Chapter 6
6
“
H
ija, I’m
so glad you came!”
“Hello, `La.” Niyakap ni Winry ang kanyang lola at hinalikan sa pisngi ang kanyang lolo na sumalubong
sa kanyang pagdating. “Sabi sa inyo matutuloy na ako, eh.”
“I’m so glad you did. We’ve missed you so much, hija,” wika ng kanyang lolo.
Niyakap niya sa magkabilang braso ang dalawang matanda. “Huwag na ninyo akong konsensiyahin. Nahalikan ko naman na kayo, `di ba? Hindi pa ba ninyo ako patatawarin?”
“Ikaw na lang ang nag-iisa naming apo dito sa Pilipinas, itatakwil ka pa ba namin?” madramang wika ng kanyang lola. “Pero sana ay mas dumalas ang pagdalaw mong ito.”
“Titingnan natin, `La.” Hinalikan niya uli ito sa noo. “Ano ba ang makakain dito? Nagugutom na ako. Oh, na-miss ko rin ang mga luto mo, `Lo.”
“Nagluto ako ng paborito mong sinigang na baboy.”
“Patatabain n’yo na naman ako nito, eh.”
Sabay-sabay na silang nagtungo sa komedor. Ang mga ito na lang ang natitirang alaala kay Winry ng kanyang ama. Ang mga kamag-anak kasi niya sa father side ay kung saan-saan nang bahagi ng mundo naninirahan. Kunsabagay, pati naman ang mga lolo at lola niyang ito ay madalas na lumalabas ng bansa sa pag-aasikaso ng mga negosyo. Pero naibahagi na ng mga ito ang mga iyon sa iba pa nilang mga anak bilang pamana. And since her father was already dead, sa kanya na ipinasa ng mga lolo niya ang pamana para sa kanyang ama. Na hindi naman ni
ya naasikaso dahil may sarili rin siyang negosyo. Kaya ang ginawa ng mga ito ay pina-liquidate ang mga partikular na assets na iyon at saka isinalin sa bank account niya.
She was financially set for life. Pero pakiramdam ni Winry ay may bahagi pa rin ng kanyang puso na hindi mapupunan ng kahit anong materyal na kayamanan.
“Napansin kong nakapag-ani na kayo ng palay, `Lo. Pero parang hindi pa yata kayo naghahanda para sa bagong pagtatanim.”
“Ah, iyon ba? Hindi na talaga kami magtatanim sa ngayon. Balak kasi naming ibenta ang malaking bahagi ng lupain natin dito.”
“Ibebenta?”
“Matanda na ako, Winry. Hindi ko na kayang subaybayan ang ganito kalaking lupain. Huwag kang mag-alala. Magtitira pa naman ako pero `yong sa kaya ko na lang i-supervise. Naipaalam ko na ito sa mga tauhan natin. At sa tingin ko, tinanggap na rin nila iyon.”
“Pero bakit, `Lo? Mahal na mahal ninyo ang lupain ninyong ito, hindi ba?”
“Oo, kaya nga sinisiguro kong pahahalagahan din ng bagong magmamay-ari nito ang lupaing ito, pati na rin ang pangangalaga sa mga tauhan nating matagal nang nagsilbi rito sa hacienda.”
“Huwag kang mag-alala, apo. Alam ng lolo mo ang kanyang ginagawa.”
“Unless, of course, magbago ang isip mo at magdesisyon kang i-take over itong hacienda.”
“Ernesto, hayan ka na naman. Sinabi na sa iyong hayaan mo na ang apo natin sa gusto niyang gawin. She wasn’t born to be like you, you know. May sarili siyang buhay.”
“Nagbabakasakali lang naman ako.”
Lalo tuloy na-miss ni Winry ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama. Iyon kasi ang alam niyang papalit dapat sa lolo niya sa pag-aasikaso ng mga lupain nila kung hindi lang nasangkot ito at ang kanyang ina sa isang vehicular accident pitong taon na ang nakakalipas kung saan sabay na binawian ng buhay ang dalawa. Her father always told her what he wanted to do with their vast land. Gusto sana niyang panatilihin sa kanilang pamilya ang lupaing iyon. Pero ano naman ang gagawin niya kung wala naman siyang alam sa pagpapatakbo ng isang malaking hacienda? Nasa Maynila ang buhay at puso niya. At ilang beses din naman siyang sinabihan ng kanyang ama noon na huwag siyang patatali sa pangarap ng ibang tao. Kaya ngayon ay sinusunod niya ang kanyang gusto at wala pa naman siyang pinagsisisihan.
“May napili na kayong bidder, `Lo?”
“Wala pa. Pero merong isa na napakakulit. Mukhang interesado talaga siya rito dahil minsan na nga siyang nagpunta rito para personal akong kumbinsihin.”
“Sabi ko nga sa lolo mo, sa kanya na lang ibigay. Mukha siyang mabait. At napakaguwapo pa.”
“Mabait at guwapo?”
“At wala pang asawa,” excited na dugtong ng kanyang lola. “Nakita kong wala pa siyang wedding ring, apo.”
“Bagay ba kami, `La?” Natawa lang ang kanyang lolo. “Magkano kaya siya?”
“Ay, ano ba namang tanong iyan, Winry? Bakit kailangan kang bumili ng lalaki? Susmaryosep.”
“Eh, kasi wala pa rin akong nagiging boyfriend hanggang ngayon. Gusto ko na rin namang mag-asawa na. Eh, mukhang wala na akong pag-asang ma-in love pa kaya maghahanap na lang ako ng may magandang lahi para maganda rin ang magiging anak ko.”
Muntik nang mabulunan si Winry sa katatawa nang makita ang reaksyon ng dalawang matanda sa sinabi niya.
“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, bata ka,” wika ng kanyang lola. “Kahit magbiro ay huwag mong gagawin. Baka bumangon sa hukay nila ang mga magulang mo.”
“Kung mapapangasawa lang ang kailangan mo, irerekomenda ko sa iyo ang bidder ko na iyon,” singit ng lolo niya. “Tamang-tama. Inimbitahan ko siyang pumunta rito para obserbahan ang buong hacienda ngayong tapos na ang anihan. He should be arriving today.”
“Hindi na ninyo kailangang mag-alala. Nagbibiro lang naman ako. Although I wouldn’t mind meeting that guy.”
Pagkatapos ng promo date na nauwi lang sa isang malaking gulo sa pagitan nila ni Neiji, gusto nang maka-move on agad ni Winry. Dahil nararamdaman niyang masyado nang malalim ang emosyong ibinibigay niya sa lahat ng may kinalaman sa lalaking iyon.
Hinayaan na muna siya ng mga abuela na magpahinga sa kanyang silid habang ipinaghahanda siya ng makakain. Pero imbes magpahinga ay dumiretso siya sa paborito niyang terrace ng kanyang silid. Doon niya nakita ang isang black Pajero na papasok na sa kanilang malawak na bakuran. At tila ba lumaki ang kanyang ulo nang makita kung sino ang lalaking umibis mula sa naturang sasakyan.
“What in the world…” sambit niya sa sarili. “A-ano ang ginagawa ng lalaking iyon dito?”
Mabilis siyang nagtungo sa sala para ipaalam sa mga lolo niya ang pagpasok ng bagong dating sa kanilang teritoryo, nang maabutan niya ang mga ito na magkausap sa sala.
“Winry, mabuti at nandito ka na. Ito nga pala si Neiji Villaraza. Nasabi ko na sa iyo ang tungkol sa kanya.”
“Kilala ko na siya, Lolo. Siya lang naman kasi ang nagpalayas sa akin sa bahay niya.”
Halatang nagulat ang lolo niya sa narinig. At kung hindi siya nagkakamali, ano mang sandali ay paliliparin na rin ng lolo niya ang Neiji Villaraza na ito palabas ng hacienda. Ngunit tila walang epekto sa binata ang posibleng mangyari dito. He just kept looking at her as if he was memorizing her face. And she was starting to feel uneasy.
Bakit ba ganito ito kung makatingin? Bakit… bakit…
“Teka,” singit ng lola niya mula sa kanyang likuran. “Ano nga ang sinabi mo? Pinalayas ka ng lalaking iyan sa bahay niya?”
“Opo.”
“Hindi kita pinalayas.”
s
a wakas ay nagsalita na rin si Neiji.
Pero nahiling ni Winry na hindi na sana ito nagsalita pa. Dahil nabuksan niyon ang isang bahagi ng kanyang puso na pilit pa sana niyang tinatakpan.
“Kung pinalayas ka niya, apo… ano ba ang ginagawa mo sa bahay niya? Magkasama ba kayo sa iisang bubong?”
Bago pa siya nakasagot ay naunahan na siya ni Neiji. “We’ve been dating for a couple months now. Pero nagkahiwalay din kami last week lang dahil inisip niyang may iba akong babae. I didn’t throw her out.” He turned to her, a smile visible in his eyes. “She walked out on me.”
Napasinghap ang mga lolo at lola niya. Si Winry man ay hindi makapaniwala sa narinig. The jerk! Halatang gumaganti ito sa ginawa niyang pagpapahiya rito kanina!
“Talagang… magkasintahan kayo?”
“Oho. You can check her cellphone. I have pictures there.”
“Really?”
Hooooooyyyy!
“Kahit itanong pa ho ninyo sa mga kasamahan ko sa Stallion Riding Club,” patuloy na panggagatong ng binata. “They know what really happened between me and your granddaughter. Itong si Winry lang ang ayaw talagang maniwala na wala naman talaga akong ibang babae bukod sa kanya.”
“Stallion Riding Club ba `kamo? I’ve heard about that place. Exclusive riding club for the boys.” Napakamot na lang sa noo ang kanyang lolo. “Mukhang malala nga ang kinahinatnan ng relasyon ninyo dahil naghahanap na agad itong apo ko ng bagong kasintahan.”
Neiji even had the nerve to look hurt. “Did you hate me that much?”
Tse! Mukha mo! Sapakin pa kita riyan, eh!
“Kung mahal mo pa rin talaga ang apo namin, gawin mo ang lahat ng paraan para maayos ang relasyon ninyo,” wika ni Lola Ines. “Sayang kasi, eh. Bagay pa naman kayo. Lalo pa nga at ganyang… nagkasama na pala kayo sa iisang bubong.”
“Lola! We’re not— It’s not what you think—”
“I’m willing to try it once again.” Bumaling na uli si Neiji kay Winry. Ngayon ay mas malinaw na ang amusement sa mga mata nito. He enjoyed putting her on the hot seat! “Winry? Shall we try?”
Hindi siya patatalo. At lalong hindi rin siya magpapaapekto sa nararamdaman niya. Minsan na siyang nagmukhang tanga nang pakinggan niya ang damdaming iyon. Well, hindi na ulit mangyayari iyon.
“Okay lang.” Muntik nang sumemplang ang nauna na niyang pangako sa sarili nang makita ang ngiting iyon.
Damn it!
“Pero manligaw ka uli mula umpisa. Pagkatapos, saka ko pag-iisipan kung tatanggapin pa kita uli o hindi.”
“Ang gulo mo yata, apo. Akala ko ba okay lang na magkabalikan na kayo? Bakit may mga kondisyon ka pa ngayon?”
“Ernesto, hayaan mo ang apo natin. Aba, siya ang babae kaya natural lang na siya ang magsasabi kung ano ang mangyayari sa relasyon nila. Hayaan mo silang ayusin iyan sa sarili nilang paraan.”
“Kung gano’n, Neiji, dumito ka na muna sa amin hangga’t hindi mo napapasagot uli ang apo ko. We could talk business later.”
“PLANO mong
pahirapan ako na makuha ang bid para sa lupain ng mga lolo mo, ano, Winry?”
Mula sa kinasasandalang gate dahil hinihintay ni Winry ang katulong na pinabili niya ng ilang gamit sa bayan, nilingon niya si Neiji. “Bid sa lupa? Actually, wala iyon sa isip ko. Pero ngayong pinaalala mo, puwede ko na rin siguro iyong gamitin para pahirapan ka.”
“Kahit naman gamitin mo iyon laban sa akin, you still won’t win against me. Makukuha ko ang bid na iyon.”
“Okay. Sinabi mo, eh.” Muling ibinaling ni Winry ang pansin sa mahabang kalsada sa harap nila.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Neiji.
“Naghihintay ng lalaki.”
Naglakad ito sa harap niya at tinanaw ang kalsada. Pagkatapos ay nagtungo sa mga halamang nakatanim sa gilid ng bakuran at pumitas ng bulaklak ng santan.
“You can’t do that, you know,” wika nito. “Not when I’m still courting you.”
“You’re not courting me.”
“I am now.” Lumapit sa kanya si Neiji at iniabot ang pinitas na bulaklak.
The gesture was so clichéd and so corny she just could not help but laugh. Pero agad din namang naputol ang tawa niya nang itago ni Neiji sa likuran ang bulaklak at lumapit pang lalo sa kanya. Now, he was only standing a few inches away from her. Nagrigodon ang kanyang dibdib kaya tinangka niyang umalis. Pero iniharang ni Neiji sa daraanan niya ang braso nito. Pagbaling ni Winry sa kabila ay ang isang braso naman ng binata ang iniharang. Now she was trapped, and no matter how much she wanted to free herself, she just could not do anything about it. Somehow, he had managed to trap her not just with his arms but also with his eyes.
Traidor na puso! Nilapitan lang, bumigay na!
“How about you tell your grandparents that you’ve already accepted me so I can win the bid, and you can go on with your life?”
“Ano?” Pilit na lang inilayo ni Winry ang mukha. Neiji was towering above her, and he knew he was way taller than her and he was using it to his full advantage.
Buwisit talaga.
“Ano’ng tingin mo sa akin, bale? Pahihirapan kita kaya bakit ko gagawin ang sinasabi mo?”
“Hindi ko lang kasi maintindihan ang dahilan mo. Nagkamali ako sa ginawa ko roon sa Stallion Riding Club. Nakapag-apologize na rin ako tungkol doon. Ano pa ang ikinagagalit mo?”
“Wala. Gusto ko lang gumanti. At hindi ko tinanggap ang apology mo kaya may katwiran pa rin akong gumanti.”
“Hay.” Ibinaba ni Neiji ang mukha nito palapit sa kanya. “May gusto ka ba sa akin?” Malakas at eksaheradong tumawa si Winry, dahilan para mauntog siya sa kinasasandalang gate. “Ikaw naman, Winry, magsisinungaling ka lang, masyado pang halata.” Neiji’s hand was suddenly on her head, massaging it. “Masakit pa ba?”
She did not have to answer him. Dahil damang-dama na niya ang kasagutan hindi lang sa tanong ni Neiji kundi pati na rin sa mga katanungang nagpapagulo sa kanyang isip mula pa nang araw na makilala niya ito.
She finally had the guts to push him away before she put herself into more trouble. But he did not even budge. Without breaking eye contact with her, his lips slowly descended upon hers. Was he…going to kiss her?! Nagwala ang kanyang puso at sa kalituhan ay hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang binata at iniuntog ang noo niya sa noo nito. Sabay silang malakas na napasinghap at napaatras nang wala sa oras si Neiji.
“Are you crazy?!” sigaw ni Neiji habang hawak ang nasaktang noo. “Why did you do that?”
“Akala mo ba hahayaan kitang maisahan ako?”
Aray. Shit. Ang sakit, putek!
Pero mabuti na rin iyon at kahit paano ay natauhan siya. “Huwag mo na uli akong pagtatangkaang halikan dahil kung hindi—”
“And who said I was going to kiss you— Aah!” Malakas uli itong napasinghap nang idampi ang palad sa nasaktang noo. “I would never kiss a woman like you! Hindi pa ako nasisiraan ng bait na isakripisyo ang buhay ko para lang mahalikan ka!”
Now that’s below the belt. “Kung gano’n, huwag ka na ring makalapit-lapit sa akin! Dahil sa susunod, hindi lang iyan ang matitikman mo!”
Malakas niyang itinulak palayo si Neiji, kahit malayo naman na talaga ito, saka siya nagmartsa pabalik sa mansyon.