noveltoon logo noveltoon
Lantis Nakago (The Billionaire Boys Club 6)

Chapter 5

Ch. 5 / 11 Nov 28, 2025

INISANG lagok ni Rinoa ang champagne sa baso habang pinagmamasdan ang mga magulang niyang abala sa pag-aasikaso ng mga bisitang paisa-isa nang umaalis. Successful ang grand opening ng bagong branch ng flower shop nila. Naging maayos naman ang lahat dahil marami na agad silang nakuhang regular clients para sa Buds and Twigs, ang kanilang flower business.

Masaya naman si Rinoa. Hindi nga lang kasinsaya ng inaasahan niya. Hindi kasi dumating ang isang tao na excited pa naman sana siyang makita ngayong araw.

Sayang ang bagong bili kong lipstick. Ang mahal pa naman.

“Rinoa, hija, hindi ka pa ba maghahanda sa pag-alis? Pasado alas-diyes na ng gabi.”

“Mauna na kayo ni Papa, `Ma. Isu-supervise ko pa ang caterer sa pagliligpit ng mga gamit nila.”

“Are you sure you’re okay, hija? Kanina ko pa kasi napapansin na parang medyo distracted ka.”

“Wala `to, `Ma.” Inilapag niya ang wala nang lamang baso. “Iniisip ko lang ang tungkol sa deliveries namin sa Mountain Province for a wedding occasion. Marami pa kasi akong dapat asikasuhin.”

“Sigurado kang `yon lang?”

“Yes, `Ma. Don’t worry, I’m fine.”

“Hola!” agaw ni Georgie sa atensiyon ng lahat ng nasa shop. Nakatingin ito sa labas ng glass door. “Look who finally decided to join the party.”

Kitang-kita ni Rinoa kung paano niluma ng isang pula at bagong-bagong Porsche ang lahat ng kotseng naka-park sa tapat ng flower shop nila. Hindi na rin niya kailangang manghula kung sino ang nagmamaneho ng magarang sasakyan. Ilang sandali pa, bumaba na mula roon ang guwapong-guwapong si Lantis bitbit ang isang bouquet ng bulaklak.

Nagkaroon tuloy ng munting komosyon sa loob ng shop dahil hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pag-usyoso sa bagong dating.

“Oh, my God! Si Lantis Nakago ba ang nakikita kong papunta rito?”

“The billionaire boy? Siya nga!”

“Hihimatayin na yata ako!”

“Ang panty ko, teh. Lumuwang yata ang garter!”

Dinig na dinig ni Rinoa ang impit na tilian at walang tigil na paghanga ng kababaihan, sa pangunguna ni Georgie. Pero imbes na makisali, lumapit siya sa pinto at ini-lock iyon, leaving Lantis outside.

“Sister! Bakit mo isinara ang pinto? Hindi makakapasok ang grasya!”

“Tapos na ang event, Georgie. Pauwi na ang mga tao kaya uuwi na rin `yan—”

“May sinasabi siya, Ma’am Rinoa!” sabi ng isa sa mga shop assistant. “Parang ano… parang… ‘I love you’ daw?”

Nagtilian na naman ang mga luka-luka. Pero malayo sa ‘I love you’ ang nakikita ni Rinoa na sinasabi ni Lantis sa kabila ng glass door.

“I’m sorry,” he visibly mouthed.

Humalukipkip siya. Then she saw him take out his cell phone and a few seconds later, her own cell phone was ringing. Pero imbes na sagutin, in-off niya iyon. Nag-dial uli si Lantis at sumunod na tumunog ang telepono sa flower shop.

Paano nalaman ni Lantis ang number ng flower shop?

Paglingon ni Rinoa, nakita niyang hawak ni Georgie ang isang puting papel kung saan nakasulat nang malaki ang telephone number ng Buds and Twigs. Pinandilatan niya ang kaibigan at saka ini-hang ang telepono. Nang tingnan uli niya si Lantis, laglag na ang mga balikat na tumalikod ito at lulugo-lugong naglakad pabalik sa kotse.

Muntik na niyang gibain ang glass door para pigilang umalis ang lalaki kung hindi lang niya naalala ang pagiging late nito sa usapan nila.

“Hoy, bakla. Bakit mo ba pinahihirapan si Papa Lantis?” tanong sa kanya ni Georgie. Lahat na yata ng kababaihan sa loob ng shop, handa na siyang sabunutan sa ginawa niyang pagtrato kay Lantis.

“He’s late.”

“Huwag ka ngang pabebe diyan. Papasukin mo na si Papa Lantis. Hindi ka ba naaawa do’n sa pogi? Mukhang galing pa sa langit `yon at siguradong pagod sa biyahe, `tapos ganyan pa ang isasalubong mo sa kanya? How dare you?”

“Who’s that young man?” tanong ng papa niya. Lumapit na rin ito at nakiusyoso. “Bago mong boyfriend?”

“Pa!”

“He’s one of the billionaire boys,” sabi ng mama niya. “He’s a lot cuter in person. I like him already, hija.”

“He’s not my boyfriend!”

“Kung gano’n, bakit ganyan kayo magtampuhan? Daig n’yo pa ang matagal nang mag-boyfriend.”

“Hindi kami nagkakatampuhan… ”

“Then invite the young man in. Mukha ngang sinubukan niyang humabol sa event. Pameriendahin naman natin siya kahit paano for his effort.”

“At habang nagmemerienda, puwede mo na rin siyang tanungin kung bakit siya na-late,” dugtong ni Georgie. “Baka nadisgrasya pa si Papa Lantis sa pagmamadaling makarating dito… Sister, kasalanan mo pa `yon kung sakali. Lagot ka kay Lord.”

`Kainis talaga ang mga tao minsan. Pero…

“Go on, hija,” sulsol pa ng mama niya. “Hindi masama ang magbaba ng pride paminsan-minsan. Makabubuti `yon para sa isang healthy relationship.”

“Wala nga kasi kaming relasyon.”

“Bonggels!” sambit ni Georgie na nagre-retouch na ng makeup, gaya ng ibang babae roon na pasimple na ring nagpapaganda.

May binabalak talaga ang mga ito. Papayag ba siya?

Neknek n’yo.

Napilitan na ring lumabas si Rinoa at sinundan si Lantis na pasakay na sa kotse. Nag-angat ito ng tingin at nagkasalubong ang mga mata nila. Her heart did a little somersault, for some unknown reason, and she almost turned back to lock herself inside the shop again. Mabuti na lang at naalala niyang naghihintay sa loob ang mga babaeng umaasang papalit sa puwesto niya nang mga sandaling iyon.

So she stayed put, planted her feet on the ground, crossed her arms over her chest, and told herself to just act… normal.

“I’m sorry I was late,” he said.

“Very late.”

“Yeah… ”

“Why?”

“I, ah… I got held up to a meeting. Medyo marami-rami ang kailangang i-discuss kaya na-extend ang oras namin.” Tumango-tango lang si Rinoa, hindi pa rin maganda ang mood. “I’m really sorry.”

“Sige, okay na.”

“You’re still not okay.”

“Okay na nga. `Kulit. Pumasok ka na sa loob at magmerienda sandali bago ka umalis. Ipinaghanda ka nina Georgie.”

“Thank you.” He moved aside and opened the door of his car to get something inside.

Noon napansin ni Rinoa ang makapal na gasgas sa pinto. “Napa’no `yan?”

“Hmm?” Sinundan ni Lantis ng tingin ang tinutukoy ni Rinoa. May hawak na itong boquet of flowers. “Ah. May nakagitgitan ako kanina sa highway sa pagmamadaling makahabol sa event ninyo. Don’t worry. Wala namang nasaktan at inasikaso na ng insurance company ko ang lahat.”

Naglahong parang bula ang lahat ng ikinasasama ng loob ni Rinoa. “Oh, my God! Okay ka lang ba? Hindi ka naman nasaktan?”

“I’m fine.” Nakangiti si Lantis at iniabot ang hawak na mga bulaklak. “Congratulations on your store opening.”

“Nakakahiya ang inasal ko… ” Gusto niyang lumuhod sa harap nito para humingi ng tawad sa kadramahan niya kanina.

“Come here, Rinoa.” Lumapit naman siya pero hindi pa rin niya magawang tingnan nang tuwid ang lalaki dahil sa kahihiyan. “You can tell me you’re sorry.”

“I am sorry.”

“Then you can kiss me.” Tumiyad siya at mabilis na idinampi ang mga labi sa pisngi ni Lantis. “Lady, no one on Earth would forgive you for that,” reklamo nito. He put the flowers on top of his car before turning to her. “May I?”

His smile faded from her vision as he dipped his head towards her and kissed her fully on the lips. In an instant, everything around her seemed to disappear. All her senses were alive and were only focused on one thing, rather, on one person. She felt herself soar as she tasted the sweet caress of his lips, breathed in the faint spicy scent of his cologne, and felt the gentle strength and warmth of his embrace.

She had never experienced anything like this before.

At kung kailan naman ipinapanalangin ni Rinoa na sana huwag nang matapos ang halik, saka naman unti-unting lumayo si Lantis. But then again, it was as if he didn’t let her go as he gazed at her with mystery in his smiling eyes.

“You’re forgiven.”

She matched his smile and wrapped her arms around his neck before she kissed him again.

“GOOD morning.”

Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Rinoa nang marinig ang suwabeng boses ng lalaking nasa kabilang linya ng telepono. Binitiwan niya ang inaayos na mga bulaklak. “Good morning to you, too, Lantis.”

“You really do have a lovely voice.”

She bit her lower lip to keep herself from screaming. Ang akala niya mga teenager lang ang kinikilig nang husto. Hindi pala. “Huwag kang ganyan, Lantis. Baka maniwala na ako niyan sa `yo.”

“Sinabi ko na sa `yo noon na hindi ako marunong mambola.”

“Okay. Sige, naniniwala na akong maganda ako.” Gaga talaga siya minsan, lalo na kapag lumalandi nang ganito. Landing teenager.

She never thought she would still experience such feelings. Akala niya naiwan na iyon noong kabataan niya. Pero… masaya pa rin palang maging “batang isip,” o magkaroon ng “batang puso” paminsan-minsan, having such pure, innocent feelings…

Pero walang innocent-innocent pagkatapos ng halikan nila kagabi. After that kiss last night, she knew their platonic relationship had just taken a new step. Kaya tinanggap na lang ni Rinoa ang kakaiba at espesyal na nararamdaman para kay Lantis. Hindi pa rin siya talaga totally sigurado kung ano ang ibig sabihin ng mga damdaming iyon. Pero sa ngayon, masaya siya sa mga nararamdaman para kay Lantis.

“Bakit ka nga pala napatawag?”

“Wala naman. Gusto ko lang marinig ang boses mo.”

She bit her lower lip to stop herself from screaming like a teenager. Kinikilig ako! Lord, help me!“Ang bakya mo, Lantis.”

Tumawa lang ito. “By the way, busy ka ba ngayon?”

“Bakit?”

“I’m on my way to your shop. Yayayain sana kitang mag-lunch. That is, kung hindi ka pa nagla-lunch.”

“I would like to accept that invitation. Kaya lang, may pupuntahan ako ngayong tanghali.”Istorbo talaga sa love life ang trabaho.

“Gano’n ba?”

“Yeah. You know how clients are.” Katatawag lang kasi ni Sofia at pinapapunta, or rather, inuutusan siyang magpunta sa Jaberu as soon as possible. May palagay siyang tungkol na naman iyon sa kasal nito.

That woman was such a hyperactive bride.

“Well, if that’s the case, hintayin mo na lang ako diyan. Ihahatid na kita ro’n.”

“Hindi ba nakakahiya? Hindi ka pa kumakain…”

“Sa Jaberu na lang ako magla-lunch. Kasama pa kita. Hindi nga lang sa iisang table.”

Ang landeh! Loveet!

“All right.” It was amazing how she could keep a calm voice while her heart and mind were in a riot. “I’ll see you here.”

“Twenty minutes,” he said. “I’ll be there in twenty minutes.”

Pagkababa ng telepono, tarantang hinagilap ni Rinoa ang mga gamit sa pagpapaganda.

Tumunog uli ang cell phone. Halos dakmain niya iyon para sagutin. “Hello?”

“Rinoa, it’s me again.”

“Oh, it’s you again.” Landeh mo rin, teh, `no? Arteh. Lahat may ‘h’ talaga. Para mas feel ang impact. Tinawanan lang niya ang sariling kagagahan. “Ay, sorry. Ah… bakit ka nga napatawag uli, Lantis?”

“Yeah, ahm… I think I may not be able to make it.”

Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. “Business?”

“Sort of.”

“It’s okay. Pareho lang naman tayong may business engagement ngayong araw. I’ll just see you… some other time.”

“Later,” pagtatama ni Lantis. “I absolutely want to see you later.”

Napangiti si Rinoa. “Okay. I’ll see you later.”

Tinitigan niya ang cell phone nang magpaalam na si Lantis sa kabilang linya. Walang dahilan para malungkot sa na-cancel nilang “date” ngayon. Magkikita naman sila mamaya.

“Pero… gusto sana kitang makita ngayon… ” Napabuntong-hininga na lang siya. Oh, well. Kailangan na niyang paghandaan ang sariling client meeting.

Automatic niyang dinampot ang whitening lotion sa drawer ng table. At para bang narinig niyang bigla ang boses ni Lantis nang mahawakan ang lotion.

“I think you’ll still be beautiful with your tanned complexion.”

Shoot sa basurahan ang whitening lotion nang ihagis niya roon.

No more whitening products from now on. Love the natural you, Rinoa Evaristo.

AGAD napansin ni Rinoa na walang ibang tao sa Jaberu kundi ang mga “mega couple.” Nandoon kasi ang mga member ng Billionaire Boys Club kasama ang kanya-kanyang asawa. Even her elusive cousin Zech was there, who was already drinking alone in the bar when she arrived. Hindi na nga lang niya nilapitan dahil halatang wala ito sa mood makihalubilo sa ibang tao nang mga oras na iyon. Kaya si Sofia na ang nagpakilala sa kanya sa mga tao roon bago sinimulan ang discussion tungkol pa rin sa kasal nito.

“Wala pa rin ba si Karina?” tanong ni Dunkey, ang cute at petite na writer na nagpasikat sa Billionaire Boys Club. “Nandito na si Zech, ah.”

“Zech, pare,” sabi ni Treize de Cordova. “Bakit nga ba hindi kayo magkasabay ngayon ni Karina? Noong nakaraang araw lang, may ibinalita pang maganda sa amin itong si Denniz.”

“Zech, totoo bang hinalikan mo raw si Karina sa harap mismo ng magsing-irog na ito?” tanong ni Pam, asawa ni Yeoji Buenzalido. Sina Denniz at Sofia ang tinutukoy nito. “If it’s true, then congratulations to you.”

“Where’s Karina anyway?” mukhang naiinip nang tanong ni Sofia. “Kanina ko pa siya tinawagan kaya dapat nandito na rin sila.”

“Ganda—”

“Sila?” singit ni Rinoa. “Akala ko ba, limang pares lang ang magiging entourage mo?”

“Oo. Sina Karina at Lantis ang tinutukoy ko. Magkasama silang pupunta rito. O, heto na pala sila.”

Awtomatikong napatingin si Rinoa sa mga bagong dating. The two looked very comfortable with each other, they looked cozy together and were gesturing at each other as if they had been together for a long time. They even looked perfect as a couple.

Couple…

Pakiramdam ni Rinoa, unti-unting nanlaki ang ulo niya habang lumilinaw ang isang bagay na matagal na niyang pinag-iisipan. Ang tungkol sa babaeng bumihag sa puso ni Lantis Nakago.

Si Karina ba iyon?

Ayaw niyang tanggapin. Pero pilit nagsusumiksik sa isip ang idea at hindi na maitanggi. Karina was pretty, and Rinoa knew her because of some business they had before. She was nice.

Bagay na bagay sa isang tulad ni Lantis Nakago.

“Oh, good. Kompleto na ang lahat,” sabi ni Sofia para makuha ang atensiyon ng lahat. “Let’s move on to my important assignment. My bridesmaids are Dunkey, Atasha, Pam, and Rinoa. Karina, I’m sure, kilala mo na ang pinsan ni Zech na si Rinoa, korek?”

May itinanong pa si Atasha, ang asawa ni Treize, pero hindi na iyon masyadong naintindihan ni Rinoa. Nakatingin lang siya kay Lantis, na para bang wala man lang pagsisisi sa mukha na hindi nito sinabi sa kanya na sa Jaberu rin pala ang punta nito.

“I think I may not be able to make it.’”

Kung gano’n, ang “business” na naging dahilan ng pag-cancel ni Lantis sa lunch date nila ay si Karina, na wala naman kay Lantis ang atensiyon kundi na kay Zech na mag-isa pa ring umiinom sa bar.

Ang tanga mo talaga, Lantis! sigaw ni Rinoa sa isip. Sinabi ko na sa `yong huwag kang mag-aksaya ng oras sa isang taong hindi ka naman mahal. Look at her! Hindi mo ba nahahalata na si Zech ang gusto niya? She’s in love with my cousin, you handsome creep! Sinabi mong maganda ako kaya bakit hindi mo na lang ibaling sa `kin ang pagtingin mo? I know you like me in some ways. Damn! I can’t believe I’m talking to myself!

“Okay, people,” sigaw ni Dunkey, saka inihanda ang camera. “Say ‘sex’!”