noveltoon logo noveltoon
Lantis Nakago (The Billionaire Boys Club 6)

Chapter 8

Ch. 8 / 11 Nov 28, 2025

NAPANGISI si Rinoa habang pinagmamasdan si Lantis sa bagong tuklas nitong gawain. He was holding a feather duster and was looking at it with fascination. A few minutes later, he took a glass figurine and started tapping it with the stick.

Natatawang lumapit siya. “You’re holding the feather duster upside down.” Ibinaliktad niya ang feather duster at ibinalik kay Lantis. “Now, that’s the right way to hold it.”

“Hmm, better.” Inilapag nito ang figurine, saka humarap sa kanya. “Good morning, Rinoa.”

“Good morning, Lantis. Have you had a good night’s sleep?”

“I don’t know. Pero medyo inaantok pa ako ngayon.”

Nakalimutan na ni Lantis ang nangyari kagabi sa front porch. Hindi na bale. At least, may dahilan na siya para gumawa ng panibagong alaala na kasama si Lantis.

“Matulog ka kung inaantok ka pa. Nandito ka naman para makapagpahinga. Hayaan mo na ang mga gawaing `yan sa mga kasambahay.”

“Nah, I don’t want to waste my time in my room when there’s so much to see.” Tinitigan siya ni Lantis. “Especially now.”

She bit her lower lip to prevent herself from grinning ear to ear. But he gave her a smile that reached his eyes. Wala na tuloy siyang nagawa kundi mahawa sa ngiti ni Lantis.

“You should smile more, Rinoa.”

“Ang aga namang pambobola `yan.”

“Hindi ako marunong mambola.”

Ilang beses na nga ba niyang narinig iyon mula kay Lantis? Napailing siya. Parang pati siya may memory problem na rin, ah. Paulit-ulit na rin kasi siya sa mga sinasabi.

“Besides, I’m enjoying this. Medyo weird nga lang dahil pakiramdam ko, ngayon lang ako nakahawak nito.” He inspected the feather duster. “Imposible naman siguro `yon, `di ba? I mean, mahilig akong magtrabaho kaya siguro naman, minsan sa buhay ko, na-encounter ko na ito.”

Rinoa doubted it. Ilang beses na rin niyang nahawakan ang kamay ni Lantis. Malambot ang mga palad nito. Pang-mayaman talaga.

“Huwag mo nang intindihin `yan, Lantis. Teka, kumain ka na ba?”

“Oo, katatapos ko lang. Ikaw?”

“Hindi pa.” Sayang. Gusto pa naman sana niyang makasabay sa pagkain si Lantis. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya pero para namang lumilipad ang isip.

“Nakapag-almusal ka na ba, Rinoa?”

“Hindi pa. Kasasabi ko lang—”

“Halika na.” Hinawakan siya ni Lantis sa kamay. “Kanina pa ako nagugutom.”

Thirty minutes na ba ang nakalipas kaya nabura na uli ang memorya ni Lantis? Ang bilis naman ng oras. May perks pa rin kahit paano ang diperensiya ni Lantis. Pero hindi niya dapat sine-celebrate ang problema nito sa memory. It was just that…

Sorry po, Lord. Ano kasi… I just wanted to be with him… Kahit sandali lang po sana…

“Let’s go?”

She smiled as she squeezed his hand. “Okay.”

Masaya na si Rinoa na magkahawak-kamay silang nagpunta sa kusina. Hindi na siya nagtanong kung bakit doon sila kakain sa halip na sa dining area. Sa ngayon, kahit saang lugar siguro siya dalhin ni Lantis, sasama siya.

Naupo siya sa harap ng kitchen table habang inihahanda ni Lantis ang breakfast. Araw ng pamamalengke ng mga kasambahay kaya solo nila ang buong kusina.

“O, akala ko ba, nagugutom ka na rin?” puna niya nang hindi sumalo sa mesa si Lantis. “Maupo ka na rito.”

“Mauna ka na. Igagawa pa kita ng dessert.” Isinuot nito ang apron na nadampot sa kung saan. “How about some cakes, sweet lady?”

“Marunong kang mag-bake?”

“Oo naman.” Nag-umpisa nang maghalungkat si Lantis ng mga gagamiting kasangkapan. “My mom used to bake cakes for me when she was still alive. And every time, I would watch her work. Siguro, doon ako natuto.”

“You remember your mom.”

“I remember everything about her.”

“What about your father?”

He continued clattering the utensils as if hearing nothing, pero hatalang lumilipad ang isip. Mukhang pinipilit nitong alalahanin ang tungkol sa ama. Na wala rin namang nangyari.

“Ano’ng gusto mong flavor? Sana chocolate cake.”

“Bakit?”

“`Yon lang kasi ang alam kong recipe.” His chinky eyes became cute little slits as he grinned.

Natawa si Rinoa.

“May itatanong lang ako, Rinoa.”

“Ano `yon?”

“Mabait ba akong tao?”

“Bakit mo naman naitanong `yan?”

Nagkibit-balikat si Lantis. “Gusto ko lang malaman ang opinyon mo tungkol sa `kin. Tell me what you think of me not just as your boyfriend but also as a person.”

“Well, let’s see...” Tinusok ni Rinoa ng tinidor ang hot dog sa plato. “When I first met you, pinauna mo kami ng kaibigan kong si Geronimo sa pila sa grocery store. `Yon pa lang, masasabi ko nang mabuti kang tao. The second time we met, I was wreaking havoc in my ex-fiancé’s hotel suite, which turned out to be yours. You offered to punch the hell out of my ex’s face. So, all in all, I guess you’ve been a good citizen.”

“Am I a good boyfriend to you?”

Natigilan si Rinoa. Ano naman kasi ang isasagot niya sa tanong na iyon? Wala naman talaga silang relasyon.

Pero meron ka namang dalawang araw na boyfriend siya. You already have a basis if you decide to answer his question, Rinoa.

“You’ve been a very good boyfriend… to me… ” She slightly cleared her throat. “You’re, ah… you’re nice, sweet, sensitive, thoughtful, and you, ah… you… always make me feel good about myself.”

And what she said were all true.

“`Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako sinagot?”

“Hindi. Sinagot kita dahil sa simpleng kadahilanang ikaw ang pinili ko.”

Then he gave her the most beautiful smile she had ever seen. “I love you, Rinoa.”

Muntik nang mahulog si Rinoa sa kinauupuan sa narinig. Did he really say... Pinagmasdan niya nang mabuti ang mukha ni Lantis. Hindi na niya napigilang mapahikbi.

“Hey, hey, hey!” Mabilis na lumapit sa kanya si Lantis. “What’s wrong? May nasabi ba akong masama?”

Umiling siya, saka dinampot ang tissue sa ibabaw ng mesa. Wala siyang ibang nagawa kundi tahimik na umiyak sa harap ni Lantis. Wala na siyang pakialam kung ano ang magiging tingin nito sa inaasal niya ngayon. Tutal naman, makakalimutan din nito ang mga nangyayari ngayon within minutes.

“Kung nasaktan man kita noon, Rinoa, I’m sorry,” halos pabulong na sabi ni Lantis.

“Wala kang kasalanan.” Tinuyo niya ang mga luha sa mga pisngi. Tanggap na niyang si Lantis pa rin ang lalaking mahal niya. “Ganito naman talaga kapag nagmahal. Kailangan mong masaktan para matutunan mo kung paano ang totoong magmahal.”

“Nasaktan nga kita.” He cursed under his breath.

“That’s why I knew I had loved you even from before. Kasi noon pa man, nasasaktan na ako. Pero wala akong pinagsisisihan.”

Kung ito na lang ang pagkakataon para masabi kay Lantis ang damdamin niya, sasamantalahin na niya ang pagkakataon. Kahit na nga mauuwi rin naman iyon sa wala dahil makakalimutan na naman ni Lantis ang lahat, basta maiparating lang niya rito ang nararamdaman.

“I’m… I’m so sorry, Rinoa. H-hindi ko alam… ”

“I know.” She kissed his cheek. “Thank you.”

“You’re thanking me for hurting you?”

“I’m thanking you for teaching me how to love. Now, I’m ready to take another risk.” With you, dugtong niya sa isip. I want to take the risk of falling in love with you again, Lantis. At bahala na si Batman sa kahihinatnan ng lahat. “After thirty minutes, Lantis, magsisimula uli tayo. Hanggang sa bumalik na nang tuluyan ang alaala mo at makalimutan mo uli ako. Pero sa ngayon, I’ll treasure every moment with you. Para kahit wala ka na, may magagandang alaala pa rin akong makakasama kapag wala ka na uli sa tabi ko.”

“Ano ba’ng sinasabi mo? Hinding-hindi kita makakalimutan, Rinoa. I love you. You’re the only woman for me.”

Tinakpan niya ang mga mata nang marinig ang mga salitang iyon. Masaya siyang marinig ang mga salitang iyon. Baliw na nga yata talaga ang mga taong nagmamahal. Umiiyak kasi kapag nasasaktan, at umiiyak pa rin kapag masaya na. Hindi na nga bale. Ang sabi naman ni Lantis, maganda siya kahit umiiyak siya.

Napatingin si Rinoa kay Lantis nang suminghap ito nang malakas. He was holding his bandaged head.

“Lantis, bakit? Kumikirot ba ang sugat mo?” Kinalimutan na muna niya ang sariling dilemma at inasikaso ito. “Dadalhin na kita sa ospital.”

“No, no. I’m fine.”

She ignored his words. “Wait. May calling card na iniwan ang mga kaibigan mo. Dito ka lang at tatawagan ko sila para mapapunta nila rito ang doktor mo.”

Pero pinigilan siya ni Lantis na makatayo. His face was serious when he took out a pen to write something on a piece of paper. Isang address ang isinulat nito.

“Is this your address? Naalala mo na kung saan ka nakatira?”

Hindi sumagot si Lantis. Binasa uli ni Rinoa ang nakasulat sa maliit na papel. It was an address of one of the most prestigious and exclusive villages in Metro Manila. Kaya malamang doon nga nakatira si Lantis.

Shut it, Rinoa. Kapakanan muna ni Lantis ang isipin mo bago ang issue ng puso mo.

“Gusto mong dalhin kita rito?” Hindi pa rin sumasagot ang lalaki. Nagpasya na siya. “I’ll take you there. Ang sabi ng mga kaibigan mo, makakabuti sa `yo na mapuntahan ang mga lugar o mga taong naging bahagi ng buhay mo noon para mas mabilis ang paggaling mo.”

Hindi na nagugustuhan ni Rinoa ang nararamdaman sa hindi pag-imik ni Lantis. She could feel he didn’t want to leave. Pero hindi puwede. Kailangan nito ng immediate medical attention.

“Magbihis ka na para makaalis tayo agad. At makabalik din... kung gugustuhin mo pang bumalik.” Tumayo na siya. “Wala kasi tayong magagamit na sasakyan dito kaya kailangan nating mag-commute.”

Tumango lang si Lantis.

KAAGAD napansin ni Rinoa ang biglang pananahimik sa terminal station ng mga bus na biyaheng pa-Maynila pagpasok nila ni Lantis doon. Ganoon din nang umakyat na sila sa bus na sasakyan nila.

Sinulyapan niya si Lantis na mukhang walang pakialam sa paligid nang maupo sa puwesto nito sa likurang bahagi ng bus. Hanggang nang mga sandaling iyon, hindi pa rin ito umiimik. It had been an hour already since they had that talk in her kitchen. Kaya siya na lang ang nagbigay ng katwiran sa inaasal ni Lantis ngayon. Siguro may mga alaalang bumabalik at medyo malabo pa rin dito ang mga nangyayari.

Mahaba-haba rin ang biyahe nila pero hindi makatulog si Rinoa. Maraming bagay kasi ang gumugulo sa kanyang isip. Paano kung pagdating nila sa bahay ni Lantis, tuluyan na nitong maalala ang lahat? Matandaan pa kaya nito ang mga pinagsamahan nila sa flower farm sa loob ng halos tatlong araw?

Would he still remember that he loved her?

Bumaling si Rinoa kay Lantis. He was now sound asleep and that gave her a moment to just look at him.

“One thing is for sure, though,” she whispered. “I’ll never forget that I love you.”

Still asleep, he reached for her hand and gently squeezed it. It was as if he was assuring her, in his own bizarre way, that everything would be okay. Hindi niya alam kung matatawa siya o maluluha. Ilang oras pa lang ang nakalilipas, na-miss na agad niya si Lantis. Paano pa kaya sa mga susunod pang araw na wala na ito sa poder niya?

She squeezed back his hand and leaned against him. Moments like these should be taken advantage of. So she did.

Gabi na nang makarating sa bus terminal sa Maynila ang bus na sinakyan nila. Kumuha sila ng taxi na magdadala sa kanila sa address na isinulat ni Lantis sa papel. All the while, hindi pa rin sila nagkikibuan. Or rather, hindi pa rin kinikibo ni Lantis si Rinoa.

Rinoa tried to break the silence but to no avail. Wala talaga yata sa mood makipag-usap si Lantis kaya hinayaan na lang niya hanggang sa pumasok sila sa exclusive village. Sa harap ng gate ng isa sa mga pinakamalaking bahay roon huminto ang taxi.

“Wow. Nakakalula naman ang bahay mo.”

“Umalis na tayo, Rinoa.”

“Ha?” Seryosong-seryoso si Lantis habang pinagmamasdan ang malaking bahay sa harap nila. “Pero hindi pa tayo nakakapasok sa loob.”

“Para ano pa?”

“Well, this is your house, right? Kung makakapasok tayo sa loob, baka mas maraming bagay kang maalala na makakatulong para sa tuluyan mong paggaling.”

“Wala akong sakit.” Tumalikod na si Lantis at naglakad.

“Lantis, sandali lang.” Naabutan naman agad ni Rinoa ang lalaki. “What’s going on?”

“Nothing.”

“Puwede bang bagalan mo naman ang paglalakad mo? Hindi kasi mahahaba ang mga binti ko na gaya ng sa `yo.”

He stopped. At nagulat si Rinoa sa nakikita sa mukha ni Lantis. May nagbago na rito. At parang alam na niya kung ano iyon.

“I have to tell you something, Rinoa.”

“You remember everything now?”

Nag-iwas ng tingin si Lantis, saka marahang tumango.

Ito na ang araw na pinaghandaan nang husto ni Rinoa pero hindi pa rin pala sapat ang paghahanda na iyon.

“Well...” Huminga siya nang malalim para makaipon ng sapat na lakas ng loob. “Magaling ka na. Natutuwa ako para sa `yo, Lantis. Hindi ka na mahihirapang isipin kung ano ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng sugat sa ulo. Gusto mo bang magpunta sa ospital para magkaroon ng thorough checkup at masigurong hindi na uli papalya ang memorya mo?”

Umiling si Lantis.

Oras na para magpaalam. She had a great time with him. “So, paano? Hanggang dito na lang tayo, Lantis. Magaling ka na at hindi mo na kailangan pa ang tulong ko.” Itinuro niya ang bahay nito. “Siguro naman hindi mo na ako kailangan para makapasok ka nang maayos sa inyo. Kaya mo na `yon. Ahm, mauna na ako sa `yo.”

“Will you stay if I ask you to stay?”

“What for?”

“I don’t know. Maybe to spend more time with you. Or maybe I just want you to stay... with me.”

Natawa nang walang buhay si Rinoa. “Lantis, hindi na ako ang girlfriend mo, remember?”

“No! I mean— Just… just stay.”

Hindi na nga naaalala ni Lantis ang buong panahon ng pinagsamahan nila sa flower farm. Sa paggaling, natabunan niyon ang mga alaala noong may sakit pa ito.

Naluluha na si Rinoa isipin pa lang iyon. Pero napaghandaan naman na niya ito, hindi ba? Kaya nga dapat, mas magiging madali na lang sa kanya na tanggapin ang lahat.

“You know what? Naalala kong marami nga pala kaming delivery ngayon. So, kailangan ko na talagang bumalik sa flower farm. Ikaw naman, kailangan mo pang magpahinga nang husto para lalo kang gumaling.”

“You can’t go back. Ang haba ng binyahe natin pa-Maynila. Siguradong pagod na pagod ka na para makabiyahe uli pabalik nang wala man lang pahinga.”

“Sanay na ako sa mga ganitong biyahe. I’ll be fine.”

“Rinoa—”

“I really have to go.”

“Rinoa!”

Sa pagmamadali, hindi namalayan ni Rinoa ang pagbukas ng gate ng isa sa malalaking bahay. Isang magarang kotse ang muntik na tuloy makasagasa sa kanya.

“Rinoa?”

Nang lingunin niya ang tumawag sa kanya, agad niya itong nakilala. Si Pam. Kasama nitong bumaba ng kotse ang asawang si Yeoji. Lumapit sa kanya ang dalawa.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Pam.

“Hello, Pam. Dito rin pala kayo nakatira.” Tiningnan ni Rinoa si Lantis na nakalapit na sa kanila. “Inihatid ko lang siya rito.”

“Gano’n ba? Tamang-tama. Papunta na rin sana kami sa flower farm mo para ayusin ang problemang ginawa ng mga billionaire boys sa `yo.”

“Wala naman akong problema.”

“Ibig mong sabihin alam mo na?”

“Na magaling na si Lantis? Oo. Pagpunta namin dito sa bahay niya, naalala na niya ang lahat.”

“No. Hindi `yan ang ibig kong sabihin.”

“Ano ba `yon?”

Sa halip na sumagot, pinukol ni Pam ng matalim na tingin ang asawa, pati na rin si Lantis. Napakamot lang sa ulo si Yeoji. “Juanito, tingnan n’yo ang ginawa n’yong kalokohan. Pati ang nananahimik na si Rinoa, idinamay n’yo pa. Ayusin n’yo agad `to.”

“Teka, a-ano ba ’ng sinasabi mo, Pam? Ano ba talaga ang nangyayari?”

“Pam, sweetheart, pumasok na kaya muna tayo sa loob at nang makapag-usap tayo nang maayos,” sabi ni Yeoji. “Shall we?”

“Shall we-hin mong mukha mo. Gusto kong ayusin n’yo na ang kalokohang ito ngayon mismo.” Binalingan ni Pam si Lantis. “Lantis, akala ko pa naman hindi mo kalikaw ng bituka ang asawa ko at mga kaibigan niya. I can’t believe you’re a part of this, too.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Rinoa sa tatlo. May alam ang mga ito na hindi niya alam. At may kutob siyang hindi niya magugustuhan ang malalaman. Dahil kahit si Lantis, tikom na tikom ang bibig.

“What is it, Pam?”

“These men...” Itinuro ni Pam ang dalawang lalaki. “These billionaire men set you up.”

“Set me up?”

“Pam, hayaan mo na lang na si Lantis ang magpaliwanag,” pakiusap ni Yeoji.

Sa sinabi ni Yeoji, nabaling ang atensiyon ni Rinoa kay Lantis.

“I remember everything,” Lantis said softly.

“Yes, I know. Tell me more.”

“Matagal na akong magaling.”

Saglit na natigilan si Rinoa. “Kailan pa?”

“Sa Germany pa lang.”

“What… ?”