noveltoon logo noveltoon
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 7

Ch. 7 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Seven

“G OOD morning, Miss Beautiful,” bati ni Nick sa sekretarya.

“Good morning, Nick.” m alapad ang ngiting ibinigay ni Mrs. de Lara sa binata. “Nasa loob si Bernard. Tumuloy ka na.”

“Para sa pinaka-efficient secretary na nakilala ko,” patuloy ng binata na ibinigay ang isang stem ng rose mula sa likod at inilapag sa harap ng sekretarya.

Kumislap ang mga mata ni Andrea pagkakita sa mapulang rose. “Nick, how could you be so sweet!” Kinindatan ito ng binata at nagtuloy na sa loob. Naiwang nakangiti pa rin at nasisiyahan si Andrea.

“Sino ang nagbigay sa iyo niyan, t ita Andrea? Ang ganda naman,” wika ng isang tinig mula sa likuran at inilapag ang isang envelop sa harap ng matandang babae.

“Alaina!” bulalas ng matandang babae. “Kailan ka pa dumating?” Dinampot ang envelope at tiningnan ang laman. “Ito na ba?”

Umupo sa gilid ng mesa ang dalaga. “Two hours ago. Ano ang tingin mo sa mga larawan, okay ba?”

“Beautiful!” Sinipat nito ang mga litrato. “Ito ang minana mo sa ina mo, Alaina. Photography. Sayang nga lang at...” n agbara ang lalamunan nito.

“Tita, please...” n ailang ang dalaga.

Iwinasiwas ni Andrea ang kamay. “Huwag mo akong intindihin. I’m over it a long time ago. I have forgiven them already. Kung humingi ng tawad ang inay mo sa akin, hindi sana siya pumanaw nang maaga. It was guilt that took her life.” Puno ng emosyon ang tinig nito. Pagkatapos ay nag-alis ng bara ng lalamunan. “Anyway, are you going to show this to Bernard?”

“Of course. Gusto kong hingin ang approval niya kung aling bahagi ng villa ang maaari kong i-display.” Hinaplos ni Alaina ang rose. “From an admirer?” she teased.

Nangiti si Andrea. “From a gorgeous hunk.”

Tumaas ang kilay ng dalaga. “Ow? Don’t tell me na wala na sa mga Fortalejo ang loyalty mo ngayon when it comes to physical looks, t ita?” natatawang sinabi ni Alaina. Wala sa loob na nilaro ang petals. Sa loob ng isang taong mahigit na pananatili niya sa tiyahin ay nalaman niya kung gaano ka-loyal si Andrea sa mga Fortalejo. Para dito, ang mga Fortalejo ay rare breed of good-looking men.

“They still top my list but it doesn’t mean na isinara ko na ang mga mata ko sa ibang a donis na nilikha ng m aykapal.”

Bumunghalit ng tawa si Alaina. If there’s one thing that she liked most about her mother’s sister ay ang hindi niya pagkadama rito ng age gap. Not to mention her being romantic most of the time.

“And who is this gorgeous?” She’s still smiling. “Will I get to meet him, t ita? Kasingguwapo ba ni Nathaniel o ni Zandro?”

“Ang VP-GM ng kabilang kompanya. But I think he left office and Bernard will have his hands full in choosing someone to take over.”

“Well, he is as gorgeous—and a hunk, dear. And younger. And you’ll meet him later.” Tumingala sa pamangkin si Andrea. “I wonder why you didn’t considered Bernard handsome?”

Nagkibit ng mga balikat si Alaina. “Oh, yes, pero...”

“You gave Bernard all the adjectives para sa isang lalaki na nasa dictionary maliban lamang sa salitang guwapo,” dugtong ng matanda.

She frowned and pout her lips. “But it doesn’t mean he’s less attractive. Of course not. In fact, there’s something about your big boss na hindi ko kayang ipaliwanag. Some animalistic kind of...” m uli siyang nagkibit ng mga balikat.

“I know what you mean. Well, I’m telling you all these. Bernard is also as ruthless, as arrogant, as completely set in his ways, and a domineering brute na nakilala kong—” h uminto si Andrea na biglang pumasok sa isip si Leon Fortalejo at idinugtong, “… nabubuhay. What is that for anti-thesis?”

Muling ngumiti si Alaina. “That is what makes him different. I probably wouldn’t know how to deal with him. He could be—frightening, too.”

“People thought so. I am only so sorry that Diana did not know how to deal with him.” Idinagdag nito ang huling sinabi as an afterthought. Iisang babae lang ang alam nitong nagpapabago sa odd moods ni Bernard. One woman who could arouse his anger like that of a devil then melt him into submission with her smile.

“What do you mean?”

Biglang nag-angat ng ulo ang matandang babae na nagkaroon ng lambong ang mukha. “Forget I said that,” wika nito sa istriktong tono. “I really do not wish to discuss Bernard’s personal life.”

Matamis na ngumiti si Alaina. “So back to being the most trusted and confidential little boss, eh,” she teased. Pagkatapos ay pumormal. “Alam mo bang hindi ko kayang ilagay sa mga salita ang pasasalamat ko sa iyo? Ikaw ang naging daan ng mga oportunidad sa akin, t ita Andrea.”

Itinago ng matanda ang ngiti. Si Alaina ay parang ang bunsong kapatid pagdating sa paglalambing. Lamang— nagbuntong-hininga at tumayo. “Huwag mo na akong bolahin. Ipapaalam ko na kay Bernard na dumating ka na. If he’s not busy, I’m sure he’ll see the photographs.”

SA LOOB ay nag-uusap ang dalawang lalaki.

“Gusto kitang pigilin, alam mo iyon,” ani Bernard kay Nick. “I needed someone like you, Nick. Sa loob ng isang taong mahigit na pamamahala mo sa kompanya ay ten percent ang increase ng profit. Not to mention some personal reason. Like, you’re more of a friend than an associate.”

Natawa si Nick. Remembering their first encounter sixteen months ago. Bale-wala iyon kompara sa mga sumunod nilang pagtatalo ni Bernard sa board room since then. They argued, they debated, always at each other’s neck then ended up respecting one another’s decision.

On office hours ay ganoon silang dalawa. But off office hours they became the best of friends.

“Funny, pare. Ganoon mo ba talaga ako isinubsob sa trabaho at hindi ko man lang napagbigyan kahit minsan ang imbitasyon mong sa Paso de Blas gugulin ang weekends?”

“You were so busy proving yourself na kaya mo kahit wala si Franco Navarro, pare.” u miling si Bernard and smiled wryly. “I can see myself in you way back.”

“Let’s have a deal then. One week sa Paso de Blas at one week din sa Sto. Cristo o sa Alta—” i sang warning knock ang nagpalingon sa dalawa sa pinto. Sumungaw si Andrea.

“Yes, Andrea?”

“Do you have a moment to spare or I’ll ask Alaina to come back?”

Si Nick ay nagsalubong ang mga kilay sa pangalang narinig at tumingala sa matandang babae. Alaina isn’t a common name. Sa buhay nito’y dalawang babaeng may pangalang Alaina pa lang ang nakatagpo ng binata.

“Dumating na ba siya?” Tumango si Andrea. “Let her in.” Tumango si Andrea, nginitian si Nick at muling lumabas. “Pamangkin ni Andrea si Alaina. Graduating siya next sem at aspiring photographer.”

Hindi nakuhang sumagot ni Nick dahil bumukas ang pinto at pumasok ang kakaibang Alaina sa dating kilala niya. Na kay Bernard ang mga mata nito at nakangiti.

“Hi. Sorry for intruding but I like to show you the pictures. Kung busy ka, iiwan ko na lang and I’ll—”

“Alaina?” Si Nick.

“Nick!”

Humulagpos sa mga kamay ng dalaga ang envelope at bumagsak sa carpet sa pagkabigla. On instinct, sabay rin nilang niyuko ni Nick upang damputin. Their faces almost touched. Parang napasong binitawan ni Alaina ang envelope at tumuwid.

Tumikhim si Bernard at amused na tinitigan ang dalawa. “You know each other?”

“Y-yes. I—I used to—”

“Alaina’s a childhood friend, Bernard,” agap ni Nick sa sinasabi ni Alaina. Hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng dalaga. Mga tinging humagod paibaba. She’s wearing tight blue jeans and body hugger and damned sexy.

Nailang si Alaina. Ang self-confident at poised na na-develop niya sa loob ng nagdaang panahon ay biglang nag-collapse sa sandaling iyon.

“I—I’m really—in a hurry, Bernard. Babalik na lang ako.” d inaanan niya ng tingin si Nick out of politeness at ngumiti. Pagkatapos ay mabilis na lumakad patungo sa pinto.

“Alaina, wait!” Napatayo si Nick pero nakalabas na ang dalaga.

“You’ll see her around, Nick. Tinitiyak ko sa iyo,” kaswal na wika ni Bernard.

Huminga nang malalim ang binata at bumalik sa upuan. “How long have you known her?”

“Five months or so,” sinabayan nito ng kibit ng mga balikat. “Si Andrea ang nagpakilala sa kanya sa akin dahil gumagawa ng thesis ang dalaga. Hindi sinasadya ay nagkakilala sila ni Emerald dito. Emerald’s a writer and Alaina loves photography. Emerald gave her the chance to photograph the articles she’d been writing for a women’s magazine.”

Hindi sumagot si Nick. Nanatiling nakatitig sa pinto.

“She’s young and very pretty.” Si Bernard in a mild teasing tone.

Nagsalubong ang mga kilay na tinitigan ni Nick si Bernard. May bahagyang pagdududa sa mga mata. Malakas na tumawa si Bernard.

“Don’t look at me like that, friend,” amused nitong sinabi na itinaas ang dalawang kamay. “Diana will kill anything na pag-uukulan ko ng tingin. Tao man o bagay.” s a kabila ng ngiti ay naroon ang bitterness at anger sa ilalim ng tinig nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. Itinaas ang dalawang binti sa kabilang swivel chair.

“Yeah. She’s very pretty,” sang-ayon ng binata. May bahagi ng isip ang naglakbay. One long ago afternoon. At nahagip ni Bernard ang iglap na pagkislap ng mga mata ng kaibigan at pagkatapos ay biglang tumiim ang mukha.

“I can be a good listener,” seryosong sabi ni Bernard. Hindi kaila sa kanya ang affair ni Nick at Sandra and some other more. Maliban sa ipinagtapat ni Nick na relasyon sa mga Navarro ay hindi nito nakita ang bahaging ito ng damdamin ng kaibigan.

“There’s nothing to tell, Bernard. Believe me. One moment she was there and gone the next.” n aroon ang bitterness sa tinig nito. “It was a dream. A kind of dream that you long every night na sana’y mapanaginipan mong muli.”

Muling tumawa si Bernard. Sa pagkakataong iyon ay tawang hindi naman umabot sa mga mata.

“Welcome to the club, friend.” t umayo ito at tinungo ang cabinet at kinuha mula roon ang isang bote ng alak at dalawang wineglass. “Sino ang maniniwala? Two good-looking rich men with broken hearts that can’t be mended,” nilingon si Nick habang nagsasalin ng alak. “I’ll rephrase that. One heart that can’t be mended.” Tinukoy nito ang sarili sa huling sinabi.

Bahaw na tinawanan ni Nick iyon. “Romantic fools. When we were young, girls are for fun. In fact, it is up to now. I never believed that there is such thing as love that binds two people together. Para sa aki n it is a means to an end.” h umugot siya ng buntong-hininga.

Nang hindi magsalita si Bernard ay nagpatuloy ang binata. “Sa klase ng pagsasama ni Jerome at ng Mama, can’t blame me. Para sa akin, one in a million ang relasyon ni Franco at ng Tita Beatriz. Not that Franco was a saint but there’s only one woman for him. And it’s very ironic that my mother breathed, lived and loved only one man in her whole life. And that’s Franco Navarro. She died for him, you know.” Gumaralgal ang tinig niya sa bahaging iyon and filled his lungs with air.

“You’re luckier, Nick. Hindi ko nakilala ang Mama. And when I finally found out who was the bastard who bore me, he was gone. I have nothing but his damned money!”

Dineretso ni Nick ang laman ng wineglass. “Let’s drink, Bernard, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Alaina at kung paano ko siya lalapitan.”

Muling tumawa si Bernard. Sa pagkakataong iyon ay totoong tawa. “Let’s toast to the proverbial rake, California U graduate, and a shrewd businessman at twenty-five. Who would soon be speechless in front of a lovely maiden.”

He smiled drily. “Ano ang sasabihin mo sa isang babaeng wala naman kayong pinagsamahan except for one magic moment that I even doubted if it happened?”

Hindi sumagot si Bernard and for a while was lost in thoughts. Remembering again for a million times one woman who breathed, lived, and died loving one man. Remembering one magic moment that happened one long long ago afternoon. Sa isang kubo.

“ I love you. All my life ay nabuhay ako nang wala si Leon and everything was perfectly normal. But you killed me nang sabihin mo sa aking kasintahan mo si Sandra, and I stopped living since then, Bernard!”

“Do I love you? You are my everything, black eyes. When you left, you took everything away from me. My breath, my heart. I am not a normal person anymore —/ only exist.”

And the song.

....Feel your fingers soft on me

Your kisses that I live for and your love

lights my way

happiness in living with you brings me

It’s the sweetest thing I know of

just spending time with you....

Nick inhaled softly. May pakiramdam siyang nag-iisa na lang siya sa silid na iyon, figuratively. His misgivings are nothing compared to Bernards.

Tumayo siya and walked out of the room quietly. Nasa harap pa rin ng computer si Andrea. Lumingon ito nang maramdaman siya.

“Andrea, nasaan si Alaina?”

“What happened back there, Nick? Bakit biglang-bigla ay nagpaalam na aalis na muna?”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. “Is she living with you, Andrea?”

Lumalim ang mga gatla sa noo ng matandang babae at matiim na tinitigan ang binata.

SI ALAINA ay bumaba ng taxi at nagmamadaling pumasok sa duplex. Inihagis ang bag sa mesa at ibinagsak ang sarili sa sofa.

“Damn. Damn!” nagpupuyos niyang sinabi sa galit sa sarili. She was stupid for behaving like that! Wala siyang kaibahan sa probinsiyanang nakilala nito. Sa probinsiyanang itinaboy ng ama nito!

Ilang beses niyang pinraktis ang mga dialogue na sasabihin kay Nick sa sandaling magkita sila. Hindi niya akalaing kahit isa sa mga iyon ay tuluyang naglaho sa isip niya kanina.

At alam niyang hindi imposibleng magkita sila. She’s moving in his circles now. Thanks to Andrea. In fact, she saw him once. Pitong buwan mula nang umalis siya ng Sto. Cristo. Magkasama sila ni Andrea sa isang department store at namimili. She walked farther sa kaiikot at pagbalik niya’y kausap na ni Andrea si Nick.

Mabilis niyang ikinubli ang sarili sa clothes rack. Ang higit na masakit ay may kasamang babae si Nick. She was so beautiful na nakadama siya lalo ng insekyuridad. Ipinangako niya sa sarili sa sandaling iyon na tuluyang ibaon ang dating Alaina, ang probinsiyanang si Alaina. Magiging sopistikada rin siya tulad ng babaeng kasama nito matapos lang ang problema niya. Suliranin na kung wala si Andrea ay hindi siya nakatitiyak sa mangyayari.

Nang umalis siya ng Sto. Cristo sa araw na iyon ay nagtungo siya sa bangko sa bayan at kinuhang lahat ang sariling pera. Hinanap niya ang address ni Andrea de Lara sa Maynila. Ang address na nakalagay sa diary ng inay niya.

Bagaman pag-aari pa rin nito ang malaking bahay na ayon sa ina ay sa kanilang magkapatid ay wala na roon si Andrea. Pinaupahan ito sa ibang tao. Mula sa tenant ay nakuha niya ang address ng tiyahin. Sa isang kilalang subdivision sa Quezon City nakatira si Andrea de Lara. Isang magandang duplex ang bumungad sa kanya.

Hindi niya matiyak kung alin sa dalawang pinto naroon ang tiyahin.

Isang babaeng nasa mid-forties nito ang lumabas matapos tawagin ng katulong.

“Yes? May kailangan ka sa akin?”

She cleared her throat. “Ako si Alaina. Alaina de Lara.”

Nagdikit ang mga kilay ng matandang babae na tila hinahagilap sa isip kung may iba pa itong kamag-anak.

“Anak ako ni Juanito at Ellen de Lara.”

Nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Andrea. Ilang mahabang sandali ang namagitan bago siya nito pinapasok. At mula sa bibig ni Andrea ay natiyak niya ang katotohanang nakasulat sa diary ng ina.

Si Andrea de Lara ay legal na asawa ni Juanito de Lara. Ang mag-asawa at si Ellen ay nakatira sa bahay na minana pa ng magkapatid mula sa mga magulang. Si Andrea ay empleyado sa isang maliit na kompanya at si Ellen ay nag-aaral sa kolehiyo.

Limang taon nang nagsasama ang dalawa nang magsara ang kompanyang pinapasukan ni Juanito. Nahirapan itong makakuha ng panibagong trabaho dahil sa pinag-aralan. Agriculture. Bukod pa sa stiff ang competition.

Si Andrea nang mga panahong iyon ay kasalukuyang naghangad ng ibang trabaho at natanggap bilang sekretarya ng nagsisimula pa lamang na kompanya ng semento. Magandang suweldo at malaking demand ng trabaho dahil nagsisimula pa lang ang siyang naging dahilan ng unti-unting gap ng mag-asawa. Nakadagdag pa sa iritasyon ni Andrea na siya ang bumubuhay sa asawa. Maliliit na bagay na nauwi sa laging pagtatalo.

Nakisimpatya si Ellen kay Juanito. Si Juanito ay nakahanap ng katahimikan at pagmamahal kay Ellen. At nagdalang-tao si Ellen kay Alaina. Pagbubuntis na hindi kayang ibigay ni Andrea noong panahong iyon dahil sa trabaho. O marahil dahil na rin sa paghanga nito sa guwapong mestisong amo, si Don Leon Fortalejo.

Isang sulat na lang ang dinatnan ni Andrea isang hapong umuwi ito galing ng trabaho. Pagkasuklam at panlulumo ang nadama. Hindi nito patatawarin ang dalawa. Pero walang patatawarin dahil hindi na muling nagbalik si Juanito at Ellen. Ni hindi sumulat, ni hindi nito nalaman kung nasaang lupalop napunta.

Sama ng loob, sugatang puso, galit at nasaktang pride, lahat ng iyon ay pinawi ni Leon Fortalejo. Andrea fell in love with the man who did not wish to be married again. Pero balewala sa kanya iyon, she would be willing to die for him. Don Leon Fortalejo and Kristine Cement became her world. Tuluyang nalimutan sa isip at puso si Juanito at Ellen.

Nineteen years later, Alaina appeared at her doorstep.