Chapter Twelve
“A NO ang ginagawa mo rito ?” bungad ni Alaina nang paglabas niya mula sa loob ng banyo ay naroon si Sandra. “Nasaan ang nurse na iniwan ko?”
“Lumabas siya nang pumasok ako,” wika nito sa composed na tinig. Sa kabila ng lahat, Alaina bitterly admired the woman. Tall and beautiful and glamorous. Lahat ng suot nito ay designer’s label.
“Wala kang karapatang lapitan ang anak ko. Muntik mo na siyang mapatay!”
“Alam mong aksidente ang nangyari,” depensa ng dalaga.
“Iyon ang lumalabas. Pero alam mong nasa swimming pool kayo, `di ba? Bakit sadya mong iniwan ang anak ko?”
“I—I never thought that she would—” she stammered.
“Malayo pa ang pool mula sa lanai. Ilang beses kong inisip kung mararating ng anak ko ang swimming pool sa pamamagitan lang ng paggapang sa sandaling nag-uusap kami ni Nick.” Naniningkit ang mga mata niya sa pinipigil na galit.
“Mag-iingat ka sa sinasabi mo!” Si Sandra na bahagyang napatuwid ng tayo. “Tinalo mo pa ang detective sa mga sinasabi mo. Kahit si Nick ay alam na aksidente ang nangyari.”
“Bulag iyon,” sarkastikong sagot niya. “Anyway, lumabas ka na. Hindi kita kailangan dito.”
“Huwag mong guluhin ang buhay namin ni Nick sa pamamagitan ng batang iyan.” Paismid na sinulyapan nito ang natutulog na bata. “Malimit sabihin sa akin ni Nick na hindi niya gusto ng committments. He doesn’t want to be trapped with a child. He saw to it na hindi ako magkaanak or I would have bore him a child. Ang sa inyo’y isang aksidente, hindi sinasadya. He told me so.”
Lumatay ang sakit sa dibdib ni Alaina. Naalala ang unang pagkakataon sa library. Hindi niya iyon naiintindihan noon. But Nick was trying to take something from his pocket. What was there was an empty pack na hindi naman niya pinag-ukulan ng pansin.
Pero bakit gustong kuhanin ni Nick ang bata? Nakita niya ang mukha ni Nick habang tinititigan si Monique sa ICU when she was out of danger. Natitiyak niya, love and tenderness ang nakita niyang nasa mga mata nito. O iyon ang gusto niyang makita sa mukha nito kaya iyon ang iniisip niya. Baka after all relief ang nasa mukha ng binata dahil nakaligtas sa panganib si Monique.
“Get out of our lives, Al—whatever your name is! Huwag mong gamitin ang bata kay Nick! He’s an honorable man at...” h indi nito naituloy ang sasabihin sa pagbukas ng pinto at sumungaw si Nick.
“Go on, Sandra. Gusto kong marinig ang iba mo pang sasabihin.” i t was spoken quietly pero alam ni Sandra kung gaano ang galit sa ilalim ng tinig.
Itinaas ni Sandra ang mukha at lumakad patungo sa pinto. And Alaina couldn’t find fault with the dignity Sandra showed.
“Ano ang ginagawa mo dito?” baling niya kay Nick nang maisara ang pinto.
“Anak ko ang batang iyan, Alaina. Karapatan kong tingnan siya,” he said calmly at sinulyapan ang natutulog na si Monique.
“Muntik na siyang mamatay nang dahil sa iyo.”
Parang patalim sa dibdib ng binata ang akusasyon.
“That’s unfair.”
“Wala akong pakialam! Iwan mo na kami.”
“Alaina,” wika nito na humakbang palapit sa dalaga na mabilis na tumayo. “Please, hindi ba tayo puwedeng mag-usap...”
“Wala tayong dapat pag-usapan, Nick. Huwag mong kuhanin sa akin ang anak ko. You will have to kill me first,” determinado niyang sinabi.
“Alaina, I love you...” he declared huskily.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng dalaga. Her heart is suddenly beating so fast. Sinikap niyang ikalma ang sarili at balewalain ang narinig.
“The most overrated declaration,” tuya niya. “Don’t waste your breath, Nick. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng interest mo sa anak ko. Hindi ako papayag na hawakan ng kahit na sinong babae ang anak ko. She almost died because of your woman!”
“She wasn’t my woman. She made herself avail able when...”
“Please, hindi ako interesado sa inyong dalawa. Hindi mo kailangang magsinungaling. She told me you didn’t want to be burdened by a child—”
“Any woman’s child but yours Alaina. Our child.” h umakbang pa ito palapit hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa. Walang uurungan ang dalaga dahil hospital table ang nasa likuran niya. “I want you in my life, kayo ni Monique...” he said tenderly.
“Don’t do this, Nick.” She’s breathless at sunod-sunod ang tibok ng dibdib niya. Nagpa-panic ang isip sa tamang sasabihin. “All right, hindi ko siya ilalayo sa iyo. Malalaman niyang ikaw ang ama niya. You can have your visiting rights but don’t tell lies,” marahas na itinulak ang binata at humakbang patungo sa pinto. “Take your time with— your daughter. I hope wala ka na pagbalik ko,” pinihit ang seradura upang lumabas nang magsalita si Nick.
“Laney, please, listen...”
She took a sharp breath at marahas na lumingon. “A-ano’ng sinabi mo?”
“I said listen, Bakit hindi mo pakinggan ang mga sasabihin ko sa iyo...”
“Ano—ang itinawag mo sa akin?” Halos hindi siya humihinga. Nakaringgan ba niya iyon?
“Alai—Laney. Why?” Nagsasalubong ang mga kilay ng binata sa nalilitong mukha niya.
“Sinong—Laney?” Her heart is beating so fast na bulong na lang lumabas ang tanong niya.
“Iyon ang tawag ko sa iyo since you were fifteen.”
“W-why?”
Nagkibit ng mga balikat si Nick. “I once had a crush with my professor in CU. She was married though. Her name is Alaina Sterns and she allowed us to call her Laney. I adopted the nickname para sa iyo.”
Her eyes started to sparkle. “And—and you— loved me?”
“Loved you since you were fifteen.” h is voice in its soft huskiness. “Remember the day my grandfather died?”
Wala sa loob na tumango ang dalaga. Paano niyang malilimutan ang unang pagkakataong makita niya ang apo ni Don Vicente Montaño.
“I have kept on loving you secretly. You were so young. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo. Puno ang isip ko kung paano paluluguran si Jerome. I was so busy at FNC. Pero sinisikap kong umuwi ng Sto. Cristo kahit walang dahilan para magtungo roon. I wanted to see you. And I love you still, and will always love you. Ain’t that enough declaration?” This time, he was smiling. Using the a merican colloquial with a twang.
“T-that—afternoon, sa library. When you—when you—”
“When I made love to you...” dugtong ni Nick, impatiently waiting for her next words.
“You called me Laney...”
“Perhaps and I don’t remember.” h e held her closer. Hinawakan sa mukha at itinaas. “But I know it was you under me.
“That when I buried my flesh deep inside you I know you were hurting...”
“That’s why you said you’re sorry...” h er eyes like a moonshine.
“Did I?” He caressed her cheeks with the back of his hand. “But I was only sorry that I caused you pain. I wasn’t sorry for branding you mine.”
“I know that now.” i tinaas niya ang mga kamay sa leeg ng binata. “And I love you, Nick. I have always loved you and adored you.”
“It was Van Damme you loved,” he teased. His hand trailed down to her neck and lower to her breast.
“Damn Van Damme!” She grinned at mabilis na hinawakan ang kamay ng binata. “Nasa hospital room tayo!”
“So? We made it in the dark room counter. Bakit hindi dito? This is a private suite.” Ngumisi ito at ini-lock ang pinto. Pagkatapos ay sinulyapan ang anak. “I doubt kung magigising si Monique. And this wall wouldn’t crack, I hope.” Tinapik nito ang hospital wall.
“Nick!”
He silenced her protest by crushing her mouth with his lips in a hungry kiss. Then he shoved her to the wall. Gustong magprotesta ni Alaina pero muli ay nawala sa isip niya iyon. Nick was so wild and she’s lost.
Nick was unsnapping her jeans nang umungol si Monique. Mabilis na naghiwalay ang dalawa, like two guilty teenagers. Parehong sumandal sa dingding at nakatitig sa batang nagtangkang bumangon.
“Dad—dy...”
“Don’t—ever do that again, sweetheart,” he said hoarsely. Nilapitan ang anak at hinagkan sa noo. “You could never have woken up at a wrong time.”
Isang tawa ang pinakawalan ni Alaina. A sexy and husky laugh. Umupo sa tabi ng binata. Her fingers softly trailed the muscled of his arms, evoking erotic caress, down to his thighs, almost touching the still swelling flesh beneath his blue jeans.
He groaned. In anger, in frustration.
“You’ll double pay for that.”
“I can hardly wait.”
WAKAS