noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 4

4

A

ng ganda talaga rito. I can’t believe na may ganitong lugar na nag-e-exist sa bansang ito. Parang `yong mga napapanood ko lang sa mga movies na may kinalaman sa mga royalties.”

“Royalties naman talaga ang treatment dito sa mga club members.”

“Ang mahal siguro ng membership dito, ano?”

“Okay lang.”

“Member ka rin dito?”

“Matagal na.”

“That’s nice.”

Nakaupo sila sa mga table na naka-set sa balkonahe ng Rider’s Veranda, isa sa mga restaurant sa loob ng SRC. Doon sila nakarating nang yayain si Winry ni Neiji na mag-dinner matapos silang iwan ng kambal. Overlooking doon ang race tracks at ilan pang outdoor arenas kung saan ginaganap ang iba’t ibang equestrian sports ng mga miyembro ng exclusive riding club. Sa kabilang table na malapit sa kanila ay naririnig ni Winry ang dalawang babae na tila nagpupustahan.

“Bakit hindi ka pumupusta kay Jubei, Temarrie? Wala kang tiwala sa kakayahan ng asawa mo?”

“Meron. Kaya nga tiwala akong hindi siya makakakuha ng top spot sa dressage. Iyon kasi ang kahinaan niya.” Sabay pang nagtawanan ang dalawang babae. “Ikaw, Jhun, sino ang pupustahan mo?”

“Si Gino. Tirador ng dressage arena ang cooking master boy na iyon, eh.”

“Bakit hindi kay Eneru?”

“Eh, palpak din ang boylet kong iyon sa dressage.”

Si Winry man ay natawa sa usapan ng dalawa. Sa mga babaeng nakita niyang pakalat-kalat doon sa club, ang mga ito lang ang napansin niyang tila walang pakialam sa estado ng lugar. They were enjoying the place

and

themselves. Hindi katulad ng iba na tila ba may tukod ang mga baba kaya hindi man lang halos makayuko kahit kaunti. Nagmumukhang isnabera tuloy.

Kunsabagay, parang mga isnabera nga ang ibang babaeng naroon… Better stay out of their way.

“Huwag mong pansinin ang dalawang iyan,” narinig niyang wika ni Neiji. “Magulo talaga ang mga iyan. Let’s just have dinner.”

Gusto sanang makipagkuwentuhan pa ni Winry kay Neiji para may mapag-usapan naman sila kahit paano sa sandaling magkasama sila. Pero nakikita niya sa mukha ng binata na pagod na ito.

“Did you have a long day?” tanong niya.

“Huh? Oh. Yeah, sort of.”

“Gusto mo bang magpahinga na? Okay lang naman sa akin na matapos agad ang dinner natin. Magpapahatid na lang ako kay Jigger pabalik ng Maynila.”

Somehow, her words seemed to hit a nerve. Dahil matagal siya nitong tinitigan. And then he just smiled.

Puwede na akong kunin ni Lord.

“No, I’m fine. Medyo pagod nga lang nang kaunti dahil ang dami kong inaasikaso sa opisina pero kinailangan kong lumipad dito.”

“Dapat sinabi mong busy ka.”

“Utos ni Reid Alleje ang pagpunta rito. Hindi puwedeng tumanggi. Besides, it was for you.”

“For me?”

“Lahat daw ng kasama sa Stallion Shampoo commercial, mandatory ang pagpunta ngayon. Para sa pagpili mo ng kung sinong makaka-date mo.”

“I’m sorry. Ako pa pala ang dahilan…”

“Its okay. We all thought na si Jigger na ang makaka-date mo dahil siya na ang nag-volunteer na sumundo sa iyo. We were all getting ready to go home when those evil twins… did it again.” Marahan pa itong napailing habang napapangiti na lang. “I just never thought those two had their eyes on me.”

Kung ganoon, wala pa ring idea si Neiji na ito ang napili niyang maka-date?

Ang slow. `Buti na lang guwapo. At mabait.

Plus the fact that they were actually talking now. That

he

was talking to her.

“By the way, you have beautiful hair.”

Automatic namang idinampi ni Winry ang kamay sa kanyang buhok. “Kung hindi pa nga naman gumanda ang buhok ko sa dami ng Stallion Shampoo na binili ko, ewan ko na lang.”

Tumawa lang si Neiji. “Then ikaw pala talaga dapat ang manalo. Bukod sa loyalty mo sa products namin, may magandang results pa iyon sa buhok mo.”

“Meant to be ba?” nakangising biro ni Winry.

“Probably.” He raised his glass of wine. “Do you want anything else to eat? Huwag kang mahihiyang um-order.”

“Hindi na. Busog na nga ako kanina pa. Ikaw dapat ang kumakain. Mukha ka kasing matamlay.”

“Halata na ba talaga ang ilang araw kong pagpupuyat?”

“Oo. Pero in fairness, natatakpan ng kaguwapuhan mo ang kumakaway mong mga eyebags.”

“Please don’t stare at me too much.” Yumuko pa ito para itago ang mukha. At eye bags. “I’m not cute yet.”

“Oh, you’re not cute.”

Parang biglang na-offend si Neiji sa narinig nang mag-angat ito ng tingin. Hindi na rin napigilan ni Winry ang mapangiti.

“You’re not cute, Mr. Villaraza. You’re handsome.”

“Oh.” He now had a satisfied and smug look on his face. “Thank you.”

Ang guwapo na, ang cute pa. Panalo ang lalaking ito!

Hindi lugi ang pagbibigay niya ng atensyon dito.

“Ang bilis talaga nitong mauto ni Neiji. Palibhasa, minsan lang makalabas ng lungga niya para makihalubilo sa mga normal na tao.”

“Kaya tuloy kapag nabati, high agad.”

Sabay pang tiningnan nina Winry at Neiji ang dalawang babae sa kabilang table. Nakangisi ang mga ito, halatang gusto lang mang-asar sa binata.

“Quiet, you two,” saway ni Neiji. “We’re on a date here.”

“Naks! Seryoso. Totoo ba iyan, Neiji?” patuloy na panunukso ni Temarrie. “Normal ka na?”

“Hallellujah!”

n

aghawak-kamay pa ang dalawang babae. Pagkatapos ay binalingan ni Jhun si Winry. “Pero ingat ka sa isang iyan, Miss. Negosyo lang ang kinikilala niyang maganda at sexy.”

“Oo nga. Huwag kang magpapaniwala sa nakikita ng iyong mga mata,” segunda ni Temarrie. “Kaloka, `di ba?”

“Don’t worry. I’m only here for one date,” sagot ni Winry. “Tanggap ko na hindi na niya ako maaalala pa pagkatapos nito.”

“I don’t think so,” singit ni Neiji. He leaned back against his seat, looking at her. “I remember you from the coffee shop a few nights ago. You were wearing pajamas and carrying a book. Right?”

Nagulat talaga si Winry sa narinig. “Naalala mo pa…”

“You looked pretty then. But… you look prettier now.”

Muntik nang mahulog si Winry sa kinauupuan sa narinig. Hindi na rin niya halos alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Parang naiihi siya na ewan.

“Huwag kang maniniwala, Miss.”

“Bolero iyan.”

Binalingan uli ni Neiji ang dalawang babae. “Isusumbong ko kayo sa mga asawa ninyo. Na hindi kayo sa kanila pumusta.”

“Bagay kayo, Miss.”

“Isang cute at isang prettier.”

“Very good, kids,” wika ni Neiji, kuntento na sa biglang paglipat ng pananampalataya ng dalawang babae. “Well, kung tapos ka nang kumain, Winry, let’s go for a walk. Maganda ang SRC kahit sa gabi. Masarap maglakad-lakad habang nagpapatunaw ng kinain.”

Nag-thumbs-up sina Temarrie at Jhun bilang pagsang-ayon kay Neiji. Tango lang ang naisagot ni Winry dahil windang pa ang pagkatao niya sa katotohanang naalala pa pala ni Neiji ang una nilang pagkikita. Neiji got up and went behind her, assisting her with her chair as she got up.

What a gentleman!

He then offered his hand to her. “Shall we go?”

Winry could not say ‘no’ even if she wanted to. With that beautiful smile of his and his handsome face only inches away from hers, she could only nod and take his hand. His warm, gentle hand.

Naglakad na sila palabas ng restaurant nang magkahawak-kamay. Hindi na nakaimik si Winry nang hilahin siya ni Neiji sa kung saan. Basta sumusunod na lang siya kung saan siya dalhin. Kunsabagay, kahit naman subukan niyang mag-isip ng kung saan sila pupunta ay wala ring silbi. Her whole attention was drawn to their clasped hands, and the way he sweetly led her…somewhere out there.

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng ka-holding hands. Pero ibang-iba talaga ang pakiramdam niya ngayong si Neiji ang kahawak-kamay niya. There was just something extra special…

“Are you cold?” mayamaya’y tanong ng binata. Pero bago pa man makasagot si Winry ay nahubad na ni Neiji ang suot nitong coat at ibinalot iyon sa kanyang katawan. “Sorry, hindi ko nasabi sa phone nang tawagan kita na magdala ka ng jacket.”

“I can’t really consider that a bad thing.” Lalo na at may personal jacket na siya ngayon mula sa lalaking ito. “Thank you nga pala rito sa coat mo. Kaso, baka ikaw naman ang lamigin.”

“Sanay na ako.” Inayos pa nito nang husto ang coat sa kanya. “Okay na?”

Tumango na lang uli Winry. Bakit ba ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong klase ng lalaki? Kung naging bata-bata pa siya nang magkrus ang mga landas nila, baka ini-stalk na niya si Neiji. O pinikot. Unfortunately, nagkaedad siyang solid ang moralidad.

Sayang.

Gusto niyang tawanan ang naisip na kalokohan.

Sa isang indoor stable sila nakarating ni Neiji. Sa labas niyon ay naroon ang isang puting kabayo na sinusuklay ang buhok ng buntot niyon ng isang stable boy.

“Good evening, Sir Neiji. Patatakbuhin pa namin si Selphi sa paligid ng SRC bago sana namin siya ipasok sa kuwadra niya.”

“No, its okay. Ako na lang ang bahala sa kanya.” Halatang agad na nakilala ng kabayo si Neiji dahil lumingon dito ang hayop nang lumapit ang binata.

“Is that yours?” tanong ni Winry.

“Yes. This is Selphi, my Wielkopolski-bred horse. She’s a great horse for show jumping and event sports, and she’s quite fast. Kanina nga nanguna kami sa steeple shase game. Maaasahan talaga itong si Selphi kapag kailangan kong magyabang.” Tumawa pa ang binata, saka inayos ang saddle at stirrup sa katawan ng kabayo. And he was up in the air and on the back of the magnificent horse the next moment, holding out a hand to her. “Let’s go, Winry. Hindi tayo makakapag-date dito nang maayos. Maraming istorbo. Doon na lang tayo sa bahay ko.”

“B-bahay mo? May bahay ka rito?”

“Lahat ng club members meron. Come on.”

“Pero nakabestida ako. Puwede ba akong sumakay ng kabayo nang nakaganito?”

“Oo naman. Basta itapak mo lang ang kaliwang paa mo sa stirrup at aalalayan na kitang maupo rito.”

She did as he instructed. She was swept along the back of the horse, as well the next moment. Mabilis at mahigpit siyang kumapit sa katawan ni Neiji na nasa harap niya.

“I can’t believe I’m doing this!”

“Yeah, me too,” sambit ng binata. “Are you ready? Kapit ka lang nang maigi sa akin.”

“O-okay.” Mariin nang napapikit si Winry at mas mahigpit na iniyakap ang mga braso sa katawan ni Neiji. “Huwag mo akong ihuhulog, please? Magpapakabait na ako nang husto.”

Tumawa lang si Neiji, saka masuyong tinapik ang ulo ni Winry. “Don’t worry. I’ll take care of you.”

“WELL? What

do you think? Mas okay dito, hindi ba?”

Naupo sa tabi ni Winry si Neiji sa sofa na nasa front porch ng bahay nito. Nakatanaw si Winry sa napakagandang tanawin sa harap nila na naiilawan ng liwanag ng bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin. Ngunit halos hindi na iyon pinapansin ni Winry dahil sa ganda ng nakikitang tanawin.

It was a great night, indeed.

“Mas relaxing nga dito,” aniya. “Pero masakit pa rin ang puwet ko.”

“Ganyan talaga sa umpisa. Masasanay ka rin kapag tumagal.”

“Hindi na. Okay na ako sa isang beses na experience.” She fidgeted in her seat. “Parang gusto kong maupo sa isang bloke ng yelo.”

“Masakit ba talaga?”

“Hindi mo ba naranasan ang ganito n’ong first time mong sumampa ng kabayo?”

“Hindi ko na maalala.” Napansin ni Winry na sinilip ni Neiji ang mukha niya bago ito napangiti. “Ganyan pala ang pakiramdam ng mga babae kapag nakakasakay ng kabayo. No wonder mga lalaki lang ang nahihilig nang husto sa equestrian sports.”

“You mean, walang nagreklamo sa mga babaeng naisakay mo na sa kabayo mo?”

“Wala. Ikaw lang.”

“Nahihiya lang siguro ang mga iyon. Pero believe me, masakit siya. Next time, tanungin mo sila kung gusto nilang magpadala sa ospital.”

“You… want to go to a hospital?” May pag-aalala sa mukha at tono ng boses ni Neiji.

“No, I’m fine. Makakaya ko ang dagok na ito sa buhay ko.” Itinaas na lang ni Winry ang mga binti sa sofa. Narinig niyang natawa lang si Neiji sa tabi niya.

“Ikaw lang din.”

“Ang alin?”

“Ang tanging babaeng naisakay ko kay Selphi.”

“Ganyan pala kalaki ang galit mo sa akin.”

Muling natawa si Neiji. It was a good laugh. Kahit nagrereklamo sa estado ng kanyang puwit, masaya na rin siyang marinig na kahit paano ay mukhang enjoy rin naman ang binata sa date nila. Sinulyapan ni Winry ang kanyang kamay na hawak ni Neiji kanina habang naglalakad sila at lihim siyang napangiti.

That would be a good memor, as well.

Sino ang mag-aakala na sa edad niyang ito ay makaka-experience pa siya ng mga ganitong klase ng pangyayari sa buhay niya? And she never thought she would actually enjoy having this kind of random date with someone she hardly knew. Okay din naman pala ang mag-explore ng mga kaganapan sa buhay paminsan-minsan. Bonus nang maituturing na ang naka-date pa niya ay ang lalaking nakakuha ng kanyang buong atensyon.

Speaking of that guy…

Nagulat pa si Winry nang maramdaman ang pagbigat ng kanyang balikat at nakitang nakasandal na sa kanya si Neiji. Pagbaling niya ay nakita niyang nakapikit na ito at napakapayapa ng guwapong mukha. Hindi na yata talaga nakayanan ang antok na dala ng pagod.

“Poor guy,” sambit niya. “What have you been doing with your life?”

Kunsabagay, siya man ay lugmok din sa trabaho. Nakakapagod pero nakakaadik kaya hindi rin niya talaga maiwasang magpakalunod sa trabaho. She probably just liked this guy.

Marahan siyang napabuntunghininga at nanatili lang sa kinauupuan. Hihintayin na lang niyang magising ang binata bago siya magpaalam. Mag-aalas-otso pa lang naman ng gabi. Dahan-dahan din siyang sumandal sa sofa para hindi mangalay, habang inaalalayan ang walang malay na lalaki. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa kanilang harap. Salamat sa parteng iyon ng riding club na wala masyadong puno, malayang napagmamasdan ni Winry ang napakagandang view ng Taal Lake sa gabi. The light coming from the moon was just enough to give the lake an enchanted feel. The soft cold breeze, the quiet night and the sleeping prince beside her completed this magical and somewhat unusual night of hers.

Makasali nga uli sa iba pang dating contest na darating.

Tinawanan lang niya ang sariling kalokohan. Hindi naman kasi niya seseryosohin iyon. Dahil pagkatapos nito, babalik na siya sa normal niyang buhay. Sapat na ang mga nangyari ngayon para makuntento ang nagli-ligalig niyang puso.

Neiji moved and coughed a little before turning away from her and leaning back against the soft seat, still asleep. Gusto sanang manghinayang ni Winry na hindi na niya maramdaman ang init ng katawan ng binata, pero nang makitang humalukipkip si Neiji, medyo nag-alala siya na baka magkasakit ito, lalo at narinig niya ang pag-ubo nito. Kaya maingat siyang tumayo at pumasok sa loob ng bahay para maghanap ng puwedeng ibalot sa katawan nito.

Nang wala siyang makita sa sala ay dumiretso siya sa nag-iisang silid. Napailing lang si Winry nang makita ang estado ng kwarto ni Neiji. Even his room reflected his hectic life. Magulo ang silid dahil sa nagkalat na papeles at ilang mga magazine sa mesa sa gilid ng kama. May mga damit na nakatiklop nga pero hindi naman naipasok sa mga cabinet. May nakikita rin siyang mga broadsheet na tila sumisilip sa ilalim ng kama.

“This reminds me of my own room. Medyo girly nga lang ang sa akin. At mas malinis nang kaunti.” Kaya hindi rin niya makondena si Neiji sa kapabayaan nitong maayos ang silid.

Kumuha si Winry ng malinis na blanket sa isa sa mga cabinet roon at muling lumabas para ibalot iyon kay Neiji. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa loob ng kwarto, saka isa-isang nilinis ang mga nakakalat, bilang pasasalamat sa hindi nito pagtanggi nang basta na lang siya itambak dito ni Jigger bilang ka-date. Pagkatapos ay nakigamit siya ng telepono sa sala nang makita roon ang numero ng clubhouse para magpasundo na.

Hi! This is Jigger. Narinig ko sa receptionist na nagpapasundo ka na raw.

“Oo sana. Baka gabihin na kasi ako nang husto, eh.”

Where’s Neiji? Bakit hindi siya ang maghatid sa iyo?”

Sinulyapan ni Winry ang bintana ng sala kung saan natatanaw ang binata sa labas. “Tulog, eh. Napagod yata.”

Hmm. Medyo hectic nga ang schedule niya these days. Anyway, nasaan ka ba? Ako na lang ang susundo sa iyo.”

“Nandito ako sa bahay ni Neiji.”

No worries. I know that place.”

“Salamat.”

Binalikan na niya si Neiji sa labas matapos maibaba ang telepono. Tulog na tulog pa rin ang binata. Malaya tuloy niya itong mapagmasdan nang husto ngayon, salamat sa mainam na liwanag na hatid ng dalawang lamppost sa magkabilang kanto ng poste ng front porch.

“Such a delicate, almost perfect face…” sambit niya. “It was nice spending time with you, Mr. Villaraza. I had a great time. Sana nga mas mahaba pa ang oras natin na magkasama at nagkukuwentuhan. Pero mas okay na ang ganito. At least nakapagpahinga ka na.” Isang beses pa niyang kinabisado ang bawat anggulo ng mukha ni Neiji. “Salamat din na naalala mo pa nang una tayong magkita. That was… sweet.”

Ang sarap mo sigurong mahalin. Kahit lagi kang aligaga sa trabaho.

Her heart agreed.

My heart?

Napadiretso ng upo si Winry habang nakatitig pa rin sa natutulog na binata. Unti-unti rin niyang nararamdaman ang papalakas na tibok ng kanyang puso.

My… heart…?

Ewan niya kung ano ang nangyari at bigla na lang bumalik sa kanyang alaala ang araw, o madaling-araw, na nagkita sila sa coffee shop. Ang unang ngiti ni Neiji sa kanya, ang unang beses na narinig niya ang boses nito. Ang naramdaman niya nang muli niyang makita ang binata sa shampoo commercial at ang kakaibang excitement na ngayon lang niya naramdaman habang nangangarap siyang manalo sa raffle date promo na iyon. At ang emosyong naramdaman niya nang muling makita si Neiji kanina pagdating niya sa Stallion Riding Club at masilayan uli ang ngiti nito…

Winry clutched her throbbing chest. “Ano’ng nangyayari…?” Binalingan uli niya ang natutulog na binata, at lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso. She wasn’t born yesterday to not realize what those feelings were. “Oh, no. No, no, no, no, no…”

Ano’ng problema mo?

asked the little voice in her head.

Hindi ba’t ito naman ang hinihintay mo talaga? Ang magkaroon ng boylet?

Nag-iwas ng tingin si Winry at itinutok ang atensyon sa walang muwang na Taal

v

olcano sa harap nila.

“Teka muna. Hindi pa ako ready…” Mariin siyang pumikit at pilit na pinipigilan ang patuloy na paglakas ng tibok ng kanyang puso. At ang unti-unti ring paglinaw ng lahat sa kanya. “Give me fifteen minutes more.”

Fifteen minutes. Baka kasya na iyon para makapag-adjust ang nawindang niyang pagkatao.

NAABUTAN ng tatlong

lalaki sina Neiji at Winry na mahimbing na natutulog sa front porch. Ilang sandali rin nilang tahimik na pinagmasdan ang dalawa na tila ba may kung anong gustong makita sa eksena sa harap nila.

“Don’t they look good together, Trigger?”

“Yeah. But she looks cold, Jigger.” Nilapitan ni Trigger sina Neiji at Winry at inayos ang kumot para parehong hindi lamigin ang dalawa.

“Parang lalamigin pa rin sila kung ganyan lang.” Si Jigger naman ang lumapit at pinagsugpong ang mga kamay ng mga natutulog.

“Hmm…” Muling kumilos si Trigger at inalalayan si Winry na mapasandal sa katawan ni Neiji. “Better.”

“Don’t you think it would be best to just let them sleep inside the house?”

Nilingon ng kambal ang isa pa nilang kasama.

“Hindi lahat ay nadadaan sa santong paspasan,” wika ni Trigger.

“Conservative ang mga Stallion boys,” dugtong ni Jigger. “Remember that.”

“Okay. Can we go back to our meeting now?”

“Take our picture first.” Ibinigay ni Trigger sa kakambal ang cellphone. “Souvenir.”

The twins sat in front of the sleeping couple and their picture was taken. Pagkatapos ay kinuha naman ng isa sa kambal ang cellphone na nasa tabi ng babae, at iyon naman ang ginamit para kuhaan ng larawan ang lalaki.

“Para may souvenir din si Winry sa ka-date niya.” Ilang shots pa ang kinuha nila bago ibinalik ang cellphone sa pinagkuhaan, saka sabay-sabay na silang naglakad pabalik sa nakaparadang sasakyan sa di-kalayuan.

“Hey, Zero. Do you want to be a part of the Stallion Riding Club?”

“Saka na. Kapag may asawa na ako.”

“Magpa-member ka rito. Magkakaasawa ka agad.”

Tumawa lang si Zero. “With you two around? No doubt about it.”

NAGISING si Neiji

dahil sa liwanag ng papasikat na araw sa silangan. Nagtaka pa siya nang hindi siya agad makakilos dahil tila may nakadagan sa kanya. He looked at the woman who was sleeping by his side, sharing his blanket, while he clutched her hand. Napakunot-noo siya.

“Who was this…” Kumilos ang babae at doon lang niya nakita ang kabuuan ng mukha nito. Saka lang din niya naalala ang mga nangyari kagabi. “Oh, yeah. The date.”

Winry Acosta.

It was the woman he saw from the coffee shop a few nights ago. Medyo nagulat din siya nang makita ang babae na kasamang dumating ni Jigger sa Stallion Riding Club. He hated to admit it to himself, but he went back to that coffee shop three times, hoping to see her again. Unfortunately, hindi na niya ito nakita pa. Hindi rin niya alam kung bakit, ngunit lagi niyang naaalala ang babae sa tuwing makakawala siya sandali sa hectic niyang schedule.

Maybe it was because of her teddy bear-printed pajamas?

Napangiti nang wala sa oras si Neiji. “Yeah, maybe that’s it.”

Napadako naman ang tingin niya sa magkasalikop pa rin nilang mga kamay. Her hand felt cold so he held her hand tighter as he pulled up the blanket which was covering her body. He caught the scent of her hair. A lovely, comfortable scent, if there was such a thing. And she said she was using Stallion Shampoo, right? He never knew it could actually smell this lovely on a woman’s hair. Although kabisado na niya ang amoy ng pinaka-successful na produkto ng kanyang kumpanya, hindi pa rin niya mapigilan na humanga sa bango niyon sa buhok ni Winry.

Unti-unti nang sumisikat ang araw at tinatamaan na ng sinag niyon ang mukha ng dalaga. He shielded her from the morning sunshine with his hand. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na muling pagmasdan ang tanawin sa harap niya. Halos natatakpan pa rin ng hamog ang paligid at alam ni Neiji na ilang minuto lang ay mawawala na iyon sa pagtaas ng araw. Kaya naman sa tuwing naroon siya sa SRC ay maaga talaga siyang gumigising para pagmasdan lang ang ganitong tanawin sa umaga. Usually, he would just sit there quietly while sipping his favorite coffee.

Now he was sitting there with someone, a woman for that matter, he did not have any hot drink in his hand, and he did not seem to mind at all.

Well, what do you know? There are still a lot of things that make this world even more worthwhile.

Sinulyapan ni Neiji ang babae sa kanyang tabi.

Could it be…

Narinig niya ang pag-iingay ng cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Mabilis niya iyong sinagot para hindi na magising si Winry. It was Nestor, his personal stable boy. Ipinaalam lang ng lalaki na kinuha nito si Selphi kagabi nang may magsabing ibang stable boys na nakita ang kabayo niya na napalayo na sa bahay niya. Hindi na raw siya inistorbo ni Nestor dahil nakatulog na nga raw siya kasama ang kanyang bisita, kaya ito na ang nagdala kay Selphi sa kwadra niyon.

Napabuntunghininga na lang si Neiji matapos makipag-usap sa kanyang stable boy. Pati ang paborito niyang alaga ay nakalimutan na niya. Masyado na siyang nadi-distract sa maraming bagay dahil sa babaeng ito sa kanyang tabi. Medyo hindi na maganda iyon.

Maingat na inilayo ni Neiji ang sarili kay Winry. Ibinalot niya nang maayos ang kumot sa dalaga para hindi ito lamigin. Hinayaan na rin niya roon si Winry dahil mas mabilis itong maiinitan sa sikat ng araw kaysa papasukin pa niya ito sa loob na siguradong doble ang lamig dahil hindi niya nabuksan ang heater kagabi. He looked at the woman’s sleeping face. He thought he had the most delicate face he had ever seen, and she almost reached out to touch her cheek just to see if she was for real.

Damn it, Neiji. Keep your hands to yourself, okay?

He sighed and started walking towards the house. Isang beses pa niyang sinulyapan ang dalaga, checking whether she was comfortable before going inside the house, shaking his head.

“Enough, Neiji. You don’t need any distractions right now.”

ISANG malakas na sigaw

ang nagpagising sa kamalayan ni Winry. Nasilaw pa siya sa sikat ng araw nang magmulat ng mga mata. Gusto sana niyang i-enjoy ang ganda ng tanawin sa harap niya, kung hindi lang siya nag-alala sa sigaw na iyon. Pupungas-pungas pa siya nang tumayo at pumasok sa pinaka-sala ng bahay.

“Anong… meron…?” Teka, nasaan ba siya? Hindi pamilyar ang lugar na ito.

Nakita niya si Neiji na papalabas ng silid at noon lang bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Luminga-linga siya sa paligid. Maliwanag na.

Umaga na?!

“You’re awake. Good.” Huminto si Neiji ilang metro ang layo sa kanya, his hands on his hips, his brow furrowed. “Did you do something in my room?”

“H-ha?” Kinusot ni Winry ang mga mata at napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng kalamnan sa kanyang braso. Nangalay na siguro siya dala ng pagkakatulog sa sofa. “Ano… ano nga iyon? Good morning nga pala, Nei—”

“Pinakialaman mo ba ang kuwarto ko kagabi? Hindi maaaring ang mga housemaid ng SRC ang nakialam doon dahil hindi nila schedule ang maglinis ng bahay ko kahapon. At hindi sila puwedeng pumasok sa kwarto ko nang hindi nagpapaalam sa akin. Nasa rules iyon ng SRC.”

Doon lang siya tila nahimasmasan nang husto. “Oo, ako nga ang pumasok sa kwarto mo kagabi. Pero kasi, nilinis ko lang naman—”

“At sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang basta na lang pakialaman ang mga gamit sa silid ko? Now I can’t find those documents that I needed. Importante ang mga iyon sa mga business deals ko ngayong araw. How do you think I’d be able to answer my clients’ questions, huh?”

What happened to her precious gentle angel last night? This guy in front of her still possessed the same handsome face of the man she met last night. Pero bakit parang hindi na ito ang lalaking iyon?

“What the hell would I— hey! Where do you think you’re going?”

Nilingon ni Winry si Neiji. “Kahit ang mga magulang ko, hindi ako sinisigawan kapag bagong gising ako. Lalo na sa umaga. Sorry kung nagulo ko ang magulo mo nang kwarto. Pero intensyon ko lang naman na malinis ang silid mo dahil ang bait ng pakikitungo mo sa akin kagabi. It’s a sign of my appreciation. Kaya nagkamali man ako sa ginawa ko, pasensiya na. Anyway, wala akong itinapon kahit kapirasong papel at lahat ng nadampot kong papeles ay nasa ibabaw lang ng side table mo. Tingnan mo na lang uli at baka nakaligtaan mo lang.”

Iyon lang at tinalikuran na ni Winry si Neiji. Masama ang loob niya at ayaw niyang ibunton iyon lahat sa lalaki dahil may kasalanan din naman talaga siya. Kailangan lang niyang makalayo agad bago pa tuluyang maputol ang kanyang pasensiya.

At madagdagan ang lumalalang sama ng loob niya.

Paglabas ng bahay ay saka naman niya nahagip ng tingin ang mangangabayo na napadaan sa labas ng malawak na bakuran ni Neiji. Agad niyang nakilala iyon.

“Jigger!” Mabilis siyang humabol nang huminto ito. “Bakit hindi mo ako sinundo kagabi? Sabi mo pupuntahan mo ako rito—”

“I did. Itanong mo pa sa mga kasama kong nagpunta rito.”

“Kung gano’n…”

“You were fast asleep. Ayokong maging istorbo sa inyo.” Kumindat pa ito na may panunuksong ipinahihiwatig.

“Whatever. Puwede na bang magpahatid sa iyo pabalik ng Maynila? Ayoko na rito.”

“Break na agad kayo ni Neiji?”

“Puwede ba, Jigger.”

“I’m not Jigger.”

Tinitigan ni Winry ang lalaki. Then this must be Trigger. Pero hindi rin siya sigurado. At bago pa siya makapag-decide kung maniniwala ba o hindi ay may kung sino na itong tiningnan sa likuran niya.

“Ano ba ang ginawa mo at ang aga-aga, eh, ang init ng ulo nitong ka-date mo, Neiji?”

Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay mabilis nang naglakad palayo si Winry. Siya na lang mag-isa ang maghahanap patungo sa kung saan mayroong matinong mapapakiusapan na maghahatid sa kanya sa Maynila.

“That’s not the way back to the clubhouse, Winry.” Pigil na ni Neiji ang braso niya.

“I’ll just find it on my own, thank you.” Pumiksi siya para makawala sa lalaki. Saka nag-iba siya ng direksyon nang hindi ito tinatapunan ng tingin.

Humarang si Trigger sa daraanan niya, sakay pa rin ng kabayo. “Ang aga n’yo namang magka-LQ.” He leaned forward, offering his hand to her. “Ako na ang maghahatid sa iyo sa clubhouse.”

Ngunit hinawi ni Neiji ang kamay ni Winry. “Ako ang ka-date niya kaya ako ang bahala sa kanya.”

“Hindi mo na kailangang magpakabayani.” Hinawi rin ni Winry ang kamay ni Neiji.

Nakipagtagisan siya ng titigan kay Neiji nang hindi nito bitiwan ang braso niya. Wala na ang iritasyong nakita niya sa mukha nito kanina. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nito.

“Kakagatin ko ang kamay mo kapag hindi mo ako binitiwan, Neiji.”

“Kagatin mo.”

“Let her go, Neiji. Nariyan na si Jigger.” Nilingon nilang pareho ang nagsalita.

Nakatingin si Trigger sa isang paparating na Land Rover. Nang huminto iyon sa harap nila ay lumabas mula roon ang isa sa Samaniego twins. Hindi ito nakauniporme at nakangiting kumaway sa kanila nang maglakad palapit.

“Good morning, lovers.”

“May LQ sila, Jigger.”

“Hay. Umiral na naman siguro ang morning sickness mo, ano, Neiji?”

“Shut up, Jigger.”

“I’m Trigger.”

“You’re Jigger. Kasasabi lang ni Trigger.”

Tumawa lang ang kakambal nitong nasa likod pa rin ng kabayo.

Binawi na nang tuluyan ni Winry ang braso mula kay Neiji. Sa wakas ay nakakawala rin siya. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa Land Rover at pumasok sa passenger seat nang hindi na nililingon pa ang mga iniwan sa labas. Itinutok lang niya ang atensyon sa tanawin sa harap ng sasakyan. Ilang sandali lang naman ay pumasok na rin sa sasakyan si Jigger.

He started the engine and off they went. “Gano’n talaga si Neiji sa umaga, Winry. Parang nawawala sa sarili. Kaya pagpasensiyahan mo na.”

“I’m fine. Let’s just go.”