“YOU MEAN all this time na inakala kong may sakit ka, hindi totoo ang lahat ng `yon?” Pakiramdam ni Rinoa, namanhid ang buo niyang pagkatao. “Oh, no. This isn’t happening.” Parang wala sa sariling nilagpasan niya si Lantis na agad namang siyang hinarang.
“I can explain.”
“Yes. Please do. Just tell me something... anything.”
Dapat tumatakbo na siya palayo habang isinisigaw ang kalokohang ginawa ni Lantis sa kanya. But she stayed and waited for his explanation. Siguro gusto rin niyang malaman kung bakit nito iyon nagawa. At siguro dahil ayaw rin niyang tuluyang magalit dito.
“Totoong napasama ako sa hostage-taking incident sa Germany kaya hindi ako nakarating sa kasal nina Denniz at Sofia. Totoo rin na nagkaroon ako ng temporary amnesia dahil sa aksidente doon. Pero saglit lang `yon. Twenty-four hours after my accident, I had all my memories back.” He sighed and regrets were written all over his handsome face. “Pagdating nina Yeoji sa Germany para sunduin ako, sinabi nila sa `kin na from the time na nawala ang memorya ko hanggang sa makaalala na uli ako, pangalan mo lagi ang binabanggit ko. It was true that you’re the only piece of memory I had. `Yon ang dahilan kaya agad natuklasan ng mga doktor na temporary lang ang pagkawala ng mga alaala ko. When the boys told me that, naisip kong ang dahilan kung bakit ikaw lang ang naaalala ko ay dala siguro ng ilang araw kong pagpaplano kung paano ako hihingi ng tawad sa `yo sa inasal ko noong huli tayong nagkausap. I wanted to say sorry but I didn’t know where to start.”
“So, you started by lying to me.”
“I had no other choice. Nakita ko ang galit sa mukha mo nang maghiwalay tayo sa Jaberu. Alam kong hindi mo na gugustuhing makita o makausap uli ako kaya tinanggap ko ang ibinigay na suggestion ni Marquez.”
“Si Zech?”
“Kailangan daw na mapalambot ko uli ang puso mo para makalapit ako sa `yo. Hindi maganda ang naging paraan ko, and I’m really sorry. Pero `yon na lang ang huling baraha ko.”
“And for how long did you plan to keep this... lie from me?”
“Only for a day.”
“Pero nag-enjoy ka sa ginawa mong panloloko kaya pinaabot mo nang hanggang tatlong araw? And... and all those confessions I made... you remember all that?”
Matagal bago marahang tumango si Lantis. “Yes.”
“Oh, my God.” Nagmamadaling umalis si Rinoa, pero hinarang uli siya ng lalaki. “Padaanin mo na ako, Lantis.”
“We still need to talk.”
“We’re done talking.”
“No, we’re not. Rinoa, listen—”
“No, you listen. I need to get out of here, bago pa ako tuluyang lumubog sa kahihiyan, Lantis.” Kinalma muna ni Rinoa ang sarili para maharap nang maayos ang problema. Pero walang nangyari. “Pagkatapos ng mga nalaman ko ngayon, intindihin mo sana ang nararamdaman ko. I’ve bared my feelings for you knowing you would eventually forget it after thirty minutes. Pero ang malaman na nagmukha akong tanga at kahiya-hiya sa harap mo, I can’t take it.”
“I’m not condemning you for anything.”
“I know. But please let me through. Sobra na ang kahihiyang nararanasan ko ngayon habang nasa harap pa rin kita. Hindi lang sa `yo ako nahihiya, Lantis. Nahihiya rin ako sa sarili ko. Kaya kung puwede lang, bigyan mo naman ako ng pagkakataong ibangon ang pride ko. Hayaan mo akong makaalis. Huwag kang mag-alala, hindi ako galit sa `yo. Just let me through.”
Mukhang nagdalawang-isip si Lantis. Pero saglit lang dahil umalis din ito sa pagkakaharang. Nagmamadaling lumayo si Rinoa kahit hindi alam kung saan siya pupunta para makakuha ng sasakyan. Hanggang sa isang kotse ang umagapay sa kanya. Kotse iyon ni Yeoji. Hindi nito kasama ang asawa.
“My wife said I should take you wherever you want to go, Rinoa.”
“No, thank you.”
“I’m not going to hand you back to Lantis, I promise.”
She never wanted anything to do with the billionaire boys anymore. Pero sa kagustuhang makaalis agad, tinanggap na rin niya ang alok ni Yeoji.
“Pakideretso sa bus terminal,” sabi ni Rinoa nang makaupo sa passenger seat.
“Babalik ka na agad sa flower farm mo?”
“Don’t talk to me. Just drive.”
“What about Lantis?”
“What do you care?”
“I’m just worried about the two of you.”
“Ngayon ka pa nakonsiyensiya?”
“Look, Rinoa, I know you’re mad at us. Pero hindi mo ba naisip kung bakit pumayag sa set up na iyon ang gaya ni Lantis na hindi nga kami kino-consider bilang malalapit na kaibigan?”
“Because you’re all just a bunch of... of... Oh, I hate you! All of you!”
“Dahil ba sa ikalawang pagkakataon, minahal mo uli si Lantis?”
“Oh, shut up.”
“Napansin namin ang reaksiyon mo noong magkasamang dumating sa Jaberu sina Lantis at Karina para sa wedding rehearsal nina Denniz at Sofia. Nagselos ka, hindi ba?” Hindi umimik si Rinoa. “Alam din namin kung sino talaga ang gusto ni Lantis. Wala talaga kaming balak na pakialaman ang mahiwagang relasyon ninyong dalawa. Pero nang maaksidente siya sa Germany at malaman namin ang tungkol sa tanging alaalang na-retain sa isip niya, doon na kami nagkahinala.”
“Na may gusto rin sa akin si Lantis?”
“He did agree with your cousin’s plan.”
“That is the most stupid thing to say, Yeoji.”
“Bakit naman?”
“Because I’m dark and ugly.”
“Sino’ng nagsabi?”
“Ang mga salamin sa buong mundo?”
“Now, that is stupid. Ni minsan walang nagsabi sa circle namin na hindi ka maganda. Even my wife Pam thought you should have been a model for our fashion magazine.”
Totoong walang naririnig si Rinoa na kahit anong panlalait mula sa mga tao sa paligid. Even Georgie. Kahit lagi itong may nakahandang panlalait sa mga taong nakakasalamuha nila, never did her friend say she was ugly.
“And I don’t think Lantis would ever say something like that to you,” patuloy ni Yeoji. “In fact, kung hindi kami nagkakamali, mga morena beauty talaga ang ideal girl niya. It says so sa interview ni Dunkey para sa Billionaire Boys Club article niya sa amin.”
“Lantis liked Karina and Pam. Mapuputi sila.”
“Karina and my Pam are gorgeous. Bulag lang ang mga lalaking hindi magkakagusto sa kanila, o kaya loyal husbands and boyfriends.”
Hindi na sumagot si Rinoa. Totoo naman kasi. Kahit siya, gandang-ganda kina Karina at Pamela. Walang lalaki ang hindi hahanga sa ganda ng mga ito.
“He really likes you, you know. He really just wants to have another chance with you.”
“Paano mo nasabi `yan? Did he tell you?”
“No. But maybe because I’ve seen this before. The guys might have seen it, too, kaya namin siya tinutulungan.” He sighed. “Lantis was manifesting the signs we, ourselves, manifested when we fell in love with our wives.”
“What are you saying? That he’s in love with me, too?”
“Too?”
“Never mind.”
Lantis is in love? With me? Si Rinoa na mismo ang tumutol sa sariling conclusion. How could he be in love with her when he was already in love with someone else? Which was stupid, by the way. He might have said things back at the flower farm that caused her heart to beat faster but those were all just lies.
“You don’t really hate him.”
“No,” mahinang sang-ayon niya. “I don’t hate him.”
“Kung gano’n, bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag nang husto kanina? Kung napansin mo, marami pa siyang gustong sabihin sa `yo.”
“Nahihiya ako dahil marami akong nasabi sa kanya noong nasa flower farm pa kami. Ngayong alam na niya ang damdamin ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.”
“Inamin mo ba sa kanya na mahal mo siya?”
Tumango si Rinoa, mayamaya ay yumuko. Nahihiya siya.
“I don’t see any reason why you should be ashamed, Rinoa. Hindi lahat ng babae nagagawang magtapat sa isang lalaki ng nararamdaman niya.”
“I know.” Isang beses pang siyang napabuntong-hininga. “I just want to get away from him for a while. Para ibalik ang dignidad kong nawala sa akin.”
“Paano mawawala ang dignidad ng isang taong nagmahal lang naman?”
“Basta.”
“May plano ka pa bang makipagkita kay Lantis?”
“Sa ngayon, hindi na muna siguro.” Tiningnan ni Rinoa si Yeoji. “Sinabi mo kanina na hindi naman talaga kayo kino-consider na close friends ni Lantis. Pero bakit tinutulungan n’yo pa rin siya?”
“He deserves to be happy. Dalawang beses na siyang nasaktan sa pag-ibig.”
“Kay Pam at kay Karina.”
Tumango si Yeoji. “No matter how much we want not to hurt anyone, may mga bagay pa rin na hindi puwedeng baguhin. I love Pam and she loves me. Zech obviously loves Karina as she loves him. We can’t do anything about it. Bilyonaryo nga kaming maituturing pero wala kaming kakayahang diktahan kung sino ang dapat mahalin nino. Hindi kami Diyos. Kunsabagay, kahit ang Diyos walang kakayahang kontrolin ang puso ng tao.”
Ngayon naiintindihan ni Rinoa kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ni Lantis nang malaman nitong pinsan siya ni Zech.
“One way or another, isa kami sa mga naging dahilan ng mga kabiguan niya. Bumabawi lang kami ngayon kaya kahit mali, tutulungan namin si Lantis na mapalapit sa `yo.” Saglit siyang sinulyapan ni Yeoji. “You don’t mind, do you?”
“No.” Naiintindihan na rin niya ang iba pang members ng BBC. “Pero tigilan n’yo na ang pagtulong kay Lantis. Hayaan n’yo siyang gumawa ng paraan dahil puro naman palpak ang mga plano n’yo.”
Tumawa lang si Yeoji. “Puwede ko bang ipaalam `yang sinabi mo kay Lantis?”
“No!”
“How about sa mga kapwa ko billionaire boys?”
“No!”
“Okay,” nakangisi nitong sagot.
Rinoa had a bad feeling about that smile.
NAKAPANGALUMBABA si Rinoa sa sofa habang pinagmamasdan ang iba’t ibang makukulay na ilaw ng mga building na nasa paligid ng flower shop. Paminsan-minsan, sinusulyapan niya ang balitang kasalukuyang ipinalalabas sa giant billboard television di-kalayuan sa shop.
Nag-decide siyang bumalik na sa Maynila pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ni Lantis. And speaking of that guy, nami-miss na talaga niya ang binata. Minsan, gusto na niyang mainis dito. Nang sabihan niya si Yeoji na huwag ipapaalam kay Lantis ang mga inamin niya nang huli silang magkausap, hindi na talaga nagparamdam pa ang mga ito.
Masyado naman nilang sineryoso nang husto.
“`Oy, sister, wala ka pa bang balak umuwi?” Si Georgie na kapapasok lang sa shop. “Gabi na, ah.”
Hindi niya pinansin ang kaibigan na naupo sa tabi niya.
“Hmm, ano na namang kadramahan `yan, ha? May pa-emote-emote ka pang nalalaman sa tabi ng bintana. Dalawang araw nang ganyan ang drama mo tuwing susunduin kita rito, ah.”
“I’m just tired, Georgie.”
Suminghap ito nang malakas. “Oh em gee! You called me ‘Georgie’!”
“I miss him, Geronimo.”
“Who? Henry?” Pinandilatan ni Rinoa ang kaibigan. “Joke lang, sister. Joke lang. Of course, I know you’re talking about Lantis. Obvious naman, `no? Ilang gabi mo lang namang laging binabanggit ang pangalan niya tuwing susunduin kita rito.”
“Ano’ng gagawin ko, Geronimo? Pagkatapos kong ideklarang ayaw ko na muna siyang makita, ngayon, eh, hinahanap-hanap ko naman siya. Ang baliw ko lang, `di ba?”
“Yes, girl. Baliw ka na nga. Baliw sa pag-ibig. Bonggels!”
“Gusto ko na uli siyang makita… Napatawad ko na siya sa nagawa niyang pagsisinungaling. Pero mukhang wala pa siyang balak magparamdam uli sa `kin.”
“Eh, di ikaw na lang ang magparamdam sa kanya.”
“Ayoko. Nakakahiya.”
“Ngayon ka pa nahiya, eh, ganyan na ang mga hanash mo sa buhay? Arti lang?”
Nakapag-decide na siya. “I need to see him. I should go to him.”
“Olah, amiga! Gora na!”
Pero napaupo lang uli si Rinoa. “Pero paano kung ayaw na niya akong makita?”
“Arti lang uli?”
“Geronimo, I’m serious.” Kinakain na uli siya ng mga insecurity. “Paano kung wala siya ngayon sa bansa? Jet-setter pa naman ang lalaking `yon.”
“He’s here. Now go.”
“Paano mo nalaman?”
“Nakita ko sa Twitter.”
“Twitter?”
“Teh, sikat na sikat na ang bebe boy mong `yon, ano ka ba? Maraming fans all over the universe ang Billionaire Boys Club kaya marami na rin siyang fan pages sa mga social media. Doon ako nakikibalita ng mga ganap nila sa buhay.”
Rinoa took out her cell phone and opened her social media apps. Pero inagaw ni Georgie ang cell phone.
“Hindi mo kailangang mag-search dahil nandito na sa harap mo ang expert sa billionaire boys.” Nag-type ito ng address sa cell phone at ibinalik iyon sa kanya. “There. diyan mo siya makikita. Someone just tweeted that they spotted him there a few minutes ago.”
Alam niya ang lugar na iyon. Mahigpit niyang niyakap ang kaibigan. “Salamat, Geronimo!”
“You’re always welcome, dear. Bayaran mo ako ng isang basketball team bilang kapalit sa kabutihan kong ito, ha? Sabihin mo kay Papa Lantis. Kaya niyang bumili ng isang basketball team.”
“Baliw.” Isang beses pa niyang niyakap ang kaibigan. “Thank you talaga!”
Saka nagmamadaling humarap sa salamin si Rinoa para mag-ayos sandali. She still had her kayumanggi complexion and her long black hair that Lantis had always liked about her. And for the first time, she appreciated her true beauty.
“Maganda pala talaga ako, Geronimo.”
“Hindi, ah. Ang chararat mo kaya,” nakangisi nitong biro.
“`Love you, too.”
“Eeww! Umalis ka na nga at baka masalisihan ka pa ng ibang higad kay Papa Lantis mo.”
“No way.” Nagmamadaling dumeretso sa pinto si Rinoa. Pero hindi niya inaasahan ang taong kadarating lang doon. “Henry!”
“Hello, Rinoa. Nagbaka-sakali lang akong nandito ka.” Tinitigan siya nito. “Mabuti at natiyempuhan kita.”
“Ano’ng kailangan mo?”
“I want to talk to you.”
“Pasensiya na. Pero hindi kita maaasikaso ngayon dahil may importante akong pupuntahan.”
She tried going through but he blocked her way. Napaurong tuloy siya nang ilabas ni Henry mula sa likuran ang isang bouquet ng mga bulaklak.
“Alam kong may mga nangyaring hindi maganda sa pagitan natin, Rinoa. Pero puwede bang kalimutan mo na ang lahat ng `yon at magsimula tayo uli?”
“Can we talk some other time? Nagmamadali talaga ako—”
“Wala na kami ni Cathy. Iniwan ko na siya dahil na-realize kong ikaw pala talaga ang mahal ko.”
Pumagitna na sa kanila si Georgie. “You go na, sister. Ako na ang bahala sa chararat na `to.”
Tumango si Rinoa at hinawi si Henry. Pero hindi pa man siya nakakakita ng masasakyang taxi, heto na naman si Henry.
“Rinoa, come on. Matagal na rin naman tayong mag-boyfriend. Can we just forget what happened and start over? Huwag mong basta itapon na lang ang ilang taong pinagsamahan natin nang dahil lang—”
“Sa ipinagpalit mo ako sa ibang babae?” Hinarap niya si Henry. “At sa kanya ka nag-propose ng kasal at hindi sa akin?”
“Rinoa...”
“You know what? I forgive you, okay? At nakalimutan ko na rin ang lahat ng nangyari. But we can’t start over again dahil hindi na kita mahal. Si Lantis na ang mahal ko.”
“Look, you don’t have to pretend anymore just to make me jealous. Alam ko nang hindi mo totoong boyfriend ang lalaking `yon. Na napilitan lang kayong magpanggap para pasakitan ako. Aminado akong nasaktan ako roon, Rinoa. Noon ko na-realize na ikaw pala talaga ang mahal ko at hindi si Cathy.”
Uminit na ang ulo ni Rinoa dahil wala pa ring dumarating na taxi. Ngayon tuloy siya nagsisisi kung bakit hindi pa rin siya gumagamit ng sariling sasakyan.
“Rinoa, mahal kita. Patawarin mo na ako at magkabalikan na tayo.”
Muntik na niyang masigawan si Henry kung hindi lang nakuha ng billboard television ang kanyang atensiyon.
“And now for some light news,” nakangiting sabi ng newscaster. “For the first time in the history of Philippine media, a member of the illustrious Billionaire Boys Club has agreed to appear on national television to give an important message. Here he is, business tycoon and billionaire boy himself, Mr. Lantis Nakago.”
Tuluyan nang napatanga si Rinoa nang makita sa malaking screen ang guwapong binata. She could almost feel her heart reaching out to him.
“Lantis...”
“Ah… hi,” mukhang nag-aalangan pang sabi ni Lantis. “I’m not used to seeing myself on TV. Pero kailangan kong gawin ito, so, here it goes. Rinoa, I miss you. Terribly. I know I have done a lot of things that hurt you. And I’m sorry. I’m not very good at explaining myself out but I’ll do what I can to let you know why I did what I did. Give me a chance. Please…”
Mukha na ng newscaster ang sumunod na nakita sa malaking screen. “Well, there goes another one of our favorite billionaire boys. He’s out to get the woman he loves. And that wraps up our stories for tonight. Have a nice weekend and good luck on finding your own special billionaire boy.”
“Nasaan ka, Lantis?” halos pasigaw na tanong ni Rinoa habang nakatingala pa rin sa billboard television. “Nasaan ka?”
“Rinoa, nakikinig ka ba sa `kin?”
Tuluyan na niyang binale-wala si Henry. Ang nasa isip na lang niya ay makita si Lantis. She wanted to give him the chance he was asking, personally.
Damn it! Where are those taxis when I need them?
Iniisip na niyang mang-carnap ng sasakyan nang may humintong bagong-bagong itim na Pajero sa harap niya. Bumaba ang apat na lalaking agad niyang nakilalang mga bodyguard ni Denniz Serrano. Walang kahirap-hirap na dinampot ng mga ito ang pobreng si Henry at isinakay sa likod ng sasakyan.
“Pasensiya na, Ma’am Rinoa,” sabi ng isa sa mga bodyguard. “Utos ho ng amo namin na alisin ang lahat ng istorbo sa inyo ni Mr. Nakago.”
Iyon lang at mabilis nang humarurot palayo ang sasakyan, kasama si Henry. Eksakto namang pagdating ng isa pang sasakyan. Ang mag-asawang Treize at Atasha ang bumaba mula roon.
“Go and find him.” Inagaw ni Atasha ang susi ng kotse sa asawa, saka ibinigay kay Rinoa. “Now.”
“But, honey, that’s my Cadillac CT6...” Pinandilatan ni Atasha si Treize. “All right. Go ahead, Rinoa. May it help you find your true happiness.”
“Pero saan ko makikita si Lantis? Nandoon pa rin ba siya sa TV station na pinaglabasan niya kanina?”
“Rinoa! Sister!” Parang kitikiting tumakbo palapit sa kanila si Georgie habang iwinawagayway ang hawak na cell phone. “Papa Zech just called me up. Oh, hello, beautiful hubby with wifey,” bati nito sa mag-asawa bago muling bumaling kay Rinoa. “Ang sabi niya, nasa The Marquise Tower daw si bebe loves mo.”
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Rinoa at pinasibad ang kotse ni Treize papunta sa lugar na kinaroroonan ni Lantis.