was making her feel.

“Okay. First stop, ang mga nangyari sa Stallion Riding Club. At gaya nga ng una ko nang ginawa at sinabi, I’m really sorry about that and I apologize. Meron lang talaga akong ugali na naha-high blood kapag nagulo ang mga bagay na may kinalaman sa personal kong buhay. Like my business. I know na magulo talaga ang kwarto ko pero para sa akin, maayos iyon dahil kahit gano’n iyon ay alam ko pa rin kung saan naroon ang kaliit-liitang papel. Idagdag pa na hindi talaga maganda ang mood ko pagkagising sa umaga, until I’ve had my dose of coffee. Kaya nasigawan kita. So… I’m really sorry about it.”

Marahil ay naramdaman ni Neiji ang unti-unting pagkalma ni Winry kaya medyo niluwagan na rin nito ang pagkakatakip ng kamay sa bibig niya.

“And then `yong nangyari kanina sa gate,” patuloy ng binata. “Sige, aaminin ko na. Yes, I tried to kiss you. Ikaw naman kasi, ang lakas mong mang-asar. Ako pa naman ang tipo ng taong may-kataasan ang ego. Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng pinagtawanan ang ino-offer kong halik? Nakakasama ng damdamin iyon, baka akala mo.” Napabuntunghininga na lang ito. “Gago ako dahil imbes na suyuin ka, gaya ng request ng mga lolo mo, inasar pa kita. Lalo lang tuloy tayong nagkagulo. I’m sorry, as well. Inaako ko na ang lahat kung bakit umabot tayo sa sitwasyon natin ngayon. Kasalanan ko.” Tinanggal na nito nang tuluyan ang kamay sa kanyang bibig. “Forgive me?”

His voice was ragged and yet there was no mistaking the sweetness that lay behind it. It crept into her heart. At pakiramdam ni Winry, hinalukay ng boses ni Neiji ang mga nakatagong lihim ng kanyang puso. Lihim tungkol sa tunay niyang damdamin dito. And there, it found her. It finally caught her.

Her true feelings.

Winry liked him from the moment she laid eyes on him one early morning, and he gave her that unforgettable smile of his. Yes, from that moment on, her heart did not stop liking him.

Until she started falling in love with him somewhere along the way.

“Neiji.”

“Hmm?”

“Get off me. Nabibigatan na ako sa iyo.”

“Oh.”

Kumilos naman agad si Neiji, subalit dahan-dahan ang naging pagtayo nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

t

ila ba may kung ano itong nakita sa kanyang mukha na ayaw nitong mawala sa paningin. Pagkatapos ay inilahad ng binata ang kamay sa kanya upang tulungan siyang makabangon. Hindi iyon tinanggap ni Winry at mag-isa na lang na tumayo.

Hinarap niya ang walang imik na binata. “Maipapangako mo ba na aalagaan mo ang malaking lupaing ito ng mga lolo ko, Neiji?”

“Ha?”

“Ang sabi ko, kung maaalagaan mo ba ang hacienda gaya ng pag-aalaga nina lolo rito?”

“Ang hacienda? Oo naman.”

“Marami ka nang negosyo. Nakita ko na kung gaano ka ka-busy sa mga iyon. Baka mapabayaan mo ang hacienda—”

“Hindi ako kumukuha ng mga responsibilidad na hindi ko kayang panindigan.”

“That’s good to hear.” Iyon lang at tinalikuran na ni Winry ang binata.

“Where are you going?” habol na tanong ni Neiji.

“Kakain. Nagugutom na ako.”

“Wait! Iyon lang ba iyon?”

Nilingon niya ito. “Tinatanggap ko na ang apologies mo. Approve na rin ako kung sa iyo ibibigay ni Lolo ang bagong pamamahala rito sa hacienda. Just take care of our people here the way my grandparents took care of them.” Tumalikod na siya.

“Sandali lang, Winry. Parang may dapat pa tayong pag-usapan—”

“Wala na.”

“Meron pa.”

Naramdaman niya ang pagpigil ni Neiji sa kamay niya. He held her hand once again, the way he did back at the Stallion Riding Club. Talagang hindi na yata paaawat ang pagbabalik ng mga nakaraan sa kanya.

“Would you still let me court you?” tanong nito.

“Hindi na kailangan.”

ANG TANGA

mo talaga, Winry! Pagkakataon mo na nga iyon na mas lalo pang mapalapit kay Neiji, tinanggihan mo pa. Ayaw mo bang makita niya ang good side mo na puwede niyang magustuhan?

Iyon ang paulit-ulit na nangungulit sa isip ni Winry habang nagpapatunaw siya ng kinain habang naglalakad-lakad sa malawak nilang hardin. Hindi niya akalaing darating siya sa punto na aawayin ang sarili nang dahil lang sa lalaki. Kunsabagay, kung pumayag siya sa gusto ni Neiji na ligawan nito, parang maglolokohan lang sila. Eh, alam naman nilang pareho na kaya lang sila pumayag na magpanggap na magkasintahang nagkakatampuhan ay dahil sa pareho nilang gustong makaganti sa isa’t isa. Ngayong naayos na nila ang gusot sa pagitan nila, ano pa nga ba ang dahilan para patuloy na magpanggap? Ang importante na lang ngayon ay maging civil sila sa isa’t isa. And then that’s it. Her only problem now was her own feelings.

She sighed as she stared out into the vast greenland in front of her. Kung alam lang niyang ganito kasalimuot ang mundo ng mga nagmamahal, hindi na sana siya nag-wish pa na ma-in love. Kung bakit naman kasi masyado siyang inggitera at kinainggitan pa ang masayang relasyon nina Kristoff at Rachelle Lou sa Café Helenas.

Kung saan niya unang nakita si Neiji.

Napabuntunghininga na lang siya.

“Ang lalim ng buntunghininga mo, ah.”

Napakislot pa si Winry

nang marinig ang boses ni Neiji sa likuran niya. Tila may fiesta na sa kanyang dibdib nang maupo ito sa tabi niya at makitanaw sa malawak na lupain sa harap nila

“Ako pa rin ba ang pinoproblema mo?” tanong nito. “Akala ko ba nagkasundo na tayo.”

“Hindi ikaw ang pinoproblema ko. At wala akong problema.”

“Galit ka pa rin.”

“Hindi ako galit.”

“Nasa tono ng boses mo.”

“Hindi nga ako galit.” Eksaheradong napabuntung-hininga si Winry. “Fine. Kung gusto mo akong magalit sa iyo, madali akong kausap.” Akma niyang hahampasin ang binata nang mabilis itong lumayo nang dalawang hakbang.

“Ang bilis naman ng mga kamay mo.”

“Neiji.”

“Okay, okay. Hindi na kita iinisin. Just… let’s just talk quietly.” Kaya nanahimik lang si Winry. “You can talk a little.”

Ang kulit din ng isang ito, eh. Kaya siguro hindi niya napigilan ang mapangiti.

“Finally. Ngumiti ka rin. Makakahinga na ako nang maluwag.”

Maayos na uli ang namamagitan sa kanila at ayaw na ni Winry na masira na naman iyon. Kaya hindi na niya pinatulan pa ang mga sinabi ng binata.

He was quiet for a while as they both stared out into the vast green land in front of them. “I always wanted to have a place like this. `Yong puwede akong magtrabaho at magpahinga nang sabay. `Yong hindi laging naghahabol ng oras, ng kliyente o ng quota. Working non-stop gets tiring after a while, no matter how much you love your job. Kaya siguro naisipan na rin ng lolo mo na ibenta ang malaking bahagi ng haciendang ito.”

“At hindi rin kasi niya ako aasahan pagdating sa pagte-take over ng hacienda,” wika niya sa wakas. “Pero…tahimik at maganda rin naman sa Stallion Riding Club. Mas maganda pa iyon kaysa sa haciendang ito.”

“Tama ka. Kaya lang, maraming temptation doon. Hindi rin ako makakapagpahinga nang maayos.” Binalingan siya ni Neiji at nginitian. “You know what I mean.”

Oo naman. Babae. Magagandang babae, at iyon ang hindi na

yata mawawala sa riding club na iyon. Ilang babae na kaya ang nadala ni Neiji sa bahay nito para mag-happy-happy? Ibinaling na lang uli ni Winry ang

atensyon

sa tanawin sa harap nila. He was just a healthy young bachelor. Natural lang na magkaroon siya ng string of women.

“I want a place where I can raise my family.”

Doon saglit na napukaw ang pagmumuni-muni ni Winry. “Gusto mo nang mag-asawa?”

“Bakit ikaw, ayaw mo ba?”

Why did it feel like he was asking her to raise a family with him?

Wow. As if.

“Gusto. Pero kailangan ko munang makahanap ng lalaking makakasama ko habambuhay.” Ayaw niya ng ganitong usapan. Naiirita lang siya sa kaalamang nagpaplano na itong magpakasal. “In fact, pagbalik ko sa Maynila, maghahanap ako ng mga dating services na makakatulong sa akin sa problema ko.”

“Dating services?”

“Nag-e-expand na ang restaurant ko at mas lalong mawawalan ako ng oras para sa love life ko. Mas convenient sa akin ang mag-hire na lang ng mga dating services. Pati speed-dating papatulan ko.”

“You can’t find love that way, Winry.”

“Who said anything about love? At my age, lagpas na ako sa time limit para ma-in love. I’m turning twenty-nine three months from now. Companionship na lang ang kailangan ko. I don’t need a lover, although okay lang din ang magkaanak kami kung maganda ang lahi niya.”

“You’re talking nonsense.”

“Nonsense nga lang iyon siguro sa iyo. Pero para sa akin, seryosong isyu iyon.”

At ikaw ang may kasalanan n’on.

“That’s really lame.”

“Bakit ikaw, naniniwala ka ba sa true love at happy endings?”

“It wouldn’t hurt if you believed in it.”

Wouldn’t hurt? Eh, heto nga at humahabi na siya ng kung ano-anong kuwento at ideya para lang mawala ang pesteng kirot sa kanyang puso nang mga sandaling iyon, `tapos may pa-it-wouldn’t-hurt pa itong nalalaman?

“If you believed in it, bakit hanggang ngayon, single ka pa rin?”

“Siguro dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng para sa akin.”

In one word, hindi siya ang babaeng hinahanap nito.

Ouch, teh

.

“‘

Corny mo.”

“Hindi ka pa siguro nagmamahal nang totoo kaya ganyan ka magsalita.”

Nagkibit-balikat lang siya. “Siguro nga.”

“Kaya hindi ka pa dapat nagsasalita ng tapos, Winry. Who knows, isa sa mga araw na ito, makita mo na ang lalaking para sa iyo.”

“Ewan.”

“Winry, hypothetically, what will you do if you fell in love right now?”

“Ewan.”

“… with me?”

Napabaling siya sa binata. “Ano?”

“What if you fell in love with me?” ulit nito. “Hypothetically.”