noveltoon logo noveltoon
Leigh Armaund Lopez (Stallion island Series 4)

Chapter 6

Ch. 6 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 6

6

NAKAKA-DEPRESS

nang araw na iyon dahil sa ulan. Dapat ay maagang babangon si Pinay para makapamasyal sa isla at makita ang pagsikat ng araw. Hindi siya nakapanood ng sunset nang nakaraang araw dahil ibinuro siya sa security office ng terminal. Ngayon naman ay ayaw siyang sikatan ng araw. Madamot yata ang araw sa kanya. Paano niya makikita si TJ kung nag-uuulan?

Naka-nightdress pa siya nang lumabas ng kuwarto. Nagkagulatan pa sila ni Lee lalo na nang hanginin ang buhok at nightdress niya. “O! Akala ko ba, may meeting ka ngayon? Bakit hindi ka pa nakabihis?”

“Gigisingin sana kita para mag-breakfast.” Sapo nito ang dibdib at huminga nang malalim. “Ano ba iyang hitsura mo? Para kang kaluluwang ligaw.”

Noon lang siya ngumiti sa umagang iyon, lalo na nang makita ang pamumutla ni Lee. “Ha-ha-ha! Hanggang ngayon takot ka pa rin sa multo. Hindi mo pa rin ma-get over iyong multo na nakita mo sa UPLB. Alam ba iyan dito sa isla?”

“Wala namang multo rito. `Di ko na kailangang ipaalam.”

“Whoa! Nagtatapang-tapangan,” kantiyaw niya, saka naglagay ng pagkain sa plato.

“Paano kung takot din sa multo si TJ?”

“Yayakapin ko siya para `di siya matakot. Ganoon ko siya kamahal.”

Bahagyang lumungkot ang mga mata ni Lee. “Unfortunately, hindi mo siya puwedeng makita. Katatanggap ko lang ng announcement na bawal bulabugin si TJ sa loob ng isang linggo. Except during emergency or unless Prince Rostam or one of the village lords wants to see him.” Ipinakita nito ang announcement sa messenger nito sa laptop.

“Totoo ba ang impormasyon na iyan?” Baka naman niloloko lang siya ni Lee para hindi niya piliting makita si TJ.

“Kung ipipilit mo ang gusto mo, baka ireklamo ka pa niya. It won’t be good for my record lalo na’t isang linggo pa lang akong member dito. And it won’t be good for you either. Ayaw ni TJ ng inaabala siya sa music niya. Isa sa mga policy sa isla na igalang ang privacy ng bawat isa.”

Ikinumpas niya ang kamay. “I get it. Basta si TJ ang may gusto, susunod ako. Pero one week ko siyang `di makikita? Bakit pa ako nandito?”

Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. “Tayo muna ang mag-date.”

Napaatras si Pinay dahil sa mumunting kuryenteng dumaloy sa ugat niya. “Ayoko nga. Magre-review na lang ako. Magtrabaho ka na at magpayaman.”

Disoriented na nga sa haplos ni Lee, hindi pa siya makakain nang maayos. Matitiis ba niyang isang linggo itong kasama nang hindi siya nawawala sa katinuan? Hindi niya alam kung worth it bang makasama ang guwapong ex-boyfriend kung kailan malapit na niyang maabot ang lalaking pinapangarap.

“Huwag mo akong papasukin habang nagsa-shower ako.”

“Ambisyoso ka. Kung ikaw si TJ, kagabi pa kita ginapang.”

“TJ! TJ! If I know, you still have the hots for me.”

Nasobrahan na yata si Lee sa kakadikit sa mga kaibigan na chauvinist kaya todo-todo na ang kumpiyansa sa sarili. Her common sense told her to go home. Humanap ng ibang pagkakataon para makita si TJ. Pero mas lamang ang kagustuhan niyang manatili roon kasama si Lee. May kung anong pumipigil sa kanyang umuwi at iwan ito.

She was starting to clear the table when she heard the doorbell ring.

Pagbukas ni Pinay ng pinto ay pumasok agad ang limang babae. Pare-pareho kasing kulot ang buhok ng mga ito at naka-bikini top at miniskirt lang na pare-pareho ng design pero iba’t iba ang kulay. Naka-shades pa ang lima kahit maulan sa labas.

“Lee, we miss you. May dala kaming cake for you,” sabi ng babaeng may naka-print na pangalang

Rhann

sa magkabilang parte ng bikini top nito.

Nagtuloy-tuloy ang lima hanggang sa sala. Dumeretso ang isa sa kinalalagyan ng DVD player ni Lee at akmang magsasalang ng CD. Binawi ni Pinay ang CD sa babae at ibinalik sa lalagyan. “Excuse me. Sino ba kayo?”

Hindi ba nakikita ng mga ito na naroon siya? Ang normal na tao ay nagpapaalam muna bago pumasok. At kung matitinong babae ang mga ito, dapat ay nagtatanong muna ang mga ito bago makialam ng gamit ng iba.

“Don’t you recognize me? I’m Merian de Vera. I’m a star!” nakapamaywang na sabi ng babae saka kinuha uli ang CD sa kanya.

“And we are the Sirens!” sabay-sabay na sabi naman ng apat na kasama nito.

Sirens?

Ano ang mga ito? Bagong grupo ng dancer? Baduy na girl group at mga starlet na feeling sikat? Hindi pa naman siya nanonood ng mga baduy.

“Nasa shower si Leigh Armaund ngayon.” How dare Lee! Bakit pinapayagan nitong umali-aligid ang mga babaeng cheap sa bahay nito? Ang ibig sabihin ay labas-masok lang ang mga babaeng iyon sa bahay nito?

Eeww!

“Nasa shower siya!” patiling sabi ng mga ito.

“Oh, gosh! I’ll go check him!” sabi ng isa.

Umakyat sa hagdan ang mga ito. Balak talagang pasukin si Lee sa shower.

Jeez!

Kahalayan ang magiging eksena oras na pinabayaan niya ang mga ito. Baka hindi na niya mairespeto si Lee bilang isang tao oras na ma-harass ito ng mga sirenang malansa!

Dali-daling humarang si Pinay sa hagdan. Hindi siya papayag na malapastangan si Lee. “Hindi n’yo siya puwedeng

puntahan. If you want to see Lee, you have to wait here.” Kahit magkamatayan pa ay hindi niya padadaaanin ang mga ito

.

“Sorry, yaya! Hindi kami nakikipag-usap sa mga lowly people. So go away!”

Yaya? Lowly people?

Gustong hampasin ni Pinay ng carpet sa mukha ang mga ito. Kung parang yaya na pala siya at mababang tao, anong klase pa kaya ito? Ang lamig-lamig ng panahon sa labas pero parang magsa-sunbathing. Hindi ba at iyong wala sa katinuan lang ang gumagawa niyon? Siya nga ang dapat magtanong kung dapat pa niyang kaharapin ang mga ganoong klaseng tao.

“I’m sorry. Pero hindi ako yaya…”

Humawak si Merian sa magkabilang hamba ng hagdan. “Then you must be his alalay. Get out of our way. O magpapatawag ako ng security.”

“Pati PNP, Marines, Coast Guard, AFP at PNR…” dagdag ni Francey.

Nilingon ito ni Merian. “What’s PNR?”

“Philippine National Railroad.” Namaywang pa si Francey at tumayo na parang kalahok sa beauty pageant. “Para ma-railroad siya. Siguro naman, matatakot siyang sagasaan ng tren. Marami nang namatay roon.”

Sinapo ni Merian ang noo. “You are so tanga talaga. There’s no PNR anymore. They already make baklas the riles. LRT and MRT na lang.”

Nasapo ni Francey ang bibig. “Oh, I’m sorry! I’m only seventeen and it’s my first time to be tough ten. My family… pamily… is... are…”

Pumalakpak si JK. “Thank you, Miss Philippines.” Kumaway naman si Francey bilang pagtatapos ng speech nito.

Naiinis na si Pinay. Sinasayang ng mga babaeng ito ang oras niya. Ang alam niya ay mahigpit ang security sa isla. Bakit nagpapapasok ng mga lunatic doon?

“`Di ko pa rin kayo patutuluyin sa kuwarto niya.” Gagamitin niya ang martial arts skills niya oras na nagsipalag ang mga ito. Para sa puri ni Lee!

“Baka kailangan niya ng padulas,” sabi ni Rhann kay Merian.

Tumirik ang mga mata ni Merian at inilabas ang wallet nito mula sa pouch. “I don’t have cash. Just five hundred pesos.” Iniabot nito ang limandaang pisong papel nang nakahawak sa dulo ng papel. Parang nandidiri. “Take it!”

“Five hundred? Do I look cheap to you?”

Jeez!

Ang akala pa naman niya ay sosyal ang mga ito? Pagkatapos ay babayaran ang puri ni Lee sa kanya sa halagang limandaang piso? Kahit siguro ang mga bugaw sa oras ng great depression ay hindi tatanggap ng ganoon kaliit na halaga.

Que horror!

Tumirik uli ang mga mata ni Merian at naglabas ng checkbook. “Fine! I hope ten thousand pesos is okay with you. Hindi na ako cheap niyan. Sana, tumatanggap ka ng check. That is all I got.”

Desperada talaga. Magbabayad para lang sa lalaki! Mas gusto niya na maglaho na lang ito sa harap niya.

Ngumiti si Pinay nang sarkastiko. “Ipambayad na lang ninyo iyan sa abogado ninyo. I’m Lee’s lawyer. Puwede ko kayong sampahan ng kasong trespassing at attempted sexual harassment. Kaya umalis na kayo. Dahil kapag naabutan kayo ni Lee, tiyak na ipapa-ban niya kayo rito sa Stallion Island.”

“Umalis na tayo,” nanginginig sa takot na sabi ni JK.

“Hindi mo kami kailangang itaboy. We are leaving!” Nakapamaywang na humarap si Merian sa mga kasama. “Sirens, let’s go!”

“Oh, my

gawd!”

bulalas ni Francey. “The cake! Our cake… his… her cake?” Tinangka nitong kunin ang cake na nasa mesa.

“Pabayaan mo na iyan!” nanggigigil na sabi ni Merian saka kinaladkad ito palabas ng bahay. “Ayokong ma-ban sa isla na ito dahil lang sa isang lalaki. How about the rest of the Stallion boys? Sayang ang chance na ito!”

Marahang isinara ni Pinay ang pinto. “Hi-hi-hi!” hagikgik niya na parang mangkukulam at hinarap ang cake. “Patay kang cake ka ngayon.” Choco marshmallow cake ang dala ng mga ito. Napapikit siya nang matikman iyon. “Mmmm! May taste naman pala sila pagdating sa cake.”

Nasa pangalawang slice na siya ng cake nang bumaba si Lee. Nakaligo na ito at nakasuot na ng business suit. “Wow, cake! Mukhang masarap, ah.”

“Masarap talaga.” Sumubo siya at pumikit para ipakitang masarap ang cake. “Mmmm!”

“Gusto ko rin ng cake.”

Tinapik niya ang kamay ng lalaki nang akmang kukuha ito. “Akin lang ito. Kabayaran ito sa pagprotekta ko sa puri mo.”

Kumunot ang noo nito. “Anong puri?”

“Dumating dito iyong mga sirenang malansa?”

“You mean the Sirens?”

“Yes! They just barged in here. Basta na lang pinakialaman ang mga gamit mo. `Tapos tinawag pa akong yaya! The nerve! Ganoon na ba ang mga babaeng type mo?”

Hinaplos ng daliri ni Lee ang gitna ng kanyang magkasalubong na kilay. “No. They are not my type. Gawain talaga nila iyon. Some girls come to have fun with rich and popular guys. And they walk around here as if they own us.”

“Gusto ka nga nilang pasukin sa shower. Pasalamat ka sa akin dahil sinabi kong abogado mo ako. Puwede ko silang kasuhan ng trespassing at sexual harassment kapag pinilit nilang pasukin ang shower mo. Okay na sa akin itong cake, tutal, wala pa akong lisensiya. Kung mas galante ka, ipadala mo na lang sa account ko ang bayad mo sa professional fee ko.” May bodyguard na ito, may abogado pa.

Humalakhak si Lee at sinapo ang mukha niya. “Thank you, Pinay. You are really an angel.” Natulala siya nang bigla nitong dampian ng halik ang kanyang mga labi. For a moment, she felt volts of electricity rush through her.

“Thank you. That kiss is better than the onion and garlic flavor. Babalik na lang ako mamayang lunch. Kung hindi man, magpapa-deliver ako para sa iyo. Bye!”

Nakatulala pa rin si Pinay kahit nang makaalis na si Lee. Ni hindi siya gumalaw sa kinauupuan. It was just a simple kiss but she heard the buzzing sound in her ear. Nanlalamig din ang mga kamay niya.

Ano ba’ng nangyayari sa `kin?

Hindi na dapat maulit ang halik na iyon. Sa susunod na halikan siya nito… Well, that kiss was sweet. Alam din niya kung gaano kagaling humalik si Lee, given the chance. Kung may isang parte ng relasyon nila na na-dominate siya nito, iyon ay pagdating sa paghalik.

Kaya hindi na dapat maulit iyon. Kay TJ lang naka-reserve ang torrid kiss niya.

SAPO ni Pinay ang ulo. Walang pumapasok sa isip niya. Dumadaan lang sa kanyang paningin ang mga letra sa law book. Pangatlong araw na niya sa Stallion Island. Pinalipas niya ang lahat ng iyon sa pagre-review. Maulan pa rin sa labas kaya hindi pa siya lumalabas. Tatlong araw na rin siyang nagkukulong sa kuwarto para hindi makita si Lee at nagkukunwaring nagre-review. Dinadalhan na lang siya nito ng pagkain at hindi na inaabala sa pagre-review. Malapit nang sumabog ang utak niya. Tatlong araw pa bago lumabas si TJ sa lungga nito. May tatlong araw pa siya para mag-concentrate sa pagre-review.

Napapitlag siya nang kumatok si Lee sa pinto ng kuwarto niya. “Pinay, iiwan ko rito sa pinto ang dinner mo.”

“Thank you!” pasigaw na sabi ni Pinay at nang marinig ang papalayong mga yabag ng mga paa ay nagmamadali niyang kinuha ang pagkain. Hanggang maaari ay ayaw niyang makaharap si Lee. Baka mamaya ay nakawan na naman siya nito ng halik. Ngayon pa nga lang ay nawawala na ang konsentrasyon niya sa pagre-review. Ayaw niyang mawala pa pati ang atensiyon niya kay TJ.

Shame on him if he kissed her once. Shame on her if she allowed him to kiss her twice. Dapat ay mabura na sa isip niya ang halik nito.

Si TJ ang gusto niya. Si TJ na ang mahal niya. Kung kinakailangan na mag-akyat-bahay gang siya sa villa ni TJ o aswangin ito para makita niya at mabura na sa kanyang isip si Lee ay gagawin niya.

Naubos na ni Pinay ang hapunan na beef stew, pati ang chocolate cake na dessert. Kinukumbinsi pa rin niya ang sarili na walang halaga sa kanya si Lee. Na hindi niya ito kailangang makita. Na lalabas lang siya ng lungga kapag panahon na para magkita sila ni TJ. Pero bakit parang gusto niyang makita si Lee?

Pagkatapos ng mahabang deliberasyon ay nagdesisyon siyang lumabas ng kuwarto. Naabutan niya si Lee na nakatutok sa laptop computer nito. Dali-daling iniwan nito ang ginagawa nang makita siya. “Tapos ka nang kumain?”

“Oo. Nabusog nga ako.”

“Ano’ng gusto mong midnight snack?” tanong nito, saka kinuha ang bitbit niya. “Kagabi nga, halos `di ka na natulog. Bukas pa rin ang ilaw mo hanggang alas-singko.”

“Oo. Nag-review lang ako.” Ni-review niya ang kissing scene nila sa isip. Hindi rin siya nakatulog dahil doon. Babagsak talaga siya sa exam kung patuloy niyang iisipin si Leigh Armaund.

Akmang huhugasan na ni Pinay ang plato nang pigilan nito ang kamay niya. “Huwag mo nang hugasan iyan. Baka mapasma ka. Pagod ka sa kaka-review mo. Ako na.”

“Ha? Hindi ba ikaw nga ang babad sa computer?” Maghapon itong nakikipag-meeting at nagtatrabaho. Minsan nga ay may video conference pa ang lalaki sa mga kliyenteng nasa abroad at sa opisina nito sa Manila kung saan partner na ito sa isang business consulting firm.

“Wala iyon. Kaysa naman ikaw ang mapagod.” Binuksan nito ang gripo.

Ginitgit ito ni Pinay. “Prinsipe ka kaya sa inyo. Baka mamaya, pagalitan pa ako ng kuya mo dahil pinagliligpit ko ang bunso nila.” Maagang namatay ang mga magulang nito sa isang vehicular accident. Si Kuya Torque na ang nag-alaga sa mga kapatid nito at si Lee ang higit na pinrotektahan ng magkakapatid para hindi nito maramdaman ang maagang pagkawala ng mga magulang.

Inilapit ni Lee ang mukha sa kanyang mukha at tinitigan siya. “Kung halikan na lang kaya kita kaysa magligpit ka?”

Parang nakalulon siya ng isang malaking bayabas at bumara iyon sa lalamunan niya. Hindi siya nakakilos o nakapagsalita man lang. Kung gagalaw siya—kahit huminga man lang—ay baka bigla na lang siyang tuklawin nito.

Kung gumalaw na kaya siya para halikan nito?

No!

sigaw ng isang bahagi ng isip ni Pinay. Hindi puwede. Baka lalo siyang hindi makatulog mamaya. She knew that Lee was holding back before. She knew the intensity of his passion. She could see it in his eyes. At hindi siya handang harapin iyon. Gusto niyang panatilihin ang kanyang katinuan.

“S-sige! Sa labas muna ako!”

Nagmamadaling pumunta siya sa verandah para sumagap ng hangin. Kailangang bumalik agad ang normal na sirkulasyon ng hangin sa katawan niya o mako-comatose siya. Only Lee could make her feel breathless and heady at the same time. Lee! Lee! Lee! Sawang-sawa na siya!

Napapitlag siya nang buksan ng lalaki ang sliding door at umupo sa rattan chair sa verandah. “This is the most fantastic sight after a day’s work.”

“Ha?” sabi ni Pinay, sabay lingon kay Lee. Nakatitig kasi ito sa kanya. As if she was the most beautiful sight. Mabilis na iniiwas niya ang mga mata. Pilit na nag-focus siya sa madilim na langit at dagat. Medyo malakas pa ang hangin at umaambon pa. “M-maganda pala rito sa isla kahit na makulimlim.” Pilit siyang tumawa at iniunat ang dalawang kamay. “Masuwerte ka talaga dahil member ka rito.”

Ang totoo ay walang exciting sa view. Mukha siyang tanga dahil puro basura na lang ang lumalabas sa bibig niya. Mabuti nga at hindi siya nautal. Nakakailang ang mga titig nito. Kung hindi siya iiwas, baka maging gelatin sa lambot ang mga tuhod niya.

“Hindi naman ako masuwerte dahil member ako rito. Mas masuwerte ako dahil kasama kita ngayon.” Tumayo ito sa tabi niya at pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha. “You are the most wonderful sight, Pinay.” Kinuha ng lalaki ang kamay niya at idinampi ang palad sa pisngi nito. “I miss you.”

Parang hinampas siya ng alon habang nakatitig sa malamlam na mga mata ni Lee at habang nararamdaman niya ang init ng balat nito sa kanya. For some time, she missed hearing those words from him. Iyon ang sinabi ng lalaki noong huling beses siyang tawagan bago ito nagpunta sa Amerika para sa masteral nito.

Parang muling nabuhay ang isang bahagi ng puso niya. There was a part of her heart that was longing for him and still loved him.

“No,” mahinang sabi niya bago nagtatakbo pabalik sa kuwarto.

Ayaw na niyang bumalik doon. Lee hurt her once. Mabuti nang maging magkaibigan na lang sila nito. At naroon siya para kay TJ kahit sabihing kabaliwan iyon. Mas kabaliwan kung mamahalin pa uli niya si Lee.