Chapter Five
“N ANA Tonia,” bungad ni Nick sa matanda na nagluluto ng hapunan.
“Malapit na itong maluto, Nick.” n ilingon siya nito. “Gusto mo na bang kumain?”
“Si Alaina ho, nasaan si Alaina?”
Ilang sandali muna ang lumipas bago sumagot ang matandang babae. “S-sinundo ng tiyahing taga-Maynila kanina, Nick. Ba—bakit mo siya hinahanap?”
“Sinundo?” gulat na ulit niya. “Kailan?”
“K-kaninang hapon lang.” u miwas ng tingin si Nana Tonia at ang niluluto ang tinuon ng mga mata.
“Pero ang akala ko ba’y wala nang kamag-anak ang mga magulang ni Alaina, Nana Tonia?”
“Iyon din ang pagkakaalam ko pero dumating ditong bigla ang kapatid ni Ellen kanina. At si Alaina nama’y agad na sumama. Gustong makarating ng Maynila ang batang iyon,” tuloy-tuloy at wala sa loob na nasabi ng matanda sa pag-iwas.
“Wala—ba siyang nasabi sa inyo?”
“Tungkol saan, Nick?” May nahagilap na lambong ang matanda sa mga mata ng binata.
Nanlulumong umiling si Nick. “Saan sa Maynila nakatira ang magtiyahin, Nana Tonia?”
“Naku, eh, hindi ko naitanong,” sagot ni Nana Tonia na umiwas ng tingin. “Bakit ba’y hindi naman ako paparoon at hindi naman ako marunong sumulat, anak. Pero ang sabi’y dadalawin daw ako ni Alaina.”
“Hingin ninyo ang address at ibigay ninyo sa akin, Nana Tonia, kung susulat at paparito,” patapos na sinabi ni Nick bago lumabas ng kusina.
DALAWANG araw matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik sa Maynila si Nick. Nagpatawag ng board meeting ang board members ng Gascon Industries.
“Good morning, s ir,” bati ng mga naroong empleyado nang dumating si Nick sa kompanya sa araw ng meeting. Alam niyang karamihan sa mga iyon ay dumating at nakiramay sa mga magulang niya. Tango lang ang isinagot ng binata at nagtuloy sa opisina ni Jerome.
Dinatnan niya roon ang abogado ni Jerome at sadyang hinihintay siya. “Hello, Nick. Mabuti naman at napaaga ka ng dating. Gusto kitang makausap bago ang meeting.”
“Maupo kayo, a ttorney. Tungkol ba sa mga naiwan ng Papa?” Umikot siya sa likod ng executive desk at umupo.
Tumango ang abogado. “You were so busy with FNC at hindi marahil nasabi sa iyo ng papa mo ang status ng kompanya...”
“Ano ang ibig ninyong sabihin, a ttorney?”
“Ang chain of hotels and resorts ay matagal nang naipagbili ni Jerome, Nick...”
“What?” Napatuwid ng upo ang binata. Hindi niya alam ang mga bagay na iyon.
“Iyon ang katotohanan, Nick. Dahil hindi naman gaanong naasikaso nitong mga nagdaang mga taon ay nalugi ang mga kompanya at walang magagawa si Jerome kundi ipagbili ito,” patuloy ng abogado habang inilalabas ang mga kaukulang papeles. “At ang kompanyang ito, bagaman malaki pa rin ang share ng papa mo ay wala na sa inyo ang controlling shares.”
Hindi makapaniwala si Nick sa narinig. “I don’t believe this! Why wasn’t I informed?”
“Kilala mo si Jerome. Nasa FNC ang buong panahon at isip. Hindi ko nga maintindihan kung bakit.” n asa tinig ng abogado ang panghihinayang. Inilagay sa harap ni Nick ang mga dokumento. “And you can check the records. Twenty percent na lang ang shares na pag-aari ni Jerome sa kompanya. Sinasabi ko sa iyo ito dahil ayokong mabigla ka sa meeting mamaya. I have been trying to communicate with you pero itinago mo ang sarili mo. Kung hindi ko pa kinausap si Mr. Navarro ay hindi ko malalaman kung nasaan ka.”
Hindi tinangkang buklatin ng binata ang bunton ng mga papel sa harap. He will do it in his own good time. Ilang sandali niyang tinitigan ang mga iyon bago muling itinuon ang mga mata sa abogado.
“Sino na ngayon ang nagmamay-ari ng chain of hotels and resorts, a ttorney? At kanino na ngayon ang controlling shares dito sa GI?” Pinipigil niya ang pag-alpas ng galit dahil wala siyang karapatan sa mga ari-ariang ito kung legalidad ang pag-uusapan. Pero kung hindi dahil sa obsession ni Jerome kay Franco Navarro disin sana’y nagawan niya ng paraan ang mga negosyo.
“Iisang tao ang nakabili ng mga negosyo ng papa mo at ang nagmamay-ari ngayon ng fifty-one percent controlling shares ng Gascon Industries, Nick.” i niabot ng matandang abogado sa harap ni Nick ang isa pang kopya ng mga papeles. “Si Mr. Bernard Fortalejo.”
Dahan-dahan ang ginawang pagsandal ni Nick sa executive chair sa pangalang narinig and took a deep breath. Dalawang beses na niyang nakatagpo si Bernard Fortalejo along with his lawyer, si Marco de Silva. Sa FNC mismo. Twice last year. Ang Kristine Steel kung saan isa ito sa mga nagmamay-ari ang siyang supplier ng FNC ng tin plates. Naipakilala na siya ni Franco dito. A well-known businessman. Nasa late twenties nito ang lalaki.
“Ano ang natitirang assets ng Papa, Attorney?” he asked calmly.
“Lahat ay ipinagbili ng papa mo nang unti-unti sa nakalipas na mga taon. At dahil walang legal na testamento na naiwan ang mag-asawa ay minana mo bilang anak ang forty percent share of stocks sa FNC. At ang twenty percent dito sa GI at ang bahay sa Alabang Hills. Your father is a poor businessman, Nick. Halos muntik nang mauwi sa wala ang mga bagay na pinaghirapan sa loob ng maraming taon. But by any man’s standard, you’re still a very rich man.”
Marahan siyang tumango. Hindi agad makuhang magsalita.
Nag-ring ang intercom at sinabi ng sekretarya niyang nasa conference room na ang ibang direktor. Matapos magpasalamat sa abogado ay tumayo ang binata at binuksan ang accordion door kung saan sa kabila pa ng pinto ay ang conference room.
Sabay-sabay na bumati ang naroong mga lalaki. Isang magandang babae ang napuna ni Nick na nakaupo sa may dulo ng mesa katabi ni Bernard Fortalejo. She was smiling seductively to almost every men in the room.
Tahimik siyang umupo sa dating puwesto ni Jerome. Nasa tapat niya si Bernard. Bago magsimula ang meeting ay ipinakilala sa kanya ang babae. Sandra Montejo.
Nagsimula ang meeting. At tulad ng sinabi ng abogado, na kay Bernard Fortalejo na ang controlling shares.
Sa pamamagitan ng botohan at sa mungkahi na rin ni Bernard ay hinawakan ni Nick ang posisyon bilang executive vice president at general manager. Pagkatapos ng ilang mga legalidad ay natapos ang meeting at nagsialis na ang mga board member matapos muling magsabi ng pakikiramay kay Nick.
Ang naiwan sa boardroom ay siya, si Bernard, at si Sandra na hindi humihiwalay ng tingin sa kanya since two hours ago.
“Do you want me to thank you for voting in my behalf, Mr. Fortalejo?” sarkastiko niyang tanong.
“I’m only four years older. You can call me Bernard,” wika nito sa formal but friendly tone. “At walang dapat ipagpasalamat, Nick. Kilala ka ng mga direktor bilang isang mahusay at batang executive. Mr. Navarro trained you well.”
Shit! Nagsisimula pa lang siya ay nakasunod na ang anino ni Navarro sa kanya. Kunsabagay, sino ba ang hindi nakakakilala kay Franco Navarro?
“Siyanga pala, Sandra will work with you as your PA.” n ilingon nito si Sandra na bahagyang tumango.
“So I don’t get the right to choose my own em ployees?”
“There’s no need to be sarcastic.” m ay warning sa kalmanteng tinig nito. “Hindi ko kasalanan kung ako na ngayon ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Kung hindi man napunta ito sa akin, mauuwi rin ito sa iba.”
“And you’re putting someone to spy on me,” patuloy ng binata na hindi naligalig. Ni hindi nililingon si Sandra at nanatili ang mga mata sa kausap.
“Cut it off, Nick,” mahinahon pa ring sagot nito at hindi pinapatulan ang sarcasm sa tinig niya. “Sandra’s very capable, I assure you. She wanted this job and she blackmailed me into giving it to her.” b ahagyang ngumiti ito at nilingon si Sandra.
Hindi kumibo si Nick. He hated people na gumagamit ng backer para lang makarating sa puwestong gustong hawakan. Pero wala siyang magagawa. Ganoon ang kalakaran ng industriya kahit sa ibang bansa man.
Tumayo si Bernard at humakbang palapit sa kanya. “Let’s not bite each other, Nick. Believe me, sa mundong ito’y kailangan ng isa ang mga connectiones. At kailangan mo ako para doon. I’ve been in this dog eats dog business far longer than you.”
Hindi siya sumagot. Masasabi ba niya kay Bernard that Franco Navarro can provide him those connections when needed dahil ama niya ito? Isa pa, hindi ba at kaya siya nag-resign sa FNC dahil gusto niyang patunayan kay Franco na kaya niya na wala ang anino nito?
“I can buy back the shares.” h e knows he was being foolish.
Ngumiti si Bernard. A tolerant smile na para siyang batang munti. “Granting na ipagbili kong muli sa iyo ang nabili ko sa papa mo, how would you buy me back? Oh, I know you owned forty percent shares sa FNC but you aren’t that foolish para galawin iyon. FNC belongs to the one thousand top. A solid corporation.
“FNC is the umbrella of so many small companies also owned by Navarro. Bibitiwan mo ba iyon, just because of a foolish pride?” Niyuko nito ang binata. Pagkatapos ay ito na rin ang sumagot. “You’re thinking of a suicide.”
Hindi sumagot si Nick. Nagpupuyos ang dibdib. Hindi niya alam kung kanino siya nagagalit. And it’s unreasonably childish to take out his anger on Bernard Fortalejo.
“What about you, Sandra?” lingon ni Bernard sa dalaga.
“I’ll be fine, Bernard,” nakangiting sagot ni Sandra na tumayo rin. Tinapik ni Bernard sa balikat si Nick bago tuluyang lumabas.
“Huwag mo muna akong husgahan, Mr. Gascon,” she said softly. Umuugong sa tainga ng binata ang malambing nitong tinig. “Marunong akong magtrabaho. At alam ko ang ginagawa ko. Ayoko lang magtrabaho sa ilalim ng pamamahala ng bayaw ko.”
“The chairman himself hired you, may magagawa ba ako?” May kahalo nang amusement ang sarcasm sa tinig niya.
“Hindi mahirap kausap si Bernard, Mr. Gascon. Had you insisted na hindi mo ako gustong PA, he would have took me back with him,” patuloy ng dalaga. Dinukot ang sigarilyo sa bag at nagsindi.
Nick watched the seductive lips habang ibinubuga ang usok paitaas. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan. “I promise to be very, very submissive to my boss,” makahulugang sinabi nito.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Nick bilang pagngiti. “You could be very convincing.”
Matamis na ngumiti si Sandra. Lumapit at huminto sa tapat ng binata. “I always get what I want, Nick.”
Ngumiti si Nick. Perhaps it wasn’t so bad after all.
Hindi niya gustong umuwi sa bahay sa Alabang pero doon niya dinala ang sarili. Inikot niya ang pa ningin sa paligid. Agad ang pagguhit ng sakit sa dibdib. Hindi niya agad kayang tanggapin ang pagkawala ni Monica.
“ I love your father, Nick... have loved him since I first saw him...”
At ang paulit-ulit na salita ni Franco na umuugong sa tainga niya. “In my own ways... have I not loved you, son?”
Pagkatapos ay ang magkakapatid na Navarro.
“Ang tanging naging kaibahan sa relasyon natin ay ang katotohanang wala na angTita Monica, pare. And I will miss her.” s i Alvaro na nakahawak sa balikat niya noong araw pagkatapos ng libing.
Si Lance ay mahigpit siyang pinisil sa balikat bago nagtuloy sa sariling kotse. At tatlong araw matapos ang libing ay bumalik ito sa Texas nang hindi kinakausap si Franco.
At si Jenny. She never tried to talk to him sa panahon ng vigil at libing. Pero dumating ang dalaga nang araw bago siya umalis patungong Sto. Cristo. She cried at niyakap siya nang mahigpit.
“No matter what, nandito kami, Nick. And don’t stay away from us, please,” pahikbi nitong sinabi sa dibdib niya. “Don’t build chasms between us.”
Sinikap niyang kontrolin ang emosyon but he needed someone at that moment. Gumanti siya ng yakap at hinagkan sa ulo ang kapatid.
“I never thought that I only have two brothers, Nick. All my life, laging tatlong kapatid na lalaki ang nasa puso ko at isip. Now, I know why.” Humihikbing tumingala sa kanya ang dalaga.
“Hush...” h e kissed the top of her head. Nagsisikip ang lalamunan niya at hindi siya makapagsalita.
At nang umuwi siya sa Sto. Cristo ay inatupag niya ang bote ng alak doon. He was all alone. Walang ibang taong maaari niyang pagbuhusan ng sama ng loob niya kay Franco Navarro. Ng pait ng biglang pagkawala ni Monica.
Until one day—napapikit ang binata. What happened to Alaina? Nandoon ba talaga ang dalaga o imahinasyon lang niya? Ginawan ba niya ito ng masama? Or was it just a dream? If it had been a dream, then it was one hell of a dream.
ISANG linggo na sa trabaho si Nick at halos buong panahon niya’y naukol sa re-organisasyon ng opisina. Maraming trabahong napabayaan si Jerome. At walang araw na hindi sila nagkikita ni Sandra. At totoo ang sinabi ng dalaga sa kanya, mahusay itong magtrabaho. Marami sa mga gawain niya’y naging magaan dahil dito.
And more than anything else, she never failed to attract his attention. She never failed to turn him on sa gitna ng maraming trabaho tuwing papasukin siya nito at kakausapin. At alam din niyang sadyang inaakit siya nito.
Isang hapong nakasubsob siya sa trabaho ay biglang dumating sa opisina niya si Franco.
“This is ridiculous, Nick,” wika nito sa kanya. “Pinapatay mo ang sarili mo sa pagtatrabaho rito gayong hindi mo kompanya ito.”
“Stockholder ako ng kompanyang ito, Navarro, kung nakakalimutan mo.” n aningkit ang mga mata niya.
“Damn you, Nick!” nagpupuyos na hiyaw ni Franco. “Bernard Fortalejo owned this company. Isa ka lamang empleyado rito. Empleyado ni Bernard, while you are part owner ng FNC!”
Hindi agad nakasagot ang binata. Totoo ang sinabi ni Franco. Totoo ring stockholder siya ng kompanya pero empleyado pa rin siya. At hindi niya pinag-ukulan ng hustong pag-iisip iyon sa matinding rebelyon kay Franco Navarro.
“Hindi mo ako magiging anino, Navarro.”
“And you preferred to be Fortalejo’s shadow, ganoon ba?” ganti nito sa nagngangalit na mga bagang.
“Ano ba ang pakialam mo sa buhay ko?” singhal niya at tumayo.
“You are my son, damn you!”
“By unfortunate circumstances,” sagot niya sa pagtatagis ng mga bagang.
“Kahit na ano pang sabihin mo, anak pa rin kita. At wala akong anak na nagtatrabaho para sa ibang tao!”
“Bakit, Navarro, wala ka pa bang nakikitang kapalit ko?”
“Nobody’s indispensable, Nick. Alam mo iyan. Gaano man kahusay ay may katapat. Nandito ako dahil sa iyo. Dahil anak kita.” t umaas-baba ang dibdib ng matandang lalaki. “You’re stubborn as a bull. And because of that damned foolish pride...”
“Don’t we have those as things in common, Navarro?” agap niya at huli na para bawiin ang sinabi. Hindi niya sinasadyang aminin sa hindi direktang paraan ang kaugnayan niya kay Franco Navarro.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Franco. “I have said this before and I’m saying it again. I cannot decide whether having sons as outrageously arrogant and bullheaded as the three of you is a blessing or a curse. Whichever, Nick, I am so proud that you are my blood. And if you give me the choice, legal mong tataglayin ang pangalan ko. At alam mong hindi mahirap gawin iyon.”
Ang sunod na namalayan ni Nick ay nag-iisa na lang siya sa silid. Wearily, muling bumalik ang binata sa upuan at isinandal ang ulo sa silya.
Is it worth fighting you, Franco Navarro? At ano ang matibay na dahilan para gawin iyon? Dahil ba sa isang pangyayari twenty-five years ago at hindi na muling mababago?
Nasa ganoon siyang ayos nang pumasok si Sandra. “Hey, nandito ka pa?”
Humugot siya ng paghinga at ngumiti. “Nakalimutan ko ang oras. Ikaw, bakit nandito ka pa rin?”
“I saw your car sa parking lot.” u mupo ito sa gilid ng mesa and cross her legs. “You looked tired,” she whispered softly.
“Not so tired to do something we’ll both enjoy.” Itinaas ng binata ang daliri at ipinaglakbay sa nakahantad na magagandang binti ng dalaga.
“Now you’re talking.” a ng mga kamay ng dalaga’y nasa necktie ng binata at nagmamadaling tinatanggal ito.
“I hate pantyhose,” usal ni Nick. Impatiently pulling down the nylon fabric. Pagkatapos ay tumayo at inakay ang dalaga sa lounge. Hinubad ang tailored blouse nito at inihagis sa carpet. While she’s fumbling on his buckle.
Si Sandra ay hindi na alam kung ano ang nangyari. One minute they were fully clothed and the next they were naked. His mouth on hers that she literally stop breathing. His hands everywhere. On her breast and fondled the hardened peaks.
Then he entered her fiercely that she wasn’t able to stop herself from crying out. At walang nagbigay pansin sa lampshade na bumagsak mula sa sidetable na kung paanong nasagi ay walang makapagsabi.
Si Sandra ay hindi makapaniwala sa intensidad ng lovemaking ni Nick. This wasn’t her first time. Ryan took care of that a long time ago. Pero naroon pa rin ang banayad na sakit na dapat sana niyang madama. And add the fact that Nick was a big man. But he was also like a hungry lion na handang silain ang kaaway. His hands, his mouth, and his body made her forget the little discomfort.
And she met his passion. Arching her body to meet his. In unison they both reach their shattering release.