MANGIYAK-NGIYAK na si Rinoa. Halos mag-iisang oras na kasi siyang nagpapaikot-ikot sa Makati pero hindi pa rin niya makita ang The Marquise Tower. Alam din naman niya kung nasaan ang building. Dalawang beses na rin naman siyang nakapunta roon. Pero parehong araw noon at kasama niya si Zech kaya hindi niya gaanong tinandaan ang direksiyon.
Bawat kanto na nakikita niyang puwedeng lusutan, dinaanan na niya makarating lang sa building. Pero bigo pa rin siya. Dead end na ang dulo ng huli niyang nilusutan.
Pero hindi siya susuko. Hindi ang simpleng pagkaligaw ang makakapigil sa kanya na makita si Lantis.
She was about to turn her car around when her phone rang.
“Rinoa, this is Ran Fontanilla.”
“Call me up later. I have things to do.”
“There’s a chopper coming in for you. Sundan mo lang ang ilaw ng spotlight na nagmumula roon.” Iyon lang at nawala na si Ran sa kabilang linya. Mayamaya nga, dumating na ang tinutukoy nito.
Sumenyas sa kanya si Ran mula sa chopper. Nabuhayan siya ng loob. She couldn’t believe it. Nagsanib-puwersa ang mga billionaire boys para tulungan siya! Mabilis niyang kinabig ang manibela at sinundan ang direksiyon ng spotlight na nagmumula sa helicopter.
Walang kahirap-hirap na narating ni Rinoa ang harap ng prestigious building na pag-aari ni Zech. Sumaludo sa kanya si Ran mula sa chopper bago tuluyang umalis.
Now it was just her and Lantis.
“Where is he? Lantis?”
Walang katao-tao roon. Siguro nakauwi na ang mga nag-oopisina. Ang nakapagtataka lang, pati ang mga guwardiya, wala rin. Agad siyang naghanap sa harap ng bulding.
“Lantis!”
Walang sumasagot. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Rinoa na niloloko lang siya nina Ran. Dahil kung nandoon nga si Lantis gaya ng sinasabi ng mga ito, bakit wala siyang makita ni anino ng lalaki?
Inilabas niya ang cell phone at kinontak ang mga billionaire boys pero puro recorded message na “unattended” ang sumasagot sa kanya. Ang duda niya, sinadyang i-off ng mga ito ang mga cell phone.
Now what? For the second time, she was back to square one. Nanghihinang naupo siya sa unang baitang sa harap ng The Marquise Tower. Nakakapagod umasa at pagkatapos, bigla na lang mabibigo kaya magpapahinga na muna siya para mag-recharge. Pagkatapos niyon, sisige na uli siya.
“Pambihira ka naman, Lantis,” reklamo niya habang nakatingala sa langit. “Naligaw lang ako kaya ako tumagal. Hindi ka man lang nagtiyagang maghintay.”
“Mabuti pala at wala akong suot na relo ngayon.” Sa likuran nanggaling ang baritonong boses. “Hindi ko na napansin na matagal na pala akong naghihintay.”
Hindi kumilos si Rinoa sa kinauupuan. She didn’t have to turn around to know who it was. Sa mabilis pa lang na pagtibok ng kanyang puso, kilala na niya kung sino ito.
Mayamaya pa, nagpakita na ang lalaki.
“Kung hindi pa pala ako nagpatulong kay Yeoji na lumabas sa TV, hindi ka pa magpapakita sa `kin,” nagtatampong sabi nito.
“Hindi naman ako nagtatago sa `yo, ah.”
“Pero ayaw mong magpakita sa `kin. Ilang beses kitang sinubukang tawagan para kausapin, laging ‘out of reach’ ang cell phone mo. Sa bahay n’yo at sa mga shop mo, laging sinasabi ng mga tao roon na wala ka. Hindi ako naniniwala sa kanila.”
“You were aware that I didn’t want to see you for a while, Lantis. Kaya hindi ka na dapat nagtataka sa mga nangyari.”
“I know. But it had been three days, Rinoa. Siguro naman tama nang parusa `yon sa ginawa kong kalokohan. Well, if you must know, it was hell not seeing you these last three days. Knowing you’re mad at me.”
“I’m not mad at you.”
“Really?”
“Yes.”
“Will you look at me now?”
She did. He wasn’t smiling but it was enough that she could see his chinky eyes again, and the cutest face in the world for her. Ang liwanag na nagmumula sa matataas na building sa likuran nila ay nakadagdag sa appeal ni Lantis. Kung hindi nga niya napigil ang sarili, baka nahila na niya sa kurbata ang lalaki at nahalikan sa mga labi.
Patience, heart.
“Sabi mo kanina sa TV, gusto mong magpaliwanag. Tungkol saan? Ang alam ko, nakapag-usap na tayo noon. You said you were sorry and I said I wasn’t mad at you.”
Marahang umiling si Lantis. “You haven’t heard the other part of that story.”
“Other part?”
“Ang sabi ko noon, pumayag ako sa plano ni Zech dahil hindi ko alam kung paano kita pakikiharapan uli pagkatapos ng ginawa kong basta na lang pagtalikod sa `yo nang huli tayong magkita sa Jaberu.”
Sa pagbanggit ni Lantis sa pangyayaring iyon, bumalik sa alaala ni Rinoa ang eksena kung saan magkasabay na pumasok sina Lantis at Karina sa Jaberu. She could feel jealousy slowly eating up her system again.
“She doesn’t love you, you know.”
“Matagal ko na ring natanggap `yan. When you told me I could find someone else to love, I didn’t know I would find that someone that very same moment.”
Umarangkada ang kanyang isip. Nang sabihin niya iyon, sino pa ba ang babaeng nakita noon ni Lantis? “You’re in love with that bit— with Cathy?” Kung malapit lang sa kanya si Lantis, nahampas na niya ito sa inis. “Ang sarap mo talagang batukan.”
“Bakit? At saka sinong Cathy ang tinutukoy mo?”
“`Yong bruhang babaeng fiancée ni Henry na may crush sa `yo.”
“Wala akong maalalang may nakilala akong nagngangalang ‘Cathy.’ As far as I’m concerned, ikaw lang ang babaeng kilala ko these past months.”
“Kung gano’n, sino ang tinutukoy mong minahal mo nang sabihin ko sa `yong makakahanap ka rin ng ibang babaeng mamahalin?”
“Sino ba sa palagay mo?”
“Ako lang naman ang—” Biglang natutop ni Rinoa ang bibig. “You mean...?” Itinuro niya ang sarili.
Tumango si Lantis. “But before we proceed to that, I still have a lot of things to clear. First, I want to apologize again. Nang i-cancel ko ang pagkikita sana natin noong bago nangyari ang eksena sa Jaberu, sigurado na akong may espesyal akong nararamdaman sa `yo. That kiss the night before, that was proof of that. O, bakit ka namumula diyan?”
Nag-iwas siya ng tingin. Did he have to mention that?
“There’s nothing to be ashamed of.” His voice had a hint of amusement in it. “Anyway, I didn’t mean to lie to you then. Nang makita ko kasi si Karina na malungkot na lumabas ng restaurant, I knew I had to comfort her. Not because I was still in love with her or anything but mostly because I didn’t want to see a woman crying. Hindi ko naman akalain na tatawagan siya ni Sofia habang magkasama kami at papupuntahin sa Jaberu kung saan nandoon ka rin.”
Nanunulis na ang nguso ni Rinoa sa selos. Talaga naman kasing nasaktan siya nang malamang nagsinungaling si Lantis sa kanya noon. At ang kaalamang ibang babae ang iniharap nito sa mga kasamahan sa BBC ay sobra-sobra nang pasakit. Katatapos lang siyang ipagpalit ng walang kuwentang boyfriend sa ibang babae, pagkatapos malalaman niyang hayun at may ibang babae pa palang espesyal sa puso ni Lantis. Talagang nakakasama ng loob.
“Alam kong dapat doon pa lang, nagpaliwanag na ako sa `yo at humingi ng tawad sa nangyari. Pero nawala na `yon sa isip ko nang ipakilala ka ni Sofia bilang pinsan ni Zech. Medyo sumama lang ang loob ko noon dahil ang ibig sabihin kasi ng pagiging magpinsan ninyo ni Marquez, hindi kita puwedeng mahalin. I’m sure you know what I mean.”
“That’s too lame, Lantis.”
“I know. Kaya nga paglabas ko noon sa Jaberu, gusto na uli kitang balikan. Because the moment I walked out of that place, I knew I had left my heart there with you.”
“Kung gano’n, bakit hindi ka bumalik?”
“I wasn’t ready to get hurt again, Rinoa. The mere fact that you had a strong blood relationship with Zech was enough reason I should stay away.”
“So, what’s with you pretending you have amnesia?”
“I can’t stay away.”
It was a plain and simple answer. But it meant so much to her.
“Napatunayan ko `yon nang magpanggap akong may sakit. Hindi ko gustong nagsisinungaling sa `yo pero ayoko namang malayo sa `yo nang hindi mo man lang nalalaman ang nararamdaman ko. So I took that opportunity. Hindi totoo ang sakit ko pero ang lahat ng sinabi at ipinakita ko sa `yo sa flower farm ay totoo.”
She slowly turned to him. Sa malayo nakatingin si Lantis na para bang ang lalim ng iniisip.
Mayamaya, nagpatuloy ito. “Alam ko naman na hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. As for me, I fully believed when you told me you loved me.” He took a deep breath. “Ipapaalam ko na sana sa `yo ang lahat nang mga sandaling iyon kaya lang, may isa ka pang sinabi na nagpabago sa isip ko. You said that I had hurt you. Hindi ko alam `yon at hindi ko sinasadya. Kaya ang sabi ko na lang sa sarili, kailangan kong bumawi. Ginawa ko ang lahat ng paraan para maramdaman mong mahal din kita. It was just unfortunate that it was the right place at the wrong time.”
“And that address?”
“Hindi na ako nakatiis noon. I knew I had to tell you the truth. Mali pa rin ang timing ko ngayon pero wala na akong pakialam. Gusto ko nang matapos ang pagpapanggap at humarap sa `yo kung sino talaga ako. Now, I’m here in front of you with no more pretentions. Wala na rin akong pakialam kung kamag-anak mo pa ang ibang member ng BBC, except me, of course. At kung sakaling may isa man sa kanila ang humadlang sa atin ngayon, hindi na ako mangingiming makipagbasag-ulo. I love you and I’ll fight for it. Anytime, anywhere.”
“Totoo na ba talaga `yan?”
“Cross my heart.”
“Lumapit ka rito sa tabi ko.” Mabilis namang lumapit si Lantis kay Rinoa. “Once upon a time, naniwala rin ako sa mga sinabi at ipinakita mo sa akin doon sa flower farm.”
“Talaga?”
“How can I not when every time you tell me how beautiful I am and that you love me for who I am, you are looking deep into my eyes?”
“You have beautiful eyes.”
“Plus the fact that you really do know how to deliver your lines.”
“Ilang beses ko bang sasabihin sa `yo na hindi ko na kailangang mambola tuwing bibigyan kita ng compliments? Talaga namang maganda ka, inside and out.”
“Oo na. Naniniwala na ako.”
“Rinoa.”
“O?”
“Kidding aside...”
“What?”
“I love you. I really do.”
Bilang kasagutan, kinabig ni Rinoa ang mukha ni Lantis at mariing hinalikan sa mga labi. Nasa public area sila at puwedeng may ibang taong makakita sa ginagawa nila. Care ko. Mamatay sila sa inggit!
Mukha namang nakabawi na sa pagkagulat si Lantis dahil ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang baywang at tumugon ng mas mapusok at makapugto-hiningang halik. And with every touch of him, with every taste of his lips, lalong tumitibay ang paniniwala niyang si Lantis na nga ang lalaking nakatakda para sa kanya.
Pareho nilang habol ang hininga nang maglayo ang kanilang mga labi.
“Oh, wow!” sambit ni Rinoa. “That was...”
“I know,” nakangising sabi ni Lantis. “You’re the most amazing woman I’ve ever met, Rinoa. No wonder I fell in love with you the moment I noticed your cute little tush hanging in the transom window of my hotel suite.”
“Naman. Huwag mo nang ipaalala `yon.” She found comfort in his arms so she leaned more against his strong and broad chest. “Ang bilis ng tibok ng puso mo.”
“That’s what you do to me.” He kissed her on top of her head. “Ang akala ko kanina, hindi ka na darating. Medyo kinabahan ako kaya nagtago na muna ako para kung sakaling hindi ka nga magpakita ngayon, sasarilinin ko na lang ang kabiguan ko. Ayokong kaawaan ako ng ibang tao.”
“Nauna na nga akong nagtapat sa `yo, nagdududa ka pa rin?”
“I can’t help it.”
“Lantis?”
“Hmm?”
“Huwag ka na uling magpapanggap na may amnesia ka, ha?”
“Bakit naman?”
“Hindi na kasi bebenta `yon sa `kin.”
Tumawa si Lantis.
“Ang totoo, nag-alala kasi ako sa `yo nang husto noon. Lalo na nang malaman kong totoo ang naging hostage-taking mo sa Germany.”
“Pangako, wala nang amnesia. Hindi na rin ako magiging biktima ng hostage-taking sa ibang bansa dahil mula sa araw na ito, dito na ako sa Pilipinas mananatili, for good.” He lovingly tilted her chin so she would face him and looked deeply into her eyes. “Sa piling ng babaeng mahal ko.”
Ramdam ni Rinoa na tumagos sa kanyang puso ang mga sinabi ni Lantis. “Pinapaiyak mo naman ako, eh.”
“Mamaya na.” Inalalayan siya nitong makatayo. “Hindi pa ako tapos sa drama ko.”
“Ano?”
“Hindi pa ako nakakapag-propose sa `yo.”
“P-Propose? As in...?”
“I want to make it grand. After all, I’m one of the billionaire boys.”
He took her hand and walked a few steps backward from the building. May inilabas itong parang remote control. Nang pindutin ang button, nagliwanag ang The Marquise Tower. Nagkaroon ng porma ng mga salita ang mga ilaw. TAKE THIS, it said. And then an arrow appeared, pointing something at the bottom of it.
Hinila ni Lantis si Rinoa papunta roon. The arrow was really pointing at something. It was a little box.
“Hiniling ko kay Marquez na gamitin ang building niya kapag nag-propose na ako sa `yo. He gladly agreed.” Itinuro ni Lantis ang maliit na box. “Take it.”
She did. From the distinct box of the TMQ Jewelry itself, she didn’t have to guess what was inside.
“Ayoko yatang buksan.”
“Come on, Rinoa. Just pretend you have no idea what it is.”
Napangiti si Rinoa kahit medyo kinakabahan. Ang weird talaga niya. Alam na niya kung ano ang laman ng kahon pero hindi pa rin niya mapigilang kabahan. And her excitement and happiness when she saw Henry’s engagement ring were nothing compared to what she was feeling at the moment.
“Ibig sabihin, engagement ring nga ito?”
Sa halip na sumagot, kinuha sa kanya ni Lantis ang kahon at ito na mismo ang nagbukas. It was a ring, all right, a diamond-embossed ring that glistened and glimmered under the lights of that bright arrow.
“Rinoa, I cannot give you a unique proposal, as you have noticed by now. But I can give you three unique gifts—my heart, my life...” Sinadya nitong ibitin ang sinasabi. Isinuot muna nito sa daliri niya ang singsing. “And this ring. Will you marry me?”
Tuluyan na siyang napaluha. Hindi siya makapagsalita kaya sunod-sunod na tango na lang ang isinagot niya.
He gathered her in his arms and kissed her once again, sealing their vow from that moment on.