noveltoon logo noveltoon
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 8

Ch. 8 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Eight

I SANG malalim na paghinga ang pinakawalan ni Alaina. Tinanggap siya ni Andrea nang walang pasubali.

At mula noon ay nagbago ang mga bagay sa buhay ni Alaina. Ipinasok siya ni Andrea sa isang kilalang unibersidad sa kabila ng kalagayan niya. Sa loob lang ng ilang buwan ay tuluyang natakpan ang dating Alaina. At sa loob din ng mga panahong iyon ay hindi iilang beses sumagi sa isip ng dalaga si Nick. The pain and the heartaches.

Ibinigay niya ang sarili sa isang lalaking ibang babae ang nasa isip while making love.to her. No. While he had sex with her.

Pinag-aralan niya ang mga kilos at pananalita ng isang sopistikadang babae. Hindi mahirap gawin. Ang inay niya’y pino at de-klaseng kumilos. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito makasalamuha ng mga tagaasyenda. Naiilang sa inay niya.

Alam niyang maaari silang magtagpo ni Nick Gascon. Subalit hindi niya alam na sa araw na iyon mangyayari. She was too busy with her thoughts na hindi niya narinig ang pagparada ng isang sasakyan.

Isang katok ang nagpabaling sa kanya sa pinto. “Bukas iyan, Helen,” aniya sa katulong. Bumukas ang pinto at sumungaw si Nick.

“Alaina...”

“N-Nick...”

“Gusto kitang makausap.. Puwede ba akong pumasok?”

Umilap ang mga mata niya bago nagsalita. “N-nasa loob ka na.” s he was trying to control the quiver in her voice. “Maupo ka.” Umupo sa katabing sofa si Nick at halos magdikit ang mga tuhod nila. Gusto niyang lumipat ng ibang upuan kung hindi lang siya magmumukhang gaga.

“Kasama mo ba dito si Andrea?” Iginala ni Nick ang tingin sa buong kabahayan.

Umiling si Alaina. “I—occupied this place.” h indi siya nagsisinungaling. “Bakit ka narito?”

“Bakit ka biglang nawala, Alaina?” tanong ng binata na ginagap ang kamay ng dalaga.

“I—I had an appointment.” a lam niyang hindi ang kanina ang ibig sabihin ni Nick kundi ang pag-alis niya sa Sto. Cristo more than a year ago. She tried to pull back her hand pero ikinulong ni Nick sa mga palad nito ang kamay niya.

She was trembling. Nararamdaman ng binata iyon. Her eyes wide in apprehension. And dear lord, she was so pretty that he wanted to kiss her right there and then.

“Alam mong ang tinutukoy ko ay bigla mo na lang pagkawala sa asyenda.”

She shrugged her shoulders trying to appear casual. “Siguro ay alam mo na ang tungkol sa t ita Andrea.” Sumulyap siya sa bahagyang nakabukas na pinto .

“Gusto kitang tanungin tungkol diyan pero hindi ngayon. Gusto kong malaman ang naging buhay mo sa nakalipas na isang taon. How have you been, Alaina?”

“Natitiyak kong may nasabi na sa iyo si Bernard tungkol sa akin.” Itinaas niyang bahagya ang mukha. At gusto niyang isiping naninigas na ang mukha niya sa kapipilit na maging pormal at balewala ang presensiya ng binata.

“You’ve changed. You’ve changed a lot,” he whispered huskily.

Isang di-totoong ngiti ang pinakawalan niya. “Of course. Fine clothes and Andrea’s money.” h indi niya gustong salubungin ang mapanuring titig nito.

She almost sighed her relief nang bitiwan ni Nick ang kamay niya pero muli ring pinigil ang paghinga nang ang baba niya ang hawakan ni Nick at itaas ang mukha niya.

“Hindi ka na ang dating dalagitang kilala ko. Oh, you’re prettier, lovelier,” pagkatapos ay hinagod ang katawan niya. “You’ve gain weight at the right places.” She blushed but smiled at sinikap balewalain ang huling sinabi.

“I grow old...”

Hindi agad sumagot si Nick at tinitigan siya. “Yeah. Nakikita ko ang malaking pagbabago,” nakangiting sinabi nito na may nais ipakahulugan.

She slowly released the breath she was holding. Mula nang dumating sa Sto. Cristo ang binata nang mamatay ang mga magulang ay hindi niya ito nakitang ngumiti kahit minsan. In fact, wala siyang natatandaang ngumingiti si Nick. Ang tawag nga niya dito ay unsmiling prince.

Now he’s smiling.

Narito ang mukha ng lalaking tinandaan niya sa puso. Ang lalaking inihalintulad niya sa isang foreign actor na ang dalawang posters ay nasa silid niya sa asyenda. Wala sa loob na napangiti siya sa alalahaning iyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Nick.

“Why are you smiling?”

“Ha?”

“Bakit ka ngumingiti?” ulit nito. Umiwas siya ng tingin. Ibinalik ng kamay ni Nick ang mukha niya. “Tell me,” giit nito.

“I—I remembered something funny...”

“About me?” Magkadikit pa rin ang mga kilay nito. “Tell me about it, Alaina.” Umiling siya. “Please...”

“I—it’s really crazy. Childish thoughts...”

“Kahit na. Sabihin mo sa akin.” His voice persistent.

“Oh, well.” n agkibit siyang muli ng mga balikat. Goodness, magkaka-muscle pain siya sa kagaganoon. “I have—I have likened you to my favorite foreign actor,” bigla niyang sinabi.

Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay ni Nick at muling ngumiti. His eyes sparkling. Binitiwan ang mukha niya.

“Really? I hope it’s not Jean-Claude Van Damme.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Paano mong—?” She stopped on time. How could he have guessed? Mabilis na umiling. “It’s—it’s Eddie Murphy. Yes! It was Eddie Murphy, really.” He’s almost as dark as him anyway. Eksaherado niyang naisip.

Nag-echo sa buong bahay ang malakas na tawa ni Nick. She was torn between annoyance ang embarrassment.

“Little liar.” h e was still shaking. “Bago ako umalis ng Sto. Cristo ay pumasok ako sa silid mo. I saw Van Damme’s posters.”

“Oh!” Pinamulahan ng mukha si Alaina.

Hiyang-hiya. Bakit ba nakalimutan niya ang mga posters na iyon sa pagmamadali niya? Dalawa ang posters na iyon na binili niya sa kabisera noong nasa huling taon siya sa high school. Pinag-ipunan niyang talaga ang ipinambili doon. At sinulatan niya ng p entel pen ang poster in bold letters.

“And I remembered you wrote something on those posters,” patuloy ni Nick sa nanunuksong tinig at mga mata. Lalong namula ang dalaga.

“I was fifteen when I wrote that!” Hinaluan niya ng inis ang depensa. “You know how kids are.”

“Of course,” patuloy ni Nick and he chuckled. “Pero hindi ka na bata ngayon nang titigan mo ako and smiled at the thought.”

“Oh, ginagawan mo ng issue. Hindi ko na nga natatandaan kung ano ang isinulat ko roon,” kaila niya.

“I remembered. Every word,” paniniyak ni Nick. “I love you, Van Damme, dahil kamukha mo si Nick. He doesn’t smile, too. There, hindi ba iyon ang isinulat mo?” patuloy nito sa panunukso.

She would have preferred to die sa mga sandaling iyon sa kahihiyan. Namuo ang mga luha niya sa pagkapahiya at inis.

“Well, I’m glad you remembered those.” b ahagyang itinaas ang mukha at sa pormal at malamig na tinig ay nagpatuloy. “Nakalimutan kong totoo. Hindi kailangang ungkatin pa ang mga bahaging iyon ng kabataan ko. Of course, you don’t really looked like him. He’s gorgeous.”

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Nick. “Don’t be cross, Alaina. I was only teasing you. I miss you.”

Nagsikip ang lalamunan niya. “Well, I’m glad you do. Salamat.”

“Why are you giving me this cold treatment?”

“Nick, why the sudden interest?” nagsasalubong ang mga kilay niyang tanong. She has to put him off immediately kung hindi niya gustong mauwi pa sa kung saan ang maraming usapan.

“And why the evasions?”

“Hindi ko alam na iyon ang ginagawa ko. At hindi ko alam kung ano ang dapat nating pag-usapan. Isa lamang akong ordinaryong katulong sa malaking bahay na napunta ng Maynila at nakapagpatuloy ng pag-aaral.” Sumulyap siyang muli sa pinto. Kinakabahang anumang oras ay papasok si Helen.

“Hindi ka katulong. You never were. At kahit ka pa katulong, ano ang kaibahan n’on? I treat friends and hired help alike, with courtesy and due respect.” s a pagkakataong iyon ay nawala ang gentleness sa tinig nito.

“I’m—sorry,” bawi niya dahil totoo ang sinabi ng binata.

Tumayo si Nick at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng jeans. Inikot ang tingin sa loob ng duplex bagaman wala namang nakikita. Pagkatapos ay muling ibinalik kay Alaina.

“What happened between us the day you left, Alaina?” he asked softly.

“Hindi ko naiintindihan ang gusto mong itanong, Nick,” mabilis niyang sagot pero nagbaba ng mga mata.

“Don’t lie. Maaaring lasing ako pero natatandaan ko ang ginagawa ko. I just can’t totally recall what exactly happened. Please tell me.”

“Natatandaan mo pala, ano ang dahilan at ipapaalala kong isa-isa sa iyo?” Hinaluan niya ng iritasyon ang tinig.

“I took your innocence, didn’t I, Alaina?” he asked softly.

“This is ridiculous and embarrassing!” galit niyang sinabi. “Ayoko nang pag-usapan pa ang mga bagay na iyon, Nick.”

“Hindi ko intensiyong kalimutan ang bagay na iyon, Alaina. Gusto kong itanim mo sa isip mo iyan,” mariing wika ni Nick. “At hindi ako makapaniwalang balewala sa iyo ang pagkakaloob mo ng sarili sa akin.”

“Correction, please! Hindi ko kusang ipinagkaloob, you seduced me.” It was half-lie and half-truth.

“Oh, Alaina, I’m sorry. Really sorry.”

Nakadama ng deja vu ang dalaga. Sinabi na rin ni Nick ang mga katagang iyon. When she almost screamed in pain. Only, ipinagkamali siya ni Nick sa ibang babae during the height of the passion. And it really hurt so much.

Pero ano ba ang inaasahan niya? Wala naman silang relasyon. Ni hindi nga nagpapakita ng motibo ang binata na may interest ito sa kanya sa iilang pagkakataong naroroon ito. Oh, well, he was nice and polite and concern. Pero maliban doon ay wala na.

“Let’s drop the subject, Nick, okay?” pormal niyang sinabi. “Ayoko nang pag-usapan pa iyon. Kung hindi mo kalilimutan, then that’s your own problem. Pero ako ay kinalimutan na iyon.”

Hindi sumagot si Nick. Matagal na katahimikan ang namagitan bago nagsalita ang binata.

“May small party na gaganapin sa mga de Silva the day after tomorrow. Anniversary ni Marco at Emerald. I want you to come with me.”

Mabilis na umiling si Alaina. “Finals ko bukas at sa susunod na araw. I can’t afford to miss it.” She can, pero hindi niya gustong muling bigyan ng pagkakataon si Nick na makalapit sa kanya. She doesn’t trust herself. Isa pa, nakatango na siya kay Zandro pero hindi na niya sinabi iyon dahil hindi naman niya binigyan ng confirmation ang huli dahil nga sa finals niya.

Tinitigan siya ng binata na tila inaarok ang katotohanan sa sinasabi niya.

“All right. Pero huwag mong ipagkamaling ito ang huling pagkakataong pupunta ako dito. I’ll be seeing you, Alaina. Again.”

Ang sumunod niyang narinig ay ang tunog ng pag-alis ng sasakyan. Isang mahabang buntong- hininga ang pinakawalan niya. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas at lumipat sa kabilang bahay. Dating may umuupang foreigner sa pinanggalingan niya. Nang umalis ito ay hindi na muling pinaupahan ni Andrea. Ginawang studio niya at ang isang silid ay ginamit niyang dark room.

“Papakabila sana kami ni Monique, Alaina,” salubong ni Helen na nasa bungad ng pinto. “Naisip kong may bisita ka dahil may kotseng pumarada sa tapat.”

Napapikit ang dalaga. “Salamat at hindi ka lumipat, Helen,” pagkatapos ay kinuha rito ang magpipitong buwang anak. “Hello, love? Did you miss mommy?” Dinampian niya ng halik ang noo ng magandang batang babae.

“Mo—mmy—”

“I saw your daddy today, sweetheart,” she whispered bitterly. “You don’t exactly look like her. Kahawig mo ang Lola Monica noong bata pa ito.” Tenderly, hinawi niya ang kulot na buhok sa mukha ng anak.

“Dad—dy—” ulit ng bata na ngumiti at nilaro ang hikaw niya.

“I’m sorry, darling, pero hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. I wanted him to know you and you him. Pero paano ko gagawin iyon?”

“Sabihin mo sa kanya ang totoo, Alaina!” Ang galit na tinig ni Andrea mula sa pinto.

T-Tita!” Hindi niya narinig ang pagparada ng kotse nito.

“Duda na ako nang itanong ni Nick ang address mo. Hindi ko sinasadyang ang numero sa kabila ang naibigay ko. I was used to giving your studio address.” k inuha nito ang bata mula sa kanya at sandaling napawi ang galit and patted a gentle kiss sa pisngi ng bata. “Nang makaalis si Nick ay hinanap ko sa computer ang file niya. Taga-Sto. Cristo ang ina niya.”

“Oh, t ita...” n anlumong ikinulong ni Alaina sa mga palad ang mukha.

“Hanggang sa mga sandaling ito ay itinago mo sa akin ang bagay na iyan, Alaina. Kung alam ko lang, I could have done something a long time ago. I remember meeting Nick sa department store matapos tayong mamili ng mga gamit ng ipinagbubuntis mo.”

Nag-panic ang dalaga. “Please, t ita Andrea, nakikiusap ako. Ayokong malaman ni Nick ang tungkol kay Monique.”

“At gusto mong maging tulad mo ang anak mo!” Huli na para bawiin ang sinabi. Lumatay ang matinding sakit sa mukha ng pamangkin. “I—am sorry, Alaina. I should have not said that. Hindi mo kasalanan ang ginawa ng mga magulang mo.”

“But you’re right, I was their bastard,” mapait niyang sagot.

Parang piniga ang puso ni Andrea. “They loved each other. They could have gotten married kung may diborsiyo dito sa atin. Isa pa, nagkasala din ako. Tulad din ng sa kanila. I do not meant to be judgmental, Alaina. Nag-aalala ako sa inyong mag-ina. Sa apo ko. Paano kung lumaki siya at itanong kung sino ang ama niya?”

Itinaas ng dalaga ang mukha at tinitigan ang anak. “By that time ay makakaisip na ako ng sagot, t ita Andrea. I might introduce Monique to her father without getting myself involve again.”

“Kakausapin ko si Nick, Alaina.”

Tumigas ang mukha ni Alaina. “`Pag ginawa ninyo iyon ay aalis kaming mag-ina. You’ll never see us again kung paanong hindi mo na rin nakitang muli ang Inay.” i t was so unfair to tell her that pero wala siyang choice.

“Oh, Alaina...”

“Tita,” she said softly, “ i promise to settle these things with Nick. My way.”

Kung paano ay hindi niya alam.