noveltoon logo noveltoon
Leigh Armaund Lopez (Stallion island Series 4)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 3

3

“ANG KAPAL

ng dalawang junior associate mo, Kuya Thorn. Sinabihan kami nina Georgia at Rosal na pangit daw kami dahil lang ilang beses naming ni-reject ang pagsamang magkape sa kanila,” sumbong ni Pinay sa pinsan habang nagda-drive ito papunta sa birthday party ni Tita Yolie. Ginanap iyon sa compound ng Sulong Kababaihan, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga kababaihan at kabataang naabuso. Tiyahin kasi niya ang directress niyon.

“Akala mo naman mga guwapo sila. `Di naman sila member ng Stallion Island,” sabi ni Rose Alma, kasamahan niyang paralegal sa law firm kung saan senior partner naman si Kuya Thorn. Super enemy kasi nila ang dalawang junior partner sa law firm. Nasa litigation department sila at sa kanila bumabagsak ang trabaho ng mga ito na sa kasamaang-palad ay hindi naman matinong i-present sa korte.

“Gusto lang nilang yumaman. Unnecessary naman iyong ibang parts ng pleadings nila. Natural, ie-edit namin iyon. Aba! Kesyo naiinggit daw kami sa kanila. Gusto pa nilang sirain ang pangalan ng firm sa ginagawa nila. Ang ligoy-ligoy ng documents nila. Gusto lang nilang humaba para malaki ang bayaran ng kliyente,” inis namang sabi ni Georgia na kaklase niya sa San Beda Law School.

“Tama iyan. Nakuha mo ang gusto kong sabihin, girl,” sabi ni Pinay. “Kaya yata nagpapayaman ang mga iyon ay dahil ambisyon nilang tanggapin sa Stallion Island. As if tatanggapin sila roon. Ang sasama kaya ng budhi at mga mukha nila. Gusto ko ngang ipagulpi sa Gamma Gamma Frat, kaso, I changed my mind. Wala naman nang gugulpihin dahil mukha nang basag ang faces nila.”

Umalingawngaw ang halakhakan nilang tatlo sa loob ng kotse ni Kuya Thorn. Kumunot lang ang noo ng pinsan niya. “Wala na kayong bukambibig kundi ang Stallion Island na iyan. Mga anghel ba sa langit ang mga lalaki roon at parang paraiso ang isla na iyon kung magsalita kayo.”

Ang Stallion Island ay isang eksklusibong isla para sa piling kalalakihan ng bansa. Branch iyon ng sikat na Stallion Riding Club kung saan ang mga nagiging miyembro lang ay pawang mga guwapo, mayayaman, sikat at tinitingalang mga lalaki sa bansa.

Pag-aari iyon ni Prince Rostam at ng anim nitong village lords na pawang mayayaman ding mga lalaki at sikat sa ibang bansa. Nagkakandarapang pumasok ang mga lalaki roon para mahawahan ng kasikatan ng mga may-ari ng isla. Kaya nga ang mga babae sa Pilipinas ay naging pangarap nang makapangasawa ng miyembro ng naturang bagong-bagong club na iyon.

At hindi naiiba si Pinay sa mga babaeng iyon. Sa isang miyembro lang nakatuon ang atensiyon niya. Kay Trinidad Javellana, Jr. He was a popular musician turned record producer. Pagkatapos ng breakup nila ng dating boyfriend na si Lee, nawalan na siya ng amor sa kalalakihan. Well, except TJ. Ang lalaki lang ang nagpapangiti sa kanya tuwing naririnig ang boses nito. Kinikilig siya kapag nakikita ang light brown na mga mata nito. Dahil dito kaya gusto niyang maniwala sa himala at tunay na pag-ibig. He made her live again.

Idinikit niya ang pisngi sa salamin ng bintana ng kotse nito. “Hindi sila anghel, Kuya.

Diyoses

sila.” Nagningning ang mga mata niya nang makita ang billboard ni TJ para sa isang sikat na brand ng jeans. Nakasandal ito sa pader habang nakatingin sa malayo at parang may hinihintay. “Maghintay ka lang, TJ. Magkikita rin tayo. Isang araw, makakatapak din ako sa isla mo.”

“Filipina, punasan mo ang bintana ng kotse ko. Tumutulo na ang laway mo riyan,” sabi ni Kuya Thorn. Narinig niya ang tawanan ng dalawa.

“Precious naman ang laway ko, Kuya. Mahal iyan! Kuya Thorn, mag-member ka na sa Stallion Island. Para naman magkita na kami ni TJ, my love,” ungot niya.

“Ikaw lang ang makikinabang kapag naging member ako roon. Sa dami ng trabaho ko, may oras pa ba akong pumunta sa isla na iyon? Mag-concentrate ka na lang kung paano pagbubutihan ang review mo sa bar exam.,” sabi ni

Kuya

Thorn.

“Hay! Paano na si TJ?” Tumunog ang cell phone ni Pinay. Halos mapatid ang litid niya sa pagtili nang mabasa ang text ng pinsan na si Einjel. “May bisita raw si Tita Yolie na member ng Stallion Island. Si Jayson Alden Arcena. Sino iyon?”

“Ang hina mo naman,” sabi ni Georgia. “Iyong expert pagdating sa renewable sources of energy. Iilan lang naman ang pioneer members ng Stallion Island na naka-feature sa magazine, `di mo pa kilala.”

“Malay ko. Si TJ lang ang importante para sa akin. I don’t really care about the rest of the world. Pero dahil member ang lalaking iyon ng Stallion Island, dapat ay maging close din kami.”

Gagawin niya ang lahat makapasok lang sa Stallion Island. Gusto na niyang magkita sila ni TJ. Handa siyang pakasalan ito sa lahat ng simbahan, relihiyon, maging sa sala ng judge o tanggapan ng mayor.

ALANGANIN ang ngiti ni Pinay habang nasa garden ng Sulong Kababaihan kung saan ginaganap ang birthday party ni Tita Yolie. Parang children’s party ang okasyon. Parang hindi iyon birthday ng isang singkuwenta anyos na babae. May balloons, party hats, games na pambata, dirty ice cream at cotton candy. Pinagkaguluhan ng mga kaibigan niya ang mga iyon.

Kinawayan niya ang mga dating bandmate na sina Andrya, Heallene at Freya na busy sa videoke. Dating boarders ni Tita Yollie ang mga ito kaya dapat lang na present ang tatlo sa okasyon. Everything looked perfect and fun. Pero wala siyang hilig sa children’s party. Inilibot siya ni Tita Yolie sa buong facility at ipinakilala sa mga staff pero lumulutang ang isip niya.

“Sabi ni Mama, tiyak daw na masuwerte ang mapapangasawa ko. I’m so perfect.” sabi ni John Paul, anak ng isa sa mga sponsor ng foundation. Yes, he was handsome in his own right. May utak din naman kahit paano pero kaya naman nitong mag-generate ng electric power mula sa wind energy. Ang tindi kasi ng kayabangan nito.

“Do you like kids?” tanong niya.

“Not that much. Pero maraming babae ang gustong magpaanak sa akin.”

She didn’t fancy kids either. She didn’t know how to handle them. Ang totoo, naiinggit si Pinay sa mga batang naka-experience ng masayang childhood. She never had one. Noong bata siya, mas gusto niyang lumaki na lang. Her mother was fighting for her life. Battered wife ito. Ginagawa nito noon ang lahat maprotektahan lang siya. Madalas niyang hilingin na sana ay maipagtanggol niya ito.

Iyon ang dahilan kaya pinili ni Tita Yolie na tumulong sa ganoong institusyon. Lumaki siya sa Amerika hanggang sa magpitong taon. Malayo siya sa piling ng pamilya ng kanyang nanay. Walang mahingan ng tulong ang kanyang ina tuwing ginugulpi ito ng kanyang tatay. Gusto nitong tumakas siya pero hindi naman magawa. Guwardiyado ang malaking bahay nila sa Arizona, sa gitna ng disyerto. Nang sinubukang itakas ni Tita Yolie ang nanay niya ay huli na. Patay na ang kanyang nanay. Yes, she escaped death. Nakulong ang tatay niya pero huli na ang lahat. She was tainted.

That was the reason why Pinay promised herself that no man could crush her spirit. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Mae-enjoy pa ba niya ang pagiging bata?

“That member of Stallion Island.” Itinuro nito si Jayden Arcena na kadikit ng pinsan niyang si Einjel. “`Di naman nalalayo ang kaguwapuhan ko sa kanya.”

“Why don’t you talk to him?” tanong niya. “Ang alam ko, marami siyang idea tungkol sa pag-generate ng renewable sources ng energy gamit ang wind energy. You might be able to help him.”

“That’s a good idea. Magaling ako sa—” Natigilan si John Paul nang maisip ang sinasabi niya. “Wala akong alam sa mga turbine and power energy.”

Tinapik ni Pinay ang balikat nito. “You don’t have to know anything. All you have to do is talk.” Tumayo siya sa bench. “Excuse me. Kukuha lang ako ng makakain.”

Nagpasalamat siya nang hindi na siya sundan pa ni John Paul. She was lucky to get away from him. All men cared about were their bloated ego. Except TJ. Nang mag-break sila ni Lee, TJ was also suffering a tremendous heartache from his ex-girlfriend. Nakita niya kung paano magmahal si TJ noon. She saw the man so in love with his woman only to lose her in the end. Sa malayo lang niya kayang mahalin si TJ noon. Pero ngayong miyembro na ito ng Stallion Island, parang mas malapit na niyang maabot ang pangarap niya. Sa isla na iyon, natutupad daw ang lahat ng pangarap ng isang babae. Parang isang fairy tale. Kailangan na niyang planuhin kung paano makakatapak sa Stallion Island sa lalong madaling panahon.

Nakaupo si Pinay sa bench habang kumakain ng hot dog on stick nang umiyak ang isang batang lalaki na sa tantiya niya ay limang taon ang edad. “Waaaa! Gusto ko rin ng hot dog! Inubos na niya!” atungal ng bata at itinuro siya. “Inagawan niya ako.”

Pambihira. Kung kailan nag-e-enjoy siyang kumain dahil walang asungot sa buhay, saka pa siya ituturong suspect sa pagnanakaw. Nilapitan niya ang bata. Ayaw niya ng iyak ng bata. Iniabot niya rito ang hot dog. “Gusto mo?” alok niya sa bata.

“Ayoko! May kagat na `yan! Waaaa! Hot dog!” palahaw pa rin ng bata.

“Pasensiya na po, Ma’am,” sabi ng nakatatandang batang babae na sa palagay niya ay sampung taon na. “Si Kirby po kasi, mahilig sa hot dog. Kami na po ang bahalang magpatahan sa kanya.”

“Kuya Clown! Kuya Clown!” sabi ng mga bata. “Umiiyak po si Kirby.”

Napansin ni Pinay na may sumilip mula sa pinto ng kusina. Napansin agad niya ang makapal na dilaw na buhok niyon. Dahan-dahang lumabas iyon at nakayukong lumapit sa kanya. Iyon na ba ang clown? Ang alam niya sa clown ay makapal ang mukha. Bakit mukhang mahiyain ang isang ito?

“Bakit umiiyak si Kirby?” tanong ng clown.

“Kinain niya po ang hot dog ko!” sumbong ni Kirby, saka parang nang-aakusang tiningnan siya. “Hindi ko siya kabati. Ayoko dito! Ayaw ninyo sa akin.”

“Ayaw naman niya dahil may bawas na. Ano’ng gagawin ko?” tanong niya.

“Wala nang hot dog sa loob. Magpapabili na lang ako, gusto mo?” madiplomasyang sabi ng clown sa pa-kengkoy na boses.

Itinuro siya ng bata. “Gawin mo siyang palaka. Inubos niya ang hot dog ko. Pangit siya.”

Sa inis ni Pinay ay tuluyan na niyang isinubo ang lahat ng hot dog. Ang ayaw niya sa lahat ay ang sinasabihan ng pangit kung kailan siya nagpaganda. Lalong nag-iiyak si Kirby. Mali ito ng kinalaban. Kung naging mabait lang sana ito sa kanya, baka ibili pa niya ito ng isang kilong hot dog.

“May hot dog naman sa spaghetti. Gusto mo iyon na lang ang kainin mo? Lalagyan pa natin ng maraming cheese,” malambing na sabi ng clown.

Pinakinggan niyang mabuti ang boses ng clown. It was husky and intelligent. Parang humahagod iyon sa balat. Katimbre niyon ng boses si Lee. Hindi lang katimbre, kahawig pa. Kung pipikit siya, si Lee ang makikita niya. Kung huhubarin ang mataas at malaking sapatos ng clown at ang wig, hindi nalalayo ang tangkad nito kay Lee. The rest of his features were vague.

And that soothing tone, Lee used it one time. Noong may sakit siya at naglalambing dito. He cuddled her like a child. Bakit ba ngayon pa niya naalala si Lee sa clown na iyon? Ayaw na niyang maalala o isipin pa ito. He was a major error on her part.

Tumahan si Kirby at pinunasan ang mga luha sa mga pisngi. “Opo. Gusto ko po ng maraming spaghetti. Huwag po natin bibigyan si Ateng pangit!”

Pinanlakihan ni Pinay ng mga mata ang pasaway na bata. Eksakto namang lumingon sa kanya ang clown. Bigla siyang nagpilit na ngumiti. “Ang cute niya kahit umiiyak, `no?” Puwede kayang patulan ang mga bata paminsan-minsan para hindi lumaking sutil at nang hindi na makapanakit ng damdamin ng kapwa?

Isang volunteer ang nagbigay ng pagkain kay Kirby kaya tuluyan itong natahimik. Nilapitan siya ng clown. “Sorry. Naging habit lang niyang tumawag ng ‘pangit.’ But you are not ugly. Don’t worry.”

“It’s okay. Ganoon talaga ang mga bata. I’m Pinay. Pamangkin ako ng birthday celebrant. Saang company ka nagtatrabaho as clown?”

“Nagtatrabahong clown? Ako? Volunteer lang ako rito. I’m—”

“Saan ka ba nagpupupunta?” singit ng pinsan niyang si Einjel. “Maraming batang naghahanap sa iyo…” Napanganga ito nang makita siya. “Ay! Nagkakilala na ba kayo ni Li—” Nilingon nito ang clown. There was something peculiar about their expression.

“May problema ba?” Bawal bang banggitin ang pangalan ng clown?

Humalakhak si Einjel. “Nahihiya siya sa pangalan niya. Siya si Ligaya.”

“Ligaya?” Ang lalaking clown na kaboses ng guwapo niyang ex-boyfriend ay Ligaya ang pangalan?

“Oh, yes! ‘Ligaya’ ang itawag mo sa kanya!” patiling sabi ni Einjel.

“Tama. ‘Ligaya’ ang itawag mo sa akin,” sabi ng clown at kinamayan siya. “`Nice meeting you, Pinay.”

“`Nice meeting you as well, Ligaya. Ang ganda naman ng name mo.”

Lalaki pa rin naman ang boses nito. Ni hindi agad niya nahalata na isa itong miyembro ng

federeciones

. Nanlaki ang ulo ni Pinay. Ang kaboses ng ex-boyfriend niyang si Lee na ginagamit para mang-akit at magpanginig ng mga tuhod ng kababaihan ay pag-aari na ni Darna? Ano na ba ang nangyayari sa mundo?

“Hey, Pinay! I’ve been looking for you.” Nagtayuan ang mga balahibo niya nang hawakan ni John Paul ang kanyang balikat mula sa likuran. “`Di ka na bumalik.”

She shrugged her shoulder to dislodge his hand. It took a lot of effort not to throw him and give him a chop. Ang lakas ng loob nito na hawakan agad siya. Close ba sila? Tumayo siya at hinarap ito. “Nakikipagkuwentuhan lang.”

Nasira ang mukha nito nang makita si Ligaya. “Well, I thought it’s someone important. Sumali na lang tayo sa Trip to Jerusalem game. They need couples. It must be exciting.” Ibinulong pa nito ang huling pangungusap sa kanya.

That leering tone was loaded with sexual innuendo. Sa larong iyon, magkakaroon ito ng pagkakataon para makapanlamang. Hindi siya papayag na mahawakan pa nito kahit ang dulo ng daliri niya. Baka makapanggulpi siya nang wala sa oras. She didn’t want to ruin her aunt’s party. Pero kailangan din niyang iligtas ang sarili mula sa isang potential maniac.

“May ka-partner na ako.” Inginuso niya si Ligaya. “Siya.”

“Ako?” Na-amuse si Pinay nang manlaki ang mga mata at malaglag ang panga nito. Lumutang ang comicality ng mukha ng clown dahil sa makeup. Hindi niya alam kung nagpapatawa ito o sadyang na-shock sa sinabi niya.

Parang nakakauto na humalakhak si John Paul. “A clown? Now that’s funny.”

“But I’m serious.” Hinawakan niya ang braso ni Ligaya.

“But you’ll look funny together. Why would you prefer dancing with a comic than with me?” John Paul asked in an arrogant tone. Pagkatapos ay saka parang nangmamatang tiningnan si Ligaya na bahagyang nagtago sa likuran niya.

Mas gusto niyang isang clown ang maka-partner kaysa naman isang maniac. At least, safe siya sa isang bading na clown. Nakakatiyak pa siya na walang pupulot ng basag na panga mamaya.

“Sa basagan ng palayok ka na lang sumali, John Paul. Maglalaro na kami. Babalatuhan na lang kita ng prize kapag nanalo kami.” Patalun-talon pa siya habang hatak-hatak si Ligaya na parang nag-aalangang sumama sa kanya. Kinawayan niya si Simmy na host ng program. “Simmy! Sasali kami!”

“Si Pinay at si Li—”

“Ligaya,” dugtong ni Einjel. “Palakpakan natin sila.”

“Sasali rin kami,” sabi ni John Paul na basta na lang hinatak ang katabing babae. Tiningnan siya nito nang maaskad saka matamis na nginitian ang kapareha. As if naman maiinggit siya. Ang malas nga ng babaeng ka-partner nito.

“Good. Ang premyo natin ay isang romantic date,” anunsiyo ng Tita Yolie niya.

“Okay lang ba sa iyo na ako ang ka-partner mo?” tanong ni Ligaya nang magsimula na ang game. It was the Trip to Jerusalem game. Umiikot sila sa mga upuan. At kailangang kandungin ang kapareha kapag tumigil ang tugtog. Ang walang maupuan ay matatanggal. “Di-hamak na guwapo naman ang ka-partner mo. `Tapos kapag nanalo pa tayo, ako pa ang makaka-date mo kaysa sa kanya.”

“Mas safe nga ako kapag kasama kita. Saka `di ko naman kailangan ng ka-date.” Tinapik ni Pinay ang balikat nito. “Relax! Hindi kita ha-harass-in. This is just a game.” Kung mag-e-enjoy siya at mananalo sila, ibibigay pa niya ang premyo kay Ligaya at sa

fafa

nito kung gusto nito. “Let’s party!”

Enjoy na enjoy siya sa pagsayaw nang biglang may humawak sa baywang niya. Nang lumingon siya ay si John Paul ang nakita niyang nakahawak sa kanya. And there was his leering grin. “I really like this game. Pero mas maganda kung partner kita.”

Muntik na niyang hawiin at baliin ang kamay nito kung hindi lang may kamay na naunang humawi sa mga kamay ni John Paul. “Excuse me! Excuse me!” sabi ni Ligaya, saka iginitgit ang sarili sa pagitan nila ni John Paul.

Na-out of balance pa si John Paul. Muntik pa itong matumba dahil sa paggitgit ni Ligaya. Eksaktong tumigil ang tugtog, nakaupo agad sila ni Ligaya. Kakamot-kamot sa ulo si John Paul dahil naubusan na ng upuan. Na-out ito sa game. Hindi rin nito maiangat ang mukha dahil napahiya sa muntik nang pagkatumba.

Natawa si Pinay at nag-L sign. “Loser! Serves him right. Dapat lang iyan sa mga bastos. Pasalamat nga siya dahil `di ko siya binangasan.”

“Binangasan? Hanggang ngayon pala, palaban ka pa rin.”

Kumunot ang noo niya. “Paanong palaban pa rin?”

Kilala ba nila ang isa’t isa noon pa?

Tumikhim si Ligaya. “Sinabi ng Tita Yolie mo.”

“Kahit naman sinong babae, kailangang depensahan ang sarili. Pasalamat siya sa iyo dahil hindi ko siya nagulpi. The best ka talaga, sister.”

“Anong sister?” naguguluhang tanong nito.

Pinapilantik niya ang mga daliri saka tumayo. “Sister ka, `di ba? Ang hina mo naman.” Anong klaseng kabadingan ba mayroon ito at walang alam sa mga termino ng mga bading?