noveltoon logo noveltoon
Magic Moment (Kristine Series 9)

Chapter 11

Ch. 11 / 12 Nov 29, 2025

Chapter Eleven

S I NICK ay sa mansiyon dinala ang anak. Sa una’y tahimik si Monique subalit nang ilang oras na ang lumipas ay hinahanap na ang ina at ang pamilyar na kapaligiran. Nagsimulang umiyak ang bata at hindi malaman ng binata ang gagawin. Kahit ang mga katulong sa mansiyon ay h indi mapatahan nang tuluyan si Monique.

Tinawagan niya si Bea.

Nagulat pa si Beatriz nang datnan si Nick na hawak ang umiiyak na bata.

“Kanino ang batang iyan, Nick?”

“She’s my daughter,” he declared possessively.

Nagsalubong ang mga kilay ni Bea. Sa pagitan ng pagtataka at amusement ay matiim na tinitigan ang stepson. The macho man with a shrieking baby in his arms. Sa marmol ay ang nagkalat na sari-saring mga laruan. Mula sa malaki hanggang sa maliit. Mga laruang ang iba’y hindi pa dapat sa edad ng bata. Those were Nick’s toys when he was a kid.

At sa isang mamahaling antique chest ay nagkalat ang natapong milk powder. Naroon din ang mga baby bottle. May isang mamahaling milk powder na nalimutang takpan. Ang aluminum foil na galing sa lata ng gatas ay nasa chest.

Kung mabubuhay si Jerome ay mamatay rin ito uli. Iyon ang priceless King Louis Chest na binili pa sa England.

“If you don’t mind,” patuloy ni Bea na inilapag ang bag sa sofa at inabot ang bata. “Who’s the mother?”

“Someone who’s not fit to be one,” galit niyang sagot.

In an hour’s time, nasa mansiyon na sina Franco at Jenny. Si Jenny ay tuwang-tuwang kinarga ang batang sa halip na tumahan ay lalong umiyak sa dami ng nagkakagulo.

“Why, she’s adorable, Nick!”

“You will drop her, brat, careful!” sigaw ni Nick na agad na kinuha sa kapatid ang anak.

“Who’s that bastard, Nick?” Si Franco sa seryosong tono. Too late para bawiin ang sinabi. Naningkit ang mukha ni Nick na tinitigan ang ama. Si Bea ay tumitig nang may akusasyon sa asawa.

“And you’re staring at your own bastard, Franco Navarro,” wika nito sa pagtatagis ng mga bagang.

Umiling si Franco. “This is ridiculous. Paano mo nalamang anak mo ang batang iyan?”

“Papa, hindi mo ba nakikitang hawig na hawig siya sa Tita Monica?” Si Jenny. Si Bea ay nagpipigil na magsalita. Hindi gustong makipag-away sa asawa sa harap ng mga anak.

“Iyon ang inilalagay ninyo sa isip ninyo kaya iyon ang nakikita ninyo,” lohikong paliwanag ni Franco. Pagkatapos ay muling tiningnan si Nick. “Hindi kita pinagbabawalang mag-asawa, Nick, pero ang magdala ng anak na hindi mo alam kung sa iyo o hindi ay...”

“Tinitiyak ko sa iyo, anak ko ang batang ito,” agap niya. “In fact, I will be using your connections and influence kung sakaling balak ng ina niyang kuhanin siya sa akin.”

“Why don’t you marry the mother, Nick?” suhestiyon ni Jenny na nagkatinginan ang tatlo.

Sa gabing iyon ay doon natulog ang mga Navarro. Si Franco na nang malaon ay lumambot ang attitude sa bata na nakatulog sa kaiiyak. Nang umalis kinabukasan ang mag-ama ay nanatili sandali si Bea subalit umalis din ng tanghali dahil darating si Erlinda mula sa Alta Tierra at sasamahan sa doktor.

Si Nick ay hindi na nakapasok sa GI. Totoong nagbitiw na siya sa tungkulin bilang VPGM pero kailangan pa siya roon sa loob ng dalawang linggo bago tuluyang bumalik sa FNC. Pero hindi niya maiwan ang anak sa mga katulong at patuloy sa pamumuwerhisyo ang bata.

“ALAINA, telepono,” sungaw ni Helen sa pinto. Napailing sa nakikitang pamumugto ng mga mata ng dalaga.

“Sino raw, Helen?”

“Nick daw.”

She swallowed. Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga at nagmamadaling tinakbo ang kinalalagyan ng telepono.

“Hello...”

“Alaina?” Nagsalubong ang mga kilay ni Nick sa boses ng dalaga. “Have you been crying?”

“How’s my daughter, Nick?” Hindi niya maiwasang hindi suminghot at mamuo uli ang luha sa mga mata. Hindi pinansin ang concern sa tinig ng binata.

“Dammit! Pareho na lang kayong mag-inang umiiyak!” sigaw nito sa kabilang linya. He felt like an ogre.

“Oh, please... bring her back. You’re a busy man, baka magkasakit ang anak ko.” Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.

“No.” It was spoken with firmness. “I’ve got plenty of time catching up on with my daughter. Time that you have cheated me out of.” Naroon pa rin ang galit sa tinig nito at hindi napigil ni Alaina ang muling mapaiyak.

“But you can come and see her. Ayaw tumigil sa kaiiyak ng anak ko.” Binigyang-diin nito ang huling salita. “At huwag mong kalimutang dalhan siya ng gamit. Ipasusundo kita sa driver.”

Mabilis na ibinaba ni Alaina ang telepono at hindi magkandatuto sa pag-uutos na ihanda ni Helen ang gamit ni Monique. Nakadama ng pag-asang hindi tuluyang mailalayo ni Nick ang anak sa kanya. Hindi gustong aminin sa isip na somehow ay ang anak ang ugnay niya sa binata.

“SINO ang batang iyan, Nick!” manghang tanong ni Sandra sa tagpong inabutan niya sa lanai. Dumating ito sa mansiyon nang malamang hindi papasok ang binata at naroon lang.

“She’s my daughter, Monique,” sagot ni Nick sa nagmamalaking tinig.

“Daughter!” hindi makapaniwalang sigaw ng dalaga. “When throughout our relationship ay takot na takot kang magkaanak sa akin, `tapos heto at mula sa kung saan ay may inilabas kang anak!”

Nagkibit ng mga balikat si Nick. Ibinigay ang teether sa anak. “She was conceived before I met you.”

Hindi makapaniwalang nakatitig sa bata ang dalaga. “Kanino?” she asked calmly.

“Hindi mo kilala.”

“Nasaan na siya ngayon? Why didn’t you marry her?” Sa pagkakataong iyon ay hindi niya maisip na si Jenny Navarro ang ina ng bata. Sa party sa bahay ng mga de Silva ay narinig niya mula sa grapevine na si Nick ay anak ni Franco Navarro. Nagsasabi ng totoo si Nick nang sabihing kapatid si Jenny noong unang magpunta ang dalaga rito.

Now, she’s sorry she didn’t believe him. Iyon ang dahilan kung bakit sa galit niya sa binata ay tinanggap niya si Ryan noong araw na iyon. At nahihiwatigan niyang alam ni Nick ang tungkol sa kanila ni Ryan. She could swear she saw someone familiar closed her bedroom door while she allowed Ryan to make love to her.

Subalit iyon ang huling pagkakataong pinahintulutan niya si Ryan na gamitin siya. She couldn’t afford to lose Nick. Ryan do not have Jake Atienza’s power and money sa kabila ng ito ang totoong anak. And Nick is a gold mine. Pero pagkatapos ng araw na iyon ay nahirapan na siyang abutin ang binata. In fact, they made love only once since then at iyon ay kung hindi pa talaga niya pinilit na mangyari.

Marahil ay magagawa pa niyang maibalik sa dati ang relasyon nila ng binata.

Lumuhod sa tabi ng bata si Sandra at nilaro ito. Si Monique ay napatingin sa dalaga.

“Hello, baby. Come to t ita Sandra...”

Sa pandinig ni Monique ay ‘t ita Andrea’ iyon. It sounded familiar at sumama ang bata rito and smiled.

“Why, you have ways with kids, Sandra!” bulalas ni Nick na noon lang nakitang ngumiti ang bata mula kahapon. Inalalayan nito ang anak habang itinataas ng dalaga.

From a distance, they looked like a loving couple. At iyon ang dinatnan ni Alaina na nasa loob na ng bahay at palabas sa lanai kung saan naroon ang tatlo. Nahinto sa paglabas sa pintong salamin ang dalaga. Tila siya tinarakan ng patalim sa dibdib in uncontrollable jealousy and fear. That woman was taking her daughter! Iyon ang babaeng nakita niyang kasama ni Nick sa department store.

Sa sulok ng mga mata ni Nick ay nakita siya nito. Agad itong tumayo upang salubungin si Alaina. Subalit tumalikod ang dalaga at mabilis na lumakad patungo sa gate.

“Alaina, wait,” habol ng binata. Inabutan siya sa may garahe dahil hindi siya agad nakaraan sa nakaharang pang kotse na sumundo sa kanya.

“Bitiwan mo ako!” Nanlilisik ang mga matang hatak niya sa braso. “I’ll send Helen para may mag-alaga sa anak ko. Pero ito ang tandaan mo, Nick Gascon, hindi ko ipagkakaloob sa iyo ang anak ko. And believe me, hindi ako natatakot sa inyo!”

“Alaina, calm down...” m uling hinawakan ni Nick ang braso niya at marahas niyang muling binawi.

“I will not allow any damned woman para alagaan at angkinin ang anak ko!” Tumaas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Damn him. Pinapunta siya rito para alagaan ang anak niya while they probably would have sex in the middle of the day.

“You don’t understand...”

“Of course,” agap niya. “I am only Alaina. A stupid provincial young woman who fell for her Van-Damme look-a-like...” s he was sarcastic. She was angry. “I’ll get my daugter back, Nick Gascon. Dadalhin ko sa korte ang bagay na ito!”

Naningkit ang mga mata ng binata sa huling sinabi niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Alaina. You don’t really mean that. You can’t expose my daughter in this kind of trouble. I will not have it at alam mong kaya kong gawing hindi makarating sa korte ang lahat.”

“Of course.” i tinaas niya ang mukha sa naghahamong paraan. “With yours and Navarro’s money. Ginamit na niyang minsan sa akin ang pera niya. Pero ito ang titiyakin ko sa inyong mag-ama, you can both use your damned money and I’ll have the press!” Pagkasabi niyo’y mabilis na tumalikod ang dalaga.

Si Nick ay itinulos sa kinatatayuan. Tama ba ang narinig niya? Ginamit na niyang minsan sa akin ang pera niya! May kinalaman ba si Franco sa biglaang pagkawala ng dalaga noon?

“Iyon ba ang ina ng bata, Nick.” s i Sandra mula sa likuran.

Wala sa loob na tumango ang binata at lumingon.

“Where’s Monique?”

“I—I...” h indi malaman ni Sandra ang sasabihin.

Mabilis ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Nick. Malikot na ang bata. “Bakit mo iniwan?” sindak nitong sigaw at halos takbuhin ang pabatik sa lanai.

Mula sa loob ng mansiyon ay natanaw niya sa salamin na nasa gilid na ng pool si Monique. Gumapang ang sindak sa katawan niya.

At sa mismong mga mata ni Nick ay nahulog sa swimming pool ang bata. At ilang hakbang pa ang tatakbuhin!

“Oh, please, no!” And he would have chosen to die at that moment in terror!

Tinalon niya ang pool na ang lugar na kinabagsakan ng bata ay eight feet ang lalim, ang pinakamalalim na area dahil nasa gitna.

Nasa bottom na si Monique nang abutan niya at mabilis niyang sinisid ang bata at dinala sa ibabaw.

He didn’t remember whose names he called para tumawag ng ambulance o ihanda ang kotse o tumawag ng doktor. Binibigyan niya ng first aid ang anak, giving the baby a mouth to mouth rescuscitation.

“Oh, darling, no, please, please...!” nagpa-panic niyang usal in between pumping air.

And she’s so small na napakahirap gawin ang ginagawa. And he’s so scared. And his daughter is still as death. Hindi alam ni Nick kung tubig o luha ang dumadaloy mula sa mukha niya.

Sa loob ng kotse, Nick drove like hell. Every now and then glimpsed at his daughter na hawak ni Sandra. Sa pagitan nila at ng ospital ay maraming sandali at gahiblang pag-asa.

SI ALAINA ay nasa loob ng ICU. Walang hinto sa pagdaloy ang luha and rigid as death habang nakatitig sa anak na nasa kamay ng mga bihasa at kilalang mga doktor.

Naroon din si Nick sa di-kalayuan na halos hindi humihinga. He would have traded places. Hindi nito kayang patawarin ang sarili sa sandaling ma— hindi nito kaya kahit ang isipin man lang.

At ni hindi nito malapitan si Alaina. He wanted so much to hold her. To take her in his arms. To comfort her. Paano nitong gagawin iyon? Sa nakikita nito, she’ll break any moment.

Isang doktor ang humarap at parehong gumalaw sa kinatatayuan ang dalawa at parehong nakatitig dito.

“She will be fine, Nick,” wika nito sa kaibigan na ngumiti. He was still all wet at kung hindi kilalang pamilya ay hindi ito makakapasok nang ganoon sa ICU. “Kung paano ay hindi ko maipaliwanag. Some strange things happened that medicine couldn’t explain. She was almost blue nang makarating kayo dito. Perhaps your first aid did well.”

Bago pa napakawalan ni Nick ang paghinga ay dinalawang hakbang nito si Alaina na bumuway at unti-unting bumabagsak.

“WALA kang karapatang gawin iyon!” hiyaw ni Nick kay Franco. Halos maglabasan ang ugat sa leeg sa matinding galit.

“I only did what I thought was best then!” ganti ni Franco.

“Ang hirap sa iyo, Navarro, ang akala mo kaya mong hawakan sa kamay mo ang lahat! Pati buhay ko ay dinesisyunan mo. Wala kang kaibahan kay Jerome.” Naglabasan ang ugat sa mga kamay ng binata sa matinding pagkuyom.

“Ilang araw ka na sa Sto. Cristo and God knows how long you have bedded her. We were on the verge of scandal. Nakasunod lagi ang press sa atin noong panahong iyon. One was even spotted at Gumaca port. At kung hindi ko pinagana ang pera ko ay sinundan ka ng mga iyon hanggang sa Sto. Cristo. At pagkatapos ay panibagong problema na naman ang dadalhin mo!”

“Problema?” hiyaw ni Nick. “Hindi ko dinala ang problema, Navarro. Ikaw ang ugat nito, ikaw!”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Franco. He looked at his son wearily. “We are back on that again, Nick. At hindi na marahil ako makakaahon sa bagay na iyan. Ipapabaon ninyo sa kamatayan ko ang kasalanang hindi ko sinadya.”

Nang hindi agad sumagot si Nick ay nagpatuloy si Franco. “I have asked everyone’s forgiveness gayong kung tutuusin ay wala sa akin ang malaking bahagi ng kasalanan. It is very ironic that one forgives but doesn’t forget. And I surely couldn’t blame your mother, could I? Hindi mo rin gagawin iyon. Ganoon din si Bea. Kaya ako ang receiving end. I have so much respect for Monica, Nick. But don’t you think it’s unfair to put all the blame on me?”

Tumiim ang mukha ng binata. Ano ang sasabihin niya? Franco was right in one way or another. He forgave him, per se, many months ago. But he hadn’t learned to forget.

Humakbang siya palabas ng opisina ng ama.

“Nick.” h e stopped pero hindi lumingon. “Wala akong pakialam kung mahirap ang isang babae. My wife had no penny in her pocket when I married her. But she was an honorable woman. Alam ninyong lahat na isang bagay lang ang hindi ko maaaring tanggapin sa isang babae. And I’ll be damned if I’ll break the rule kahit na sino sa inyong mga anak ko.”

“Alaina’s a fine woman.” Nilingon niya ang ama at hinintay na pasubalian ito.

“You know I can check her out.”

“Damn you, Franco Navarro.”

“You are my son and are bound by the rule.”