noveltoon logo noveltoon
Neiji Villaraza (Stallion Series 6)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 8

8

S

o?”

Nang-aasar ba talaga ito?

Patuloy na pinagmamasdan ni Winry ang binata habang pilit na kinakalma ang nagwawala na niyang puso. “Okay, hypothetically, if I fell in love with you, maybe I’d give you this hacienda. For free.”

“That’s too cold. No wonder you’re still single.”

“Gano’n? O, ikaw, sige, ano’ng gagawin mo kapag na-in love ka ngayon?”

“I’d probably kiss her. Or make love to her.”

She rolled her eyes. “You must have been in love too many times.”

Tumawa lang si Neiji. “Pero sa totoo lang, ni minsan ay hindi ko pa nararanasang halikan ang babaeng mahal ko. I’ve always wondered what it would be like. My friends say it’s awesome.”

“Iyon lang ba ang dahilan mo kaya gusto mong ma-in love? Ang pervert mo po.”

“Hindi naman. Idealistic lang siguro ako. At medyo romantic.”

Now that was something she never knew he could ever be. Sa itsura kasi ni Neiji, at sa pagkakakilala niya rito, mas aakalain mong isa itong playboy kaysa romantic. O workaholic monster kaysa Rudolf Valentino in disguise. But then again, she remembered that back at SRC, when he took her hand and they both rode on the back of his horse.

“It’s not fair to judge me based on what you see, Winry. Give me a fair fight.”

“Meaning?”

“Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang romantic side ko. Who knows, baka magustuhan mo iyon.”

“Huwag na. Naniniwala na ako sa iyo.”

“You’re afraid, aren’t you?”

“Of what?”

“Na tuluyan kang ma-in love sa akin.”

“Ang kapal mo po.”

“Gusto mong subukan natin?”

“Ayoko.”

“Takot ka nga kung gano’n.”

“Hindi, `no. Tinatamad lang ako— ay!” Naramdaman ni Winry ang pagsundot ni Neiji sa tagiliran niya. “Ano ba!”

“Ang lakas pala ng kiliti mo rito.” Isang beses pa siya nitong sinubukang kilitiin. Pero hinampas lang niya ito sa balikat. “You still haven’t learned your lesson, have you? Hindi mo ba alam na kapag nasa ganitong sitwasyon tayo, ito ang kalalabasan natin?”

As if to emphasize his point, he seized her hands and pulled her towards him. Sa malapad na dibdib ni Neiji siya nag-landing. At para hindi siya agad makawala ay mahigpit siya nitong niyakap pagkatapos. It was a firm yet gentle hug.

“Mabuti na lang pala at hindi ka natututo, ano?” wika nito.

Nagririgodon na naman ang tibok ng puso ni Winry. Siguradong mararamdaman iyon ni Neiji oras na hindi pa siya lumayo rito.

“Let’s just stay this way for a while, Winry,” halos pabulong na nitong wika. “I just want to hold you like this.”

His soft voice whispering in her ear calmed her down a little. Kaya unti-unti na rin siyang tumigil sa pagpupumiglas. Hanggang sa tila masanay ang katawan niya sa init ni Neiji at tuluyan na rin niyang pinagbigyan ang sarili. She let herself feel his body, his strength, his warmth.

This man…

Inilapat ni Winry ang kanyang mga kamay sa likod ni Neiji. Kung ilang segundo lang ang itatagal ng sandaling iyon, siguro naman puwede na rin niyang samantalahin ang pagkakataon. She loved the guy, so maybe…it was

okay if fate would let her dream that he also felt the same way about her. Just for a while. All she had was a little while.

Mayamaya ay kumilos si Neiji at inilabas ang cellphone.

“Souvenir,” wika nito, saka sila kinuhanan ng larawan.

“Ako rin.” Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at kinuhaan din sila ng larawan.

Tiningnan ni

Winry

ang kuha nila. He was smiling at the camera while pressing his head against hers. They looked good together.

“Sa camera ko, nakapikit ka.” He pulled her even closer to him. “Ulitin natin.”

Ngunit bago pa man mapindot ang camera sa cellphone nito ay tumunog na iyon. Someone was calling him. Agad nitong sinagot ang tumatawag.

“Hello? Mr. Smith… yes, I’m, ah… a bit busy at the moment… The export utility contract? I thought it was already finished…”

Okay, the time was up for her. Oras na para gumising uli sa realidad. Hindi siya ang babaeng hinahanap ni Neiji at lalong hindi siya ang babaeng puwedeng maka-distract sa trabaho nito.

Pero hindi siya pinakawalan ni Neiji nang magtangka siyang dumistansya rito.

“I’ll call and check that out later, Mr. Smith. Thank you.” Pagpatay nito ng cellphone ay agad din naman iyong nag-ring. Napabuntunghininga lang ang binata. “Istorbo talaga.”

“Sagutin mo na iyan. Baka importante.” Si Winry na mismo ang nag-alis ng braso ni Neiji na nakapatong pa rin sa balikat niya. “Don’t let me distract you from your work.”

Napatitig na lang ito sa kanya nang tuluyan siyang lumayo at naglakad pabalik sa loob ng bahay. Sa kusina ay naabutan niya ang kanyang lola na naghahanda ng meryenda kasama ang mga katulong. Naupo siya sa isa sa mga silya at nakikutingting sa mga sandwich.

“Ano, tapos na ba kayong maglambingan ng nobyo mong hilaw?” nakangiting tukso ng matanda. “Nabanggit lang sa akin ng isa sa mga katulong. Ipinatawag kasi kita kanina at nakita nga niya kayo roon ni Neiji sa hardin.”

“Paano kami maglalambingan, lagi niyang kaulayaw ang cellphone niya?” Nakasimangot na nilapirot ni Winry ang hawak na sandwich. “Ipakain ko pa sa kanya ang cellphone na iyon, eh.”

“Pinagseselosan mo ang isang cellphone?”

“Hindi lang basta cellphone iyon, Lola. Asawa niya iyon.” Pabagsak niyang inilagay sa tray ang sandwiches. “Dapat lagi iyon ang inuuna niya. Dapat laging kausap. Dapat laging inaasikaso. Sabi ko nga dapat pakasalan na lang niya iyon para kumpleto na ang drama nila.”

“So, nagseselos ka nga. Hay naku, kung imbes na nagmumukmok ka rito, eh, itinatapon mo `yong istorbong cellphone niya, eh, di sana masaya na uli kayo ngayon.”

Magandang suhestiyon iyon. Kaya lang hindi talaga puwede. “`La, sino sa inyo ni Lolo ang unang na-in love?”

“Ako.”

“Paano na-in love sa inyo si Lolo?”

“Hmm, kinuha ko ang atensyon niya.”

“Paano?”

Ngumiti lang si Lola Ines. “Itinapon ko ang cellphone niya.”

Napangalumbaba na lang si Winry. Batid niyang hindi ang sariling pakikipagsapalaran sa pag-ibig ng lola niya ang tinutukoy nito. Siya pa rin ang pinatatamaan nito.

Hinaplos nito ang kanyang buhok. “Madali lang makuha ang atensyon ng binatang iyon, apo, kung maglalaan ka lang ng kaunti pang effort na ma-distract siya.”

“Hindi ako ang babaeng hinahanap niya, `La. Hindi ako ang babaeng gusto niyang maging bahagi ng buhay niya.”

“Aba’y bakit? Akala ko ba nagkasama na kayo sa iisang bubong noong nasa Maynila pa kayo?”

“Gawa-gawa lang namin iyon. Nag-aasaran kasi kami n’ong una kaya lahat ng maiisip naming makakapagpabuwisit sa isa’t isa, ginagawa at sinasabi namin.”

“Hmmm. Maganda ang istorya ninyo, apo. Parang pangnobela. Lahat ay nag-umpisa sa asaran.” Sinang-ayunan ng mga nagtatawanang katulong ang sinabi ng kanyang lola. “Pero gaya ng mga nobelang iyon, kailangan mo ring kumilos para matupad ang sarili mong happy ending, Winry. Hindi puwedeng hintayin mo na lang ang pagkakataon na gumawa ng paraan para sa inyo.”

“Pero ano’ng gagawin ko, `La? I’m not the woman of his dreams.”

“Dreams are just dreams, hija. Ipakita mo sa kanya na mas may mapapala siya sa babaeng nakikita at nahahawakan niya. Na mas may kakayahang magmahal ang isang babaeng nag-e-exist sa totoong mundo. At ang babaeng iyon ay ikaw.”

Tinitigan ni Winry ang gabundok na sandwiches sa harap niya. Subalit wala naman doon ang kanyang isip.

Ako ang babaeng may kakayahang mahalin siya. Ako ang babaeng nag-e-exist sa mundo para sa kanya.

“If you love him, do something about it. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ipauubaya mo sa tadhana ang lahat.” Kinuha ng lola niya ang isang piraso ng sandwich at ibinigay sa kanya. “Sabihin mo kay Neiji ang nararamdaman mo para hindi ka na nahihirapang mag-isip.”

“Ako ang magtatapat? Ayoko nga! Ako ang babae, bakit ako ang kailangang unang magtapat?”

“Sa tingin mo, hanggang kailan ka maghihintay bago niya ma-realize na ikaw ang babaeng para sa kanya?”

Natigilan si Winry. May kasunod pang tanong iyon, eh. Kung pareho ba sila ng nararamdaman ni Neiji. At iyon ang pinakamasaklap na maaaring mangyari. Kaya siguro nga mas okay ang suhestiyon ni Lola Ines.

Magtatapat siya. And to hell with what happened next.

“Baka pagtawanan lang niya ako…”

“Sampalin mo kapag tinawanan ka niya. Tapos, tawagin mo kami ng lolo mo para masampal din namin siya.”

“Sali rin kami, Senyorita!” boluntaryo ng mga katulong nila.

“At pagkatapos, maghahanap uli tayo ng lalaking karapat-dapat sa puso mo, apo. Don’t just stick to your first love. Marami pa ang darating. May second, third, at fourth love pa.”

Kahit paano ay napalitan ng tapang ang takot ni Winry. Maybe she could still find her happily-ever-after, after all. Hindi nga ba’t nasabi na niya minsan sa sarili na kung nakaya niyang hayaan si Neiji na magkaroon ng puwang sa kanyang puso, ibig sabihin ay may kakayahan pa rin siyang magmahal ng iba. Baka nga… ito lang ang ibinigay sa kanya ng Diyos bilang jumpstarter sa mga maaari pa niyang mahalin sa susunod. Malungkot.

Because she liked falling in love with Neiji and they looked good together in their picture.

Lolo

, hindi ninyo kasama si Neiji?” Naabutan ni Winry ang kanyang lolo sa kamalig sa likurang bahagi ng kanilang mansyon.

“Pinasamahan ko siya sa isa sa mga tauhan natin dahil hindi gaanong maganda ang likod ko ngayon. Alam mo na, rayuma. Gusto raw kasi niyang makita muna ang buong hacienda bago umalis.”

“Aalis na siya?”

“May natanggap yata siyang tawag kanina sa isa sa mga kliyente niya sa Maynila. Kinakailangan na raw niyang bumalik doon.”

Palihim niyang itinago sa likuran ang dalang sandwich. “Aalis na pala siya…”

“Pabalik na rin siguro sila. Hintayin mo na lang dito kung gusto mo.”

“Hindi na. Babalik na lang ako sa bahay, `Lo.”

“Si Neiji talaga ang pumitas ng mga bulaklak na iyon, Winry.”

Nilingon niya ang abuelo. “Bulaklak?”

“`Yong ibinigay niya sa iyo roon sa sala.”

Ang mga rosas na iyon? “Bakit…?”

Napangiti lang ang matanda. “You should pay more attention to his actions, apo. Don’t just rely on his words.”

Hindi alam ni Winry kung dapat pa ba niyang paniwalaan ang mga sinabi ng kanyang lolo. Ayaw huminto ng puso niya na mangarap na baka sakaling puwede pa ang lihim niyang hiling. Na sana ay pareho lang sila ng nararamdaman ni Neiji. Pero ayaw na rin niyang umasa. Mas okay nang mag-expect ng masama para hindi masyadong masakit kapag dumating na ang araw na malaman niyang mananatiling magandang pangarap at alaala lang ang lahat sa kanila.

“Maganda nga iyan, `

l

o,” ang tangi niyang naisagot bago siya nagpaalam at naglakad na pabalik sa bahay.

Medyo depressed ang puso niya. Kailangan muna niyang mag-recharge uli sa pamamagitan ng mga sulsol ng kanyang lola at mga katulong nila—

“Hi.”

“Ay, kabayo!” impit na sigaw ni Winry nang bigla na lang sumulpot sa tabi niya si Neiji. “A-ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko ba… n-nag-iikot-ikot pa kayo sa hacienda?”

“Tapos na.” Nakisabay na ito sa paglalakad niya. “Malawak pala talaga itong lupain ninyo. Ang daming puwedeng gawin.”

Negosyo na naman ang nasa isip ng lalaking ito. “Babalik ka na raw ng Maynila.”

“Ah, oo. Kailangan na. Ilang araw na akong hindi nagpapakita sa opisina ko. Nagbabanta na raw mag-walkout ang mga empleyado ko.”

“Gagawin talaga nila iyon?”

“Hindi. Nami-miss lang siguro nila ako. Anyway, kailangan ko na rin naman talagang bumalik dahil marami akong naiwang trabaho…”

Iniabot na ni Winry ang sandwich. “Sa iyo na ibibigay ni Lolo ang bid para sa lupaing ito.”

“Well, that’s good news.” Kunot-noo pa ring tinitingnan lang ni Neiji ang sandwich.

“Congratulations. Huwag mong masyadong pag-isipan itong tinapay. Walang lason iyan.”

“Gayuma?”

“Hindi naman gagana iyon sa iyo.”

Ngumiti lang ito at kinuha ang sandwich. “You’re right. Hindi mo na nga ako kailangang gayumahin.”

Dahil wala naman talagang nararamdaman para sa kanya si Neiji, kaya walang silbi rito ang kahit isang drum na gayuma.

“Ikaw, Winry, kailan ang balik mo sa Maynila?”

“Ewan ko. Baka manatili pa ako rito nang mga ilang araw. O ilang linggo, kapag tinamad akong umuwi.”

“That long?”

“Bakit ba?”

“Because I want to ask you out.”

Natameme siyang bigla. “F-for what?”

“For old time’s sake.”

Aaahh!

sigaw niya sa isip.

Lumabas kang mag-isa mo!

“I’ll let you know kapag nasa Manila na ako—“

Tumunog na naman ang istorbong cellphone ni Neiji. Sa gigil ay kinuha iyon ni Winry at itinapon sa dako pa roon. Pagkatapos ay hinapit niya ang batok ng binata at mariin itong hinalikan sa mga labi.

“Ingat sa biyahe,” bulong niya matapos itong halikan. Dumiretso na siya sa bahay nang hindi na hinihintay pa ang magiging reaksyon ni Neiji.

Malungkot talaga. Pero at least, may isang bagay siyang natutunan. Kahit kailan ay hindi puwedeng maging huli na ang magmahal. Hindi man maging maganda ang kahinatnan niyon.

Hindi siya dumiretso sa bahay. Kinuha niya ang isa sa mga sasakyan ng kanyang lolo na ginagamit sa pag-iinspeksyon sa mga taniman. Wiping away the tears that were falling from her eyes, she sped away from the man she would never ever forget, abutin man iyon nang forty thousand years.