noveltoon logo noveltoon
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 9

Ch. 9 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Nine

D UMATING si Nick sa mansiyon ng mga de Silva kasama ang kapatid na si Jenny. Malayo pa ang binata’y natanaw na siya ni Sandra na nagdikit ang mga kilay pagkakita sa kasama ng binata. So, the SOB is still seeing the socialite princess. Kaya pala hindi siya ang isinama nito kahit halos ipagsiksikan na nito ang sarili.

“Hello, Nick.” i kinawit ng dalaga ang braso sa binata at hinagod ng tingin si Jenny.

Ngumiti si Nick. Hanggang ngayon nga pala’y hindi pa rin alam ni Sandra na magkapatid sila ni Jenny. Maliban sa pamilya ay si Bernard lamang ang nakakaalam.

“Jen, I want you to meet Sandra. Sandra, Jennifer Navarro.”

“Hi,” masiglang bati ni Jenny.

“Hello,” malamig na sagot ni Sandra na ipinagkibit ng mga balikat ni Jenny. Another jealous woman. And she smiled secretly.

“Excuse us, Sandy,” paumanhin ni Nick na natanaw si Bernard na kumaway. Nasa tabi nito si Diana, possessively clutching Bernard’s arm. Stunning, as usual.

“See you around,” wika ni Jenny kay Sandra na nilaro ng daliri ang hawak na kopita at matalim ang mga matang sinundan sila ng tingin.

“Hello, Nick,” nakangiting salubong ni Bernard. Nag-high-five ang dalawa. “I have finally met the famous brat! The Navarro princess.”

“You don’t socialize very much, Mr. Fortalejo. And you don’t invite me to your family parties,” she pouted her lips.

Isang tawa ang pinakawalan ni Bernard. “Meet my wife, Jennifer. Dianne, Jennifer Navarro.”

Isang tipid at nanunuring ngiti ang ibinigay ni Diana sa dalaga kasabay ng paglahad ng kamay. May natanaw na bagong dating na bisita si Bernard. Tinapik sa balikat si Nick.

“Circulate around, friend. Sasalubungin ko lang ang presidente ng Golden Bank.” Lumakad ito kasunod si Diana.

“She’s very beautiful, Nick,” bulong ni Jenny na nakasunod ang mga mata kay Diana.

“Oh, yes.”

“But she’s too thin. What’s wrong with her?”

“Everything.” Inabot nito ang dalawang kopita sa umiikot na waiter. Ibinigay ang isa sa kapatid.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagkibit ng mga balikat si Nick at dinala sa bibig ang kopita. “I think she’s the most beautiful woman tonight, Nick. But she’s too stiff that she looked like a statue of Snow Queen. And too thin that I think she’s heading for a breakdown.” n akita ng dalagang ngumingiti si Diana sa bawat nakakatawang sabihin ni Bernard sa mga kaibigan. Pero walang humor sa mga mata nito. As if it was all an act. “Is she ill, Nick?”

“Bernard wouldn’t talk about her, Jen. And stop staring at her.”

“Sa palagay mo ba’y sinasaktan siya ni Bernard?”

Natawa si Nick doon. “You and your imaginations, brat. Although, isang taong mahigit pa lang kaming magkaibigan ni Bernard, hindi ako naniniwalang nanakit ang isang iyon ng babae.”

Si Marco at Nathaniel ay lumapit sa dalawa.

“Happy Anniversary, Marco” bati ng magkapatid. “Hello Nat, where are the lovely wives?” dugtong ni Nick.

‘They’re just around.” s i Marco ang sumagot at nginitian si Jenny. “So the Navarro princess graced my party tonight. The virtual playboy’s escort, ha?” tukso ni Marco na tinapik si Nick at kinamayan si Jenny. “Jenny, this is Nathaniel Cervantes, you probably haven’t met him pero he is your father’s customer. FNC canned the Cervantes’ Meat products.”

“Hello, young lady,” bati ni Nathaniel. “Huwag kang maniniwala sa mga boladas nitong kaibigan namin. Don’t ever fall for his charm.”

Tumawa si Jenny. Hindi malaman kung paano sasabihin ang katotohanan. Lumingon kay Nick na nagkibit ng mga balikat. After all this time, he doesn’t give a damn kung ano ang iisipin ng mga tao sa buhay niya. Isa pa, these people are really friends.

“Oh, I have fallen for my brother’s charm a long time ago,” kaswal na sagot ng dalaga. “I grew up with him along with my other two brothers,” kaswal na sinabi ni Jenny.

Natawa si Nathaniel, si Marco ay hindi at tumingin kay Nick na muling nagkibit ng mga balikat.

May ilang mga bisita na huminto sandali sa paglakad sa sinabing iyon ni Jennifer. Pagkatapos ay nagbulungan, confirming speculations and rumors na bagaman hindi tinukoy ng mga peryodiko noong mangyari ang iskandalo sa mga Navarro at Gascon ay may mga pahiwatig naman.

Bago pa may nagsalita ay lumapit si Emerald na nginitian sila at inantala ang tangkang pagpapakilala ni Marco sa magkapatid.

“Overseas, darling,” bulong nito. Nagpaalam si Marco at sumunod sa asawa sa study.

“Ang Mama ba?”

“Sino pa? Nagtataka nga ako dahil hindi niya masyadong inintindi nang sabihin kong anniversary natin ngayon. She sounded worried and different, Marco.”

Hindi kumibo si Marco. Binuksan ang pinto ng study. Tinungo ang telepono sa mesa at sinagot.

“Hello, Mama... si Marco ito.”

“Marco.” s i Anna sa kabilang linya sa pagaw na tinig. “She—she has—recovered!”

“What?!” ulit ni Marco na hindi agad naintindihan ang biyenang babae.

“She has recovered, Marco.” a t humagulhol ng iyak si Anna sa telepono.

“Oh, my G—!” bulalas ni Marco na hindi malaman kung ano ang unang mararamdaman. Nanlalambot ang mga tuhod sa sindak na sinulyapan ang nagtatakang asawa.

“Ano ang itinawag ng Mama, Marco?” tanong ni Emerald na tila ba may inililihim ang asawa at ina.

NICK and Jenny circulated around and met some men na ang iba’y kakilala at ang iba’y mga ipinakikilala. Nakita niya ang mga matang ipinupukol kay Jenny and he felt possessive sa kapatid na hindi niya pinahintulutang kumawala sa tabi niya.

Nagsasayaw sila ni Jenny nang biglang magdilim ang mukha ni Nick sa dumating na parehas. Si Alaina! At kasama si Zandro.

Alaina was wearing a simple black minidress. She doesn’t have Diana’s sophistication born from being a rich man’s wife and Jenny’s touch of class being a rich man’s daughter. But she’s a beauty all by herself.

“Brat, do me a favor, please. At `pag nagawa mo, you can ask anything within my power at ibibigay ko sa iyo.” n iyuko niya ang kapatid.

“You want me to kiss you para itaboy ang mga mata ng mga babaeng kanina pa naghahangad na maisayaw mo? Why, I could feel their stare at my back na parang gusto akong kalmutin,” natatawang wika ng dalaga.

He chuckled. “Wrong, brat. Nakikita mo ba ang parehas na iyon na kausap ni Nathaniel at Jasmin?”

“Sino?” Pinaglagos ng dalaga ang mga mata sa pagitan ng mga naroroong tao.

“Ipinakilala ko sa iyo kanina si Jasmin, the one in red.” i nginuso niya ang kinalalagyan ng dalawa.

“Oh, yes. Who are they?”

“Ang lalaki ay si Zandro, Bernard’s elder brother. Do your best para hindi na niya kakausapin pa si Alaina, the woman in black.” Nagdikit ang mga kilay ng binata nang pumagitna sa dance floor ang dalawa at magsayaw. And Zandro is holding Alaina so close na para bang walang hanging makakadaan.

Matamis na ngumiti si Jenny sa pagkakatitig kay Zandro. “Hmm... this night won’t be a bore after all. So Bernard has a brother, ha,” mabilis na tumingala sa kapatid. “Hope he’s not married?”

“Very much eligible,” sagot ni Nick na ang mga mata’y halos magtagos sa dalawang nagsasayaw. “Just do it, brat. I know you can.”

“Of course, I can. And here I thought this party is full of married men,” she said in amusement. Muling tumingin sa kapatid. “Give me your word of honor na ibibigay mo ang hihingiin ko sa iyo.”

“My word of honor. Anything within my power.”

“Arab. I want Arab.”

“No!”

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. “Bahala ka.”

“Damn you, brat! Ask another,” angil ni Nick sa kapatid.

“It’s Arab I want, Nick. No Arab, no deal.”

Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ng binata. “All right, take him,” wika nito sa napipilitan at galit na tinig makalipas ang ilang sandali. “You wretched woman, I love that Stallion!”

Natawa si Jenny na humiwalay. “You don’t get anything in this world out of nothing, brother. And that woman seemed special for you to part with your beloved horse.”

Nagtagis ang mga bagang ng binata. “Tiyakin mong hindi isasayaw ni Zandro muli si Alaina or else...”

“Watch your sister doing her first class seduction with that man. Houston style, darling.”

Nang matapos ang tugtog ay lumakad ang dalawa patungo sa mesang kinauupuan ni Zandro at Alaina. “Hello, Zandro.” Inilahad ni Nick ang kamay na nakangiting tinanggap naman ni Zandro. “Hi, Alaina.” Isang tipid na ngiti ang isinagot ng dalaga rito.

“Pare, I want you to meet Jenny. Jenny, si Zandro. Bernard’s brother and Jen, this is Alaina.”

“Hi, Alaina,” nakangiting tango ng dalaga rito at pagkatapos ay itinuon ang pansin kay Zandro na pinipigilan niya ang paghulagpos ng kamay. “I like the music, how about a dance.” Tumikhim si Zandro.

“C’mon. You’re not really that old to dance, `di ba?” kulit ng dalaga. Giving Zandro her most seductive smile. Hindi kumibo ang binata na biglang gumalaw ang muscle sa mukha sa sinabi ng dalaga.

“Do you mind, Alaina?” baling ni Zandro sa dalaga.

“I-it’s okay, Zandro.” s i Alaina na hindi malaman kung paano tititigan nang masama si Jenny. Hindi niya gustong maiwan silang mag-isa ni Nick. Nakikita na niya ang galit sa mga mata nito.

Si Jenny ay hinila ang nag-aatubiling si Zandro sa dance floor. Hinila ni Nick ang upuan at umupo sa harap ni Alaina.

“You know, among other things, I hate liars,” simula nito sa nagtatagis na mga bagang.

“Just as you hated panties and shorts.” h eaven’s! Paanong lumabas sa bibig niya iyon.

“And pantyhose as well!” he said between his teeth. Mahigpit na hinawakan si Alaina sa braso na napangiwi ang dalaga.

“Finals, ha?”

“May karapatan akong magbago ng isip.” i tinaas niya ang mukha for emphasis. “Besides, hindi ko matanggihan si Zandro.”

“Great!” Gustong mabasag ang mga ngipin nito na nilingon ang dalawa sa dance floor. “And what about me? Kaya mo akong tanggihan, ganoon ba?” Lalong bumaon ang kamay nito sa braso ni Alaina.

“Bitiwan mo ang braso ko, ano ba!” she hissed. Hindi gustong lakasan ang tinig dahil maraming tao. Ang iba’y curious na mga titig ang itinutuon sa kanila.

Bago pa nakakilos si Nick ay tumayo ang dalaga at pumagitna sa dance floor.

“Excuse me, but I want to claim my escort back,” wika ng dalaga na ikinapanlaki ng mga mata ni Jenny. Si Zandro ay amused na binitiwan ang partner.

“Sorry,” bored nitong sinabi sa naestatwang si Jennifer. “She has first claims,” at isinayaw nito si Alaina at pumagitna pa.

Galit na bumalik sa mesa si Jennifer. “I have never been humiliated in my whole life!”

“You forfeit Arab!” galit ding sagot ni Nick.

“To hell with Arab! Napahiya ako, Nick. I can’t believe it!” Nagpupuyos siya sa galit. Naningkit ang mga matang sinundan ng tingin si Zandro. “I’ll make that damned man pay for this! Sino sa akala niya siya? Why, he didn’t even had the decency to bring me back here! He literally left me in the middle of the dance floor!”

Nagkibit ng mga balikat si Nick. Hindi pinansin ang kapatid sa pagngingitngit nito. Dinala sa bibig ang kopita ng alak na nasa mesa. Ni hindi rin napansin na wala na si Jenny sa tabi niya at may nagyayang magsayaw. At lalong hindi niya napansin na wala na sa bulwagan si Alaina at si Zandro.

“Let’s dance, Nick.” s i Sandra na tinapik siya sa balikat. “May kasayaw na iba ang partner mo.”

Bagot na tumayo ang binata at pinagbigyan ang dalaga. “Sino ba talaga sa kanila ang tina-target mo? You arrived with Franco’s daughter but you swapped her with Zandro’s partner. Then both women deserted you. Lost your touch, handsome?” tuya nito.

“Shut up, Sandy, and keep on dancing.”

“Oh, Nick, can’t we be friends again?” Nagsusumamo ang tinig niya.

“Stop your little girl act, Sandy. We are still friends. No more no less!”

“Basta mo na lang ako itinabi, Nick. You’ve used me!” akusa nito.

“I really hate to say this, Sandy,” wika ng binata na iginala ang tingin sa paligid. Hindi niya makita si Alaina kahit saan. He was alarmed instantly. “If there’s one more thing I hate, aside from panties, shorts, pantyhose and liars, then it’s two-timers!”

“What are you talking about?”

“Drop the pretense. Alam kong ipinagpatuloy mo ang affair mo kay Ryan. Don’t ask me why, mapapahiya ka.” h inila nito ang dalaga pabalik sa mesa at iniwan doon na walang nasabi.

“Have you seen Zandro?” patay-malisyang tanong ng binata kay Bernard.

“Oh, he left with Alaina thirty minutes ago. Why?”

Nagtagis ang mga bagang ni Nick. Took a deep breath at saka nagsalita. “I’ll have a favor to ask, friend.” w ala na siyang ginawa kundi ang humingi ng pabor sa gabing ito.

Damn Alaina.

“Anything within my power, friend.”

Great! He said the same thing minutes ago. “Please arranged someone to take my sister home when the party’s over. Otherwise, Franco will kill me. May aayusin lang ako.”

Nahuhulaan na ni Bernard kung ano. “I’ll protect that brat with my own life, friend. Huwag kang mag-alala,” paniniyak nito sa amused na tono.

“She’s angry with Zandro, pare. And I hope she’ll forget all about him bago matapos ang gabing ito. You wouldn’t like her when she’s angry. She can be a real brat,” babala ni Nick.

Ngumisi si Bernard. Natitiyak nito kung bakit. Isang ultra-conservative meets ultra-modern. Ang resulta, explosions!

Si Nick ay mabilis na tinungo ang kotse at lumabas ng mansiyon. Tumaas-baba ang dibdib sa galit. Halos lumipad ang kotse sa pagpapatakbo. Mabuti na lang at wala nang gaanong tao sa kalye. Alas-dose na halos ng hatinggabi.

Ilang sandali pa’y nasa loob na siya ng subdivision. Sa inis niya’y ni hindi niya napansin ang isang pamilyar na kotse pabalik. Ilang sandali pa’y nasa tapat na siya ng duplex.

Madilim. Bumaba siya at diniinan ang doorbell. Hanggang sa mapagod siya’y walang nagbukas. Hindi pa inihahatid ni Zandro si Alaina. At lalo lamang nag-ipon-ipon ang galit sa dibdib niya. Pinatay niya ang makina at naghintay.

Naalimpungatan pa siya nang may magdaang sasakyan. Nakatulog siya sa paghihintay at madilim pa rin ang bahay. Imposibleng hindi niya narinig kung dumating man si Zandro at Alaina. Tiningnan niya ang relo sa braso. Alas-kuwatro ng madaling- araw.

“I’ll kill you, Alaina!”