noveltoon logo noveltoon
Leigh Armaund Lopez (Stallion island Series 4)

Chapter 2

Ch. 2 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 2

2

HINDI

makapaniwala si Pinay sa sinabi ni Lee. Nag-aalala ito sa walanghiyang manyak na nambastos sa kanya? “I just want to tell that jerk that he can’t get away with it. Ni hindi nga siya repentant kahapon. Binigyan ko lang ng hustisya ang ginawa niya sa akin. Ibig sabihin, dapat, pinabayaan ko na lang sila, kasi kawawa?”

“No. Masyado mo lang yata siyang gustong parusahan. Sino ba ang gustong mabastos? Pero ibang bagay na kung gusto mo siyang sirain. Sobra na iyon.”

Nagngalit ang mga ngipin niya. Parang siya pa ang lumalabas na masama. “I was violated. Can you really blame me? Sending police blotter to a lawbreaker’s workplace is an SOP. Parang public announcement kapag may shoplifter.”

Umiling si Lee. “I don’t think it’s right. My friends think this is just ego-tripping. Gusto mong patunayan na magaling ka. Nasampahan mo na siya ng kaso. Let the law do its job.”

Siya na nga ang biktima, siya pa ang lumabas na masama. Ngayon ay naiintindihan na niya kung para saan ang takot ng mga ito nang makita siya. They were so scared of what she could do. Isang halimaw na handang umatake ang tingin ng mga ito sa kanya.

She was not a monster. Isa lang siyang babaeng ipinaglalaban ang karapatan niya. Pagkatapos ay si Lee pa ang magsasabi sa kanyang mali siya? Ang akala niya ay naiintindihan siya nito.

“I’m sorry if your sensibilities were offended. Pero ganito ako kapag ginago ako! I won’t let anybody violate me!”

It was so frustrating. Kung mahal siya ni Lee, dapat ay suportahan siya nito. Hindi ito dapat nakikinig sa mga kaibigan. Those freaking egotistical male. Anong klaseng tao ang kakampi at maaawa pa sa isang bastos? Nagkakampihan ba talaga ang mga lalaki kahit na mali ang kabaro ng mga ito?

“Sana, kinonsulta mo muna ako bago mo ginawa iyon.”

Nilingon niya ito. “Do I really have to?”

“Boyfriend mo ako!” sabi nito sa mataas na boses. “Hindi ba, may karapatan din akong malaman ang mga desisyon mo?”

Siya ang na-offend. Siya ang nabastos. Kailangan pa ba niyang ipaalam dito iyon? Siya ang inagrabyado kaya karapatan niyang magdesisyon.

“Kung sasabihin ko ba sa iyo, papayag ka? Maiintindihan mo ako?”

“Masyado ka kasing matigas,” sabi ni Lee, saka mariing pinagdikit ang mga labi.

Matigas? Gusto lang bawiin ni Pinay ang dignidad niya. Ibang Lee ang nakikita niya. Katulad na rin ito ng mga kaibigan na halimaw ang tingin sa kanya.

“Stop the car, Lee!” utos niya. Naninikip ang kanyang dibdib sa galit.

“Nasa Libis pa lang tayo,” sabi nito, saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

“Wala akong pakialam kahit nasa Libis pa lang tayo. Hindi ko na matatagalang makasama ka. `Know what? Wala kang ipinagkaiba sa lalaking bumastos sa akin.”

Bigla nitong itinigil ang sasakyan. “Hey, that’s too much!”

Sinamantala ni Pinay ang pagtigil ng sasakyan. Bumaba siya mula roon. Dali-dali niyang pinara ang paparating na taxi. Sinubukan siyang habulin ni Lee.

“Pinay, come back!” tawag nito.

Pero mabilis na nakasakay na siya sa taxi. Inutusan niya ang driver na pasibarin iyon palayo. A weak spot in her wanted to cry out. Pero tinatagan niya ang sarili. Kung hindi kayang irespeto ni Lee ang paniniwala niya, mabuti pang huwag itong magpakita.

“GIRLS, mag-practice pa tayo!” ungot ni Pinay sa mga kabanda niya. “Na-miss kong makasama kayo. At nagustuhan ko ang new song ni Freya.”

Nasa soundproof music room sila sa bahay ng may-ari ng Conspiracy Bar kung saan sila madalas nagpa-practice. Hindi naman iyon malayo sa boarding house ng Tita Yolie niya kaya convenient sa kanilang magkakaibigan.

“Nag-LQ siguro kayo ni Leigh Armaund,” sabi ni Andrya. “Maghapon mo na kasi kaming kasama. Dati, `di ka mapakali isang oras mo pa lang siyang `di makita.”

Nanghahaba ang ngusong pumiraso si Pinay ng maruya. “Ayoko lang siyang makita ngayon.” Kahit ilang beses nang gustong makipagkita ni Lee sa kanya ay iniiwasan niya ito. Hindi pa nawawala ang inis niya.

Ego-tripper. A monster. Hindi siya ganoon. Kaya magdusa muna itong hindi siya makita hangga’t hindi nawawala ang galit niya.

“Hindi ba, may dinner kayo ngayon sa boarding house?” tanong ni Freya.

Kinuha ni Pinay ang drumstick at itinuktok sa gilid ng mesa. “Bahala siya sa buhay niya!” Matagal mawala ang galit niya. Mabuti nang huwag muna niyang makita si Lee dahil baka kung ano pa ang masabi niyang hindi maganda rito.

Pumalatak si Haellene. “Dapat, inaayos agad ninyo ang gulo. Minsan na nga lang magsabi ng opinyon iyong tao, inangilan mo pa.”

Inilibot ni Pinay ang tingin sa mga kaibigan. “Mali ba talaga ako?”

Uminom ng bottled water si Andrya. “Babae ako. Tama lang iyong ginawa mo. Naiganti mo ang lahat ng babaeng nabastos sa mundo na `di makalaban.”

“Siguro, natakot si Lee dahil nagdesisyon ka nang `di siya kinokonsulta. Paano kung balikan ka ng manyak na iyon? Inaalala ka lang niya,” paliwanag ni Haellene.

“Gugulpihin ko lang uli ang manyak na iyon!” sabi niya.

“Gusto rin siguro niyang maramdamang importante siya sa buhay mo. Na sa mga importanteng desisyon mo ay iniisip mo rin siya,” dagdag ni Freya. “Kaya kausapin mo na si Lee. Huwag mo nang tikisin.”

“Ibababa ko ang pride ko para sa kanya?” Niyakap niya ang sarili. Hindi yata iyon madali para sa kanya. Pero nami-miss na rin naman niya si Lee. Gusto niya itong makita. To hell with her pride. Hindi rin naman siya sasaya kung patuloy na titikisin ang lalaki. “Fine. Pupuntahan ko na siya.”

The weight was lifted off her as she walked home. Siguro ay hindi na masamang isuko niya minsan ang pride. Oras na siguro para mag-usap sila. Siguro naman ay magso-“sorry” na ito sa kanya at hahayaan siya nito.

Pagdating sa boardinghouse ay tumuloy agad si Pinay sa kusina. Naabutan niyang nagluluto si Tita Yolie. “Tita, ano’ng niluluto ninyo para kay Lee?”

“Tumawag ang maid nina Lee. Hindi raw siya makakapunta dahil masakit ang lalamunan niya. Tiyak na mahihirapan iyong kumain. Kawawang bata.”

Nakonsiyensiya si Pinay. Plano pa naman niyang huwag makipagkita rito kanina. Iyon pala ay may sakit ito. “Tita, ipagluto mo pa rin siya. Dadalawin ko ang boyfriend ko. Oras ko naman para alagaan siya.”

“DADALAW ka lang sa maysakit, naligo ka pa ng pabango. Hindi kaya mahilo lang si Lee sa iyo at lumala ang sakit niya?” angal kay Pinay ni Freya nang dumaan siya sa harap nito nang paalis na siya papunta sa bahay ni Lee.

“Magdadala lang ng pumpkin soup iyan, ha, kuntodo paganda pa,” pang-aalaska naman ni Andrya. “Mabibinat iyon sa kakatitig sa cleavage mo.”

“Wala namang cleavage,” sabi ni Haellene na naglilinis ng bass guitar nito.

“Teacher Haellene, `di mo naman masyadong inaapi ang dibdib ko,” sabi ni Pinay na sinapo ang dibdib. Hindi siya bosomy. At least, alam niyang mahal siya ni Lee hindi dahil sa katawan niya kundi dahil sa kanyang pagkatao.

Nag-peace sign lang si Haellene. “Humayo ka na at magpakarami.”

“Amen,” sagot ni Andrya. “Magpagaling `kamo siya.”

“Titiyakin kong gagaling siya. Aalagaan ko siya.”

Mula nang magkakilala sila ni Lee, wala na itong ginawa kundi ang alagaan at pagsilbihan siya. Minasama niya pati ang pagmamalasakit nito. Gusto lang siya nitong protektahan kaya ayaw na ituloy pa niya ang pagpo-forward ng blotter sa kompanyang pinapasukan ng lalaking nambastos sa kanya.

Dapat ay maipakita ni Pinay na kaya niyang alagaan ang sarili at kaya rin niya itong alagaan dahil mahal niya ito. Handa na siyang kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo nila. She would make it up to Lee.

Pagdating sa bahay ng mga Lopez sa Teacher’s Village ay naabutan niya ang nakatatandang kapatid ni Lee na si Torque na nagba-barbecue sa garden.

“Pinay, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.

“Dadalawin ko si Lee, Kuya. Hindi raw kasi siya makaka-attend ng dinner dahil may sakit siya. Ipinagluto siya ni Tita Yolie ng pumpkin soup.”

Kumunot ang noo nito. “May sakit ba si Lee? Sinundo kasi siya ng mga kaibigan niya kanina. May overnight daw sila sa Laiya. Akala ko, kasama ka nila.”

“W-wala siyang nabanggit sa akin na aalis sila. Baka naman para lang sa mga boys iyon.” Pagdating sa mga kabarkada nito ay nahihirapang tumanggi si Lee.

“Dito ka na lang mag-dinner,” yaya ni Torque.

“Hindi na, Kuya. Uuwi na lang po ako.”

Dismayadong umuwi si Pinay sa bahay. Naabutan niyang nagdya-jamming sa garden ang mga kaibigan.

“Ang bilis mo naman,” sabi ni Freya. “Ano’ng nangyari sa inyo ni Lee?”

“Wala raw siya. Sinundo siya ng mga kaibigan niya. Pumunta sa beach.” Umupo siya sa ibabaw ng beat box at ipinatong sa mesa ang pumpkin soup. “Baka lalong magkasakit ang mga iyon.”

“Baka mamaya may kasamang babae,” pananakot ni Andrya. “Siyempre, beach iyon. Walang sakit-sakit sa mga lalaki.”

“Huwag ka nang mandemonyo,” saway ni Haellene at tinakpan ang bibig ni Andrya. “He loves you. So, bumawi ka sa kanya. At sa idea ko, tiyak na lalong mai-in love sa iyo si Lee.”

GUSTO nang isumpa ni Pinay ang unibersidad na pinapasukan niya. Nawalan siya ng oras kay Lee dahil sa sobrang dami ng ginagawa niya roon. Minsan nga ay hindi na siya makatulog. Kapag ganoong pagkakataon ay sadyang hindi siya inaabala ni Lee. Magpapakita lang ito kapag hiningi niya ang tulong nito sa mga project. Baka akala nito ay tuluyan na siyang nagalit at wala siyang planong makipag-usap pa.

Dalawang linggo pa ang lumipas at semestral break na nila. Saka lang niya naharap ang planong pagdalaw sa boyfriend. Sabado noon. Nang tumawag siya kay Lee, sinabi nitong wala raw itong planong umalis. Bitbit ang balloons at bulaklak ay nagpahatid siya sa taxi sa bahay ng mga ito.

Nang pagbuksan siya ng maid ng pinto ay inilapat niya ang daliri sa sariling labi. “Nasaan si Lee?”

“Nasa garden po, Ma’am.”

“Thank you. Huwag ka na lang maingay na nandito ako.”

Gusto niyang sorpresahin si Lee. Tiyak na magugulat ito. Noon lang kasi niya naranasan na magbigay ng bulaklak sa isang lalaki.

She was hoping they could patch things up this time. Nakapag-isip-isip siya. Maaaring sa isang punto ay may pagkakamali siya. She just hoped Lee would understand her point more.

Narinig ni Pinay ang boses ni Lee na parang may kausap sa garden. Baka may bisita ito. Narinig niya ang boses ng mga kaibigan nito. Pinili muna niyang magtago kaysa magpakita agad. It was one of her hobbies. Minsan, napa-fascinate siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga lalaki. Marami kasi siyang nadidiskubre, lalo na kay Lee. Mamaya na lang siya magpapakita.

“Panalo ka na kay Kari, Lee! Maganda, matangkad, maputi, makinis, weakness mo rin ang pagkatsinita niya at hanggang ngayon, mahal na mahal ka pa rin niya. Balikan mo na,” sulsol ni Bob.

Kumunot ang noo ni Pinay.

Kari… Karissa…

Ex-girlfriend ito ni Lee. Dalawang taon ding tumagal ang relasyon ng dalawa. Kabe-break lang ng mga ito nang makilala niya si Lee. Hindi naman siya iyong tipong mai-insecure sa magaganda at mukhang beauty queen. Pero minsan na niyang naranasan na ma-insecure nang makita niya si Karissa. She was like a goddess. Minsan ay hindi nga niya alam kung ano ang nakita ni Lee sa kanya samantalang milya-milya ang layo ng ganda ni Karissa sa kanya.

“Kaya nga nag-set up kami ng outing para sa inyo. Para naman ma-clear ang isip mo at makita mo na kayo ang para sa isa’t isa,” sabi naman ni Hendrick. “Ano? Baka naman `di mo lang sinasabi na kayo na uli.”

Nanlamig si Pinay sa kinatatayuan at nayakap ang mga lobo at ang mga bulaklak. Nag-outing ang mga ito kasama ang ex-girlfriend ni Lee na si Karissa? Mula noon ay hindi na siya kinausap man lang ni Lee. Ni hindi siya tinawagan. Ang akala niya ay dahil gusto lang nitong makapag-concentrate siya sa finals week at magawa niya ang mga requirement sa eskuwelahan. Iyon pala ay ibang babae ang iniisip nito. Ni hindi man lang niya iyon naramdaman.

“Oo nga. Magdamag kayong magkasama. Umamin ka na,” sabi ni Bob.

“Wala. Si Pinay lang ang pinag-usapan namin,” kontra ni Lee.

“Ang hina mo. Si Pinay pa rin ba ang pinag-usapan ninyo kahit nang hinalikan ka na niya? `Di naman ako naniniwala riyan,” sabi ni Hendrick. “Dapat nga, nakipag-break ka na roon sa girlfriend mong amasona. Magiging miserable lang ang buhay mo sa kanya dahil gagawin ka niyang under the saya. Baka araw-araw ka lang niyang gulpihin. Itatakwil na kitang kaibigan, pare.”

Amasona. Iyon nga naman ang tingin ng mga ito sa kanya. Ayaw ng mga kaibigan ni Lee sa kanya. Pero pati ba naman si Lee ay magpapadala sa mga ito? Paano na ang pagmamahalan nila?

Parang sinaksak si Pinay sa dibdib nang malamang hinalikan si Lee ng maladiyosang ex-girlfriend nito. Abnormal lang ang lalaking hindi papatulan ang ganoon kagandang babae. And Lee was definitely a hot-blooded male. Tiyak niyang hindi ito isang tuod. Ebidensiya nga na hindi man lang ito nakipag-usap sa kanya sa loob ng ilang araw. He was definitely affected.

“Habang maaga, sinasagip ka na namin sa miserableng buhay,” dugtong ni Bob. “Karissa is the one for you. Pagsisilbihan ka niya. Parang hari ka na susundin n’on. Ano? Papupuntahin na ba namin siya rito para makapagdesisyon ka na?”

It was suddenly too much. Hanggang kailan siya tatayo roon at makikinig? Hihintayin pa ba niyang dumating si Karissa at panooring magkabalikan ang dalawa? Magmumukha na lang ba siyang busabos at hihintayin kung kailan magpapakita si Lee para makipag-break sa kanya?

Over her dead body!

Lumabas si Pinay mula sa pinagtataguan at seryoso ang mukhang hinarap ang tatlo. “Bago ninyo papuntahin ang Karissa na iyon dito, bakit hindi muna makipag-break sa akin si Lee ngayon na?”

NAGLINGUNAN ang tatlo kay Pinay. They were totally flabbergasted and guilty at the same time. Kung hindi lang siya galit na galit nang mga sandaling iyon, gusto niyang pagtawanan ang pagkasindak sa mukha ng mga ito. At natitiyak niyang ngayon pa lang ay nanginginig na ang mga kaibigan ni Lee sa takot. They should be.

Gusto na niyang pagsasapakin ang mga ito. She thought she had a perfect boyfriend and a perfect relationship. Pagkatapos ay malalaman niya na nakipagkita ang kanyang boyfriend sa ex-girlfriend nito. They kissed and she didn’t know what else. At ngayon ay sinusulsulan pa ito ng mga kaibigan na hiwalayan siya. That was simply great!

Si Lee ang agad na nakabawi sa tatlo. “Pinay, what are you doing here?”

Naglakad siya palapit dito. “Makikipagbati, ibababa ang pride.” Isinalya niya sa dibdib nito ang bulaklak at lobo. “Only to find out that you kissed your ex-girlfriend behind my back. Iyon din ba ang dahilan kung bakit makikipag-break ka sa akin? Masyado ko nang naapakan ang pagiging lalaki mo while your goddess ex-girlfriend will serve you like a king anytime.”

Naglayuan ang mga kaibigan nito. Naglakad palayo sa kanya dahil sa takot na basta na lang niyang hablutin at gulpihin. “Lee, dude. Aalis na kami. Tawagan mo na lang k-kami…” Hindi pa natatapos magsalita si Bob ay nasa gate na ito at si Hendrick. Malamang ay nanginginig na ang dalawa sa takot.

Nanatili pa rin si Lee sa kinatatayuan. “Ang bilis tumakas ng mga kaibigan mo. Mas matapang ka ba sa kanila, o `di ka lang makaalis dahil sa sobrang takot mo sa akin?”

Inilapag nito ang mga lobo at bulaklak sa upuan saka pinagpag ang damit. “Wala akong kasalanan sa iyo.”

“Bakit? Nabagok ka na ba at natauhan na okay lang na lokohin mo ako habang kasama mo ang ex-girlfriend mo at `di ka na nagi-guilty na pagtaksilan ang girlfriend mo na ginawa kang under the saya for a year?”

“Pinay, I love you. Hindi nagbabago iyon. Kahit na ano pa’ng sabihin ng mga kaibigan ko o ano pa’ng tingin mo sa akin, mahal kita.”

Ngumisi si Pinay. “Your friends think you are weak because of me. Huwag mong sabihin na `di nasasaktan ang pride mo. Kaya nga okay lang sa iyo na kaladkarin ka nila sa ex-girlfriend mo. Totoo bang may sakit ka?”

“Iniutos nila iyon sa maid ko. I was literally abducted. Sabi nila, ihahatid nila ako sa boarding house ninyo, pero sa Laiya pala nila ako dadalhin. May magagawa ba ako, eh, isa lang ako, dalawa sila? And Karissa was there.”

“And you kissed. And you were with her the whole night.” Tumingala siya at mariing pumikit. Torture sa kanya ang ilang sandaling magkasama ang mga ito. “May nangyari ba sa inyo?”

“Nothing,” sagot agad ni Lee.

“Malamig sa beach. Magkasama kayo buong magdamag, walang nangyari?” Tiningnan niya ito nang direkta sa mga mata. “Sa palagay mo ba, maloloko mo ako?”

“We talked about you the whole night.”

“And do you think I would take that bullshit? Umamin ka na! Kasama mo siya buong magdamag dahil hihiwalayan mo na ako. Na mas sasaya kang kasama siya. And I’m nothing but a nuisance to you.”

“So I admit. When she kissed me, she begged me if we could still hit it off like before. Kasama ko siya buong magdamag but we just talked. Sinubukan ko kung may mararamdaman pa rin ako sa kanya tulad ng dati. If I could still enjoy her company. Kung may nararamdaman pa ako kahit kaunting pagmamahal o attraction sa kanya. I still want to feel my worth as a man.”

“At hindi mo nararamdaman ang pagiging lalaki mo kapag kasama kita?”

Bumagsak ang mga balikat nito. “You are just too self-reliant. Hindi ko alam kung kailangan mo pa ako sa buhay mo.”

His ego was bruised. He was just like any ordinary egotistical guy after all.

“So this is about your ego?”

“This is about our relationship.” Hinawakan siya ng lalaki sa balikat. “Gusto kong maramdaman na mahal mo nga ako. Na kailangan mo rin ako. Gusto kong maramdaman na importante ako sa iyo.”

“Gusto kong maniwala na mahal mo pa rin ako. But you waited long enough to tell me everything. I was tortured for days and it took you long enough to tell me that you have a problem with your damn pride. Hinihintay mo bang habulin kita just to soothe your ego? I hope your ego is now satisfied. Nandito na ako. I bought balloons and flowers and I’m even willing to apologize to you. Happy now?”

Niyakap siya nito. “Kung anuman ang narinig mo kanina, I hope we can forget about it. Karissa doesn’t mean a thing to me. I love you.”

Hindi kumilos si Pinay. Para siyang malamig na bangkay habang yakap nito. She was numb.

“Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito.”

Mayamaya ay unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Lee sa kanya bago naguguluhang pinagmasdan siya. “Pinay…”

“Lee, akala ko natagpuan ko na ang lalaking magmamahal sa akin. Na pahahalagahan ako kung ano at sino ako. I have to be tough. Hindi madali ang buhay para sa akin. I’m expecting you to respect that. Pero sa nangyayari sa atin ngayon, I think I failed that test.”

“What? Kaaayos pa lang natin ng problema.”

Umiling siya nang marahan. “I can’t be that weak woman you want me to be. Not even for your love. At ayokong maramdaman mong tinatapakan ko ang pagkalalaki mo. You deserve a woman who is better than me then.”

“No! I love you!” Pinigilan nito ang balikat niya. “I will try my best to be a better man for you. Do you want me to beg? I will.”

Tinapik ni Pinay ang pisngi ni Lee. Nakita niya ang lahat ng pinagdaanan nito para sa kanya. Nasaktan na rin niya ang lalaki nang ilang beses dahil naapakan ang ego nito. He gave up having the upper hand in their relationship. His friends must be terrorized by her presence. Mukhang siya lang ang malaking pagkakamali sa buhay nito. Hindi rin niya kayang makasama ang lalaking hindi tinatanggap ang lakas niya bilang babae.

“You go back to Karissa, Lee. Maybe your friends are right. She’s the one for you. You don’t have to beg her. Hindi ka magiging under.” Tumiyad

siya at hinalikan ito sa pisngi. “I-I just hope that you will be happy.”

Tumakbo si Pinay palabas ng gate ng bahay para hindi nito makitang nasasaktan siya. She had to give him up. Bago pa niya kailangang isuko ang sariling pagkatao. Bago pa siya kamuhian nito habang pinangangatawanan niya ang paniniwala.

Naging masaya siya sa piling ni Lee sa loob ng isang taon. But there was an old terror that had been creeping her for life. Mula sa isang lalaki na mahal na mahal ang sarili. He was so full of himself that he couldn’t take “no” for an answer.

Ayaw niyang makita si Lee sa kalagayang iyon. Na maging halos halimaw ang pride nito at kainin silang dalawa. She promised on her mother’s grave that she would do everything so she wouldn’t be like her. Na hindi siya sasaktan ng kahit sinong lalaki. At bago pa mangyari iyon, dapat ay makatakbo na siya palayo. And that was what she was doing now. She was escaping from love before it was too late.