noveltoon logo noveltoon
Lantis Nakago (The Billionaire Boys Club 6)

Chapter 3

Ch. 3 / 11 Nov 28, 2025

NAGPATULONG muna si Rinoa kay Lantis na makababa sa bintana bago siya nagtanong. “Nasaan si Henry? Bakit ikaw ang nandito?”

“This is my room. Mukhang nagkamali ka ng napasok na kuwarto.”

“What?” Agad niyang tiningnan ang number ng suite sa pinto. Iba nga ang kuwartong napasok niya. Dala ng pagkahilo at matinding emosyon, hindi niya napansing mali na pala ang pinag-interesan niyang suite.

“I’m sorry. Pasensiya ka na rin sa inasal ko sa `yo kanina.”

“It’s okay. I enjoy everyday’s peculiarities. Pero ano nga ba ang dahilan at kinailangan mo pang umakyat sa transom window para makapasok sa kuwarto? Kaninong kuwarto ba ang binabalak mong pasukin?”

“Sa ex kong walanghiya.”

“Ouch.”

“You’re not my ex.”

“No. I just feel sorry for your ex… with your current murderous mood.”

Lantis’ cheerful smile and beautiful chinky eyes were making her feel a little better. At hindi niya kailangang maging mahinahon ngayon. Gusto niyang ibalik ang “murderous mood” niya para maipaghiganti ang kawawa niyang puso.

“Salamat sa tulong mo. Pero kailangan ko nang umalis. Pasensiya ka na nga pala uli kung naistorbo kita.” Dumeretso na si Rinoa papunta sa pinto.

“Wait.” He reached out for her arm before she could step out of his suite. “May bruises ang braso mo. Galing siguro `yan sa pagsampa mo sa transom window kanina. Gamutin na muna natin ang mga `yan.”

“I’m fine—”

“No, you’re not.” Ipinakita nito ang nangingitim nang maliit na bahagi sa bandang siko niya. “Lalagyan lang natin ng cold compress ang mga pasa mo para hindi mangitim. Sayang, baka masira ang skin mo.”

She looked at his long, fair fingers that were gently wrapped around her tanned arm. May kung anong parang pumalo sa kanyang puso, dahilan para kumawala siya sa lalaki. Pero hindi naman siya nito hinayaang makalayo.

“Rinoa, we have to do something about your bruises.”

“I said I’m fine.”

“And I say you’re not.”

Pero bago pa makasagot si Rinoa, napabaling na ang atensiyon niya sa bumukas na pinto ng katapat na suite ni Lantis. Kitang-kita niya ang paglabas ni Henry kasama ang isang maganda, maputi, at tsinitang babae na nakaangkla pa sa braso ng lalaki. She knew Henry cheated on her, but she never expected she would actually catch him red-handed. At mukhang hindi lang siya ang nagulat sa eksena. Henry was staring at her like he was seeing a ghost.

“R-Rinoa?” Bahagya itong lumayo sa babaeng kasama. “What... what are you doing there?”

What was she doing ‘there’? She just caught him in the act and all he said was— Natigilan siya nang maramdamang masuyong dumantay ang braso ni Lantis sa kanyang balikat.

“You know that guy?” kaswal na tanong ni Lantis.

Kinagat ni Rinoa ang labi para pigilan ang sarili na mag-produce ng sangkaterbang mura na magpapayanig sa hotel.

“Rinoa—”

“So, you know my girlfriend,” sabi ni Lantis na kay Henry na nakatingin.

“G-girlfriend? Girlfriend mo… si Rinoa?”

“Oh, my gosh!” bulalas ng babaeng kasama ni Henry. “You’re Lantis Nakago of the Billionaire Boys Club! You’re so cute! I’m a fan!”

“Cathy!” saway ni Henry.

“I can’t help it, hon. He looks so adorable!”

“Cathy, naman. Isang linggo pa lang tayong engaged, ah.”

Impit na napasinghap si Rinoa. Isang linggo nang engaged ang mga ito bago pa man naibigay ang engagement ring na iyon? Kung nakakasigaw nga lang siguro ang kanyang isip, baka paos na iyon. At kung hindi siya pasimpleng napigilan ni Lantis, baka nabugbog na niya ang walanghiyang Henry na ito.

“Engaged na pala kayo. Congratulations,” sabi uli ni Lantis. “Pasensiya na pero may importante pa kasi kaming pag-uusapan ng girlfriend ko. So, if you’ll excuse us...”

“Can I have your autograph?” hirit pa ni Cathy. “Sa lahat ng members ng BBC, ikaw ang pinaka-crush ko, eh.”

Ngumiti lang si Lantis. Hinila naman ni Henry ang babae papunta sa elevator. Pero bago tuluyang umalis, pinukol pa si Rinoa ng nagtatakang tingin ng walanghiyang lalaki. Siguro iniisip nito kung paano niya naging boyfriend si Lantis samantalang sila ang magkarelasyon.

“He’s claiming I’m still his? `Kapal ng mukha!” Pakiramdam niya, nauubusan na siya ng lakas. Mabuti na lang at naalalayan siya ni Lantis pabalik sa loob ng suite at pinaupo sa sofa. “I can’t believe it. Ni hindi man lang siya nagpakita ng interes na magpaliwanag sa `kin. Ni hindi siya nag-demand na magpaliwanag ako pagkatapos mong ipamukha sa kanya na girlfriend mo ako. And I still can’t believe… that I haven’t even hurt a single strand of his hair.”

“Would you like some tea?”

“No. I would not like some tea.”

“Would you like some scotch?”

“Yes. I would like some scotch.”

Nagsalin si Lantis ng alak sa baso. Agad namang kinuha ni Rinoa ang baso nang iabot sa kanya at saka nilagok.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo? Naiintindihan ko na ngayon kung bakit kinailangan mo pang manloob sa kuwarto ng boyfriend mo gaya ng ginawa mo kanina. You were trying to catch him in the act.”

“And I caught him all right. So, please refrain from saying that he’s my boyfriend.”

“Okay.”

“That bastard.” Gigil na ibinagsak ni Rinoa ang baso sa side table. “Bakit gumagawa pa si Lord ng mga gano’ng klase ng lalaki? Nananakit lang naman sila.” Tiningala niya si Lantis na nakatayo lang ilang metro ang layo sa kanya. “Sabihin mo nga sa `kin kung bakit.”

“Hindi ko rin alam. Do you want a refill?”

“No. Uuwi na lang ako at doon maglalasing hanggang sa mawala na ako sa huwisyo. Baka dito pa ako makalimot, problema na naman `yon. Ayoko na ng problema.”

Pero hindi pa man nakakatayo si Rinoa, namalayan na lang niyang humihikbi na siya. Palakas nang palakas ang mga hikbi hanggang sa tuluyan nang maging hagulhol.

“I hate him! I really, really hate him! Wala naman akong ginawang masama sa kanya kaya bakit niya ako ginaganito? Bakit kailangan pa niya akong lokohin? Bakit hindi na lang niya sinabi sa `kin na ayaw na niya sa `kin at may mahal na siyang iba? Mahirap bang gawin `yon?!”

“Yes, he’s a total jerk.” Lantis pulled a chair and turned it around before sitting in front of her. Inabutan siya nito ng isang kahon ng tissue na hindi na niya tinanggihan. “Hindi ko alam na puwede rin palang maging maganda ang isang babae kahit namumula ang ilong sa pag-iyak.”

“Huwag mo akong bolahin, Lantis. Wala ako sa mood.”

“Hindi ako marunong mambola.”

“Eh, ano `yang ginagawa mo?”

“I’m admiring you.”

When she looked up at him, his cute chinky eyes were smiling at her and somehow, he was making her feel that same feeling again before she saw Henry and his woman. Lantis made her feel better about life. Napatitig na lang tuloy siya sa lalaki sa kabila ng pagsisintir ng kanyang puso. Posible nga kayang magkaroon ng cute na lalaki sa mundo? For her, anything that was cute was evil. Hindi ba cute din ang una niyang naging description sa demonyitong Henry na iyon?

“Tahan na.” He wiped her tears with the back of his forefinger. “Sa tingin ko kasi, mas maganda ka pa rin kapag hindi ka umiiyak.”

“Are you… falling for me… ?” O, `di ba? Lasog-lasog na ang puso niya dahil sa katatapos lang na kabiguan, pero nagawa pa rin niyang magmaganda.

Bakit ba? Bigo naman ako kaya pagbigyan n’yo na ako.

“I’m in love with someone else,” nakangiting sagot ni Lantis. “But I still think you’re pretty when you’re not shedding tears for some jerk who broke your heart.”

Hahanga na sana si Rinoa sa sinabi ni Lantis. Pero mas napansin niya sa mga mata nito ang kakaibang kislap. She couldn’t help noticing that tinge of sadness in his voice as he said those words.

“Niloko ka rin ba?”

“Nino?”

“Ng babaeng mahal mo.”

“Ah… no.”

“Bakit parang mukha ka ring bigo?”

“`Yon ba? Hmm… let’s just say na nagkataon lang na iba ang minahal niya at hindi ako.”

“May tumanggi pa sa mukhang `yan?” He smiled. But she just couldn’t forget that sadness in him. Iniabot niya ang box ng tissue. “Mukhang kailangan mo rin nito.”

“I’m fine. Ikaw, okay ka na ba?”

“Hindi pa.”

“Gusto mong ipabugbog ang boyfriend mong `yon?”

“Ex,” pagdidiin ni Rinoa. “Ayoko nang makialam pa sa kanya. Ni ayoko na siyang makita pa. Para sa `kin, hindi na siya nag-e-exist sa mundo. I-massacre sana siya ng babaeng `yon.”

“Rinoa.”

“Sorry. I just can’t help it. Kahit kailan, hindi ko inisip na may gagawa sa `kin ng gaya ng ginawa ni Henry.” Tumayo na siya. “I have to go.”

“You’re not going to go after that guy and do something bad to him, are you?”

“Pag-iisipan ko.”

“Rinoa.”

“Oo na.” Napabuntong-hininga siya nang malakas. “Siguro, in a way, ipinagpapasalamat ko na rin na nangyari ang nangyari kanina. At least nalaman ko ang totoong kulay ng hayup na tsekwang `yon kaysa naman patuloy akong maloko ng hinayupak na `yon. Hayup siya—”

“Rinoa.”

Tiningnan niya ang lalaki. Very tall, very handsome, very nice. That was billionaire boy Lantis Nakago. “Ang suwerte ng babaeng minahal mo. Tanga nga lang dahil hindi ikaw ang pinili niyang mahalin.”

“I’ll walk you to the elevator.”

Tinanggap na rin ni Rinoa ang alok at walang imikan silang naglakad papunta sa elevator. Tamang-tama namang pagdating doon, bumukas ang elevator at lumabas si Georgie bitbit ang isang baso ng tubig.

“Sister! Water! Drink na— Ay! May fafa!”

Lantis extended his hand. “You haven’t told me your name.”

Ininom ni Georgie ang dalang tubig, saka tinanggap ang kamay ni Lantis. “Ah… I-I’m Georgie.”

“Hello, Georgie. I’m Lantis Nakago.”

“I know. Oh, I know very, very well.”

“`Must be because of the magazine article, huh.”

“About the Billionaire Boys Club? Everyone knows about that bunch of hunky fafas, Mr. Nakago— Ouch!” reklamo ni Georgie nang palihim itong kurutin ni Rinoa sa tagiliran. “Bakit ba?”

“May mahal na siyang iba kaya huwag ka nang magpa-cute diyan.”

“Ay, kiber, teh!”

“Landi mo.”

“Mas malandi ka. Ano’ng ginawa n’yo at magkasama kayong dalawa?”

“Nagpanggap na magsyota.”

Tumikhim nang malakas si Lantis para kunin ang atensiyon nilang magkaibigan. “You must be Rinoa’s best bud,” sabi nito kay Georgie. “Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam niya kaya ikaw na muna ang bahala sa kanya.”

“Bakit? Nakatay na ba niya ang walanghiya niyang jowa?”

“Ex,” pagtatama ni Lantis.

“Tarush,” baling ni Georgie kay Rinoa. “May tagapagtanggol na ang lola ko.”

“I’ll get going,” sabi uli ni Lantis. “May hahabulin pa kasi akong flight at marami pa akong kailangang ayusin sa suite ko. Please take care of Rinoa, okay?”

“Okay.”

“Rinoa—”

“I won’t kill that jerk. I promise.” Bumukas na ang elevator at pumasok na silang magkaibigan. “Thank you. Ingat ka rin sa biyahe mo.”

“I will.”

Nakangiting kumaway pa si Lantis bago tuluyang magsara ang elevator.

Ilang sandali ring walang imikan silang magkaibigan, hanggang sa marinig ni Rinoa na mapabuntong-hininga si Georgie.

“Why can’t all men be like him?” her friend mused. “This world would be much better to live in.”

“You mean, mas masaya ka kasi mas maraming gaya ni Lantis Nakago na pagala-gala sa paligid mo.”

“Ikaw ba hindi sasaya sa gano’ng mundo?”

“Sabagay… ” Rinoa leaned back against the elevator’s cold steel wall. “He’s really nice. Alam mo bang sinabi rin niya kanina na maganda raw ako kahit umiiyak? Noong una kaming magkita, sinabi naman niyang bagay sa `kin ang kulay ko at hindi ko na kailangan ng mga whitening product.” Tumango-tango siya sa mga sinabi. “Yeah, he is nice.”

“Oh, my gosh, sister! Lantis Nakago likes you!”

“May iba nang mahal `yon, Geronimo.”

“May dyowa na siya?”

“Wala. Pero may mahal siyang iba.” Hinawakan na ni Rinoa sa braso ang kaibigan at iginiya palabas ng elevator nang bumukas iyon sa ground floor. Magaan na rin ang pakiramdam niya. “Kawawa naman ang mga babaeng magkakagusto sa kanya. Wala na silang pag-asa.”

“Kawawa naman akesh.” Exaggerated pang umiyak ang baklita. “`Buti ka pa nga may memories na kasama siya. At nasabihan pa ng maganda. Ako kaya, kailan?”

“Maghanap ka na lang ng ibang fafa. Not to mention marami ka pa ring reserbang prospects.”

“Grabe siya, o. Ano’ng palagay mo sa `kin? Hoarder ng pogi?”

“Oo.”

“Korek ka diyan, sister. Let’s see kung sino ang susunod kong gagawing ka-forever-and-ever-amen… ” Pinasadahan ni Georgie ng tingin ang cell phone para sa mga stock photos nito ng mga lalaki. “Here. Another billionaire boy. Zech Marquez. Pangalan pa lang, bagay na kami. So, sister— I mean, pinsan, kailan mo ako ipapakilala sa future baby loves ko?”

“Talagang gusto mong maagang kunin ni Lord?”

“Siyempre hindi. Pero gusto ko pa ring makilala ang pinsan mong `to. Free ako this whole week.”

“Marami tayong trabaho this whole week, bakla ka.”

“Makakapag-adjust tayo. Para naman ito sa future happiness ko, `di ba?”

“Kulit mo talaga, `no? I told you not to mess with Zech.”

“May sinabi ba ako?” Tumunog ang cell phone ni Georgie na agad naman nitong sinagot. “Hello, this is Cher. May I help you? Oh, no, no, no! I was just joking. Yes, this is Georgie Baltazar. Uh-huh... Uh-huh. Uh-huh. Okay. Bye.”

“Sino `yon?”

“Sofia Feliciano.”

“`Yong fiancée ni Denniz Serrano?”

“Gusto niyang ako ang mag-design ng gown niya para sa wedding niya. Ang kapal ng mukha ng bruha! Pagkatapos niyang agawin sa `kin si Papa Denniz.”

“You’re not going to accept that kind of client?”

“Ano ka ba, sister? Past is past. Bati na kami. Gusto mong sumama? I’ll meet her tomorrow for consultation.”

“I’m busy.”

“Baka `ando’n si Papa Lantis mo. Magkaibigan sila ni Denniz Serrano, `di ba?”

“Ewan ko sa `yo.”