noveltoon logo noveltoon
Leigh Armaund Lopez (Stallion island Series 4)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

Chapter 10

10

BIGLAAN

ang pagdating ni Pinay sa Stallion Island. Ang akala niya ay simpleng date lang ang pupuntahan nila ni Lee, kaya nagulat na lang siya nang isakay nito sa seaplane at ianunsiyo ng piloto na sa Stallion Island na sila pupunta.

“Are you crazy, Lee? Hindi ako prepared.”

Naka-long dress pa nga siya dahil ang akala niya ay sa isang first-class restaurant sila kakain. Ni wala nga siyang baon na damit.

“Don’t worry. I got everything covered.”

Diskumpiyadong tiningnan niya ang lalaki. “Ano naman ang sorpresa mo sa akin ngayon? Baka bigla mo na lang akong pikutin, ha?”

“Relax! I’m sure hindi mo mahuhulaan kung anuman ang sorpresa ko.”

Pagdating sa airport terminal ay sinalubong agad siya ni Imhan, isa sa mga volunteer sa Sulong Kababaihan at girlfriend ng member ng Stallion Island na si Jayden Arcena. “Pinay, let’s go! Naghihintay na ang mga gamit mo sa hotel.”

“Hotel?” tanong niya at nilingon si Lee. “Hindi ba ako sasama sa iyo?”

“Basta sumama ka na lang kay Imhan.” Dinampian nito ng halik ang noo niya. “I want you to enjoy your night. From now on, I’m sure you will be happy.”

“Imhan, alam mo ba kung ano’ng plano niya?” tanong niya habang papasok sila sa suite niya sa hotel.

Nagkibit-balikat ito. “Basta kinontrata lang niya ako para pagandahin ka.” Iniabot nito ang Stallion shampoo sa kanya. “Pakalunod ka raw muna rito. Mukhang gusto ni Lee na magandang-maganda at mabango ka. Excited na rin akong malaman kung ano ang sorpresa niya.”

Napaisip si Pinay habang nagsa-shampoo. Magpo-propose na kaya ng kasal sa kanya si Lee?

Hay!

Hindi niya ito tatanggihan oras na mag-propose. Lee easily captured her heart the second time. Hindi siya natatakot na mahalin uli ito. Ito ang lalaking handang gawin ang lahat para pasayahin siya. Wala na siyang ibang lalaking kilala na handang maging matapang para harapin ang kahinaan nito at tiyakin ang kaligayahan niya. Only Lee was brave enough to do that. No doubt that he loved her.

Sa halip na gown, simpleng dress na hanggang tuhod lang ang nakahanda sa kama para isuot niya. It was casual, perfect for a stroll around. Pero hindi na mukhang ordinaryo ang hitsura niya pagkatapos ayusan ni Imhan. She was prettier. Hindi na nakakahiya sakaling mag-propose ito ng kasal sa kanya.

“Thank you, Imhan,” sabi niya nang ihatid siya nito sa lobby ng hotel.

“Huwag kang magpasalamat sa akin. Kay Lee ka magpasalamat. Nandito na pala ang sundo mo,” sabi nito at itinuro ang horse carriage.

“Wow! Pakiramdam ko si Cinderella ako.”

Dinala siya ng karwahe sa Wind’s Café. Parang wala pang katao-tao nang mga oras na iyon samantalang alas-otso na ng gabi. Karaniwan ay jam-packed ang mga ganoong lugar sa Stallion Island dahil nagsisilbi iyong social hub ng guests at members. Pakiramdam niya ay napakaganda niya kahit na hinahangin ang buhok. She was a woman in love, wishing that the man she loved would propose to her.

Nang pumasok si Pinay ay pinaupo siya ng waiter sa table. May isang lalaking may hawak na gitara at tumutugtog sa stage. Dito lang nakatutok ang spotlight at sa table niya. Nahigit niya ang hininga nang mabosesan si TJ. Natakpan niya ng kamay ang bibig. It was really TJ Javellana. At nararamdaman niyang sa kanya lang nakatutok ang mga mata nito na parang siya lang ang nag-iisang magandang babae sa mundo.

Bigla siyang kinabahan. Hindi kilig ang nararamdaman niya. May mali sa mga pangyayari. Dapat ay si Lee ang naroon. Ito dapat ang tumutugtog at kumakanta para sa kanya kahit hindi pang-artist ang boses nito gaya ng kay TJ.

Dapat ay matuwa siya dahil naroon sa harap niya ang lalaking pinapangarap. Pero pangamba ang namamayani sa puso niya. Ipinadyak niya ang paa. “Lee, nasaan ka na?” Umaasa pa rin siya na susulpot na lang ito kung saan para sabihin na iyon ang sorpresa nito. Then he would propose.

Mayamaya ay napansin na lang niya si TJ na palapit sa kanya bitbit ang gitara nito. “Hi, Pinay! You look pretty today.”

“Thanks!” matipid na sagot niya. Wala na siyang oras para ma-starstruck at kiligin kay TJ dahil puro si Lee na ang umookupa sa kanyang isip. “Nice song.”

Umupo ang lalaki sa tapat niya. “Iyon ang kinanta ko sa iyo nang magkita tayo seven years ago, hindi ba? I even gave you a handkerchief so you’ll stop crying.”

“Yes. Right.” She was overwhelmed. Naalala pa pala ni TJ ang nangyari noon. Ang ibig sabihin ay tumatak pala siya sa isip nito. “Thank you for the song. Hindi ko inaasahan na magre-ready ka pa ng dinner para sa akin. And your performance is really lovely.” She knew the song by heart. Pero sa maraming beses na pakikinig niya sa kantang iyon, noon lang yata siya naging disoriented dahil sa kakaisip kay Lee.

“Medyo matagal na akong hindi nakakapag-perform sa stage. Kaya pagpasensiyahan mo na ang boses ko.”

Tuwid ang tingin niya kay TJ. Sinasabi ng isip niya na napakaguwapo nito. And his sexy voice really touched her soul. Pero bakit lumilingon ang kanyang puso? Iniisip pa rin niya si Lee. Alam ba nito ang nangyayari? Bakit pinayagan nitong matuloy ang date nila ni TJ? He even handed him to her in a silver platter. Nasisiraan ba ito ng bait? Mahal daw siya nito, pero hindi ba ito nasasaktan sa mga nangyayari?

“Ipinahanda mo ba ang lahat ng ito para sa akin?” tanong niya kay TJ nang i-serve na ang dinner nila.

Tumango ito. “You deserve it. Gusto kong magpasalamat sa babaeng ipinaramdam na espesyal ako nitong nakaraang araw.”

Natigil si Pinay sa paghahalo ng vegetable soup at nakangangang pinagmasdan ito. “I did that?” Ganoon na ba siya kaganda para tumatak sa isip nito sa dalawang beses na matipid nilang pag-uusap habang nagbi-vigil siya sa harap ng bahay nito? Kung ibang babae siguro ang sinabihan nito ay baka himatayin sa kilig.

“Yes. Salamat sa mga ipinadala mong teddy bear, flowers at sulat sa akin.”

Napaisip siya. “Anong teddy bear? Anong sulat?”

Natigilan si

TJ

sa pagsubo. “Hindi ba, nagpadala ka sa akin ng package habang nasa States ako? Halos araw-araw pa ngang dumarating ang regalo mo.”

“Pero wala akong ipinapadala sa iyo habang nasa States ka. Binigyan kita ng bulaklak pero habang nandito ka lang sa isla. `Tapos `di na nasundan iyon dahil nga umalis ka na.” Na kay Lee na ang konsentrasyon niya nang mga nakaraang araw.

Kumunot ang noo nito at may inilabas mula sa bulsa ng jacket. “Ibig sabihin, hindi sa iyo galing ang sulat na ito? Hindi ikaw si Filipina Cornejo?”

Inisa-isa ni Pinay ang mga sulat. Sulat-kamay niya ang mga iyon pero hindi naman siya ang nagsulat. Ikinukuwento roon kung paano sila nagkakilala ni TJ. Naroon pati ang mga kabaliwan niya rito. Kung paano siyang iniahon ni TJ mula sa depression. Kung paanong ginusto uli niyang magmahal dahil sa mga kanta nito. Nasasalamin ng sulat na iyon ang lahat ng nararamdaman niya na parang siya mismo ang nagsulat.

Sa isang sulat ay mayroong tula. Tula iyon na isinulat niya para kay Lee at lalapatan na lang sana ng musika.

“Paanong napunta ito sa iyo? Kay Lee ko lang ibinigay ito. At hindi ako ang sumulat ng mga ito pero halos identical ang handwriting ng sa akin.”

“Great!” sabi nito at saka idiniin ang kamay sa mesa. “Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari. Someone wants me to fall in love with you.”

Nanghaba ang nguso niya. “Sino namang baliw ang gagawa n’on?”

Wala namang sumusuporta sa kabaliwan niya kay TJ kahit yata bayaran pa niya nang isang milyon.

“Only a man who is in love. Leigh Armaund Lopez.”

The realization hit her hard. Nagsasakripisyo si Lee para sa kanya kahit na nasasaktan ito. Nag-effort pa itong gumawa ng sulat, magkuwento kay TJ at padalhan ito ng regalo. Halos ito na ang nanliligaw para sa kanya.

“Baliw ba siya? Sa palagay naman niya, matutuwa ako sa ginawa niya? Masasaktan siya kapag ginawa niya iyon pero sumige pa rin siya. Hindi naman niya kailangang gawin ito para sa akin.”

“He wants to make you happy. Ang isang lalaking nagmamahal nang totoo, `di na iniisip ang sarili at hindi na iniisip ang pride niya. Mas maganda pa siguro kung si Lee na mismo ang kausapin mo.”

“Okay.” Nakailang hakbang na si Pinay nang lingunin uli niya si TJ. Nakangiti ito habang nakapamaywang. Parang amused na amused sa kanya. “TJ, huwag mong isipin na hindi kita mahal dahil kakausapin ko si Lee. Ang totoo, gusto ko pa ring pakasalan ka sa lahat ng simbahan, relihiyon, sala ng judge at office ng mayor.”

“I hear a but.”

Sinapo ni Pinay ang sariling dibdib. “But I don’t think I could live forever with you. Baka bukas-makalawa, itapon mo na lang ako sa dagat at ipakain sa mga pating. I’m hard to live with. Baka maubusan ka ng pasensiya.”

Tumango-tango ito at lalong lumuwang ang pagkakangiti. “Nice logic and you are right. Sa palagay ko, isang lalaki lang ang tatagal sa iyo—si Lee. Kaya puntahan mo na siya.”

Hindi pa rin siya makaalis sa harap nito. Kinagat niya ang ibabang labi. “Puwede bang mag-request? Isang kiss at hug lang bago ko puntahan si Armaund?”

She was still a true blue fan. Mahal nga siguro niya si TJ pero bilang isang baliw na fan lang. It was an immature love and she was happy to let it go. Napasaya naman siya ni TJ noong mga panahong hindi niya kasama si Lee.

Humalakhak ito at niyakap siya. Pagkatapos ay saka siya hinalikan sa magkabilang pisngi. “This is the first time that someone made me laugh this hard. You are one hell of a girl. Huwag mo nang pakawalan ang lalaking nagmamahal sa iyo. Kung sinaktan ka man niya dati, I think he deserves a second chance.”

“How about the girl in your song? Iyong babaeng mahal mo na kahit na gusto mong humanap ng iba, `di mo pa rin magawa dahil siya ang mahal mo.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni TJ. “That girl doesn’t exist. It’s just a song.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Huwag kang in denial. Kapag may chance ka na balikan siya, gawin mo. Tutulungan kitang kidnapin siya.”

Pinisil nito ang pisngi niya. “Go now! Baka magselos na si Lee at kung ano pa ang gawin no’n sa bahay niya. Mataas pa mandin ang verandah roon.”

“Oh, gosh! Si Lee!”

A hand gripped her chest. Naiisip na niya ang hitsura ni Lee ngayon. Malungkot na malungkot siguro ito. Baka nga nagpapakalunod din sa alak.

Drat!

Tatanga-tanga pa naman ito pagdating sa pag-inom. Baka sa sobrang depresyon ay tumalon na lang ang lalaki sa veranda ng villa nito. Sayang ang lahi nito. Paano na siya? Ngayon pang sigurado na siyang mahal siya ni Lee, hindi na ito dapat mawala sa buhay niya.

Nagpahatid agad siya sa villa ni Lee. Sinunud-sunod niya ang pagpindot sa doorbell nito. Pero nakaka-sampung ring na ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Muntik na niyang tadyakan ang pinto nang bigla iyong bumukas. Sapo ni Lee ang ulo habang may hawak na baso ng brandy sa isang kamay. “What the hell! `Di laruan ang doorbell ko.” Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. “Pinay, bakit nandito ka na? Si TJ—”

Inagaw niya ang baso ng brandy sa kamay nito. “Bakit ka naglalasing?”

“Tinatanong ko kung ano ang nangyari sa date ninyo ni TJ.”

Itinapon ni Pinay sa money plant ang brandy nito. “`Di ka puwedeng uminom. Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin. Bakit maraming natatanggap na kung ano-anong regalo si TJ na nakapangalan sa akin?”

“Hindi ba ikaw ang nagpadala n’on?”

“Stop playing dumb with me! Sasapakin talaga kita!” Inambaan niya ito ng suntok. “`Tapos may mga sulat pa gamit ang handwriting ko. Si Freya ba ang inutusan mo na mag-forge ng handwriting ko?” Hindi kasi nalalayo ang sulat nila ni Freya. “`Tapos, malamang, barkada ko rin ang inusisa mo tungkol sa mga kabaliwan ko kay TJ, `no? Sila lang ang nakakaalam ng mga nasa sulat.”

Nagkibit-balikat si Lee at naglakad papunta sa verandah. “Ano ngayon kung ako ang nagpadala? Hindi ka ba natutuwa? Tinulungan kitang manligaw kay TJ. `Ayan nga at siya na ang nagyaya ng date sa iyo. Iyon naman ang pangarap mo, `di ba?”

Hinila niya ito pabalik sa loob ng bahay. “Huwag ka riyan sa verandah. Baka bigla ka na lang tumalon. Sasabog ang utak mo sa batuhan. Yuck!”

Mariing naglapat ang mga labi ni Lee. “What’s eating you? Hindi ako tatalon. Balikan mo na nga si TJ. Kung gusto mo akong komprontahin, mamaya na lang. Tapusin mo muna ang date ninyo.” Hinawakan nito ang balikat niya at magaan siyang itinulak papunta sa pinto. “Go now! Enjoy your night!”

“Tanga ka ba? Paano ako mag-e-enjoy kung alam kong may isang baliw na lalaking magpapakalunod sa alak dito at malapit nang tumalon sa verandah dahil nakikipag-date ako sa ibang lalaki na di-hamak na mas guwapo sa kanya, na mas magaling kumanta at handa akong pakasalan kahit saan?”

Ngumiti ito nang mapait. “Yeah, right! Rub it in. Mas guwapo si TJ, mas magaling kumanta at may brown na mga mata. At kasalanan ko na rin kung bakit nasira ang date ninyo.”

Inilabas ni Pinay ang isang sulat na ipinadala nito kay TJ. “Bakit pati itong kanta na ginawa ko para sa iyo, ibinigay mo rin sa kanya?”

Tinitigan nito ang papel at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. “Because he deserves that song more. Siya ang lalaking nagpasaya sa iyo noong sinaktan kita. Siya na ang mahal mo. Dapat lang naman siguro na sa kanya mapunta iyan. Hindi na ako ang karapat-dapat para sa iyo.”

“`Tapos magpapakamatay ka dahil doon?”

Tumawa ito nang mahina at pinahid ang mga luha niya na hindi niya alam na tumutulo na pala kanina pa. “Silly! Hindi ako magsu-suicide. Gusto ko pang makita na masaya ka kasama ang lalaking mahal mo. That’s TJ.”

“Hindi ba’t suicide din itong ginagawa mo?” Parang sinasaksak din nito ang sariling puso habang tumutulong itong magustuhan siya ni TJ.

“I will do everything to make you happy, Pinay. Even if it breaks my heart.” Hinawakan nito ang balikat niya at tiningnan siya nang direkta sa mga mata. “There are no excuses, no justifications, and no way I can undo what was done. I fucked up. Period. I blew the chance that was given to me. I don’t know what the hell I’m still doing here. Kung malalaman ito ng mga kaibigan ko, baka pagbabatukan nila ako isa-isa. But I love you. Gagawin ko ang lahat para pasayahin ka. Kung si TJ ang kaligayahan mo, gagawin ko ang lahat para magustuhan ka niya. I may lose you but at least, I know that I contributed something to make you happy. Kahit masakit…”

In front of her was the man who was telling her that he would willingly sacrifice everything for her and more. Pero mas nagagalit lang siya habang naririnig ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. “Lee, hindi mo kailangang masaktan. `Di mo naman ako kailangang ipa-deliver kay TJ nang naka-gift wrapped.”

“I want to make life easier for you.”

“Then kiss me now!”

“What?”

Hinatak ni Pinay ang kuwelyo nito. “Ay! Babagal-bagal!”

Hindi na niya hinintay pang maka-recover si Lee sa shock. He was in for another shock when she kissed him fervently. Gusto niyang matauhan ito. Gusto niyang malaman nito na wala siyang ibang lalaki na gustong halikan nang mga sandaling iyon kundi ito lang. And she would willingly accept him and love him again. Gusto rin niyang bawiin ang lahat ng sakit na naibigay niya rito dahil sa mga sakripisyo nito para sa kanya. She wished to make it better.

Pinigilan nito ang balikat niya at inilayo siya. “Teka, bakit mo ako hinalikan?”

“Because I love you, Leigh Armaund Lopez.”

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. “How about TJ? Hindi ba, in love na in love ka sa kanya?”

“It was an immature love. Siya at ang kanta niya ang naging takbuhan ko para hindi na ako ma-in love sa iyo. He made me feel safe. Dahil `di naman niya alam ang nararamdaman ko, hindi ako masasaktan. Walang masyadong expectations. But you are the man whom I’m willing to risk everything to be with. I don’t care if you messed up before. Tapos na iyon. Mahal ko ang Lee na nakikita ko sa harap ko ngayon. The one who would stand up for me and surpass his weaknesses.”

Idinikit ni Lee ang noo sa noo niya. “That is so nice to hear. Mula nang malaman kong si TJ na ang mahal mo, `di na ako umasa na matatalo ko siya. Lamang na lamang siya sa akin. Ten-wheeler lang ako, sixteen-wheeler siya.”

“Well, gusto ko pa rin siyang pakasalan sa lahat ng simbahan pero ikaw naman ang gusto kong makasama habang-buhay. Pero puwede bang maka-arbor ng kiss sa kanya paminsan-minsan?”

Tumalim ang mga mata nito. “Pinay!”

Tumawa siya. “I love you,

mi querido!

Wakas