noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 3

3

D

inampot ni Winry ang nag-iingay na cellphone nang hindi inaalis ang tingin sa mga resibo na tina-tally. “Hello?”

Hello. May I speak with Miss Winry Acosta, please?

“Yes, this is Winry speaking. Who’s on the line, please?”

Good morning, Miss Acosta. This is Neiji Villaraza of Mobliz Limited. I’m calling about the Stallion Shampoo promo, and I’m happy to inform you that you’ve been chosen as the raffle winner.”

Napatayo si Winry at malakas na napamura. Naitakip pa niya ang kamay sa bibig nang ma-realize kung ano ang kanyang sinabi. “Ah— I’m sorry, Sir. I’m so sorry. Nagulat lang ako. Hindi ko kasi talaga ito inaasahan. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa raffle promo na iyon— wait, really? Nanalo talaga ako?” Walang sagot mula sa kabilang linya. Lagot! Binabaan na yata siya ng telepono. “Hello? Hello? Hell—”

I’m still here

.”

Malakas siyang napabuntunghininga. “Sorry talaga sa lumabas sa bibig ko kanina. Ah, may iba pa ba kayong sasabihin, Sir?”

Marami pa sana. Kaya lang nakalimutan ko na nang bigla kang sumigaw. Anyway, we will have someone pick you up at your place of residence tomorrow night at eight. We already have your address so there’s nothing to worry about. Good luck and congratulations again

.”

The line was cut even before she could say thank you. Pero okay lang. Masaya siya. Masayang-masaya. Noon lang din niya napansin na nakatingin na sa kanya ang lahat ng customer at tauhan niya sa restaurant. May pagtataka sa mukha ng mga ito. Ngumisi lang siya.

“I won!” sigaw niya. “I won! I won! Ako! Ako ang makaka-date ng isa sa Stallion boys!”

Binati siya ng mga tao roon, karamihan ay babae, at halos lahat ay nagparating ng pagkainggit sa kapalaran niya. Winry knew there was probably no one in the country right now who did not know about the Stallion Shampoo, including the men from that commercial. At lahat marahil ng babae sa Pilipinas ngayon ay namakyaw ng naturang produkto para lang magbakasakaling suwertehin na manalo at maka-date ang isa sa mga lalaking iyon. Iyon lang ang tanging explanation na alam ni Winry kung bakit halos lahat ng kababaihan doon ngayon ay parang gusto siyang batuhin ng plato at tray.

Pero balewala sa kanya ang masasamang balak ng mga ito. Basta siya, masaya. Masayang-masayang-masaya!

“Kayo na muna ang bahala rito, ha?” wika niya sa mga tauhan na nasa bandang cashier counter. “Bibili pa ako ng gown para sa date ko bukas. Magpapa-parlor din ako at bibisita kay Dra. Pie Calayan.”

“Calayan? Magpaparetoke kayo, Ma’am? Maganda na kayo, ah.”

Ngumisi lang si Winry. Of course, she knew she was pretty enough. Binibiro lang naman niya ang mga ito para hindi gaanong mahirapan na tanggapin ang katotohanang siya ang nanalo sa contest na iyon.

“Ah, basta. Mauuna na ako sa inyo. Sige, bye.”

“Good luck, Ma’am.”

“Ang swerte mo talaga, Ma’am. Pauwi ng souvenir, ha? Kahit isang Stallion boy lang,

solb

na ako.”

“Oo bah.” The image of the guy from a few nights ago came to mind again.

Puwera `yon. “

Kapag may naghanap sa akin, sabihin n’yo hanapin na lang uli ako pagkatapos ng tatlong araw.”

“Tatlong araw?”

“Sigurado kasing aabutin ng tatlong bago ako tuluyang mahimasmasan sa suwerteng dumapo sa akin ngayon. At bukas ng gabi.” Ngisi-ngisi lang si Winry nang damputin ang kanyang shoulder bag at nagmamadaling lumabas ng restaurant.

Ano ba ang uunahin niyang gawin? Magpa-parlor, magpa-facial, bumili ng damit, o magsukat ng wedding gown?

Tinawanan lang niya ang huling kabaliwan.

TINAPIK ni Winry ang kanyang pisngi habang nakaharap sa life-size mirror sa loob ng kanyang silid.

“My, my,” sambit niya. “Ikaw ba talaga iyan, Winry? Ang ganda mo!”

Isang peach dress na may free-flowing flirty-type skirt ang suot niya. Mataas din ang takong ng kanyang sandals na nagpalitaw nang husto sa itinatago niyang makinis na binti at paa.

“Napakadyosa ko naman pala. Wala pang mortal na binata ang nakakakita nito.” Tinaasan lang niya ng kilay ang sariling repleksyon. “Baka pang-imortal ang byuti ko. Hmm… mukhang mas type ko iyon. Pero kung wala namang darating na imortal na binata, ano naman ang gagawin ko sa kagandahang ito?”

Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. She was really pretty. Ang tanong na lang, sapat kaya ang alindog niyang ito para magustuhan siya ng lalaking iyon? Saglit na napakunot-noo si Winry.

“Nakasalalay talaga sa lalaking iyon ang tagumpay nitong gabi ko?” Mabilis na sumagot ang kausap niyang hangin.

Oo. Dahil ang lalaking iyon lang din naman ang dahilan kung bakit ka nangharbat ng sangkatutak na Stallion Shampoo and Conditioner, hindi ba?

Tinanggap na lang niya ang katotohanang iyon. Ngayon nga lang naman kasi siya tila nagkaroon ng kakaibang sigla sa buhay pagkatapos ng ilang taon na napaka-monotonous ng bawat araw niya na puro lang trabaho ang inaatupag. Now, she had something to look forward to. And she was really looking forward to it.

Nataranta si Winry nang marinig ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-iingay ng doorbell.

Nandiyan na siya!

Ilang beses pa niyang sinipat ang sarili sa salamin upang masigurong walang ano mang maipipintas sa kanya. Satisfied, she walked regally out of her room. Natalisod pa nga siya paglabas ng pinto ng bahay patungong gate. Mabuti na lang at mag-isa lang siya roon. Walang nakakita sa katangahan niya.

Kumakabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.

What if he doesn’t like me? What if I don’t turn out to be the ideal woman he’s looking for? What if—ah, what the hell!

Inipon niya ang buong tapang at binuksan ang gate. Isang maingay na drum roll ang narinig niya sa isipan. Na unti-unting tila naging tunog ng sirang plaka nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya pagbukas ng gate.

“Hi.”

“Ah… h-hi.” The guy was handsome, all right. Tall, suave, with smiling eyes. But he was not the man she was expecting tonight. “I’m, ah…I’m Winry Acosta.”

“I know.” Inilahad nito ang kamay. “I’m Jigger Samaniego. Let’s go?”

“O-okay…” Itinago na lang ni Winry ang pagkadismaya sa kanyang mga ngiti nang tanggapin ang imbitasyon ni Jigger na magtungo na sila sa naghihintay na itim na Pajero sa labas ng gate.

Sa passenger seat siya nito pinapuwesto at ito naman sa driver’s seat. Walang driver ang binata, halatang independent.

Ang lalaking iyon kaya, anong klase ng sasakyan niya ako isasakay kung sakaling siya ang ka-date ko ngayon? Hay…

Kunsabagay, wala namang sinabi sa instructions sa raffle promo na ang winner ang mamimili kung sino ang makaka-date. Basta kasi na-excite na lang siya at hindi na naisip na mag-usisa.

“May naghihintay na chopper sa atin sa air strip sa Pasay,” wika ni Jigger. “Iyon ang magdadala sa atin sa Stallion Riding Club sa Tagaytay para mabilis ang biyahe natin.”

“Okay.”

“Can I ask you something, Winry?”

“Ano iyon?”

“Are you disappointed?”

“About what?”

“Na ako ang kasama mo ngayon.”

Naku, egoistic pa yata ang isang ito.

“Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Napansin ko lang kanina na medyo hindi ka masaya na ako ang nakita mong naghihintay sa iyo sa labas ng gate mo. Were you expecting someone else? Don’t worry, I won’t get offended.”

“Talaga?”

“Well, medyo lang. Pero ikaw ang kauna-unahang babaeng tinanggihan ako kaya patatawarin kita.”

Gusto sanang matawa ni Winry. Pero pakiramdam niya ay hindi siya dapat tumatawa sa harap ng lalaking ito. Although wala namang kasungitan na ipinapakita si Jigger sa kanya, pakiramdam pa rin niya ay kailangan niyang mag-ingat sa lalaking ito.

“Eh… hindi kasi naipaliwanag nang maayos sa commercial ang mechanics ng dating game. Wala naman kasi akong pakialam sa cash price. I was really after the dating game…”

“So, disappointed ka nga sa akin.”

“Kung ikaw ang ka-date ko, okay lang din naman sa akin. Wala namang problema.”

“I don’t like the sound of that. I was never second choice, not even with my twin brother. Lagi lang kaming magkapantay.” Saglit na natahimik si Jigger. “Kung ganon nagkakamali rin pala sa negosyo si Neiji. This is something new.” Mayamaya ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “Ang totoo, hindi naman talaga ako ang ka-date mo, Winry. Nautusan lang ako ni Neiji, ang may-ari ng Stallion Shampoo, na sunduin ka.

t

utal naman daw ay late ako sa meet-up namin sa SRC kaya isabay na daw kita papunta roon.”

Bigla siyang nabuhayan ng loob. “Sa tingin mo, puwede kong makausap si Mr. Neiji para alamin kung sino ang ka-date ko?”

“Bakit? May specific Stallion boy ka ba na gustong maka-date?” Hindi agad nakasagot si Winry. “Don’t worry. Hindi ako tatawa.”

“Hindi ko rin kasi alam ang pangalan niya…”

“Gano’n ba? Sige, let me do something about that.” Jigger picked up his phone and called someone. “Hey, Triggs, tipunin mo sa isang lugar ang lahat ng mga club members na napasali sa

tv

commercial ni Neiji. Something very interesting is about to happen. Okay, I’ll tell her that.” Ini-off na nito ang cellphone. “That was my twin brother. The Stallion Riding Club, in cooperation with Neiji Villaraza’s Mobliz Limited, wants you to have the time of your life. It’s the least we could do for customers like you who keep supporting our friend’s newest products.”

“Parang commercial lang sa

tv

, ah.”

Ngumiti lang si Jigger. Pero parang may nakatago sa ngiting iyon. Gaya ng napansin niya kanina. Kinukutuban talaga si Winry na parang may mangyayaring kababalaghan. Ang mabait na aura lang ni Jigger Samaniego ang tila bumubulong sa kanya na wala namang mangyayaring masama. Kaya siguro sumusunod lang siya sa mga sinasabi ng binata.

Isang helicopter nga ang naghihintay sa kanila sa isang paliparan sa Pasay. Kahit doon ay si Jigger pa rin ang driver niya. Wala siguro itong sasakyan na hindi kayang paandarin. Manghang-mangha si Winry sa tanawin habang nakasilip siya sa bintana ng chopper. Kapag nakakuha siya ng magandang pagkakataon para magbakasyon nang matagal-tagal, isasama niya sa itinerary niya ang muling pagsakay sa helicopter.

t

utal ay may mga chopper services nang available para sa mga simpleng taong gaya niya.

Ang dami na palang nasayang na pagkakataon sa kanya sa loob ng maraming taong pagbuburo sa kanyang negosyo. She had missed a lot of things. Dapat na nga siguro siyang magbago ng lifestyle. At ngayong gabi, after meeting the man of her dreams, everything would definitely turn around for her. Pero lalo siyang namangha paglapag nila sa helipad ng Stallion Riding Club. The whole place was illuminated beautifully. Aakalain mong nasa ibang bansa ka base na rin sa itsura ng buong lugar. Elegante. Iyon lang ang tanging deskripsyon na nasabi ni Winry para ilarawan ang Stallion Riding Club.

Isang lalaking kamukhang-kamukha ni Jigger ang sumalubong sa kanila. The new guy wasn’t smiling, kaya kinailangan pang tingnan ni Winry ang katabi para lang masigurong hindi siya namamalikmata. Mabuti na lang at magkaiba ang damit ng mga ito.

“Nakita mo na kung nasaan sila?” tanong ni Jigger.

“Oo.” Binalingan si Winry ng bagong dating. “Hello. You must be Winry. I’m Trigger Samaniego, Jigger’s twin.”

“Ah, oo. Nabanggit na nga ni Jigger na may kakambal siya.” Tinanggap niya ang kamay nito. “It’s nice to meet you, Trigger. I’m Winry Acosta.”

“Saan na ang unang punta natin, Trigs?”

“Sa Stallion Lounge. Nagse-celebrate kasi ng birthday si Yozack. At maganda rin daw ang singer ngayon doon kaya doon sila nakatingala lahat. Galing na ako roon.”

Hindi na nakaramdam ng pagkailang si Winry dahil sa magiliw na pakikipagkuwentuhan sa kanya ni Trigger, na mas madaldal kaysa kay Jigger. Naaliw rin siya sa pagtu-tour sa kanya ng kambal dahil talaga nga namang kamangha-mangha ang bawat tanawin ng kanyang mga mata. Hanggang sa makarating sila sa Stallion Lounge. Lalong humanga si Winry dahil hindi lang ang kabuuan ng lugar ang elegante sa kanyang paningin. Ngayon ay kasama na rin doon ang kalalakihang nagkakatipon-tipon doon. At halos lahat ay may ipagmamalaking angking kakisigan at kaguwapuhan.

Hindi yata uso rito ang pangit.

Until she saw

him.

The guy from the coffee shop and that shampoo commercial. The guy she had been hoping to meet again.

Isa ito sa mga lalaking nakaupo sa mga table. May mga babaeng kasama ang mga ito. But he was the only one who was busy talking on his cellphone. Bigla na lang naramdaman ni Winry na kumalabog ang kanyang puso.

Oh, my gosh! That’s him! That’s really him!

Katatapos lang nitong makipag-usap sa cellphone nang mapatingin sa direksyon nila. He smiled and waved at them. Tila lumutang sa alapaap ang pakiramdam ni Winry nang mga sandaling iyon.

He was just so handsome. So, elegant. So, suave. So…perfect.

“That’s Neiji,” narinig niyang wika ni Jigger. “Siya ang kakastiguhin natin dahil sa kaguluhang ito.”

“Siya si Neiji Villaraza? Ahm, sa tingin n’yo puwede ko kaya siyang picture-an? Souvenir lang.”

“Isa siya sa mga extra sa commercial ng Stallion Shampoo niya,” wika naman ni Trigger. “Oh… I think we found her guy, Jigger.”

“Tama ka diyan, B2.”

Hindi na pinansin ni Winry ang kambal. Abala na kasi siya sa pag-aayos ng kanyang cellphone para kuhanan ng larawan si Neiji.

Neiji… Neiji… ang ganda ng name. Ang ganda ng boses sa cellphone nang tawagan siya nito, at ang ganda ng face. Guwapo pala. So perfect talaga.

Niyaya siya ng kambal na lumapit sa grupo. Sobra pa rin ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sila at nakatitig lang ang mga mata niya kay Neiji.

Then recognition finally dawned on his handsome face. “Hindi ba’t ikaw `yong babaeng naka-pajama doon sa coffee shop ni Danniel?”

Naaalala niya ako!

“Magkakilala kayo?” tanong ng isa sa kambal. “Good. Well, then. Neiji, meet Winry. Winry, this is Neiji Villaraza, the man behind the successful Stallion Shampoo commercial. You two enjoy your date.”

“What?” halos sabay pa nilang tanong ni Neiji.

“It’s the customer’s choice who to date and she has chosen you, Neiji.”

“Pero hindi naman—”

“She’s one of your loyal customers na gusto mong pasalamatan sa pamamagitan ng dating promo na iyon. Right, Neiji?” Magkasabay na tinapik ng kambal sa balikat ang binata. “Enjoy your date.”