KUNG maganda na ang labas ng building na pag-aari ni Denniz Serrano, lalong mas nakakalula ang makikita sa loob niyon. Elegante ang lahat ng bagay kahit ang walang kamalay-malay na mga naka-display na halaman. Sa private office ni Denniz nagpunta sina Rinoa at Georgie. Doon daw makikipagkita si Sofia kay Georgie para pag-usapan ang tungkol sa wedding gown nito.
Mula sa kinauupuan, tahimik na pinagmamasdan ni Rinoa ang nag-uusap na sina Sofia at Georgie, pati na rin si Denniz na mukhang inip na inip na. Napapabilis na kasi ang paglilipat nito ng pages ng bridal magazines na dala ni Georgie.
“You know what, hon?” mayamaya ay sabi ni Denniz nang ibaba ang magazine. “Lahat ng nandito babagay sa `yo kaya ikaw na lang ang mag-decide kung ano’ng gusto mo. At habang busy ka rito, maybe I’ll just give my employees a surprise inspection. Para hindi ko na kayo maistorbo ni Georgie.”
“Akala ko ba kaya mo ako pinapunta rito para makasama ako? `Tapos ngayon, iiwan mo ako rito?”
“Sabi ko nga, dito lang ako.”
Pinigil ni Rinoa na matawa. Masyadong mataas ang tingin ng mga tao sa mga billionaire boys. Pero kung halimbawa si Denniz ng mga iyon, ibig sabihin, tiklop naman pala ang mga ito sa kani-kanilang special someone. Nakakatawa talaga minsan magbiro ang tadhana. And speaking of the billionaire boys, she also noticed something common about them. They were probably the most good-looking set of men who ever grazed the Philippine soil. Kaya hindi na nakapagtataka na ganoon na lang kung pagkaguluhan ng halos lahat ng kababaihan ang mga ito.
Pinagmasdan niya si Georgie na parang kitikiti lang kung kumilos kapag may nakikitang guwapong lalaki. Pero kapag trabaho na ang pinag-uusapan, professional itong makiharap. Gaya na lang ngayon. Aakalain ninuman na matino talaga ito.
“Maganda ang napili mo, Miss Feliciano. Strapless satin white gown with sweetheart neckline will be perfect for you. Hindi na rin natin gaanong lalagyan ng design para mas ma-emphasize ang beauty mo. And we’ll add a fifteen-meter veil. You would look stunning when I’m finished with you. As for you, Mr. Gorgeous Gray Eyes—”
“I’ll be fine, thanks,” sabi ni Denniz. “Si Ganda na lang ang asikasuhin mo nang husto.”
“Denniz?” Isang guwapo at mestisuhing lalaki ang sumungaw sa pinto ng opisina. “I need to talk to you.”
“May mga bisita si Ganda, Zech.”
Walang reaksiyon si Zech Marquez nang tumingin kay Georgie. So typical of him. Pero napakunot-noo ito nang makita si Rinoa. “What are you doing here?”
“Visiting you,” nakangiting sagot ni Rinoa.
“This isn’t my building.”
“Nandito ka na rin naman kaya... hello, pinsan.”
“Magpinsan kayo?” tanong ni Sofia.
“May kalahi ka pa pala sa mundo, Zech?” sabi ni Denniz at hinalikan sa pisngi si Sofia. “Sinadya pa ako rito ni Zech kaya importante siguro talaga ang pag-uusapan namin. Doon muna kami sa conference room, Ganda. Tawagan mo na lang ako kapag may problema. I’ll see you later, okay?” Itinuro nito sa magazine ang page kung saan may design ng wedding gown na may plunging neckline. “Don’t pick this one. Too revealing. And this one, too. And this, and this, and this… Matatandaan ko lahat `yan, so don’t go sneaking on me.”
“I didn’t know you’re that conservative,” napapangiti na ring sabi ni Sofia. Mukhang kahit paano, nakalimutan na nito ang inirereklamo kanina. “Sige. Mag-usap na kayo ni Zech.”
Hindi na nagpaalam pa si Zech nang umalis ito kasama si Denniz.
“Tapusin na natin `to,” sabi ni Sofia. “Three months from now, kasal na namin ni Denniz kaya natataranta na talaga ako.”
“In three months?” Binalingan ni Rinoa ang kaibigan. “Kaya mo bang tapusin ang wedding gown sa loob lang ng isang buwan, Geronimo?”
Kagat nito ang kuko. Kabisado niya ang kaibigan pati mannerisms nito. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Kinakabahan si Georgie.
“Eh, p-pasensiya na, Miss Feliciano. Kahit siguro gahasain pa ako ngayon ni Mr. Zech Marquez, hindi ko talaga makakayang tapusin ang isang wedding gown sa loob lang ng isang buwan.”
“Hindi mo kaya? Paano na `yan?” Halata ang panghihinayang at pag-aalala sa boses ni Sofia. “Sinabi ko na kasi kay Denniz na sa susunod na taon na lang kami magpakasal. Ayaw naman niyang pumayag. `Ayan tuloy, nagkaloko-loko na ang schedule namin. Siguradong mahihirapan na rin akong makakita ng iba pang designer na makakayang gumawa—”
“Ah, excuse me, Miss Feliciano,” singit ni Rinoa. “Kung ganyang nagmamadali ka, ang pinakamagandang gawin mo ay kumuha na lang ng ready-to-wear gown.”
“May ready-to-wear gowns ka ba?” tanong ni Sofia kay Georgie. “Sa `yo ko na rin kukunin ang gowns para sa mga bridesmaid ko.”
“I have! I have!” mabilis na sagot ni Georgie. “And then kung gusto mo ng mga modification sa gown na mapipili mo, kung hindi naman major-major, kaya ko `yong ayusin para mas maging personalized ang magiging gown mo.”
“Really? You could do that? Thank you!” Mukhang nakahinga na nang maluwag si Sofia. “Tapos na rin sa wakas ang isa sa mga problema ko.”
“Ilan ba ang entourage mo, Miss Feliciano?”
“Entourage? Naku! Hindi ko pa napag-iisipan `yan. Teka lang...” Saglit na nag-isip si Sofia. “Since part ng Billionaire Boys Club si Denniz at naging close naman na sila dahil sa magazine article na `yon, sila na ang kukunin ko sa entourage namin para sa groomsmen. Ibig sabihin, okay na rin sina Dunkey, Atasha, at Pam as their partners para naman sa bridesmaids ko. Si Zech lang ang nakikita kong bagay kay Karina. But she’s my wedding coordinator so she probably wouldn’t agree with that. Ikaw na lang, Rinoa. Pinsan mo naman si Zech, `di ba?”
“Perfect!” sambit ni Georgie. “Payag na payag si Rinoa, Miss Feliciano” sabi nito, sabay baling kay Rinoa. “`Di ba, sister?” Palihim din itong bumulong. “Minsan lang akong humiling sa `yo, sister. Pagbigyan mo na ako. Ngayon ko lang makikita nang buong-buo ang mga fafa kong bilyonaryo. Sige na, ha? Please...”
Oo nga. Minsan lang humiling si Georgie. Minsan lang humiling pero kagagahan pa rin ang gusto.
“Hindi ba medyo awkward naman, Miss Feliciano? I mean, ngayon lang tayo nagkita… ”
“Call me ‘Sofia’ and we’re okay. I’m just going to call up my wedding coordinator.” Sofia took out her cell phone. “Hello, Karina? This is Sofia...”
Ibang klase rin ang babaeng `to. Kapag may naisip na gawin, doon lang nakatutok ang atensiyon.
At mukhang kahit ang wedding coordinator, walang magagawa kapag may sinabi si Sofia na gustong gawin para sa sariling kasal.
“What?! Umurong `yong dapat na florist mo? So, ibig sabihin, maghahanap ka na naman ngayon? Ano ba `yan… Okay, I’ll just call you up later for the updates. Bye.”
“Tama ba ang narinig ko, Sofia?” Well, she said to call her by her first name, so…“Nag-backout ang florist for your wedding?”
“Oo nga, eh.” Inihilamos ni Sofia ang mga kamay sa mukha. “I am so stressed already. Konting-konti na lang, magba-backout na talaga ako sa kasalang `to. Bahala na si Denniz sa buhay niya.”
“Naku, huwag! Wala namang problemang hindi nasosolusyunan. And speaking of solusyon, kung hindi mo kasi naitatanong, eh, nasa flower business ang pamilya ko. Kung naghahanap ka ng bagong florist, puwedeng mag-volunteer?”
“Pero isa ka sa mga bridesmaid ko.”
“Wala namang magiging problema dahil may mga assistant ako. Anyway, we need this kind of publicity para sa mga upcoming flower shops na bubuksan namin.”
Saglit lang nagdalawang-isip si Sofia bago ibinigay ang address at number ng wedding coordinator nito. “Kayong dalawa na ang mag-usap ni Karina. She’ll be good to work with. And, oh, Georgie, you’re invited to my wedding, too.”
“Ay, kasama pa pala ako sa eksena. `Kala ko tapos na ang papel ko.” Nag-inarte pa ang bruha. “Thank you very much for the invite, Miss Feliciano. But… can I call you Sofia, too? Para kunwari close na rin tayo.”
“Sure. Friends na tayo from now on. Now, let’s go back to my wedding gown.”
NAGHAHANDA na sa pag-alis si Rinoa. Kailangan kasi niyang mainspeksiyon ngayong araw ang isa nilang flower shop na magkakaroon ng grand opening bukas. Mabuti nang nasa ayos ang lahat para maiwasan ang problema. Nagkasundo na sila ni Karina na siya na ang magsu-supply ng mga bulaklak para sa kasal nina Sofia at Denniz.
Speaking of Karina, hanggang nang mga sandaling iyon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita kahapon sa kanyang shop. Hindi niya makalimutan ang attentiveness ng pinsang si Zech sa dalagang wedding coordinator na kasama nitong dumating sa shop.
Her impossibly irritating cousin was in love!
Pagkatapos magpaalam sa mga magulang, nagmamadali nang lumabas ng bahay si Rinoa. Then she turned on her UBER app on her cell phone para magtawag ng private car na maghahatid sa kanya sa destinasyon niya. Natigilan lang siya sa ginagawa nang mapansin ang paghinto ng isang napakagara at napakapamilyar na kotse sa harap niya.
It was Lantis’ Porsche!
Guwapong mukha ng lalaki ang bumati sa kanya nang bumaba ang bintana ng sasakyan. “Good morning.”
It was really him!
“Hala. Ano’ng ginagawa mo rito sa lugar namin?”
“Napadaan lang. Nakita kitang lumabas ng bahay n’yo kaya nilapitan kita para batiin. That’s your house?”
“Ah… oo.” She didn’t know why but she felt as if she was excited to see him. Parang lumulukso ang puso niya habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Lantis.
“Saan ba ang punta mo? Ihahatid na kita.”
“Saan ba ang daan mo? Baka out of way ka, eh. Pero kung mapilit ka… ” Sumakay na si Rinoa sa passenger seat. She would not make the same mistake of passing on the chance to ride that luxurious car again! “Salamat, ha?”
“Walang anuman. So, where to?”
“Sa shop ko.” Ibinigay niya ang address. “Kailan ka nga pala dumating?”
“Kahapon.”
Wala nang sinabi pa ang lalaki kaya nahalata niyang hindi na ito gaya noong huli silang nagkausap. He wasn’t that talkative and his eyes didn’t shine like they used to.
Nang tumunog ang cell phone ni Lantis at hindi man lang nito iyon pinansin, doon na naisip ni Rinoa na may problema si Lantis. Siya na ang sumagot sa tawag. “Hello? Uh-huh. Uh-huh. Uh-huh. Okay. Bye.”
“Sino `yon?”
“Wrong number.” Ibinalik na niya ang cell phone sa dashboard. “ You look… distracted with something.”
“Hmm? Oh… ”
“Well?”
“Bakit mo naman naisip na may problema ako?”
“Hindi ka na kasi madalas ngumiti.”
Ngumiti si Lantis at bahagyang bumaling kay Rinoa bago muling ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho. But his smile didn’t reach his chinky eyes like they used to. Kaya nang hindi sumagot si Lantis, hinayaan na lang ni Rinoa.
Tahimik sila hanggang makarating sa flower shop.
“Salamat sa paghatid, Lantis.”
“Walang anuman.”
Sinulyapan muna ni Rinoa si Lantis bago bumaba ng kotse. At kung paanong gumaan ang pakiramdam niya kanina nang makita ang lalaki, bumigat naman ang pakiramdam niya ngayong nalaman niyang may problema ito. Bakit nga ba ganito siya ka-affected knowing na may problema si Lantis? Hindi naman sila ganoon ka-close kung tutuusin.
So, why…
Nagulat pa siya nang bumaba rin ng kotse si Lantis at sumunod sa kanya. At para bang biglang naging center of the universe ang lalaki nang mabaling dito ang atensiyon ng halos lahat ng tao roon. Hindi na siya magtataka kung biglang magkagulo dahil sa pag-aagawan ng mga babae na makuha ang atensiyon ng isang billionaire boy na tumapak sa lupang kinaroroonan ng mga ordinaryong Eba.
“Wala ka bang ibang pupuntahan, Lantis?”
“I’m thinking about it.”
“Meaning… ?”
Pinagmasdan muna siya ni Lantis. “Would you like to grab a cup of coffee first before you go to work, Rinoa?”
“ANO’NG nangyari sa `yo?”
Sa isang café bar nakarating sina Rinoa at Lantis. Maaga pa kaya wala pang gaanong customer. Pabor iyon dahil makakapag-usap sila nang maayos.
“Wala naman. Kayo ni Henry mo, kamusta na?”
“Please, don’t say bad words. At ako ang unang nagtanong sa `yo.” Nang hindi pa rin nagsalita si Lantis, si Rinoa na mismo ang sumagot. “Let me guess. Binasted ka ng babaeng binanggit mo noong huli tayong nagkita?”
“May future ka sa panghuhula.” Dinampot ni Lantis ang mug ng kape at uminom. Nakailang lagok muna ito. “The guy she was into told me not to court her anymore.”
“Oh.”
“And I haven’t even started courting her yet.”
“Aw!”
“I know.” He leaned back against his chair and sighed. “Sometimes I wish I could just forget about everything. Forget about the feelings, forget about the pain, forget about her.”
She was amazed at how easy it was for someone like him to discuss with a woman what he was feeling at the moment, something men usually didn’t do. Nakakataba iyon ng puso para kay Rinoa na isa sa mga ordinaryong Eba.
Nakakainggit talaga ang babaeng minahal mo, Lantis.
Ramdam niya ang munting kurot sa puso, knowing na may ibang babae nang nagugustuhan si Lantis. Oo, may ganito siyang drama ngayon dahil… aaminin niyang nagka-crush nga yata talaga siya sa lalaking ito. Pero crush lang iyon. Madaling maka-get over. Pero sa ngayon, dadamayan na muna niya ang kanyang current crush.
“Bakit naman ganyan ka mag-isip, Lantis? You’re tall, you’re rich, you’re very nice, and you’re the cutest guy I’ve ever met. You could always find someone else to fall in love with. Kaya bakit ka magtitiyaga sa babaeng hindi ikaw ang mahal? Ay, shet. `Ayan, tuloy. Nagbalik ang mga alaala ng pagtataksil ng buwisit na Henry na `yon. Buwisit na `yan.”
She heard him chuckle. He was smiling now. And his face had brightened up a little. Super cute na ulit.
“You have a weird way of giving out an advice, Rinoa.”
“At least straight to the point.”
“You’re right. Pero hindi ko na muna siguro susundin ang payo mo. Sa ngayon. Nakaka-strike two na ako sa mga napipili kong babaeng mamahalin at medyo hindi na nagiging maganda ang pakiramdam ko.” He tapped his mug. “Every time I fall for a woman, it would turn out that she’s in love with one of the BBC boys. The sad part is, those boys are in love with them, too.”
“And what’s so sad about that? Nagkataon lang na hindi talaga para sa `yo ang kahit na sino sa dalawang babaeng una mong minahal.” She sipped her coffee. “Makakahanap ka rin ng para sa `yo. Basta huwag ka lang magsawang magmahal kahit ilang beses ka pang masaktan. Pasasaan ba’t magsasawa rin ang tadhana na gulpihin ang puso mo.”
“Is that how you’re coping with your breakup?”
“No. Naka-get over ako sa pagkabigo dahil paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na hindi ko deserve ang lalaking hilaw na tsekwa. Magsama sila ng babaeng hipon na `yon.”
“Hipon?”
“Wala.” She sipped her coffee again, to keep her mouth from saying bad words against another female species. Dahil ang ugok na Henry na `yon ang dapat kong nilalait. Hindi ang kapwa ko Eba.
Tumingin si Rinoa kay Lantis dahil gusto sana niyang i-share ang mga panlalait na naisip niya para sa dating boyfriend. Pero nakatitig lang sa kanya si Lantis. His cute chinky eyes were shining and her heart started beating erratically... again. This was really weird. Napapadalas na yata ang mga ganitong klase ng reaksiyon ng kanyang puso pagdating sa lalaking ito, ah.
“Huwag mo akong tingnan nang ganyan, please. Naiilang ako.”
“Hmm.” He took another sip of his coffee. His eyes were still on her. “Matagal ko nang sinasabing maganda ka.” Muntik nang masamid si Rinoa sa narinig. “Naisip ko lang...” He cleared his throat. “Tama talaga ako.”
Shet!
Bawi, beh! Bawi, bilis!
“So, ang ibig mong sabihin, hindi ka rin sigurado sa ganda ko, gano’n?” Nilamukos ni Rinoa ang tissue at pabirong ibinato kay Lantis. “Pinaasa mo lang ako, Hapones ka.”
Tinamaan sa dibdib ang lalaki na tinawanan lang nito. He possessed the most amazing laugh she had ever heard. It was funny how she didn’t notice things like that with her former boyfriend.
“It’s good to hear you laugh. By the way, may gagawin ka ba bukas?”
“Wala naman.”
“You have any flights?”
“None. Why? Are you gonna ask me out on a date?”
“In your dreams.” Inilabas ni Rinoa mula sa bag ang isang invitation. “Opening bukas ng Alabang branch ng flower shop namin. Punta ka, ha?”
Kinuha ni Lantis ang invitation at saglit na binasa. “Okay, I’ll be there.”
“Thank you.”
“You mean wala akong talent fee dito?”
Hinablot ni Rinoa ang invitation at marahang inihampas sa braso ni Lantis.
He took it back. “Ikaw naman. Nagbibiro lang ako.”
“You better.” Excited na siya. May dahilan na naman kasi siya para makita si Lantis.
“Rinoa?”
“Hmm?”
“Thank you.”
He was thanking her for joining him in his misery and for listening to him. “Walang anuman.” Tumunog ang cell phone niya. It was a text message from one of her shop assistants. “Kailangan ko nang bumalik sa shop. `Kita na lang tayo bukas.”
“I’ll take you back to your shop.”
“Huwag na. Kaya ko nang lakarin `yon mula rito. And you ought to be on your way to work, too.”
“Oo nga, eh.” Sinulyapan ni Lantis ang suot na relo, saka bumaling kay Rinoa. “Kung gano’n, mag-iingat ka na lang.”
“Ikaw rin.”
“Sweet dreams.”
“Heh!”
Baon ni Rinoa sa pag-alis ang mataginting na halakhak ni Lantis. Parang ulap ang nilalakaran niya habang naglalakad papunta sa kanyang flower shop.