noveltoon logo noveltoon
Leigh Armaund Lopez (Stallion island Series 4)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 7

7

NAKAPANGALUMBABA

si Pinay habang inaayos ng may-

ari ng flower shop na si Noah ang mga bulaklak. Noon lang siya nakakita ng guwapo at makisig na florist. At natitiyak niyang hindi ito bading.

Drat!

Kung hindi lang talaga niya mahal si TJ, masarap sanang mag-shopping ng guwapo at macho na lala

ki sa Stallion Island. Hindi nga niya maiwasang lumingon.

“I’m sure Lee will love the flowers,” sabi ni Noah habang pinuputol ang stem ng red rose. Pagkatapos ng tatlong araw na pagkukulong sa villa ni Lee, sa wakas ay nakalabas na rin siya. Maganda ang sikat ng araw sa labas. Magandang pagkakataon iyon para mamasyal sa isla. Kaya naman nang matiyak niyang umalis na si Lee para makipag-meeting kay Rouen na isa sa mga village lord ay tumiyempo rin siya ng labas. Nagulat lang siya dahil parang may nakasulat sa noo niya na

Lee’s girl

. Ang lahat kasi ng mga miyembro na makilala niya ay iyon ang sinasabi.

“Ah, you must be Lee’s girlfriend. Welcome to Stallion Island.”

Walang idea ang mga ito na naroon siya para makita si Trinidad Javellana, Jr. At ang mga bulaklak na iyon ay para dito at hindi kay Lee.

“Here’s my card,” sabi niya, saka iniabot dito ang credit card. Sana ay matapos na agad ang ginagawa nitong flower arrangement para sa kanyang mahal na si TJ para naman makasibad na siya at hindi na marinig pa ang pangalan ni Lee. Panira ito sa pag-iibigan nila ni TJ. Baka makarating pa kay TJ iyon, ayawan agad siya nito.

“It’s okay. Lee will handle it. Lahat ng purchases ng guest naming mga member dito sa Stallion Island ay naka-charge sa amin.”

“Okay.” Babayaran na lang niya kay Lee ang mga bulaklak. Pumara siya ng jeepney na open ang magkabilang gilid at official mode of transportation sa isla. “Sa villa po tayo ni TJ Javellana.”

“Ma’am, bawal pong pumasok sa villa niya,” sabi ng driver.

“`Di mo naman ako ihahatid sa loob ng villa niya. Sa labas lang.”

“Dadalawin ba ninyo siya, Ma’am?” usisa ng driver habang bumibiyahe sila papunta sa Rainbow Village kung saan naroon ang villa ni TJ.

“Sana. Importante kasi ang sadya ko sa kanya.”

“Huwag na kayong mag-attempt, Ma’am. Galit siya sa mga nanggugulo sa kanya. Kaya nga mahigpit ang security rito para sa mga member na gusto ng privacy. May isang guest nga rito na nagpilit pumasok sa villa niya. `Ayun! Humingi si Sir ng protection order. Hindi makalapit sa kanya `yong guest.”

Napangiwi si Pinay. Hindi niya ma-imagine na hihingi din si TJ ng protection order para layuan niya ito. Hindi puwedeng mangyari iyon. Mabubulilyaso ang pag-ibig niya.

“Thank you sa advice, Manong. Pero `di naman siguro niya ako ipapa-ban dito. Importante lang ang sadya ko.”

Mabuti naman ang hangarin niya kay TJ. Gusto lang siguro ng lalaki ng panahon para sa musika nito. Ganoon naman ang mga artist. Gusto lang naman niyang makita ito kahit sandali at matiyak na wala itong sakit. Iyon lang ay masaya na siya.

Inamoy-amoy pa niya ang bulaklak bago bumaba sa tapat ng villa ni TJ. Mula sa concrete fence ay tanaw niya ang malawak na garden. Parang napakatahimik. Nag-doorbell siya. Siguro naman ay maririnig siya ng lalaki. Pagkalipas ng ilang minuto ay wala pa ring lumalabas. Nag-doorbell uli siya.

“Miss, si TJ ba ang hinihintay mo na magbukas niyan?” tanong ng lalaki sa kabilang gate at naglakad palapit sa kanya.

“Yes. Ibibigay ko lang sa kanya itong bulaklak.”

“I’m Quillian, TJ’s neighbor. I don’t think giving him those flowers would be a good idea. Ayaw niya ng makukulit na fans. Mabuti pa, iwan mo na lang ang mga iyan diyan. Baka lumabas din siya mamaya at tingnan kung may mga message siya sa mailbox. I wonder what’s wrong with that guy. Ang mga puwede lang mag-message sa kanya sa online messenger namin ay mga village lord at si Prince Rostam. Kahit akong kapitbahay niya, sinusupladuhan niya. Kung may gusto raw kaming ibigay na message sa kanya, iwan na lang namin sa mailbox niya.” Itinuro nito ang mailbox na mas mukhang bird house at nakatayo sa tabi ng daan.

“Thank you for the information.” May pagka-hermit pala si TJ. Pero isang impormasyon ang nagpakislap sa mga mata niya. Lalabas din daw ito mamaya.

Yehey!

Pag-alis ni Quillian ay sumalampak si Pinay sa tabi ng daan at hinintay ang paglabas ni TJ. She was excited to see him after a long time. Tapos na ang mahabang panahon ng pagtatago nito sa kanya. Kailangan niya si TJ para plantsahin ang lahat ng gusot sa kanyang buhay katulad nang itinuwid nito ang buhay niya dahil sa kabiguan kay Lee.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring TJ na sumusulpot. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Nalaglag ang mga dahon mula sa puno ng mangga. Nakontento na lang siyang bilangin kung ilan ang tuyong dahon na nalaglag.

Nang magsawa na sa pagbibilang ng mga tuyong dahon ay ang mga jeepney naman na may lamang miyembro at guest na nagdaraan ang binilang niya. Binibigyan niya ng score ang kasamang babae ng mga ito. Dalawampung jeepney na ang nakalagpas at nalait na niya ang mga babaeng sakay niyon. Hanggang sa lumipas ang isang oras… At naging dalawang oras…

Nakaramdam siya ng kalam ng sikmura. Wala pa ring TJ na lumalabas sa lungga nito. She could even hear the faint music from his electric guitar. Umaangil iyon na parang galit sa mundo. Nag-doorbell siya pero wala pa ring sumagot.

May jeepney na dumaan kung saan may kinakaing hot dog on stick ang magkaparehang sakay niyon. Narinig niya ang pagpoprotesta ng sikmura niya. “Bumalik na lang kaya ako sa villa ni Lee?”

Tiyak na hindi siya magugutom doon dahil may stock ng pagkain. Pero ayaw na niyang maisip pa ang alaala nito. Isang TJ Javellana lang ang makakabura niyon. At kung uunahin niya ang pagkalam ng sikmura, baka makalagpas ito sa paningin niya oras na umalis siya.

“Kaunting tiis pa, Naypi! Tiis pa!” sabi niya habang sapo ang tiyan.

Isang jeepney ang tumigil sa tapat niya. May tatak iyon ng Banyan Tree Restaurant. “Miss Cornejo?” magalang na tanong ng lalaking nakasuot ng damit ng waiter mula sa naturang restaurant. “Delivery po para sa inyo.”

“Delivery para sa akin?”

Nagulat na lang si Pinay nang ipaglatag nito ng picnic blanket sa damuhan na nasa harap ng bahay ni TJ at sinimulan ding i-serve ang pagkain para sa kanya.

“A-ano’ng nangyayari dito?” tanong niya nang ilapag nito ang plato sa picnic blanket pati ang masasarap na pagkain. Pagkatapos ay isang note ang iniabot nito sa kanya.

Enjoy your lunch.—Lee

Padala ni Lee ang mga pagkaing iyon sa kanya? Paano nito nalaman na umalis siya at pinuntahan si TJ? Sinabi ba ni Quillian iyon dito? Ah, hindi na mahalaga kung sino pa ang nagsabi kay Lee. Ang importante ay makakakain na siya sa wakas at masasagip siya mula sa matinding gutom.

She didn’t expect that. Ang akala niya ay magagalit si Lee oras na malaman nitong umalis siya ng villa para puntahan si TJ. Pero kung hindi naman pala ito galit at suportado pa siya, then it was good news.

Sa loob ng ilang minuto ay nasimot niya ang pagkain. Iniligpit ng waiter ang pinagkainan niya. “Would you like to order anything for snacks, Ma’am? Ipinapatanong din po ni Sir Lee.”

Umiling si Pinay. “Hindi na kailangan. That’s all. Thank you.”

Magpapasalamat din siya kay Lee pero mamaya na kapag nakita na niya si TJ. Ayaw pa niyang makita si Lee habang frustrated pa siya kay TJ.

Nang umalis ang waiter ay isang babae naman ang lumapit. May dala itong reviewer niya at music pod. “Ma’am, ipinabibigay po ni Sir Lee para daw `di po kayo mainip dito.”

“Thank you,” sabi niya sa babae.

Hindi niya maiwasang magustuhan pang lalo si Lee. Dati rin ay asikasong-asikaso nito ang lahat ng kailangan niya. That was one of the things that she loved about Lee. Hindi na nga lang niya kailangan dibdibin ang sweet gestures nito. Concerned lang ito sa kanya dahil hindi biro ang ginagawa niyang paghihintay kay TJ.

Hindi na siya masyadong naiinip ngayon. Mag-aalas-tres na nang manakit ang likod niya sa kasasandal sa puno at hinihintay ang paglabas ni TJ. “Kaya ko pa `to.” Huwag naman sanang maging madamot si TJ sa kanya. Willing talaga siyang mag-vigil sa harap ng bahay nito kahit abutin pa siya nang ilang araw doon.

Isang jeepney uli ang tumigil sa tapat niya. Isang lalaking may dala uling picnic basket ang bumaba pero hindi na ang waiter. It was Lee himself.

“Hello! Mukhang komportable ka na rito.”

“Yes! Puwede na nga akong tumira dito.” Umupo siya yoga style. “Thank you sa music pod, sa libro at sa pagkain. Hindi ko inaasahan na gagawin mo iyon.”

“What did you expect me to do? Pull you by the hair like some barbarian?”

Nagkibit-balikat si Pinay. “Maybe. O kaya, sermunan mo ako dahil baliw ako kay TJ.”

Umupo ito sa tabi niya. “I’d love to. Sino bang lalaki ang matutuwa? You are gushing for another man. My friends find it insulting. Pero wala akong magagawa kung gusto mo si TJ, hindi ba? Hindi ko lang maintindihan kung paanong basta-basta ka na lang maghahabol sa isang sikat na tao. You are like some crazy fan. Baka mamaya, mapagkamalan ka pang stalker.”

Sumandal siya sa likod ni Lee. Hindi niya alam kung bakit mas gusto niyang magkatalikod sila habang pinag-uusapan nila ang tungkol kay TJ. “TJ isn’t some ordinary celebrity. He changed my life.”

“You are perfect. Ano pa ang babaguhin mo?”

Malungkot siyang ngumiti nang maalala ang araw na nagkita sila ni TJ sa unang pagkakataon. “Kaga-graduate ko lang noon. I went out with Andrya and the girls. Depressed na depressed ako noon. Ilang buwan pa lang after ng breakup natin. I was totally wasted, emotionally and physically.” Grabe ang stress niya dahil graduating siya at nadagdagan pa iyon ng problema niya kay Lee. Nag-sink in lang sa kanya ang breakup nila nang maka-graduate siya. Noon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-isip at makaramdam. “Isinama nila ako sa gig ni TJ to have fun. Those three were gaga over him. It was not love at first sight though. I was still pining for you. Until he sang that sad song. Bagong kanta lang daw iyon. It is about losing your heart to someone and that person crushed you. Umiyak ako.”

Tinamaan si Pinay sa kantang iyon. Umiyak siya nang umiyak. Hindi niya napigil ang pagiging emosyonal sa unang pagkakataon sa harap ng publiko. She was terribly hurt. Parang kinakanta ni TJ ang lahat ng laman ng puso niya na hindi niya masabi sa iba. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi siya mapatahan.

Then TJ came towards her. Naglabas ito ng panyo mula sa bulsa at pinahid ang mga luha niya. “Saka lang ako tumahan. Then I saw his brown eyes. They were smiling at me. Para akong batang binigyan ng candy. Tumahan na ako. Since then, I knew I was in love with him. Wala akong pakialam kahit na isipin ninyong baliw ako. TJ made me feel. Kaya itinuloy ko ang pagpasok sa law school ay dahil in a way, nae-encourage ako sa mga kanta niya. Parang kumakanta siya para sa akin. As if we have this kind of connection… Crazy but I love it!”

“I must have hurt you so much then, Naypi. I’m so sorry,” mahinang sabi ni Lee. Nararamdaman niya ang lungkot sa boses nito. “If only I could turn back time and make everything all right.”

“It cannot be undone. Mas mabuti ngang nangyari iyon. We are okay this way. Hindi na natin masasaktan ang isa’t isa.”

“I’m not okay with this!” he snapped.

Bigla siyang umalis sa pagkakasandal sa lalaki at nilingon ito. She knew that Lee was always in control of his emotion. Noon lang niya naramdaman nang ganoon katindi ang emosyon nito. As if he was frustrated and mad at the same time.

Nasapo ni Pinay ang dibdib. “Galit ka ba sa akin?”

Huminga ito nang malalim at tumayo. “No. I’m mad at myself. I’m really so stupid! Stupid!” sabi nito, saka sinipa ang damong nadaanan.

“Hoy, Lee! Hindi kita inaano riyan. Nagkukuwento lang naman ako rito. `Di naman kita inaaway, ah!” Hindi siya nagkuwento tungkol kay TJ para ibalik ang nakaraan nila o sisihin ito. Gusto lang niyang makipagkuwentuhan.

Napalingon sila nang bumukas ang gate. Napanganga si Pinay nang lumabas si TJ. Kumunot ang noo nito nang mahagip sila ng tingin. “Ano’ng ginagawa ninyo sa harap ng bahay ko? Hindi ito Picnic Grove.”

Namilog ang mga mata niya. Guwapo si TJ kahit na mukhang galit. Nakalabit na lang niya sa braso si Lee. “Oh, gosh! It’s TJ! TJ! TJ!”

Dinampot ni TJ ang mga bulaklak. “Galing ba ito sa iyo?”

“Oo! Ako si Pinay.” Hindi niya alam kung naalala pa siya nito. Pero at least, nasabi niya ang pangalan samantalang hindi siya makapagsalita kanina. Parang lulukso ang puso niya habang nakatingin sa brown na mga mata nito. “Galing sa akin iyan. F-fan mo ako. `Di naman ako mang-aabala. I just want to see you.”

“You are Torque’s brother, right?” tanong ni TJ kay Lee. “Please tell your girlfriend that I value my privacy. I don’t like fans running after me. Wala ako sa mood mag-entertain ng kahit sino ngayon. So I apologize…”

“Okay lang iyon!” abot-tainga ang ngiting sabi niya, sabay kagat ng ibabang labi. Mas gumuwapo ito ngayon kaysa nang huli niyang makita. She wanted to faint. “Natutuwa lang ako na makita ka.” May kinahinatnan ang pagbi-vigil niya para makita ito.

Tumango si TJ. “Thanks for the flowers.” Iyon lang at bumalik na ito sa villa.

Sinapo niya ang dibdib. “He is really so handsome. Mahal na mahal ko siya!”

“Nakakainggit naman ang lalaking iyon. Mahal na mahal mo,” sabi ni Lee sa malungkot na boses. Mukha itong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Hindi siya nagpaapekto sa kadramahan nito. Ngayong nakita na niya si TJ, hindi na siya dapat pang makaramdam ng kahit ano para kay Lee. Friends na lang sila. Period.

“Magligpit na tayo para makauwi na tayo. Thank you talaga, ha?” Malaki pa rin naman ang utang-na-loob niya rito. Kung hindi siya nito isinama sa Stallion Island ay hindi niya makikita si TJ. Ngayon ay buo na ang araw niya.

“Uuwi ka na agad?”

“Oo naman. Simple lang ang kaligayahan ko. Makita ko lang si TJ, buo na ang araw ko. `Tapos nakausap ko pa siya.” Huminga si Pinay nang malalim. “He is so handsome. Pakakasalan ko talaga siya kahit anong oras, lugar at panahon.”

“Kung pakakasalan mo siya, paano na ako?” tanong ni Lee. Mukhang seryosung-seryoso ito sa tanong. As if he was really hurt.

“Kabit, gusto mo? Siya ang legal at ikaw ang illegal.”

“Siyempre, mas gusto kong maging legal.”

Hinampas ito ni Pinay sa balikat. “Masyado ka namang affected! Siyempre, kapag pinakasalan ko si TJ, titingin pa ba ako sa iba?”

Kaya ngayon pa lang ay magsasanay na siyang walang maramdaman para kay Lee. Si TJ ang nagtuwid ng buhay niya. Babalik uli siya para makita ito bukas.