Chapter 9
9
NAKAPIKIT
si Pinay habang nakahiga sa kama. Tumigil na ang panginginig ng katawan niya. Wala na ring dugo sa kanyang kamay katulad ng nakikita niya kanina. But still, she couldn’t get the most frightening experience in her life out of her head.
Naramdaman niya ang pagpasok ni Lee sa kuwarto at umupo rin sa tabi niya. “Pinay, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito.
“I’m okay now.” Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. “Ikaw, okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng maniac na iyon? Gusto mo, sapakin natin siya?”
Tipid na ngumiti ito pero parang maiiyak habang nakatitig sa kanya. “Mukhang normal ka na nga. Ready to rumble ka na uli. Pero kanina, hindi.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Iyong dugo sa kamay mo kanina…”
Ipinakita ni Pinay ang kamay. “Look! My hands are clean now.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “You scared the hell out of me. Akala ko, talagang nasaktan ka. Ayoko ngang maniwala kay Doc Nataniella nang sabihin niyang wala kang kahit anong sugat. You weren’t even hit by the bottle.”
“It wasn’t my blood, Lee. Sugat ni Mama ang nakikita ko. Nakikita ko ang dugo niya nang gabing mamatay siya.”
“Hindi mo naikuwento sa akin kung paano namatay ang parents mo. Basta lagi mo lang sinasabi sa akin na patay na sila at ulilang lubos ka na nang tumira ka rito sa Pilipinas.”
Pumikit si Pinay nang mariin. Ayaw na niyang balikan ang gabing iyon. It was snowing that night. Ayaw na nga niyang tumapak sa Amerika. Even the sight of a snow storm made her cringe. “Lasing na lasing si Papa nang gabing iyon, katulad ng dati. Pinagtatago ako ni Mama kapag lasing si Papa. Pinapatulog niya ako nang maaga. Ayaw niyang makita ko kung paano siya gulpihin ni Papa. But that night, I sneaked out of my room. Galit na galit ako kay Papa. Sinabi ko na tumigil na siya sa pag-inom. Sinubukan kong maging matapang. Ayoko nang makitang nasasaktan si Mama. Inagaw ko ang bote ng alak kay Papa. `Di niya iyon ibinigay sa akin. Nang magpilit pa rin ako, hinampas niya ako ng bote.”
He checked her head and forehead right away. “Saan ka tinamaan?” Parang napakabago lang ng pangyayaring iyon. And he was ready to soothe her pain away.
Umiling siya. “Hindi ako ang tinamaan. Si Mama. Humarang siya para protektahan ako. Right in front of my eyes, pinatay siya ni Papa.”
“Oh, God!” sabi ni Lee at hinalikan siya sa noo. He held her tightly and didn’t let her go. Parang gusto nitong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. “No child deserves to see that.”
Hindi na napigil ni Pinay ang pag-agos ng luha mula
sa mga mata. She was too shocked to cry then. Manhid na manhid ang kanyang pakiramdam. Sa napakahabang panahon ay noon lang niya nagawang umiyak. “Tumakas si Papa. `Di ko alam kung paano ako nakahingi ng tulong sa kapitbahay namin. It was snowing then. Takot na takot ako. Huli na
nang dumating ang mga paramedics. `Di na nila naisalba si Mama. Nakatulala lang ako noon, nakatitig sa dugo sa kamay ko.”
“It was really traumatic. Masuwerte pa pala ako. Kahit namatay ang parents ko, nandiyan ang mga kapatid ko. I was too young to remember them but my brother and sisters remind me how much they love us.”
“Masuwerte ka talaga. I have a drunken father and a battered wife for a mother. Nang mahuli si Papa ng mga pulis, sinabi niyang kasalanan ko. Kung hindi raw ako nakialam sa pag-inom niya, `di raw niya sasaktan si Mama.” Isinubsob ni Pinay ang mukha sa palad. “Masama bang protektahan si Mama? Hindi ba dapat, siya nga ang nagpoprotekta sa amin? `Di niya kami dapat sinasaktan. Mali ba iyon?”
Bakit parang mali na maging matapang at ipagtanggol ang sarili at ang ibang taong mahihina? Kailangan bang palaging maging mahina ang isang babae at maapi?
“No. Hindi dapat sinasaktan ang mga babae. Dapat, alagaan namin kayo. Dapat, irespeto namin ang kagustuhan ninyong protektahan ang sarili ninyo at tratuhin nang tama.” Pinahid nito ang mga luha niya. “Kaya gagawin ko ang lahat para hindi mo na maranasan ang nangyari sa magulang mo. I swear!”
Tumigil siya sa pagluha. Ayaw na niyang maniwala sa kahit anong pangako ni Lee. But she could feel his sincerity. “I’m sorry if I didn’t tell you about this.”
Tumango ito nang marahan. “Alam ko na `di madali sa iyo ang magtiwala. Ayaw mo nang bumalik sa iyo ang multo ng papa mo. Kaya ka nga nag-training ng martial arts ay dahil ayaw mong matulad sa mama mo. At nakita ko sa mga mata mo noong araw na makipaghiwalay ka sa akin. Ngayon ko na lang naintindihan. Nakikita mo sa akin noon ang papa mo, `di ba? Na sasaktan din kita.”
Parang pinipiga ang puso ni Pinay. “Naguguluhan ako noon. Alam ko na mahal mo ako pero ganoon din kasi ang sinabi ni Papa kay Mama pero sa huli, sinaktan niya si Mama. The first sign that you tried to dominate me, I ran away. Kailangan kong sagipin ang sarili ko bago mo pa ako masaktan. Bago pa mapalitan ng galit ang pagmamahal ko sa iyo. Ayokong magkaroon ng anak na katulad ko.”
Bahagya itong lumayo sa kanya. “I know. I must be an ogre to you then. Masyado akong napangibabawan ng pride ko. `Di ko alam kung bakit masyado kang malupit sa mga lalaki. Ayoko nang matawag na ‘under.’ Nakalimutan ko na ang pangako ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para sa iyo. I forgot to respect who you really are. You were right. I failed miserably. And I lost you.”
Weariness was visible in his eyes. Parang seven years of war ang pinagdaanan nito. He lost her during those years. Habang nagagawa na niyang bawiin ang sarili, naiwan pa rin ang matinding guilt dito; ang pagsisisi dahil hindi na nito maibabalik pa ang nakaraan.
“You are not as bad as my father, Lee. Alam ko nang `di mo ako sasaktan. Na handa kang lumaban para sa akin.”
Hinaplos niya ang pisngi ni Lee. Kanina ay iniharang nito ang sarili para sa kanya. Ang inaakala niyang katulad ng papa niya ay siya pang nagtanggol sa kanya. Ito ang Lee na pinangarap niya noon. Ito ang pinangarap niyang magmamahal sa kanya at makasama habang-buhay.
He cleared his throat. “Ayokong kapag humarap ako sa iyo, masasabihan pa akong ‘under’ o kaya ay ‘lampa.’ I want to take care of you. Iyon lang naman ang issue ko. `Di kita kayang ipagtanggol noon dahil wala akong alam na martial arts skills. It helped boost my confidence. Iyon nga lang, masakit sa katawan ang magpagulpi.”
“Ginawa mo iyon lahat para sa akin?”
Tumawa ito nang mahina. “Nakakahiya naman kasi kung haharap ako sa iyo, `tapos bigla mo na lang akong ibabalibag dahil galit na galit ka sa akin.”
“Pumasok sa isip ko na ibalibag ka oras na makita kita. Pero nang magkita tayo, I changed my mind. You looked so damn good. Sayang naman kung mapipingasan ko ang kaguwapuhan mo.”
At kahit gusto niyang gulpihin si Lee noon dahil sa galit niya, a part of her still loved him. Kaya nga takot siya na manghina rito. She knew she was destined for doom if she kept on loving him.
“Pero kung gusto mong mawala ang galit mo sa mundo, sa papa mo at sa iba pang lalaking abusado, puwede mong ibuhos iyon sa akin. Baka iyon lang ang paraan para mawala ang mga nightmare mo.” Hinawakan ni Lee ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. “Come on! Hit me.”
Inisip niya ang lahat ng lalaking abusado sa mundo. She tried to picture them on his face. Hindi niya magawa. Nakikita niya ang lalaking nagtanggol sa kanya kanina. Ang lalaking minsan na niyang minahal. Na-overcome na ni Lee ang sarili nito para sa kanya. How could she hurt that kind of man?
She leveled herself and planted a kiss on his lips. Para iyon sa unang lalaking nagtanggol sa kanya. Para sa unang lalaking handang isakripisyo ang pride para mas mapahalagahan siya. Something tickled inside her heart. She missed kissing him. But this time, the kiss was more meaningful. It was for the man who truly deserved that one special kiss.
“You kissed me?” mahinang sabi ni Lee na biglang inilayo ang mukha sa kanya. Parang shocked na shocked na hinalikan niya.
“Yes. Thank you.” Hinalikan pa niya ito sa magkabilang pisngi. “I thank God for the man you have become. Kahit sinong babae siguro, magiging masuwerte oras na mahalin mo.”
“Yes. Pero hindi ako ganoon kasuwerte. I’m in love with a woman who is already in love with another guy.”
Noon lang niya natuklasan ang mga ginawa ni Lee para sa kanya. At sa loob ng mahabang panahon na sinusubukan niyang kalimutan si Lee, si TJ ang tumulong sa kanya para ituloy ang buhay niya kahit na hindi nito alam. She knew it was her chance to be happy with TJ. Sa lalaking bumago sa buhay niya. Pero paano naman si Lee? Basta na lang ba niya ito pakakawalan?
“Lee, about TJ… I’m sorry…”
Sinapo ni Pinay ang ulo. Hindi siya puwedeng maging salawahan. Si TJ na ang mahal niya. Pakakasalan niya ito sa lahat ng simbahan, relihiyon, sala ng judge at opisina ng mayor. Pero paano naman si Lee na nagpapatigil ng tibok ng puso niya at handang ituwid ang pagkakamali nito.
Argh!
Sana ay dalawa na lang ang puso niya. She didn’t have the heart na gawing kabit lang si Lee.
“It’s okay. You deserve to be happy. I’m sorry if TJ is not here right now. Kanina raw ang flight niya papuntang States. Kung puwede nga lang, pipigilan ko ang eroplano. Mas gusto mong siya ang mag-comfort sa iyo, `di ba?”
Nabakas niya ang pagseselos sa mga mata nito. Noon lang niya naramdaman ang insecurity ni Lee sa ibang lalaki. Sanay kasi ito noon na pinatataob ang mga lalaking nakapaligid dito. Dahil sa isang TJ Javellana, nabawasan ang tiwala nito sa sarili. “Gusto ko ngang si TJ ang mag-comfort sa akin. But I’m also glad that you are here.” Ikinawit niya ang braso sa braso ng lalaki. “At dito ka lang sa tabi ko. Marami kang kailangang ikuwento sa akin.”
“Wala akong naging girlfriend mula nang maghiwalay tayo,” defensive agad na sabi nito. “Masyado akong busy sa pag-iisip sa iyo para magkainteres sa iba.”
“Then ikuwento mo na lang sa akin kung ano ang ginawa mo noong mga panahong wala ka rito. Ikuwento mo ang sekreto mo sa pagpapayaman.”
“Sigurado ka na gusto mong marinig? Boring iyon.”
“No. Gusto kong malaman lahat iyon. `Di ako matutulog. Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa iyo.”
Hindi niya inaalis ang tingin kay Lee habang nagsasalita ito. He could talk all night and she was willing to listen. Dati-rati ay siya lang ang nagkukuwento at handa itong makinig. Now it was her turn to listen to him, to know everything about him. Gusto niyang makilala ang bagong Lee. Her heart wanted to.
PINAPANOOD ni Pinay si Lee habang kausap ang isa sa mga babaeng tinutulungan ng Sulong Kababaihan. Nasa garden siya at nagpapahinga mula sa pakikipagkulitan sa mga bata at ito naman ay may consultation sa iba’t ibang mga babae.
“Baka naman matunaw si Lee,” sabi sa kanya ni Einjel, saka umupo sa tabi niya. “`Di pa ba kayo nagsasawang magtitigan sa Stallion Island?”
Siniko ito ni Pinay. “Loka! Isang linggo na nga kaming hindi nagkikita.”
Tumagal pa siya nang tatlong araw sa Stallion Island. Pagkatapos ay nagdesisyon na ring bumalik. Masyado na siyang nag-enjoy sa company ni Lee at sa mismong isla kaya hindi na siya makapag-review nang matino.
Pero hindi naputol ang communication nila ni Lee. Lumalabas sila kapag nasa Manila ito. Parang bumalik sila sa dati. Nagde-date uli sila. And she enjoyed his company more. Naroon pa rin ang mga katangian ni Lee na minahal niya dati. Pero mas gusto niya ang Lee na nakikita niya ngayon. Mas opinionated na ito pero nasa lugar. At gusto rin niya ang pagtulong nito sa mga babae. Kaya naman kahit dapat ay magre-review, sumama pa rin siya sa crisis center para mag-obserba sa pagiging volunteer nito roon.
“Involved na involved pala si Lee sa pagiging volunteer niya?”
Tumango si Einjel at humalukipkip. “Tinutulungan niya sa pagsisimula sa bagong negosyo ang mga babae rito. Mga small cottage industry lang, sapat para maitaguyod nila ang pamilya nila. Siyempre, mahihirapan ang isang babae na maka-recover kung hindi siya independent sa asawang abusado. Kaya naman maraming babae ang `di makawala sa mga asawa nila dahil `di sila kumikita ng pera. Ang alam lang nila, puro gawaing-bahay.”
“And Lee helped them.” Nangalumbaba siya at pinagmasdan si Lee habang nakikipag-usap sa isang misis na nahihirapan. Wala itong alam sa negosyo at natatakot na sumubok. Pinalalakas ni Lee ang loob nito. “Hindi ko ito inaasahan sa kanya. Parang malayo naman kasi sa kanya na tumulong sa mga charity organization at maging hands-on sa pagtulong sa mga babae. He is great.”
“Great! Ngayon ko lang narinig na sinabihan mo ng ‘great’ si Lee. Hindi ba, si TJ Javellana lang ang great sa iyo? `Tapos willing kang languyin ang karagatan at akyatin ang mga kabundukan para lang sa kanya. `Di ko na yata naririnig si TJ.”
“Nasa States pa siya ngayon. Mga isang buwan pa siya roon. Importante kay TJ ang music niya kaya okay lang iyon. Sabi naman ni Lee, puwede akong bumalik sa Stallion Island oras na bumalik si TJ.”
“Hindi ka ba naaawa kay Lee? He’s in love with you. `Tapos puro TJ ka pa rin samantalang obvious naman na mahal mo rin siya.”
“We are just friends now.”
“Sino’ng niloko mo?” sabi ni Einjel pagkatapos ay iniwan siya.
Niloloko nga ba ni Pinay ang sarili? Totoo ba ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay TJ? Si Lee ba ang totoong mahal niya? Nasapo niya ang noo. Mababaliw na yata siya sa kakaisip. Bruhang Einjel! Ginulo ang kanyang isip.
“Masakit ba ang ulo mo?” tanong ni Lee.
Umayos si Pinay ng upo. “No! I’m okay. Maganda pala ang project ninyo rito. You help women to survive on their own at buhayin ang pamilya nila. Hindi ko inaasahan na mai-involve ka sa ganitong group.”
“I want to understand women. Gusto ko ring maintindihan ang sarili ko. When we broke up, in-analyze ko ang sarili ko. Maybe I was too used to the macho act. Sa sobrang pride naming mga lalaki, naapakan na namin ang karapatan ng mga babae. At doon nagsisimula ang violence.”
“So you decided to be different.”
“Yes.” Hinawakan nito ang kamay niya. “I want to be a better man for you. Gusto kong tiyakin na `di na kita masasaktan. Na mas marerespeto ko na ang karapatan mo.”
“I can see that, Lee. And I like you better now.”
“That’s not enough. Ayoko nang makita kang umiiyak at nasasaktan.” Hinalikan nito ang noo niya. “Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka.”