noveltoon logo noveltoon
Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)

Chapter 40

Ch. 40 / 41 Feb 09, 2022

Kabanata 40

t inanggal ni Moymoy ang pagkakagapos ni Tracy. Nagyakap ang mag-ina nang mahigpit. Pinilit ni Tracy na tumayo kahit nanlalambot ito.

“Ay! Ano ito? Sino naman ang mga `yan?” Nagulat si Tracy nang makita sa kanyang harap sina Wayan, Ibalong Saryo, at ang iba pang mga tibaro.

“Tracy, sila ang mga tibaro,” sagot ni Montar.

“Ikaw, ha? Kahit kailan malaking gulo ang ibinibigay mo sa `kin! Kung ano-ano ang pakulo mo! Tama na! Ayoko na! Gusto ko nang umuwi! Isasama ko na si Moymoy ko!”

Napatda si Tracy nang makita si Alangkaw.

“Ha? Pa’no nangyari ito?” Tiningnan niya si Moymoy, pagkatapos ay si Alangkaw, at hindi siya makapaniwala.

“Ano ito? Magkamukha kayo? Clone?”

“Mama, hindi—kapatid ko siya. Si Alangkaw.”

Bago pa man makapagpaliwanag si Moymoy tungkol kay Alangkaw ay hinimatay si Tracy.