noveltoon logo noveltoon
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 6

Ch. 6 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Six

“S ANDRA,” tawag ni Nick sa kanya nang mag-akma siyang papasok sa banyo. Nilingon niya ito. Nakahiga pa rin ito sa lounge. Walang pakialam if he was still naked.

“Are you taking pills?” Nasa mukha ng binata ang pagkabahala.

“I haven’t thought about it,” sagot niya na nagsasalubong ang mga kilay. “Bakit?”

“I don’t like committments, Sandra. Of course, I like you and I adore that lovely body. And we both enjoy sex together. I don’t want to spoil it by unwanted pregnancy.”

“Meaning, `pag nagdalang-tao ako ay tapos na ang relasyon nating dalawa?” naghahamon niyang tanong.

“We have just started. Huwag nating pag-usapan ang pagtatapos. But marriage is far from my mind. We are both consenting adults, aren’t we?”

“This is great, Nick. Really great,” patuya niyang sagot. “But don’t worry, it’s safe today.”

Nakahinga nang maluwag si Nick at ngumiti. “Buy the whole stock sa botikang dadaanan natin mamaya.”

She wanted to slap his face. Damned him for being so brutally frank sa pagsasabi kung ano lang ang gusto nito sa relasyon nila. Tumalikod siya at pumasok nang tuluyan sa banyo.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Sa kabila ng inis, she was glowing. Her first time with Ryan ay hindi tulad ngayon. Though she couldn’t take it against Ryan dahil una niya at lasing pa ang lalaki.

Ryan did not rape her tulad ng ipinaniwala niya sa ina at kapatid. She gave herself freely noong gabing iyon. Pero dahil nga lasing, nasabi nitong hindi ito naka-divorce sa asawa. Nagalit siya. Minahal niya ito nang husto at nasaktan siya sa panloloko nito. At ginantihan niya ang lalaki sa paraang alam niya.

Matagal na iyon. Tatlong taon nang kasal sina Jake at Alexa at maligaya. At si Ryan ay kasalukuyang nasa ibang bansa at may balita siyang he finally divorced his wife. At pagkatapos ni Ryan, she never allowed any man to come close. Until Nick.

Oh, well, there was Bernard. She really did fall for him. After his love affair with his childhood sweet heart ended tragically, she tried to use another approach with him. The sisterly type. Had Bernard asked her to bed, she would have gone willingly. Pero hindi kinagat ni Bernard iyon. At ngayon nga’y anim na buwan nang kasal si Bernard at si Diana. She even thought na lived happily ever after ang ending ng story ni Bernard. But the woman he married was neurotic.

Pero hindi niya masisi si Diana. Sino ba ang may gustong may kahati sa puso ng isang minamahal? Lalo na at ang kahating iyon ay matagal nang naibaon sa lupa.

Mabilis niyang binuksan ang shower. Bakit ba pinagkakaabalahan niyang isipin ang buhay ng mga iyon? She smiled. She’s contented now. Nick could be a brute but he will served his purpose.

Si Nick ay sa banyo naka-focus ang mga mata. Napapailing habang dinadampot isa-isa ang mga kasuotan. Muntik na nitong isigaw ang pangalan ng ibang babae when he reached his climax. He’s foolish para alagaan sa puso at isip ang mga sandaling iyon.

His Laney.

BISITA ni Nick si Sandra at naliligo sa swimming pool in her string black bikini nang dumating doon si Jenny. Patungo sa pool ang binata nang lumabas ng kotse niya ang dalaga.

“Jenny!” Umaliwalas ang mukha ni Nick pagkakita sa kapatid.

“Hi.” Lumapit dito at humalik sa pisngi at ikinawit ang braso sa baywang ng binata. Pagkuway nilingon si Sandra na nasa gitna ng pool at naka-float. Nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya. “Nakakaistorbo ba ako?”

“Of course not,” mabilis na sagot ni Nick. Inabot ang robe at itinapis sa katawan. Inakbayan ang kapatid at dinala sa loob ng bahay. “May kailangan ka sa akin?”

“I just miss you,” nakangiting sagot ng dalaga.

“Pinakakaba mo ako, brat,” nakangising yuko ni Nick dito. Ang isang kamay ay dramatikong dinama ang dibdib. “Kabisado ko iyang dialogue na iyan. Noong huling sinabi mo sa amin ni Alvaro iyan ay may pinabugbog kang classmate na lalaki.”

Natawa ang dalaga. “I really do, Nick. Honest. And I miss my mom, too.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. “Bakit nasaan ang Tita Bea?”

“Nasa Alta Tierra ang Mama at hindi gustong umuwi, Nick.”

Huminga nang malalim si Nick. “Old habits are hard to die, ha, brat? I knew you were up to something...”

“Ikaw ang kondisyon na hinihingi ng Mama sa Papa, Nick,” agap ng dalaga. “...para magbalik sa mansiyon. Lance wouldn’t talk to Franco kahit sa phone hangga’t hindi ka nakikipagsundo sa Papa. At malapit nang mahalata ang tiyan ni Kristine. Hindi gusto ni Alvaro na magpakasal sila hangga’t hindi buo ang pamilya.”

“This is ridiculous!” pagalit na sagot ni Nick. “Why are you making me feel guilty?” Hindi sumagot si Jenny at nakatitig lang sa kanya.

Isinuklay ni Nick sa basang buhok ang kamay. Lumakad patungo sa bar at nagsalin ng alak. He downed two swallows at nilingon si Jenny. Nakikiusap ang mga mata nito. May namumuong luha roon.

“You don’t want us all to fall apart, do you, Nick?”

“Ano ang gusto mong gawin ko?” Naghahamon ang tinig niya.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero hindi ba natin maaaring kalimutan na ang lahat, Nick, please? We’re family at naaapektuhan tayong lahat sa nangyayari. Kahit ang Papa. Na-confine siya ng tatlong araw dahil sa matinding tension at stress.”

Nag-angat ng ulo si Nick doon. Nag-alis ng bara ng lalamunan. “How is he?” Hindi nito gustong lagyan ng concern ang tinig pero iyon ang lumabas.

Patakbong lumapit si Jenny sa kapatid at yumakap. “You don’t’ really hate him, do you? Oh, please, come back to us, Nick. You have always belonged to us sa kabila ng dalawang pamilya tayo. Ikaw at ang Tita Monica. Somehow, Tito Jerome was the outsider.”

“Kumusta si—Navarro?” pormal nitong tanong.

Jenny smiled secretly. “Nasa bahay na siya. Hindi niya gustong ipaalam kahit sa Mama ang confinement niya sa ospital ng tatlong araw.”

Huminga nang malalim si Nick at ginulo ang buhok ng kapatid. “Go home, brat. I’ll send a radio message to Alta Tierra.”

“Oh, Nick!” She tiptoed and planted a soft kiss on his lips. “Thank you! Ibabalita ko sa Papa. Then we can plan Alvaro and Kristine’s wedding. Mag-o-overseas call ako kay Lance!”

Nangingiting inihatid ng binata ang kapatid hanggang sa kotse nito. “Don’t race, brat.”

“Ako pa?”

“Oh, yes. Ikaw pa,” pagdiriin ni Nick sa ironic tone.

Nang isara ng boy ang gate ay bumalik sa pool si Nick. Nakapamaywang na nakatayo si Sandra na nakabihis na.

“I can’t believe you’re doing this to me, Nick,” akusa nito. “Nandito ako and yet you entertained another woman!”

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Nick pagkatapos ay ngumiti. “Sandra, Jenny’s my sister.”

“Sister!” n anlaki ang mga mata ng dalaga na lalong nainis. “That’s cheap, Nick. You could have thought of a more convincing alibi. Nag-iisang anak ka, Nick Gascon. And that woman is the Navarro princess!” asik nito quoting the press’ reference to Jennifer.

“Right. And she’s—” n ahinto siya sa pagpapaliwanag. Wala nga palang nakakaalam sa lihim na iyon ng pamilya. Nang mangyari ang iskandalong barilan sa FNC ay ginamit ni Franco Navarro ang connection at pera para mapatahimik ang press at hindi lumabas sa peryodiko ang balita.

“A sister who kissed your lips at yakapin ka as if you’re some kind of a hero,” sarkastikong dagdag ni Sandra bago padabog na dinampot ang bag at lumakad patungo sa kotse nito.

“Sandra, wait—” g usto niyang habulin ito at paliwanagan pero paano nitong gagawin iyon nang hindi malalantad ang skeleton ng pamilya?

SI SANDRA ay nagpupuyos ang dibdib sa pagmamaneho. They’ve been together for four months now. And though she has nothing to complain pagdating sa kama at sa pagiging galante ng binata, she hated him for being cautious. Tulad na lang noong isang araw na nasa cottage ng isang first class resort sila.

“Bakit kailangang gumamit ka niyang rubber na iyan, Nick?” tanong niya rito when he stopped what he was doing to her at may kinuha sa wallet. “I find it irritating.”

“Safety method, darling,” nakangising sagot nito. Unwrapped the foil and slipped it on. And in one swift movement entered her that she gasped.

“You’re not very gentle,” she half-complained, though she liked his rough ways. She pulled him to her and sheathed him deeper.

“You won’t be gasping and writhing right now if I was gentle, darling,” sagot nito sa tila namamaos na tinig.

“I—I am—already in pills—bakit ka—gumagamit niyan,” she lied and moaned in between words and clutched his shoulders.

“An ounce of cure is better than a pound of medicine,” nakakalokong sagot nito and drove hard.

She cursed him as she climaxed.

Mariin niyang tinapakan ang selinyador ng kotse. Sa pagpapatakbo ibinuhos ang galit. Damn him. Ang babae kanina ay baka wala pang twenty. She couldn’t believe na pati estudyante ay pinapatulan ni Nick.

Nagdikit lalo ang mga kilay niya nang makitang may kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niya. Naharangan ang pagpasok ng kotse niya sa garahe. Galit siyang bumaba at pumasok sa nakabukas na gate. Pati ang gate ay nalimutang isara ng katulong niya.

Akma siyang kakatok nang bumukas ang pinto sa gulat niya. “Hello, Sandy?”

“Ryan!” bulalas niya. At bago pa niya nadugtungan ang sinasabi ay mabilis na siyang nahatak ng lalaki at siniil ng halik.

“Bit—tiwan mo ako!” piglas niya. Pinakawalan nito ang mga labi niya subalit hindi ang pagkakayakap sa kanya.

“I missed you, Sandy.”

“Go to hell, Ryan! Nasaan ang katulong ko? Bakit ka pinapasok?”

“Pinag-day-off ko ang katulong mo,” nakangising sagot nito.

“Ano?”

“We have the whole house to ourselves, darling,” wika nito at hinagkan siya sa leeg. Pinaghahampas niya ang lalaki pero hindi siya binibitiwan nito. Sa halip ay binuhat siya at ipinanhik sa silid niya sa itaas. Ibinaba siya nito sa ibabaw ng kama.

“You’re crazy!” Mabilis siyang bumangon. “Kung inaakala mong magagawa mong...”

“I’m free now, Sandy.” h inila siya pabalik nito at ibinalya sa kama sa panlalaki ng mga mata niya. Si Ryan ay unti-unting nagtatanggal ng mga kasuotan.

“You can’t do this!”

“Of course, I can. You were mine, Sandra.” i nihagis nito ang polo sa sahig.

“You will rape me this time, Ryan!” At muli siyang nagtangkang bumangon subalit muli siyang naagapan ng lalaki at muli ring ibinalik sa higaan.

“C’mon, darling. Let’s stop this game. I know you, Sandra. Ako lang ang mahal mo,” nakangising wika nito and joined her in bed.

Thirty minutes later ay hindi na namalayan ng dalawa ang marahang paglapat ng pinto na nalimutan nilang isara.